Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 27

ALAS singko pa lang ng hapon ay nagising na ulit si Vel. May pasok siya ng alas otso ng gabi at tinatamad siyang magluto ng hapunan. Naubos niya ang iniwang pagkain ni Santillan kaninang tanghali. Hindi daw talaga siya nito magising kaninang umaga, 'yon ang isinulat nito sa iniwan nitong sticky note sa dining table kasama ng mga naka tupperware na mga pagkain.

Actually, dalawang course meal ang ginawa nito para sa kanya, breakfast and lunch. Ininit na lamang niya kanina para mainit kainin. As usual, his cooking did not disappoint. Kahit siguro hindi niya initin ay masarap pa rin ang mga pagkain na 'yon.

Maaga itong umalis kanina pa TADHANA at hinayaan na lang muna siyang matulog. Tumawag naman ito kaninang tanghali via video call para kamustahin siya at para itanong kung kumain na siya. Ending, sabay silang kumakain ng lunch habang naka on ang video call nila. Natulog ulit siya after an hour at nagising. Ngayon ay hindi na makatulog dahil nagugutom na naman siya.

Nilapagan ulit si Vel ng mangkok ng humba sa mesa ng kanyang ina. Ika-siyam na putahe na 'yon sa harapan niya. May bam-i na, top egg, chicken cordon bleu, at lumpiang shangai. Sobra ang mga 'yon sa in-order na mini cater package ng isang kliyente ng mama niya. Nakaayos ang mama niya at nakapanlakad na damit kaya alam niyang ihahatid pa lang nito at ni Tito Pear ang mga orders.

"Maaga bang uuwi ang asawa mo mamaya?" tanong ng mama niya.

Lumagpas na nga sa tainga niya ang pagtawag kay Santillan na asawa niya. Tinamad na siyang mag-react.

"Sabi niya, oo."

Magiging asawa ko rin naman din talaga ng lokong 'yon.

Nagsimula na siyang maglagay ng ulam sa plato niya. Natatakam na siyang kumain. Matakaw siyang buntis but she's toning down her cravings dahil ayaw niyang mahirapan sa panganganak kay Baby Book.

"Tirhan mo si Word ng ulam at ikaw na magdala sa bahay ninyo. Aalis kami ng Tito Pear mo para ihatid ang mga orders."

Tumango si Vel at sumubo na ng pagkain. Ngiting-ngiti pa siya habang ngumunguya. Napaangat naman siya ng tingin sa mukha ng mama niya. Titig na titig ito sa kanya at may tipid na ngiti sa mukha.

Nagtaka siya. "Bakit po Ma?" tanong niya.

"Wala." Mabilis na umiling ito. "Sige na, kumain ka lang diyan. Balikan ko na ang Tito Pear mo para makaalis na kami. Baka ma traffic pa kami sa daan."

"Ma, rush hour na ngayon."

"Ay sus! Malapit lang naman ang paghahatiran namin. Pero mamaya pa kami mauuwi at didiretso na kami sa paggo-grocery. Naubusan na kaming stocks. Ikaw ba, may ipagbibili ka ba? Sabihin mo na –"

"Huwag na, Ma. Napag-usapan namin ni Santillan na mag-go-grocery kami bukas."

"Wala ka bang pasok?"

"Meron pero sa gabi pa naman. Kere lang."

Bumakas ang pag-aalala sa mukha ng nanay niya. "Anak, hindi ka ba nahihirapan diyan sa schedule ng trabaho mo? Wala ka bang pang-umaga? Oh, 'di kaya mag-resign ka na lang muna. Tulungan mo na lang kami ng Tito Pear mo. Sasahuran kita –"

"Ma, kalma. Okay pa naman ako. Saka hindi lang naman ako ang nag-iisang buntis sa buong mundo na naka graveyard shift."

"Iniisip ko lang ang kalusugan mo."

"Alam ko pero trust me, I'm still fit to work. Ako mismo mag-re-resign kapag naramdaman ko na hindi na kaya ng katawan ko."

Hindi pa niya puwedeng sabihin ang plano niyang pag-resign sa Mama niya. Kay Santillan pa lang niya nababanggit. Wala na rin siyang planong banggitin kay Gospel Grace dahil mas madulas pa sa Cream Silk ang konsensiya ng bibig no'n. She has her plans, but she wants to do it in her own pace. Hindi rin naman siya pini-pressure ni Santillan.

Napabuga ng hangin ang mama niya. "Hay nako! Ikaw bahala, malaki ka na. Oh, siya, maiwan na kita riyan."

Nag-thumbs-up siya sa ina. "Ingat kayo."

Tinalikuran na siya nito, saktong narinig niya ang sigaw ni Gospel Grace.

"Novela my friend!"

"Speaking of the devil," bulong niya sa hangin.

"Tita Mati, alis po kayo?" At mukhang naabutan pa nito ang nanay niya. "Makikikain na rin ako, ha? Walang ulam sa bahay pero may kanin."

Hindi niya makita ang dalawa pero naririnig niya naman.

"Mukha nga." Boses 'yon ng mama niya. "Muntik nang hindi maging prepared."

Tawang-tawa naman si Gospel. "Ako pa ba? Ingat po kayo ni Tito Pear."

Pero napaisip siya kung ano ang context ng pinag-uusapan ng dalawa. Ano na naman kayang dala nitong si Gospel? Ngumunguya pa rin siya nang tuluyan nang pumasok sa kusina si Gospel. Malapad ang ngiti na iniangat nito ang lalagyan ng rice cooker sa bandang dibdib nito na para bang nagmo-modelo ng shampoo.

"Tangina –" Kamuntik na siyang mabilaukan, uminom agad siya ng tubig.

"Novela my friend, hinanap kita doon sa bahay n'yo ni Word pero sarado ang gate." Lumapit ito sa mesa at inilapag ang lutuan ng rice cooker. "Sa inyo sana ako makikikain kaso wala ka." Naglakad ito sa direksyon ng mga lalagyanan ng pinggan at kubyertos. "So, naisip ko na baka nandito ka." Bumalik ito dala ang isang plato, kutsara, at tinidor at inilapag sa mesa. "Dahil smart akong person, I'm right after all." Hindi pa ito nakuntinto at pinuntahan pa ang refrigerator nila saka kumuha ng isang litrong Coke. "My brilliant mind didn't fail me kasi you're here nga."

Kumuha rin ito ng sariling baso at ngiting-ngiti na inilapag ang isang litrong Coke sa mesa.

May kaibigan talaga tayo na mas makapal pa ang mukha kaysa sa nobela ni Rizal. Nakakaubos ng belib 'tong si Gospel Grace. Woah.

Satisfied na naupo si Gospel sa hinila nitong silya paharap sa kanya. "May bumubulong talaga sa'kin na hanapin ka kasi mabubusog ako ngayong gabi."

"Alam ba ng dalawang Tito-Nanay mo na inilabas mo ang rice cooker n'yo?"

Naglagay ng kanin at ulam sa plato si Gospel. "Madaming bigas sa bahay, kakabili ko lang." Sumubo agad ito ng lumpiang shanghai. "Kaso... walang ulam. Nga pala." Huminto ito para lunukin ang kinakain. "Kumusta buhay bilang Mrs. Santillan?" Punong-puno ng malisya ang ngiti ng gaga.

"Alam mo, kumain ka na lang diyan."

Tumawa ito. "Hoy, panagutan mo kilig ko sa inyo. I need kilig kasi sad girl ako ngayon."

Pinaningkitan niya ng mga si Spel. "In all fairness, muntik ko nang isipin na malungkot ka nga."

"Shuta! Totoo nga kasi." Paano siya maniniwala kung tawa nang tawa naman 'tong babaeng 'to? Inabot ni Spel ang bote ng Coke at walang kahirap-hirap na nabuksan ang takip. Nagsalin ito ng softdrinks sa baso nito. "Hindi ako makapagsulat kapag nagpatuloy 'to, maghihirap na akong tuluyan." Binawasan agad nito ng kalahati ang laman ng baso.

Inabot naman ni Vel ang baso niya na may lamang orange juice. "At bakit hindi ka naman makapagsulat?" Uminom siya pagkatapos.

"Nag-o-overthink ako."

"Sa utang mo?" Ibinaba ulit ni Vel ang baso sa mesa.

"Ino-overthink ko ang feelings ko kay Nicholas. Hindi ako makapag-focus sa sinusulat ko kasi na o-overwhelm ako sa happiness na nararamdaman ko kapag nagpa-pop bigla sa isipan ko ang mga cute moments namin ni Nicholas. Ta's bigla akong kikiligin kasi ang guwapo ng ngiti niya... ta's ang guwapo rin ng boses niya... ta's amoy masarap –"

Nagsalubong ang dalawang kilay ni Vel. "Masarap?"

"Masarap. Masarap mahalin ang katulad niya. Dios ko, dae, ready na talaga akong maging girlfriend ni Nicholas. Sa sobrang ready ko, nababaliw na ako. Kaya ayaw ko nagkaka-crush kasi nadi-distract ako."

"Gaga! Kalmahan mo lang kasi. Hindi pa nga nagsisimula, nasa ending ka na." Natawa si Vel kay Spel. "Ligawan mo muna."

"Girl, ilang beses ko nang in-offer ang sarili ko pero wa epek pa rin ako. Madesisyon akong tao, iko-conclude ko nang hindi ako type ni Nicholas." Lalong natawa si Vel sa mukha ni Spel. Hindi niya alam kung naiiyak o natatae e. "Sad girl na ulit ako. Huhuhu."

"Para kang tanga riyan!"

"Dina-divert ko nga ang isipan ko kasi mahal ko na yata siya." Tawang-tawa pa rin si Vel kay Spel. "Alam ko na malaki ang chance na tumanda akong dalaga pero sana naman hindi tumandang virgin. Kaya, sige na, pakiligin mo na ako. Lagi kayong nasa bahay ni Word, ilang beses sa isang araw kayo nag-se-sex?"

Pinanlakihan ni Vel ng mga mata si Spel. "Adik!"

Nangangati ang kamay niyang ibato rito ang isang buong silya. Pero dahil mabigat 'yon. Itong plato na lang ang ibabato niya sa kaibigan.

Tawang-tawa si Spel. "Alangan naman nagdadasal lang kayo? Although may luhod na involved ang activity na naiisip ko –"

"Utak mo may ubo!"

"Aminin, Maria Novela, dilig na dilig ka." Tawa pa rin nang tawa si Spel. "Baka nga hindi na kayo nagpapahinga ni Word." Pinaningkitan ni Vel ng mga mata si Spel. Pero lumapad lang lalo ang ngisi ni Spel. "Hooooy!" Spel gasps. "Maria Novelaaaa!" Nang-e-eskandalo na ang boses nito. "Magpahinga naman kayoooooo! Grabeeeeee! Uhaw na uhaw sa isa't isa."

"Manahimik ka na nga!"

Hindi alam ni Vel kung bakit siya natatawa pero ang lakas na rin ng tawa niya. Napahawak na siya sa kanyang tiyan.

Yawa talaga 'tong si Gospel Grace!

"Hindi niya itinatanggi, so meaning, totoo."

"Alam mo, hindi lang ubo mayroon ang utak mo, may cancer na nga yata."

"Gagaling kaya sa nebulizer ang utak ko?"

"Try mo ipa-chemo."

Pareho ulit silang natawa sa isa't isa. Maya-maya pa't humupa na ang pamamanhid ng mga pisngi niya kakatawa.

"Mukhang mahal mo na si Word ah," pag-iiba ni Spel.

"Paano mo naman nasabi?"

"Iba ang saya na nakikita ko sa'yo... and you're glowing." Spel smiled.

Na curious si Vel. "Paanong iba?"

"May ibang aura na ang ngiti mo ngayon. Hindi na ngiti ng mukhang pera."

Natawa si Vel. "Gaga!"

"Totoo! In-exclude ko na 'yong ngiti mo kapag kasama ako, sina Tita Mati at Tito Pear. Kami ang neutral sa buhay mo. So, ang natirang kalaban ni Word ay pera." Lalong natawa si Vel sa sinabi ni Spel. "Yes, Maria Novela, isa kang mukhang pera. Pero kahit ganoon ka ay walang binatbat ang pera mo sa kagwapuhan at kalandian ng isang Word Santillan."

"Hindi mo sure," asar pa ni Vel.

"So, nag-I-love-you ka na ba sa kanya?"

"Hindi."

Napamaang si Spel. "Hala ka! Huwag mong sabihin na hindi mo sinasagot si Word kapag nag-I-love-you sa'yo?"

"Hindi nga 'yon nag-I-love-you sa'kin, so bakit mag-i-love-you din ako sa kanya?"

"'Langya! Ibang klase kayo. Nagsasama na kayo sa iisang bahay, magkakaanak na't lahat pero ni isang I-love-you ay wala? Alam n'yo, ang pangit n'yo ka bonding sa isa't isa."

"Eh sa hindi nga uso sa'min 'yan."

Teka, mahal na ba ako ni Santillan? Mahal ko na ba siya? Mutual feelings na ba ang nararamdaman namin sa isa't isa? 'Langya! Paano ko masasabi na mahal ko na nga 'yong gago? Hindi ba acceptance ang tawag sa nararamdaman ko? Na accept ko nang magsasama na talaga kami ni Santillan habang buhay kasama ni Baby Book.

"Ang tanong, mahal mo na ba?"

Kumunot ang noo ni Vel. Na-e-stress siya bigla.

"Hindi ko alam."

"Ayon lang, hindi mo alam. Hay nako, Novela, huwag mo akong pilitin na i-enumerate ang mga obvious signs na hulog na hulog ka na sa Santillan mo. Pero dahil pala desisyon akong kaibigan, gagawin ko pa rin. I just want to reiterate the following things, Ms. Martinez. Unang-una, sa pagkakaalala ko ay umabot na sa impyerno ang galit mo kay Santillan. Pangalawa, sinusumpa mo ang tao. Pangatlo, hinding-hindi ka natutuwa sa kanya kahit anong gawin ni Word. Pero look at you now, nagsasama na kayo sa iisang bahay na hindi nagkaka-world-war-three, hindi ko na rin masyadong naririnig na sinisiraan at sinusumpa mo si Word, at girl, iba ka kung makatingin kay Word, nangingislap mga mata mo, parang gusto mo siyang sunggaban lagi –"

"Masyado kang exag."

"Hindi ah. Ganoon talaga ang tingin mo." Pinag-krus ni Spel ang dalawang magkabilang index fingers sa harapan. "Mamatay man ako ngayon, Vel. Tingin mo kay Word pagkain na masarap kainin. Ta's ito pa, ngumingiti ka na kapag nagbibiro si Word at hindi mo na siya binubugbog kapag nagiging touchy siya sa'yo. Dios ko, para kayong glue, hindi na kayo mapaghiwalay. Hindi ako manghuhula pero ramdam kong the feelings are mutual na kaya sinasabi ko sa'yo, mag-I-love-you na kayo sa isa't isa."

"Alam mo, gutom ka lang, kumain ka pa."

Sa huli ay natawa lang si Vel. Hindi niya naman itinatanggi dahil napapansin din naman niya 'yon sa sarili niya. Ang problema lang niya ay hindi niya binibigyan ng label ang nararamdaman niya. Basta alam niyang tanggap na tanggap na niya sa buhay niya si Santillan.

Acceptance is the key.

"Huwag mo akong ini-echos, Maria Novela, ikaw na mauna. Sabihin mo kay Word na, I love you, mahal mo ba ako o mahal mo ako? Ganern, dapat! Straightforward lang tayo rito, girl."

"Oh, sige, dahil ikaw unang nakaisip niyan, i-try mo muna sa sarili mo. Tawagan mo si Nicholas at sabihin mong mahal mo siya."

Biglang naiyak ang mukha ni Spel. "'Langya naman eh! Nag-mo-move-on na nga ako, bino-brought-up mo pa ang ex ko?" Tumawa naman ito bigla. "Wow, ex? Naging kami?" Tawang-tawa si Vel. Nabaliw na nga yata 'tong kaibigan niya. "Buti na lang wala akong load ngayon, hindi ko siya matatawagan."

"Weakshit."

"Luh, kaysa naman sa inyo ni Word. Mahal n'yo na nga ang isa't isa pero para pa rin kayong tanga na dalawa. Sana hindi mamana ni Book ang katangahan n'yong dalawa."

"Wow."

Asar na asar na ang mukha ni Spel sa tawa niya.

Talo ang pikon.


"TEKA, gusto mo nang mag-propose pero hindi pa kayo nag-a-I-love-you-han ni Vel?" ulit ni Nicholas sa kanya, kunot na kunot ang noo. Sa uri ng tingin na ibinibigay ng kaibigan sa kanya ay para siyang tinubuan ng tatlong ulo. "Bakit?"

Nauwi na naman sa ibang bagay ang usapang business nilang dalawa.

Kumunot ang noo ni Word. "Anong bakit?"

"Bakit hindi mo pa sinasabi?"

Napakamot si Word sa noo. "Hindi ko lang –"

"Hindi mo masabi? Oh, bakit nga?"

Napabuga ng hangin si Word. "Pare, hindi ko alam paano ko sasabihin ang mga salitang 'yon kay Vel. Para kasing susuntukin ako ni Vel kapag sinabi kong mahal ko na siya."

"Tanggap mo nang mahal mo?"

Naikiling ni Word ang ulo sa kaliwa niya. "Hindi ko ba tanggap noon?"

Natawa si Nicholas. "In denial ka pero inamin mong gusto mo na siya."

It was Word's turn to laugh.

"Noong una hindi ko binibigyan ng malisya pero napapansin kong halos bukang bibig mo na lagi si Vel," Nicholas continued. "Hindi ka ganoon sa mga nakakarelasyon mo. You talk about them but not as constant as you talk about Vel. In fact ang lalaki ng atraso sa'yo ni Vel pero isang araw ka lang nagagalit sa kanya. Instead na ma-annoy nang sobra kay Vel kapag inaaway at iniinsulto ka niya ay tinatawanan mo lang. Pare, hindi 'yon normal."

Ang lakas ng tawa ni Word. "Yawa!"

"Kapatid lang, 'di ba?" May pang-asar na ngiti pa si Nicholas sa kanya. "Mukha mo, Word. Hindi mo ako maloloko. Kilalang-kilala kita."

Itinaas ni Word ang dalawang kamay bilang pagsuko. "Oo na! Mahal ko na nga si Vel. Oo rin, hindi pa ako nag-a-I-love-you sa kanya pero –"

"Pero?"

"Pero humahanap naman ako ng tamang timing para sabihin sa kanya 'yon."

"Kailan naman 'yon? Sa susunod na kabilugan ng buwan?"

Tawang-tawa si Word. "Hindi naman siguro aabutin sa susunod na kabilugan ng buwan. Speaking of, kailan ba ang sunod na full moon?"

"Next week."

"Walangya!"

Si Nicholas naman ang natawa. "Pare, wala naman 'yan sa tamang timing. Puwede kang mag-I-love-you sa taong mahal mo ano mang oras mong gustuhin. Saka, bakit mo ba lagi pinapangunahan ang reaksyon ni Vel? Nababasa mo ba lahat ng mga iniisip niya?"

Umiling si Word. "Hindi."

"Alam mo ang laging sinasabi ng pinsan kong si Vier?"

"Malamang hindi."

Natawa si Nicholas. "He said that about 85 percent of our worries will never happen in real life. Kaya kung ano pa 'yang iniisip mong magiging reaksyon ni Vel kapag sinabi mong mahal mo siya ay itapon mo na. Baka nga, hinihintay rin niya na sabihin mo 'yon."


DALAWANG oras pa lang nagtatrabaho si Vel ay gusto na niyang mag-logout at matulog na lang. Pinapapak niya ang Dingdong habang busy na busy siya sa pag-aayos ng calendar of meetings ng Boss niyang genius pero lagi namang highblood. May dinagdag na namang trabaho na gusto nitong tapusin niya agad ngayong araw.

"Kapag nag-resign ako, kawawa ka talaga," kausap niya sa screen ng laptop niya. "Hindi ka na makakahanap nang kasinggaling ko pero deserve mo 'yan. Ini-e-stress mo ako lagi."

May diin na ang pagtitipa niya sa separate keyboard niya. Mas komportable kasi magtrabaho kapag nakaangat ang laptop, malayo sa kanya, at nasa baba ng laptop stand ang keyboard.

Maya-maya pa ay nakarinig siya ng katok mula sa labas ng pinto ng opisina ni Santillan. May sarili siyang corner sa malaking opisina nito. Hindi na niya pinakialaman ang puwesto nito tutal shared office naman ang napag-usapan nila.

"Pasok," sagot ni Vel nang hindi nililingon ang pinto. Inayos niya ang may kakapalan na unan sa pagitan ng mesa at ng tiyan niya. Pangharang niya ang unan at pang-iwas na rin ng radiation kay Baby Book. "Hindi 'yan lock," dagdag niya saka inabot ang water tumbler niya. Uminom muna siya ng tubig bago ulit nag-type.

Amoy na amoy niya ang bagong ligo na si Santillan. She really like his scent. Fortunately ay hindi siya nasusuka sa amoy ni Santillan. Nababanas lang siya sa mukha nito minsan.

Itinigil niya ang ginagawa para maibaling ang tingin dito.

"Kumain ka na?"

Nakabihis na ito ng pambahay, isang simpleng puting T-shirt at itim na pajama bottom. May puting tuwalya sa itaas ng ulo nito. Medyo basa pa ang buhok nito.

He nodded. "Kumain ako bago naligo."

"Matulog ka na. Five pa ng umaga out ko."

Kinuha ni Santillan ang swivel chair nito sa mesa nito at itinulak sa direksyon ng working table niya. Nagtaka naman siya.

"Ang tahimik ng kwarto. Hindi na ako sanay na hindi ka humihinga roon." Ngumisi ito saka naupo sa swivel chair. Magkatabi ngayon ang mga upuan nila.

Natawa naman si Vel. "Gage!" Ipinagpatuloy niya na lang ang ginagawa. She's good at multitasking anyway. "Bumalik ka na sa kwarto. Patuyuin mo muna ang buhok mo saka ka matulog. Past 10 PM na, maaga ka pa bukas, 'di ba?"

"Ilipat kaya natin ang mesa mo sa kwarto? Hindi naman ako mangungulit sa'yo, babantayan lang kita."

"Babantayan? Ano, hindi ka matutulog?"

"Matutulog, syempre!" Tumawa si Santillan. "Pero at least may kasama ka."

"Wala nga akong kasama sa kwarto ko doon sa'min. At saka, ngayon lang ako sa magbabantay na tutulugan ang babantayan." Natawa ulit si Vel.

"Puwede ba akong matulog dito? Promise, hindi ako mangungulit." Ibinaling ni Vel ang tingin kay Santillan. Nakangisi ito. "Malaki naman ang sofa bed ko rito." Itinuro pa nito ang L shape sofa nito sa opisina. Actually, curious din siya kung bakit may sofa bed ito sa opisina nito.

"Nabuhay ka ng ilang taon na wala ako."

Natawa ulit ito sa kanya. "Wala ka pa naman noon. Iba ngayon, nasanay na akong katabi ka."

"Dalawang araw pa lang tayong nagtatabi sa kama, Santillan. Para kang tanga. Bumalik ka na sa kwarto."

Isinandal nito ang ulo sa balikat niya. "Ano bang ginagawa mo?"

"Nagtatrabaho, malamang," mataray niyang sagot. "At huwag mong iniiba ang ang usapan."

"Nag-e-enjoy ka ba sa trabaho mo?"

"Kailan ba nakaka-enjoy ang pagtatrabaho, Santillan?"

Natawa ito. "Nga naman."

"Pero hindi 'yon applicable sa'yo dahil align ang trabaho mo sa passion mo."

"May araw na na-enjoy natin ang trabaho. May araw na hindi. Pero totoo, mas bearable ang stress kung align sa passion ng tao."

"Pero parang mali ang sinabi ko kanina. I shouldn't discredit your efforts. You are there because you did your best to be there."

Na guilty siya roon.

Santillan chuckles. "It's fine. There are things in this world that we need to prioritize before ourselves. Unfortunately, not everyone has the means to take the risk."

"Sadly."

"But you still deserve to take a risk."

"Oo naman, kahit gaano pa katagal 'yan. Hindi mo dapat kinakalimutan na deserve mo ring unahin ang sarili mo." Inabot ni Vel ang stress ball niya dahil namamanhid ang kamay niyang laging nakahawak sa mouse. Umangat ang ulo ni Santillan mula sa pagkakasandal sa isang balikat niya. "Lalo na kung halos buong buhay mo, ibang tao ang inuuna mo."

Hawak na ni Vel ang stress ball pero hindi pa nga 'yon tumatagal sa kamay niya ay kinuha na sa kanya ni Santillan. Ibinalik nito ang maliit na bola sa mesa at pumalit ang mga kamay nito. Maingat at dahan-dahan nitong pinipisil at minamasahe ang kamay niya.

Naiangat niya ang mukha rito. He was smiling, nakababa ang tingin sa kanyang kamay. The sweet gesture melted her heart.

"Tita Mati must have been so proud of you," basag nito.

Lalo lamang siyang napatitig kay Santillan. Those words pierced in her heart. It was a genuine compliment.

"I am proud of you," dagdag ni Santillan. Umangat ang mukha nito at nagtama ang kanilang mga mata. He smiled. "And Book will also be proud of you."

Naiiyak siya na ewan kaya dinaan niya sa tawa. "'Langya, bakit ang seryoso natin bigla?"

He chuckled. "Para cool."

"Ewan ko sa'yo."

"Don't overwork yourself, Vel. Alam ko na balak mong palitan si Bill Gates pero hindi pera ang sagot sa lahat ng kalungkutan."

"Wow, so ano?"

"Hindi ano, sino? Syempre sa kaso mo, ako lang kailangan mo."

Napamaang si Vel. "Saan mo nahuhugot ang kakapalan ng mukha mo, Santillan?"

"Hindi ko na puwedeng sabihin dahil sekretong matindi 'yon." He smirked. "Basta, sapat na ako sa buhay mo at ng mga anak natin."

"Isa pa lang ang iluluwal ko, Santillan."

"Magdadagdag pa tayo –" Binawi niya ang kamay rito saka ito binatukan. "Grabe!" Tawang-tawa lang ito. "Nananakit ka na naman, hindi pa nga tayo mag-asawa."

"Lumayas ka na nga rito." Itinulak niya ito sa balikat, the wheels of his seat moved, pero hindi naman ganoon kalayo dahil ang bigat itulak ng hudyo. "Huwag mo ako disturbuhin, nagtatrabaho ako nang maayos."

"Magtrabaho ka nang mabuti para may pang-gala kami ni Book."

"Mas mayaman ka pa nga sa'kin. Upakan kita riyan eh."

Lumakas lang ang tawa ni Santillan. "Ikaw ang magiging haligi ng tahanan na 'to Vel at ako ang magiging ilaw." Tumayo ito mula sa pagkakaupo at lumapit ulit sa kanya. Mula sa likod ay niyakap siya nito. "Para maiba naman."

"Gage!"

"Matutulog na ako. Wake me up when you need anything." Hinalikan siya nito sa pisngi. Napangiti naman si Vel. "I love you," bulong nito sa isang tainga niya.

Natigilan si Vel at naibaling ang tingin kay Santillan, saktong nasa gilid na ang mukha nito at nakatingin din pala ito sa kanya. Ngumiti si Santillan at dinampian ng halik ang kanyang mga labi. Her heart standing pounding crazily. Parang nagtatambol ang puso niya, nabibingi siya.

Nang lumayo ito ay napalunok siya. Hindi naman siya nito nilubayan ng tingin.

"A-Anong... Anong sabi mo?"

"Sabi ko, I love you," malambing na sagot nito sa kanya.

"Bakit ka nag-a-I-love-you?"

"Kasi mahal kita?"

Napakurap siya. Hindi pa rin nag-si-sink-in sa kanya. "Bakit hindi ka sure?"

He chuckled. "Kasi mahal kita," ulit nito. "Okay na?"

"Napipilitan ka lang yata eh."

"Hindi, ah, talagang mahal talaga kita."

"Kailan pa?"

"Hindi ko rin alam, dapat ba binilugan ko sa kalendaryo kung kailan 'yon for proof of reference?"

Imbes na mainis ay natawa lang si Vel. "Alam mo, ewan ko sa'yo."

Lumayo na ito sa kanya at tumayo nang tuwid sa gilid ng upuan niya, nakatingala na si Vel kay Santillan.

"Matulog ka na!" pagtataboy niya rito, pigil ang ngiti at kilig.

"Wala man lang bang I love you back diyan?"

"Pag-iisipan ko muna."

"Pangit mo ka bonding."

"Lumayas ka na!" Binato niya rito ang stress ball. Tawa naman ito nang tawa. "Hindi ako matatapos sa trabaho ko dahil sa'yo."

Ang lapad ng ngiti ni Santillan. "Vel, ako lang 'to. Kumalma ka. Ito naman masyadong nadi-distract sa'kin. Isang I love you too naman diyan, lodikeks."

Hindi na napigilan ni Vel ang tawa. "Ang jeje mo!"

Binigyan siya nito ng finger heart. "I love you," he mouthed, suppressing a smile. Ramdam na ni Vel ang pananakit ng mga pisngi niya kakapigil ng tawa at ngiti. "Saranghae," dagdag nito habang paatras na naglalakad sa direksyon ng pintuan. "Te Amo, Aishiteru, Je t'aime, Mahal kita, Iniibig kita, Gihigugma tika..."

Tawang-tawa si Vel nang tumama ang knob sa likod ni Santillan.

"Shit!" daing nito, napangiwi nang sobra.

"Alis na!"

"Oo na. Ito naman, pagkatapos kitang pakiligin." Hinarap nito ang pinto at binuksan na 'yon. "Bakit ba ako nagkaroon ng asawa na napaka-ungrateful!" pahabol pa nito bago tuluyang lumabas. Akmang ibabato niya rito ang mouse nang mabilis nitong naisarado ang pinto.

Naiwan siya roon na tawa nang tawa. "Adik talaga!" Napailing-iling na lamang si Vel sa harapan ng screen ng laptop niya.

Pero aminin mo, Vel, kinilig ka roon. Huwag mong i-deny! Oo na. Kinilig na ako. Okay na? Magtrabaho na tayo.

Hindi pa nga siya nakakabalik sa momentum niya ay bumukas ulit ang pinto ng silid. Napatingin agad siya sa gawi ng pinto, pumasok si Santillan na may dalang mga unan at makapal na kumot.

Tinaasan niya ito ng kilay. "Ano na naman 'yan Santillan?"

"Magbabantay ako, magtrabaho ka lang diyan, isipin mo na lang na hangin ako na ibinubuga ng aircon."

"Adik ka ba?"

Naniningkit ang mga mata nito kakatawa. "Huwag na makulit, Maria Novela." Inayos nito ang mga unan sa sofa. Ngayon lang din niya napansin ang eyes mask nito sa ulo. "Kahit tulog ako ay matalas pa rin pakiramdam ko."

"Wow!"

Lumapit ito sa kanya at inalis muna ang unan sa kanyang tiyan. He gently planted a kiss on her tummy.

"Goodnight, Book."

Napangiti ulit si Vel pero nang umangat uli ang ulo nito ay mabilis na pinaglapat niya ang mga labi. Nakangiti naman si Santillan.

"Goodnight din sa'yo, Mommy."

Ninakawan pa siya nito ng halik sa labi bago bumalik sa sofa.

Humiga ito sa sofa, ibinalabal ang kumot sa katawan, at ibinaba ang eyes mask nito sa mga mata bago.

Sa huli ay natawa na lang si Vel. "Sweet dreams," sabi niya. Sinilip niya ang mukha nito. Titignan niya kung ano magiging reaksyon ni Santillan. "I love you, too," pahabol niya.

May sumilip na ngiti sa mukha nito. "Novela, may trabaho ka. Huwag mo akong denidemonyo na hubaran ka."

Ang lakas ng tawa ni Vel. Aasarin pa niya lalo. "May one hour lunch break ako mamaya."

"Dios ko, Novela!"

"Kaya ba?"

Marahas na hinila ni Santillan ang kumot nito hanggang sa ulo. "Goodnight!"

Tumayo si Vel at naglakad sa direksyon ng switch ng ilaw. Pinatay niya ang ilaw malapit sa sofa. Hindi niya naman kailangan ng maliwanag na maliwanag na silid para makapagtrabaho.

Nakangiting bumalik siya sa upuan niya. Bumaba ang tingin niya sa umbok ng kanyang tiyan at hinaplos 'yon.

"Excited na ako na makita ka, Book. Ma-e-stress ka sa Daddy mo pero mamahalin mo naman siya nang sobra."

Sinulyapan niya ang puwesto ni Santillan.

You will have the best father, Book.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro