Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 25

ISA lang masasabi ni Vel, stressed with ed. Intense stressed. Parang gusto na lang niyang magtago, but she was not the type of person who retreats from a war. Hanggat kaya niyang pundihin ang pasensiya ng kalaban niya ay gagawin niya. She didn't like most of Santillan's relatives. Dalawa lang yata ang neutral makisama, the rest puwede nang ipasok sa mga non-biodegradable garbage can sa sobrang plastic.

Literal na tumatambay talaga siya ngayon sa magarang banyo ng mga Santillan for peace of mind. Nawawala si Santillan, nababanyo siya kaya kahit tapos na siya ay inayos lang niya ang sarili at naupo ulit sa inidoro.

Hindi mapigilan ni Vel ang biglang mapangiwi nang maalala niya mga mukha ng mga relatives ni Santillan.

"Walangya," aniya sa mababang boses, makapal naman ang pinto ng banyo, hindi naman siguro siya maririnig kapag nag-sona siya rito.

The typical toxic trait of a Filipino family. 'Yong magaliw at ngumingiti sa harapan niya pero mapanghusga ang tingin at mapang-uyam ang ngiti kapag nakatalikod na siya. Mata lang ang pinapagalaw para mag-obserba. Alam niyang naging uncomfortable si Santillan kanina pero mukhang sanay na rin talaga itong makipagplastikan sa mga relatives nito.

Vel always believe that the hardest people to deal with are the old ones who are not open to change. Sila ang nabubuhay sa lumang tradisyon at paniniwala na para sa kanila hindi kayang baguhin ng kung sino man. These people will never accept a new wisdom dahil para sa kanila sila lagi ang tama. At kapag naman sinagot, magagalit at sasabihin ang tao na walang respeto at napunta lang sa wala ang pinag-aralan.

Lalo na doon kay Madam Victoria, asawa ng kapatid ng ama ni Santillan. Ang talas makatingin. Sa sobrang talas puwede nang gamiting pang-slice ng prutas sa fruit ninja.

Buti pa ang mga apo ng mga anak ng mga ito, mas madali pa kausap kaysa sa mga gurang. Nakaka-stress nga lang sa kulit pero at least hindi nakakasakit ng damdamin.

Na saan na ba kasi si Santillan? Buwesit na siya, ibubunton na niya ang inis niya rito.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa inidoro at naghugas ulit ng kamay. Tinignan niya muna ang mukha sa salamin sa harapan niya pagkatapos patayin ang tubig. Inayos niya ang nagulong buhok. Wala namang pangit sa kanya. Sakatunayan, alam niyang may ganda rin siyang maipagmamayabang.

Vel smirked. "Kung tutuusin, suwerte na masyado sa'kin 'yang si Santillan."

Pinihit niya ang katawan sa pinto at hinawakan ang knob. Nabuksan na niya nang bahagya ang pinto pero nahinto siya nang makita si Madam Victoria at lagi rin nitong kausap na si Madam Helga, asawa naman ng kapatid na lalaki ni Tita Sarah. Nasa likod lang siya ng dalawa na nakatayo mga dalawang lakad mula sa puwesto niya. Mukhang hindi rin naman siya napansin ng dalawang ginang.

"Hindi na talaga nahiya ang batang 'yon," reklamo ni Madam Victoria. "Sakit na nga sa ulo ang pagiging palakero niya. Ngayon nagdagdag pa ng kahihiyan sa pamilya. Nako, Helga, alam mo 'yan, dati pa lang sinasabi ko na sa inyo na hindi igagalang ng batang 'yan ang pangalan ng pamilya natin."

Kumunot ang noo ni Vel. Sa isip niya, aba'y hindi pa pala tapos sa paninira si Madam Victoria kay Santillan.

"Pero may napala ka ba?" segunda naman ni Madam Helga. "Hindi rin naman nakikinig sa atin sina Oscar at Sarah." Bumuntonghininga ang ginang pagkatapos. "Ano na lang kaya ang magiging kinabukasan ng anak nila?"

"Ano pa ba? Edi, magagaya rin sa mga magulang." Kumibot-kibot ang labi ni Madam Victoria. "Hahanap na nga lang maayos-ayos na asawa ay hindi pa magawa. Nakabuntis pa ng lesbian."

Binuksan ni Vel nang tuluyan ang pinto. Halatang nagulat ang dalawa nang ibaling ang tingin sa kanya. Mas nahiya pa si Madam Helga. Pero wala talagang remorse si Madam Victoria. Hindi bale, sa isip niya. Ilalaban niya si Santillan.

Ngumiti si Vel sa dalawang ginang.

"Ahm, excuse lang po, ah," simula niya nang makalapit sa dalawa. "Wala naman ho sigurong masama sa pagiging lesbian. Lahat naman po tayo ay puwedeng magmahal at mamuhay nang matiwasay sa kung ano man tayo hanggat wala naman tayong nasasaktan na ibang tao," malumanay niyang sabi. "Isa pa ho, hindi po ko lesbian. Maangas lang po ako, siga kumilos, at nagdadamit lalaki pero hindi ho ibig sabihin no'n lesbian ho ako. Hindi ho ibig sabihin na kapag kilos at damit lalaki ang babae ay lesbian na. Kwento ko lang ho sa inyo, kapag po sinabi ng isang babae na  ang sexual orientation niya ay lesbian, meaning po no'n, she could either be sexually or romantically attracted to women. Sa babae po siya nagkakaroon ng attraction at hindi sa lalaki. At wala ho 'yan sa pananamit niya o kung paano niya ayusan ang sarili."

Nagpatuloy si Vel.

"Kung ano man po ang hindi n'yo gusto kay Word, sabihin n'yo po ng harapan sa kanya para maging aware naman po siya. Hindi ho kasi lahat magaling manghula kagaya ni Madam Auring." Ngumiti pa siya sa dalawa pero s'yempre ang galang pa rin niya magsalita. "Saka, Madam, alam ko ho ang nakaraan ni Word. Tanggap ko po 'yon dahil hindi naman ho ako tanga. Guwapo ho ang pamangkin n'yo pero aanhin ko po ang kagwapuhan no'n kung gago, 'di ba? Mukha lang pong stress ang ambag ko sa lipunan pero deserve ko rin naman ho ang makapag-asawa nang matinong lalaki. Nagkataon lang ho na noong mga panahong gago siya ay wala pang Maria Novela sa buhay niya."

Napakurap si Madam Victoria, halos hindi na yata makapaniwalang sinagot niya ito. Hindi na rin nakapagsalita si Madam Helga.

Pero dahil hindi pa siya tapos sa kanyang speech. Nagpatuloy si Vel sa pagsasalita.

"Hindi ho ako naghahanap ng perpektong lalaki. Sakatunayan nga ay bagsak 'yang si Word sa'kin. Pero pinakita niya sa'kin na kaya niyang magbago na hindi ko siya pinipilit. Wala ho sa ugali ko ang mag-ayos ng buhay ng may buhay. Hindi ho ako naniniwala sa salitang I can fix people. Kung gusto ho ng tao na magbago ay gagawin niya 'yon sa sariling kagustuhan niya. Susuporta ako pero hindi ko i-stress-in ang sarili ko na magbago ang isang tao. Hindi ho ako martyr.

"Nakita ko ho ang pagsisikap niya at naging okay naman na ang mga desisyon niya sa buhay. Binigyan ko ng pagkakataon ang tao dahil nakikita ko na deserve niya 'yon. At saka ho, wala hong masama sa relasyon namin kung nagmamahalan naman kaming dalawa. Kung iniisip n'yo ang kinabukasan ni Baby Book, huwag po kayong mag-alala. Magiging masaya ho siya kasi mahal na mahal siya ng mommy at daddy niya."

There she said it, nabawasan na ang inis ni Vel ngayong araw. Pero alam niyang habang humihinga ang dalawa ay hindi na makakalimutan ng dalawang ginang ang pagsagot niya sa mga ito. But at least, she didn't sound arrogant. In-explain lang niya nang maayos.

"Vel, Mahal," boses 'yon ni Santillan.

Halos sabay silang tatlo na napatingin sa pinaggalingan ng boses. Nakangiting lumapit sa kanila si Santillan at iniyakap ang isang braso sa baywang niya.

"I've been looking for you," anito sabay halik sa kanyang sintido. "Saan ka ba galing?"

"Nagbanyo," sagot niya, nakaangat ang tingin kay Santillan. "Ikaw ang biglang nawala. Saan ka nagpunta?"

"Sinamahan ko si Carlo pumunta sa pinakamalapit na convenience store. May binili lang kami."

Tumango si Vel. "Ah, okay."

Ibinaling ni Santillan ang tingin sa mga tiyahin nito. "Tita Vic, Tita Helga, excuse us. May ipapakita lang ako kay Vel," paalam nito sa dalawa.

"S-Sige lang," si Madam Victoria ang sumagot.

"Thanks."




AKALA naman ni Vel ay kung saan siya dadalhin ni Santillan. Sa kuwarto lang pala nito. Naigala niya ang tingin sa paligid habang nasa may pintuan pa si Santillan. Naikiling niya ang ulo. Ang interior kasi ng kuwarto malayo sa mga nakasanayan niyang gustong ayos at interior ni Santillan.

May mga picture frames ng mukha nito simula noong kinder at nag-kolehiyo ito. Madaming libro sa shelves nito, e ang bahay nga nito wala siyang makitang bookshelves. Kung mayroon man, puro cook book at tungkol sa mga pagkain lang naka display.

Pinihit niya ang katawan sa direksyon nito. "Sure kang kuwarto mo –" Hindi niya natuloy ang sasabihin dahil bigla na lang nitong hinawakan ang magkabila niyang mukha at hinalikan siya sa mga labi. S'yempre nagulat siya sa biglang paghalik nito pero mukhang nasanay na talaga ang katawan niyang tugunin ito lagi.

Kusa na lamang niyang naipikit ang mga mata at ibinalik ang kaparehong intensidad ng paraan ng paghalik ni Santillan sa kanya. Pakiramdam niya ay masusugatan ang mga labi niya kapag hindi pa sila tumigil na dalawa. Nailapat niya ang dalawang palad sa didbib nito para itulak na ito nang bahagya. Pero bumalik lang ulit ang mga labi nito at mas malalim pa siyang hinalikan sa pagkakataon na 'yon. Bumaba na ang isang braso nito para iyakap sa kanyang baywang – nakaalalay sa kanya. Ang isang kamay naman nito ay nakayakap sa kanyang likod.

"San," ungol niya sa pagitan ng halik. "W-Word..."

"Hmm," he moaned.

Kinakapos na siya ng hininga kaya itinulak na niya talaga ito nang tuluyan. "William Ordeal Santillan!" may asar nang tawag niya rito, habol-habol niya ang hininga.

Santillan chuckled pero halata ang kapilyohan sa mga mata nito.

"Itigil mo 'yan," saway niya rito nang makabawi na. "Nasa bahay tayo ng mga magulang mo saka nasa labas pa ang pamilya mo."

"I locked my room."

"Kahit na."

Hinalikan siya nito sa pisngi. "Noong sinabi mong magugustuhan mo pa rin ako kahit na mataba ako." His face lingered near her right ear. "I have to admit, pakiramdam ko nang mga oras na 'yon ay napana ako ni Kupido."

Natawa si Vel. "Matagal na 'yon, bakit ngayon mo pa lang sinabi?"

He drew his head back to see her face. May iba sa tingin ni Santillan sa kanya. Punong-puno ng admiration sa kanya.

"You stood up for me," sagot nito.

"Kahit sino naman. Saka, hindi kami papayag ni Baby Book na awayin ka nila. Uupakan ko mananakit sa'yo."

Lalo itong napangiti, namumula pa ang tainga at pisngi.

"Hoy, kinikilig ka ba?" nakatawang akusa ni Vel. Pero sa halip na sagutin siya ay niyakap lang siya nito. "Hoy Santillan!"

"I want to make love with you right now."

"Gago! Tirik na tirik ang araw, Santillan."

He chuckled. "Let's make it quick." Kumalas ito ng pagkakayakap sa kanya at madaling nahubad ang suot nitong pang-itaas. "We haven't tried it yet." Sobrang pilyo na ng mga mata at ngiti nito.

"Word," she hissed in a slow voice nang pangkuin siya nito at inihiga sa kama nito. Walang kahirap-hirap na naiangat ni Santillan ang pang-itaas niya. Ang bilis talaga ng kamay, pati bra niya ay naalis na rin nito. "Langya ka, kaya ba 'yang i-quick? Yawa ka talaga. Hindi ko alam paano 'yan."

But deep inside, parang na-e-excite pa si Vel sa gagawin nila. She could feel her growing arousal in between her legs kahit wala pa naman gaanong ginagawa si Santillan. Kahit simpleng haplos lang ng kamay ni Santillan sa kanyang dibdib at balat ay nag-iinit na siya.

"I'll take the lead." Hinila nito pababa ang pants niya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ni Vel lalo nang simulang himas-himasin nito ang mga hita niya. "But for a change, let's not be wholesome this time." Tinugon niya ang biglang paghalik nito sa kanya. Napasinghap lang siya pagkatapos nang maramdaman niya ang kamay nito sa loob ng panty niya.

"A-Anong... ibig mong sabihin do'n?"

He smirked. "I'll fuck you hard but I'll be quick."

Tang'na 'yan!



"HINDI ka na ba inaantok?" malumanay na tanong ni Tita Sarah kay Vel, dinala siya nito sa kuwarto nito.

"Hmm?" tanging reaksyon ni Vel, napakurap pa siya. She was not sure if Vel is still following Tita Sarah's words.

"Kanina pa kita hinahanap. Sabi ni Helga ay kasama mo raw si Word. Inisip ko na baka nasa dating kuwarto lang niya kayo." Ngumiti ang ginang sa kanya. "Hindi ko na kayo inabala pa. Pero nang lumabas si Word, sabi niya nakatulog ka raw."

Gusto niyang mapangiwi sa isip. Naalala niyang lumabas nga si Santillan sa kuwarto pagkatapos ng ginawa nila. Nauhaw siya kaya kumuha ito ng tubig sa labas. Pero walanga 'yon, umisa na naman pagkatapos niyang makapagpahinga. Linggong-linggo pero nagdadagdag na naman sila ng kasalanan ni Santillan.

Napakamot na lamang si Vel sa noo. "Ah, opo," pagsisinungaling niya. "Nagiging antukin ho ako."

"Normal lang talaga 'yan. Ganyan din ako noon."

"Nakaka-stress pala ang magbuntis."

Natawa si Tita Sarah. "But a good memory to reminisce when we get older."

Dinala siya ng ginang sa kuwarto nito. Agad niyang napansin ang isang sunset colored dress na nakalatag sa itaas ng kama ng mag-asawa.

"Gusto talaga kitang bilhan ng regalo kaso wala akong maisip. Mahilig ako sa mga damit kaya naisip ko baka puwede naman kitang bigyan ng dress, siguro 'yong simple at magiging komportable ka."

"Nako, Tita! Naghahanap din po ako ng maternity dress ngayon," aniya na may kasamang tawa. "Salamat po, hindi po ako tatanggi."

Lumapad ang ngiti ng ina ni Santillan. "Don't worry, hija, I made sure na masusuot mo pa rin ang dress kahit na malaki na ang tiyan mo. Hindi rin mainit ang tela at maganda sa balat."

"Talaga ho?"

Tumango ang ginang. "Oo, masyado akong meticulous pagdating sa gamit at mga damit. Kaya sana magustuhan mo." Lumapit ito sa kama at kinuha ang dress. "Sukatin mo para makita natin kung sakto lang. Anyway, I can have this altered if it doesn't fit."

"Sige po."

Tinanggap ni Vel ang dress at hinaplos ang tela ng damit. It's a square neck flare midi dress na may elegant short sleeve. Hindi siya fit, stretchable ang tela at malamig talagang hawakan.

Napangiti siya.

"Mapili rin ho ako sa damit, Tita, pero gusto ko ho ang napili n'yo." Inangat muli ni Vel ang tingin sa ginang. "Puwede ko ho bang suotin para mamaya?"

Tita Sarah warmly smiled. "Of course, hija. It's yours now."

"Sige po, isusukat ko lang po muna."

May itinurong direksyon si Tita Sarah. "The bathroom is on your right. Let me know if you need help."

Tumango si Vel saka naglakad sa direksyon ng bathroom. Hindi naman siya nahirapang suotin ang dress. It was actually a perfect fit. She's not fond of complimenting herself but she look good in the dress. Mas na-emphasize ang natural na kaputian niya at mas naging halata na ang umbok ng kanyang tiyan nang bahagya siyang tumagilid para makita ang repleksyon sa side na 'yon. Hindi niya napigilan ang mapangiti.

Inayos niya ang medyo mahaba nang buhok. Malapit na talagang lumapat sa balikat niya ang buhok. Hindi na siya boy cut tignan. 'Langya, babaeng-babae siya ngayon. Ang problema niya ay wala siyang sapatos na babagay sa dress na 'yon.

Marahas na napabuga ng hangin si Vel.

"Sige Vel, mag-dress ka ta's mag-sneakers ka ng sapatos." Pero naisip niya na hindi naman masama na pair 'yon.

Lumabas na si Vel sa banyo at binati siya ng namimilog na mga mata ng ina ni Santillan. "Oh my god, hija. You look lovely in that dress."

Natawa si Vel. "Mukha na ba akong tao, Tita?"

Nakatawang lumapit sa kanya ang ginang at sinipat ang fit ng dress sa katawan niya. "Nako, mas lalo yatang ma-i-in-love sa'yo ang anak ko."

"Medyo delikado tayo riyan, Tita."

May pagtataka sa mukha ng ginang. "Bakit naman?"

"Baka mabaliw sa'kin nang tuluyan."

Tawang-tawa ito sa kanya. "Edi mas masaya, mas dadami ang apo namin."

"Pero mukhang mas nakakaba po 'yan."

Natawa lang ulit ito. Marahang tinapik ni Tita Sarah ang balikat niya pagkatapos.

"Anyway, I think magka-size lang tayo ng paa. Size 9 ka ba?"

"Size 9 or 10, depende ho sa sapatos."

"Good, same size lang tayo. Hanapin ko muna 'yong flat shoes ko. I bought that from Italy. I wore it once, pero ibibigay ko na sa'yo."

"Hala, Tita, huwag na po. Hiramin ko na lang po o kung may mas mura-mura naman kayong sapatos diyan, okay lang."

"Don't be silly. Hindi ka naman na iba sa'kin. You'll marrying our son soon. Kaya hayaan mo na akong i-spoil ka minsan."

Ngumiti si Vel. "Sige po, kung saan po kayo masaya."

Proud na ngumiti ang ginang. "Very good, madaling kausap. Anyway, dito ka muna. I think nasa kabilang room ko nailagay ang mga bagong sapatos ko. I was cleaning my closet the other day and I'm halfway done pa. Later, I'll help you apply a little makeup para mahulog pa nang husto ang anak ko sa'yo."

Natawa si Vel. "Nako po, Tita, hulog na hulog na po 'yon sa'kin."

Tita Sarah just chuckled. "Maiwan na muna kita rito, Vel," paalam nito sa kanya pagkatapos.

"Sige po."

Lumabas si Tita Sarah ng kuwarto at naupo naman siya sa gilid ng kama. Pasimple niyang iginala ang tingin sa paligid. Sobrang gara ng silid. Mabango pa. Pati ang kama ay malaki. Napangiti naman ulit si Vel.

Nakaka-stress man ang relatives ni Santillan. Suwerte naman ito sa mga magulang nito. Tito Oscar and Tita Sarah loves their son so much.

Naibaba niya ang tingin sa mga paa. She liked the feeling of her bare feet pressed on the carpet. Parang gusto rin niya nang ganoon sa bahay nila ni Santillan. Try niya kaya mag-request. Hindi naman 'yon nakaka-hindi sa kanya.

Natawa siya.

Under sa'kin 'yon e.

Akmang itataas na niya ang ulo nang mapansin niya ang isang lumang photo album sa ilalim ng bed side table. May lalagyan ng mga magazine o kung anong basahin sa ilalim no'n. Isa na nga 'yong album. Kinuha niya kasi na curious siya. Wala naman sigurong masama kung titignan niya.

Pagbukas na pagbukas niya ng album ay bumungad agad sa kanya ang naka cursive name na Baby Word. Hindi niya napigilan ang tawa.

"Nako, mukhang baby pictures pa ng walangya."

Inilipat niya sa sunod na pahina. Bumungad sa kanya ang mga baby pictures ni Santillan na bagong panganak pa lang ito. May mga caption pa kung ilang months na no'n si Santillan. Inilipat niya ulit sa isang pahina pa... tapos isa pa... sa tuwing tinitignan niya ang mukha ng baby ay may feeling siya na parang hindi naman kamukha ni Santillan ang baby. Pero may mga ganoon naman talaga. Vel just shrugged it off from her mind.

Sa ikaapat na palit niya ng page ay one year old na si Santillan doon. Hindi talaga kamukha pero malaki ang hawig kina Tita Sarah at Tito Oscar. Naghanap pa siya ng ibang picture hanggang sa makita niya ang 3 year old version ng bata.

Doon na siya natigilan. Kumunot ang noo niya at napaisip siya nang sobra. Mapapalagpas pa niya if hindi kamukha ni Santillan ang baby photos nito pero dapat by the age of three halata na talaga 'yon. Kahit naman siguro one year old, halata na 'yon. Saka mabilog ang mga mata ng bata sa album at medyo chinito naman si Santillan.

Biglang narinig ni Vel ang paggalaw ng knob ng pinto. Mabilis na isinarado niya ang album at ibinalik sa dating lalagyan no'n.

Bumukas ang pinto at pumasok si Tita Sarah na may dala nang isang kahon ng sapatos.

"Found it, Vel," nakangiting anunsyo ni Tita Sarah.

Pero hindi na siya makapag-focus sa sapatos. Nasa ibang bagay na ang isip niya. Doon sa batang Word na hindi naman kamukha ni Santillan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro