Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 30

LIMANG Lemon-dou ang inilapag ni Vel sa itaas ng foldable table na inilabas niya sa terasa ng bahay. At dahil hindi naman siya puwedeng uminom, isang baso ng orange juice lang ang para sa kanya. Sinamahan na rin niya ng isang malaking bowl ng popcorn at kropik. She managed to prepare all of those habang naliligo pa si Santillan.

Enough of her guessing games and assumptions. Hindi maso-solve ng panghuhula niya ang misteryo ng buhay ni Santillan kung hindi siya gagawa ng paraan. She will try to make him speak bago siya mapuno at idaan sa dahas ang lahat.

"Sino may sabing puwede kang uminom ng alak?"

Nag-angat ng mukha si Vel. Nakatayo sa harapan niya si Santillan, diskumpyadyong nakataas ang isang kilay sa kanya habang pinapatuyo ng puting tuwalya ang buhok nito. Nakabihis na rin ito ng pantulog. 

Tinaasan niya rin ito ng isang kilay at itinaas ang isang baso ng orange juice. "Ikaw lang ang maglalasing, hindi ako."

Kumunot ang noo ni Santillan. "Anong trip 'yan?" He chuckled saka tuluyan nang lumapit sa kanya at naupo sa monoblock chair katapat ng monoblock niya na hindi pa niya inuupuan. Inilapag nito ang white towel sa mesa. "At saka bago ba 'to?" Tinignan isa-isa ni Santillan ang can ng alak. "Lemon-dou?" basa nito. Natawa naman ito pagkatapos. "Why do I have a feeling na binili mo 'to dahil alak 'to ng demonyo?"

Iniharap nito sa kanya ang harapan ng can at itinuro ang ibabang parte ng can kung saan nakasulat ang flavor ng alak.

"Devil Lemon," he muttered, smiling.

"I admit, the flavor did get my attention," she answered with a smirk. Naupo na rin siya pagkatapos. "Pero 9% alcohol for a sparkling drink, not bad."

"And how sure are you na masarap 'to?"

Ngumiti siya nang matamis dito. "You'll find out for me."

Pinaningkitan siya nito ng mga mata. "Novela, hindi porke't iniibig kita nang sobra ay gagawin mo na akong quality checker. Nope, I don't do that kind of sacrfices, baby." Vel threw him a death glare. "But since we're already in a modern world in where new inventions and technology emerges and researches are well funded to make sure that the future will provide innovative cure and options to save human lives." Lumikha ng tunog ang pagbukas ng isang can ni Santillan. "I wouldn't mind being the mice."

Pigil na pigil ni Vel ang tawa nang mapansin ang paglunok ni Santillan bago tinikman ang alak. Napasandal ito nang husto sa upuan at nailayo ang can na hawak sa bibig pagkatapos uminom.

"Tangina!" mura nito, kumurap-kurap pa habang nilalasahan ang after taste ng alak sa bibig nito. "Ang asim." He grimaced.

Tawang-tawa si Vel. "Gaano kaasim?"

"Ang lakas ng sipa, yawa!" Muli nitong binasa ang alcohol content ng alak. "Nine percent nga." Tumawa na rin ito pagkatapos. "Masarap 'tong ubusin sa isang lagukan."

Namilog ang mga mata ni Vel nang gawin nga ni Santillan ang sinabi nito. Aba'y inisang lagok nga nito ang isang can.

"Woa!" Marahas na ibinaba ni Santillan ang can sa mesa.

"Mukhang enjoy na enjoy mo ah."

Ngumisi ito. "Ang lakas ng sipa."

"In all fairness, hindi ko naramdaman na ayaw mo kanina. Ang hirap mong pilitin," sarkastiko niyang sabi.

Tawang-tawa ito sabay abot ng kropik. "Para akong sinapak ng isang Novela Martinez. Ganoon ang epekto ng alak." Pinapak nito ang kropik sa kamay nito. "Ta's...ma-re-reliaze mo na...mahal ko siya... ganoon."

"Gago!"

Lumakas ang tawa ni Santillan. "Huwag kang mag-alala, pagkapanganak mo sa anak natin, unang-unang gagawin natin ay magtagay."

"Sa tingin mo ay hindi maiinom ng anak mo ang alak kapag pinadede ko siya?"

Sandali itong nag-isip bago sumagot. "E di, ako muna dedede bago siya –" Binato niya ng popcorn si Santillan. Lalo lang lumakas ang tawa nito. "Grabe, ito naman, hirap biruin. S'yempre joke lang."

"Bakit nga pa ako pumayag na pakasalan ka?"

"Kasi mahal mo ako at napapaligaya kita sa kama? Pero feeling ko, kasi mahal mo ako. Tama, tama, 'yon ang tamang sagot." Bumungisngis ito pagkatapos.

Sa huli ay natawa lamang si Vel. "Ayusin mo buhay mo, Santillan. Baka kinaumagahan magising ka na lang na umuwi na ako sa'min."

"E di, sunduin na lang ulit kita."

"Uuwi ako sa isang bahay namin –"

"Wala kang isang bahay, naitanong ko na 'yan sa Mama mo kung sakaling mawala ka bigla alam ko kung saan ka hahanapin."

"E di wow."

He chuckled. "Inaral ko lahat ng plot na puwede sa konsepto ng taguan ng anak. I'm not easy to get rid of. Aside sa may carbon copy akong tumutubo sa tiyan mo, mahal natin ang isa't isa."

"Assumero!"

"Sinasabi ko sa'yo, mahal. Itong pagiging assumero ko, ito ang tumulong sa'kin para mapaibig kita. Kita mo naman ngayon." Aroganteng-arogante ang ngiti habang inaayos ang invisible necktie nito sa dibdib. "Napa-oo rin kita."

"Kapal talaga!"

Tumawa ito nang malakas saka nagbukas ulit ng can ng Lemon-dou. "Maliit na bagay."

"Anyway, hindi sa gusto kitang lasingin pero parang ganoon nga –"

"Ano ka ba, hindi mo naman ako kailangang lasingin para maikama ako –"

"Gago!"

Tawang-tawa ulit ito. "Sabi ko na nga ba at may ibang pakay ka sa'kin. It's not in your devil nature to be sweet."

"Hindi ako nagpapaka-sweet sa'yo."

"Ano ba 'yon?" he asked, smiling.

"Talaga? Sasagutin mo kahit anong tanong ko?"

He nodded. "Oo, kasi mukhang hindi ka makakatulog na hindi ka nakakapag-marites sa buhay ko."

Hindi naman yata siya mahihirapan lalo na at mukhang good mood na ito. She'll try her luck.

"Well, naalala mo noong pumunta tayo sa bahay ng parents mo, noong nandoon relatives mo?"

"Yup, what about it?"

"May nakita akong photo album sa kuwarto ng parents mo."

Sinadya niyang tumigil para makita ang reaksyon ni Santillan. Hindi lang ang ngiti sa labi nito ang nawala, pati ang ngiti nito sa mga mata. He didn't look directly at her, kumuha ulit ito ng kropik.

"Nakalagay sa cover ang cursive name na William Ordeal Santillan," she continued. Naka observe pa rin siya sa reaction ni Santillan. Mukha itong may malalim na iniisip. "Pero nang tignan ko ang laman, napansin ko na hindi mo kamukha ang bata sa photo album. Kaya tinanong kita kung may baby pictures ka... pero sabi mo... wala... nasira noong malakas na bagyo noong bata ka."

She paused.

Hindi pa rin nagsasalita si Santillan.

"At kanina, doon sa mall, iba ang naging reaksyon mo doon sa matandang babae. Parang nagulat ka... parang kilala mo siya... hindi sana kita kakausapin kung hindi lang ako nag-aalala sa reaksyon mo kanina. Alam ko na wala akong karapatan na manghimasok sa buhay mo o kung ano pa 'yang issue na hindi mo sinasabi sa'kin. Pero –"

"It's fine."

Natigilan si Vel.

Nagtama ang mga mata nilang dalawa. In her observation, he didn't look mad at her. In fact ay may tipid na ngiti sa labi nito at may naaninag siyang pag-unawa sa mga mata nito.

"Word," malumanay na tawag niya rito.

He softly chuckles. "I always find it weird when someone calls me by that name. Hindi ko alam kung ako ba talaga ang tinatawag nila o ang totoong nagmamay-ari ng pangalan na 'yan."

"Anong ibig mong sabihin?"

"The real William Ordeal Santillan is already dead, Vel." Namilog nang husto ang mga mata ni Vel sa pagkagulat. "I am technically the substitute."

There was pain in his eyes that she couldn't ignore. Tila ba ramdam din niya ang sakit na nararamdaman nito nang mga oras na 'yon.

He sighed. "Unfortunately, I don't even have a name to begin with. Umabot ako sa edad na limang taon na walang matinong pangalan. Hindi ko alam kung bakit binuhay niya pa ako ng limang taon bago niya ako iniwan sa bahay ampunan."

"Hindi ba dahil nakalimutan mo? At saka sobrang bata mo pa no'n –"

"There were few memories that I've forgotten, but the memories that remained in my childhood were not good – they were nightmares. Even at a young age, I know that my biological mother abandoned me, resented me, and rejected me. Kahit matinong pangalan ay hindi niya ibinigay sa'kin."

Ramdam ni Vel ang pag-iinit ng sulok ng kanyang mga mata na sa huli ay naging mga luha. Vel knew the feeling of abandonement and rejection. She once begged someone to stay, but in the end, that someone still chose to leave.

"I don't think I'm doing a good job in keeping their son's name, Vel."

Tumayo si Vel at hindi na siya nagdalawang isip na yakapin si Santillan mula sa likuran nito.

"Gago ka, oo, but you don't need to be someone you're not. Hindi mo kailangang buhayin sa sarili mo ang totoong nagmamay-ari ng pangalan na 'yan."

"I have to, Vel. Ito lang ang alam ko na paraan para masuklian ang pagmamahal at buhay na ibinigay nila sa'kin. I have to keep his name alive, at least."

Humigpit ang yakap niya rito. "But you will always have a choice to create your own identity."

"I know, but maybe... not in this lifetime."

Inalis ni Santillan ang mga braso niya at dahan-dahan siyang hinila paharap at pinaupo sa kandungan nito. She was not supposed to think about it now, pero sana hindi bumigay ang monoblock chair dahil sa bigat niya. She hate to ruin the moment but she's a realist.

Hinalikan ni Santillan ang sintido niya. "I'm sorry for keeping this from you." Bahagya nitong inalayo ang mukha sa kanya para matignan siya. "Hindi ko lang alam paano ko sasabihin sa'yo ang totoo."

"At kung hindi ko pa nalaman ay wala kang balak sabihin sa'kin?"

"Sasabihin ko pa rin naman, but maybe, when we're married."

"Mas tama yatang sabihin mo na hindi pa tayo kasal."

Bumakas ang pag-aalala sa mukha nito. "Ayokong isipin, pero paano kung magbago isip mo kapag nalaman mong ampon ako?"

"Nahiya naman sa'yo lahat ng red flags mo bago ka nagkaroon ng character development sa buhay. Tinanggap nga kita kahit demonyo ka. At saka, anong masama sa pagiging ampon? In fact, kahit na hindi naging maganda ang memories mo noong bata ka, nakikita ko at nararamdaman ko na sobra kang minahal ng mga magulang mo ngayon. Huwag na natin isama mga toxic mong relatives, reserve na ang slots nila sa impyerno."

Santillan softly chuckled. "Akala ko ba sa impyerno tayo titira, bakit doon na rin sila?"

"Doon sila sa kabilang impyerno."

"May layer pala?"

"Oo, 'yong hindi ko maririnig panlalait nila sa'yo. At saka, ang ibig kong sabihin kanina, mas mabuti na 'yong bago tayo ikasal ay wala na tayong itinatago sa isa't isa. It doesn't mean na babawiin ko ang pag-oo ko sa proposal mo."

He smiled. "Hearing those things from you makes everything bearable for me. Thank you, Vel."

"Alam ko na pareho pa tayong nangangapa sa relasyon natin pero kung bubuo tayo ng pamilya, dapat nagtutulungan tayo."

"I know, I'll work hard."

Vel cupped his face. "We'll work hard." Kinantalan niya ito nang magaan na halik sa mga labi. "For us and for Book," she added, smiling.

Lalong napangiti si Santillan. "I love you."

"I love you, too." Ibinaba niya ang mga kamay at humilig nan ang tuluyan dito. "But I'm curious, gusto mo ba ulit makita ang totoo mong ina?"

Although she thinks that the woman they met at the mall was his biological mother. Still, she wanted to know.

He held her hand and laced his fingers with hers. "I don't think she'll remember me. May point pa ba?"

"Hindi mo naman kailangang magpakilala kung ayaw mo."

"Sa tingin ko naman ay mas naging masaya siya nang mawala ako sa buhay niya."

He paused.

Those words were so painful to hear. Ramdam ni Vel ang hinanakit ni Santillan, hinanakit na daladala nito simula nang iwan ito ng ina nito. Kahit pangalan man lang ay hindi naibigay ng totoong ina ni Santillan. He was abandoned and with no name to trace.

"Pero," basag nito, "may tanong akong lagi kong naiisip."

"Ano?"

"Why did she abandon me without giving me a name?"




BUMANGAD agad sa mukha ni Vel ang isang lumang antique shop na may lumang lower roof signage na VIEJOS CUENTOS. Medyo malaki ang antique shop na 'yon kumpara sa mga shops sa tabi nito. Kalahati ng façade ng shop ay glass panel, kung hindi lang madaming gamit na naka-display roon ay makikita na niya nang buong-buo ang loob ng antique shop.

"Bakit hindi ko alam na may ganito rito sa lugar na 'to?"

Ibinaling ni Vel ang tingin sa kaibigan. Muli na naman siyang nagulat sa ayos ni Gospel Grace. Natutop niya ang dibdib.

"Walangya talaga 'yang suot mo!" reklamo na naman niya.

Kumikinang ang rainbow sequins mermaid tail inspired spaghetti dress ng gaga na may haba hanggang itaas ng tuhod nito. Nakasuot pa ng blonde na buhok na may bangs, naka itim na sunglasses, at white knee boots na may two inch heels.

"Girl, sabi mo mag-disguise ako."

"Sinabi ko na magsuot ka nang hindi makakaagaw ng pansin. Sinabi ko bang maging Hannah Montana ka?" Napabuga ng hangin si Vel. "Kanina pa ako nasisilaw sa damit mo. Anyway, sigurado ka ba na dito natin makikita si Nicholas?"

"Oo, sinundan ko siya ng palihim... mga few months ago."

"Few months?" diskumpyado niyang tanong.

"Basta few months ago at saka huwag mo na ako gisahin at nanlalagkit na ako rito sa init. Ramdam na ramdam ko na pamamasa ng kili-kili ko, mamsh. Gora na, enter na tayo inside bago pa ako maagnas sa init rito."

Hinintay ni Vel na mauna si Gospel pero nanatili lang itong nakatayo.

"Oh, bakit 'di ka pa gumagalaw riyan?" aniya.

"Dae, mauna ka, nahihiya akong pumasok. Kakaloka ka! Hindi ka kasi nag-instruct nang maayos. Kung nagkaintindihan lang tayo e di sana nag-Marimar ako."

Tawang-tawa si Vel. Ngayon lang talaga niya na-enjoy ang kamiserablehan ng kaibigan niya. At tuwang-tuwa pa siya.

"Aba'y kasalanan ko ba kung gaga ka?!"

"'Yon na nga e! Ako lang may kasalanan," naiiyak nitong sagot.

Napahawak na si Vel sa kanyang tiyan dahil sa kakatawa. "Ewan ko sa'yo! Mapapaanak ako sa'yo nang wala sa oras. Pumasok na nga tayo." Hinila na niya si Gospel at sabay na silang pumasok sa antique shop.

Pagbukas niya ng pinto ay may tumunog na bell sa itaas. Agad na nag-angat ng tingin si Nicholas na nakatayo sa counter na may isinusulat kanina. May umuusok na tasa sa gilid ng papel nito, amoy na amoy ang matapang at masarap na amoy ng kape.

"Vel?" gulat na tawag ni Nicholas sa kanya pero agad ding naagaw ng Gospel ang atensyon nito. "H-Hello? May bibilhin ka ba?"

Pigil na pigil ni Vel ang matawa.

"No señor. Por favor, no hablo Español –" Pinalo niya sa balikat si Gospel. "I mean, you get the limo out front. Hottest styles, every shoe, every color."

Kumunot lang ang noo ni Nicholas, lalo lang hindi nagkaintindihan ang dalawa.

"Si Gospel lang 'yan," sagot na niya para sa kaibigan. "Anyway, we need something from you. Free ka ba?"






"HMM..."

Nicholas squared his shoulders, sat straight and folded his arms over his chest. There was a small corner in the shop that can fit two tables and mini chairs. Binaliktad muna ni Nicholas ang sign sa labas ng shop ng CLOSE dahil walang mag-aasikaso sa customers kung wala roon ang atensyon nito.

"I couldn't remember any chance that Word mentioned the name of his biological mother. I don't think he ever mentions that even when he's drunk."

Tama nga ang hula niya na alam ni Nicholas ang tungkol sa adoption ni Santillan. Sa sobrang close ng dalawa, hindi siya naniniwala na walang alam sa isa't isa ang dalawa.

"Hindi ba niya hinanap ang totoo niyang ina?"

"I doubt that. He loves and respects his foster parents. I think, Tito Oscar will understand if Word would like to meet his real mother, but Tita Sarah, she's too fragile. Word knew that and exerting effort in finding her biological mother who selfishly abandoned him would seem selfish and disrespectful."

"Ako lang, ha?" singit ni Gospel. "I think, imposible na magkaroon ng immediate reconcialiation between Word and his biological mother. Unless, acceptable ang rason niya kung bakit iniwan niya si Word sa bahay ampunan na walang pangalan. Sabi mo nga kanina, walang impormasyon na nakuha ang mga madre sa ampunan kay Word, ang alam lang ni Word noon ay Boy ang pangalan niya."

Nicholas nodded. "No one knows if his birth was registered or not. Sa panahon pa naman noon ay madalas sa bahay lang nanganganak at madami rin mga late registered na mga bata. Word has fragmented memories of his childhood. When he's drunk, he remembers something, mostly the sad ones."

"Hindi niya naikuwento ang buhay niya bago siya napunta ng ampunan?" tanong ni Vel.

"I wish he'll tell me, but no, nagsimula ang kuwento niya noong nasa ampunan na siya. Ang alam ko lang ay wala siyang pangalan noong bata at napansin siya ni Tita Sarah sa ampunan. He was adopted a year after the real William Ordeal Santillan died. Ang kuwento sa'kin ni Word, Tita Sarah was hesitant to adopt a stranger. Si Tito Oscar naman, inisip niya na makakatulong ang bata para maging masaya ulit si Tita Sarah."

"Siguro sobra siyang na-depressed sa pagkamatay ng anak niya," ni Gospel.

Nicholas nodded. "It's painful to imagine."

"Pero five years old na si Word noon, 'di ba?" kompirma ni Gospel. "They didn't consider adopting a baby?"

"I believe they did consider it, but Tita Sarah chose Word. Siguro dahil kung hindi namatay ang totoong William Ordeal, he will be the same age with our Word. Hindi ko na alam ang buong detalye ng pagpili ni Tita Sarah kay Word, but it seem like, it was one of the special moments in his life."

"Sa tingin ko kasi Mama niya 'yong matandang babae na nakilala namin sa mall noong isang araw," basag ni Vel.

Napatitig nang husto si Nicholas sa kanya. "Paano mo nasabi Vel?"

"His reaction," seryoso niyang sagot kay Nicholas. "Iba ang tingin niya sa matanda, he looked at her so painfully. Pati 'yong matanda, parang may familiarity siya kay Santillan."

"Possible din naman na maalala pa ni Word ang mukha ng mama niya kahit sobrang tagal na noong huling makita niya ang ina niya," dagdag ni Gospel. "Or maybe he did try looking for her pero hindi lang niya sinasabi."

"Could be," Nicholas agreed.

"Malaki nga ang chance na kilala niya ang matanda kung ganoon ang reaksyon ni Word," segunda ni Gospel.

"Anyway, ano bang pinaplano mo, Vel?"

"Hindi ko nga sigurado e. Wala naman ako noong mga ideals ng mga optimistic female lead sa mga kuwento nitong si Gospel."

"Hoy, grabe naman, hindi naman sila sobrang idealistic."

"Mukha lang pera."

Tawang-tawa si Gospel. "Natumbok mo, amega."

Nicholas chuckled.

"At saka usaping pamilya, may complex family arc ako. Hindi rin kami in good terms ng tatay ko. Paano ako magiging effective sa pag-a-advice kay Santillan sa kung anong tamang gawin kung tagilid din ako? Kaso hindi ako mapalagay sa ginagawa niya. Gets ko na mahal niya ang mga kinilala niyang mga magulang, nauunawaan ko 'yon at walang problema roon. Ang nababagabag ako ay 'yong ramdam ko na parang iniisip niya na wala pa rin siyang silbi sa mundo. Kahit na binigyan siya ng pangalan nina Tita Sarah, hindi pa rin niya matatawag na kanya."

"Alam ba ng mga magulang niya na ganyan ang posibleng tumatakbo sa isip ni Word?" tanong ni Gospel kay Nicholas.

"He's an open book but he also filters a lot."

"I'll take that as a no then."

"He's afraid of offending Tita Sarah."

"Understandable naman 'yon."

"Or maybe, I'll find a way to look for her biological mom and ask her on his behalf –"

"Tapos malalaman ni Word at mag-aaway kayo kasi pinapangunahan mo siya. Nako, Vel, ilang beses ko na iyang naisulat sa mga nobela ko. Huwag na 'yan, madalas nauuwi sa unfortunate things ang mga ganap sa ganyan. Mag-isip tayong ibang paraan para makatulong kay Word."

"I agree with Gospel. I don't think meddling with their affair is feasible for us. Lalo na't hindi naman naging maganda ang relasyon nila ng biological mother niya. How about this... I'll ask my cousin for some advice. He's a psychiatrist, maybe he can help us."

"'Yong nabanggit mo noon?" ni Gospel.

"Yes, my cousin, Dr. Philip Xavier Gutierrez."

"Sige, Nico," pagsang-ayon ni Vel. "'Yon na lang muna siguro."

"Let's talk about this again, weigh our options, and we'll see."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro