Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

"SINABI ko na kay Tita Mati na papalitan ko ang cake bukas," nakatawang habol pa ni Santillan. Pinigilan nito ang pagsasara niya ng gate. "Nilusot ko lang na nagkamali ng bigay ang isa sa mga staff ko."

"Wala akong pake." Akmang isasara na niyang sapilitan pero matindi talaga ang will power nitong si Santillan. "Bitaw."

Ngumisi ito. "Hindi ka man lang ba na touch sa ginawa ko? Sige na aminin mo nang kinilig ka." Marahas niyang binitiwan ang hawak niya sa gate. Kamuntik pa 'yong tumama sa noo ni Santillan. "Sweet talaga nito." He laughed and then sumeryoso na mukha nito. "Magpupuyat ka na naman ba ngayon?"

"Puyat ka riyan? Hindi pagpupuyat ang trabaho ko."

"Vel, sinabi mo ba sa doctor mo na night shift ka? Hindi ba makakasama sa baby natin ang schedule ng trabaho mo? Mag-resign ka na lang. Ako na bubuhay sa'yo."

"Concern 'yan?"

"Seryoso ako."

Mukha siyang pera pero kung si Santillan na lang din bubuhay sa kanya. No, thanks. Mas matigas pa sa bareta ang pride niya.

"Wala namang masama sa trabaho ko. Nakakatulog pa naman ako nang tama. Saka, pwede ba, Santillan? Huwag kang maging sweet sa'kin. Kinikilabutan ako."

Isang pilyong ngiti ang sumilay sa mukha nito. "So you find my gestures sweet?"

Her forehead creased. "Mamamatay ka ba na 'di nasisira ang araw ko lagi, Santillan?"

Natawa ito. "Una sa lahat, Novela, gabi na. Pangalawa, ikaw lang nag-iisip na sinisira ko ang araw mo. My advice, sanayin mo na ang sarili mo sa'kin dahil sa'kin ka pa rin babagsak. At sinasabi ko sa'yo, sinumpa ko na 'yan sa bato ng Magellan's Cross. Sa susunod na araw isusumpa ko na rin 'yan sa statue ni LapuLapu sa Mactan."

"Kung ikaw kaya ang isumpa ko, ha?!" asar niyang tanong. "Umuwi ka na nga. Shoo!" pagtataboy na niya.

Ngumiti lang ulit ito ng pilyo. "Wala man lang bang pa goodnight kiss diyan?"

"Kilabutan ka nga!" she hissed. Napalingon siya sa bahay. Wala namang tao kaya nang ibaling niya ulit ang tingin kay Santillan ay sinipa niya ito sa binti.

"Shit!" Napayuko at napahawak ito sa nasaktang binti.

"Umuwi ka na kung ayaw mong bugbugin kita rito."

Napahawak ulit ito sa gate. "Walangya! Ang hirap mo talagang mahalin, Novela." Ngiting aso lang ibinigay niya rito. Hindi pa rin natitibag ang ngiti nito kahit sinipa na niya. "Nga pala," umayos ito ng tayo, "nakapag-checkup ka na 'di ba?"

"Oo, bakit?"

"Nabili mo na ba lahat ng mga niresita sa'yong vitamins? Noong tinanong ko si Spel sabi niya hindi mo raw binili lahat."

Ang traydor talaga ng walangya! Hindi lang si Santillan ang gugulpuhin niya. Pati si Gospel Grace.

"Kinulang ang pera ko. Binili ko lang ang importante. Pero bibilhin ko naman ang mga 'yon."

"Akin na. Ako na bibili." Napakurap siya. Ang seryoso ng mukha ni Santillan. Parang ang hirap sirain ang mood. "Responsibilidad ko naman 'yan."

"May pera ako –"

"Alam ko na mas mayaman ka pa ni Bill Gates." Kumunot lang ang noo niya rito. "Ako ang ama. Ako ang magpa-provide para sa inyo."

"Wow! Dapat na ba kitang patayuan ng rebulto sa tabi ni LapuLapu?"

"Na nakabahag din?"

Hindi niya napigilan ang tawa. "Gago."

He smiled. "Matagal ko nang alam. Sige na, ibigay mo na sa'kin. Huwag ka nang mahiya. Makapal naman mukha mo."

"Sikmuraan kaya kita?"

"Joke lang," he chuckled.

"Nasa kwarto ko pa. Kukunin ko lang," suko na niya para lumayas sa harap niya si Santillan.

Akmang tatalikuran na niya ito nang hawakan siya nito sa braso. "Aakyat ka pa?"

"Hindi bababa."

Natawa ito. "Cute mo talaga." Masama ang tingin niya sa kamay nitong nasa braso niya kaya binitiwan siya nito. He cleared his throat. "Anyway, bukas ko na lang kukunin. Daanan ko na lang. Baka mapagod ka pa."

"Aakyat lang ako ng kwarto 'di naman ako aakyat ng Mount Everest."

"Basta. Bukas na. Pahinga ka na. Mag-resign ka na rin."

"Aalis kami bukas at naka leave ako ngayon kaya maaga akong matutulog."

Kumunot ang noo nito. "Hindi mo naman ako lalayasan at magpapakita ka sa'kin after seven years?"

Pati siya ay kumunot din ang noo. "Saan mo na naman 'yan narinig?"

"Kay Gospel."

Ang babaeng 'yon talaga. Kakalbuhin ko na 'yon. Napakadaldal. 

"Ano pa bang mga sinabi niya sa'yo?"

Ngumisi ito. "Madami pero 'di ko sasabihin." Nanggigil siya. Nanggigil siya sa dalawa. Nangangati 'tong kamao niya. "Nga pala bukas, kung 'di mo ako lalayasan. Saan ka naman pupunta?"

"Magsi-Simala sila bukas. Ako magda-drive."

"Anong ikaw ang magda-drive?!"

"Ako nga. Nakapangako na ako matagal na. Saka masakit mga binti ni Tito Pear. Walang ibang magda-drive."

"Maria Novela, pinapaalalahan kitang buntis ka. At sasabihin mo sa'kin na ikaw ang magda-drive? Ang layo nun dito. That's three hours away, times two dahil pabalik ganoon din. Don't be stupid. Sabihin mo, 'di ka puwede. Mag-hire na lang sila. Hindi ako papayag."

"Alam mo bang mas madami ka pang pinagbabawal kaysa sa mismong doctor ko, Santillan?"

Na-e-stress na naman siya. Kaya ayaw niya 'tong kausapin si Santillan. 'Di sila nagkakaintindihan.

"Hindi ako papayag."

"Bukas na nga ang alis. Ang kulit. Bahala ka sa buhay mo." Nilayasan na niya ito. "Ikaw na mag-lock ng gate."

"Hoy Nobela!"

"Go to hell!"

"Tsk!"


NALUNON niya ang hikab nang paglabas na paglabas niya ng bahay ay nakita niya si Santillan. Teka, anong oras na ba? Pagtingin niya sa relo sa kamay ay 4:30 am pa. Anong ginagawa nitong si Santillan nang ganitong oras? Bihis na bihis at bagong ligo pa.

Lumapit siya rito, nakatayo ito sa harap ng puti na van.

"Ano na namang drama 'to Santillan?"

Humalukipkip siya. Medyo nilalamig pa rin talaga siya kahit makapal naman na ang tela ng suot niyang ternong dark grey hoodie sweatshirt and pants. Pinarisan niya 'yon ng puting sapatos. Medyo basa pa ang maikli niyang buhok.

Ngumisi lang ito. "Matigas ang ulo mo e. You leave me with no choice."

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Anong ginawa mo?" may pagbabanta sa boses na 'yon.

Sakto namang dumating ang mama niya. "Word, mag-breakfast ka muna sa loob. Pinagtimpla kita ng kape at may bam-i pa akong iniwan doon."

"Salamat po, Tita Mati. Medyo nagugutom na nga ako. Hindi na po ako tatanggi." Nginitian pa siya ng walangya bago sila nilayasang mag-ina.

"Aray!" daing niya nang hampasin ng nanay niya ang braso niya. "Ano na naman kasalanan ko? Shuta!" Hinimas-himas niya ang nasaktang braso.

"Sinabi sa'kin ni Santillan na tatalon ka raw sa Mactan bridge kapag 'di siya pumayag na palitan ka sa pagda-drive." Napamaang siya. Ang hinayupak! "Bakit kasi 'di mo na lang sinabi na ayaw mo?"

Teka, tinawag bang Santillan ni Mama si Santillan?

"Hindi sa ayaw ko –" Napakademonyo talaga ng isang 'yon! Ginamit pa siyang alibi. Nakakagigil sikmurain.

"Inabala mo pa si Word. Napakabusy nun na tao."

"E sa ginusto niya 'yon," inis niyang sagot. "Gusto niyang mag-drive e. 'Di pag-drive-in n'yo hanggang sa dulo ng mundo – aray!"

Hinampas na naman ang braso niya. Ang bigat-bigat pa naman ng kamay nitong si Matilda. Tangina talaga! Hindi na siya nagmumura verbally at ayaw niyang marinig ng baby.

"Ikaw naman ang pumilit."

"Hindi ko siya pinilit!" Iniwan na niya ang ina at bumalik sa bahay.

"Hoy, Novel! Hay naku, 'tong batang 'to! Novela!" Sinundan siya nito.

Binilisan niya lakad.

Ang aga-aga na-e-stress na naman siya.

NAKATULOG yata siya sa kalagitnaan ng byahe. Nasa front seat siya nakaupo katabi ni Santillan. Sa likod sana siya pupwesto pero gugulpuhin na naman siya ni Matilda kapag daw iniwan niya si Santillan. Gusto nitong magsalitan sila ni Santillan sa pagda-drive na sinabi na niya rito kaso ang hudyo ayaw makinig. O, 'di tinulugan na lang niya.

Pero kanina pa talaga masama ang pakiramdam niya. 'Di niya alam kung sa amoy ng aircon o dahil nagugutom na naman siya. Para siyang sinisikmura na ewan. Nangangasim ang tiyan niya. Gusto niyang sumuka. Hindi naman siya ganoon dati kapag bumabyahe. Pero nako-kontrol pa naman niya. Nadala sa tulog.

"We're here!" anunsyo ni Santillan.

Napatingin siya sa oras sa dashboard. Alas otso na nang umaga. Napalunok siya. Nanlalambot katawan niya. Tangina 'yan! 'Di niya alam ang nararamdaman niya nang mga oras na 'yon. Pati mga daliri niya, 'di niya masyadong maramdaman ng lakas.

Binasa niya ang labi at hinablot ang bottled water sa gilid. Hindi naman siya nauuhaw pero ang dry ng lalamunan niya. Kumikirot din nang bahagya ang sintido niya.

Kanya-kanya namang labas ang mga tao sa passenger seat. Shuta! Kung 'di umepal si Santillan ngayon ay baka saan na pinulot 'tong van nila. Latang-lata ang pakiramdam niya. 

"Vel, you okay?"

Nag-thumbs-up lang siya rito bago binuksan ang pinto sa gawi niya. Pero wrong move dahil pakiramdam niya ay lumulutang siya. Gusto niyang magmura. Huminga lang siyang malalim at pinakalma muna ang sarili. Medyo bumabalik naman ang lakas niya kaunti.

Okay pa siya hanggang sa makalagpas sila sa entrance. Nakasunod lang sa kanya si Santillan dahil silang dalawa naman ang nahuli. Kaso ang init. Tirik na tirik ang araw sa may bridge pa lang paakyat sa mismong simbahan. Hindi pa siya nagdala ng payong at hoodie lang ang pinantakip niya sa ulo.

Nahihilo na talaga siya.

Ang dami pang tao.

Pakiramdam niya umiikot ang mundo.

"Vel..." Naramdaman niya ang biglang pag-alalay ni Santillan sa kanya.

"Nahihilo ako."

"Sabi ko na e."

Napakapit siya sa braso nito. "Sina Mama?" Ipinikit niyang mariin ang mga mata. Nanlalabo na paningin niya. Ang init-init pa. Baka makita sila ng pamilya.

"Malayo na sila." Umakbay na talaga ito sa kanya at dahan-dahan siyang pinihit pabalik sa dinaanan nila kanina. "Let's go back. Bago ka pa mahimatay rito."

Tumango na lang siya. Wala na talaga siyang lakas na makipag-argumento rito.

"Can you still walk?"

She nodded. "Alalayan mo lang ako."

"Okay."

Nakaalalay lang ito sa kanya hanggang sa makabalik sila sa parking space. Binuksan nito ang pinto sa passenger seat at pinaupo siya roon na nakaharap sa labas. Isinandal nito ang ulo niya sa back rest at in-recline 'yon nang kaunti. Nanatili pa ring nakapikit ang mga mata niya.

"How are you feeling right now?"

Narinig niyang tanong nito pero parang lumipat ito sa kabila. Narinig niya ang pag-slide left ng pinto sa kaliwa niya. Naramdaman niyang may tao sa likod niya pero mas nakasagap siya ng preskong hangin dahil bukas na ang mga pinto.

"Nasusuka ako pero 'di ko alam paano masuka..."

Bahagya itong natawa. "Ano ba talaga?"

"Kasalanan mo 'to," inis niyang sabi.

"May morning sickness ka na ba?" malumanay na tanong nito.

Naramdaman niya bigla ang kamay nito sa balikat niya. Dahan-dahan siya nitong pinihit hanggang sa maisandal nito ang ulo niya sa balikat nito. Halos nakayakap na ang isang braso nito sa kanya. Natatakot lang siyang imulat ang mga mata at baka umikot na naman ang mundo niya.

"Ito na yata 'yon."

Hinawakan nito ang isa niyang kamay at pinisil-pisil 'yon. Lalo na ang pagitan ng hinlalaki at hintuturo niya.

"Tapos ang lakas-lakas ng loob mong mag-long-drive kagabi."

"Kasalanan mo naman kung bakit ako nagkakaganito." Mahal niya ang baby niya pero kasalanan pa rin ni Santillan ang lahat kaya siya naghihirap. Ino-normalized lang niyang isisi lahat ng paghihirap niya kay Santillan. "Shuta talaga!"

"May white flower ka ba?"

"Nasa bulsa ko." Kinapa nito ang bulsa niya. Kaso kung saan-saan napupunta ang kamay nito. "Ayusin mo pagkapa mo, Santillan."

Natawa ito. "Found it."

Mayamaya pa ay naamoy na niya ang white flower. Bumuti-buti na ang pakiramdam niya. Hindi naman kasi mainit ang puwesto ng sasakyan at malakas ang hangin doon dahil sa mga puno. Nakakahinga siya nang maayos.

"Paano na lang kung wala ako?" basag nito. "Sino mag-aalaga sa'yo rito?"

"Huwag mo nang ipaalala."

"Ang tigas kasi ng ulo mo."

"Wala namang malambot na ulo." Ilang segundo rin silang binalot ng katahimikan bago ulit siya nagsalita. "Bakit alam na alam mo ang ganito?" may pagdududa sa boses niya. Ang pagpisil pa lang nito sa kamay niya, medyo nakakaduda na. Parang sanay na sanay na ito. "May iba ka pa bang binuntis bukod sa'kin?"

"Grabe 'to! Masama na't lahat ang pakiramdam mo pero ang pangit pa rin ng tingin mo sa'kin. Masyado mo kasi akong hinuhusgahan pero 'di mo alam ang mga bagay na kaya kong gawin. At saka, huwag kang mag-alala. Nasa sa'yo ang panganay ko... at ang mga susunod pa." Tumawa ito pagkatapos.

"Gago!"

"Babaero ako, oo, pero maingat ako, Vel. Sa'yo lang ako nag-all-out," he chuckled. "O, kita mo? Nakabuo agad tayo kahit 'di pa tayo nagkakaroon ng character development."

"Ikaw lang walang character development."

Tawang-tawa ito. "Huwag ka nang mahiya. Isama mo na rin sarili mo. Napakajudgmental mo pa namang tao."

"Tutang ina mo!"

"Himala, 'di ka na nagmumura nang malala. New life?"

"Ayaw kong marinig ng baby na nagmumura ako. Bakit ba?"

"Naks, ang sweet naman ni Mommy Vel. Sana sa'kin din."

Inimulat niya ang mga mata at iniangat ang mukha rito. "Asa ka pa."

"Okay ka na ba?"

"Medyo... nagugutom lang ako... gusto ko bigla ng chicharon sa Carcar."

Natawa ito. "Iba talaga cravings mo. Napakadetalyado. May point of origin lagi. Buti malapit lang ang Carcar dito. Baka gusto mong bilhin ko na rin buong tindahan?"

"Hambogero!"

Lalo itong natawa. "Gwapo naman."

"Seryoso? Bakit ang daming nagkakagusto sa'yo?"

He smirked. "Sweet akong tao."

"Maniniwala lang ako kapag kinagat ka ng madaming langgam. 'Yong pulang-pula para ramdam ang sakit."

"Ouch. Pero pwede namang ikaw na lang ang kumagat sa'kin para malaman mong sweet talaga akong tao."

Napalayo na siya rito. But he didn't let go of her hand. "Hoy, nasa simbahan tayo ta's ganyan mga pinagsasabi mo."

"Kaya nga inaalok kita ng kasal para 'di na tayo magkasala. At least, kung maglandian man tayo, may basbas ng simbahan."

Napangiwi siya. "Bumabaliktad na naman ang sikmura ko."

"Biro ba 'yan o totoo?" Na alarma ito.

"Sana biro na lang para matadyakan kita!"

Tuluyan na niyang binawi ang kamay mula sa pagkakahawak dito at lumabas ng van. Nasusuka na talaga siya.

"Hoy Vel! Shit!"

Hawak niya ang tiyan at sapo niya ang bibig hanggang sa makahanap siya ng lugar kung saan walang makakapansin sa kanya. Medyo madamo lang ang bahaging 'yon. Nasundan naman siya ni Santillan.

Hindi na niya napigilan at nasuka na talaga siya.

"Okay ka lang?"

He rubbed her back gently.

"Mukha ba akong okay, ha?" singhal niya rito.

Halos laway lang naman 'yon. Hindi niya kakayanin kapag pati mga kinain niya kanina ilabas niya. Hindi naman siya madaling mandiri. Mas sensitive talaga siya ngayong buntis siya. Lahat ng mga ayos lang sa kanya noon ay hindi na umaayon sa kanya ngayon.

May luha nang umalpas sa mga mata niya.

"Kasalanan mo talaga 'to, Santillan." Nasuka ulit siya. May kung anong umaakyat sa lalamunan niya na 'di niya mawari. "Isusumpa... talaga... kita... habambuhay."

"O, sige na, sige na, kamuhian mo na ako habambuhay."

"Gagawin ko talaga 'yon! Hayop ka!"

"Anong klaseng hayop? 'Yong wild ba?"

"Santillan!"

He chuckled, "Anak, kalmahan mo lang muna riyan sa tummy ng mommy mo. At ako ang magugulpi ng mommy mo."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro