Chapter 35
N/A: Hello, we have reached the last chapter of Perfectly Unmatched. Masaya ko itong tatapusin dahil sobrang pinasaya ako ng story nila. Light and heartwarming - my comfort zone. Thank you for supporting PU sana nabigyan ko rin kayo ng ligaya at napagaan ko man lang ang mga stress n'yo sa buhay. I will still be adding an epilogue but it will be only short, this week pa rin, hopefully. If you're wondering if may story ba ang GospelxNicholas natin? Yes, I have one story in mind for them. Abangan n'yo na lang. :D Again, marami pong salamat and feel free to express your thoughts on this story, I would really appreciate it. Your support and comments makes me happy. Love lots, WeirdyGurl.
PANAY himas na ng likod niya si Vel habang naglalakad sa direksyon ni Santillan. She's almost eight months pregnant at ramdam na talaga niya ang bigat ng tiyan niya. Mabilis na siyang mapagod at palaging masakit ang likod. Hindi na niya magawa ang ibang mga gawain dahil namamanhid din minsan ang mga paa at binti niya, lumaki pa nga ang size ng mga paa niya. Although, sabi naman ng doctor ay normal 'yon.
Woa, daming pasakit. May dalawang buwan ka pa Vel bago mo iluwal si Libro.
Mabuti na lang talaga at mataas ang pain tolerance niya. Kung hindi ay baka hindi lang niya inaraw-araw ang pagmumura niya kay Santillan – every seconds na malamang.
"Hindi ka pa rin tapos diyan sa ginagawa mo?" she asked, nasa likuran na siya nito.
Kanina pa itong may isinusulat sa working desk nito sa kwarto nila. Nakaligo na siya at nakabihis ng pantulog pero hindi pa rin umaalis sa kinauupuan si Santillan.
Sinilip na niya ang ginagawa nito. "Ano ba 'yan?"
Nakangiting inangat ni Santillan ang mukha sa kanya. "Nothing," sagot nito. Wala na rin naman siyang nakita dahil nakasilid na sa white envelope ang sinusulat nito kanina.
"Liham para kanino?"
"Para sa totoo kong ina." Dahan-dahan siya nitong inalalayan para maupo siya sa kandungan nito. Mabuti na lang hindi swivel chair ang gamit nito, 'yong ottoman chair nila, kaya safe kahit dalawa pa sila roon. "A closure letter."
"So, hindi ka pa rin magpapakilala sa kanya?"
"Well, hindi pa... I don't know... it depends... and besides, it was her wish. May sarili na siyang pamilya and even if she deserves it, I will not ruin my mother in her family. The first five years of my life were bittersweet, but I was given a second chance to have my own family. Isang pamilya na mamahalin at aalagaan ako and I just want to be grateful for that."
Napangiti si Vel. "Maybe not yet the right time, pero at least the extra baggages in your life are no longer there. Okay na iyon, for now. Kung saan ka masaya, push mo na."
Natawa naman si Santillan. "I think the feeling is mutual. You finally learn to forgive yourself at hindi ka na rin masyadong bitter kapag pinag-uusapan ang tatay mo."
"Past is past at hindi ko naman ikayayaman ang magtanim ng galit. Buti sana kung convertible to cash bawat hinanakit mo sa mundo, 'di ba? Saka niyakap ko na iyong dark phase na iyon ng buhay ko. Okay na 'yon. Quotang-quota na ako."
"Which reminds me of," he trailed off, smiling.
"Reminds you of what?"
"Reminds me of my proposal to you." He paused for a while before speaking again. "I've been thinking about it for quite some time now. Since wala pa naman tayong nakukuhang wedding coordinator ulit at nagtatalo pa rin tayo kung saang simbahan tayo magpapakasal... and... our Baby Book is coming... naisip ko na... baka gusto mong mag-civil-wedding muna tayo? At least, kasal na tayo kapag naipanganak mo na ang anak natin."
He has this sheepish smile of an innocent boy on his face. Hindi niya alam kung sadya or hindi, pero gusto niyang matawa nang malakas sa mukhang iyon ni Santillan. Ngiting demonyo, halatang-halata na nandedemonyo na naman na mapapayag siya.
"Alam mo may naalala ako bigla," aniya.
"Ano?"
"'Yong sumpa mo sa'kin noon na hindi matatapos ang taon na 'to na hindi ako maikakasal sa'yo."
Tawang-tawa ito, but the recognization lit in his eyes.
"May sinabi ba akong ganyan noon?" kaila pa nito, para bang namangha itong nagawa pa niyang maisip iyon sa sobrang tagal na. Well, ibahin mo ako Santillan.
She is expected to give birth the second or third week of January next year which gives him a month and a half para maisakatuparan ang pinapangarap na kasal nito sa kanya.
"Oo, tandang-tanda ko pa."
"Teka nga lang, tignan ko."
May inabot itong maliit na spring notebook sa mesa at binuklat pa iyong sa harapan nilang dalawa. Pamilyar siya sa spring notebook na 'yon dahil listahan 'yon ng mga ingredients ng mga naiimbento nitong mga luto at dessert. Nabuklat niya iyon minsan pero wala naman siyang napansin na kakaiba. Although, she didn't specifically scan every pages. At kung naging ganoon nga, makikita sana niya kung may isinulat ito roon - na mayroon nga talaga pero na-missed niya.
WORD'S TO-DO-LIST FOR NOVELA
May less than ten to-do-list doon, halos lahat ay may ekis na maliban sa pinaka top one na nasa listahan nito.
1. PASAKALAN SI MARIA NOVELA MARTINEZ BAGO MATAPOS ANG TAON with ❤(ˆ‿ˆԅ).
2. Liligawan araw-araw maliban sa Sunday kasi rest day sabi ni Lord. ( ͡─ ₃ ͡─)👌
3. Taasan ang pasensiya dahil sa mata ni Maria Novela ako ay anak ni Satanas. (¬‿¬) Pero siya naman ay anak ni Hades at least iisang mundo pero hindi magkamag-anak. (͠≖ ͜ʖ͠≖)👌
4. Makanakaw ng halik paminsan-minsan. ( ͡─ ₃ ͡─) #SantillanBadboyEraForNobela
5. (ง︡'-'︠)ง Alukin ng 20 million si Vel para pumayag na ikasal sa'kin.
6. Sana naging pera na lang ako. ಥ_ಥ
7. (ง︡'-'︠)งPiliting mabuhay hanggang sa maikasal sa aking Nobela.
8. (ㆆ_ㆆ) Buhay ka pa ba?
9. Oo, buhay pa ako. ಥ_ಥ
"Yawa!" Ang lakas ng tawa ni Vel sa huling dalawang to-do-list. Naisubsob na niya ang mukha sa dibdib nito kakatawa. "Gago ka!"
"Aba'y mayroon nga," tumatawang sabi nito. "Top one."
Pero hindi nagtugma ang mga sinasabi nila habang tawa pa rin siya nang tawa. Hindi siya maka-move-on sa litseng to-do-list ni Santillan.
"Ga...go..." Mauubusan yata siya ng hangin kakatawa.
"Huwag mo ngang tawanan 'yang listahan ko. 'Yan na lang pinaghuhugutan ko ng lakas."
Muli niyang iniangat ang mukha rito, namamasa ang mga mata dahil tawang-tawa siya kanina.
"Parang tanga naman kasi 'yong to-do-list mo. Kaya pala minsan hindi kita nakikita sa Linggo, rest day mo pala. Yawa ka." Pigil na pigil ni Vel ang matawa ulit.
"Nagpapahinga lang," he chuckled. "Ito naman, s'yempre, nagpapa-miss din ako. Aba'y sa sama ng ugali mo, nasasaktan na rin po ako. Kaya nilagay ko na riyan sa number 3 na taasan ang pasensiya. Ako na mag-a-adjust. Nakakahiya naman sa'yo."
"E, sino ba naman kasing nagpilit sa'yo na ligawan ako?"
"Sarili ko."
"O, tapos? Kasalanan ko?"
"Hindi, kasalanan ng..." Inilapat ni Santillan ang isang kamay sa dibdib, sa bandang puso nito. "Puso ko," dugtong nito sabay pakita ng finger heart.
Tawang-tawa na naman si Vel. "Yawa ka talaga!"
"Huwag mo akong dinadaan sa tawa-tawa mo riyan, Maria Novela," biglang sumeryoso ito. "Hindi mo pa sinasagot ang proposal ko."
"Na defend mo na ba?" pang-iinis pa niya rito, sabay yakap ng mga braso sa leeg nito.
"May kilala si Papa sa mayor's office. Puwede mapadali kung papayag ka na ngayong at bukas na bukas ay puwede naming lakarin ni Papa lahat ng kailangan para ma-i-set ang kasal natin ngayong buwan."
"Bakit feeling ko nakahanda na lahat ng dokumento ko kahit hindi pa ako sumasagot?"
He chuckled. "Inihanda na ng nanay mo."
"Honest mo ah."
"S'yempre, malalaman mo rin naman."
Bumaba ang tingin nito kaya niluwagan ni Vel ang pagkakayakap niya sa leeg ni Santillan hanggang sa ibaba na niya ang isa para makita ang paglapat ng isang palad nito sa kanyang umbok na tiyan.
"Book, gusto mo bang magpakasal na kami ng Mommy mo?" malambing na tanong ni Santillan sa anak nila.
Maya-maya pa ay napasinghap si Vel nang maramdaman ang malakas na pagsipa ni Book sa kanyang tiyan. Parehong namimilog ang mga matang napatingin silang dalawa sa isa't isa ni Santillan.
"Ang lakas no'n, ah?" basag na komento nito.
Natawa si Vel sabay himas sa kanyang tiyan. "Hinay-hinay naman Book at baka kumalas mga internal organs ko sa mga sipa mo."
Santillan chuckled. "Paano ba 'yan, Mommy Vel? Mukhang gusto rin ni Book na magpakasal na tayo bago siya lumabas."
"Ang dami mong alam."
Lalo itong natawa. "Sige na, isa na lang nasa listahan ko."
"Oo na, sige na! Magpakasal muna tayo sa civil."
Actually, isa-suggest din sana niya iyon kaso naunahan siya ni Santillan.
Medyo mahaba ang proseso ng pagpapakasal sa simbahan. Aside pa roon ay wala pala siyang makuha na matinong wedding coordinator at hindi silang magkasundong lahat kung saang simbahan sila magpapakasal ni Santillan. Ibang simbahan ang gusto ng mga magulang ni Santillan. Ibang simbahan din ang gusto ng pamilya niya. Pati motif at kung ilang tao ang iimbetahin ay hindi makausad. Sa sobrang gulo, in-drop na sila ng wedding coordinator nila kaya naghahanap sila ng bago – 'yong kayang i-absorb lahat ng stress ng pamilya nila into a perfect wedding.
In short, 'yong malakas ang loob at hahamakin lahat para sa pera.
"Saka naisip ko rin," pagpapatuloy ni Vel. "Mas magiging special ang church wedding natin kasi kasama na sa entourage natin si Book at s'yempre, payat na ulit ako no'n."
"Kahit ano pang korte ng katawan mo ay pakakasalan pa rin kita."
"Chura mo!"
Natawa na naman ito. "Seryoso nga!"
"Tapos mag-di-day-off ka pa rin ng Sunday kasi rest day sabi ni Lord."
Halakhak si Santillan. "'Langya!"
"Chura mo, Santillan!"
"Mahal kita."
"Sabihin mo sa'kin 'yan kapag Sunday at baka maniwala pa ako kasi day off mo."
"Mahal, may pupuntahan ako bukas," pag-iiba nito bigla. Hindi na ito tumatawa but the smile remained on his face. "Gusto sana kitang asama."
"Saan naman?"
"Ipapakilala kita sa Kuya Word ko."
IBINABA ni Santillan ang dala nilang bulaklak at mga glass candles sa puntod ni William Ordeal Santillan. Nahihirapan na siyang yumuko kaya ito na ang nagsindi ng mga kandila, nakaluhod na ang isang tuhod sa tiled floor. May engraved face ng mukha ni Little Word ang tombstone nito at nakangiti ito roon nang malaki.
Nasa loob ng isang magandang museleo ang libingan ng anak nila Tita Sarah at Tito Oscar. Sa ngayon ay nag-iisa pa lamang si Little Word doon pero malaki ang space at mukhang sinadya para may maidagdag pa roon.
It made sense to her now kung bakit hindi rin niya agad napansin na hindi totoong anak si Santillan. Medyo may hawig na rin naman kasi si Santillan kay Little Word, mas mabilog lang ang mga mata nito. At siguro dahil sa tagal nang magkakasama ng tatlo ay lumaki na ang hawig ni Santillan kina Tita Sarah at Tito Oscar. May lahing Chinese din naman kasi si Tita Sarah kaya inisip niyang sa Mama niya ito nagmana.
Habang busy pa si Santillan ay napansin ni Vel na kahit magkapareho ng pangalan ay magkaiba naman ang birth date ng dalawang Word. August 21, 1990 si Santillan at June 21, 1989 naman si Little Word.
"Hindi kayo pareho ng birthday?" naisatinig ni Vel.
"Hindi." Tumayo si Santillan para harapin siya. "August 21, 1990 talaga ang birthday ko."
Naikiling niya ang ulo sa kanan, punong-puno ng pagtataka ang ekspresyon ng mukha niya. Sinusubukan niyang isipin kung paano?
"Naalala mo?"
Umayos din siya ng tayo pagkatapos.
"Actually, hindi. May kasamang baby picture ang maliit na bag na dala ko. I think, I was just a months old sa picture na 'yon –"
"Nasa sa'yo pa rin?"
He nodded. "Mama kept it. It was the only photo we have of me when I was a baby. She made sure na hindi iyon masisira. My mother treasures it just how she treasures all of Kuya's photos." Santillan smiled. "Nakasulat sa likod ng larawan ang date ng birthday ko. Wala naman gaanong sinabi, ang sabi lang ay birthday ko 'yon. I don't celebrate birthdays noong kasama ko pa ang totoo kong ina kaya hindi ko rin inisip na 'yon talaga ang totoong birthday ko not until I asked my mother why they came up with August 21 instead of June 21."
"And they told you the truth?"
"Yup... in fact, I was happy to know that, at least may matatawag akong akin. I also appreciate them for registering my real birth date."
"Ilang taon ka no'n?"
"Fifteen yata."
She gave him a warm smile saka hinawakan ang isang kamay nito. "Sobrang coincidence naman na pareho kayong ipinanganak sa araw ng 21 at pareho rin sana kayong William if nagawa ngang i-register ng totoo mong ina ang pangalan na gusto niya para sa'yo."
He chuckled. "Tadhana?"
"TADHANA Café." Natawa si Vel. "Naisip ko na, you were meant to be Tita Sarah and Tito Oscar's son. Saka naisip ko rin, what if, ikaw ang napili ni Little Word na pumalit sa kanya noong nasa heaven na siya? What if noong past life, twins talaga kayo pero nagkamali lang ang reincarnation department?"
Tawang-tawa si Santillan. "Saan mo na naman nakukuha ang mga iyan?"
"Hoy, everything is possible!"
"Sino ang reference mo? Mga K-Drama?"
"Ah, basta! Huwag mo na akong kontrahin. Alam ko, naniniwala ako na ikaw ang napili ni Little Word na magpatuloy sa buhay na hindi na niya nagawa. Although, I doubt if same kayo ng pangarap sa buhay kasi nga sabi ni Tita Sarah mas mabait at mas tahimik si Little Word kaysa sa'yo."
Napamaang si Santillan.
She continued, natatawa pa. "He let you use his name para mabigyan ka ng second life at maramdaman mo ang pagmamahal at pag-aalaga ng isang mapagmahal na magulang. Kasi naniniwala siyang deserve mo 'yon."
Napangiti na ngayon si Santillan.
"Every kid deserves to be loved."
"Agree."
"I am always grateful with my parents. They were my miracle, Vel. They were not perfect pero kahit na pakiramdam ko noon ay kapalit lang ako ay hindi naman umabot sa punto na nagtatampo ako sa kanila nang sobra. Alam ko na buo ang pagmamahal nila, nararamdaman ko, at nakikita ko. Ilang beses ko nang narinig sa mga Tito at Tita ko ang mga pangit na salita at panghuhusga... hindi rin naman ako naging perpektong anak sa kanila... pero ni minsan ay hindi sila tumalikod sa'kin... ipinaglaban nila ako... pinipili lagi... at sinusuportahan sa mga bagay na gusto ko."
"Sorry, itatanong ko na rin 'to, dahil ba sa issue na ampon ka kaya naghiwalay kayo ni Charlotte?"
"Sort of."
Kumunot ang noo niya. "Hoy, anong sort of?"
He chuckled. "His parents didn't like me for her, dala na rin siguro ng sulsol ng mga kapatid nila Papa. They're just in the same circle dahil magkakabata nga kaming tatlo nila Nicholas. They always have this mindset about orphans as villains, greedy, and ungrateful. Iniisip nila lagi na dadating ang araw na hihigitan ko pa ang asal ng isang totoong anak – magmamalaki ako at baka kamkamin ko pa ang yaman ng mga magulang ko."
"Adik ba sila?!"
Ready nang manuntok si Vel. Toxic relatives na lang ni Santillan ang kulang.
"Wala akong magagawa roon, sino lang ba naman ako? Hindi naman nila ako kadugo. I couldn't blame them, madami naman talagang negative news about orphans betraying their foster family. Mahirap na ngang magtiwala lalo na kung hindi mo alam saan galing ang batang aampunin mo."
"Pero hindi naman lahat –"
"Hindi lahat pero para sa nakararami, lahat kami ay may potential maging masama."
Ayaw mang aminin ni Vel pero totoo talaga iyon. Hindi na nga sila gustong mahalin ng totoo nilang mga magulang ay iilan lang din ang gustong bigyan sila ng pagkakataon na patunayan ang sarili nila sa mundo. The sad stigma of being an orphan.
"At pumayag lang si Charlotte sa gusto ng mga magulang niya?"
Santillan nodded. "I'd be honest, sumama talaga ang loob ko sa kanya noon. I was at my rebel age, college, nag-drop-out pa ako sa kurso na una kong kinuha dahil nagka-offense ako sa university. Napaaway pero hindi naman dahil sa masama, tinulungan ko lang iyong isang kaklase ko na binu-bully, but in the end, he chose to side with his bullies because of fear. I couldn't blame him. Hindi naman niya ako lubos na kilala."
"Nakikipagbasag-ulo ka noon pero noong pinagtulungan akong bugbugin ng mga litseng kulto ni Lito ay ginawa mo lang akong shield," hindi makapaniwalang sabi ni Vel. "Kakaloka ka no'n! Gigil na gigil ako sa'yong hayop ka."
Natawa naman si Santillan. "Matagal na akong hindi nakikipag-away, pagpasensiyahan mo na. Malakas ka pa naman sa'kin no'n."
"Oo, pero gago ka pa rin!"
Inakbayan siya ni Santillan at pinihit ulit sa puntod ni Little Word.
"Enough of our sad past, we're closing that chapter of our lives to start a new story together."
She chuckled. "Book two?"
"Book two together with our Baby Book with the same characters we fell in love in book one."
Natawa si Vel. "Writer ka?"
"Ano ka ba? We're always similar to writers, Vel." He chuckled. "We write our own destiny, only that, we write it in real life and not on paper. The challenging part is that when we make mistakes we cannot undo them, but we can always choose to learn from them and move forward to a better life."
Sumilip ang matamis na ngiti sa labi niya. "Naks! Agree ako riyan."
"So, Vel, meet my older brother, Little Word."
"It's nice to finally meet you Original Word." The second Word chuckled beside her. Pigil ni Vel ang tawa kaya pinanatili niya ang ngiti. "I don't believe in promises, but I assure you that I will take care of your parents as a genuine token of my gratitude for choosing and raising my William Ordeal Santillan version two in this world."
Kahit hindi niya tignan si Santillan ay ramdam niya ang pagbaling ng tingin nito sa kanya.
"Madalas hindi ako grateful sa kapatid mo." Natawa si Santillan, sinapo ang ulo niya para halikan siya sa sintido pagkatapos. She didn't mind. "Pero sa tingin ko, kung hindi siya nag-e-exist sa mundo ay baka natupad na 'yong isang goal ko na maging single rich tita."
"Ang ungrateful talaga nito."
"Dahil wala na rin akong ibang maisip na lalaki na kayang sikmurain ang kademonyohan ng ugali ko," dugtong ni Vel. "Si Santillan lang ang lalaking gusto kong samahan sa dulo ng mundo kahit nakakapagod 'yon."
Lalong natawa si Santillan sa tabi niya.
"Mamahalin at magiging ama ng mga anak ko," baling niya kay Santillan.
He smiled. "Natin," he corrected. "Anak natin, Vel."
"Sabi ko nga."
Bumaba ang mga kamay nito para hawakan ang mga kamay niya, may ngiting nakatitig sa kanya.
Tangina, bakit ba ganito kagwapo ang magiging asawa ko? Alam kong deserve ko 'to alangan naman hindi.
"Ito ang isipin mo lagi, Santillan, sobrang suwerte mo na sa'kin. Hindi ka na makakahanap ng katulad ko."
Natawa ito. "Dapat talaga noong una pa lang niligawan na kita."
"Nako, hindi rin. Isasama mo pa nga ako sa bar para mambabae. Gago ka ba?"
Lalo itong natawa. "Ang laki kasi ng galit mo sa'kin."
"Malamang."
"Si Book lang pala magtutulay para ma-realize natin ang feelings natin sa isa't isa."
"Malandi ka e," she retorted, suppressing a smile. But she can no longer hold her emotions kaya niyakap na niya si Santillan. She had been too clingy with him, cringey 'yon dapat sa kanya, but she learned to love it when she hugs him and he hugs her back. "Pero malandi rin naman ako deep inside kaya tangina bahala na."
At nabubwesit ako kapag hindi sweet si Santillan sa'kin. 'Yon ang character development!
May ingat na gumati rin ito ng yakap sa kanya. "Akala ko ba hindi ka na magmumura?"
"Love language ko 'yon, but don't worry," bahagya niyang inilayo ang katawan nang hindi kumakalas sa yakap para matignan sa mukha si Santillan, "kapag lumabas na si Book ay hindi mo na ako maririnig magmura dahil isusulat ko na lang."
Pareho silang natawa sa isa't isa.
"Ang dami mo talagang alam." He leaned down to kissed her on the lips. It lasted for a few second. Parehong may ngiti sa mga mukha nila nang maghiwalay ang mga labi nila. "Kaya mahal na mahal kita."
"At dahil diyan, naalala kong mag utang ka pa sa'kin na sayaw."
Kumunot ang noo nito. "Anong sayaw?"
"'Yong Push the Button."
Ang lakas ng tawa ni Santillan. "Na claim ko na nang paulit-ulit ang torrid kiss ko, hinahanap mo pa rin 'yan?"
"Hindi ko ilalabas si Book kapag hindi mo ginagawa."
"Grabe naman."
"Gagawin mo o gagawin mo?"
"Hahaha!"
"Hoy!"
"Oo, na!" Tawang-tawa pa rin ito. "Gagawin ko na para sa'yo."
"Mabigat sa loob, Santillan?"
"Ay hindi, ang gaan-gaan nga, sobrang gustong-gusto ko," sarkastiko nitong tugon.
Imbes na mainis ay natawa lang si Vel. "Gago!" aniya, sabay palo ng dibdib nito. Muli siya nitong niyakap at hinayaang ihilig ang ulo niya sa dibdib nito.
"Gusto mo bang half naked or full naked ko gawin?" pilyong bulong pa nito sa kanya.
Tawang-tawa si Vel kahit na-e-eskandalo. At talagang sa harapan pa talaga ng kapatid niya naglandian?
"Gago!"
"Lahat gagawin ko para sa'yo."
"Huwag na lahat. Okay na ako sa kaunti."
"Akala ko ba abusado ka?"
Natawa ulit siya. "Nagbago na ako, minsan na lang."
THREE WEEKS AFTER ay ikinasal silang dalawa ni Santillan sa civil. Finally, crashing the top one of his amazing to-do-list. It was just an intimate wedding sa mayor's office at magulang lang ni Santillan at si Nicholas ang kasama ni Santillan. Ang Mama niya, si Tito Pear, at Gospel naman ang representative sa family niya. Sa church wedding na lang ang iba next year at kapag malaki-laki na si Book. Pag-iisipan pa rin niya kung deserve nila makakain sa reception at baka sa simbahan pa lang maging abo na ang mga iyon.
JANUARY 24, 2021
"SANTILLAN!" sigaw ni Vel in laboring pain. "Ya...wa... ka... talaga!" Buong lakas na umire siya, pinanggigilan ang nakahawak na kamay ni Santillan.
"Vel! Shit!" Namimilipit ito sa sakit. "Umire ka lang diyan, huwag mo na baliin ang kamay ko. 'Langya!"
"We're seeing the head, Vel," imporma ni Dra. Lozano. "Deep breathe... inhale, exhale, relax, then push... strong push, Vel."
Walangya, mura ni Vel.
Gusto na talagang niyang manuntok nang mga oras na 'yon. Tatlong araw na siyang nakakaramdam ng contractions, lower back ache and sa tiyan niya mismo. Umiiyak na siya sa sakit. Akala niya ay mataas ang pain tolerance niya pero mas may isasakit pa pala ang mga pasakit niya sa buhay. Ngayon niya naiintindihan ang Mama niya kung bakit may karapatan itong mag-inarte kapag sinagot-sagot niya.
Shuta, bakit kasi hindi na lang nagkukusang lumabas ang mga bata nang hindi nararamdaman ang mga pasakit na 'to? Yawaaaaa!
Dalawang kamay na ang mahigpit na humawak sa kamay ni Santillan. Masamang-masama ang tingin niya sa asawa niya na naghihirap hawakan ang camera sa isang kamay. Nakasuot ito ng surgical gown at head cap.
"Gago!" nagawa pa niyang mura kahit hirap na hirap na siya at basang-basa na sa pawis. "Kasalanan... mo... talaga... 'to... yawa... ka..." Impit siyang napasigaw. "Ahhhh!" Ibinuhos niya ang buong lakas sa pag-ire. "Ayaw ko na..." iyak na niya sa sobrang sakit. "Shu...taaa..."
Lalo pa siyang nabu-buwesit dahil tawa nang tawa si Santillan kahit pinanggigilan na niya ang kamay nito. Gago talagaaaaa! Masaya ka pa? Hirap na hirap na nga ako! Belib naman talaga siya at hindi nito nabibitiwan ang cellphone nito sa isang kamay – patuloy lang ito sa pag-video sa paghihirap niya.
Wrong decision yata na pumayag siyang i-record ang pagkakataon na 'yon. Siya yata ang kauna-unahang babae na puro mura ang isinisigaw habang nanganganak. Kung hindi man siya ang una, malamang siya ang pinakapalamura.
"Isa pang ire, Vel."
Habol-habol na niya ang hininga habang ginagaya ni Santillan ang paghinga niya. Imbes na mamotivate siya ay mas lalo siyang nabubuwesit.
"Kaya mo 'yan, Mahal," he encouraged. "Book is almost there."
Sakabila ng sakit at mga luha ay ibinuhos niya ang pagkabuwesit niya sa pag-ire nang malakas.
"Ahhhhhhhhh!!!"
Pakiramdam ni Vel ay mauubos na siyang tuluyan pero naramdaman niyang lumabas na nang tuluyan si Book. Maya-maya pa ay nabibingi na siya sa malakas na iyak ni Book. Nakahinga siya nang maluwag doon pero naiyak naman siya nang sobra.
Sa wakas, lumabas ka ring bata ka!
Hinalikan siya sa noo ni Santillan.
"Congratulations, Vel, Word, it's a baby boy."
Inabot ni Doctora si Book at pinakarga sa kanya. Mas lalo lang siyang naiyak nang makitang walang buhok ang anak niya. Tawang-tawa naman si Santillan sa tabi niya. Ang taba-taba pa ng anak nila, mukhang siopao na tinubuan ng mga paa at mga kamay. Kaya pala hirap na hirap siyang i-ire si Book.
"Wa...walang... buhok..." iyak niya.
"Okay, lang 'yan, wala rin naman akong buhok doon sa baby picture ko," he chuckled. Inabot nito ang cellphone sa isang nurse at gamit isang braso ay iniyakap nito 'yon sa kanya at muli siyang hinalikan sa noo. "Thank you, Vel. I'm so proud of you."
Pagod man at wala na siyang lakas ay napawi naman lahat nang tumahan na si Book sa kanyang bisig. Napangiti siya. Sobrang guwapo ng anak nila. Mapula-pula ang balat, mukhang maputi rin. Matangos ang ilong gaya ni Santillan at chinito rin kagaya ng ama. Ito na nga ba ang sinasabi niya noon, siya ang magdadala pero magmamana lahat sa ama.
"Kamukhang-kamukha mo," aniya, halos bulong na pero alam niyang narinig pa rin nito.
Natawa lang ulit ito. "Anong ipapangalan natin sa kanya?"
Umangat ang tingin ni Vel kay Santillan. "Ako magpapangalan kapag lalaki, 'di ba?" He nodded with a smile. Muli niyang ibinalik ang tingin kay Book. "Kai Livre Santillan," aniya.
Kai in Aramaic means strong foundation. Kai in Basque means happiness. Kai in Burmese means strong and unbreakable. In Japanese, Kai also means recovery and restoration. Adding it all, Book's existence gave us a strong foundation to make our relationship work. At habang nasa tiyan ko siya ay mas naging malakas kaming dalawa ng ama niya na harapin ang mga masasakit na nakaraan naming dalawa ni Word na hindi namin nagawang harapan ng mag-isa. Book healed us completely kaya masaya silang dalawa ngayon ni Word.
And Livre is a French word for.
Natawa naman ito. "Akala ko ayaw mo noong suggestion ko?"
"Gusto kong Book pa rin siya."
He smiled. "Sa tingin ko hindi rin niya magagamit ang pangalan na 'yan."
"He'll get used to it." Dinampian niya nang magaan na halik ang noo ng anak. "Hindi ba, Book?"
"Or puwede naman in Tagalog, Libro," he chuckled after.
Gaya ng laging sinasabi ni Gospel. According to J.K. Rowling, something magical can happen when you read a good Book. And our Kai Livre Santillan brought magic in our lives.
MEANWHILE.
"Sana okay lang si Vel. Sana okay lang si Vel." Paroon at parito si Spel sa labas ng delivery room. Hindi siya mapakali. Nag-aalala siya sa kaibigan niya. Mas kabado pa siya sa manganganak. Huminto siya sa mismong harapan ng pinto ng delivery room at tinitigan ang pinto. "Vel, kayanin mo talagang gaga ka. Nako! Nako! Sasabunutan talaga kita kapag may masamang nangyari sa'yo."
Isang hakbang pa lang ang nagagawa niya nang maramdaman niyang may humila sa tag ng likod ng floral niyang duster. Talagang hinila siya pabalik – kamuntik pa siyang mabuwal patalikod. Buti at hindi siya nasakal.
"Spel, stop," boses iyon ni Nicholas. "Ako ang nahihilo sa kakalakad mo."
Ang brutal pala ng lalaking 'to? I like.
Sa pagmamadali niya ay hindi na siya nag-ayos pa. Talagang go-mo-ra agad siya sa ospital na naka duster at hindi na naman pair ang mga tsinelas. Ni walang suklay ang mahaba niyang buhok at wala pa siyang makeup.
Ang role ko today ay maging low budget na Sadaku na pinanganak at pinalaki sa Pilipinas.
Binitawan ni Nicholas si Gospel.
"Nico, how can I calm down?" close to hysterical nang tanong ni Gospel nang harapan niya ang lalaki. "Alam mo ba kung gaano ka delikado ang sitwasyon ni Vel? Fifty-fifty lagi ang panganganak. Paano kung biglang nagkaproblema? Paano kung nagka-mentalblock ang doctor? Paano kung mag-brownout? Paano kung mali ang pag-ire ni Vel? Paano kung –"
"Paano kung kumalma ka at huminga ka nang malalim?" mahinahon nitong dugtong.
Natigil si Gospel doon at napatitig lang sa mga mata ni Nicholas. Tumaas-baba ang dibdib niya dahil halos kapusin siya ng hininga sa walang tigil niyang pagsasalita. Bakit ba ang kalmado ng lalaking ito? Feeling niya ay kahit pasabugan ng bomba si Nicholas ay wala pa rin itong reaksyon. Kaso ang guwapo e.
Hindi na niya pinigilan ang sarili at niyakap na niya si Nicholas. Halatang-halata sa reaksyon ng katawan nito ang pagkagulat pero wala siyang pakialam. Para pa rin siyang linta na kumapit dito.
"Yakapin mo ako para kumalma ako," aniya.
Dios ko, Gospel Grace! Idi-disown ka na ng mga ninununo mo. Na saan ang kahihiyan mo, hija? Ewan, siguro na realize ng kahihiyan ko na mas mabuting magpakalayolayo siya para ma-attain ang peace of mind. Char.
Pero imbes na yakapin siya ay hinawakan siya ni Nicholas sa magkabilang balikat at pilit na inilayo ang sarili sa kanya.
"Gospel –"
Hinigpitan niya ang yakap kay Nicholas.
"Hindi kita maalok ng sampung milyon para ligawan ako kasi hindi ako anak ni Small Laude pero puwede bang instalment na lang? Kaya ko na siguro mga 1,500 per month basta wala lang interest. Gawin nating lifetime instalment. Ano, G ka?"
"Gospel –"
Hindi natuloy ang sasabihin ni Nicholas dahil biglang may suminghap. Sabay na napatingin silang dalawa kay Tito Pear. Nakatakip ang dalawang kamay sa bibig at tila gulat na gulat.
"Gospel Grace Trinidad!" na e-eskandalong tawag ni Tito Pear sa kanya.
Nakasunod dito sina Tita Mati at ang mga magulang ni Word. Pareparehong may gulat sa mga mukha.
Nicholas cleared his throat. "It's not what you think of –"
Pero naputol na naman ang sasabihin nito nang bumukas ang pinto ng delivery room at may ngiting lumabas doon ang doktora ni Vel. Huminto ito sa harapan nila.
"Congratulations, it's a bouncing baby boy."
"It's a boy?"
Halos sabay-sabay nilang anim.
Ilang segundong natahimik at nang tumili si Tito Pear ay tila bombang isa-isang sumabog ang masayang emosyon nila.
"May apo na akoooo!" sigaw ni Tito Pear.
"May apo na tayoooooooo!" segunda naman ni Tita Sarah.
"Oh my god! Oh my god!" Nagtatalon-talon si Gospel habang yakap pa rin si Nicholas. Wala tuloy itong magawa kundi ang hawakan ang likod niya at alalayan siya na hindi matumba kung sakaling bigla siyang kumalas. "Tama ang hula koooo! It's a boy! Baby Book is Little Santillan!" Napatili talaga siya nang sobra dahil sa saya.
At sa sobrang hype niya ay nahalikan niya si Nicholas sa pisngi. Natigilan ito at napakurapkurap sa kanya. Tila doon siya binalikan ng kahihiyan kaya mabilis na kumalas siya ng yakap dito at dumistansiya.
Ay meron pala akong kahihiyan.
Naglapat ang mga labi niya, alam niyang medyo alanganin ang ngiti niya. Si Nicholas naman ay nakatitig lang sa kanya.
Kaya bago pa niya ipagkanulo ang sarili sa kahihiyan ay idinaan niya sa malakas na tawa. Iniwan niya si Nicholas at yumakap sa grupo nila Tita Mati.
And that my friend is the literal way of ghosting someone. Hayop ka talaga Gospel Grace Trinidad. Mabuti na lang at pinanganak kang maganda.
"Mga gurs, lolo at lola na kayo –" Hinila ni Tito Pear ang buhok niya. "Aray!" ngiwi niya, parang kakalas ang buhok niya sa anit. Kaloka!
"Bibig mo!" Tito Pear hissed.
Hindi niya pinansin si Tito Pear, iba ang iniinda niyang sakit dahil gigil na gigil siyang sabunutan ang sarili mamaya. Naiisip niyang pakukuluan niya muna ang sarili saka ima-marinate ng 24 hours saka ilulunod sa kumukulong mantika.
Tapo ihahain kay Nicholas? Accckkkk! Shit, tama na Gospel Grace.
TUMAKBO agad si Word pagkatapos niyang pindotin ang doorbell ng tatlong beses. Iniwan niya roon ang lumang bag niya noong bata siya. His mother kept it for years at sa tingin niya ay iyon na ang tamang panahon para ibalik iyon.
He was lucky to get inside the exclusive subdivision. Nag-alibi lang siya na mag-i-inquire sa office sa loob na nandoon. Nagtago siya sa likod ng itim na Toyoto Hilux na ipinarada lang sa katapat ng bahay ng anak ng nanay niya. Inayos niya ang itim na hood sa kanyang ulo, may suot din siyang itim na sunglasses.
Maya-maya pa ay lumabas na ang kanyang ina. Napatingin muna ito sa paligid bago naibaba ang tingin sa bag. Bumakas sa mukha nito ang gulat. Pinulot nito ang bag at mukhang namukhaan agad nito ang bag dahil bigla itong naluha.
Lumuluhang naigala nito ang tingin sa paligid.
"B-Boy?" tawag nito sa paligid.
Mapait na ngumiti si Word.
He want her to open the bag. Nakasilid doon ang sulat niya para rito.
Bumalik ang tingin ng ina sa bag at binuksan iyon. Inilabas nito ang puting envelope at binuksan hanggang sa mailabas nito ang nakatiklop niyang sulat. She unfolded it and started reading the letter. It was just a short letter, ilang segundo lang ang lumipas ay umiiyak nang iniyakap ng ina niya ang bag at sulat.
Inalis niya ang tingin sa ina at isinandal ang likod sa katawan ng sasakyan. Hinubad niya ang salamin sa mata at pinunasan ang mga namuong luha sa kanyang mga mata.
Your decision hurt me so much and I still don't think I deserve it, but I forgive you now. A good family found me at my darkest moments... they brought back the light in my eyes and somehow, I learned to accept my fate and to be happy again.
Even at the last moment, I have waited for you to come back for me.
I did love you, Mama.
Don't worry about me. Masaya na po ako. I married the most amazing woman and she gave me a handsome son who looks exactly like me. :) I've achieved all my dreams in life and throughout the years, I have received genuine love from my family and friends. How can I hate you for longer when all the world did for me was to give me the love I deserve? I will thrive to live my life to the fullest. I hope one day you will no longer be ashamed of me.
For now, please take care of yourself, Mama.
– Boy
ANO ba ang usual na scene sa huling pahina ng libro?
Vel could only think of one answer – s'yempre base na rin sa mga nababasa niya. 'Yon ay madalas nagtatapos ang kuwento sa isang kasal at pangako ng pag-ibig. Pero mukhang sa kanila ni Santillan ay magiging comedy pa rin hanggang sa huli.
"Push the button. Push the button. Pu-push the button. Push the button," simulang kanta ng in-hire nilang singer sa reception ng church wedding nila.
"Please, welcome, our maid of honor, Gospel Grace, and best man, Nicholas Adam!"
"I'm busy throwing hints that he keeps missing. Don't have to think about it, I wanna kiss and... Everything around it, but he's too distant. I wanna feel his body, I can't resist it..."
Lumabas ng arc sina Gospel at Nicholas, naghiyawan naman ang mga bisita. S'yempre hindi puwedeng hindi sila sumilip ni Santillan. Tawang-tawa silang dalawa nang makita na nag-kaldag na ang dalawa roon. Si Nicholas, imbes na sumayaw ay tawa na lang nang tawa sa bigay todong sayaw ni Gospel. Malamang, alagang TikTok ang babaeng iyon at si Gospel din ang nagturo ng sayaw kay Nicholas na sa kasamaang palad ay parehong kaliwa ang mga paa.
Napapasayaw na rin sila ni Santillan habang nakayakap ito sa kanya sa likod.
"I know my hidden looks can be deceiving, but how obvious should a girl be? I was taken by the early conversation piece and I really like the way that he respects me..."
"Parents of the groom, Mr. Oscar Santillan, and Mrs. Sarah Santillan!"
Sumunod ang mga magulang ni Santillan, game na game na nagsayaw ng cha-cha moves. Lalong naghiyawan ang mga bisita dahil ang sweet-sweet ng dalawa. Mukhang may balak pang sundan itong anak nila.
"Dapat kapag matanda na tayo, ganoon pa rin tayo ka-sweet," bulong sa kanya ni Santillan.
"Siguro hanggang sa pagtanda ay nag-aaway pa rin tayo –"
He chuckled. "Sa kama?"
Pinanlakihan niya ng mga mata si Santillan. "Gage! Naririnig ka ng anak mo." Itinuro niya ang limang buwan na rin nilang anak na si Kai Livre na tinatawag pa rin nilang Book. Karga-karga ito ni Tito Pear, cute na cute sa barong nito at little salakot sa ulo. May kwintas-kwintas pang bibs at pacifier. "Hi, Book."
Book giggled and wiggled in his Lolo Pear's arms na nasa harapan ang tingin. Napangiti silang dalawa ni Santillan. Dahil bini-breastfeed niya si Book kaya sobrang lusog nito. Halos kinakain na ng matambok at mapula-pula nitong mga pisngi ang maliliit nitong mga mata. Buhay na buhay pa ang hagikhik at tawa lagi. Sa awa ng Dios ay may tumutubo na ring mga buhok sa ulo nito.
Hay nako, kagigil! Manang-mana sa ama.
"Mother and Tito of the bride, Matilda Benedicta Salazar and Wilson Shakespeare Salazar with the bride and groom's son, Kai Livre M. Satillan!"
"I've been waiting patiently for him to come and get it. I wonder if he knows that he can say it and I'm with it. I knew I had my mind made up from the very beginning. Catch this opportunity so you and me could feel it, 'cause..."
Kasama ng anak nila ay lumabas na rin ang Mama at Tito niya kasama ni Book. Sumasayaw na naglakad hanggang sa makarating sa center platform. Sinalubong ang mga ito ng mga magulang ni Santillan at nila Gospel at Nicholas at may pakaldag na rin ang Tito Pear niya habang hawak-hawak si Book. Pero naging Sinulog dance steps iyon at ginawa pang Santo Niño si Book. Patola rin talaga si Spel at sinabayan pa si Tito Pear.
"'Langya 'to sila!" aniya, tawang-tawa. "Kaya pala ayaw nilang ipakita sa atin ang pinagpraktisan nila."
"Magkakaldag naman pala," tumatawa ring dugtong ni Santillan.
"Kawawang Nicholas." Napailing na lamang si Vel.
"Mukhang nag-e-enjoy rin naman siya."
"Sabagay."
"If you're ready for me, boy, you better... push the button and let me know before I get the wrong idea and go..."
Pagkatapos nang mahigit limang buwan na pagpaplano simula nang makapanganak siya kay Book ay natupad din ang church wedding nilang dalawa ni Santillan. Ginanap iyon sa Sacred Heart Parish, classic nude and neutral colors ang motif ng kasal. Kagaya niya ay ayaw rin naman ni Santillan nang madaming kulay and both of them agreed that the wedding should have a touch of Filipino culture kaya naka barong ang mga lalaki at Filipiniana ang design ng mga bride's maid - a pre-colonial themed wedding . Instead na bouqet of flowers ang hawak ng mga bride's maid at maid of honor ay puting pamaypay na may iilang white flowers and nude colored ribbon ang hawak nila.
Even her wedding gown looks classic – very not Vel, but she loved it. Isang white modern Filipiniana na may viel na kagaya ng sa suot ng Birhen. Nagustuhan niya na hindi masyadong complicated ang design ng wedding gown niya kahit na naka embroidery pa halos dahil nagawa pa ring i-incorporate ang pagiging simple niya roon. At saka, sobrang galing ng nakuha nilang designer dahil kahit na limang buwan lang ang preparation ay natapos nitong ang gown. Iba namang designer ang gumawa ng suot na barong ni Santillan at sa mga entourage para simultenous lahat at masigurong matatapos on time.
Nagpapasalamat talaga siya nang sobra kay Ms. LV General, she was a life saver. Ito ang ini-recommend ni Nicholas sa kanila na kausapin para mag-organized ng kasal nila. Mula sa damit hanggang sa mismong event ay tinulungan sila nito. December pa lang ng 2020 ay nagsimula na sila, isiningit pa rin sila nito kahit sobrang busy na nito kaya maagang nasimulan ang lahat. Ito rin ang may-ari ng trending wedding coordinator team sa Cebu ngayon na Wedding Envision. Ang sabi ni Nicholas sa kanila ay si LV raw ang pinaka-recommended ng mga kaibigan ng pinsan nitong si Vier.
At hindi nga sila nagkamali. The church wedding and the reception exceeded her and Santillan's expectations. May one thing in common pa naman silang mag-asawa, pareho silang buraot at hindi gumagastos nang malaki. Ngayon lang na napapayag sila dahil madaming sponsors.
"And now, our bride and groom!" Lumakas ang palakpakan at hiyawan ng mga bisita. "Mr. William Ordeal Santillan and Mrs. Maria Novela Santillan!"
Kumalas sa pagkakayakap sa kanya si Santillan, matamis na matamis ang ngiti habang nakalahad ang isang kamay sa kanya. "Tayo na, Mahal." Lalong napangiti si Vel, kinikilig. Her husband looks dashing in his modern barong Tagalog that matches her Filipiniana wedding gown, minus the veil and heels dahil naka sneakers na lang siya sa ilalim ng gown. Hindi siya mag-a-adjust sa pain. Saka na siya magpapalit, i-enjoy niya muna.
"After waiting patiently for him to come and get it. He came on through and asked me if I wanted to get with him..."
Tinanggap niya ang kamay ng asawa niya. "Naman!" sagot niya.
Magkahawak ang kamay na lumabas sila mula sa arc, tawa nang tawa habang sumasayaw na walang tamang stepping basta magkahawak pa rin ang mga kamay.
"If you're ready for me, boy, you better push the button and let me know before I get the wrong idea and go, you're gonna miss the freak that I control..."
He waltz with her, did hiphop moves with her, at napilit pa siyang sumayaw ng budots moves kahit na naka wedding gown pa siya. Ang galing gumiling akala mo former member ng Sexbomb. Lalo lamang napuno ng saya, tilian, at tawanan ang buong reception hall.
Vel didn't mind the embarrassment. She was enjoying the moment like her husband. Ilang beses siya nitong inikot, hinapit payakap, hinalikan sa labi, at paulit-ulit na sinasayaw. Kasabay no'n ang pagbalik lahat ng mga pinagdaanan nila sa nakalipas na taon. Mula roon sa walang katapusang bangayan nilang dalawa ni Santillan hanggang sa noong imbes na siya ang ipagtanggol nito mula sa grupo ni Lito ay ginawa pa siyang shield ng walangya.
Natawa siya habang inaalala iyon habang nakatitig sa guwapong mukha ng asawa niya. She will forever cherish those love and hate moments with Word na alam niyang hindi na mawawala sa kanila dahil love language nila ang magbardagulan at barahin ang isa't isa.
Lumapit si Gospel sa kanila na dala si Book at ibinigay kay Santillan. Pinagitnaan nila ang anak nila na malaki ang ngiti at umuusal na naman ng mga salitang ito lang ang nakakaintindi habang inaabot ang mukha niya.
"I love you both," usal ni Santillan sabay halik sa noo niya at sa ulo ni Book. Nakahubad na sa ulo nito ang salakot at expose na expose ang kumikinang na bumbunan na alagang Lolo Pear. "Thank you for giving me this family, Vel," dagdag nito habang nakatingin sa kanya, medyo malakas para marinig niya, but she saw tears in his eyes at natunaw na naman ang puso niya.
"Pasalamat ka doon sa bagyo at sa pagiging buraot ko sa sarili," she chuckled. "Kung hindi roon, wala tayong Book ngayon."
"Hindi mo sure." Ang lakas ng tawa nito pagkatapos.
"Hoy!"
"Malay mo naman, may isa pang bagyo if I missed that one."
"Oo, bagyong Santillan." Pareho silang natawa sa isa't isa. "Pero baka nga," dagdag niya maya-maya. "We're perfectly –"
"Matched?"
Bored na tinignan ni Vel si Santillan. "Unmatched," medyo may banas na pagkakasabi niya. "Mapilit ka lang at malandi." Tawang-tawa naman ito habang tinutusok-tusok ni Book ang pisngi ng Papa niya, humahagikhik pa. "Hindi ba, anak ko?" kuhang atensyon niya sa bata.
Hay nako, nanggigil na naman siya sa batang ito. Mukha talagang siopao na tinubuan ng maliit na mata, cute na matangos na ilong, mapupulang pisngi at labi ang anak nila ni Santillan.
"Pero," hindi pa siya tapos. Inangat niya ang tingin sa mukha ng mahal niyang asawa. "Hindi naman ako nagrereklamo." Sa pagkakataon na iyon ay sumilay ang isang pilyang ngiti sa kanyang labi.
Pigil na pigil ni Santillan ang sobrang ngiti. "Sabi ko na nga ba at crush mo rin ako."
Tawang-tawa si Vel pero sandali lamang dahil niyakap siya bigla ni Santillan sa isang braso, nasa pagitan pa rin nila si Book para angkinin ang mga labi niya. Nagulat siya sa biglang paghalik nito pero agad din naman niyang tinugon ang halik na iyon na may ngiti. Pasimple na lamang niyang tinakpan ang mga mata ni Book gamit ng isang kamay. Hinapit pa siyang lalo nito at mas lalo pa nilang pinailaliman ang halik.
"Wala pa nga akong sinasabi at naghalikan na nga ang bagong mag-asawa," narinig pa niyang sabi ng host, tawang-tawa ang mga bisita, but she and Santillan didn't mind. "Sige ituloy n'yo lang 'yan. Huwag n'yo na kaming pansinin... kasal n'yo naman 'to. Kain na muna kami ah. Sino lang ba naman kami, 'di ba?"
Hindi nila napigilan ni Santillan ang matawa kaya bahagya silang nagkalayo. Napangiti habang pinapakinggan ang pamilyar na kanta na ipinilit as background music.
"At aalis, magbabalik... At uuliting sabihin... Na mahalin ka't sambitin. Kahit muling masaktan... Sa pag-alis, ako'y magbabalik... At sana naman..."
Kantang Nobela na medyo up beat.
Tinitigan ang isa't isa na may pagmamahal at may ngiti sa mga labi.
"Mahal na mahal kita Nobela ko," he mouthed.
"Mahal na mahal din kita aking Salita," sagot niya. Pareho silang natawa sa isa't isa bago nito inayos ang pagkarga kay Book. Hinawakan niya ang isang kamay ng anak nila. "Mahal na mahal din kita aming Libro."
May ngiting ibinalik ni Vel ang tingin sa asawa niya. Hindi pa rin makapaniwala na mauuwi sa kasal ang mga away nilang dalawa ni Santillan noon.
Totoo nga siguro ang kasabihan na huwag magsalita nang tapos. Kakasabi ko na hinding-hindi ako magkakagusto kay Santillan ay itinulak tuloy ako ng langit sa kanya lalo.
Natawa si Vel sa naisip.
Siguro dapat sa mga istorya sa libro at mga palabas, dapat wala ring wakas at the end sa huling pahina at eksena. Gaya ng buhay, wala mang kasiguraduhan ang mga susunod na mga mangyayari sa atin, puwede pa rin naman nating isipin na masaya iyon kahit hindi pa natin nakikita. Tamang pang-ga-gaslight lang sa sarili. Ganern! Joke. Basta kung saan ka masaya, ipilit mo, kiber sa mga taong feeling entitled sa buhay. Madami mang conflict pero lahat naman may resolution.
Ibinaling ni Vel ang tingin sa mukha ng mga Mama at Tito Pear niya na yakap-yakap ang isa't isa habang nakatingin sa kanila. Lumapit dito ang bunso ng mga ito na si Tita Juliet para makiyakap din sana kaso itinulak ito palayo ni Tito Pear. Tawang-tawa ang Mama niya at hinila ang kapatid pabalik para tatlo na silang magyakap.
Sunod na tinignan niya ang mga magulang ni Santillan na sina Papa Oscar at Mama Sarah na inaalo ang umiiyak na asawa – na alam niyang umiiyak sa labis na saya. Hindi naman nila puwedeng hindi imbetahin ang extended family ng pamilya ni Santillan kaya nandoon pa rin sina Madam Victoria at Madam Helga na medyo... medyo lang naman ay may character development na.
Ang mga staff ni Santillan sa TADHANA ay nandoon rin lahat - ang original shipper ng love team nila.
Nandito rin ang tatay niyang hindi na masamang elemento kasama ng bago nitong asawa at mga anak. She invited him, even considered him to take her to the altar with Tito Pear, but he declined. Hindi sa ayaw nito pero sa tingin ng ama niya ay mas karapatdapat na si Tito Pear ang maghatid sa kanya sa altar dahil ang tiyuhin niya na ang tumayong ama niya simula nang umalis ito.
Kaya first time ulit niyang makitang nakadamit panlalaki ang tiyuhin niya. Walang kupas, kahit kalbo ay napakaguwapo pa rin.
Invited din lahat ng mga ka-marites ng Mama, Tito Pear, at Mama Sarah niya na pormal na ngang lumipat sa subdivision nila noong isang buwan. Hindi puwedeng wala ang mga nagpapakalat ng chismis tungkol sa love team nilang dalawa ni Santillan kahit wala pa man ding sila.
Mga desisyonista e.
Nandito rin ang isa pang kaibigan ni Santillan na ngayon lang nito ipinakilala sa kanya. He so happened to be a friend of Nicholas' cousin, Vier. The owner of Noah's Ark - Chef Mathieu.
At s'yempre, itong dalawang best friend nilang dalawa ni Santillan na pakiramdam niya ay may inililihim sa kanila.
Pasasaan ba't malalaman ko rin ang itinatago ng dalawang 'to. Ang tunay na work, life, money, and balance ay dapat alam ko rin ang mga kaganapan sa buhay ng isang Gospel Grace Trinidad at Nicholas Adam Gutierrez.
But for now.
May ngiti pa ring ibinalik ni Vel ang tingin sa kanyang mag-ama na may sarili na namang mundo – ang magkambal na laging sila lang ang nagkakaintindihan.
Ang gusto ko na lang ay maging astig na milyonaryang Mommy ni Book at asawa ni Word Santillan. Oo, mukha pa rin akong pera. Tangina, bakit ba?
And of course, walang wakas ang story namin.
Asa ka pa.
Word and Novel lang sakalam!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro