Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

"WALA ka naman sigurong balak patayin ako mamaya, 'no?" Aba'y ang daming pagkain sa harapan niya at puro best sellers pa ng TADHANA. Sinong hindi magdududa?

Tinawanan lang siya ni Santillan. "Alam mo, imbes na pagdudahan mo ang kabaitan ko ay magpasalamat ka na lang." Huling inilapag nito sa center table ang isang pitsel ng iced tea lemon.

She shrugs her shoulders. "'Di thank you." Inabot nito sa kanya ang spoon and fork. "Thanks." Table napkin. "Thanks." At baso. "Thanks."

Natawa ito sa kanya. "Pwede namang isang bagsakan na lang ang thank you."

"Kanina nanghihingi kang thank you. Ngayon na pinaulanan kita gusto mong isang bagsakan. Ikaw, malabo ka ring kausap e. Huwag ka na lang magreklamo dahil kapag nagbago isip ko baka next year mo na marinig ang thank you ko," mahaba niyang lintanya sabay tusok ng hotdog sa Italian pasta at subo nun sa kanyang bibig, ngumisi pa siya rito pagkatapos. "Kain ka na, Santillan."

Mahilig siya sa matatamis. Guilty pleasure niya 'yon. At hindi na siya magsisinungaling na top 1 ang TADHANA sa mga go to places niya when it comes to desserts and coffee beverages. Medyo mahal pero worth it naman. Ah, tama, isang bagay lang pala ang gusto niya rito. Ang pinagpalang kamay at panlasa nitong si Santillan. Unfortunately, but fortunately, magaling itong barista at pastry chef.

"Nakauwi na ba sila?"

"Yup, si Kuya Benjie na lang yata nasa ibaba," sagot nito habang kumakain ng pizza. "Pero aalis na rin 'yon. Sabi ko umuwi na siya kapag na secure niya buong area. Ako na magsasara ng café."

"Ahh." Naibaling niya ang tingin sa glass window ng opisina nito. "Malakas na ang ulan sa labas," komento niya habang kinakagatan ang toasted bread. Wala na siya gaanong makita mula sa labas. "Sure kang makakapag-drive ka pa sa ganitong panahon?" baling niyang tanong dito.

"Wala ka namang belib sa'kin -"

"Wala talaga."

Napamaang ito. "O bakit pumunta-punta ka pa rito?!"

"Wala akong choice e." Inabot niya ang pizza. Mukha kasi 'yong masarap. Wala nito noon. "Meron pala pero ayoko gumastos nang malaki. At least sa'yo, mukha mo lang pagtitiisan ko pero libre na hatid."

"Ang lakas ng confidence mong 'di kita sisingilin ah."

"Wala kang choice. Paladesisyon akong tao. Ikaw mag-adjust." Masarap nga 'yong pizza. "Masarap 'to. Bago n'yo sa TADHANA?"

Asar na tumango lang ito. "Last week ko lang 'yan nilabas."

"Ahh." Naubos nga niya agad. Iisa pa siya. "Padalhan mo naman kami nito sa bahay." Titig na titig ito sa kanya na para bang tinubuan siya ng tatlong ulo. "Bakit?"

"Kung makapag-demand ka sa'kin parang ang bait-bait mo sa'kin ah. Baka nakakalimutan mong nag-break kami ni Shine dahil diyan sa mga pandedemonyo mo."

"Malay ko bang wala siyang tiwala sa'yo?"

"Nagrarason ka pa."

"Santillan, kilala kang pakboy kaya hindi imposibleng madami kang kabit."

"Excuse me, madami lang akong naging girlfriend pero hindi ko sila pinagsasabay. There is a big difference between having an affair from having a series of relationships. Ikaw masyado mong jina-judge ang pagkatao ko. Siguro crush mo ako noon pero 'di kita niligawan kaya ka ganyan." May panunukso sa tono ng boses nito sa huling sinabi nito.

"Ako? May crush sa'yo?" She scoffs. "Patawa ka? Hoy, 'di ako nagkakakras sa mga demonyo."

Natawa ito. "O 'di crush mo mga naging girlfriends ko."

"Alam mo, ewan ko sa'yo." Nagsalin na lamang siya ng juice sa baso. "Dami mong sinasabi. O 'di huwag ka magpadala ng pizza. Tapos!"

"Bakit ba ang init-init ng dugo mo sa'kin?" nakatawa nitong tanong. "May takore ka ba riyan sa loob mo at sa tuwing nakikita at nakakausap mo ako ay umuusok ka sa galit?" Masamang tinignan niya lang ito habang nginunguya ang pagkain. "Hindi ka magkakashota riyan sa ugaling mo 'yan."

"Buo na ang desisyon kong maging rich tita."

Amuse na amuse ang mukha nito sa kanya. "Seryoso na ba riyan? Ayaw mo bang subukan magmahal? O 'di kaya i-explore ang sexual pleasure -" Binusalan niya ng pizza ang bibig nito.

"Manahimik ka na." Kinagatan lang nito ng kalahati ang pizza bago siya tinawanan. "Lakas mo namang mag-advice sa usaping pagmamahal e 'di nga nagseseryoso sa mga babae mo."

"Ibang case naman ako."

"Ano? Isang case ng red horse? Kasi mukha nga e. Sarap mong sipain."

Ang lakas ulit ng tawa nito. "Sinasabi ko lang naman na baka pwede 'yon sa'yo."

"Bakit mo alam? Dios ka ba?"

"O, sige, huwag na tayong magmahal. Subukan mo na lang 'yong isang in-suggest ko - "

"No, thanks. Hindi ko kailangan ng kalandian. Gusto ko lang pera."

Iniangat ni Santillan ang dalawang kamay sa ere. "Fine! Case closed. Hindi na ako manghihimasok sa buhay mo."

"Good."

"Bababa muna ako. Tignan ko ang sasakyan. Bilisan mo na riyan para makauwi na tayo." Nag-thumbs-up lang ulit siya rito. "Huwag mo ubusin ang pasta. Magtira ka naman oy."

"Masarap e."

Ngumisi ito. "Pati rin 'yong nagluto." Parang nasilihang lumabas agad ito nang akmang babatuhin niyang baso. Rinig na rinig pa niya ang malakas na tawa nito sa labas.

"Gago talaga!"



NAGPASYA na siyang bumaba nang walang Santillan na bumalik sa itaas. Naabutan niya itong nakatayo mula sa glass door. Hindi naman masyadong malapit, malayo nga ito. Pansin niyang pumapasok na ang tubig sa loob kahit na medyo elevated naman ang café.

"Hoy!"

Nilingon siya nito. "Zero visibility nasa labas." Totoo dahil wala na talaga silang makita mula sa mga glass panels. Tinignan nito ang relo sa kamay. "Alas sais pa lang naman."

"Matibay ba 'tong café mo?"

Natawa ito. "Matibay 'to." Lumapit ito sa kanya at inakay siya direksyon ulit ng hagdanan. "Tawagan mo na lang si Tita Mati na matatagalan tayong makauwi. Delikado if pipilitin natin."

Sabay silang umakyat sa itaas.

"Signal number 2 na raw tayo e." Hinugot niya ang cell phone sa pantalon at binuksan ang browser para i-check kung ano na ang balita sa panahon. "Mamayang eight pa daw ang landfall." Nilipat niya sa facebook account niya. "Kita mo, halos baha na rin sa mga lugar." In-share niya rito ang screen.

"Mukhang malakas-lakas 'tong bagyo na 'to," komento nito.

Saktong pag-akyat nila ay namatay ang kuryente. Kung hindi lang sa emergency light sa second floor ay wala talaga silang makikita.

"Hay naku!" Nakamot ni Santillan ang noo.

"Brownout?"

"Hindi, Vel, nabulag ka lang," pabalang nitong sagot sa kanya.

Luh!

Iniwan siya nito at pumasok sa opisina nito pero madilim sa loob nang sundan niya ito silipin. Hindi naman siya matatakutin na tao. In-on niya ang flashlight ng cell phone niya para may makita siya sa loob nang pumasok siya.

"Mahihirapan tayong i-on ang generator," aniya, isa-isa niyang pinapatamaan ng ilaw ang bawat sulok ng opisina. "Hindi ba nasa likod ang storage mo?"

"Mahirap lumabas. Hayaan na lang natin," sagot nito mula sa kadiliman.

Alam niya 'yon dahil nga dati siyang nagtatrabaho roon. May back storage sa likod ng TADHANA kung saan secure na naka store ang malaking generator nito. Mahihirapan silang paandarin 'yon dahil kailangan pa nilang lumabas at umikot.

"Ilabas natin 'tong mesa. Nagugutom pa ako."

Kinagat niya ang cell phone para 'di mawala ang ilaw at para matulugan itong mailabas ang mesa. Hindi naman 'yon gaanong mabigat. Inalis lang niya ang pitsel ng iced tea at baka mahulog. Isa-isa rin niyang binalikan 'yon sa loob pagkatapos.

"Saan ka pupunta?" habol na tanong niya kay Santillan nang maabutan niya itong pababa.

"Umiinom ka naman, 'di ba?"

"Ng tubig?"

Natawa ito. "Gago, hindi! Ng alak? Beer?"

"Hindi ba wine lang mayroon kayo rito?"

"Actually, yes, pero may mga naitatago rin ako rito na 'di ko binebenta. Tignan ko sa baba." Mabilis na bumaba ito ng hagdan.

Naupo siya sa gilid ng mesa at tikim-tikim na lang ang ginawa niya. Busog na rin talaga siya. Pero 'di siya tatanggi sa beer. Mayamaya pa ay nakabalik na rin ito na may dalang dalawang wine bottle at wine glass. Inilapag nito 'yon sa harap niya.

"Wait, may naiwan pa sa baba."

"May balak ka bang ubusin ang stocks mo ng alak ngayong gabi?"

Tumatawang bumaba ito. "Basta!"

Tinignan niya ang brand ng wine bottle. Alam niya ang mga presyo nang mga 'yon. Imported kaya presyong ginto. Binagyo rin yata ang utak nitong si Santillan. Pag-akyat nitong muli ay isang medium size red cooler ang dala-dala nito.

"May malaking pinagdadaanan ka ba sa buhay mo ngayon, Santillan?"

Hinihingal na naupo ito sa sahig at itinulak ang cooler sa direksyon niya. "Sayang e. Mukhang 'di ka naman tumatanggi sa alak." Binuksan niya ang takip ng cooler at bumungad sa kanya ang ilang bote at can ng beer na nilubog pa sa madaming ice cubes. "Malinis naman 'yang mga can at bote. Let's make use of the cubes."

"Seryoso? Makikipag-inuman ka sa'kin sa kalagitnaan ng bagyo?"

"Bakit ayaw mo?"

Inabot niya ang dalawang glass wine at ibinigay ang isang rito. "Sinong may sabing tatanggi ako?"

"Ayon naman pala e. Game!" Lumikha ng tunog ang pagbukas nito sa bottled beer at inabot 'yon sa kanya. "Saka na natin gamitin 'yan," tukoy nito sa wine glass na itinabi na nito. "Kapag lasing na lasing na tayo."

"Wala ka yatang balak umuwi."

"Matagal pa titila ang ulan. Teka, tinawagan mo na ba ang mama mo?"

"In-text ko kanina." Tinignan niya ang screen ng cell phone. "One bar na lang ang signal. Okay na 'yon. Malaki naman tiwala nun sa'yo." Tinungga ang laman ng can. Gumuhit agad ang matapang na lasa ng beer sa lalamunan niya. "Nag-iimbak ka ng beer dito?"

He chuckled. "Boy's scout ako."

"Ay sus! Ang sabihin mo nanghihina ka nang hindi nakakainom."

"Ako lang ba? Mukhang ikaw din yata ah." Lumagok ito ng alak. Mukhang sanay na sanay uminom 'tong si Santillan. Wala man lang nabago sa mukha. Tinutubig lang yata beer ng 'sang 'to. "First time mong ma stranded?"

"Na kasama ang isang demonyo, oo."

Tawang-tawa ito. "Ganoon ba talaga kasama ang imahe ko sa isip mo, Vel? Ka level ko na si Satanas sa pamantasan mo."

"Mas higher pa nga." Ngiting aso ang ibinigay niya rito bago inubos nang tuluyan ang laman ng can. Kumuha ulit siya ng isa.

"Wala na bang pag-asa magbago 'yan? Babaan mo naman nang kaunti. Kahit second to the last na lang."

Hindi niya napigilan ang matawa. "Gago!"

"Oyy, tumawa siya sa joke ko," tudyo pa nito.

"Pangit ng joke mo!"

"Natawa ka naman."

"Pangit pa rin."

"Alam mo, in-denial lang 'yan e. Hindi mo lang matanggap na mas gwapo ako sa'yo." Bahagya nitong ibinaling ang mukha sa kanya. "Masyado mo akong idol kaya ganoon na lang kasidhi ang galit mo sa'kin."

"Wow naman!" Napamaang siya. "Gaano ka taas ang confidence natin, Santillan?"

"Vel, halata ka na masyado." Malakas itong tumawa. "Gusto mo ba maging pogi katulad ko? Madali naman akong kausap. Mag-gym tayo. Isasama kita sa mga bars na pinupuntahan ko. Mambabae tayong dalawa."

"Gago, mag-isa ka!"

"Ayaw mo ba talaga? Isang beses ko lang 'tong i-offer sa'yo."

Umiling siya. "Mag-aalbularyo na lang ako at titira sa bundok kaysa ang mambabae kasama mo." Natawa rin siya sa kalaunan. "Ang gago mo mag-isip."

He chuckled. "Sabi nga nila gago ako." Napatitig siya rito. Bakit parang may narinig siyang kalungkutan sa boses nito? "Kaya, Vel, hindi tayo uuwi nang hindi nauubos ang mga 'to. Bagyo lang 'yan, magpapakasaya tayo. Cheers!" Pinagdikit nito ang mga hawak nilang canned beers.

Ah, wala lang siguro 'yon. Ma drama naman talaga 'tong si Santillan.



RAMDAM na niya ang pamimigat ng mga talukap ng kanyang mga mata. Hindi naman siya madaling malasing pero tang'na ang dami naman kasi ng ininom nila. Hindi na 'to palakasan ng guardian angel. Palakasan na ng atay at sikmura. Naubos pa nila ang isang bote ng wine at nangangalahati na nga sila sa isa. Natatawa na lang siya bigla. Yawa!

"Matagal kong niligawan 'yong si Shine," at umabot na nga sila kay Sunshine. Kaya na niyang isulat ang buong kalandian ni Santillan kung maalala pa niya lahat bukas. Bukambibig nito lahat ng mga naging girlfriend nito at paano nito nakilala, niligiwan, at hiniwalayan ang mga ito.

Humikab siya. "E mukhang 'di mo rin naman 'yon mahal." Inaantok na rin talaga siya.

Halata na rin namang lasing 'tong si Santillan. "Hindi... pero... gushto... ko... ng kaunti..." Tumawa ito bigla. "Pero tang'na! Ang shakit niya manampal."

Natawa siya. "Parang sanay ka naman na."

"Pero 'di nga..." Pulang-pula na ang mga pisngi nito. "Teka nakalimutan ko ang sashabihin ko..." Natawa ulit ito sa sarili. "Yawa!"

"Ano na?"

"Ayon na nga... isang linggo... isang linggo, Vel... niligawan ko sha ng ishang linggo."

"Naks! Akala ko naman isang taon."

"Hoy!" Dinuro siya nito. "Hindi ako nanliligaw nang ganoon katagal."

"Edi wow!"

"Kaya... gigil na gigil ako shayo... sa'yo..."

"Standard mo sa mga babae nakaka ewan. Mas magaling pa kumilatis sa'yo ang aso."

Ngumisi ito. "Ayon nga ang point nun Vel. Bakit ako... maghahanap... ng matino... kung ako mismo... 'di nagtitino. Gets mo 'yon?"

"Bakit sa tingin mo ba... 'di mo sila nasasaktan?"

"Bakit sila masashaktan kung pareho lang din naman kami? Sex lang naman ang habol namin sa isa't isa..."

"Sabagay. Minsan 'di ko rin maarok mga gusto n'yo sa buhay."

Natawa ito. "Maiintindihan mo rin ako kapag nasubukan mo ang bagay na 'yon." Umasim ang mukha niya. Bakit ba puro sex ang bukambibig ng 'sang 'to? Ah, kasi si Word Santillan ang kausap mo at pakboy siya. Okay, okay. "Seryoso, Vel. Pero hindi ko sinasabi na gawin mo 'yon sa kung sinu-sino lang... syempre... gusto ko gawin mo 'yon sa taong mahal mo."

Siya naman ang natawa. "Ewan ko sa'yo, Santillan."

"Huwag mo akong tawanan. Seryoso ako. Iba ka. Iba naman ako. Itong kalandian ko ginawa ko nang hobby. Ikaw, pwede ka pa naman makahanap ng matinong taong... alam mo na... magmamahal sa'yo."

Antok na antok na tinitigan niya ito. "Pasalamat ka lowbat na ako at kanina pa kita vinideohan para may pamblackmail ako sa'yo."

Ngumisi ito saka biglang nahiga sa kandungan niya. "Haaaay Vel..."

"Hoy!"

"Inaantok na ako."

"So gagawin mong unan ang hita ko?"

Buti na lang naitabi na nila ang mesa at nakahanap sila ng mga makakapal na table covers. Ginagamit ang mga 'yon sa tuwing may nag-re-rent ng buong second floor for events. Malamig pa rin sa loob kahit walang aircon at syempre mukhang sa café na talaga sila magpapalipas ng bagyo so kailangan nila ng higaan.

Nilatag lang nilang dalawa ang mga covers sa sahig para 'di gaanong masakit sa likod. May mga throw pillow naman ito sa opisina kaya pwede na rin.

"Vel..."

Namumungay ang mga mata nito habang nakangiting nakatitig sa kanya. Nasa tiyan nito ang mga kamay.

"O, bakit?"

"May nakapagsabi na ba sa'yong maganda ka?" Natigilan siya sa tanong nito. Napatitig tuloy siya nang husto sa mata nito. "Kung wala pa... " Umangat ang isang kamay nito sa kanyang kaliwang pisngi. "... ako na mauuna." Bigla siyang na istatwa nang marahan nitong haplosin ang kanyang pisngi gamit ng hinlalaki nito. "You're beautiful, Vel."

Napalunok siya.

"Have you been kissed before?" he chuckled. "Silly, of course hindi pa." Lumayo siya nang bahagya nang bumangon ito. Hindi siya makatingin dito.

Bakit siya kinakabahan?

Bakit 'di siya makapag-isip nang maayos?

Bakit parang may kuryenteng dumadaloy bigla sa tuwing hinahawakan siya nito?

"Santi -" Pero nang iangat niya ang mukha rito ay agad namang sumapo ang kamay nito sa kanyang panga at tuluyan nang inangkin ang mga labi niya. Namilog ang mga mata niya sa pagkagulat.

"God, Vel..." ungol nito habang hinahalikan siya.

Hindi niya alam ang gagawin.

Nabablanko siya.

Huminto ito bigla nang maramdaman na hindi siya gumagalaw sa kinauupuan niya. Nagtama ang mga mata nila pero tila tinutunaw naman siya ng pagnanasang nakikita niya sa kulay tsokolate nitong mga mata.

Binasa niya ang mga labi at tila kinakapos siya ng hangin kahit hindi pa naman siya tumutugon sa mga halik nito. At bago pa man ulit siya makapag-isip ay siniil na naman siya nito ng halik sa mga labi. Napasinghap siya nang maramdaman ang marahas na paraan ng paghagod ng mga labi nito sa kanyang mga labi. Kusa na lang din niyang naipikit ang mga mata at sinubukang tugunin ang mga halik nito.

Nanginginig ang mga kamay na kumapit siya sa harapan ng damit nito nang kabigin siya nito nang husto sa katawan nito. His kisses was making her feel weird things. Pero hindi niya alam kung bakit hirap na hirap siyang pigilan ito. Lalo nang pailaliman nito ang halik. She could feel his tongue touching hers, tasting every corners it reaches. Nalalasahan niya ang magkahalong lasa ng alak at tamis sa halik nito.

Bahagya siya nitong itinulak pahiga nang hindi pinuputol ang halik. Lalo lang siyang napakapit dito. Bumaba ang mga halik nito sa kanyang panga, creating a trail of kisses at the nook of her neck. Kung saan-saan naman dumapo ang mainit na mga palad nito, dinadama ang bawat hubog ng katawan niya sa ilalim ng kanyang suot na T-shirt.

"W-Word..."

"God, Vel." Bumalik ang halik nito sa kanyang labi. "I fucking want you right now..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro