Chapter 7
Gospel Grace Trinidad
Ano nasabi mo na?
Vel Martinez
Hindi pa nga! Nainis ako! Gago talaga!
Gospel Grace Trinidad
Gaga ako! Hindi gago!
Vel Martinez
Hindi ikaw!
Gospel Grace Trinidad
Ayusin mo walangya tooo! Wait
i-send mo saken yong ultrasound
ni baby mo
Vel Martinez
Bakit?
Gospel Grace Trinidad
Ipapa tarp ko duh 🙄
Vel Martinez
Gaga!!
Gospel Grace Trinidad
HAHAHAHAHA!
Joke lang sige na ilapag mo na rito
patingin lang ulit
Vel Martinez
Hay naku! Sige wait picture an ko
Kinalkal niya mula sa bag niya ang pregnancy booklet niya. Naalala niyang doon niya inipit ang sonogram photo. Ah, 'to. Nakita na niya. Kukunan na sana niya ng picture kaso tunog nang tunog ang notification bell ng cell phone niya.
"Ang babaeng 'yon 'di man lang makapaghintay."
Dinedma niya na ang tunog at dinampot ulit ang cell phone saka pinicture-an at sinend dito ang picture. Hindi na niya hinintay na mag-reply si Spel. Ibinaba niya ulit ang cell phone sa kama at tinitigan ang sonogram.
Naiinis pa rin talaga siya sa nakita niya kanina. Pakiramdam niya ay siya ang nasasaktan para sa anak niya. Alam niya rin ang pakiramdam na magkaroon ng walangyang ama. She didn't want the same for her child. Takot lang siguro siya noong una niyang malaman na buntis siya dahil nga bago sa kanya ang lahat. The idea of being a mother all of a sudden felt surreal for her.
Paano kung 'di siya maging mabuting ina? She was not as gentle and soft like her mother. Mabagsik siya at parang laging naghahamon ng away. Naisip niya, will this child like me?
Ayaw na ayaw niyang ipinagpipilitan ang sarili. She already did that before at wala namang nangyari. Nasaktan lang siya. Siguro mas maganda na huwag na lang makilala ng bata ang ama nito para hindi ito masaktan. Santillan will never be ready to become a father. Ang gusto lang nito lagi ay ang mambabae at makipagharutan sa mga babae nito sa kama.
She didn't like a stressful life like that.
Bigla siyang naiyak. Pakiramdam niya sa inis, galit, at frustrations niya simula pa kanina. Tangina naman oh! Mabibilang sa kamay na umiyak siya. She did cry when she lost her virginity. Late na 'yong nag-sink-in sa kanya, but deep inside she felt that she had lost something in her na 'di pala niya kayang mawala. Pero wala siyang ibang ma blame kundi ang sarili niya. She got drunk and she let him. Kahit i-normalize pa niyang isisi lahat kay Santillan ang lahat ay alam niyang ginago niya rin ang sarili niya.
Tunog nang tunog ang cell phone niya. May tumatawag.
Marahas pinunasan niya ang mga luha. "Tangina naman Gospel!" Dinampot niya ang cell phone na hindi tinitignan ang pangalan ng tumatawag. Dumiretso agad ang mata niya sa accept call at dinikit ang phone sa tainga niya. "Ano na naman?!"
"What the hell?!"
Napakurap siya. "Anong what the hell?!" Walangya, bakit boses 'to ni Santillan? Inilayo niya ang cell phone pero unknown number ang pumatak. Ibinalik niya sa tainga ang cell phone. "Bahala ka sa buhay mo!" In-end call niya ang tawag. "Gago ka! Huwag na huwag mo akong tatawagan. Naiinis ako sa'yo! Magsama kayo ng babae mong 'di marunong magplantsa ng damit! Bumalik siyang kinder."
Itinapon niya ang cell phone sa kama pero tumunog na naman ulit 'yon. Hindi sana niya dadamputin ulit kaso pangalan at number na ni Spel ang nag-register. Bumuga siya ng hangin at sinagot ang tawag.
"Oh, bakit na naman?" may inis na sa boses niya.
"Hoy, saan na 'yong picture? 'Di mo pa sinesend sa'kin, anong petsa na?"
Kumunot ang noo niya. "Anong 'di sinend? Kanina ko pa sinend sa messenger. Tignan mo. Baka mahina lang signal mo kaya 'di nag-load."
"Mas malakas pa Wi-Fi connection namin kaysa sa inyo. Tignan mo nga messenger mo baka kung kanikanino mo 'yan na send."
"Ikaw lang naman ka chat ko."
"Hindi mo sure."
Ang weird nun. Sino naman pagse-send-an niya? "Wait, tawagan kita ulit. Tignan ko lang." She hit the end call at binalikan ang messenger niya. Napalunok siya nang makita ang pangalan ni Santillan sa isa sa mga pinakalatest thread niya roon. Pangalan ni Gospel ang nasa unahan. Pumangalawa ang kay Word Santillan pero tangina 'yong, you send a photo 1 minute ago to Word Santillan.
"Yawa!" singhap na mura niya.
Nanginginig ang mga kamay na in-check niya kung bakit kay Santillan 'yon na send. Nagpapanic na siya. Si Spel lang naman kasi ang ka chat niya kanina. Anyareeee??
Nang buksan niya ang messages nito ay napansin niyang puro latest messages pala lahat 'yon.
Word Santillan
Let's talk.
Hey Vel! pupuntahan kita riyan sa bahay mo.
Novela!
Novela!
Ah bahala ka sa buhay mo!
Novela kausapin mo ko!
Kapag di ka nag-reply I'll take that as a yes!
Vel Martinez
Sent a photo
Word Santillan
What is this?
Vel?
Shit! Vel are you pregnant?!
"Oh shit!" Nabitiwan niya ang cell phone.
Tutang ina! Halos magkasabay pala ang messages nito at ni Spel kaya pala tunog nang tunog ang messenger niya. At dahil nga gaga siya at saktong messages ni Santillan ang nasa unahan ay kay Santillan niya na send ang sonogram. Pigil niya ang mapasigaw. Gusto niyang panggigilan ang sarili niya.
Okay, Vel don't panic. Tinapik-tapik niya ang mga pisngi. Just be cool. Kalma, si Santillan lang 'yan. Huminga siyang malalim at bumuga ng hangin. Tumayo siya mula sa kama at tinungo ang bintana para lang mapatago nang makita ang marahas at nagmamadaling paglalakad ni Santillan mula sa bahay nito papunta sa bahay niya.
Gusto niyang tumalon sa bintana, no joke! Ang gaga mo kasi, Maria Novela! Sa lahat? Sa lahat? Pagse-send na nga lang ng photo ay 'di mo pa magawa nang maayos? Tinakbo niya ang distansiya ng bintana at pinto para ma-i-lock ang pinto. Hindi naman gaanong malayo pero hiningal siya. Ang lakas pa ng tibok ng puso niya.
"Shutang buhay 'to oh! Red flag talaga sa buhay 'tong si Santillan," nakangiwing reklamo pa niya. Hawak pa rin niya ang knob ng pinto.
Idinikit niya ang tainga sa katawan ng pinto para marinig ang galaw sa labas. May nag-uusap sa ibaba pero 'di niya malinaw na marinig. Pero sigurado na siyang isa sa boses na naririnig niya ang boses ni Santillan.
Mura na siya nang mura. Seryoso dapat na talaga niyang bawasan ang pagmumura dahil maririnig na siya ng anak niya. Pero 'di muna ngayon. Hanggat 'di nawawala sa landas niya ang ama ng batang dinadala niya.
Nagitla siya nang marinig ang mabibigat na tunog ng mga yabag ng mga paang paakyat ng hagdan. Lumayo siya sa pinto. Mukhang mag-isa lang ito dahil sure siyang si Santillan lang 'yon. Mayamaya pa ay tumunog ang knob at pumipihit pero 'di 'yon mabuksan mula sa labas. Napalayo ulit siya nang marinig ang tatlong mabibigat na katok mula sa labas.
"Vel," boses 'yon ni Santillan, seryosong-seryoso. "Novel, buksan mo 'to." Kalmado pero napakaseryoso. Utang na loob, Novela! Bakit takot na takot ka kay Santillan? "Vel, kapag 'di mo 'to binuksan... alam mo na kung anong gagawin ko... bubuksan mo 'to... o sasabihin ko sa kanila ang totoo?"
Tangina mo talaga Santillan!
Nanggigil na nagmartsa siya sa direksyon ng pinto. Marahas na pinagbuksan niya ito saka hinaklit ang kwelyo ng suot nitong T-shirt at hinila papasok ng kwarto niya. Pinakawalan lang din niya ito na para bang isang plastic ng basura. Narinig pa niyang nagmura at napaigik ito sa sakit. Pero dinedma lang niya. Siniguro niyang wala sa paligid ang mama at tiyo niya bago in-lock ang pinto.
Pagbaling niya ng tingin kay Santillan ay nakasandal ito sa pader, hilot-hilot ang leeg. Namumula ang balat nito sa parteng 'yon.
"Yawa ka talaga, Vel!" reklamo pa nito.
"Pangalawa sa'yo!"
Umayos ito ng tayo at tinignan siya nang seryoso sa mga mata. Napalunok siya. Kahit kailan hindi pa siya natakot sa isang Word Santillan pero sa mga oras na 'yon parang ibang Santillan ang nasa harap niya. Nanunusok ang mga tingin nito. Kung nakakasapak lang ang tingin ay baka kanina pa siya tumilapon sa bintana.
Vel, huwag kang papatalo riyan. Tandaan mo na mas importante ang desisyon mo kaysa sa kanya. Sperm lang ang ambag niya. Sa'yo pa rin ang siyam na buwang paghihirap.
"Tell me," simula nito. "Kaya ka ba nagpunta kanina sa TADHANA para sabihin sa'kin na," lumapit ito, "na buntis ka?" pabulong na tanong nito. Napatingin ito sa pinto bago ibinalik ang tingin sa kanya.
Matapang na sinalubong niya ang mga nanunubok nitong mga tingin. "Hindi, pumunta ako roon para mag-milktea," pabalang niyang sagot.
Pansin niya ang pag-igting ng panga ni Santillan, halatang nagpipigil ng gigil. Wala itong magagawa. She will not make it easy for him. Matirang matibay. Umuwi ang pikon.
"Vel, seryoso ako."
"Mukha ba akong nagbibiro?"
Bumuga ito ng hangin at marahas na naisuklay ang isang kamay sa buhok. Naniningkit na ang mga mata sa kanya. "Then explain to me about the picture. Anong tingin mo sa'kin tanga? Alam ko kung ano 'yon."
"Oh, 'di wow! Matalino ka naman pala e. Bakit ko pa i-explain?"
Naglapat ang labi nito at pansin niya ang pangunguyom ng mga kamao nito. She just innocently looked at him. Desido siyang pigtasin ang pasensiya ni Santillan.
"Vel, seryoso ako." Bumaba ang tingin nito sa kanyang tiyan. "If you're carrying my child, then we have to seriously talk about us." Umangat muli ang tingin sa kanya. "Dahil wala akong plano na magkaroon ng bastardong anak."
Uminit bigla ang bumbunan niya. "Tangina ka ah! Anong gusto mo?" Hindi pa siya nakasigaw nun. Baka marinig pa sila sa labas. Nagpipigil din siya. "Ipalaglag ko ang bata? Ikaw na lang una kong ilalaglag sa bangin."
"It's not what I meant. Pwede ba, Novela, mag-usap tayo nang matino."
"Kinakausap kita nang maayos. Ikaw 'tong nanggigigil." Binigyan niya ito nang masamang tingin saka padabog na naglakad papunta sa kama niya. Naiinis na siya. Gusto na niyang itulak sa bintana si Santillan. "Ang pangit mo!" dagdag pa niya.
Naupo siya sa gilid ng kama.
Lumapit ito sa kanya. "Vel," medyo lumamlam ang ekspresyon ng mukha nito, nariringgan na niya ng kalma. Pero inis pa rin siya kaya iniwas niya ang tingin. "Hear me out, just this time." Hindi niya inangat man lang ang tingin dito. "I know you don't like me," he continued. "But this is not something we should ignore. You're pregnant and that kid is also my child."
"Huwag kang mag-alala wala naman akong balak na gambalain ka. Pwede kang lumandi hanggang sa gusto mo at wala kang maririnig ni isang reklamo sa'kin o sa anak ko."
"Anak natin."
Marahas na ibinaling niya ang tingin dito. "Anak ko lang. Nagkataon lang na ikaw ang ama. Pero 'di niya kailangang malaman 'yon." Baka pag-isipan na talaga niyang lumayo para 'di na makita si Santillan pero tang'na walang originality mapapagod lang siya.
"Hindi ako papayag. Anak natin ang batang 'yan. Responsibilidad ko na kayong dalawa."
"Hindi mo kami responsibilidad. Doon ka sa babae mo."
"Wait? Huwag mong sabihing umalis ka kanina dahil nakita mo kaming dalawa ni Tiffany?"
"Buti tanda mo pangalan ng babae mo."
Natawa ito. "Seryoso ka ba talaga, Vel? Inisip mo ba talagang –"
"Alam mo, 'di ko kailangan ng explanation mo. Ikumpisal mo na lang 'yan sa pari at para naman mabawasan mga kasalanan mo sa mundong 'to."
Nangislap lang lalo ang mga mata nito sa pagka-amuse.
Tangina talaga ang lalaking 'to!
"Maria Novela, nagseselos ka ba?"
Napamaang siya. "Wow! Ako nagseselos? Gusto mo itulak kita riyan sa bintana? Yuck! Guguho muna ang mundo bago ako magselos sa mga babae mo."
"Well, Tiffany is not my girlfriend, but just someone I met in this new bar I've recently visited." Oh, kita mo, babae talaga ng hinayupak. "I admit, we did make out in my office earlier."
"Tangina mo!"
"Alam ko, pero 'di ko naman alam na nandoon ka."
"At kung alam mo ay 'di ka lalandi? Alam mo sinong maniniwala sa'yo? Ang mga baliw. Ngayon mo sabihin sa'kin na handa ka ngang magpaka-ama kung 'di mo mabitawan ang lifestyle mo."
Titig na titig ito sa kanya. He should listen dahil hindi na niya uulitan ang mga salitang sasabihin niya rito.
"Hindi ako kagaya ng ibang babae mo Santillan. Kaya kong mabuhay na mag-isa at walang lalaki sa buhay ko. At ipagpapasalamat ko pa sa'yo na magkakaanak ako dahil may makakasama ako, pero kung kasama ka, huwag na lang. Madami na akong problema sa buhay. Hindi na ako magdadagdag pa. Wala akong balak maging health center ng mga lalaking hirap na hirap manatili sa iisang babae para pilitin silang magbago."
"MAY balak ka pa bang kausapin ako Word?"
Hindi pa rin niya iniangat ang tingin sa cell phone na isinandal niya sa bote ng alak. Kanina pa naghihintay si Nicholas sa kanya na magsalita. Tinamad na siyang umalis kaya sa bahay na lang niya nilugmok ang sarili sa alak. Nakalumbaba na siya sa bar counter habang paulit-ulit na pinapadaanan ng daliri ang rim ng baso. Kaunti na lang ang laman nun at dalawang ice cubes na lang.
"Buntis si Vel," basag niya, bumuga siya ng hangin pagkatapos.
"I was kind a expecting it." Sandali itong natahimik bago ulit nagsalita. "At anong balak mo?"
"I'm determined to marry her pero iniisip ko pa lang ay naririnig ko nang sumisigaw siya ng hindi. Galit na galit 'yon sa'kin. Lalo na kanina nakita niya kaming dalawa ni Tiffany."
"Who's Tiffany?"
"Wala, hindi mo kilala," pagod niyang sagot. "Kakalimutan ko na rin 'yon. In-block ko na nga number."
"Gago!"
"Alam ko. Paulit-ulit ko na 'yang narinig kay Vel. Naisapuso ko na." Tumawa siya pagkatapos pero sumeryoso rin siya agad. "Tangina, galit na galit talaga sa'kin si Vel."
"Sino ba namang hindi magagalit? Kung ako lang din naman. Ikaw na nga ang nagsabi na hindi kagaya ng ibang babae mo si Vel. You should know by now na kayang mabuhay ni Vel na hindi umaasa sa mga lalaki."
Bumuntonghininga siya. "I know I'm not an ideal husband, but I'm willing to be one just for our child."
"I think you should also do it for yourself and Vel. Paano mo mase-secure ang kaligayahan ng anak mo kung sarili niyang mga magulang 'di magkasundo? Think about it. I know it makes sense."
Ibinaling niya ang tingin kay Nicholas. Sa kanilang dalawa, Nicholas always knew the right things to say. He was the angel version of his devil self. Kaya nga sila magkasundo dahil opposite attracts. Malamang road to hell na siya kung 'di niya naging kaibigan ang mabait na gago.
"Any suggestion?"
"Before I suggest something. Gaano ka ba ka desidido na pakasalan si Vel?"
"I never had second thoughts. Normal ba 'yon?"
Natawa ito. "Sure ka ba talagang wala kang gusto kay Vel?"
"Fuck! Hindi ko alam. Baka?" Ginulo niya ang buhok. "Ganoon ba 'yon dahil 'di ako nagdalawang isip? Pero nanlamig ako pare nang makita ang ultrasound picture na na wrong send sa'kin ni Vel. Akala ko bibitayin na ako mamaya. Shit."
Tawang-tawa si Nicholas. "Congratulations!"
"Gago! Pero salamat pa rin."
"Dapat mong ipagpasalamat na si Vel ang magiging ina ng anak mo. No offense meant, pare, pero si Vel lang talaga ang pinakamatino sa lahat ng mga babae mo."
He would like to agree with that.
"So, ano nga? Ano nang gagawin ko?"
"I know she wouldn't give in so easily. Kaya dapat mong paghirapan ang oo niya. Pakinggan mo rin siya at pansinin mo ang mga bagay na nagpapasaya at nagpapagalit sa kanya. Ligawan mo nang pormal at huwag ka nang mambabae. Maniniwala lang 'yon si Vel kapag nakita niyang binabago mo ang sarili mo 'di lang dahil para sa kanila pero dahil gusto mo rin. Ano, are you willing to take the challenge?"
Shit!
NAGTAKA siya nang makita ang isang fruit basket sa mesa. Mukhang bago pa dahil may plastic pa. Sakto namang pumasok si Tito Pear sa kusina mula sa dirty kitchen door. May suot pa itong rainbow apron, so nagluluto marahil ito at ang mama niya sa likod.
"Sino nagpadala niyan, Tito?" nguso niya sa fruit basket.
Natatakam siya sa malaking watermelon. Baka 'di pala 'yan sa kanila kapag kinain niya. Nadala na siya minsan. May nakita siyang maja sa ref. Kinain niya pero 'di pala sa kanila. Nagpasuyo lang pala si Nang Rosing na ipa ref sa kanila dahil nasira ang ref nito.
Shuta! Nakapag-maja tuloy siya ng wala sa oras. Never again.
"Ah. 'Yan ba? Bigay 'yan ni Word," nakangiti nitong sagot.
Nawalan siya ng gana bigla.
"Galing, dito na pala binibigay ang mga offerings. Akala ko sa simbahan?"
Bigay pala ni Santillan. Pangit lasa niyan. Matabang malamang ang watermelon. Mas mapait pa sa ampalaya.
Natawa si Tito Pear. "Ikaw talaga. Peace offering niya 'yan sa'yo. Pansinin mo na raw siya. Ayieee!"
She grimaced. "Eww, Tito!"
"Ah, basta sa'yo raw 'yan. At ubusin mo 'yan dahil magagalit si Matilda. Bawal magsayang ng pagkain sa pamamahay na 'to."
Pero nakakatakam pa rin 'yong watermelon. Sarap ipasok sa ref. Palalamigin muna saka isasawsaw sa sprite o 'di kaya ihalo ang cube sliced nun sa sprite na may ice.
Napalunok siya sa iniisip. Puro pagkain na lang naiisip niya.
"Nga pala, ano na namang pinag-awayan n'yo ni Word?" pag-iiba nito.
Biglang namang nag-vibrate sa kamay niya ang cell phone. Kumunot ang noo niya nang makita ang unknown number na alam niyang numero ni Santillan.
"Kayo lang ang kilala kong 'di naman mag-jowa pero lagi kang sinusuyo," dagdag pa nito.
Hindi na niya pinansin ang paglilitanya ng tiyuhin niya dahil tini-trigger na naman siya nitong si Santillan.
Mahal kong Novela, trigger warning lang, ha? Hahaha! Alam ko na abot na sa impyerno ang galit mo saken pero maawa ka naman sa anak natin. Huwag mo namang ipaglihi sa sama ng loob mo saken. Kalmahan mo lang, ang Word Santillan mo lang to. 🤣😘 Pero sinasabi ko sayo na hindi kita susukuan. Maumay ka sa pagmumukha ko dahil sisiguraduhin kong maikakasal ka saken bago matapos ang taon na to.
Ps: Masarap 'yang mga prutas lalo na ang watermelon. Sweet katulad ko. XD
Nagmamahal,
Future Husband ❤️
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro