Chapter 24
KANINA pa si Vel nakaharap sa closet. Bathrobe lang ang suot niya dahil kakatapos lang niya maligo. Uugatan na yata siya sa kinatatayuan niya pero wala pa rin siyang mahanap na matinong damit.
Ibinaling niya ang tingin kay Santillan na sa mga oras na 'yon ay nagbibihis malapit sa kama.
"Hindi na ako sasama," basag ni Vel.
Agad naman na kumunot ang noo nito sa sinabi niya. "Anong hindi ka sasama?" Natawa si Santillan pagkatapos. "Ang ayos ng usapan natin kagabi."
He pulled down his polo shirt at inayos ang pagkaka-fit sa katawan nito. Buti pa ang isang 'to nakabihis agad, reklamo pa niya sa isip.
They're going to visit his parents. Today is Sunday, so family day daw. Actually, okay sa kanya 'yon. Walang problema. Kaso wala siyang maayos na damit. 'Yon ang problema niya na hindi niya naman pinoproblema noon.
"Wala nga akong maisuot," maktol pa niya.
He chuckled. "Anong wala? Dami mong damit diyan."
"Ano? T-shirt, jogging pants, puruntong?" Naniningkit ang mga mata niya sa mga damit niyang puro pala pambahay. "Nakakahiya sa parents mo."
"Ikaw? Mahihiya? Sa kapal ng mukha mo."
"Seryoso ako, gago!" Lumakas lang ang tawa nito sa kanya. Mayamaya pa ay nakatayo na ito sa tabi niya. "Hindi na kasya sa'kin ang mga jeans ko. Wala rin akong leggings. Parang ang weird niya suotin."
Bahagya itong natawa saka inisa-isa ang mga damit niya roon. "Gusto mo hiramin mga damit ko?"
"Santillan!"
Nangangati na ang kamay niyang upakan 'tong si Santillan.
Tawang-tawa ito, naniningkit pa ang mga mata. "Joke lang. Ito talaga masyadong highblood." May hinugot itong isang pares ng dark gray sweatshirt at track pants. "Wear that." Inabot nito sa kanya ang mga damit. "At huwag mong i-stress ang sarili mo. You can wear whatever you want." He leaned down to give her a kiss on her cheek.
Naglapat nang husto ang mga labi niya at nagtama ang mga mata nila pagkatapos. Noong una, naiilang siya kapag nasa ganoong sitwasyon sila ni Santillan. Ilang na dinadaan niya sa inis at pagmumura. Pero ngayon, parang normal na lang sa kanya na nilalandi siya nito at sweet sa kanya si Santillan.
Vel had never been intimate with a man before. Umiinit ang ulo niya sa mga palakerong lalaki. Hindi naman niya nilalahat ang mga lalaki kahit mukha siyang judgmental na tao. She just distanced herself.
Pero pagdating kay Santillan, halos tibag na lahat ng pader na binuo niya para sa sarili niya.
Hindi niya tuloy mapigilan ang mapasimangot.
"Naiinis ako sa'yo."
Inosenteng namilog ang mga mata ni Santillan. "Oh, bakit na naman?"
"Basta! Buwesit ako."
Tuluyan na itong natawa. "Aga-aga binubunton mo na naman galit mo sa'kin. Kapag galit ka pa naman ay nauuwi tayo sa -" Agad na tinakpan ni Vel ng isang palad ang bibig ni Santillan.
"Huwag mo na ituloy!"
Inalis nito ang kamay niya sa bibig but he remained holding it. "Get dress." Nakangiting hinalikan ni Santillan ang likod ng kamay niya pagkatapos. "Kailangan ko pang dumaan sa TADHANA bago tayo dumiretso sa bahay."
Tumango siya. "Hindi mo puwedeng i-text?"
Santillan chuckled. "Lalabas ba sa cellphone ang cake?"
Talagang nag-isip pa si Vel kung bakit kailangang lumabas ng cake sa cellphone. Napakurap siya nang ma-realize niya ang pinupunto ni Santillan.
"Ay, yawa!" mura niya.
Tawang-tawa si Santillan. "Maganda ka sana e. Kaso tanga ka rin."
The audacity!
Umawang talaga ang bibig niya sa sinabi nito. "Hoy gago ka!"
"Hahaha!"
NABUKSAN na ni Santillan ang pinto sa gawi nito nang ibaling nito ang tingin kay Vel.
"Hindi ka sasama?" may pagtatakang tanong nito.
"Magpapakita ako? Ichi-chismis tayo ng mga tao mo riyan. Huwag na. Sandali ka lang naman. Hintayin na lang kita rito."
Sinilip ni Vel ang loob ng TADHANA mula sa glass panel wall. Alas diez pa lang ng umaga. Wala pa gaanong tao. Nagbubukas ang café ng alas nuebe.
"Himala affected ka?" Santillan chuckled. "Dati kinakain mo lang mga pang-aasar nila sa atin."
"Ayaw kong ma-e-stress nang ganito kaaga. I want peace of mind."
"Malalaman din naman nila na tayo na."
"Oo, kapag malaki na sobra ang tiyan ko. Alangan naman isipin nilang regalo sa'kin 'to ng holy spirit. Ako pala ang pinili ng langit para maging Maria sa second coming," pabalang pa niyang sagot.
Tawang-tawa si Santillan. "Ewan ko sa'yo."
Hindi na rin napigilan ni Vel ang matawa. "Lumayas ka na nga." Tinulak na niya ito palabas. "Gusto ko ng wintermelon milktea."
"Tsk!" Naningkit nang husto ang mga mata nito nang silipin siya. "Maaga pa, Vel."
"Nag-breakfast naman tayo. Okay na 'yon."
"'Yong medium lang."
"Buraot mo naman. I-large mo na."
"Medium."
"Large nga!"
"Med -"
"Isang medium pa Santillan hihiwalayan na kita."
"Medyo large. Noted."
May ngiting tagumpay si Vel. "Madali naman palang kausap." Pero hindi naman maipinta ang mukha ni Santillan. Parang gusto nitong lamukusin ang mukha niya nang mga oras na 'yon. "Huwag mo lagyan ng pearl ah pero more ice."
"May ibang request ka pa?"
Bahagyang nag-isip si Vel. "Ah!" She snapped her fingers. "Puwede bang ikaw ang gumawa?"
"Maria Novela -"
"Kapag hindi ikaw ang gumawa feeling ko manghihina ako." Pero parang mas manghihina siya sa sinabi niya.
Tawang-tawa ito. "Sure kang hindi ka kinikilabutan sa sinabi mo?"
Napakamot si Vel sa leeg. "Ang pangit. Basta 'yon na 'yon."
"I'll go ahead. Saglit lang ako."
Tumango siya. Isinarado naman ni Santillan ang pinto bago tuluyang umalis at pumasok sa TADHANA. Nakita niya agad mula sa labas na kinausap nito si Bella sa counter. Namumukhaan niya ang pastry chef nito na si Kyle na lumapit din kay Santillan.
Nakaharap ang harapan ng sasakyan sa TADHANA kaya nakikita niya ang mga ito. Maliit lang ang distansiya ng parking sa café. Mga ilang hakbang lang. Hindi naman sobrang laki ng TADHANA. Kapag peak days, napipilitan na humanap ng ibang parking space ang mga customers sa malapit. 'Yong iba, sa gilid na ng daan nagpa-park.
Ibinalik niya ang atensyon sa cellphone. Kanina pa siya naghahanap ng maayos-ayos naman na damit sa Shopee. Siyempre naisip din naman niya na dapat may pormal din siyang damit kapag may espesyal silang pupuntahan ni Santillan. Hindi siya puwedeng mag-sweatshirt at track pants lang lagi. O 'di kaya T-shirt at pantalon.
Pasimple niyang hinaplos ang umbok ng kanyang tiyan mula sa kanyang suot na damit. Nagiging hobby na rin niya 'yong gawin. Minsan hindi na niya napapansin pang ilang beses na niyang nahahaplos ang tiyan.
Araw-araw lumalaki na ang tiyan niya. Mahihirapan na siyang magsuot ng mga pantalon. May in-add-to-cart na siyang leggings at oversize shirts, para 'yon kapag nasa bahay siya. Naniningkit lang mga mata niya kapag namimili siya sa mga maternity dress. Mukha siyang babaeng-babae talaga kapag sinuot niya ang mga 'yon kapag may lakad siya o 'di kaya checkup niya.
"Lahat na lang ng damit dito sa Shopee puro bulaklakin," reklamo pa niya. Naghanap siya ng plain. 'Yong maayos naman. Hindi 'yong mukha siyang hahabulin ng mga bubuyog. "Hirap maging inang siga. Nakakawala ng angas. Buti na lang mahal ko 'tong si Book."
Mayamaya pa ay naiihi na siya. Gusto niyang magmura. Isa na rin 'to sa mga pasakit niya. Pangit ka bonding ng pantog niya. Ihi siya nang ihi kahit hindi naman siya lumaklak ng isang baldeng tubig. Wala namang problema magpalaki ng anak sa tiyan niya. Pero bakit ang daming pasakit?
Hindi na niya inabalang patayin ang kotse ni Santillan. Wala namang gagalaw roon kasi nasa loob naman ng premise ng TADHANA saka may guard naman na titingin. Lumabas na siya agad at pumasok sa TADHANA.
Halatang nagulat pa ang mga staff na makita siya roon - nagpa-panic malapit sa cashier counter. Iginala niya ang tingin sa paligid. Hindi niya makita si Santillan. Saan ba 'yon? Pero dapat banyo ang hinahanap niya at hindi si Santillan. Hindi naman si Santillan ang kubeta. 'Langya!
"Vel?!" gulat na tawag sa kanya ni Tina na may hawak pang tray.
"Magkasama kayo ni Boss?" narinig pa niyang tanong ni Bella mula sa counter.
Alanganin na ngumiti siya sa dalawa. "Restroom muna ako."
Iniwan niya ang dalawa at hindi na pinansin ang pagtatakang tingin ng mga ito sa kanya. Ang laking ginhawa nang makapasok siya sa banyo. Buti vacant, pagkaupo na pagka-upo niya sa inidoro ay para siyang nabawasan ng sampung kilo nang mailabas ang lahat ng sama ng loob ng kanyang pantog.
Pagkatapos niya magbanyo ay lumabas na siya. Pero parang gusto ulit niyang pumasok sa loob at magkulong na lang doon nang makitang naghihintay pala sa kanya si Santillan at ang mga staff nito sa may counter.
Inayos niya ang medyo mahaba nang buhok habang naglalakad sa direksyon ng mga ito. Kunwari hindi siya apektado. Maangas pa rin siya at nakataas ang noo.
"Oh, bakit?" she demanded.
Nakahalukipkip na ang mga braso ni Santillan sa itaas ng dibdib nito. A mischievous smile hiding from those pair of brown eyes. He wasn't smiling, but he seem like. Naiinis siya dahil sobrang guwapo talaga nito. Simula nang mabuntis siya, ang guwapo talaga ng tingin niya kay Santillan.
"Akala ko ba hindi ka lalabas?"
"Kailangan ko magbanyo. Bakit ba?"
He chuckled. "Tapos ko na ang milktea mo." Napansin ni Vel na nakahanda na pala lahat sa counter ang ni request niya. Mukhang iced coffee 'yong isa. May box din ng cake. "Tara na?" Ibinaba na nito ang mga braso.
"Sandaleeee, Boss!" singit ni Bella. "Magkasama kayo ni Vel?"
Halatang naghihintay din ng pasabog na sagot ang mga tauhan nito kay Santillan. Nako, kung fit lang ang suot niyang damit mas lalong pasabog. Maluwag sa kanya ang sweatshirt kaya hindi nahahalata ang umbok ng tiyan niya.
Santillan nodded. "We're heading to my parent's house."
"Meet the parents na agad, Boss?" react ni Tina. "Kayo na ba ni Vel?" Ang ngiti ni Tina halatang nanunudyo e.
"Tukso kayo nang tukso sa'min pero hindi n'yo pa rin nahahalata," sagot ni Santillan. Pasimple siya nitong sinulyapan. Nahilot ni Vel ang lalamunan. Hindi sintido niya ang kumikirot. Ang esophagus niya ang kinakabahan. "Ano bang tingin n'yo sa relasyon namin ni Vel?"
"Omoooooo!" singhap ni Bella. "Boss, reveal n'yo na. Bobo kami."
Santillan reach out a hand to her and laced his fingers with hers. Hindi lang pisngi niya ang nag-ku-kumbulsyon ng mga oras na 'yon. Buong katawan na yata. Hindi niya alam kung dahil naiilang siya o nahihiya siya dahil tanggal na naman angas niya o dahil kinikilig siya pero hindi niya ma all out kasi ma pride siya.
"It's hard to explain it, but Vel and I are planning to get married soon."
Literal na nanlaki ang mga mata ng mga staff nito sa sinabi ni Santillan. Kanina nag-iinit buong katawan niya. Ngayon nanlalamig na. Hindi niya talaga maintindihan ang emosyon niya.
"Hindi lang halata," pagpapatuloy ni Santillan habang nakatingin sa kanya. "But Vel is pregnant with our child."
Lahat napatingin tuloy sa kanyang tiyan.
She didn't know how to respond with what he said, but Vel felt the sincerity in Santillan's words. In normal days, masasapak niya ito dahil sa kilabot. But now that they're in relationship, na discover niyang may mga cringey part pala ang puwedeng i-exclude as korni.
"Omggg!" pigil na pigil ni Tina ang kilig, buti na lang talaga wala pa gaanong customers sa TADHANA dahil baka 'yon pa maging dahilan ng pagbagsak ng negosyo ni Santillan.
"Iba palang away ginagawa n'yo ni Vel, Boss," singit ni Anton, isa sa mga staff din na nakatoka sa paglilinis ng table at pag-se-serve ng order. "Idol."
"Grabeng character development 'yan, Boss," dagdag ni Bella. "Sabi na e. Si Vel lang talaga ang bagay sa'yo. Since from the start. Alam kong kayo rin end game."
Kumunot ang noo ni Vel kay Bella. "Desisyon ka."
Natawa lang ang mga ito sa kanya.
"Congrats, Boss, Vel!" sabay pa ng mga ito.
"Kami na ang pinakamasayang empleyado sa Cebu," ni Bella. "Kaya Boss, pa salary increase na kayo."
"Kaka-increase ko lang sa mga sahod n'yo noong isang buwan ah," reklamo ni Santillan. "Magdala muna kayong madaming customer dito." He chuckled after.
"Boss, mag-second-branch ka na. Hindi na kasya rito lahat ng mga parokyano mo," sabi ni Tina. "Tapos gawin mo akong branch manager." Ngumisi pa ito pagkatapos.
"Mga mukha n'yo." Lalo lang natawa si Santillan. "Magsitrabaho na kayo."
Malaki galit niya kay Santillan pero noong nagtatrabaho siya rito noon ay hindi naman ito naging masamang amo sa kanila. Kahit sa kanya, kahit na madalas nga silang magtalo noon ay tinatanggap at inaamin naman nito ang mga pagkakamali nito. Kaya hindi nakapagtataka na madaming tumatagal na empleyado rito. Tumatanggap din kasi si Santillan ng mga part time student as server at cleaner. Lalo na si Kuya Benjie, simula nang mag-open ang TADHANA four years ago ay ang matanda pa rin ang guard ng café.
Mabuting boss talaga si Santillan. He's strict pero nasa lugar. Saka so far, wala namang umaabusong empleyado rito. Actually, siya lang yata ang pinakademonyong empleyado nito noon. Bilib lang talaga siya dahil hindi siya nito pinatalsik. Hinintay nitong mag-resign siya with flying colors. Kunwari, nalulungkot ito noong binasa ang resignation letter niya. Pero nagpi-fiesta na deep inside. Chura ng walangya! Alam niya 'yon. Kinanta sa kanya ni Bella.
"Alis na kami," anunsyo ni Santillan. Inabot nito ang take-out plastic ng milktea at iced coffee sa kanya. Tinanggap niya naman dahil ito ang maghahawak sa box ng cake. "Bukas na ako babalik. Kayo na bahala sa TADHANA."
"Yes, Boss!" sabay-sabay pa ng mga tauhan nito.
Lihim naman na natawa si Vel.
Dati puro paninira lang kay Santillan nabubuo sa utak niya. Ngayon tang'na 'yan, daig pa niyang public relation manager ng isang Word Santillan.
WOW, unang salita na pumasok sa isipan ni Vel nang makita ang malaking bahay ni Santillan. Mas Malaki pa sa bahay nito sa subdivision nila. Nakatayo pa sa Maria Luisa Estate Park, isa sa mga prestigious residences dito sa Cebu.
Langya, puro burgis mga tao rito.
Pagkabukas pa lang ng malaking gate kanina ay alam na niyang malulula siya sa laki ng bahay ng mga Santillan. May aura na kapag pumasok siya roon ay may mag-aalok sa kanya ng sampung milyon para layuan niya ang anak ng may-ari. Kaya lang, tanggap siya ng magulang ni Santillan kaya, Vel, adjust.
"Langya, ang laki ng bahay n'yo."
Santillan chuckled. "Gulat ka ba?"
"Alam ko na mayaman kayo. Pero tang na yema 'yan, dukhang-dukha ang pakiramdam ko ngayon."
"Grabe."
"Totoo!" Pinasadahan ni Vel ang suot. "Tignan mo suot ko. Hindi bagay sa mansion n'yo."
"Hindi naman nasusubok sa estado natin sa buhay ang pagkatao natin. Saka, kung anong mas komportable sa'yo, suotin mo." Ngumiti ito sa kanya. "Sina Mama lang naman nandito. Saka mga katulong namin. No need to worry."
"Word, anak!" Sinalubong sila ni Tita Sarah. "Vel." Niyakap silang dalawa ng ginang pagkalapit na pagkalapit nito sa kanila. "Ba't hindi kayo tumawag na malapit na pala kayo?"
"Dapat po ba kapag malayo pa?" biro pa ni Vel.
Natawa si Tita Sarah sa kanya nang kumalas ito ng yakap sa kanila. "Palabiro ka talaga, hija."
Ngumiti si Vel. "Hindi po, Tita. Seryoso po ako."
Sinabayan na ni Santillan ng tawa ang mama nito. "Tagilid din utak niyan, Ma," singit ni Santillan. "Kaya nga bagay kami."
"Nako, alam ko na agad na sobrang maaliw ako sa mga apo ko." Marahang inilapat ni Tita Sarah ang palad sa kanyang tiyan. "Isa lang ba 'to?"
Natawa ulit si Santillan. "May lahi ba tayong kambal?"
Umiling si Tita Sarah. "Wala nga e."
"Ah, nga pala, Ma, bakit n'yo pala binago ang oras ng pagsisimba natin?" pag-iiba ni Santillan.
"Dumating ang mga Tita at Tito mo. Nabanggit ko kasi na papasyal kayo ngayon ni Vel. Gusto nila makilala ang girlfriend mo."
Napansin ni Vel ang biglang pagbago ng ekspresyon ng mukha ni Santillan. Hindi naman ito mukhang galit pero parang nawala lang sa mood. Santillan smiled again but Vel can still see the remnants of his distress.
"Ah, ganoon po ba?"
"Pasensiya na, anak." May paumanhing ngiti sa mukha ni Tita Sarah habang nakatingin kay Santillan. Lalo tuloy siyang naku-curious. Mukhang hindi malapit si Santillan sa relatives nito. "Biglaan lang talaga. Hindi ako makatanggi. Sabay-sabay na lang daw tayong magsimba mamayang alas sais ng gabi."
"Okay lang, Ma. The more the merrier."
Ang plastic nito!
"Salamat, anak. Oh, siya, pumasok na tayo. Naghihintay na sa atin ang papa mo sa loob. It's almost lunchtime na rin naman."
"Sige po," si Vel ang sumagot.
Nang sulyapan niya si Santillan, parang may malalim itong iniisip. Hindi na yata nito naririnig ang mga sinasabi ng mama nito. Vel wondered kung anong issue ang mayroon si Santillan sa mga relatives nito.
Pagkapasok nila sa loob ay natuon agad ang tingin ng lahat sa kanila. Hindi alam ni Vel kung ngingiti siya o hahayaan na lang niyang naka isang linya ang labi niya. Everyone looked expensive, maliban lang sa kanya. Halatang mayayaman ang mga relatives ni Santillan. Matalas pa naman ang mata niya sa mga matapobreng tingin. May nakikita siyang ganoon sa mata ng mga matatandang babae.
Mukhang hindi na niya kailangang hulaan pa kung anong mayroon sa pamilya ni Santillan. Nahanap na niya ang totoong mag-aalok sa kanya ng sampung milyon para layuan niya ang isang Word Santillan. Pero dahil nga pabida siya at makapal ang mukha.
Ngumiti siya sa mga ito at kumaway. "Hello, mother and father's brother's and sisters!" masigla pero may angas na bati niya sa mga ito. "How are you to find out?" Tawang-tawa si Santillan sa tabi niya. Pinanatili niya ang ngiti. Buong pamilya ni Santillan 'di na nakapagsalita.
Oh, ha? 'Yon ang pasabog na entrance ng isang Maria Novela Martinez!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro