Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26

KUNOT na noo at paniningkit ng mga mata ang agad na sinalubong ni Santillan kay Vel nang lumabas siya ng silid ng mama nito. Naikiling pa nito ang ulo sa kanan nito. Para itong nalilito at parang nawawala sa hitsura nito.

Lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "Sino ka? Saan ang Vel ko?" Malakas na pinalo niya ito sa braso. He flinches and grimaces saka siya siya binitiwan. "'Langya!" Doon ito tumawa.

"Para kang tanga," asik niya rito.

Ngiting-ngiti naman si Tita Sarah sa tabi niya. Proud na proud sa ginawang makeover sa kanya. Hindi lang outfit ang nabago. Inayos din ng ina ni Santillan ang buhok niya at may floral clip pa siya sa isang side ng buhok niya.

"Ganda ni Vel, 'di ba, anak?"

Itinaas ni Santillan ang isang kamay para bigyan ng thumbs up ang ina nito. "Galing n'yo, Ma."

"Matagal na akong maganda," singit ni Vel.

Parehong natawa ang mag-ina. Ibinalik naman ni Santillan ang tingin sa kanya. She studied his face and compared it to the child she saw earlier. Vel couldn't find any resemblance. Magkaiba talaga ang Word na nakilala niya sa batang Word na nakita niya sa photo album. Those thoughts will live in her mind rent free hanggat hindi niya nahahanapan ng sagot ang lahat.

Pilyong ngumiti si Santillan. "Kailan ka ba pumangit sa mata ko?"

Nayakap ni Vel ang sarili at umarteng kinilabutan. "Manahimik ka na at kinikilabutan na ako." Mas naging buhay pa ang tawa nito saka siya biniglang yakap. May gigil ang yakap nito sa bandang balikat niya pero may distansiya naman ang sa bandang tiyan niya. She always appreciate Santillan's effort pagdating sa baby nila. "Bitiwan mo nga ako," pagtataray niya.

Arte mo Vel! Kunwari ka pa. Gustong-gusto mo namang nilalandi ka ni Santillan.

Tinutulak niya ito palayo sa kanya pero ayaw siya bitiwan ng walangya.

"Hoy, Santillan!"

"Buti na lang akin ka na talaga," bulong nito sa kanyang tainga.

Pinalo niya ulit ito sa braso pero tinawanan lang ulit siya nito. "Gago -" Natigilan lang siya nang halikan siya nito sa pisngi. Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya pagkatapos. Nakangiting inabot nito ang mga kamay niya. He give it a little squeeze before lifting his face to meet hers.

It was no longer the sweet gesture that caught her offguard for the second time. Bakit hindi niya napansin ang kakaibang lungkot sa mga mata ni Santillan noon kahit nakangiti? Hindi niya maipaliwanag ang lungkot na biglang dumaan sa mga mata nito kanina. At that moment, he was looking at her as if she was his answered prayer.

Ramdam niya bigla ang pag-iinit ng kanyang mga mata. The hell if it was her problematic hormones that makes her sad. Wala na siyang pakialam doon. Walang luha dapat na lalagpas sa mga mata niya sa harapan ni Santillan at ng ibang tao. She will not let them see her vulnerable state. Marahas na niyakap na lang ulit niya si Santillan. Ramdam niya ang pagkagulat nito.

Anak ng - 'di ko alam ang sasabihin ko. Yawa! Lusutan mo 'yan Maria Novela Martinez! Ah, basta!

"Nagugutom na ako," bulong niya rito.

Pumulupot ulit ang mga braso nito sa kanya, tawang-tawa sa sinabi niya. "Hungry for food or hungry for me?" malanding bulong nito sa kanya.

"Kung sikmuraan kaya kita ngayon?"

Lalo itong natawa. "I'll make you some sandwiches before we go," anito, hinalikan siya nito sa sintido.

He was unwilling to let her go but he did, smiling like an idiot. Natawa siya na nandidiri sa pagiging cheesy ng walangya. Sobrang tagal pa nitong bitiwan ang kamay niya.

Parang tanga talaga 'to.

Ibinaling ni Santillan ang tingin sa ina nito. "Ma, iwan ko po muna ulit sa'yo ang asawa ko." Pigil na pigil ang ngiti ni Tita Sarah. "Nagugutom e. Gawan ko munang sandwich."

"Gawin mo na at aalis na tayo," sagot ng ina nito.

"Gagawin na nga."

He presses his lips to suppress his smile. Kinindatan pa siya nito bago sila tuluyang tinalikuran at naglakad sa direksyon ng kusina.

"I've never seen my son so happy like that."

Napalingon si Vel kay Tita Sarah. Hindi ito nakatingin sa kanya. Nakasunod pa rin ang tingin nito kay Santillan.

May sumilip na mapait na ngiti sa mukha ng ginang. "Minsan iniisip ko na wala akong kakayahan na pasayahin siya nang sobra."

"Tita -"

Hindi lang ang ngiti ni Tita Sarah ang malungkot pati na rin ang mga mata nito nang tignan siya.

"Thank you, Vel." Lumapit ulit ito sa kanya at hinawakan ang mga kamay niya. "Thank you for making him happy."




UMALIS sa tabi ni Vel si Santillan para lapitan ang ina nito.

"Ma!" sigaw nito, hinabol nito ang ina.

Nakalabas na sila ng simbahan at kakatapos lang ng misa. Medyo malayo sa kanila ang mga relatives ni Santillan. Nagsama-sama sa isang lugar, nagtatawanan at nag-uusap. Gusto niyang mag-react sa isip pero huwag na lang at kaka-refill lang niya ng ligtas points sa langit.

Not worth it, Vel. May tamang oras para maging masama pero huwag ngayon.

Hindi naman malayo sa kanya ang mag-ina.

"Ma, picture-an n'yo nga po kami ni Vel na magkasama," nakangiti nitong sabi sa ina. Ngumiti naman si Tita Sarah. Ibinigay ni Santillan ang cellphone nito sa ina. "Damihan n'yo na para may pang-wallpaper na ako."

Natawa lang si Tita Sarah. "Sige na, lapitan mo na ulit si Vel." Nakangiting itinulak pa nito pabalik sa kanya si Santillan.

Bumalik sa tabi niya si Santillan at umakbay sa kanya.

"Saya natin ah," puna niya rito.

Nakangiti pa ring ibinaling nito ang tingin sa kanya. "Magpapalit ako ng phone wallpaper at gusto ko kasama na si Baby Book natin."

Pigil ni Vel ang mapangiti. Syempre dahil ayaw niya na matanggal ang angas niya, nagsuplada pa rin siya.

"Para ka tanga, makikita ba ang anak natin?" Pasimple niyang hinimas ang umbok ng kanyang tiyan. Actually, halatang-halata na ang laki ng tiyan niya sa suot niyang dress.

"Hindi pero kasama naman natin siya lagi. Now, smile." Ang nakaakbay na braso sa kanya, umangat sa ulo niya ang kamay at dahan-dahang pinihit ang ulo niya paharap. Nakahanda na pala si Tita Sarah para kunan sila ng picture sa cellphone ni Santillan. "I want Mama to capture the best photo of us."

"Luh."

He chuckled, bumalik naman ang braso nito sa kanyang balikat. Humilig pa siyang lalo kay Santillan.

"Okay, mga anak, one, two, three," bilang ni Tita Sarah. Gusto nito ng best photo, 'di ba? Ngumiti siya sabay angat ng kamay at nag-peace sign. "Smile!"

Tawang-tawa si Tita Sarah habang nakatingin sa screen ng cellphone. "Anak, ayusin mo naman."

Marahas na inangat ni Vel ang tingin kay Santillan. He was suppressing his smile na parang nang-aasar pa. Alam niya ang mukhang 'yan. Mukha ng taong binigyan siya ng sungay sa likod.

"Hoy, ano na namang ginawa mo?"

"Wala. Ngumiti lang ako."

"Ayusin mo, tatanggalan kitang apdo sa harapan ng simbahan."

Kumawala ang buhay na buhay na tawa kay Santillan. "Sa bahay na, mahal. Baka magulat pa silang lahat na may asawa akong aswang."

"Isa pa," utos ni Tita Sarah.

Umikot si Santillan sa likod niya at mula roon ay niyakap siya. Nag-panic naman siya dahil hindi siya sanay na ganoon sila ni Santillan sa harap ng madaming tao. Mapapasubo pa yata siya nang tuluyan nilang makuha ang atensyon ng mga relatives ni Santillan. Halos lahat ay nakatingin na sa kanila.

Umayos ka Vel! Dapat pang Oscars ang acting-an natin dito. 'Langya, 'yan! Tanggal angas na naman. Pero hindi puwedeng mabawasan ang angas ng love team namin sa mga memang pamilya ni Santillan.

Yumakap ang mga braso nito sa bandang ilalim ng kanyang tiyan. She meets his hands there and held her tummy with him. He then rested his head on her right shoulder.

"Love it, anak," nakangiting komento ni Tita Sarah. "Okay, smile lang kayo. I'm taking photos lang. You can change poses if you like."

"Sanay na sanay Mama mo ah," pasimple niyang kausap kay Santillan.

He chuckles. "She had been waiting for this moment."

"Dami mo kasing babae wala ka namang pinapakilala sa mga magulang mo."

Hinalikan siya nito sa pisngi. "That's because I was waiting for you," he whispered, nahimigan din niya ang pagngiti nito.

Sa huli ay natawa siya. "Hinihintay o wala ka lang talagang taste noon?"

"But I've tasted you and got addicted -" Siniko ni Vel si Santillan. Napaigik ito sa sakit pero tawa namang nang tawa. "Grabe!"

"Nasa simbahan tayo, Santillan," she hissed.

"Nasa labas naman tayo e."

"Gago talaga."

Natapos na ang photoshoot moment nila kaya lumapit na rin sila sa mga relatives ni Santillan. Si Tito Rogelio, ang asawa ni Tita Helga ang nagsalita para sa lahat.

"Let's eat out before we all go."

"Tito Leo," singit ni Santillan. "Pasensiya na po pero hindi na po kami sasama. Gabi na po at may maagang checkup si Vel sa OB niya bukas."

Hindi nakatakas kay Vel ang tingin nila Madam Victoria at Madam Helga. Matang nanghuhusga na naman.

Ano bang problema ng mga 'to kay Santillan? Lakas ng loob magalit pero hindi naman kayang mag-confront ng tao. Napaka-weakshit! At saka anong checkup? Wala naman siyang naka schedule ng checkup bukas? Desisyon 'tong si Santillan.

"Ah, ganoon ba anak," si Tito Oscar ang sumagot. "Sige, mauna na kayo. Buong araw na rin kayo sa bahay kanina. I think Vel is tired. She needs to rest."

Ngumiti si Vel nang tignan siya ni Tito Oscar.

"Hindi ba kayo nagugutom?" tanong ni Tita Sarah. "I-take-out na lang natin ang share n'yo."

"It's fine, Ma. Sa bahay na lang kami kakain. May energy pa naman ako para magluto. Don't worry about us. You go and enjoy the night." Niyakap ni Santillan ang ina at hinalikan sa pisngi. "I'll visit you again soon."

"Ingat kayo, anak," segunda ni Tito Oscar.

"Kayo rin po, Pa." Niyakap din ni Santillan ang ama.

"Call us when you get home."

"Sure."

Nagpaalam na silang dalawa ni Santillan sa pamilya nito at magkahawak kamay pang naglakad sa direksyon ng sasakyan sa parking.

"Hoy, wala naman tayong checkup bukas ah," basag ni Vel.

Natawa si Santillan. "Umuwi na tayo. Nag-text sa'kin ang Mama mo. Nagluto raw siya nang madami ngayon at kapag hindi tayo nagpakita, magkalimutan na raw tayo."

Namilog ang mga mata ni Vel. "Gage! Bakit hindi siya nag-text sa'kin?"

"Para sa akin ang banta. Hindi para sa'yo. Syempre, hindi puwedeng bawiin niya ang anak niya sa'kin. Ipaglalaban kita."

"Kakilabot!"

Tinawanan lang ulit siya nito.

"Huwag ka na lang magsalita, please. Kinikilabutan ako."

"Aminin mo, kinikilig ka rin sa'kin."

"Nakakasura."

"Pangit mo talaga ka bonding, Vel."

"Magtaka ka kung nag-enjoy ka."

"Sabagay, talino mo talaga, Vel."

"Naman!"

"Hahaha!"


PINAG-IISIPAN ni Vel kung magtatanong ba siya o idadaan niya muna sa mga pahaging na tanong ang lahat para makakuha ng sagot. Syempre hindi naman puwede na diretsohin niya si Santillan. If he wanted to share that part of his story with her, he will open up. Pero in their case, he's not saying anything.

Napabuga siya ng hangin. Nilaro-laro niya na lamang sa mga kamay ang mga bula sa bathtub. Kahit stress siya sa mga pinag-iisip niya ay nakakalma siya sa amoy ng scented candle at liquid soap na nilagay niya sa tubig. Buong araw siyang stress sa pamilya ni Santillan. She needed that warm bath or else tuluyan na siyang mababaliw.

Going back sa iniisip niya, hindi problema sa kanya kung naglilihim si Santillan. He has all the rights to hide that from her. Una, baka hindi ito komportable pag-usapan ang nakaraan nito. Pangalawa, what if, he's not aware of his past? What if, hindi rin sinabi nila Tita Sarah ang tungkol doon, 'di ba? If she will brought that up, it might create conflict.

Bumuga ulit siya ng hangin.

"Nakaka-stress."

Inangat niya ang kamay na may bula at hinipan 'yon.

"Huwag ko na lang kaya isipin? Tutal may character development naman na si Santillan. Hintayin ko na lang mag-open up," mahina niyang kausap sa sarili.

"Vel?"

Nagitla si Vel nang marinig ang boses ni Santillan mula sa labas ng banyo. Kumatok ito ng tatlong beses. Hindi naman siya nag-la-lock ng pinto. In case lang naman may mangyari sa loob ay hindi mahihirapan si Santillan na pasukin ang banyo. Pero hindi 'yon ang inaalala niya. Baka narinig siya ni Santillan sa labas? Pero mukhang malabo naman dahil malayo ang puwesto ng tub at sobrang hina naman ng boses niya. Lamok lang makakarinig no'n.

Vel, kalma.

"Vel?"

"B-Bakit?"

"Papasok ako ah." Hindi na nito hinintay ang pag-sagot niya. Pumihit ang knob ng pinto at bumukas na nang tuluyan. Pumasok si Santillan na naka bathrobe lang. "Makikiligo na ako." May pilyong ngiting naglalaro sa mukha nito bago isarado ang pinto sa likod.

First and foremost, she felt a sudden relief na hindi siya narinig ni Santillan. Pero mukhang may iba na naman itong kalokohan na naiisip. Hindi niya alam kung matutuwa siya o hindi e.

"Kapag ba sinabi kong ayaw ko, makikinig ka?" aniya.

"Hindi."

Ngumisi ito saka hinubad ang bathrobe sa katawan nito. Sinusubok talaga nitong si Santillan ang pagiging babae niya. Aba'y hubo't hubad na naman sa harapan niya. Hindi na siya umiwas at pumikit pa. Ilang beses na rin naman niyang nakita ang buong katawan nito.

Well, maganda pa rin naman. Hindi nakakasawa.

"Malungkot maligo mag-isa," dagdag nito.

"Ikaw lang naman nag-iisip no'n. Ang tagal ko na sa mundo hindi naman ako umiyak habang naliligo dahil sa kalungkutan."

Natawa lang ito sa pagrarason niya.

He joined her in the bathtub. Pumwesto ito sa kanyang likuran at inayos ang puwesto nila hanggang sa maging komportable silang dalawa sa loob. Nakasandal na siya halos sa katawan nito. It was just a bit awkward dahil ramdam niya ang pagkalalaki nito sa likuran niya. His legs guarded her while his hands went to soap her arms with the bubble bath. Eh, wala rin naman siyang kahit anong undergarments sa ilalim ng tubig. She's also naked. It will take time before she could used to this, but this wasn't as awkward as what she think of before. Siguro dahil sanay na siya sa mga paganito ni Santillan.

Isinandal na lamang niya ang ulo sa dibdib ni Santillan at hinayaan na lamang ang mga kamay nito sa pasasabon sa balikat at mga braso niya.

"Santillan," basag niya maya-maya.

Natawa ito. "Grabe, para naman akong tinatawag ng buong ninuno ko sa tuno mo na 'yan."

Vel smiles and chuckles. "Gage!"

"Ano po ang tanong n'yo, ma'am?"

"Wala akong nakikitang baby photos mo rito sa bahay. Pati na rin doon sa bahay n'yo." Pinakiramdaman niya ang katawan ni Santillan kung mag-re-react ba ito. Ang napansin lang niya ay tumigil ito sa pagsasabon sa kanya. "Gusto ko sana makita kung anong mukha mo noong tsanak ka pa." She added the word tsanak to lighten up their conversation.

Tumawa ulit si Santillan. "Ang guwapo ng tsanak mo ah."

"Oo, kasi Diablo ka na. Malamang noong bata ka ay tsanak ka."

Gumalaw ulit ang mga kamay nito pero sa pagkakataon na 'yon ay nakahawak na lamang sa mga kamay niya.

"I don't have baby photos," amin nito.

So, hindi talaga si Santillan ang batang sa photo album. Confirmed.

"Wala? Imposible naman," aniya.

"Nasira lahat noong nagka-supertyphoon noong bata ako. Kung mayroon man akong natirang childhood photos, five years old na ako no'n."

"Sure kang walang natira na photo album?"

She felt him nod his head. "Sure ako."

"Pangit naman."

Natawa ito. "Oh, bakit na naman?"

"Wala tuloy akong makitang reference kung anong magiging mukha ni Baby Book kapag lalaki siya."

"Akala ko ba ayaw mong maging kamukha ko?"

"Sayang ang genes saka guwapo ka pa rin namin kahit na ikaw tagapagmana ni Satanas."

Lalo lang itong natawa. "It doesn't matter kung sino ang magiging kamukha ng anak natin. Mamahalin pa rin naman natin sila nang buong-buo."

"Sila? Gage, anong tingin mo kay Baby Book dadami kapag nailuwal ko na?"

"Dagdagan natin kapag lumaki-laki na." He starts giving her butterfly kisses on her shoulder blade. "Malaki naman ang bahay na 'to. Sigurado akong kakasya pa kung maging sampu tayo."

"Hindi ako inaheng baboy, Santillan."

Natawa lang ulit ito.

Pumagitna sa kanila ang ilang segundong katahimikan pagkatapos. Maya-maya pa ay dahan-dahang yumakap na ang mga braso nito sa kanya.

"I'm getting comfortable with you," basag nito. "Kaya lang..."

"Kaya lang, ano?"

"I'm beginning to get scared of myself." Humigpit ang yakap nito sa kanya. "Natatakot ako na baka may magawa akong mga bagay na magiging dahilan para mawala kayo sa'kin."

"Alam mo, hindi ako sanay na nag-uusap tayo ng seryoso," she said honestly. Kaya hindi niya alam paano mag-respond kay Santillan na hindi lumiliko ang usapan. Sanay siyang lagi silang nagbabardagulan. "At hindi ko sigurado kung may sense man ang sasabihin ko... pero... ayaw kong isipin mo na hihiwalayan kita agad kapag may nagawa ka mang mali o may hindi ka man sinasabi sa'kin. Hindi ako mababaw na tao, Santillan. Hindi man naging maganda ang relasyon ng mga magulang ko pero hindi ibig sabihin no'n ay iisipin ko na lang lagi na magiging ganoon din ang magiging relasyon ko sa'yo. It would be unfair to you."

"Vel..."

"Noong nagdesisyon akong bigyan ng pagkakataon ang relasyon na 'to, hindi lang 'to para kay Baby Book. Isinama ko na rin ang kasiyahan ko nang sagutin kita. Everything is new to me. Hindi ako sanay na may nag-aalaga o nagmamahal sa'kin bukod sa mga kaibigan at pamilya ko, but you make me happy... kahit na madalas pa rin akong naiinis sa'yo."

Well, that's too honest of you, Vel.

"At saka huwag mo isipin ang mga bagay na hindi pa naman nangyayari. Ituloy lang natin ang kung mayroon man tayo ngayon. Naniniwala ako na kahit tumanda na tayong dalawa ay may mga bagay pa rin tayong hindi malalaman sa isa't isa. But that's fine, at least hindi magiging boring ang buhay natin na magkasama."

"So, you're already thinking of the possibility of us growing old together?" Nahimigan ni Vel ang ngiti sa boses ni Santillan.

"Kasi 'yon naman talaga dapat kapag nasa relationship ka. You don't think of the possibility of growing apart. Instead, you think of them as your possible lifetime partner."

"Wala na rin naman akong naiisip na iba na kasama kong tatanda. Pero mas takot ako sa kinabukasan na kapag tumanda tayo ay mag-aalmusal ako lagi ng sermon mula sa'yo dahil hindi na kita naririnig dahil sa katandaan." Natawa ito pagkatapos.

Kahit siya ay natawa. "Gage!"

"Pero kahit na hindi na ako makarinig, makakita nang malinaw, at makamemorya nang lahat. Pipilitin ko pa rin mabuhay nang matagal para may makasama ka hanggang sa tumanda lahat ng mga anak natin."

"Ang layo na nang inabot ng mga iniisip mo, Santillan. Hindi mo pa nga ako nilalakad sa altar."

"Magpapakasal ka na ba sa'kin kapag nag-aya ako?"

Pigil niya ang ngiti. "Depende pa rin."

"Hindi mo na ako matatawag na Santillan kapag ginawa na kitang Santillan."

"Oh, 'di, tawagin na kitang mahal."

Nagulat lang si Vel nang kaunti nang bigla siya nitong hinalikan sa pisngi. "Sinabi mo 'yan, ah."

"Hindi. Wala akong sinabi."

Vel, napakaharot.

Maya-maya pa ay bigla siyang napasinghap nang maramdaman ang isang kamay ni Santillan sa kanyang isang dibdib. He started playing with her nipple with his two fingers. Humaplos naman pababa ng kanyang pagkababae ang isang kamay nito. Bahagya siya napamaang when he started touching her there. Napaka-sensitive pa naman ng katawan niya ngayon. Pigil na pigil niya ang mapaungol dahil sa mga ginagawa nito.

Vel caught both his hands to stop him. Pakiramdam niya ay mapuputulan siya ng hininga kapag nagpatuloy pa ito. Bahagya niyang inangat ang mukha rito. Nakayuko ito sa kanya.

"Hindi ka ba napapagod? Nakadalawa tayo kanina."

Hindi siya nito pinansin. Bumaba ang mukha nito para halikan ang leeg niya. "W-Word," anas niya rito. His hands started fondling and caressing her body again. He sucked and kissed her skin on her neck.

"Do you want me to stop?" he whispered.

"Sa tingin mo... masasabi ko pa 'yan... ngayon?"

"Good, dahil wala rin akong balak na ihinto 'to." Siniil siya nito ng malalim na halik sa mga labi. Naghiwalay lang sila nang magsalita ulit ito. "I'll be your sleeping pill tonight, Vel. I will make love to you until you fall asleep in my arms."

Binasa niya ang labi bago hinawakan ang magkabilang mukha ni Santillan. Nagtama ang mga mata nila. Ngumiti siya rito ng pilya.

"Dami mong sinasabi, gawin mo."

At muli na naman nitong inangkin ang mga labi niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro