Chapter 3
AKMANG babalik siya sa itaas nang makita si Santillan sa ibaba ng hagdan. "Nakita na kita Vel." Umasim ang mukha niya nang marinig ang boses nito. "Bumaba ka rito at may pag-uusapan tayo."
"Harapin mo 'tong si Word, Novela," dagdag ng kanyang ina.
Marahas siyang bumuga ng hangin at hinarap ang dalawa. Nagpupunas ng baso ang ina sa kusina at walang kangiti-ngiti naman sa kanya si Santillan na nakaupo sa isa sa mga upuan sa dining table.
Dapat ba siyang ma konsensiya para rito? Deserve nito 'yon! At saka kailan ba siya tinubuan ng konsensiya pagdating kay Santillan? Siguro noong fetus pa ito.
"Novela sinabi sa'kin ni Word ang ginawa mo." May pagbabanta sa tingin ng ina. Kalmado pa ito ngayon pero kapag nagmatigas siya ay sesermonan na siya nito. "Akala ko ba magpapasalamat ka lang?"
Kumuha siya ng apple na nasa center basket ng dining table. "Mamatay ba 'yang si Santillan kapag nawalan ng babae?" Kinagatan niya ang apple at nginuya muna 'yon bago ulit nagsalita. "Maghahanap at maghahanap 'yan ng iba."
"Vel," nagpipigil ng gigil si Santillan, "hindi mo alam kung ilang araw ko niligawan si Sunshine. Sinagot ako nun noong isang araw pa. Pero dahil nga sinabi mong na buntis kita ay hindi lang niya ako hiniwalayan ay sinampal pa akong tatlong bes –"
Naibuga niya ang kinakain sa mukha ni Santillan sa biglang pagtawa niya. "Sorry." Dahil mabait naman siya ay inalis niya ang mismis ng masananas na dumikit sa pisngi nito. "Huwag kang mag-alala naghugas naman ako ng kamay kahapon."
Naningkit ang mga mata nito sa kanya. Nag-uumapoy na sa panggigil pa nga. Ngiting aso lang ang ibinigay niya rito. Yes, Santillan, mapuno ka sa'kin para makita ni Matilda ang tunay mong kulay!
"Novela!" sita ng nanay niya.
"Tita Mati sure ka bang anak mo 'to at 'di anak ni Satanas?"
"Anak ako ng Kapre pero sumakabilang puno na 'yon kaya huwag na nating ibalik tanaw."
Ngumisi pa siya rito, pang-asar lang.
Tumayo na si Santillan pero masama pa rin ang tingin sa kanya. "I'm watching you," anito, giving her an eye to and eye look with his index and middle finger. "Sa susunod na magbiro ka nang ganoon ay may kalalagyan ka sa'kin."
"Ma, pinagbabantaan ako ng favorite boy mo," parinig pa niya.
"Manahimik ka Novela."
Pangit ka bonding!
"Tita Mati, alis na ako. Pagsabihan n'yo anak n'yong may lihim na pagnanasa sa'kin."
Kinindatan pa siya ng loko bago tuluyang umalis.
Napamaang siya. She heard her mother chuckles behind her back. Tang'na ang kapal ng mukha ng hinayupak! Marahas niyang nilingon ang ina.
"Ma!!!"
"Alam mo, Novela, matagal na rin akong nagdududa sa'yo e."
Naitirik niya ang mga mata. "Yuck!" Bumabaliktad ang sikmura niya sa isipan na 'yon. "Tatalon na lang ako sa pinakamalapit na bangin kaysa ma-in-love sa isang 'yon!"
"Kung ako sa'yo, Vel, huwag kang magsalita ng tapos." Hindi pa rin nawala ang panunukso sa ngiti nito. "Baka mabusog ka lang."
She grunted. "Ah, ewan!" Mabibigat ang mga paa na tinalikuran na niya ang ina at nagmartsa sa direksyon ng hagdanan.
"Bagay naman kayo e!" pahabol pa ng ina.
"Tao ako! Demonyo siya!"
Hanggang sa taas ay rinig pa rin niya ang tawa ng ina. Pabagsak niya na lang isinarado ang pinto. Hanggat 'di talaga nawawala sa landas niya ang Santillan na 'yan ay hindi magkaka-world peace ang buhay niya.
Umupo siya sa swivel chair at hinarap ang laptop niyang iniwan niyang bukas kanina. Nag-break lang naman siya, kanina pa nagsimula ang trabaho niya. Isa sa gusto niya sa trabaho niya ay hindi masyadong nag-de-demand sa oras as long as nagagawa before the deadline ang mga tasks. Anyway, she still have time to think kung paano niya papatahimikin si Santillan.
Nag-type siya sa search bar.
How to eliminate the fuckboy Word Santillan?
How to kill Word Santillan?
How to make Word Santillan shut up?
Iba't ibang paraan para isumpa si Word Santillan?
Nearest mambabarang for Word Santillan?
TANGINA KA WORD SANTILLAAAAAAAAAAAAN!!!
Lumikha ng tunog ang marahas na pagta-type niya sa mechanical keyboard. Dapat sa isang 'yon pinapatapon na lang sa North Korea. Bumuga siya ng hangin. Saktong tumunog ang notification tone ng cell phone niya. Dinampot niya ang cell phone para lang ma highblood sa message ni WORD SANTILLAN.
Hey Vel! Pinalitan ko contact number name mo sa phone ko ng CRUSH AKO NI VEL <3 HAHAHA!! Ayos ba? 😘 – SATANISTA
Another message pops up.
Vel! Vel! HAHAHA! Hey, Vel sounds like EVIL. BWAHAHA! – SATANISTA 👿
Unti-unti nang umaakyat ang dugo niya sa ulo niya.
HEY VEL! – SATANISTA 👿
HEY VEL! – SATANISTA 👿
Ginigil talaga siya ng 'sang 'to.
HEY VEL! – SATANISTA 👿
Dalawang kamay na niya ang may hawak ng cell phone. Gigil na gigil na nag-type siya ng reply rito.
TANGINA MO WORD SANTILLAAAAAN!!! – CRUSH AKO NI VEL <3
KAHAPON pa masama ang panahon. Sabi sa balita ay ngayon daw mag-la-landfall ang bagyo. Signal number 1 na nga sila. Madami yatang dalang tubig ang bagyo kaya walang tigil ang ulan kahit tanghali na.
Naabutan niyang nagpa-pack pa ng lunch boxes ang nanay niya sa kusina.
"Hindi pa ba yan cancelled?" basag niya, tumuloy siya sa kusina. "Malakas na ang ulan sa labas ah." Nagsalin siya ng tubig sa baso.
"Inagahan na nga lang e. Kailangan i-deliver ng 2 pm."
Uminom muna siya. "Saan ba 'yan ide-deliver?"
"Sa IT park lang naman."
"Ako na mag-de-deliver –"
"Hindi ba may pasok ka pa mamaya? Hindi na, kami na lang ng Tito Pear mo –"
"Hindi, okay lang. Hindi naman tight ang schedule ko ngayon. Saka may bibilhin din ako. Mag-mo-motor ako."
"Mababasa ka."
"May raincoat naman saka mas mabilis kapag motor. Ikakabit ko na lang 'yong delivery box. Paniguradong traffic ngayon sa daan." Sumilip siya sa bintana sa kusina. "Saka mukhang 'di pa bubuhos nang malakas ang ulan. Agahan ko na lang ang pag-alis."
"O, sige, basta umuwi ka kaagad."
Ngumiti siya sa ina at nag-thumbs-up. "Sure." Ibinaba niya sa sink ang baso. "Maliligo lang muna ako at magbibihis. Pagbaba ko ay aalis na ako."
"Aalis ka na e 'di ka kumakain?"
"Busog pa ako. May snacks naman siguro akong mabibilhin sa IT Park."
"Sabagay. O, siya, sige."
"THREE thousand po lahat kasama po delivery fee," sagot niya sa babaeng HR manager na sumalubong sa kanya sa lobby ng building. Mukhang nasa mid 40s na ito at mabait.
Umuulan pa rin sa labas at muntik pa siyang maipit sa traffic dahil may nagbanggaan sa may Landers. Buti nagawan niya ng paraan at naalala niya ang isang shortcut. Kung ginamit pa niya ang multicab ng Tito Pear niya ay baka 'di na siya umabot sa 2 pm na usapan.
"Ito." Inabutan siya nito ng three thousand five hundred. "Tip mo na 'yong sobra." Namilog ang mga mata niya sa sinabi nito. Masyadong malaki ang five hundred. Madalas nakukuha niya ay less than one hundred pesos.
"Naku, huwag na po." Akmang ibabalik niya 'yon nang ipilit talaga ng HR Manager. Tumantanggap naman siya ng tip pero 'di ganito kalaki.
"Hindi, tanggapin mo 'yan. Bumabagyo na nga e pero nai-deliver mo pa rin 'tong mga in-order namin." Ngumiti ito. "Matagal na talaga namin gustong mag-order sa MATILDA'S pero laging fully booked. Mabuti at naisingit pa kami."
Ngumiti siya rito. "Huwag po kayong mag-alala sa susunod po na mag-order kayo on top na po kayo sa priorities namin." Mula sa suot niyang belt bag ay inilabas niya roon ang tatlong coupon. "Gamitin n'yo po 'yan sa susunod para may discounts po kayo." Makapal ang raincoat jacket niya kaya 'di 'yon nabasa ang damit at belt bag niya sa loob.
Mukha nga lang siyang bombero na itim ang uniform sa suot na raincoat jacket at pants.
"Una na po ako," paalam na niya. "Check n'yo na lang po ang facebook page ng MATILDA'S at mag-leave po ng review. Salamat po."
Naglakad na siya palabas at hinanap ang motor na in-park niya lang sa gilid ng daan kasama ng iba pang mga motor doon. Ibinalik niya ang hood ng raincoat jacket at giniginaw na nilapitan ang basang-basang motor.
"Tang'na ang lamig!"
Isinuot niya ang helmet sa ulo at sumakay na sa kanyang motor. May dadaanan pa siya sa isang mall. Bibili siyang bagong portable electric drill. Nasira na 'yong luma niya. May kailangan siyang barenahin sa kwarto niya na hindi makakapaghintay ng bukas.
"ANAK NANG –"
Gusto niyang magmura nang malutong. Bigla-bigla ay nawalan siya ng balanse. Mabuti na lang at nakapag-break siya kung 'di salpok siya roon sa plant box.
"Kung mamalasin ka nga naman!" Pagkasilip niya ay flat ang gulong sa harapan. "Kung kailan pauwi na e."
Bumaba siya ng motor at hinila 'yon sa gilid ng daan para hindi makaharang sa mga motorista. May maliit na daan siyang nakita. Doon niya in-park ang motor. Tumingkayad siya ng upo sa harapan ng flat na gulong at sinipat ang pinsala nun.
"Shet!" Hinubad niya ang helmet at iginala ang tingin sa paligid. "Walangya, wala man lang malapit na gasolinahan o vulcanizing shop dito?" Tumayo siya at hinila na lang ang motor. Medyo mabigat pero kakayanin.
Malayo pa ang bahay niya pero parang pamilyar siya sa daan. Iginala niya lang ang tingin sa paligid. Panay hilamos na siya ng isang kamay sa mukha. Lumalakas na ang ulan at nilalamig na rin siya. Tumatagos na sa loob ng jacket ang lamig. Nanginginig na siya sa bawat ihip ng hangin.
"Pamilyar talaga e –" Natigilan siya ng makita ang Korean restaurant sa gawing kanan niya. May palikong daan doon na alam niyang papunta ng TADHANA. "No!" Mabilis siyang umiling. "Hindi. Hindi talaga."
Vel, dumiretso ka lang. Huwag kang lumiko. May vulcanizing shop ka ring mahahanap.
Pero nang makita niya ang walang usad na trapiko sa daan ay bigla siyang pinanghinaan ng loob. Binabaha pa naman ang lugar na 'yon at mukhang 'yon din ang dahilan kung bakit 'di umuusad ang mga sasakyan at jeep.
Shet talaga! Mag-a-alas-singko na pero ganito pa rin?
"Ah bahala na!" Lumiko na siya sa daan na 'yon. "Sana nga lang ay hindi pa umaalis si Santillan kung 'di ang malas mo Novela."
PAGDATING niya sa TADHANA ay kaunti na lang ang tao at wala na rin masyadong naka-park sa parking spaces sa labas. Usually sa mga ganitong oras puno 'to e. In-park niya ang motor sa labas at kinuha sa delivery box ang biling electric drill. Kakapalan na niya ang mukha niya at sasabay na lang siyang uwi rito.
Aabot pa ng isang libo ang patak niya sa taxi kung sakali at ewan kung anong oras pa siya makakauwi. 'Yong pera niya at 'yong tip sakto lang sa binili niya. Napamahal pa siya nang kaunti.
Tanga rin minsan, Vel, e. Bakit 'di mo pa dinala wallet mo?
Kapag nag-de-deliver siya ay hindi siya nagdadala ng pera. Sakto lang talaga para pangsukli o kung may bibilhin siya. Hindi niya pwedeng kaltasan 'tong bayad na ibinigay sa kanya at linggo de peligro na siya. Wala siyang pangtapal sa 3K. Sa susunod na linggo pa siya sasahod.
Titiisin na lang niya ang mukha ni Santillan kaysa ang gumastos nang malaki.
Tumunog ang wind chimes sa glass door nang pumasok siya. Hinubad niya ang helmet at namukhaan agad siya nila Tina at Bella na nasa counter.
"Vel!" bati ng dalawa.
Ngumiti siya. "Boss n'yong demonyo nandiyan ba?"
Natawa ang mga ito. Sanay na mga tauhan ni Santillan sa aso't pusa nilang relasyon. Hindi lang naman siya ang naninira ng imahe. Alam niyang nililibak din siya ng walangya kapag wala siya.
"Nasa opisina niya," sagot ni Tina.
Napansin niyang kaunti na lang talaga ang mga customers sa loob. Tatlong table na lang ang may umuokopa.
"Maaga kami magsasara ngayon." Si Bella ang nagsalita. "Pinapauwi kami ni Boss ng maaga para raw 'di kami mahirapan makauwi."
"Hinihintay na lang namin umuwi sila. Alam naman nila na magko-close na kami by 5 pm. Naiintindihan naman nila," dagdag ni Tina. "Lumakas kasi ang bagyo. Biglang nag-signal number 2 na tayo. Nagpapasundo na nga lang ako sa kuya ko ng motor. Maliit naman 'tong si Bel so kasya lang kami."
Signal number 2 na pala. Walangya, tama lang talaga ng desisyon niyang lumapit na kay Satanas – este kay Santillan.
"Nga pala, napunta ka rito?"
"Nasiraan ako ng gulong. Makikisabay na lang ako kay Santillan." Inalapag niya sa isang vacant table ang helmet at tool box ng electric drill. Basang-basa na ang maikli niyang buhok at dumidikit na sa leeg at mukha niya. "Puntahan ko lang sa lungga niya."
Natawa ulit ang dalawa sa kanya.
"Good luck!" ni Tina.
"Miss ka na nun," dagdag pa ni Bella.
"Ayieeee!" At may pahabol pa ang dalawa.
Nasira lang mukha niya sa panunukso ng dalawa. Hay naku! May chemistry ba silang dalawa ni Santillan? Bakit ba kilig na kilig ang mga tao na tuksuhin sila? Yuck! Nangingilabot siya.
Umakyat siya sa second floor dahil nandoon ang opisina nito. Wala na siyang naabutang tao roon at malinis na. Dumiretso siya sa pinto ng opisina nito at walang katok-katok na binuksan ang pinto dahil 'di naman 'yon lock.
"Santillan!"
"Anak nang –" Kamuntik na itong mahulog sa swivel chair nito sa sobrang gulat. "Novela!" Mabilis na itiniklop nito ang laptop nito at tinaasan pa siya ng isang kilay. "Can you at least knock? Mahirap ba 'yong gawin?"
"Nanood kang porn, 'no?"
Kumunot ang noo nito. "Anong porn? Wala!"
She closed the door behind her at naglakad palapit sa visitor's couch nito. Sumalampak agad siya roon ng upo.
"Mukha mo, Santillan. Binabagyo na ang Cebu nanonood ka pa ring porn."
"I'm not watching porn."
"E bakit gulat na gulat ka kanina? At isinarado mo pa 'yang laptop mo?"
"I'm reading a confidential file."
Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Hindi ako naniniwala."
Bumuga ito ng hangin at isinandal ang siko sa mesa habang hinihilot ang sintido. "Anyway, why are you here? Akala ko ba kinamumuhian mo ako?"
"Na miss kita." Bumaliktad sikmura niya sa sinabi.
Natawa ito at alam niyang hindi dahil sa sinabi niya kung 'di sa mukha niyang 'di maipinta.
"Pati ba utak mo ay binagyo, Novela?"
"Kalimutan mo na lang na sinabi ko 'yon."
Tumayo ito at naglakad sa direksyon niya. "So anong masamang hangin ang nagtulak sa'yo para pumunta rito?" mapang-asar na ngiting tanong nito. Naupo ito sa pang-isahang sofa sa gawing kanan niya.
"Na plat ang gulong ng motor ko. Iiwan ko na lang muna rito at makikisabay ako sa'yo ng uwi. Kung may date ka pa paki-cancel muna dahil may bagyo. Sa susunod na araw na lang kayo maglandian."
Tawang-tawa ito. "Kumain ka na ba?" biglang pag-iiba nito.
"Magpapakain ka?"
"Kung gusto mo," sagot nito na may malokong ngiti.
Na realized niyang may ibang meaning pa pala ang tanong niya. "Tangina!" mura niya. Lumakas lang ang tawa nito. Syempre 'yong isang meaning ang tinutukoy nito sa sagot nito sa kanya.
"Alam mong madali naman akong kausap."
"Kilabutan ka nga!"
Tumayo na ito. "Dito ka lang, ipagluluto kita sa kusina." 'Yon lang at iniwan na siya nito sa opisina nito.
"Shet!" Muli siyang kinilabutan sa naging usapan nila kanina. Nahaplos niya ang mga braso sa pagkangilo. "Walangya talaga ang 'sang 'yon!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro