Chapter 33
NAGISING si Word na may umiiyak sa tabi niya, ramdam niya ang mahigpit na paghawak ng kung sino sa kanyang kamay. Pagbaling niya ng tingin ay bumungad sa kanya ang umiiyak na si Vel. Lalo itong napahagulgol nang magtama ang mga mata nila.
"W-Word..."
"Shshs..." Word winced when he tried to move.
Mabilis na tumayo si Vel at inalalayan siya at mai-adjust ang headboard ng kama. Hindi niya maigalaw ang kaliwang braso dahil may sling iyon. "Huwag ka munang... gumalaw..." sabi nito sa kabila ng pag-iyak. "Tatawagin ko ang doctor –" Akmang lalayo ito nang hawakan niya ang kamay nito gamit ng libre niyang kamay.
"I-I'm fine."
"Pero –"
He reassuringly smiled at her. "Please," he gulped, ramdam niya ang panunuyo ng lalamunan, "...stay."
Parang batang tumango ito at muli na namang umiyak. "Akala ko talaga... akala ko talaga iiwan mo na ako..." hikbi nito. Mukhang kanina pa ito umiiyak dahil magang-maga na ang mga mata nito. Imbes na mag-alala sa sarili ay mas nag-aalala siya kay Vel.
"Stop crying," his voice hoarse and weak, "alam mong hindi iyan... makakabuti sa'yo at kay Book."
"Ang tagal mo kasing nagising e," may inis na tugon nito.
Thank God, I'm still alive.
It was such a relief for him.
Tumingala siya sa puting kisame, sinusubukang alalahanin ang lahat. His memories are quite vogue, hindi niya alam kung dahil sa aksidente o sa mga gamot na itinurok sa kanya. Ramdam niya rin ang hapdi ng mga sugat niya sa katawan at sa ulo. Napahawak siya roon, may nakakapa siyang benda.
"Ilang taon na ba ang lumipas?" biro pa niya sabay baling kay Vel.
"Gago!"
Magaan siyang tumawa at baka kumalas lahat ng organs niya.
"Kahapon ka pa walang malay," dagdag ni Vel. "You were lucky dahil scratches at 'yang braso mo lang ang napuruhan. Hinihintay lang namin na magising ka para magawa ang ibang test."
"Okay lang naman pala ako e, pero bakit iyak ka pa rin nang iyak?" malumanay niyang tanong.
"Buwesit ka! Masisisi mo ba ako? Alam mong overthinker ako. Paano kung hindi ka na magising? Paano kung may mga internal bleeding ka pala riyan tapos hindi napansin ng doctor –"
"Kakapanood mo 'yan ng K-drama," biro niya pa ulit.
"Word, hindi nakakatuwa," hindi maubos-ubos ang luha ni Vel.
He was not supposed to be happy about her crying over him, but he couldn't help it, kinikilig siya. Knowing Maria Novela Martinez, she will never cry over shallow things. Matigas pa sa bato ang Nobela niya.
Talaga naman, Word, kahit sa bingit ng kamatayan ay inuuna mo pa rin ang pag-ibig.
"I'm sorry." Inabot niya ang kanang pisngi ni Vel. "Huwag ka nang umiyak," alo niya rito. Sinubukan niyang punasan ang mga luha nito sa mukha gamit ng hinlalaki niya. "I'm alive. Hindi basta-basta mamamatay ang masamang damo." He smiled, hoping it could make Vel better.
"Alam mo bang hindi ako basta-basta umiiyak?"
He gently nodded his head. "Alam ko."
"Pero nang ipaalam sa'min ni Nicholas ang nangyari sa'yo... biglang... hindi ko na alam ang gagawin ko... takot na takot ako... paano kung wala na kaming maabutan? Paano kung wala ka na? Paano na kami ni Book?" Napayuko ito at muling umiyak. "Nasanay na ako na nandiyan ka sa tabi ko... ta's... biglang..." Humagulgol na naman ito ng iyak.
Ramdam ni Word ang pag-iinit ng sulok ng kanyang mga mata.
"I would never leave you and Book –"
Nagulat si Word sa bilang pagtayo ni Vel, niyakap siya nito, hindi man gaanong mahigpit dahil sa takot na masaktan siya, pero ramdam na ramdam niya ang init ng pagmamahal ni Vel sa kanya sa yakap na 'yon.
"Huwag mo na ulit akong tatakutin nang ganoon, Santillan."
Muling napangiti si Word. "It did scare me, too." Humilig siya sa dibdib ni Vel.
NAKAHINGA na nang maluwag si Vel nang sabihin ng doctor na clear lahat ng laboratory test na kinuha nila kay Santillan. Third day na nila sa ospital at sabi ng doctor sa kanila, puwede na rin itong ma-discharge agad kapag nagtuloy-tuloy ang magandang recovery nito. Mukhang hindi naman mahihirapan si Santillan na kumbinsihin ang doctor nito dahil makulit na ulit ito.
Umuuwi rin naman siya at nagpapahinga sa bahay, pumapalit sa kanya si Nicholas o si Tito Oscar. Pero madalas ay sa ospital siya natutulog, malaki naman ang kwarto nito, suite na ngang masasabi iyon kaya komportable siyang matulog dahil may extra bed. She didn't need to worry about her work dahil nag-file muna siya ng emergency leave para maalagaan si Santillan.
Hirap pa naman itong kumain ngayon dahil sa arm sling nito sa braso. Ang kanang kamay lang ang nagagamit nito sa ngayon. Hindi na rin maputla ang kulay ng mukha nito at sabi nito, hindi na rin daw masyadong kumikirot ang mga sugat nito ngayon.
Kung patibayan lang ng guardian angel ay pasadong-pasado na riyan ang mga guardian angel ni Santillan. Which she was grateful for.
"Alam mo, sobrang mahal na mahal ka talaga ng Mama mo," kwento pa ni Vel habang nagtatanggal ng balat ng orange. "Halos hindi siya nawala sa tabi mo noong unang gabi mo rito. Iyak siya nang iyak habang nag-ro-rosaryo sa tabi mo."
"Sinabi nga ni Papa."
"Kahit na gusto kong magpalipas ng gabi ay pinauwi nila ako para makapagpahinga ako nang maayos. Medyo, sumakit kasi ang tiyan ko noon –"
"Novela!" Pinanlakihan siya ng mga mata ni Santillan. Inosenteng inabot pa rin ni Vel ang kalahating orange na nabalatan na niya rito. "Bakit ngayon mo lang sinabi 'yan sa'kin?"
"Kung sinabi ko e 'di magagalit ka," may inis niyang tugon.
"Magagalit talaga ako."
"Kaya nga, pero huwag kang mag-alala, bago ako umuwi ay nagpa-checkup na rin ako sa OB ko. Sudden stress daw ang cause no'n kaya dapat magpahinga na muna ako."
"Pero nagpahinga ka ba?"
"Nakatulog naman ako nang mahaba kahit papaano dahil sa pagod at pag-aalala sa'yo. At huwag ka ngang ano riyan, kung praning ka na sa'min ni Book, mas praning ako. Ang haba na nang paghihirap ko sa batang 'to, sa tingin mo pakakawalan ko pa 'to?" Niyakap niya ang tiyan.
Natawa naman sa kanya si Santillan. "Kapag magaling na 'tong braso ko ay yayakapin ko talaga kayo nang mahigpit."
Napangiti si Vel. "Aba'y dapat lang, 'no?"
Pareho silang natawa.
Maya-maya pa ay pumagitna sa kanila ang katahimikan. Doon naalala ni Vel ang matandang babae na nakilala nila sa Mall. Ito rin ang Lola ng niligtas ni Santillan na bata. Kahit hindi sabihin ni Santillan sa kanya, alam niyang pinuntahan nito ang matandang babae noong araw na 'yon. It wasn't just pure coincidence that he was there. He was there to leave her a message.
"Nga pala," basag ni Vel.
"Hmm?"
Inabot ni Vel ang bag at kinuha mula roon ang isang maliit na envelope. May mga creased na sa papel, halatang nalukot na iyon sa bulsa ni Santillan noong araw ng aksidente. May natuyong dugo pa nga roon.
"Isa ito sa mga ibinalik na gamit sa'kin ng nurse." Ipinakita niya rito ang envelope, halata sa mukha nito ang pagkagulat. "Huwag kang mag-alala, ako lang ang nag-received nito. Hindi alam nila Tita Sarah at Tito Oscar."
Mapait na ngumiti sa kanya si Santillan. "Mukhang hindi ko na kailangan sabihin sa'yo kung sino siya sa buhay ko."
Tumango si Vel. "She was here, ang sabi niya ay babalik siya –"
"I don't think she'll come again."
Nabosesan ni Vel ang lungkot at pagkadismaya sa boses ni Santillan. "Nagkausap sila ng parents mo, she shouldered the remaining bills dahil kalahati lang ang kayang bayaran ng driver. Dumating din ang anak niyang lalaki, nagpapasalamat pero wala ka pa ring malay."
Ibinalik ni Santillan ang tingin sa harapan.
"Iniisip ko," she continued, "ano kaya ang mararamdaman ng Mama mo kapag nalaman niyang ang nagligtas ng buhay ng apo niya ay ang anak niyang iniwan noon? To think, puwede mo namang pabayaan ang bata."
"I guess, I wasn't that bad at all."
Ngumiti si Vel. "Unfortunately," biro pa niyang tugon.
Natawa si Santillan at napailing.
"You grew up well."
"The kid has nothing to do with what his grandmother did to me. Sa tingin ko ay wala akong karapatang magalit sa kapatid ko na hindi ako kilala at sa anak niya. Wala pa sila noong iniwan ako ng totoo kong ina. Hindi nila kasalanan kung buo ang pamilya na kinagisnan nila."
He paused.
"Simula noong bata ako," pagpapatuloy ni Santillan, "hindi ko alam kung ano nga ba ang pakiramdam na magalit sa kanya. Feeling ko kasi normal lang 'yon. Ganoon naman talaga ang nanay. Sa limang taon, sinusunod ko lang lahat ng utos niya sa'kin. Tahimik lang akong nakamasid sa lahat ng ginagawa niya. Kapag iniiwan niya ako ay hindi ako umiiyak, hinihintay ko lang siya sa bahay."
Mapait itong natawa.
"Alam ko kasi na papaluin niya ako kapag narinig niya akong umiyak." Ibinaling ni Santillan ang tingin sa kanya. "Kung gaano ako kakulit ngayon, siyang tahimik ko noon. Akala nga ng ibang tao ay pepe ako dahil hindi ako nagsasalita."
Those memories were so painful to hear. Na-i-imagine niya si Santillan noong bata ito, mag-isa, naghihintay lagi sa ina nitong umuwi. Walang kamuwang-muwang sa mundo.
"Kung wala kang pangalan, anong tinatawag niya sa'yo?"
"Boy." Mapait na ngumiti si Santillan. "Boy lang ang alam kong pangalan ko. Pero alam ko ang buong pangalan niya, pati hugis ng kanyang mukha, lakas at hina ng boses niya, at kaibahan ng totoo at malungkot niyang ngiti. Hindi man ako marunong magbasa at magsulat noong mga panahon na iyon, naisapuso ko lahat ang mga bagay na magpapaalala sa'kin sa totoo kong ina."
Nagsimulang mag-init ang sulok ng mga mata ni Vel. Gusto niyang umiyak sa harapan nito. Tila ba siya ang nasasaktan para rito.
"Pero... hindi ako naging sapat para mabuo ang kaligayahan na gusto niya noong mga panahon na 'yon. Alam ko... nararamdaman ko... nakikita ko... na dadating ang araw na iiwan niya rin ako... gaya ng lagi niyang sinasabi sa'kin. Umasa lamang ako na mababago ko pa ang isipan niya."
"MAIWAN na muna kita –"
Hinawakan ni Word ang kamay ni Vel. "Oh, saan ka na naman pupunta?" Kakaupo lang niya sa bench pero tatakasan na naman siya ng asawa niyang hindi pa niya naihaharap sa altar.
"Naiihi ako, teka lang."
Natawa si Word. Parang bata si Vel na gustong-gusto nang kumawala sa pagkakahawak sa kanya.
"Kanina ka pa banyo nang banyo," reklamo niya.
"Buntis nga ako, 'di ba? Saka mag-adjust ka. Kapag lumabas na ang anak natin mabibilang mo na lang sa daliri ang pagbabanyo ko." Kunot na kunot na ang noo nito, parang uupakan na siya kapag hindi pa niya ito pakakawalan. "Bitaw na!" May puwersa na ang pag-alis nito sa kamay niya.
"Bumalik ka ah."
"Oo nga! Para naman 'tong tanga e."
Niluwagan lamang ni Word ang pagkakahawak niya sa pupulsuhan ni Vel dahil kapag binigla niya ay baka tumilapon pa ito. Panay hila pa naman ito. He smiled when she finally freed herself from his grasp.
"Babalik agad ako. Babu!"
Natawa lang si Word habang tinatanaw si Vel na mabilis na naglakad papasok ulit ng building ng ospital at nang tuluyan na itong makapasok ay ibinalik niya ang tingin sa kanyang harapan. Hinayaan niyang dumampi ang malamig na simoy ng hangin sa kanyang pisngi at napangiti habang nakatanaw sa kulay kahel na langit. It was almost sunset at madami na ring mga pasyente at bisita na tumatambay sa outdoor garden sa itaas ng ospital.
Ang sabi sa kanya ay puwede na siyang ma-discharge sa susunod na araw. He can't wait, he hate hospitals. Hindi na nga niyang isinuot ang damit niya pang-ospital. A white shirt and track pants will suffice.
"Hijo –"
Mabilis na napabaling si Word sa kanyang kanan. Agad na namilog ang mga mata niya nang makita kung sino iyon – ang kanyang totoong ina. Halata rin sa mukha ng matandang babae ang pagkagulat sa biglang paglingon niya.
Word gulped. "Y-Yes?"
Ang lakas ng kabog ng puso ni Word. Biglang hindi na niya alam ang gagawin.
Nahihiyang ngumiti ang ina niya. "Nakasalubong ko ang asawa mong si Vel kanina. Sinabi niya na nandito ka."
Binasa ni Word ang labi at umaktong kalmado. "Magbabanyo lang daw siya," sagot niya.
"Maari bang maupo ako sa tabi mo?" nakangiti nitong tanong.
"Sige po."
Word moved on his left to give her space. Naupo ang ina niya, may ilang distansiya sa kanya. Pero hindi niya mapigilan na titigan ang mukha ng kanyang ina. Tumanda man ito pero tila ba sa kanyang mga mata ay ganoon pa rin ang hitsura nito.
"Ngayon lang ako nakabisita. Nanganak kasi ang manugang ko at walang magbabantay sa ospital. Medyo, malayo rin kasi rito ang ospital na pinagdalhan namin sa kanya."
"It's fine. I hope she's okay."
Ngumiti ang matanda. "She is, isang malusog na batang babae ang isinilang niya. Gusto sanang sumama ng anak ko sa'kin ngayon pero walang magbabantay sa asawa niya."
"Hindi n'yo na ho kailangang mag-abala. Nabanggit naman na ho sa'kin ni Vel ang pagdalaw n'yo at pagbayad ng hospital bills."
"Hindi ako mapapanatag kung hindi ako makakapagpasalamat sa'yo nang personal. Kulang pa ang kabayaran na iyon sa pagsagip mo sa buhay ng apo ko."
"Kahit sino naman ho ang nandoon ay gagawin ang ginawa ko." Tipid siyang ngumiti rito. "At wala rin naman masyadong pinsala sa'kin. Siguro, dapat n'yong kausapin ang namamahala sa subdivision na higpitan pa ang pagbabantay sa mga batang nakatira sa loob."
"Ayon nga, kinausap na ni Warren ang mga guwardiya, ipinaalam na rin niya sa home association ng subdivision ang tungkol doon. Sana nga ay magawan ng paraan at nang hindi na maulit pa."
"I'm sure they will do something about it."
Akala ni Word ay may idadagdag pa ito pero nanatili ang tingin ng ina sa harapan, tila may malalim na iniisip. He can't help but curiously think if she recognize him.
"Ahm –"
"Pasensiya na, hijo," biglang baling nito sa kanya.
"Hmm?"
Mapait itong ngumiti at maya-maya pa ay may mga luha nang lumagpas sa mga mata nito. "Pasensiya na," pinunasan nito ang mga luha sa mata, "alam ko na imposible... pero... kung nandito lang ang panganay ko... siguro... kasing laki mo na siya."
Natigilan doon si Word, nanatili siyang nakatitig sa ina.
"Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko... simula noong makita kita roon sa mall... iniisip ko lagi... kung saan kita nakita... tapos tinignan ko ang tanging larawan na mayroon ako sa batang iyon..." Muli na naman itong naluha. "Naisip ko na... kamukha mo siya. Pero alam ko na imposible na magkita pa kami ulit pagkatapos nang ginawa ko sa kanya."
Ramdam ni Word ang paninikip ng kanyang dibdib sa pagpipigil ng kanyang mga luha. Tila ba may bumabara sa kanyang lalamunan nang mga oras na iyon. He wanted to hear everything from her. Gusto niyang malaman kung totoo ba siyang minahal ng ina niya. Kung bakit siya nito iniwan. At kung bakit sa loob ng limang taon ay hindi siya nito binigyan ng pangalan.
"Dapat hindi ko 'to sinasabi sa ibang tao... pero... ilang taon ko nang daladala ang pagsisisi... at ngayong may nakilala akong kamukha ng anak ko... inuusig ako ng aking konsensiya."
Humugot nang malalim na hininga si Word para kahit paano ay mabawasan ang bigat na nararamdaman niya.
"I hope you don't mind. Ano ho ba ang ginawa n'yo?" malumanay niyang tanong.
Sa pagkakataon na iyon ay inilabas na ng kanyang ina ang panyo nito mula sa nakakandong nitong bag para punasan ang mga luha sa mukha.
"Hindi alam ng asawa at ng anak ko ang tungkol sa iniwan kong anak," simula nito. "Kakatapos ko lang noon ng kolehiyo nang mabuntis ako, nalasing nang ayain ng mga barkada ko, hindi ko kilala kung sino ang lalaking nakabuntis sa'kin. Wala na akong maalala pa. Itinago ko ang pagbubuntis na iyon sa mga magulang ko. Natakot ako sa mga sasabihin ng pamilya ko at ng mga tao sa probinsiya namin. Dahil nga mataas ang ambisyon ko sa buhay, sinasabi nila na wala akong mararating dahil sa ambisyon na iyon dahil anak lamang ako ng isang magsasaka. Pero lumuwas ako ng Cebu mula Negros. Nag-aral, kumuha ng madaming scholarship, at nagtrabaho... hanggang sa makatapos ako."
Nanatiling tahimik si Word.
"Pero nabuntis ako... pakiramdam ko noon, hijo, ay katapusan na ng lahat ng mga pangarap ko. Ilang beses kong sinubukang ipalaglag ang batang iyon." May kaunting hikbi na lumabas sa bibig nito. "Ilang beses kong sinubukang patayin siya sa loob ko... without even realizing... that I'm also killing myself. Walang-wala ako, wala akong maipadala na pera sa mga magulang ko, parang lungga ng daga ang maliit na inuupahan kong kuwarto... mabuti na lamang at may kapitbahay na midwife ako noon... sa awa niya ay hindi na niya ako siningil sa pagpapaanak niya sa'kin."
His mother paused to breathe.
"Pero hindi ko magawang matuwa sa sanggol na lagi kong inaalo kapag umiiyak... pero kahit wala akong pera sa tuwing magkakasakit siya ay ginagawan ko pa rin ng paraan. Gustong-gusto ko siyang mawala sa buhay ko. Kung hindi sa kanya ay sana may maganda akong trabaho at malaya ako. Pero sakabila ng galit ko ay hindi ko naman siya magawang iwan kahit kaya ko pa."
Muli itong naiyak, pigil na pigil naman ni Word ang sariling emosyon.
"Sobrang laki ng kasalanan ko sa batang iyon. Kahit man lang pangalan ay ipinagkait ko sa kanya. At araw-araw, naiisip ko ang mukha niya, ang pagmamakaawa niya na huwag ko siyang iwan. Pero sobrang makasarili ko nang mga panahon na iyon. Nagawa ko siyang iwan para sa pagkakataon na mabago ang takbo ng buhay ko. Naging maganda nga ang buhay ko... pero habang buhay ko namang dala ang pagsisisi. Gabi-gabi dinadalaw ako ng malungkot imahe ng umiiyak na mukha ng aking panganay na si Boy."
Pasimpleng iginala ni Word ang tingin para itago ang pamamasa ng sulok ng kanyang mga mata.
"Pasensiya na, Word, hijo." Ibinalik ni Word ang tingin sa ina. "Hindi ko lamang napigilan ang sarili ko. Marahil madami lang akong iniisip at masyado ko nang pinapagod ang sarili ko."
"Hindi n'yo ho ba hinanap ang anak n'yo?" lakas loob niyang tanong.
"Matagal akong nawala sa Pilipinas simula nang pakasalan ko ang aking asawa. Nagkalakas-loob lamang akong balikan ang bahay ampunan nang mabalik ako rito... ngunit matagal na iyon... at wala na rin doon si Boy. Wala akong kilala sa mga madre roon at nawalan din ako ng lakas ng loob para magtanong kung na saan na siya... at kung may pamilya bang umampon sa kanya... Naisip ko na, bakit pa? Wala na rin naman na akong babalikan. Alam ko na kinamumuhian na ako ng anak ko. At kahit pa magkita kami ay hindi ko pa rin siya maipapakilala sa bago kong pamilya."
Mahinang tumango si Word.
"Nakakatawang isipin kung bakit tinatamasa ko pa rin ang magandang buhay kahit na may iniwan akong anak."
"Maari ko po bang makita ang larawan niya?"
May ngiting tumango ang kanyang ina. "Fade na ito masyado, hijo. Hindi na gaanong malinaw ang mukha ko pero malinaw pa naman ang mukha ng panganay ko."
Mula sa bag nito ay kinuha nito ang wallet. Isang family picture ang naka display sa photo pocket ng wallet nito. Sa tingin niya ay nasa ilalim nito itinago ang larawan, at hindi nga siya nagkamali. Isang pamilyar na maliit na larawan ang ipinakita nito sa kanya. Ang nag-iisang larawan na kasama niya ang ina noong apat na taong gulang siya. At tama nga ito, kamukha niya pa rin ang batang iyon.
Dinaan niya sa tawa ang bigat na nararamdaman niya nang mga oras na iyon. "Medyo kamukha ko nga ho," pagsakay niya. "Pero mas guwapo ho ang anak ninyo.
Natawa rin ito. "Madami nga ang nagsasabi na parang may lahi ang batang iyan dahil mestiso nga raw."
Hinaplos nito ang larawan, sa parte ng mukha niya noong bata.
"Lagi kong iniisip kong kumusta na siya? Kung masaya ba siya sa piling ng bago niyang mga magulang? Kung may pangalan na ba siya? Kung mataba na ba siya?" Pumatak ang luha nito sa larawan. "Sana binigyan siya ng Dios ng pamilyang pipiliin siya lagi... mamahalin siya nang sobra at hinding-hindi siya iiwan."
Lalong bumigat ang nararamdaman ni Word.
"Kung sakali ho... na... magkita ulit kayo ng anak n'yo... magpapakilala po ba kayo?"
Mabilis na umiling ito, mapait ang ngiting ibinaling ang tingin sa kanya.
"Hindi, hijo, mas gugustuhin kong huwag niya na akong hanapin. Gusto kong kalimutan na niya ako. Kahit pa buong puso akong nagsisisi, kulang pa iyong kabayaran sa lahat ng mga pagkukulang at kasalanan ko sa kanya. Hindi na niya ako dapat hanapin pa... dahil hindi na ako karapatdapat pang tawagin niyang ina."
May pait na bumuntonghininga ito.
"Huli na ang lahat para sabihin ko na mahal ko siya dahil walang pagmamahal na pipiliin ang sariling kapakanan bago ang kanyang sariling anak. Naging mabuting ina ako kay Warren pero hindi ako naging mabuting ina sa panganay ko. Lahat ng mga pagkukulang ko sa kanya ay itinuon ko kay Warren, hoping it will lessen my guilt, pero habang tumatagal, mas lalo ko lang kinamumuhian ang sarili ko. Pero alam ko na hindi ko na mababago pa iyon dahil wala namang pagsisisi na nasa unahan at lahat ng desisyon natin sa nakaraan ay hindi na natin mababago pa."
"It would have been better if you have given him a name," mahina niyang sabi.
"I know."
"Kung sakali hong mabigyan kayo ng pagkakataon na mabigyan siya ng pangalan. Ano ho siguro ang pangalan niya?"
"William," nakangiti nitong sagot. "Nakita ko iyon sa d'yaryo noon. Pangalan ng isang prinsipe. I have always want him to have that name. Hoping that his name will bring good life and fortune. If given a chance, sana payagan niya akong pangalanan siyang William."
Biglang natawa si Word. Napansin naman agad 'yon ng ina niya.
"Bakit ka natatawa, hijo? Masyado bang matanda ang pangalan na iyon?"
Pigil ang ngiting umiling siya rito. "Hindi ho."
His mother's face softened. "Sa tingin mo magugustuhan niya ang pangalan na 'yon?"
"William is not a bad name. I don't think he will hate it."
Ngumiti ito. "I hope so."
"Don't worry, your secret is safe with me." Napatitig ito sa kanya, tila ba hindi ito makapaniwala sa sinabi niya. "Hindi ako manghuhula pero sa tingin ko may mapagmahal at mabait na inang reyna at amang hari na nakahanap sa iyong munting prinsipe."
Lumapad ang ngiti nito at muling naluha.
"At namuhay siya nang masaya kapiling ng bago niyang pamilya," dugtong nito.
Nakangiting tumango si Word.
"Salamat, hijo. Pinagaan mo nang sobra ang kalooban ko."
"You're welcome po."
HINAYAAN na lamang ni Vel na makapag-usap ang mag-ina. It was not intentional, nakasalubong lamang niya ang ginang nang papunta siya ng banyo. Kaya nagdesisyon siyang hintayin na lamang si Santillan sa kwarto.
Nakaupo siya sa gilid ng kama nito habang nakatingin sa papalubog na araw mula sa glass panel window. Naglalaban ang dilim ng silid at kulay kahel na liwanag na tumatagos sa bintana.
Hindi niya alam kung ano ang pinag-usapan ng dalawa pero mukhang madami dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin umaakyat si Santillan.
Maya-maya pa ay narinig niya ang pagbukas ng pinto. Agad siyang napalingon sa may pintuan at nakita niya si Santillan na pumasok.
"Word," tawag niya rito.
Tumayo si Vel at sinalubong ito. Nagulat siya nang bigla siya nitong yakapin gamit lamang ng isang braso nito.
"Word?"
"Puwede mo ba akong yakapin nang mahigpit, Vel?" pakiusap nito.
Nagtataka man ay tumango siya at inangat ang mga braso para yakapin ito. She made sure na hindi maiipit nang husto ang naka-cast nitong braso.
"Are you okay?"
Pero sa halip na sagutin siya ng mga salita ay isinubsob lang nito ang mukha sa kanyang leeg at umiyak. Agad na nag-init ang sulok ng kanyang mga mata hanggang sa tuluyan na siyang maluha. Para itong batang umiiyak sa kanyang mga bisig. Punong-puno ng sakit ang bawat hikbi nito.
Niyakap pa niya ito nang mas mahigpit pa.
Iiyak mo lang 'yan. Nandito lang ako. Hindi kita iiwan. Hindi ka namin iiwan ni Book. Kaya ubusin mo na lahat para sa susunod puro tawa at ngiti na lang.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro