Chapter 34
"DO you want to know the baby's gender?" nakangiting tanong ng OB ni Vel na si Dra. Lozano.
Mula sa ultrasound screen ay napatingin sina Vel at Santillan sa isa't isa. Seven months na ang tiyan niya at halatang-halata na rin ang porma at mukha ni Book sa mga sonogram nito. Sa tingin ni Vel ay malaking baby si Book dahil masyadong malaki ang tiyan niya ngayon at nadagdagan na naman ang timbang niya.
Nagpipigil naman siya ng kain pero ang tamad-tamad din talaga niya nitong mga nakalipas na linggo. Hindi naman siya kinukulang sa tulog pero lagi siyang tulog. Ayaw na niyang kumilos, gusto na lang niyang humilata at manood na lang ng Kdrama. Hindi siya nahihilig sa Romance, pinapanood niya puro paranormal at zombie-zombie.
Umiling si Vel kay Santillan, napag-usapan naman din nila ang tungkol sa bagay na iyon.
Ngumiti si Santillan. "Hindi na ho, Dra.," baling na sagot nito sa doktora. "We prefer to know our child's gender when Vel gives birth. Mas gusto namin ng thrill."
Natawa ang doktora. "Wala pala kayong balak mag-gender-reveal? I've heard it's the latest trend nowadays."
"Hindi ho kami mahilig sa party, Dra.," sagot ni Vel. "Saka na kami magpa-party kapag lumabas na ang Book namin."
"Sabagay." Iniligpit na nito ang hawak na apparatus. "Ang importante naman ay healthy si Baby," nakangiti nitong dagdag habang nililinis ang gel sa kanyang tiyan.
"So far, healthy naman po ba ang anak namin, Doc?" tanong ni Santillan. "Hindi sa gusto naming mag-overthink pero hindi lang talaga maiwasan. Alam n'yo naman na... panganay namin 'to..."
"As long as we follow our scheduled prenatal checkups, Vel taking her vitamins, and watching her sugar intake and blood pressure, then we're good. Kapag may nararamdaman na kakaiba, my line is always open. For now, wala naman akong nakikitang problema kay Vel at sa baby."
Muli silang napatingin sa isa't isa at pareho nakahinga nang mabuti. Santillan leaned closer and kissed her forehead. Napangiti naman si Vel doon. She used to hate Santillan's sweet gestures before, pero ngayon ay gustong-gusto na niya, at nagagalit na siya kapag hindi ito sweet sa kanya.
Lumayo na rin ito pagkatapos at nakinig na lamang sa mga ibang advice ni Dra. Lozano. For the past weeks, ang stressful ng buhay nilang dalawa. They had to deal with their past traumas at doble ingat din siya sa sarili niya habang inaalagaan si Santillan. Good thing ay magaling na ang braso nito at inalis na rin ang cast.
Hindi rin naman sila nahirapan nang sobra dahil ilang linggo ring nag-stay si Tita Sarah sa bahay at ito ang nag-aalaga kay Santillan kapag busy siya at tulog sa umaga. Lagi rin naman ang Mama niya sa bahay para may katulong din si Tita Sarah at hindi ma-bored. Naging instant bff's na nga ang tatlo dahil kasama naman ang Tito Pear niya sa paggagala ng mga nanay nila.
Magkahawak kamay na naglalakad silang dalawa sa hallway – papunta sa elevator dahil pababa na sila sa basement parking ng ospital. She can't help but commend their matchy outfit. May bago na namang imbentong kalokohan si Santillan. He always make sure na color match ang mga damit nila kapag may lakad sila kahit magkaiba ang design.
She was wearing black pero babaeng-babae naman sa maternity dress na hanggang tuhod niya ang haba. Pero ayaw niya namang matanggal ang angas niya kaya isinuot niya ang black and white sneakers niya. Mahaba na rin ang buhok niya pero dahil mabilis siyang mainitan kaya laging naka-half-ponytail ang buhok niya ng lapis – pero ngayon, maayos na puting pantali na kung titignan ay mukhang white loose ribbon.
Wala lang, feel ko lang mag-ribbon-ribbon ngayon.
Santillan on the other hand was wearing white polo-shirt that emphasizes his chest and broad shoulders, black pants, and white shoes. He look so neat and clean. Madami na naman ang panakaw na tumitingin dito lalo na kapag ngumingiti habang kinakausap siya. Aside sa confidence nito ay magaling din talaga itong magdala sa sarili.
S'yempre, aalis pa rin akong walang makeup kasi tamad ako. Kaya na 'yan ng natural beauty ko. At the end of the day, sa'kin pa rin naman tumatabi si Santillan.
"Kailan nga ang last day mo sa trabaho?"
"Next week," sagot ni Vel kay Santillan. "Hindi naman na masyadong mabigat ang workload dahil may kapalit na ako. Ni-re-render ko na lang lahat sa kanya."
Nag-resign na siya sa VA job niya. Malaki-laki na rin ang makukuha niyang separation pay kahit na tatlong taon pa lang naman siya sa agency na iyon. Mukha siyang pera kaya maliban doon may mga part time VA jobs din siyang kinukuha na isa o tatlong oras lang niyang tinatrabaho. Hindi niya naman binubuhay ang buong Pilipinas at hindi naman siya maluho kaya malaki na talaga ang ipon niya.
"Working with Matilda's?"
Vel nodded. "Oo, nag-bi-brainstorm na kaming tatlo. Balak namin mag-add ng catering services na talaga." Huminto sila sa harapan ng tatlong sarado na elevator. May paakyat at may pababa, hinihintay na lang nilang may huminto sa floor level nila. "Sabi ko kina Mama, siguro maliit na pax muna para hindi kami mabigla. May kakilala kasi si Tito Pear, dating may catering services pero ibebenta na rin ang lahat ng gamit at commissary nila kasi mag-ma-migrate na nga ng Canada. May schedule kaming site visit sa Friday, if okay ang lugar at maganda naman ang quality ng mga gamit pa, we'll take it."
"Sa Friday? Hindi naman yata ako busy no'n. Is it okay if I join you? Baka may maitulong ako."
"Talaga?" Vel smiled. "Hindi ba 'yon abala sa'yo?"
Santillan chuckled. "Anong abala? Kailan ba kayo naging abala sa'kin?"
Tumunog ang bell ng elevator sa harapan nila at bumukas 'yon. Sabay na pumasok sila roon kasama ng ibang tao na naghihintay. Pinindot ni Santillan ang ground floor button. Hindi naman sila siksikan dahil kaunti lang din naman ang mga tao.
Kung tao nga sila. Pero dahil wala naman akong third eye, sige, tao na lang.
"At isa pa, Vel," he continued. "Aside from being a chef, business is my thing. Hindi man tayo business partner for now, magiging partner mo naman ako sa lahat ng bagay." He smiled after. Napangiti rin si Vel. She was touched by those words. "Hanggat may maitutulong ako sa'yo, I'll share a part of me. Hindi lang ako ang aangat ang buhay dahil sa kaalaman ko sa pagnenegosyo. S'yempre, tutulungan din kitang maiangat ang sarili mo... bilang nagsisimula ka pa lang."
"Hindi ba iyon unfair sa'yo? Wala naman yatang tumulong sa'yo noong nagsisimula ka?"
"Hindi naman 'yon problema. Malakas naman support system ko no'n. My mother believed in me, at noong medyo nagipit ako dahil madugo talaga ang pagnenegosyo sa mga una at tatlong taon, pinahiram ako ng pera ni Papa para mabayaran ang mga utang ko at hindi maisarado ang TADHANA. Nicholas, he was good at this, his advices had helped me a lot. I learned business the hard way, but it doesn't mean, I'll gate keep my knowledge on how to build one."
Lalong napangiti si Vel. She's so proud of her man. Worth it din talagang ibinaba niya ang pride para mahalin ang isang William Ordeal Santillan kahit walang sampung million.
Totoo pala talaga ang kasabihan na, the more you bash, the more you love. Luh.
"I would appreciate that kaya hindi na ako tatanggi," aniya.
"Good kasi kahit tanggihan mo pa ay i-insist ko pa rin sa'yo hanggang sa pumayag ka."
Natawa si Vel. "Nasa dugo mo talaga ang pagiging pakialamero, 'no?"
"Pagdating sa'yo, oo," he chuckled after.
Hindi na nila namalayan na sila na lang ang natira sa elevator hanggang sa bumukas iyon sa ground floor. Lumabas na sila mula sa elevator at naglakad sa direksyon ng exit kung saan may nagbabantay pa rin na guard.
"Maiba ako, nabanggit mo na ba kay Tita Sarah ang tungkol sa totoo mong ina?"
He shook his head. "I haven't found the right timing. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin o hayaan ko na lang. What do you think?"
"Sure kang gusto mo ng advice ko?"
He chuckled. "Oo, I'm sure you have one – probably the best one."
Nakarating na sila sa eksaktong parking space ng kotse ni Santillan. He unlocked the doors with the car remote at sabay na silang pumasok sa kotse. Him on the driver's seat at siya naman sa front seat, katabi lang din nito.
"Gage!" Natawa si Vel, sabay adjust ng lamig ng aircon pagkatapos paandarin ni Santillan ang sasakyan. "Pareho tayong magulo ang buhay pero sige, I'll share my thoughts."
She paused to think for a few seconds. She had been thinking about it, kailangan lang niyang tahiin ang mga pinag-iisip niya.
"Okay, para sa'kin lang, ha?" she continued. "Wala namang masama kung magiging honest ka kay Tita Sarah. Alam ko naman na ang inaalala mo lang ay ang Mama mo dahil alam mo na maiintindihan ka ng Papa mo."
She knew that he was listening.
"Honestly, iba ang gaan ng pakiramdam kapag wala ka nang kinikimkim sa puso mo. Nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin sa ama ko. I can now move forward dahil doon. Although, I somehow forgive him as my father, but I will never tolerate his actions in the past. Hindi ko na iyon mababago pa pero dahil buong puso naman siyang humingi ng sorry sa'min ni Mama, gusto ko na ring bitawan ang galit na nanahan sa puso ko nang matagal. Gusto ko nang maging masaya at kalimutan iyon dahil iba na ang buhay ko at iba na rin ang buhay niya. Magsisimula ako ng bagong buhay na walang galit sa puso ko at wala nang itinatago. Pero alam ko once in a while ay mabubwesit pa rin ako sa kanya, pero at least, hindi na ako bitter. Pake ko kung anong gawin niya sa buhay niya."
Natawa si Santillan sa huling sinabi niya.
"See? Hindi na natin mababago ang mga nangyari sa nakaraan, pero na realize ko na may fulfilling part pala roon. 'Yon ay noong nagawa kong maging totoo sa nararamdaman ko sa tatay ko ng ilang minuto. Nailabas ko lahat ng galit ko sa kanya at nasabi ko lahat ng gusto kong sabihin sa kanya. Dati ko pa sinasabi sa'yo na I don't fix people. I cannot make someone live their lives to the fullest, kasi hindi ko hawak ang mga desisyon nila at laging nasa tao ang pakikinig at pagkukusa. I will say my piece at sige... kahit hindi ako religious na tao, ipagdadasal ko pa rin na sana hindi mo na lubusin ang pagiging tanga at hanapin mo na ang liwanag para makaahon ka riyan sa dilim."
Lalo lamang natawa si Santillan sa kanya.
"Gago, seryoso ako."
Tawang-tawa pa rin ito. "Oo, alam ko."
Kunot na kunot na ang noo niya rito. "Tawa ka nang tawa riyan."
"I'm listening. Sige, ituloy mo lang." Isinandal nito ang isang siko sa manibela para saluhin ang kalahati ng mukha nito habang nakatingin sa kanya. "Puwede ka pala sa Ted talk."
She can't help but roll her eyes at him, nginitian lang siya ng walangya.
"My point is," she continued. "Hindi perfect ang foster parents mo, even my mother, nabubwesit din ako sa kanya."
Tawang-tawa na naman ito.
Ah, bahala ka riyan, Santillan. Take what resonates. Naks, kaka-Tiktok mo 'yan, Vel. Anyways.
"May mga toxic traits ang parents, that's a fact. I'm not saying that we should live with it and tolerate those toxic traits kung kaya namang idaan sa pag-uusap. I know it's always, easy to say, hard to do, but I still believe it's worth the risk. Si Mama, nagtatampo 'yan sa'kin kapag binabash ko ugali niya pero naiintindihan din naman niya ang point, medyo matagal lang ang pickup, papalayasin muna ako –"
Tawang-tawa na naman si Santillan.
"Shuta, tawa ka na naman nang tawa riyan!"
"Alam mo 'yong... ang ganda na ng linya... pero... biglang kakabig sa ibang direksyon," he explained between laughing. "God, Vel..." Nawawala na ang mga mata nito kakatawa, namumula na rin ang mukha.
"Totoo naman kasi, muntik na akong palayasin niyang si Matilda noon kasi sabi niya I've changed. Kakaloka! Buti nandiyan si Tito Pear para ipagtanggol ako. Mahal ko ang Mama ko kahit ang arte-arte niya minsan pero dahil nagsisikap din naman siyang unawain ako, mas lalo naming naiintindihan ang isa't isa."
"So?"
"Kausapin mo si Tita Sarah, hindi ko alam kung anong gusto mong sabihin sa kanya, bahala ka na roon, mag-drama ka, mag-thank-you ka, mag-sangyup kayo, ikaw na bahala. Basta, ilabas mo lahat ng gusto mong sabihin sa taong pinili kang mahalin araw-araw kahit demonyo ka."
"Hahaha!"
"Isa pang tawa, Santillan, uupakan na kita."
"Hahaha!"
Umigkis ang kamao niya sa isang braso nito. "Shit!" he cursed, pero tawa pa rin nang tawa habang hinihimas ang nasaktang braso. "Alam mo, umuwi na tayo. Ibang away ang gusto ko sa'yo."
"Ang bigat-bigat na nga ng tiyan ko –"
"Okay lang 'yan, ako ang bahala sa lahat." Nag-drive na ito palabas ng parking lot. "Promise, wala kang ibang gagawin kundi ang damahin lahat ng gagawin ko."
"Umuwi kang mag-isa!"
"Hahaha!"
THE NEXT DAY, Word visited his parents. Pagdating niya sa bahay ay ang ama lang niya ang naabutan niyang nagdidilig ng mga halaman nito sa hardin. Kahit noon pa ay may green thumb talaga ang ama niya. Kaya lumaki ang hardin nila sa bahay at nagkaroon na rin ito ng vegetable area kung saan kung anu-anong gulay ang itinatanim nito.
"Pa, si Mama?" tanong niya sa ama.
Hinubad ng ama niya ang suot na glove para makapagmano siya. "Kaawaan ka ng Dios, anak." Ngumiti ito sa kanya saka tinapik ang isang balikat niya. "Nasa kwarto ang Mama mo. Hindi ko na nga sinabi na dadalaw ka."
Word chuckled. "Puntahan ko."
Tumango ang ama niya. "Sige, kausapin mo na."
Nauna na niyang aminin ang lahat sa ama niya. As expected, his father understand him and he respect his decision. Maliban kay Vel, ang ama rin niya ang nagsabi sa kanya na kausapin na ang Mama niya tungkol doon. His father assured him that his mother will never hate him for looking for his real mother. Mahal na mahal siya ng Mama niya.
Alam niya iyon pero hindi niya maalis sa sarili ang mag-alala. He loved his mother so much, hurting her will never be in his to-do-list.
"Thanks, Pa." Niyakap niya ang ama.
"You know that I love you, Word. I have loved my sons equally." Ramdam ni Word ang pag-iinit ng sulok ng kanyang mga mata. "Raising you was one of the best moments of my life." Hindi na napigilan ni Word ang mga luha.
Kumalas siya sa pagkakayakap sa ama. Nagtawanan silang dalawa dahil pareho pala silang umiiyak na dalawa.
"'Langya, Pa, hindi ikaw ang gusto kong kaiyakan ngayon," biro pa niya habang pinupunasan ang mga mata.
Natawa ang ama niya. "Matagal ko nang tanggap na mas mahal mo ang Mama mo kaysa sa'kin."
"Mahal nating dalawa," pagtatama niya.
"Tama," his father nodded with a smile, "mahal na mahal natin."
"I'll head inside."
"Sige, anak."
Iniwan niya ang ama at tuluyan nang pumasok sa bahay. Tahimik ang sala kaya dumiretso na siya sa kwarto ng mga magulang niya nasa ibaba lang. Noon ay nasa itaas ang master's bedroom pero dahil tumatanda na rin ang mga magulang niya at masakit na nga raw sa tuhod ang umakyat-baba ay inilipat na sa ibaba.
Pagdating ni Word sa harapan ng pinto, he immediately noticed that the door was slightly ajar, agad na nasilip niya mula bukas na pinto ang mama niya na nakaupo sa gilid ng kama at mukhang may inaayos na mga photo albums.
Kumatok siya para ipaalam dito na papasok siya.
"Ma?" tawag niya rito.
Agad na lumingon ang Mama niya sa direksyon niya, gulat na gulat. "Word!" singhap nito.
He chuckled. "Can I come in?"
"Hala, anak, bakit nandito ka?" Pumasok pa rin si Word sa loob. Kumunot naman ang noo ng ina niya. "Teka, nagsabi ka ba na pupunta ka at nakalimutan ko lang?"
Dumiretso siya rito at tumabi sa Mama niya. "Kalma," yakap niya rito. "Sinadya ko talagang pumunta rito na hindi sinasabi sa'yo."
Sumilay ang matamis na ngiti sa magandang mukha ng mama niya. "Ikaw talaga! Lagi mo na lang akong ginugulat." Pinalo pa nito ang isang braso niya na nakayakap dito. "At bakit ka napadalaw? Kasama mo ba si Vel?"
Umiling siya. "Hindi po, Ma."
"So, iniwan mo ang mag-ina mo?"
Word chuckled, "Iniwan ko sa nanay niya."
"Anak, tignan mo 'to," pag-iiba nito. Kumalas si Word sa pagkakayakap sa Mama niya at hinayaan itong kunin ang isa sa mga lumang photo albums na tinitignan nito kanina. Isa na roon ang mga photo albums na alam niyang may mukha niya. It's just that, she took a different album - a special one. "Siguro nagtataka ka kung bakit hindi namin dini-display ang mga pictures ng kuya mo. Tinatago ko lang rito sa kwarto namin."
Napatitig si Word sa Mama niya.
"Kasi ayaw kong mag-explain lagi kung na saan na siya kapag may bumibisita rito sa bahay. Nalulungkot kasi ako kapag lagi kong inaalala kung bakit hindi ko na siya kasama ngayon. Masakit kasi, anak."
Sakabila ng ngiti ng Mama niya ay ramdam ni Word ang sakit. Binuklat nito ang photo album at isa-isang ipinakita sa kanya ang mga larawan ng anak nito.
"Maaga siyang kinuha sa'min kahit na pinaglaban namin siya ng Papa mo. He was a fighter even at the early age. Imagine, 3 months old pa lang siya ay na survive niya ang first heart operation niya. We thought that our lives will be better after that. He was a miracle baby. Sa lahat ng miscarriages ko, siya lang ang nabuhay."
Isa-isa nang naglandas ang mga luha ng Mama niya sa kanyang mga mata. For the last twenty-five years, his mother kept that part of her life.
"But when he was five, his health started deteriorating, sabi ni Oscar, kailangan ulit niyang maoperahan sa puso dahil may nakita na naman daw na problema. Pakiramdam ko noon ay guguho na ang mundo ko. I started questioning His love for me... and for this family. Sabi ko, wala naman akong nasaktan na tao... wala naman yata akong ginawang masama... pero bakit ganoon? Bakit ang dami Niyang ibinibigay na sakit sa'kin? Sa anak ko..."
Hilam ng mga luha na tinignan siya ng Mama niya.
"Hindi ko ba deserve ang maging ina? Wala ba akong kakayahan na magpalaki ng anak? Kung puwede lang... kung puwede ko lang akuin ang sakit na mayroon si Word noon ay ginawa ko na... pero wala akong magawa para sa kanya." Humikbi ito at yumugyog ang mga balikat sa pag-iyak. "Sabi niya sa'kin... Mommy, sorry... sorry... pero... pagod na po ako. Sabi niya na, I want to sleep na po... please... don't wake me up na po."
Doon na tuluyang naluha si Word, ramdam na ramdam niya ang sakit na nararamdaman ng mama niya.
"Pinaglaban ko siya, anak. Pero sino ba naman ako... para ipagkait sa kanya ang kagustuhan niyang magpahinga? Sobrang sakit sa'kin ang ibigay siya sa Dios. Gustong-gusto ko pa siyang ilaban... pero pagod na pagod na siya... hindi na kayang pawiin ng pagmamahal ko ang sakit na nararamdaman niya."
Pinunasan nito ang mga luha sa mukha.
"Nang mawala siya... hindi ko na rin alam paano ulit mabuhay. Gusto kong mamatay, sumunod sa kanya, iwan ang Papa mo. Sobrang selfish ko noong mga panahon na iyon. Galit ako sa mundo. Galit ako sa Dios. Akala ko... habang buhay ko nang mararamdaman ang sakit na iyon... akala ko, hindi ko na ulit mararamdaman ang saya na ibinigay ni Word sa'kin."
Sumilay ang isang ngiti sa mukha ng Mama niya sakabila ng mga luha nito.
"Pero dumating ka sa buhay namin ng Papa mo." Lalong bumuhos ang mga luha ni Word. "Lubos na pinagpapasalamat ko na pinilit ako ng ama mo na sumama sa kanya sa orphanage ng araw na iyon. Alam ko, buo sa puso ko na ayaw kong may pumalit sa anak ko, pero nang araw na iyon, kahit labag sa kalooban ko ay sumama pa rin ako."
Hinawakan ng Mama niya ang magkabila niyang mukha habang umiiyak siya.
"Tapos nakita kita roon sa may gate, nakatanaw sa labas, tila ba may hinihintay ka roon. Aalis na sana ako nang bigla kang lumingon sa'kin... umiiyak... tapos... tinawag mo akong Mama. Tumakbo ka sa'kin... at niyakap ako... paulit-ulit mong sinasabi sa'kin na, Mama, huwag mo akong iwan... Mama... isama n'yo po ako..."
Lalong yumugyog ang mga balikat ni Word sa pag-iyak.
"Anak, parang dinudurog ang puso ko sa pag-iyak mo noong araw na iyon. Nawala lahat ng pagdadalawang-isip ko... ang natira na lamang ay ang pagnanais na iuwi ka sa bahay namin ng Papa mo. Kasi anak, hindi mo deserve ang iwan nang ganoon. Ang anak, dapat minamahal, inaalagaan, at binibigyan ng tahanan."
"Mama," he broke down.
"Alam ko ang pakiramdam na mawalan kaya alam ko kung gaano kasakit ang nararamdaman mo nang araw na iyon... at gusto kong pawiin iyon..."
Niyakap siya ng Mama niya.
"Pasensiya na kung naging makasarili pa rin ako at ibinigay ko sa'yo ang pangalan ng anak ko sa'yo. Akala ko noong una ay okay lang... pero parang... nagbigay pa iyon sa'yo ng pakiramdam na parang ginawa lang kitang kapalit kay Word sa buhay namin. Maniwala ka man sa hindi, pero kahit hindi ka nanggaling sa'kin, buong-buo ang pagmamahal ko sa'yo. Tutol man sila sa'yo, pero ipinaglaban kita. Kasi alam ko, simula pa lang noong maliit ka, na mabait at mapagmahal ka."
Niyakap niya nang sobrang higpit ang Mama niya.
"At kailanman ay hindi kami nagkamali sa pagpili sa'yo," dugtong ng ina. "Pasensiya na kung nasaktan kita... maniwala ka man o hindi... hindi ko sinasadya... mahal na mahal kita nang sobra, Word. Hindi bilang anak ko na nawala, kung hindi bilang Word na ipinaramdam ulit sa'kin ang saya ng pagiging isang ina. Binuo mo ulit ako, anak. Ibinalik mo sa'kin ang saya na akala ko hindi ko na ulit mararamdaman. Hindi totoo na hindi ko kaya maging mabuting ina dahil ibinigay ka Niya sa'kin. You were our miracle, son. Your existence made us whole again. At kung sakali man na totoo ang pangalawang buhay... gusto ko na... sana... sa susunod na buhay ko, ako na ang magsilang sa'yo."
"Mama..." iyak niya sa dibdib nito.
"Kaya sana... huwag mo nang isipin na kapalit ka lang... dahil sa puso ko, dalawa ang anak ko. Ang kuya mo na laging nagbabantay sa atin sa langit at ang bunso namin ni Oscar na magiging tatay na."
Muling hinawakan ng Mama niya ang mukha niya para matignan siya sa mukha. Alam ni Word kung gaano na namamaga ang mga mata niya sa kakaiyak. Gusto na lamang niyang iiyak ang lahat. He love his mother so much. He value his parents.
"Pareho man kayo ng pangalan ngunit gaya ng pagsusulat ng isang nobela. Magkakapareho man ang kuwento at maaring naisulat na iyon ng iba ngunit hindi iyon nangunguhulugan na hindi mo na kayang isulat ang kuwento na iyon. You have to keep writing your story. Your version will always be different... because it's written by you. If your brother was alive, he will take a different path. He was more serious than you. He will probably be a doctor just like your father."
Muling sumilay ang isang ngiti sa mukha ng kanyang ina.
"And my youngest son? He followed my footsteps and became a chef like me."
Bahagya siyang natawa. "Did I make you proud, Ma?"
"Always, anak. As long as you love what you're doing and it makes you happy. Wala akong ibang hinangad kundi ang kaligayahan mo. Nasesermonan lang kita dahil diyan sa mga kalokohan mo. Pero lahat ng mga gusto mo, hanggat alam kong ikabubuti mo, sinusuportahan ko. We didn't clip your wings, so you can spread it freely." Marahang tinapik nito ang kanyang kanang pisngi. "Do what makes you happy. Nandito lang naman kami ng Papa mo. Hihintayin at hihintayin ka naming umuwi sa'min. Ganoon ka namin kamahal, anak."
Nagawa na rin ni Word ang ngumiti. Hinawakan niya ang mga kamay ng ina para halikan iyon.
Lumuluhang ngumiti ang ina. "Kaya huwag mo na akong alalahanin pa. Kung gusto mong makilala ang totoo mong ina, hahayaan kita."
Namilog ang mga mata niya.
"Alam ko, matagal na, narinig ko kayo ni Vel na nag-uusap noong nasa ospital ka pa."
"Ma –"
Ito naman ang humawak sa mga kamay niya. "Anak, takot akong mawala ka pero hindi ko ipagkakait sa'yo ang makita ulit ang totoo mong ina o makausap man lang." She gave it a gentle squeeze. "Karapatan mo iyon."
Ngumiti si Word sa ina at muli itong niyakap.
"I'm sorry for keeping it from you, Ma... pero... sa tingin ko... sapat na sa'kin ang mga narinig ko sa kanya."
"A-Anong ibig mong sabihin anak?"
Muli siyang kumalas sa pagkakayapa niya rito. "You raised me with love, provided me home, and help me achieved my dreams. I realized that I only wanted to close that chapter in my life, so I can live my present life freely. I cannot change my past because I don't have the luxury to choose my parents. But you chose me to be your son. You chose to cherish and love me. Yes, may pagkakataon na pakiramdam ko ay kapalit lang ako ng anak n'yo, pero, sakabila noon, hindi ko magawang iwan kayo. Kasi... alam ko... at nararamdaman ko... na tunay ang pagmamahal n'yo sa'kin."
Muling naluha ang kanyang ina.
"As long as you want me to be your son. I will stay."
May tunog ang iyak na niyakap siyang muli ng kanyang ina. "I love you, anak. Araw-araw kitang pinipiling mahalin. Tandaan mo 'yan lagi. Mahal na mahal ka ng Mama Sarah mo."
"I love you, too, Ma."
"Ang Mama mo lang?"
Boses iyon ng ama niya. Bahagya siyang kumalas sa pagkakayakap sa ina para masilip ang ama. Natawa naman siya sa malungkot na ekspresyon ng mukha nito. Naalala niya ang sad emoji na lagi nitong sinisend sa kanya kapag nami-miss siya nito.
"Join us, Pa."
Napalitan ng ngiti ang mukha nito. "Hindi na ako tatanggi." Mabilis na lumapit ang ama niya sa kanila ay niyakap silang dalawa. "I love you, both."
"Mahal na mahal ko kayong dalawa," sabi niya. "At salamat sa lahat."
"You're always welcome, son."
"You're welcome, anak."
Sabay pa ng mga magulang niya na lalong nagpangiti sa kanya. Kumalas silang tatlo sa isa't isa.
"Ah, nga pala," pag-iiba ng ama niya, "alam mo bang nag-leave sa GC 'yang maganda mong ina?"
"Anong GC?" Word curiously asked.
Natawa si Word nang makita ang pagbusangot ng mukha ng mama niya. "Group chat namin ng Tita Vic at Tita Helga mo. Punong-puno na ako sa dalawang 'yon kakapuna sa'yo. In-block ko nga." Parang batang niyakap siya muli ng mama niya. "Wala nga silang narinig sa'kin tungkol sa mga anak nila tapos panay puna nila sa'yo. Nako, bahala na sila sa buhay nila. Basta ako, masaya ako sa anak ko at mas mahalaga ka anak kaysa sa kanila."
Na touched si Word sa mga sinabi ng Mama niya kaya hinalikan niya ito sa ulo. "Thank you, Ma. Pero grabe naman at may pag-blocked agad." He was amazed and at the same time ay hindi niya mapigilan ang tawa.
"Hayaan mo na 'yang, Mama mo, Word," singit ng kanyang ama. "Magbabati rin ang mga iyan." Natawa ito pagkatapos.
"Makipagbati sila sa mga puno. I've had enough of them. May new set of friends na ako."
Word chuckled. "Sino?"
"Sina Matilda at Pear," tumatawang sagot ng ama niya sa kanya.
"Anak," baling ng mama niya sa kanya, "may bakante pa bang lupa roon? Ibenta na namin itong bahay tapos doon na rin kami."
"Parang meron pa yata."
Ibinalik ng Mama niya ang tingin sa Papa niya. "Oh, ayon naman pala, Oscar. Ibenta mo na 'to. Lumipat na tayo."
Napakamot sa noo ang ama. "Makapag-utos ka riyan parang tatawid lang tayo ng kalsada."
His mother giggled. "Wala namang problema dahil madami ka namang pera, mahal ko. In fact, anak," bumaling ito sa kanya, "kung gusto mo, kahit late na, palitan natin ang pangalan mo. Walang problema sa'min ng Papa mo -"
"I won't change my name, Ma," nakangiting putol niya sa ina. "Saka aksaya lang 'yan ng pera, Santillan naman tawag ni Vel sa'kin."
"Hindi ba Satanas?" singit na biro pa ng ama niya. Hindi napigilan ni Word ang malakas na tawa. Pinalo naman sa braso ng Mama niya si Papa. "Aray naman!"
"Ikaw, napakachismoso mo!" his mother hissed.
Tawang-tawa ang ama niya. "Ang importante ay mahalaga."
"Tumahimik ka na nga! Binubuhay mo na naman mga walang sense mong biro."
"Pero minahal mo naman."
"Kilabutan ka sa mga pinagsasabi mo, Oscar Santillan!"
"Hahaha!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro