Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 31

PAGKATAPOS nila puntahan si Nicholas ay nagpahatid na lamang si Vel kay Spel sa TADHANA. May ibang lakad pa raw si Spel kaya nauna na rin ito. Naglalakad na siya sa direksyon ng entrance nang sagutin ni Santillan ang tawag niya.

"Mahal, saan ka?" tanong agad ni Vel kay Santillan. Bigla itong natawa sa kabilang linya. Kumunot naman ang noo niya. "Hoy, seryoso ako! Gago 'to."

"Kalmahan mo lang naman. Nilalasap ko pa 'yang pa mahal mo sa'kin."

"Shuta ka! Nasa labas ako ng TADHANA."

"Nasa labas din ako –"

Napatingin sa paligid si Vel. "Saan? Wala akong makitang demonyo –"

Ang lakas ng tawa nito lalo. "Nasa labas, mahal, pero malayo sa'yo."

Lalo lang kumunot ang noo niya rito. "Wala ka sa TADHANA?"

"Wala, I went out, pero pabalik naman na ako. Hindi ka naman kasi nagsabi na pupunta ka."

"Sabi mo sa café ka lang ngayon," may inis sa tuno ni Vel pero hindi niya sadya 'yon, na diretso lang niya, nasanay maging bastos at laging galit kay Santillan.

"Biglaan lang," he chuckled. "Ito naman, kasalanan ko na naman. Hayaan mo sa susunod, magpapaalam ako kung aalis ako."

"Hindi na. Buhay mo 'yan."

Naglakad na ulit siya sa direksyon ng entrance.

"Pero bakit na i-imagine ko ang panlalaki ng butas ng ilong mo ngayon?"

Hindi naman siya naiinis, heto nga at natawa na siya. "Gago! Hintayin na lang kita rito. Bilisan mo pero mag-ingat ka sa pagmamaneho mo."

"Okay, mahal, siguro magpapatakbo na lang ako ng 20 kilometer per hour."

Tawang-tawa si Vel habang binubuksan ang glass door. "Sige mag-24-hours ka sa daan, Santillan."

"At least safe."

"Pero matatanggal tainga mo sa bosena ng mga kasabay mo."

"Ayon lang."

Napansin na siya ni Tina kaya kumaway ito. Vel waved back. "Sige na, ibababa ko na. Hintayin na lang kita rito."

"Sure! Order all you want, sagot ko na. Love you."

"Love you, too."

End call.

Lumapit si Vel sa order counter. Iba ang kasama ni Tina, hindi si Bella, si Lilo, bagong working student staff ng TADHANA at nang wala nang inaasikasong customer si Lilo ay ngumiti ito sa kanya at bumati.

"Good afternoon po, Ma'am Vel."

Ngumiti siya sa dalaga, ang alam niya ay first year college pa ito sa kursong Graphic Arts. Masipag naman daw sabi ni Santillan at mabilis turuan.

"Good afternoon din sa'yo, pero huwag ka nang mag-ma'am, Vel na lang. Kulit mo rin e. Pang ilang beses mo na 'yan."

Natawa si Tina. "Ma'am Vel," dagdag na pang-aasar pa nito.

"Isa ka pa."

"Paano ba naman kasi, Vel, asawa ka nang may-ari, s'yempre igagalang ka namin dito."

"Isa lang may-ari ng TADHANA, 'yong demonyo n'yong boss."

"Speaking of boss, wala siya rito, umalis pero hindi nagsabi kung saan," sagot ni Tina. "Pero alam kung hihintayin mo naman ang asawa mo kaya," naglabas ito ng menu at inabot sa kanya, "kumain ka muna at i-cha-charge na lang namin sa owner ang lahat."

"Well trained ah."

"Pagdating sa'yo Ma'am Vel, we only want the best."

"Gage!"

"Unless, same orders pa rin kapag nandito ka."

"Same."

"Okay." Nakangiting ibinalik nito ang menu. "Ihahatid ba namin sa office ni Boss o dito ka lang sa labas?"

"I'll wait here." Iginala ni Vel ang tingin sa paligid, may mga good area pa naman na vacant. Itinuro niya ang pangdalawahang mesa malapit sa glass window. Weekdays naman kasi kaya normal lang na hindi crowded ang TADHANA ngayon, mamayang gabi dadati na naman. "Doon lang ako."

"Okay, doki."

"Thanks, Tina, Lilo."

"Welcome po, Ma'am Vel," sagot ni Lilo.

Iniwan na niya ang dalawa at dumiretso sa bakanteng mesa. Naupo siya roon at inayos lang ang body bag niya sa katawan para komportable siyang maupo roon. Nilapag niya rin ang cellphone niya sa mesa bago tumingin sa labas. Maganda ang panahon, mahangin, hindi rin masakit sa balat ang init dahil maulap. Mag-a-alas-quatro na noong huling tignan niya ang oras sa cellphone niya. 

Napahawak siya sa kanyang may kahabaan nang buhok nang matignan ang kaunting repleksyon niya sa glass panel.

"Ang bilis talaga humaba ng buhok na 'to," mahina niyang puna. "Kaso mukhang hahaba ka pa dahil papatayin ako ni Matilda kapag nagpagupit ako."

Natigilan si Vel nang may mapansing isa pang repleksyon sa likuran niya. Mabilis na napalingon siya at ganoon na lang ang gulat niya nang makita ang mukha ng kanyang ama.

"A-Anak," nahihiyang tawag nito sa kanya.

Agad na sumeryoso ang mukha ni Vel. She did not expect him here. Ramdam niya ang unti-unting pagkuyom ng mga kamay niya. Bumabalik na naman lahat sa kanya. She was not even sure if she's ready to confront him here.

"Anak, alam ko na galit ka sa'kin... p-pero... puwede ba kitang makausap?"

"SIGE, LUMAYAS KA!" sigaw ng ina ni Vel, umiiyak, at may puwersang ibinabato sa ama niya ang lahat ng mga gamit nito. "Doon ka na sa kabit mo! Magsama kayo! Pagod na pagod na ako sa'yo Eric! Pagod na pagod na ako kakaunawa sa'yo."

"Mama!" iyak ni Vel sabay yakap dito, hinawakan niya ang mga kamay nito para hindi na matamaan ang ama. "Tama na po... Papa... huwag... huwag na po kayong umalis... dito na lang po kayo..."

"Hayaan mo na ang ama mo, Vel. Hindi natin siya kailangan."

Lalo lang naiyak si Vel. "Mama, ayaw ko po... ayaw ko po... maghiwa-lay... ka-ka-yo..." Hindi na niya alintana ang sobrang pamamaga ng mga mata niya kakaiyak. "Huwag po... hindi ko po kaya... Ma... Pa..."

"Mas mabuti pang umalis na ako."

"Mabuti pa! Umalis ka nang demonyo ko!"

"Maaa! Paaa!" Kinuha ng ama ni Vel ang lahat ng mga gamit nito at tinalikuran na sila. "Papa!" sigaw ni Vel, binitiwan niya ang ina at tinakbo ang distansiya na pagitan nila ng kanyang ama. Hinarang niya ang sarili at lumuhod sa harapan nito. "Papa, please," iyak niya. "Huwag n'yo po akong iwan. Huwag n'yo po... kaming iwan." Hinawakan niya ang mga binti nito. "Gagawin ko po lahat. Magpapakabait po ako. Hindi na po kayo magagalit sa'kin. Mag-aaral po ako nang mabuti, Papa. Please po... huwag n'yo po... kaming iwan..."

"Vel!" tawag ng kanyang ina.

Hilam ng mga luhang inangat niya ang ulo sa ama. "Papa, masaya naman tayo, 'di ba? Mahal n'yo naman po kami, 'di ba? Pero bakit n'yo po gustong umalis?"

"Vel." Yumuko ang ama niya at hinawakan siya sa mga balikat para subukang patayuin pero nagmatigas siya. Niyakap na niya ang mga binti ng ama. "Vel, kailangan ko nang umalis."

"Papa, please..." pagmamakaawa pa rin ni Vel. "Dito... dito ka na lang... k-kami na lang piliin mo... k-kami naman nauna e... dito ka na lang umuwi..."

"Novela!" Marahas na inalis ng ama niya ang mga kamay niya at tuluyan na siyang napasalampak ng upo sa sahig.

"Eric!" sigaw ng ina niya, mabilis na lumapit ang ina sa kanya at niyakap siya. Lalo lamang naiyak si Vel sa ginawa ng ama. "Pati ba naman anak mo?!"

Humugot ito nang malalim na hininga at bumuga ng hangin. Humagulgol ng iyak si Vel.

"Lumayas ka na!" sigaw ng ina  niya.

Tinignan siya sa mga mata ng ama niya. Ang klase ng tingin na alam niyang babaon sa kanyang puso habang buhay – tingin na nagsasabi na wala na silang halaga sa buhay nito.

Na wala na siyang halaga rito bilang anak.

"I'm sorry," tanging nasabi ng ama niya.

Muli nitong pinulot ang mga nahulog na mga gamit sa sahig at walang lingon-lingon na lumabas ng kanilang bahay.



"PUWEDE ba akong maupo?"

Nabalik si Vel sa reyalidad, ilang segundo muna ang lumipas bago nag-sink-in sa kanya ang itinanong ng kanyang ama. Tipid siyang tumango.

"Salamat."

Naupo ito sa bakanteng upuan sa harapan niya.

"Your mother told me I've found you here."

"Galing, in good terms na pala ulit kayo," matabang niyang sagot.

Tipid lang itong ngumiti, he didn't look offended. "Humingi ako ng sorry sa kanya."

"I wouldn't be surprised kung pinatawad ka niya."

"Alam kong nasaktan ko kayo sa mga desisyon ko sa buhay at hindi n'yo obligasyon na patawarin ako. Pero kukunin ko ang pagkakataon na 'to para humingi rin ng patawad sa'yo, anak."

"Sabihin mo na lahat nang gusto mo."

He cleared his throat first bago ulit nagsalita. "Kung tatanungin mo ako ngayon... kung pinagsisihan ko ba ang pag-iwan ko sa inyo ng Mama mo... alam ko na masasaktan lang kita sa magiging sagot ko. Matilda and I... we've tried... I did try to love your mother dahil alam ko kung gaano niya ako kamahal... pero dumating kami sa point ng buhay namin na lagi na lamang kaming nag-aaway... na lagi ko na lang pinapalaki ang maliliit na bagay na hindi pagkakaunawaan namin ng iyong ina...Ginusto kong mapagod ang mama mo sa'kin at magdesisyon siyang iwan ako. Kaya lamang, nakilala ko si Arlene at minahal ko siya nang sobra."

Nagsimulang manikip ang dibdib ni Vel dahil sa pagpipigil ng mga luha. Bumabalik ulit lahat sa kanya ang sakit ng ginawa nitong pag-iwan sa kanila... ang pagtataboy ng ama niya sa kanya noong bata siya.

"Hindi na ako masaya... at alam ko na masasaktan ko lang kayong dalawa ng ina mo... kaya umalis ako."

"Umalis ka... kasi hindi ka na masaya," sagot niya rito. "Pero noong umalis ka, alam mo ba kung saan mo kami iniwan?" Vel lips trembled, pigil na pigil niya ang mga luha niya sa paglandas kahit nag-iinit na ang sulok ng kanyang mga mata. "Iniwan mo kami sa lugar kung saan hirap na hirap kaming makaalis ni Mama. Nagbabago ang taon, lumilipas ang araw, umaandar ang oras, pero hindi kami makausad."

Napayuko ang kanyang ama at naiyak.

"Naisip ko, sana hindi ka na lang naging mabuting ama sa'kin. Sana hindi na lang totoo ang pagmamahal na naramdaman ko sa inyo. Pinalaki n'yo ako na hindi natatakot sa rejection ng ibang tao kahit na naiiba ako sa mga batang kalaro ko. Pero alam mo 'yong pinakamasakit sa lahat? 'Yong i-reject ka ng taong nagturo sa'yo na maging matapang... at ng sarili mong ama. Sana naisip... n'yo 'yon... bago mo kami iniwan... siguro mas matatanggap ko na nakipaghiwalay ka kay Mama hindi dahil sa babaeng 'yon... kung hindi dahil hindi na kayo nagkakasundo... kaso hindi e... pinili mong magloko kaysa sagipin ang relasyon."

Naglabas ng panyo ang kanyang ama at tahimik na pinunasan ang mga luha nito. Marahas naman niyang pinunasan ang mga luha.

"Hindi ka naghintay... binigla mo ako... sa tingin mo maiintindihan ko 'yon ng mga panahon na 'yon? Araw-araw, iniisip ko ang halaga ako bilang anak mo. Sa tuwing nakikita ko kayo ng bagong pamilya mo, dinudurog mo ang pagkatao ko nang paulit-ulit. Sana, lahat masaya, 'di ba? Sana lahat kayang magpatuloy na hindi nasasaktan at kini-question ang sarili. Sana lahat lumaki na may buong pamilya. Buti pa ang ibang anak, inaalagaan mo. Pero, naalala mo ba ako?"

Yumugyog ang mga balikat nito sa pag-iyak.

"Patawad...patawarin mo ako... Vel..."

Humugot si Vel nang malalim na hininga saka bumuga ng hangin. Sakabila ng hinanakit niya ay ramdam niya ang paggaan ng kanyang dibdib. Pakiramdam niya ay nabawasan ang daladala niyang pasanin sa buhay ngayon na alam na niya ang rason ng pag-iwan ng ama niya sa kanila.

Siguro makakaya ko na ngayon.

"Hinihintay ko lagi ang reply mo sa mga mensahe ko sa'yo hanggang sa masira ang cellphone na ibinigay mo sa'kin. Siguro, tama lang na masira 'yon para tumigil na ako kakaasa na babalikan mo pa kami."

Dahandahang nag-angat ng mukha ang kanyang ama, pulang-pula ang mata sa pag-iyak.

"Pero hindi ako magiging kagaya n'yo ni Mama." Lumapat ang isang kamay niya sa kanyang tiyan. Kumukuha siya ng lakas sa anak niya ngayon. "Kasi alam ko na mahal na mahal ako ng mapapangasawa ko. Hindi man siya perpekto at lagi man niya akong binubuwesit... kailanman ay hindi siya nawala sa tabi ko... hindi niya ako tinakbuhan kahit na binigyan ko siya ng pagkakataon na iwan kami ni Book."

Ngumiti ang kanyang ama sa kabila ng mga luha nito.

"Mabuti naman... mabuti at hindi siya kagaya ng ama mong... walang kwenta."

"Masaya na ako sa buhay ko, annulled na rin ang kasal n'yo ni Mama, at mukhang masaya ka na rin naman sa bago mong pamilya. Hindi na rin ako maghihintay pa sa sagot mo sa mga messages na pinadala ko sa'yo noong bata ako dahil tanggap ko na ang desisyon na pinili mo. Makakaalis na rin ako sa malungkot na buhay na 'yon."

"Vel, anak..."

Tumayo siya. "Salamat po sa labindalawang taon na pagiging ama n'yo sa'kin."

Tipid siyang tumango rito saka tinalikuran ang kanyang ama pero bumungad sa kanya ang mukha ni Santillan. Tila hinahantay siya nito sa may entrance and when he warmly smiled at her, doon na isa-isang naglandas lahat ng mga pinipigilan niyang luha. Mabilis ang mga hakbang na lumapit siya rito at yumakap.

She silently sobbed on his chest.

Ramdam niya naman ang mainit at mahigpit na yakap nito sa kanya. "Shshs," alo nito sa kanya saka hinalikan ang sintido niya. "Nandito na ako."

Hindi na niya inaalala ang mga nandoon sa café, gusto na lamang niyang iiyak lahat ng mga natitirang hinanakit niya at hayaang pagaanin ang kalooban niya ng yakap ni Santillan ang lahat.





HINILA ni Word ang kumot hanggang sa matakpan ang mga balikat ni Vel. She moved and snuggled closer, nakaunan na sa kanyang isang braso at dibdib, mahimbing na ang tulog. He gave her all the time to cry and mourn. She will speak when she's ready. For now, he'll do his best to comfort her in silence.

Pinagmasdan niya ang payapa nitong mukha. Marahan niyang hinaplos ang pisngi nito ng mga daliri saka isa-isang inalis ang mga hibla ng buhok na dumikit sa pisngi nito.

"It must have been hard all these years, Vel," mahina niyang simula. "I know because it was hard for me as well. We've waited for them to return... only to wait in vain. You did your best to heal... to protect yourself... to fill the void that makes you feel incomplete... and every day, we try our best to live as fulfilling as we can."

Word remembered what Vel's father had told him earlier.

"Naiintindihan ko at buong puso kong tatanggapin kung hindi man ako mapatawad ng anak ko, hijo. Pero hindi ako malulungkot dahil nakikita kong masayang-masaya siya ngayon."

"Hindi ko ho hawak ang desisyon ni Vel, Sir, pero kahit hindi ko ipangako, gagawin ko ho ang lahat para sa mag-ina ko."

Ngumiti ang matanda. "Salamat, hijo."

"Sana maintindihan n'yo rin na kailanman hindi naging madali sa anak ang mga makasariling desisyon ng mga magulang. Kung mahirap na ho sa inyo, mas doble ho ang sakit no'n sa mga anak."

Mapait na ngumiti sa pagkakataon na 'yon at tumango.

"Vel suffered because of my selfish decisions. I've heard everything from Matilda. Alam ko na malaki ang galit niya sa mga lalaki dahil sa'kin. Pero nagpapasalamat pa rin ako dahil hindi mo sinukuan ang anak ko, hijo."

Humugot ito nang malalim na hininga at bumuga ng hangin.

"Ngunit hindi ibig sabihin na kung hindi naging maganda ang relasyon namin ng mama niya ay ganoon din ang mangyayari sa kanya," pagpapatuloy nito. "I may be her father but my daughter will never be me. She is far better person than the person who brought her into this world. She's like her mother, strong, and kind. Alam ko na magiging mabuting magulang siya."

Lumapit ito at tinapik siya sa isang balikat.

"Tayo ang gumagawa ng sarili nating buhay at nasa sa'yo kung paano mo gustong maalala ng tao sa mundong 'to. I have failed my daughter, Word. Pero aasa ako, bilang ama niya, ilang problema man ang dumating, mananatili ang pagmamahal n'yo sa isa't isa, at hindi-hindi mo siya kailanman iiwan gaya nang pag-iwan ko sa kanya."

Ibinaba nito ang kamay, nanatili ang tingin nito sa kanya.

"Sakabila nang lahat, alam ko na hindi ako sinukuan ng anak ko... dahil ganoon kalalim magmahal si Novela."

"Ganoon din ho ako sa anak ninyo."

"Aasa ako, hijo."

"Pero pasensiya na ho, hindi ko lang puwedeng palampasin 'to dahil pinaiyak n'yo si Vel." Kumunot ang noo ng matanda. "Ang plano ay kayo magbabayad sa mga kumain kanina pero dahil bayad na ang mga iyon. Bayaran n'yo na lang ho ang hindi nagalaw na order ng anak ninyo."

Natawa ang matanda at nagpunas ng mga luhang namuo sa gilid ng mga mata ko.

"Sa tingin ko nga ay kulang pang kabayaran 'yon. Pero sige, ako na ang magbabayad."

"Sa susunod ho ay buong kita na ho ng TADHANA sa isang araw," seryoso pa rin ang paraan ng pagkakasabi ni Word doon.

"Sige, kung magiging masaya ang anak ko roon."

"Kapag na blocklist ho siguro kayo rito."

Pero sa halip na magulat ay natawa lang ito.

He keep the straight face. "Seryoso ho ako." Nawala ang ngiti ng matanda at napatitig sa kanya.

Natawa si Word na alalahanin ang hitsura ng ama nito kanina.

Well, the old man deserves it. Forgiveness should be genuinely given so he should earn it. Vel will forgive her father whenever she's ready and fully healed.

Pinatay ni Word ang lampshade sa bedside table at hinalikan sa pisngi si Vel saka inayos ang pagkakayakap dito. Ipinikit niya ang mga mata at marahang tinapiktapik ang balikat ni Vel.

"Tayo ang gumagawa ng sarili nating buhay at nasa sa'yo kung paano mo gustong maalala ng tao sa mundong 'to..."

He had been thinking about it.

"Hmm... Word..." Gumalaw bigla si Vel, kinakapa ang kamay niya.

"Shshs, I'm here," pagpapakalma niya.

Bigla itong nagmulat ng mga mata, pero halatang inaantok pa rin. "Napaganipan ko si Book," pabulong nitong sabi.

Mahinang natawa si Word. "Sino kamukha?"

"Kamukha ni Tito Pear kasi kalbo," naiiyak nitong sabi sabay subsob ng mukha sa dibdib niya. Tumatawang niyakap na lang ulit niya si Vel. "Kahit isang buhok wala... huhu..."

"Ganoon naman talaga kapag baby."

"Gusto ko kamukha mo..."

Lalo siyang natawa. "Matulog ka na lang ulit, Vel." Mayamaya pa ang narinig na niya ang mahinang paghilik nito. Nakatulog na nga ulit. "Hay nako, ang kulit." Hinalikan naman niya ang noo nito. "Ano na lang ang gagawin ko kung wala ka?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro