Chapter 28
NAGISING si Word na hindi na unan ang kayakap, agad na nawala ang antok niya at namilog nang husto ang kanyang mga mata. Nakasiksik ng higa si Vel sa kanyang tabi sa sofa bed. In a different circumstance he will find this moment sweet pero akala yata nitong si Vel ay malambot ang sahig kung mahuhulog ito roon.
Stress, 'yan ang nararamdaman ni Word nang mga oras na 'yon.
"Ikaw talaga, Novela, wala sa oras ang pagpapakilig mo." Maingat na bumangon si Word mula sa sofa na hindi nagigising si Vel. Wala siyang choice kundi ang hakbangan si Vel, pero ginawa niya 'yon ng may sobrang pag-iingat. Inalalayan ng mga kamay niya ang mga braso ni Vel to steady her. "Buti na lang mahal kita."
Nanggigigil siya, umagang-umaga. Nangangati ang kamay niya na pisilin ang pisngi ni Vel pero nagpipigil lang siya at baka magising ito at diretsohin siya ng suntok sa mukha.
May kasabihan pa naman na magbiro ka na sa lasing huwag lang kay Vel na ginising.
Bigla siyang natawa sa naisip at napailing habang nakatingin sa mukha ni Vel na mahimbing pa ring natutulog sa sofa. How lucky was he? Imagine, waking up every day with her beside him for the rest of his life.
Nawala ang ngiti ni Word nang may marinig na scratch sound ng nasirang plaka sa isipan niya.
Tangina, lifetime, Word? Nag-propose ka na ba kay Vel? Kontra niya sa isip.
Mas lalo siyang nagising nang ma-realize 'yon. Pambihira 'yan, mas nakakagising pa 'yon ng reyalidad kaysa noong eksena kanina. Napakamot si Word sa noo.
Nag-unat siya ng mga kamay sa ere at naigala ang tingin sa paligid. Patay na ang mga ilaw sa buong silid, maliwanag lang nang bahagya dahil sa liwanag na sumisilip sa siwang ng mga kurtina. Maaga dapat siyang aalis ngayon pero tinamad siyang magsipag nang makita si Vel sa tabi niya. Parang gusto na lamang niyang yakapin buong araw si Vel.
Bumalik ang ngiti ni Word nang ibalik ang tingin kay Vel.
"Pagbigyan natin ang bugso ng damdamin," he chuckled.
Yumuko siya para makarga si Vel sa kanyang mga braso. He winced nang kamuntikan na niyang maisubsob ang sarili pabalik sa sofa. Yawa! Napamura tuloy siya sa kanyang isip. Nakahawak ang isang kamay niya sa back rest ng sofa, mabuti na lamang at hindi pa niya naiangat nang husto si Vel at baka madaganan pa niya ito.
Masama ang tingin niya kay Vel. "Ano bang kinakain mo nitong nakaraang araw, bato?" Nawala ang angas niya roon ah. Mabuti na lang at walang nakakita. "Bigat mo ngayon ah –" Napakurap siya nang umangat ang isang kamay nito para sampalin siya sa mukha. Bahagya lang itong umungol at tinalikuran siya.
Ramdam na ramdam ni Word ang sampal sa kanyang pisngi.
"Sabi ko nga, huwag ding biruin ang Vel na tulog."
Word, ang purpose mo yata sa mundong 'to ay maging punching bag ng isang Maria Novela Martinez. Although I wouldn't mind fighting back in another way.
Pilyo ang ngiti niya sa pagkakataon na 'yon.
Kinarga niyang muli si Vel at nagtagumpay naman siya. Normal lang na mas mabigat si Vel ngayon dahil kay Book. Hindi naman siya magrereklamo. Mahal niya ang mag-ina niya. He will exhaust his patience for them hanggat kaya niya.
Hindi maalis ang ngiti niya habang naglalakad papunta sa kuwarto nilang dalawa.
Mahal? A feeling he didn't know he was capable of giving again. It still amazes him how easy it was to accept his feelings for Vel. He didn't even hesitate to love her. Para bang matagal na niyang gustong mahalin si Vel. Gago lang ako.
Nang makapasok sa silid ay maiangat niyang inihiga sa kama si Vel. Malalim lang itong huminga at tinalikuran na naman siya.
Natawa lang si Word.
Ganoon talaga, talagang bastos talaga 'tong asawa ko.
Iniwan niya muna si Vel para ayusin ang mga kurtina ng bintana, hindi maayos ang pagkakaba kaya mas maliwanag kaysa roon sa opisina niya. He made sure that it was dim enough not to wake Vel. Ayaw na ayaw pa naman nito ng maliwanag na kuwarto kapag natutulog ito.
Hindi na nakapagtataka, anak ng dilim 'tong si Nobela niya.
Nang makuntinto ay hinagilap niya ang remote ng aircon sa itaas ng mesita, turned it on with the right temperature saka binalikan si Vel at tinabihan sa kama. Hindi na niya pinakialaman ang posisyon nito at siya na ang nag-adjust. Itinaas na lamang niya ang makapal ng kumot.
Mula sa likuran ay iniyakap niya ang mga braso rito at isiniksik ang ulo sa pagitan ng ulo at balikat nito. He always like her smell. Vel isn't the type who fancies on expensive perfumes. Nag-iisa lang ang perfume sa buhay nito. 'Yong blue na Daily Scent cologne ng Bench.
He's not the type of man who takes note simple details but when it comes to Vel. He can always make an exception.
Mamayang tanghali na lang ako pupunta ng TADHANA. May ibang bagay na mas importante kaysa sa pagpapayaman. My Vel and our Baby Book.
"DAPAT na ba akong mag-confess kay Nicholas?"
Iniliko ni Gospel ang sasakyan sa kanan nito, malapit na sila sa TADHANA. Inihatid pa siya nito gamit ng orange nitong multicab. Maga-GRAB na lang sana siya kaso buong araw nang umuulan, wala ring pumi-pick-up nang subukan niya kanina. Busy ang mama at tito niya kaya nag-volunteer na lang si Gospel.
"Chat mo na," kaswal niyang sagot, tumatawa. "Bagal e."
"Luh."
Nakaayos pa siya, sabi kasi nitong si Santillan mag-dinner-date daw sila kaya nag-ayos siya. Although he didn't mention na bonggahan niya ang ayos niya basta ang paalala nito sa kanya, ayos na hindi niya pagsisihan habang buhay. Kaya sinimplehan na lang niya. Black leggings at oversized shirt na may design na lumilipad na multong mushroom. Pinatungan niya pa 'ng vintage plaid shirt na may magkaibang design sa magkabilaan. More on white checkered than black ang left at mas dominant naman ang black kaysa sa white ang right. She paired it with a white laced shoes na may neon cartoons ang design. Bigay 'yon ni Santillan sa kanya noong isang araw.
"Akala ko on chat bases na kayo?"
Inayos ni Vel ang buhok mula sa rearview mirror. Nag-polbo lang siya at nag-liptint sa labi at pisngi. Maayos naman ang kilay niya, makapal na 'yon at maayos ang trim, hindi na kailangan pang mag-drawing ng pangkilay. Saka hindi siya sanay maglagay ng makeup sa mukha. Basta maayos ang mukha at hindi mukhang pang-display sa labas ng Haunted House.
"Ako nag-cha-chat sa kanya, gage!"
"Oh? Tapos?"
"Nag-re-reply siya pero hanggang doon lang."
"Oh, edi sabihin mo, tangina mo."
Ang lakas ng tawa nilang dalawa. "Gaga ka! Kung si Word minumura mo lang pero hulog na hulog sa'yo. Aba'y, iba si Nicholas."
"Paanong iba?"
"Feeling ko iba-banned niya ako for good sa buhay niya kapag nangulit pa ako nang husto. S'yempre ayoko naman na masira image ko. Isipin pa niyang baliw ako at makapal ang mukha."
"Bakit? Hindi pa ba?"
"Well, technically, oo. Pero, dapat hindi 'yon ang isipin niya. Dapat ideal girl ang tingin niya sa'kin."
Nakapasok na sila sa parking lot ng TADHANA at nai-park na rin ni Gospel ang sasakyan nito paharap sa pader ng kabilang gusali. Nagkaroon siya ng pagkakataon na tignan ito.
"Hindi nag-e-exist ang ideal girl," kontra niya rito. "Tignan mo nga 'yang mga female leads mo. Out of the ordinary, mukha pang may sayad lagi."
Natawa si Gospel, nakaharap sa kanya at nakasandal ang isang braso sa manibela. "Hoy, grabe ka naman. Normal naman sila, naiiba lang."
"See? Just be yourself. Huwag mong baguhin ang sarili mo para magustuhan lang ng taong gusto mo."
"Sa story lang naman yata 'yan nangyayari. In reality, mahirap paibigin ang mga crush natin sa buhay. Hindi naman tayo female leads."
"Ang nega-nega mo. So, anong point ng mga pinagsusulat mo?"
"Magaling akong magpaasa," nakabungisngis nitong sagot.
"Gaga!"
Tawang-tawa naman ito. "Oo nga!"
"Para kang tanga."
"Totoo naman kasi. Stories make our life bearable even if deep inside we knew that it doesn't happen in real life – well, majority of the romantic scenes and good life. But I'm still writing it because it saves me a lot of time from sadness." A genuine smile slipped on Gospel's face. "And... well, still a part of me believes that happy endings may not be as perfect as how I write them, pero baka lang naman, 'di ba? May cheaper version no'n para sa'kin."
Napangiti si Vel. "I also don't believe in happy endings."
"Girl, may Santillan ka na."
"Good things doesn't have endings. Saka, sa sobrang unpredictable ng buhay hindi mo mahuhulaan kung kailan ka magiging masaya at malulungkot. Hayaan mo na lang ang mga bagay-bagay. Ang importante ma survive mo ang araw-araw."
Napatitig ito sa kanya, manghang-mangha. "Wow!" Pumalakpak si Gospel. "Word of wisdom from Maria Novela Martinez."
Natawa si Vel. "Gaga!"
"Magamit nga 'yan sa mga stories ko."
"May copyright fee 'yan."
"Presyong kaibigan ba?"
"Presyong uubos sa kayamanan mo."
"Pfft! Lugi ka. Wala ako niyan." Natawa ulit silang dalawa. "But anyway, lumabas ka na at lalayas na ako." Mula sa likod ay may inabot na payong si Gospel at ibinigay sa kanya. "Enjoy your date." May pilyang ngiting naglalaro sa mukha nito.
"Thanks."
"Sana all."
Natawa si Vel. "Alukin mo rin si Nicholas ng date."
"Ayoko. Gusto ko ng one night stand –" Ang lakas ng tawa ni Gospel nang hampasin niya ito sa isang braso. "Bakit ba?!"
Hindi rin niya mapigilan ang tawa. "Adik!"
"Joke lang. Pero puwede ko ring i-offer sa kanya."
"Ewan ko sa'yo. Dumiretso ka ng uwi." Vel unlocked the car door on her side. "Huwag kung saan-saan ang punta Gospel Grace."
"Huwag kang mag-alala, hindi ko alam saan nakatira si Nicholas. He's safe for tonight."
"Pero tunog sa susunod, hindi na."
Tawang-tawa ulit si Gospel. "Parang ganoon na nga."
"Baliw."
"Matagal na."
Napailing-iling na lamang siya saya bahagyang binuksan ang pinto para mabuksan din ang payong na hawak at hindi siya mabasa. Hindi naman masyadong malakas ang ulan. Umaambon na nga lang pero mababasa pa rin siya kapag hindi siya tatakbo. At bawal sa kanya ang tumakbo kaya tiis-kaangasan muna.
Sinilip pa siya ni Gospel nang makalabas na siya. "Enjoy, Vel." At kumaway.
"Bye."
Natatawa pa rin siya habang naglalakad sa direksyon ng entrance ng TADHANA. Makulimlim ang langit pero hindi pa naman madilim na madilim. Past 5 p.m. pa lang naman at ang usapan nila ni Santillan ay alas sais siya pupunta pero napaaga naman siya.
Itiniklop ni Vel ang payong at iniwan sa umbrella holder na inilagay sa gilid ng glass door. Hindi na rin naman na mababasa 'yon dahil may roof ang alfresco sa labas ng TADHANA pero walang customers sa labas, lahat nasa loob.
Tumunog ang bell na nakapalawit sa itaas ng glass door nang pumasok siya. Kahit umuulan ay halos occupied pa rin ang mga mesa sa TADHANA. Dumiretso siya sa counter, wala namang nakapila na.
Nasa counter sina Tina at Bella.
"Boss n'yong Demonyo na saan?" nakangisi niyang tanong.
Humagikhik ang dalawa.
"Umalis saglit," sagot ni Tina sa kanya. "Pero babalik din 'yon."
"Ang sabi kasi ni Boss ay alas sais ka pa dadating," dagdag ni Bella. "Maaga ka ng 30 minutes."
"Inagahan ko na, masyadong trapik dahil maulan."
"Sabagay."
"Hintayin ko na lang sa opisina niya."
"Nako, bawal ka roon," ni Tina.
Kumunot ang noo ni Vel. "At bakit?"
"Ewan, basta sabi ni Boss, kung sakaling nandito ka na at wala pa siya, sa baba ka lang muna."
"Dami niya namang kaartehan. Ano bang itinatago niya sa itaas?"
"Mga gold niya," tumatawang sagot ni Bella.
"Kaso galing ako doon kanina," ni Tina. "Wala naman akong nakita."
"Ayon lang."
"Gago 'yon," ni Vel. "Sige, iti-text ko na lang."
"Puno kami ngayon pero puwede kang makiupo muna kay Ma'am Charlotte." Naibaling ni Vel ang tingin sa iningusong direksyon ni Bella. "Kaibigan daw ni Boss. Sabi, hihintayin niya raw bumalik si Boss."
Busy sa cellphone ang babaeng tinutukoy ni Bella. Namumukhaan niya ang babae. Ito ang babaeng kasama ng parents ni Santillan at Nicholas noong birthday nito. Ibinalik niya ang tingin kay Bella.
"Kanina pa siya?"
"Nauna lang sa'yo ng 30 minutes," si Tina ang sumagot. "Sabi niya hihintayin niya raw si Boss hanggang makabalik."
"Mukha naman siyang mabait," dagdag ni Bella. "Pero parang may something sa kanya –" Pasimple itong siniko ni Tina. "Bakit ba?"
Mabuti na lang at mahina lang ang mga boses nila. Hindi sila maririnig at saka medyo malayo naman ang puwesto ng babae sa kanila.
"Ini-issue mo na naman si Boss sa harap ni Vel," akusa ni Tina kay Bella.
"Well, kilala naman ako ni Vel. Ang anxiety level ko ay lagpas na sa planet earth. Saka, hello? Not all beautiful things are beautiful."
"Judgmental ka lang," diin pa ni Tina rito.
Natawa si Bella. "Basta, iba feeling ko sa kanya."
"Kausapin ko," basag ni Vel sa dalawa. Literal na nagulat pa mga ito sa sinabi niya. Tinawanan lang niya ang dalawa. "Wala namang masama kung kakausapin ko. Hindi naman ako maghahanap ng away."
Punong-puno ng determinasyon ang mukha ni Bella. "Vel, tandaan mo na backup mo kami. Isang salita mo lang sasabunutan ko siya –" Hinampas ni Tina sa braso si Bella. "Aray!"
"Away agad, 'di pa nga nagkakausap."
"At least prepared tayo sa future."
"Adik."
Natawa lang si Vel. "Anyway, balikan ko kayo mamaya. Nananakit na ugat ko sa mga binti kakatayo." Tumango ang dalawa. "Saka na ako oorder."
Binigyan siya ng OK fingers signal ng dalawa.
Naglakad siya sa direksyon ni Charlotte, nakatuon pa rin ang atensyon ng babae sa hawak na cellphone pero nang malapit na siya ay naramdaman siguro siya nito kaya nag-angat ito ng tingin. Halatang nagulat ito na makita siya, pero hindi rin naman iyon nagtagal sa mukha nito. Maganda si Charlotte, she posessess an angelic face, halatang anak mayaman at pinalaking prim and proper.
Vel smiled. "Hi. Ikaw 'yong kasama nila Tita Sarah noong birthday ni Santillan, 'di ba?" Pinilit niyang maging sweet ang boses niya kaso tunog siga pa rin talaga siya. Hindi talaga applicable sa kanya ang pakikipagplastikan. "Vel nga pala," inilahad niya ang isang kamay rito. "Girlfriend ni Santillan."
It took Charlotte a few seconds to shake her hand pero buti na lang hindi siya dinedma. Nagkusa na rin siyang maupo sa bakanteng upuan sa harapan nito.
"Paupo muna, ha? Daming tao rito, wala nang bakante."
"No worries."
May order itong cake at iced coffee pero ang kape lang ang bawas.
"Kanina ka pa rito?"
"About 30 minutes ago."
Tumango-tango si Vel. "Pabalik na siguro 'yon."
Charlotte didn't respond. Nagsimula na ring makaramdam ng awkwardness si Vel. Natural na makapal ang mukha niya pero parang ang hirap biruin ng babae. Parang kapag ginawa niya 'yon ay dadating ang burgis nitong nanay at sasampalin siya ng sampung milyon. Pero kung aalukin lang din siya ng sampung milyon para layuan si Santillan ay isaksak na nila ang pera sa baga nila. Aba'y higit pa sampung milyon ang makukuha niya kapag pinakasalan niya si Santillan.
"I'm sorry to bring this up, but hindi ba ako nabanggit sa'yo ni Word?" basag nito.
Napatitig si Vel sa babae. "Huh?"
"I'm his ex-girlfriend."
Oh? Bakit hindi ako na shock? Tangina! Ito ang mga eksena sa mga Korean drama e. Gaga ka Novela, umayos ka. Sa dami ng mga babae ni Santillan, mas magtataka pa siya kung wala itong girlfriend.
Hindi na lang siya nagsalita dahil mukhang may sasabihin pa ito sa kanya.
"I have no intention of ruining your relationship, but I hope he's no longer hiding something from the people that truly care for him."
Naging seryoso ang ekspresyon ng mukha ni Vel. "Anong ibig mong sabihin?"
Mapait itong ngumiti. "It seems like he hasn't changed."
"Sorry, ha? I don't want to be rude, pero paano mo nasabi na hindi pa siya nagbabago kung hindi mo naman kasama ang tao 24 hours a day? Maybe things didn't end well with you and Word before pero ang pangit naman pakinggan na iniisip mo pa ring hindi nagbago ang tao. At saka, sa tuno ng pagkakasabi mo kasi, parang siguradong-sigurado ka pa."
"You don't know him," may himig nang iritasyon ang boses nito.
"And I don't know you that well para makumbinse ko ang sarili ko na maniwala sa mga pinagsasabi mo. Ang dami ko nang fake news na naririnig mula kay Word. Isa pa nga ako sa nagpapakalat sa mga 'yon dati pero kinain ko lang din lahat ng mga pambabarda ko sa kanya. It is not fair to judge someone based from their past."
"Then, how sure you are that he's being honest with you?"
Napamaang siya sa sinabi nito. The audacity of this woman! "Miss, kung magloloko man si Word ay hindi ko kawalan. Kawalan niya dahil lalayasan ko siya at hindi ko ipapakita sa kanya ang anak namin."
Mabuti na lang talaga at medyo secluded at may privacy ang mesa nila, hindi sila makakaagaw ng atensyon.
"I do appreciate your concern, but I don't need it," dagdag pa niya.
Naglapat ang mga labi nito saka marahas na isinukbit sa isang balikat ang bag nito at tumayo.
"I'm going," paalam nito. "Pakisabi na lang kay Word na dumaan ako."
Ngumiti pa siya rito. "Okay, ingat ka."
Pero sa ekspresyon ng mukha ni Charlotte ay parang nainis lang ito sa kanya. Sorry na lang siya, iba siya sa lahat ng mga babae. Hindi siya nagpapaapi kanino man. She knows her worth and she doesn't beg. Kapag ayaw ng tao sa kanya, ihahatid pa niya hanggang sa labas, with carpet pa.
Of course, she wasn't stupid. Alam niyang may itinatago sa kanya si Santillan. Wala pa lang siyang mahanap na right timing para diretsahin ito. The mysterious photo album, Tita Sarah's concern for his son, and how his family treats him – lahat ng 'yon nakalista sa utak niya. Anong silbi ng pagiging overthinker niya kung hindi niya 'yon mapapansin?
Pero hindi maiwasan ni Vel na mahulog sa malalim na pag-iisip. Ayaw niyang pangunahan si Santillan, pero naiisip niya minsan na itanong na lang kay Tita Sarah ang tungkol sa photo album. Saka, kung sakali mang magkaibang Word 'yon, hindi naman issue 'yon sa kanya. Tatanggapin niya pa rin ito nang buong-buo. Naisip niya na baka may ibang mabigat pang dahilan kung bakit ayaw nitong ikuwento sa kanya. Kasi kahit sa mga magulang nito, hindi rin nababanggit 'yon.
Napabuga ng hangin si Vel.
Nabalik lang siya sa reyalidad nang mapansing may naupo sa nabakanteng upuan na iniwan ni Charlotte. Nag-angat siya ng tingin at bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Santillan. Bigla ay nawala lahat ng mga inaalala niya nang makita ang nakangiti nitong mukha.
Half of her life she hated Word Santillan. Sinusumpa niya ito sa bawat segundo at oras ng buhay niya. He's misunderstood by many, including her, but there is this great urgency inside her that makes her feel protectiveness over him. She didn't want other people to hurt him. Kung mayroon man, titilapon talaga sa suntok niya.
"Hi," nakangiting bati ni Santillan sa kanya, parang batang nagpipigil ng ngiti.
Kumunot naman ang noo niya. "Para kang tanga riyan."
Natawa lang ito saka inabot sa kanya ang isang pamilyar na libro. Natawa siya dahil fan na fan pa naman siya ng kwento na 'yon. Tinanggap niya 'yon at hinaplos ang front cover. Isang couple, nakayakap ang lalaki na may pink hair clip sa best friend nitong babae.
"Tinanong ko si Gospel kung anong favorite mong libro," kwento ni Santillan. "Sabi niya My Crosoft." He chuckled. "Buti hindi mo ako tinaguan ng anak."
"Actually, Spell suggested it."
"Tsk, traydor talaga 'yang kaibigan mong 'yan." Napailing-iling si Santillan.
Hindi naman maalis ang ngiti sa mukha niya. "Traydor sa'kin, loyal sa'yo."
"Talaga ba?"
"Oo, gaga 'yon." Natawa lang si Santillan. "Nga pala, ano namang pauso mo sa libro na 'to?"
"May gusto akong sabihin pero hindi ko alam paano ko sasabihin. Buksan mo sa page 281, the one I highlighted."
Nabasa na niya ang libro pero hindi niya naman sauludo lahat ng nakalagay sa bawat pahina.
"Tsk, dami mong kaartehan."
He chuckled again. "Para sa'yo."
"Saan kaba galing kanina?" tanong niya habang hinahanap ang page.
"Binili ko 'yan sa bookstore."
"Naks."
Naramdaman niya ang pagsilip nito sa ginagawa niya kahit busy siya sa paghahanap sa page.
"Nahanap mo na?" he asked.
"Almost there... two-eighty... two-eighty-one..."
Hindi na niya kailanganang bilangin kung nasa tamang line na siya dahil bumungad na sa kanya ang naka highlight na linya sa libro.
"We don't know the reason why we fell in love," he quoted, medyo nagulat siya roon at mukhang sauludo nito ang linya. "We just do it, and learn to love the feeling as well. We fall in love with a person because of their soul and not because of how they physically look. I believe that the feeling is genuine when you realize that love has no face."
Ending, hindi niya tuloy maalis ang tingin dito.
"Ngayon mo lang binili pero sauludo mo na."
He chuckled. "Secret skill."
"'Di wow!"
"Now, next page, 282, line 9."
Ibinalik ni Vel ang tingin sa libro at binuklat ang page 282. Hindi na niya binilang ang linya dahil kitang-kita niya ang nakahiglight na mga salita sa pahinang 'yon. Literal na natigilan siya sa nabasa. Ang pangalan ng bidang babae ay dinikitan nito ng sticky note strip at pinalitan ng pangalan niya.
[MARIA NOVELA MARTINEZ]..." he trailed off. "Will you be my wife?"
Marahas na naibalik ni Vel ang tingin kay Santillan.
"Tangina!" malakas na mura niya.
Tawang-tawa si Santillan, walang pakialam sa tingin na pinupukol ng mga tao sa kanila. Gusto niyang ihampas ang libro sa ulo nito. Ang ganda ng timing. Kung kailan ako nag-o-overthink saka naman magpo-propose ang gago!
Tumayo ito mula sa pagkakaupo at lumuhod sa harapan niya. Rinig na rinig niya ang pagsinghap ng mga tao roon. Pati ang background music ay umayon sa panti-trip ni Santillan nang mga oras na 'yon.
Hindi alam ni Vel ang gagawin lalo na nang ilabas ni Santillan ang kahita ng singsing. Binuksan nito ang takip at bumungad sa kanya ang isang classic diamond ring.
"Vel, pakasal na tayo."
"Gago! Wala man lang question mark?"
"Hindi 'yon tanong, pagdedemand 'tong akin."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro