Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

NAUHAW siya nang makita ang resulta ng pregnancy test. Inabot niya ang milktea sa mesita na binili niya kanina bago umuwi.

Novela, kalma. Novela, kalma. Novelaaaaaa!

Pero paano siya kakalma kung dalawang red lines ang lumalabas sa limang magkakaibang PT na binili niya?! Naubos niya tuloy agad ang nangangalahati na niyang milktea sa sobrang kaba niya.

Hindi siya sisigaw. Hindi siya magdadabog. Kakalmahan niya lang ang sarili.

Dumiin ang mga kamay niya sa plastic na lalagyan ng milktea. Wala naman na 'yong laman kaya yuping-yupi 'yon sa mga kamay niya.

Tangina! Buntis talaga ako.

Marahas niyang itinapon ang hawak na lalagyan at hinagilap ang cell phone niya sa kama lang din niya. Hindi puwede. Baka may mali sa mga PT na nabili niya. In-search niya kung may ilang percent ang accuracy ng mga pregnancy test.

Nanlumo siya sa nabasa.

"99% accurate ang home pregnancy test kit. Pero mas accurate ang blood test. Tangina, 1% lang naman ang kulang. Saan ko hahanapin ang 1%? Sa divine intervention ng langit?"

Gusto niya maiyak at magwala pero siya lang din naman magliligpit nun pagkatapos so huwag na lang.

Tinignan niya muli ang mga positive PT niya sa kama. Malinaw na ang red lines. Hindi na talaga niya ma-i-scam ang sarili na hindi siya buntis. Walangya, anak pa talaga ni Santillan ang dinadala niya.

"Ahhhh!" iyak niya sa inis. Ibinagsak niya ang kalahati ng katawan sa kama. "Ang tanga-tanga mo talaga Novela. Karma mo na 'yan. May dalang sumpa yata 'yong babae ni Santillan. Hayan na buntis ka ngang tuluyaaaaaan!"

Wala namang tao sa bahay kaya walang makakarinig sa kanya. Pero ang malaking problema niya ngayon ay paano niya sasabihin sa mama at Tito Pear niyang buntis siya at si Word Santillan ang ama.

"Ayoko na... ayoko nang mag-isip... please lang, pwede bang sabihing pinili ako ng langit para magsilang ng batang sasagip ulit sa planet earth?"

Tangina, Vel! Baliw lang maniniwala sa'yo. Tapos paglabas ng bata kamukhang-kamukha ni Santillan. Ano nag-donate ng sperm si Santillan sa langit? O literal ka talagang dinala ni Santillan sa langit kaya may nabuo riyan sa tiyan mo?

"Dios ko, ang sama ko bang tao para ma karma nang ganito?"

Pero if iisipin ko, ang ganda at ang gwapo rin ng anak namin kung sakali. Hingan ko na lang ng pera si Santillan at maging isang astig na rich single mommy.

Tumitig siya sa kisame.

"Sige, gawin ko 'yang option B."

Pero gusto ko pa ring upakan ang sarili ko. Kinurot niya ang braso. Napangiwi lang siya at naiyak. Ang sakit! Putik! Huwag na lang pala. Hindi niya alam kung bakit pero napaka-emosyonal niya na. Nanggigil siya.

Mayamaya pa ay may narinig siyang tawag mula sa labas.

"Vel! Ohhhhh Vel! Novelaaaaaaaaaa!" pakantang tawag sa kanya na puwede nang bumasag ng mga poste ng kuryente. Kilala niya ang boses ng walangya. "Labis kitang mahaaaaaal. Hahaha!"

Bumangon siya at lumapit sa bintana. Hinawi niya ang kurtina at binuksan ang sliding window. Malapad ang ngiti na tiningala siya ni Spel, short for Gospel Grace Trinidad. Ang kaibigan niyang puro spg lang binabasa sa pocketbook. Banal na banal ang pangalan maliban sa may-ari.

"Novel!!!" Kumaway ito sa kanya. "Girl, buksan mo ang gate. Huwag kang tamad, please!"

"Sino ka?!" asar na tanong niya.

Ang gaga na 'to. Isang buwang nawala na walang paramdam tapos babalik na parang wala man lang nangyari.

"Girl, ano ka ba, ako lang 'to, si Spel, ang kaibigan mong maganda."

Natawa lang siya. "Ewan ko sa'yo!"

"Papasukin mo na ako at madami akong chismis. Dali na. Mainit-init pa sa pek-pek shorts ni Tito Pear."

Pasmado talaga bibig ng 'sang 'to. Baklang-bakla magsalita. Lumaki si Spel sa tatlong tito nito na mga binabae. Maagang namatay ang nanay ni Spel na siyang nag-iisang babae at bunso ng mga tito nitong dyosa.

Iniligpit muna niya ang mga PT at ipinasok 'yon sa drawer ng mesita niya saka siya bumaba para pagbuksan ng gate ang kaibigan.

Niyakap siya nito at bineso agad nang mabuksan niya ang gate.

"Bes, na miss kita. Kumusta ang boring mong buhay?"

Kaya sila nagpagkakamalang mag-jowa kapag magkasama. Mukha silang tomboy at baklang dalawa. Mahaba ang buhok ni Spel, itim na itim at tuwid na tuwid. Laging naka makeup at false eyelashes. Maikli lagi ang shorts at kung hindi off shoulder blouse ay spaghetti blouse ang suot na madaming crystals at kung anu-anong accessories. At may pamatay na wedge shoes.

Ito ang unang naging close niya sa subdivision. Binentahan siyang bra ng Avon. Sapilitang pagbili ang ginawa. Kagaya niya noon ay corporate slave din ito sa dating pinapasukan. Ngayon ay queen of non-exclusive writer sa kung anu-anong writing platform. Hindi man halata, pero writer ang gaga.

Lahat ng chismis sa kwento nito pinapasok.

"Gaga, akala ko kinuha ka na ng mga engkanto sa Siquijor. Wala ka man lang paramdam."

Pumasok na sila sa loob.

Natawa naman ito. "Bes, walang signal doon sa lugar nila na Nanay Bebe ko," tukoy nito sa Tito nitong si Benedicto na nasa Siquijor na ngayon nakatira. 'Yong dalawang nanay-tito na lang nito ang nandito. "Malapit ko nang ipadala ang sulat ko sa'yo sa mga aswang doon. Special delivery ganern." Natawa na naman ito. "Alam mo namang ermitanyang dyosa ang Nanay Bebe ko."

"Kumusta na pala siya?"

Umakyat sila sa taas.

"Hayon, mabuti naman na. Hindi ko lang talaga maiwan hanggat hindi ko nasisiguro na okay lahat ng mga lab test niya. Naku, ang kulit-kulit. Sabi ko nga e dito na lang ulit siya sa Cebu para mabantayan kaso ayaw niya. Wala raw tatao sa bahay at lupa namin doon. Baka nakawin ng mga Kapre."

Natawa siya. "Gaga!"

"I know, right." Pumasok sila sa kwarto niya. "Nga pala, Bes, saan sina Tita Mati at Tito Pear?"

"Umalis."

"E kumusta ka naman?" May panunudyo sa ngiti nito. Naku, mukhang may nasagap na naman 'tong chismis. "Balita ko ay lalong nag-iinit ang feelings n'yo sa isa't isa ni Word Santillan ah." Naupo ito sa gilid ng kama at hinila pa siya paupo roon. "Nagka-spark na ba?"

"Saan mo na naman narinig 'yan?"

Spel chuckled, "Sa mga plants and trees."

"Hindi ka na naman nakainom ng gamot mo." Tinawanan lang siya nito. Talaga naman. "Nga pala, kailan ka pa nauwi?" pag-iiba niya.

"Kanina lang. Gumora agad ako rito kasi nga napaginipan kita. Girl, namatay ka raw. Pero 'di ako naiyak. Ewan ko lang din kung bakit. Deep inside siguro 'di ako true friend. Pero mukhang okay ka naman."

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Namatay ako sa panaginip mo?"

"Oo, kumikinang nga ang casket mo. Parang may diamonds. Sabi ni Nanay Bebe 'di naman daw raw 'yon bad omen. Parang may something new raw na dadating sa buhay mo. New life, ganern."

New life? Hindi ba 'yon literal na may isa ng buhay sa loob niya? Bilis din makaramdaman nitong si Spel. Sakop na rin ng radar nito ang ibang dimension.

"Actually, may problema talaga ako," pag-amin niya.

At alam niyang kapag wala siyang pagsisibahan ng sekreto niya ay mababaliw siya. Kailangan niya ng karamay sa pag-iisip ng solusyon.

Sumeryoso naman ang mukha nito. "Bes, kung pera 'yan, alam mo na ang sagot diyan. I-disown mo na ako."

Natawa siya. "Gaga! Hindi."

Ngumisi ito. "Alam kong gaga ako pero huwag mo na i-acknowledge always. Okay lang, alam ko namang ganda lang ang ambag ko sa mundo."

Maganda naman talaga si Spel. Napagkakamalan lang 'di totoong babae dahil sa kapal ng makeup nito at sa paraan ng pananalita nito. Baklang-bakla e. Kung seseryosohin lang nito ang pagiging normal na tao ay bagay na bagay itong sumali sa mga beauty pageants. Kaso ang gaga sa Miss Gay sumasali kasi mas malaki raw premyo at may kasama pang ham. Buti nailulusot nito.

Kung magtatabi sila ay mas matangkad si Gospel sa kanya. Kaunti lang naman ang itinangkad ng loka-loka, panlaban nito ang wedged shoes.

Kaya rin sila nagkasundo dahil pareho silang may sariling mundo.

"E ano nga ang 'yang problem solving mo? Maso-solve ba 'yan ng scientific calculator?" Inilabas niya mula sa drawer ang limang klase ng PT at inilapag 'yon sa gitna nila. Namilog ang mga mata nito. "Shuta ka, kanino 'yang mga PT?" Marahas na umangat ang tingin nito sa kanya. "Sino-sino ang buntis sa subdivision maliban sa anak ni Aling Rita? "

Kumunot ang noo niya. "Kakauwi mo lang alam mo na 'yan agad?"

Tumawa ito. "Girl, may pakpak ang chismis pero naka Bluetooth ang tainga ko. Matic share it na agad sa'kin 'yan."

"Hindi ko alam."

"Anong hindi mo alam? Nangongolekta kang PT tapos 'di mo alam sino-sino may ari niyan? Iba ka rin mag-develop ng hobby, ha? Very productive."

"Shunga! Hindi ko alam dahil akin 'yan lahat."

"Anong sa'yo 'yan lahat? Patawa ka? Sino makakabuntis sa'yo? Immaculate conception ka, girl? Hiyang-hiya naman sa'yo si Mama Mary –" Pinalo niya ito sa braso. "Aray naman! Gaga ka! Masakit, ha?" Hinaplos-haplos nito ang nasaktang braso.

"Akin nga 'yan."

Tinitigan siya nito. Mga ilang segundo rin 'yon bago nag-sink-in sa utak nito ang sinabi niya.

"Walangya ka Nobelaaaa! Sino ang tumira sa'yo?!"

"SI WORD SANTILLAN?!"

"Bibig mo, Gospel Grace!" Sarap busalan ng bato ng bibig nito e. Hindi makalma. Akala mo nakalunok ng megaphone.

"Tangina! Sorry, Lord, hindi ako nagmumura talaga, but tutang ina ka Novela. Akala ko ba conservative tayo sa part na 'yan? At saka, hello? Sa pagkakatanda ko ay number one sa hate list mo si Santillan. Aba'y nawala lang ako ng isang buwan ay may batang Santillan na riyan sa matris mo. Alam na ba nila Tita Mati?"

"Hindi pa. Ngayon ko lang na laman."

"Teka nga, kailan ba nabuo ang bata? Paki-detayle dahil visual akong tao. I need details." Hinila niya ang buhok nito. "Aray naman, Novela!"

"Seryoso ako."

"Seryoso rin naman ako, gaga ka! So, kailan nga? E hindi nga kayo nakakatagal sa presensiya ng isa't isa how much more ang magmukbangan nang malala."

Bumuga siya ng hangin. "Lasing ako noon. Kaming dalawa. Saka may bagyo nang araw na 'yon. Na plat 'yong gulong ng motor ko at saktong malapit lang ang Tadhana. Sasabay lang sana ako ng uwi kay Santillan."

"Binuraot mo na naman ang sarili mo."

"E sa malala ang trapik. Aabot pang isang libo ang patak ng taxi kung sakali."

"Kaso nakauwi ba kayong dalawa ni Santillan? Sa langit ka yata dinala ni lover boy e." Ngising-ngisi pa ito. Sarap pektusan nitong si Spel. "O, tapos? Nalasing kayo? Then 'di mo na maalala ang sunod nangyari at nagising ka na lang na hubo't hubad sa tabi ni Word?"

Tumango siya. "Pero 'di kasi dapat 'yon nangyari."

"Nobela, kapag may alak, may balak 'yan. Saka si Word, lagi 'yang horny kaya malamang gandang-ganda siya sa'yo nang gabing 'yon. Na devirginized ka tuloy."

Kumunot ang noo niya kay Spel. "Bakit kapag sa'yo nanggaling ang laswa pakinggan?"

"Ikaw ang malumot mag-isip."

"Pero... ano nga ang gagawin ko? Makakalbo ako ni Matilda kapag nalaman niyang buntis ako." Ngayon lang yata siya naging desperado ulit. 'Yong huli ay noong fifty-fifty ang thesis nila ng mga kaklase niya. Shuta talaga! "At ayokong sabihin kay Santillan."

"Feeling ko 'di ka kakalbuhin ni Tita Mati. Mas matutuwa pa 'yon. Matagal na rin kasi niyang chinichika sa'kin na gusto nga raw niya si Word na maging manugang."

"Ang babaerong 'yon?" Parang babaliktad yata ang sikmura niya. "Hindi pa ba siya nadala sa ama kong pinaglihi sa pwet ng kaldero ang kapal ng mukha?"

"Girl, gentleman naman kasi si Word. Ikaw lang 'tong mainit ang ulo sa kanya. At huwag mo ikumpara si Word sa tatay mong nilandi ng mga white lady."

"Kasi may ulterior motives siya!"

"Well, possible. Pero, gwapo kaya rin ni Word. Siya ang pinakagwapo rito sa subdivision natin."

"Wala akong pakialam."

"Hanapin mo ang pake mo dahil anak niya rin 'yang dinadala mo. Bakit sa tingin mo maitatago mo 'yang tiyan mo e magkaharap lang bahay n'yo? At bakit? Sa tingin mo 'di rin ba hindi niya iisipin na siya ang ama ng baby mo? Maria Novela Martinez, si Word Santillan lang ang kaisa-isang lalaking sumisid sa perlas ng silanganan mo."

"Hindi pwede! Ayoko."

"Pwede!"

"Kailangan ko ng ibang option."

"Wala nang option."

"Meron!"

"Akala mo lang meron, pero wala! Wala!"

Hindi lang siya na-e-stress sa sitwasyon niya. Pati na rin sa babaeng 'to. Kaso wala naman siyang choice. Kahit chismosa 'tong babaeng 'to e pagdating naman sa sekreto nilang dalawa ay 'di ito kumakanta kaya okay na rin. Sulit ang stress.

Umayos ito ng upo. "O, sige, ganito na lang, i-text mo si Word tapos sabihin mo magkita kayo sa isang coffee shop. Huwag na sa Tadhana basta sa ibang lugar. Then, hintayin mo siya roon, kapag dumating siya sasabihin mo sa kanya ang totoo. Pero kung hindi, mag-iiwan ka ng note sa staff para kay Word. Then, aalis ka, mangingibang lugar. Tapos magkikita kayo after 7 years then malalaman niyang may anak kayo. Tapos magko-confrontation. Then biglang sasabihin niyang he will make you fall in love with him." Pinagdaop nito ang kamay sa sobrang kilig.

Kumunot lang ang noo niya. "Teka, bakit parang pamilyar?"

Natawa ito. "My Crosoft movie by Direk Cambria Velasco D'Cruze. Napanood na natin 'yan, girl. Maganda kayang concept 'yon. 'Di ba? Gwapo-gwapo ni Crosoft. Napakag-autograph at nakapagpapicture pa tayo noong mall show niya rito sa SM."

Matalim ang tingin na ibinigay niya kay Spel. "Gaga! Ako pa talaga lalayas? Anong gagawin ko sa loob ng pitong taon? Ginawa mo pang teleserye buhay ko."

"O, 'di dito ka na lang. Sabihin mo na lang kay Word na magiging ama na siya. Sabihin mo, surprise, daddy! Saka real life 'yon ng CamSoft. Hindi 'yon fiction lang."

Parang tatakasan yata siya ng kaluluwa niya. Mas lalo siyang nanghihina rito kay Spel. Babalik lang ulit ang lakas niya kapag nasakal niya 'tong babaeng 'to.

"Alam mo, freeny, ang mas mabuti nating gawin ay i-confirm muna natin if safe si Baby Santillan sa tummy mo saka tayo mag-isip ng ways para ipaalam sa madlang people na this is your show, this your time, it's show time."

Binato niyang unan si Spel.

Tawang-tawa lang ito. "Vel, cheer up!" Niyakap lang nito ang unan pagkatapos. "Nasa tamang edad ka naman na para mag-reproduce ng mga offsprings mo. Nagkataon lang na si Word Santillan ang ma swerteng nakapagdilig sa'yong flower. Hindi nagkataon kasi feeling ko fate 'to e. Destiny. Kasi sa Tadhana na buo si Baby Santillan."

"Ewan ko sa'yo!"

"Bukas, punta tayong OB Clinic. Magpapa-checkup tayo – este – ikaw. Then ipaalam mo na kay Word na magiging daddy na siya."

"Akala ko ba mag-iisip pa tayong ibang solusyon?"

"Huwag na, tinatamad na ako. Gusto ko na maging maid of honor. Make my dream come true, besh."

"Ang laking tulong mo sa buhay ko," pabalang niya sabi rito.

Tinawanan lang siya ng gaga. "You're welcome."

CONFIRMED na talaga.

Mas lalo lang sumakit ang ulo niya pagkatapos. Pero noong makita niya sa ultrasound screen ang maliit pa lang na form ng baby ay biglang nawala ang mga inaalala niya. Sa totoo lang wala naman talaga siyang problema kung magiging ina na siya. Dati pa naman niya talaga naiisip na kung 'di siya makakapag-asawa ay kahit anak na lang. Gusto lang niya ng may makasama.

Pero sa dami ng mga lalaki sa mundong makakabuntis sa kanya ay sa isang Word Santillan pa. Ang kinaiinisan niya sa lahat. Paano niya itatago rito ang pagbubuntis niya kung magkaharap lang ang bahay nilang dalawa?

Walangyang buhay 'to oh! 'Yong ka one night stand mo Nobela walking distance lang sa bahay n'yo. Ang galing! Nakakaubos ng belib.

Marahas siyang napabuga ng hangin.

Nasa harap na siya ng TADHANA. Hindi niya kasama si Spel dahil tumawag ang Nanay Carlita nito. Nagpapasundo sa supermarket. Mas mabuti na ring mag-isa siyang haharap kay Santillan. Saka hindi na yata siya makakapaghintay ng mamaya. Kailangan na niya talagang sabihin kay Santillan ang totoo. Baka kapag pinagpaliban niya ay magbabago na naman ang isip niya.

Humugot siya nang malalim na hininga at muling bumuga ng hangin. Pumasok na siya sa loob ng Tadhana. Ngumiti siya nang makita sina Bella at Tina sa counter.

"Vel!" bati ng dalawa sa kanya.

"Himala nadalaw ka na naman?" nakatawang tanong ni Bella. "Makiki-hitch ka na naman ba kay Boss?"

"Hindi. May ibang pakay ako. Nandiyan ba siya?"

Tumango ang dalawa.

"Oo, pero mukhang busy pa," sagot ni Tina. "Hintayin mo na lang muna at mag-order ka na lang. Kay Boss Word na namin i-bi-bill ang order mo." Tumawa ito pagkatapos.

"Sino kasama niya sa office?"

"Hindi namin kilala e. Pero mukhang 'di naman niya girlfriend. Maayos ang damit e," ni Bella. "'Di ba, Tin?"

"Oo, kaya huwag ka na magselos," tudyo pa ni Tina.

"Hayan na naman kayo. Wala nga kaming relasyon ni Santillan." 

Walang relasyon pero magkakaanak. Pumipitik na naman sintido niya kapag naiisip niyang si Santillan ang ama ng anak niya.

Tinawanan lang siya ng dalawa.

"Isang order na lang ng wintermelon milktea n'yo. Sa itaas na lang ako maghihintay sa kanya."

"Okay," tango ni Tina.

Umakyat na siya sa itaas. Hindi niya alam kung bakit nanlalamig mga kamay niya. Maliwanag naman pero iba ang itsura ng second floor sa mga mata niya. Bumabalik sa isip niya ang gabing 'yon. Lalo na noong makita niya ang lugar kung saan nila ginawa 'yon.

Napalunok siya.

Nababaliw ka na Novela. Hindi ka naman ganyan dati. Umiling siya. Hindi. Hindi na niya dapat iniisip 'yon.

She shrugged the idea off her mind. Pumwesto siya sa mesa kung saan malapit sa glass panel. Kita mula roon ang labas ng Tadhana. Maganda ang panahon ngayon. Hindi sobrang init at hindi rin naman makulimlim. Sakto lang.

Tinignan niya ang oras sa relo. It was already past 3 PM. Umangat ang tingin niya sa direksyon ng pinto ng office ni Santillan. Kailan kaya lalabas ang bisita nito? Sana naman hindi siya masyadong paghintayin. May trabaho pa siya mamayang alas sais.

Habang naghihintay ay may napansin siyang baby boy malapit sa mesa niya. Napangiti siya nang humagikhik ito pagkatapos isubo ng mama nito ang cake sa bibig nito. Ang cute-cute. Chinito na chinito at ang taba-taba ng pisngi. Sa tingin niya ay nasa dalawa o tatlong gulang pa lang ang batang 'yon.

Napahawak siya sa kanyang tiyan, bumaba ang tingin niya roon.

Hindi pa halata ang umbok pero may heartbeat na talaga ang baby sa loob niya. Hindi pa masyadong nagsi-sink-in sa kanya ang lahat. Minsan napapaisip pa rin siya kung totoo ba talaga ang lahat o panaginip lang.

Handa na ba talaga siyang maging ina?

Hindi siya sigurado.

Bahala na.

Nagdesisyon na lang siyang kausapin si Santillan para matapos na. Kailangan nilang magkasundo at pag-usapan ang magiging setup nilang dalawa dahil alam niyang ipipilit ng mama niya na magpakasal sila para sa bata. Selfish na kung selfish pero wala siyang balak bumuo ng masayang pamilya na wala namang pagmamahal talaga. Aasa lang ang bata sa isang idea na wala namang katotohanan.

Hindi niya uulitin ang pagkakamali ng mga magulang niya.

Napaangat ang tingin niya nang biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Santillan. Lumabas doon ang isang magandang babae na medyo gusot na ang blouse at bahagya pang inaayos ang buhok.

Agad na naikuyom niya ang mga kamay nang makita si Santillan na ngiting-ngiti pa sa babae. Anong hindi isa sa mga babae ni Santillan? E mukhang 'di naman meeting ang ginawa ng dalawa sa loob kung 'di ibang milagro.

Hindi! Nagbago ng isip niya. Hindi na muna niya sasabihin kay Santillan ang kalagayan niya.

Tumayo na siya at walang lingon-lingon na umalis. Nakakawalang gana. Wala pa ring pinagbago. Sabagay, kaya nga nitong huwag siyang pansinin ng isang buwan. Siguro 'di na nito mapapansin kapag lumubo ang tiyan niya.

Tangina mo Santillan!

"BOSS!" tawag sa kanya ni Tina, isa sa mga staff niya.

Lumapit siya sa counter. Inihatid lang niya si Tiffany sa parking lot at kakapasok lang niya sa TADHANA. "O, bakit?" nakangiti pa niyang tanong.

"Boss, nakita mo si Vel?"

Kumunot ang noo niya. "Vel? You mean, Novela?"

Tumango ito. "Oo, si Vel. Hinahanap ka nun e. May pakay raw sa'yo. Kaso noong iakyat ang order niya sa itaas ay wala na siya roon."

Anong ginagawa ni Vel dito?

"Tawagan ko na lang." Hinugot niya ang cell phone sa bulsa ng pantalon niya. "Thanks, Tin."

"Sige, Boss!"

Iniwan niya si Tina at umakyat sa itaas na dina-dial ang numero ni Vel. Alam niyang blocked na ang number niya rito kaya nagpalit siya ng ibang number para matawagan ito kapag kailangan. But she won't pick up her phone.

Hindi basta-basta dumadalaw sa kanya si Vel. Malamang ay importante ang pakay nito sa kanya kaya siya nito pinuntahan.

He tried calling her number again pero 'di talaga nito sinasagot.

Hindi mantitrip ng punta rito ang 'sang 'yon. Guguho muna ang mundo kung bukal 'yon sa puso ni Vel.

Ang numero naman ni Tita Mati ang tinawagan niya. Nakatatlong ring lang 'yon at sinagot agad ang tawag niya.

"Word? O, napatawag ka?"

Ngumiti pa rin siya kahit 'di siya nito nakikita. "Tita, nandiyan ba si Vel?"

"Si Novela? Wala. Umalis. Kasama niya si Spel kanina." Kasama si Spel? E ang sabi ni Tina mag-isa lang si Vel? Nakauwi na ba 'yon? "Hindi naman nagsabi kung saan papunta. Bakit?" That's weird.

"Ah, wala naman, Tita. Paki-text naman ako kung nakauwi na si Vel."

"O, sige, kapag nauwi na."

"Pero huwag n'yong banggitin na hinahanap ko siya. Ako na lang pupunta riyan. Baka kasi takasan na naman ako ng anak n'yo," he chuckled.

Natawa ito sa kabilang linya. "Naku ang batang 'yon. Mas nagiging moody ngayon. O, siya, sige na. Ibaba ko na 'to at babalikan ko 'yong niluluto ko."

"Sige po, Tita, salamat."

Nang ibaba niya ang cell phone ay napatitig siya roon. Naisip niya. Bakit naman agad ito umalis?

"Hay naku, Vel!" Bumuga siya ng hangin. "Minsan ka na nga lang magparamdam, naglalaho ka pa bigla."

Ibinulsa na niya ang cell phone at bumalik sa loob ng opisina niya. Wala siyang balak tapusin ang araw na 'yon na hindi nakakausap si Vel. Aalamin niya ang rason ng pagpunta nito sa kanya. Kahit akyatin pa niya ang bintana ng kwarto nito.

Mamaya ka talaga sa'kin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro