Chapter 23
PAGMULAT ni Vel ng mga mata ay talagang nagulat siya sa sobrang lapit ng mga mukha nila ni Santillan. Isang galaw na lang talaga at magdidikit na ang mga labi nila. Nakayakap ito sa kanya at nakaunan pa ang ulo niya sa isang braso nito pero mas malala ang ginawa ni Vel dahil nakadantay ang isang hita niya kay Santillan mula sa ilalim ng kumot na halos nasa baywang na rin nilang dalawa.
She mouthed a cursed at gigil na gigil siya sa sarili niya. Pero siyempre 'di niya naman masubunutan ang sarili kaya dahan-dahan na lamang niyang inalis ang paa mula sa pagkakadantay. Mukhang malalim pa ang tulog ni Santillan dahil hindi man lang ito gumalaw. Marahan pa rin ang paghinga nito. Lumayo lang siya nang kaunti kaso wrong move dahil kapag gumalaw pa siya ay sa sahig siya pupulutin.
"Ang likot naman nito matulog," bulong na reklamo niya sa sarili, bahagya niyang iniangat ang ulo para masilip ang kabilang parte ng kama. "Oh, tignan mo, ang laki pa ng space sa kabila. Tsk." Nanggigigil siya sa walangya. Gusto niyang i-uppercut para lumuwag ang side ng kama niya.
Tapos gusto pa nitong magsama sila sa iisang bahay? Papayag lang siya kapag dalawang king size bed ang nasa kuwarto nito. Napabuga siya ng hangin. Akmang aalisin na rin sana niya ang brasong nakayakap sa kanya nang may marinig siyang mahinang ungol at bulong mula kay Santillan.
"Mama..." he painfully whispered, brows creased.
Natigilan siya roon at napatitig sa malungkot na ekpresyon ng mukha nito kahit na nakapikit.
"Mama..." bulong ulit nito. "Mama... huwag... huwag mo kong iwan..." Kinailangan pa niyang ilapit nang husto ang mukha para marinig nang malinaw ang mga salitang lumalabas sa bibig nito. "Mama..." He looked restless and in pain. Nag-alala tuloy siya.
Vel gently cupped his face. "Shshs... it's okay."
"Mama..."
Pinadaanan niya ng isang kamay ang magkasalubong nitong mga kilay. "Word," bulong niya rito. "It's okay. I'm here." Humigpit ang yakap nito sa kanya. Hinayaan niyang isubsob nito ang mukha sa kanyang leeg. "It's fine. Matulog ka muna." Hinagod niya nang marahan ang buhok nito.
"Huwag mo kong iwan..."
Nakaramdam siya ng bigat sa puso niya. Those words sounded painful in her ears. Narinig na rin niya ang mga salitang 'yon noon at ayaw na ulit niyang sabihin 'yon.
Pero bakit ganito si Santillan? May nangyari ba sa kanya noong bata siya? Nalayo ba siya sa Mama niya?
Lalo lamang nitong isiniksik ang sarili sa yakap niya.
"Shsh," alo niya rito. "Nandito lang ako. Hindi kita iiwan," bulong niya ulit kay Santillan dahil masyado itong restless. Tumalab naman dahil ramdam niya ang pagkalma nito. Lumuwag na rin ang pagkakayakap nito sa kanya at muling bumalik ang marahan na paghinga nito.
Mukhang may hindi sinasabi sa kanya si Santillan.
BUMABA na rin si Vel pagkatapos masiguro na mahimbing na ulit na natutulog si Santillan. Maaga pa naman. In fact, ay kaka-alas-sais pa lamang ng umaga. Pero maagang nagigising ang Mama at Tito Pear niya. Naabutan na nga niyang nagkakape sa kusina at kumakain ng bihon na ipinalaman sa pandesal ang dalawa. Natatakam siya sa kinakain ng dalawa lalo na sa kape. Pero iniiwasan niya talaga ang kape. Kapag talaga nanganak siya ay isang pitsel ng iced coffee iinumin niya. Walang makakapigil sa kanya.
Hindi naman yata talaga masama ang kape. May mga buntis pa namang tumutungga ng kape pero alam niyang masama talaga kapag na sobrahan. Kaso sa kaso niya. Adik talaga siya sa kape kaya mas mabuting pigilan na niya bago pa siya mabaliw.
"Vel, kain," aya ng Mama niya nang makita siya. "Asawa mo?"
Kumunot ang noo niya. Tawang-tawa naman si Tito Pear sa tabi ng Mama niya.
"Asawa ka riyan," kontra niya sa Mama niya.
Ngumisi si Matilda. "Ay hindi pa ba? Akala ko official na kayo eh."
"Paladesisyon talaga 'tong Mama mo, Vel," singit ni Tito Pear, nakangisi rin habang isinasaw-saw ang pandesal sa kape. "Mana sa'kin."
"Pareho kayong paladesisyon," aniya. "Kaya nga kayo magkapatid." Parehong natawa ang dalawa sa kanya. Sumilip naman ang ngiti sa mukha niya. "Nga pala, may sasabihin ako." Humila siya ng silya sa katapat ng Mama niya at naupo roon.
"Saan muna asawa mo?" tanong ni Tito Pear, nakangisi pa rin.
"Hindi n'yo talaga ako titigilan na dalawa, ano?"
Sabay na umiling ang dalawa.
Napabuga siya ng hangin.
"Natutulog pa," sagot niya. Pigil na pigil ng dalawa ang ngiti. Kawawa ang pobreng pandesal na hawak ng Mama niya. Bibigay na ang bihon sa pagkakahawak nito. Tito Pear hid his smile behind the cup of his coffee. "Mga mukha n'yong dalawa. Alam kong shipper kayo sa'ming dalawa."
Tawang-tawa sa kanya ang dalawa. Nako, magkapatid talaga. Halos parehong mag-isip. Napailing na lang si Vel. Ano pa bang magagawa niya? Sinagot naman na niya si Santillan at nakapagdesisyon na rin naman siyang hahayaan na niya ang sarili na mahulog ang loob sa kanya. Ano pang silbi na naging sila kung magmamatigas pa siya? Kagagohan lang kung magpapakipot pa siya.
"Ma, Tito Pear," simula niya ulit. "Hihingi sana ako ng advice sa inyo." Titig na titig ang dalawa sa kanya, nakikinig. Good. Nakakatamad din mag-explain nang paulit-ulit. "Bilang matatanda –"
"Ang bastos talaga ng batang 'to," react ng Mama niya.
Doon natawa si Vel. "Teka nga!" Tawang-tawa siya. 'Langya 'yan. "Ma, naman eh."
"Iba ang tabas ng bibig," sulsol pa ni Tito Pear. "Hindi na tayo ginalang na matatanda – aray!" Lalo siyang natawa nang akmang sasabunutan ng Mama niya si Tito Pear kaso kalbo pala ito kaya hinampas na lang ng Mama niya ang braso nito.
"Mag-wig ka nga Shakespeare at wala akong masambunot sa'yo kapag nabubwesit ako."
Tawa nang tawa ang Tito Pear niya. "Bahala ka sa buhay mo Matilda."
"Tama na nga 'yan," awat niya sa dalawa. Masakit na rin ang panga niya kakatawa. Feeling niya mapapaanak siya nang maaga. Hindi puwede. Wala pa siyang panggatas at diaper. "Seryoso nga ako. Ito, kailangan ko talaga ng opinyon ninyo."
"Tungkol saan ba?" tanong ng Mama niya.
"Tungkol sa'min ni Santillan." Vel paused. "Nag-usap kami kagabi. Inaya niya ako na magsama kami sa iisang bahay." Parehong natahimik ang dalawa – titig na titig sa kanya. "Anong masasabi n'yo?"
"Alam mo, anak," simula ng Mama niya. "Wala namang problema sa'min ng Tito Pear mo kung papayag ka. Matanda ka na para magdesisyon para sa sarili mo at alam ko na mas pinatatag ka ng nangyari sa'min... ng Papa mo... ng ginawa niya sa'tin. Alam ko na pag-iisipan mo 'to nang mabuti kaya malaki ang tiwala ko sa mga desisyon mo." Her mother warmly smiled after.
"Saka, Vel, katapat lang naman ng bahay natin ang paglilipatan mo kung sakali," dagdag ng Tito Pear niya.
Natawa siya. "Tito Pear talaga oh."
"Totoo naman! Aba'y mag-re-react ako kung dadalhin ka niya sa ibang planeta. Pero kaya namang bilangin ng meter stick ang layo kaya kere na." Ngumiti rin ang Tito niya. "Saka mabuti na rin 'yon. Mas makikilala n'yo pa ang isa't isa dahil titira na kayo sa iisang bahay."
"Pero, anak, may pag-asa ba talaga si Word?" May napansin siyang pag-aalala sa mukha ng Mama niya.
"May pag-asa 'yan. Idinasal ko na 'yan sa lahat ng mga namayapang pamilya natin simula sa panahon nila Adan and Eba." Natawa na naman siya sa sinabi ng Tito Pear niya. "Kapag may ahas na umaligid ay buhusan ko agad ng muriatic acid."
"Tuhugin ko pa ng stick," dagdag pa ng Mama niya. "Aba'y hindi ako papayag na maagrabyado ang anak at apo ko. Hindi na mauulit ang nangyari sa'kin sa anak ko. Hindi ako papayag."
Napangiti siya sa sinabi ng Mama niya. Kahit na may pagkakataon na natatakot siyang masanay sa pag-aalaga ni Santillan ay iniisip niya na walang patutunguhan ang lahat kung lagi niyang lalagyan ng negatibong ideya ang mga ginagawa ni Santillan para sa kanya. She should just trust him.
HINATID ni Vel si Santillan sa labas ng bahay. Hindi na sa mismong tapat ng bahay nito. May paa naman ito. Kaya na nitong umuwi mag-isa.
"Maaga ka ba uuwi mamaya?" tanong niya.
"Hindi." Napakamot ito sa dulo ng isang kilay nito. "Ako magsasara ng TADHANA mamaya saka may tatapusin akong importante sa opisina. Natambak na naman 'yon." He chuckled. "Bakit?"
"Wala naman."
He smirked. "Mamimiss mo ko?"
Vel grimaced. "Mukha mo."
Tumawa ito. "Hirap mo talagang lambingin." Iniangat nito ang kamay para guluhin nang marahan ang maikli niyang buhok. His smile remained on his face. "Dadaan ako sa bahay n'yo pag-uwi ko. May pasok ka na, 'di ba?"
Tumango siya.
"May ipapabili ka sa'kin?" malambing nitong tanong. Ang sama pa rin ng tingin niya kay Santillan. Natawa tuloy ulit ito sa kanya. "Mahal naman, may araw ba na hindi masama ang loob mo sa'kin?"
"Wala!" Lalo lang itong natawa sa kanya saka sumimple ng halik sa kanyang noo. "Nga pala, tungkol sa pinag-usapan natin kagabi. Nakausap ko na sila Mama kanina."
"Anong sabi nila?"
"Ako pa rin magdedesisyon."
He chuckled. "Kaya nga ikaw ang tinanong ko."
Kumunot ang noo niya rito. "Anong ibig mong sabihin?"
"Nagpaalam na ako sa kanila. Sabi nila, ikaw kausapin ko kasi hindi naman daw sila ang ibabahay ko. Sa tingin mo ba hindi ako magpapaalam sa kanila?"
"Gago! Bakit 'di mo sinabi agad?"
"Gusto kong mag-overthink ka –" Sinuntok niya ito sa braso. "Oh – shit!" Pinanlakihan siya nito ng mga mata.
"Isa pang ganyan, Santillan. Hindi kita ipapakilalang ama sa anak natin."
Ngumisi ito habang hinihimashimas ang nasaktang braso. "Okay lang, ipapakilala ko na lang ang sarili ko sa anak natin bilang mabuting kapitbahay." Nakagat nito ang ibabang labi kakapigil ng ngiti. "Isang mabuting kapitbahay ng Mama niya."
"Kapitbahay na huwag na huwag niyang kakausapin."
Tumatawang iniyakap nito ang mga braso sa baywang niya. Pinanlakihan niya agad ng mga mata si Santillan.
"Hoy!" sita niya rito. "Nasa labas tayo." Pasimple niyang iginala ang tingin sa paligid. Nakahinga siya nang maluwag dahil wala namang tao.
"Hayaan mo na silang pagchismisan tayo para hindi na sila magulat kapag lumaki na ang tiyan mo."
Ibinalik niya ang tingin dito, naniningkit ang mga mata. "Gustong-gusto mo talagang pag-usapan tayo rito."
"Pinag-uusapan naman na tayo rito." He chuckled. "Hindi kalang lumalabas. Masyado kang naka-focus sa pagpapayaman mo."
"Mas importante sa'kin ang pera."
"Mas importante sa'kin ang sagot mo sa tanong ko sa'yo kagabi."
"Napag-isipan ko na."
"At?"
"Okay."
Sumilay ang ngiti sa mukha nito, he looked so proud. "Na sa'kin ka na?" Tumango siya without thinking kaso na realized niya after a while na may ibang meaning pa ang tanong nito. Na confirm niyang tama siya dahil ang pilyo ng ngiti nito.
"Hoy!"
"So kailan ka lilipat?" tanong nito, disregarding her reaction.
"Hindi agad-agad dahil may trabaho pa ako. Baka nakakalimutan mong magkaiba oras natin. Gising ako sa gabi. Tulog ako sa umaga."
"We can work on that."
"Pero wala naman ako gaanong dadalhin sa bahay mo. Mga gamit ko lang sa trabaho at mga damit. Maayos ko 'yon sa weekend pa – sa day off ko."
"You can use my office at home. Hindi ko naman 'yon masyadong ginagamit."
"Naks!"
Natawa ito. "Seryoso nga."
"Okay." Napangiti siya. "Pag-usapan natin siguro mamaya."
"Sige mamaya." He lowered his face and planted a short kiss on her lips. Nagulat na naman siya doon. Masyado na silang public display of affection. "Uuwi muna ako," anito nang maglayo ang mga labi nila.
Bigla niyang naalala ang eksena kanina. Gusto niya sanang itanong kaso mukhang hindi nito naalala ang nangyari.
"Sige na, lumayas ka na sa harapan ko Santillan."
Natawa lang ito.
Hahanap na lamang siya ng tamang timing para itanong ang tungkol doon.
Pinakawalan na siya nito at nakaharap pa rin sa kanyang naglakad palayo. Hindi niya tuloy maalis ang tingin at baka mabundol pa ng sasakyan ang loko or pedicab. Namulsa ito at tumalikod na sa kanya pero bigla itong humarap ulit – tinakbo ang maliit na distansiya para makalapit sa kanya. Agad nitong hinawakan ang magkabila niyang mukha at hinalikan siya sa mga labi.
Naipikit na lamang niya ang mga mata at tinugon ang malalim na halik nito sa kanya. Hiningal siya nang bahagya nang maglayo ang mga labi nila. Pagmulat niya ng mga mata ay nakatingin pala ito sa kanya, hinihintay siya para magtama ang mga mata nila. Lumitaw ang ngiti sa mukha ni Santillan.
"Message me kung gising ka na. I'll call." Sinapo nito ang likod ng kanyang ulo para mahalikan siya sa sintido.
"Umalis ka na nga," may inis nang pagtataboy niya rito.
Tinawanan lang siya nito.
Naiinis siya na natutuwa. Kilig ba 'yon! Ewan, hindi naman siya tao noong wala pa si Book sa buhay nila. Hindi siya nakakaramdam ng kilig. Alien yata siya.
He bent down and planted his hands on her hips para halikan ang umbok ng tiyan niya na hindi naman halata sa malaki niyang T-shirt.
"Behave Book," kausap pa nito sa tiyan niya.
Tumayo na ulit ito nang maayos, ang lapad pa ng ngiti at nangingislap ang mga mata. Looking at his face now. Hindi niya talaga maiisip na may problema itong si Santillan. Pagdating kay Santillan ay automatic na sa kanya ang pag-a-assume na walangya ito. Pero ngayon, gusto na niyang kilalanin nang husto ang ama ng anak niya.
Ngumiti siya. "Mag-message ka sa'kin kapag nasa TADHANA ka na. Mag-re-reply ako kapag gising ako. Pero kapag wala kang nakuhang reply, malamang tulog na ako."
Tumatawang tumango ito.
"Sige na, lumayas ka na. Paulit-ulit na tayo rito. Kinikilabutan na ako."
Pero hindi naman 'yon totoo. Weird man para sa kanyang i-admit ay gustong-gusto niyang makita lagi si Santillan. Medyo nakakakaba na 'yon.
"Mamaya ulit."
"Mamaya."
Pero wala pa ring umaalis sa kinatatayuan nila.
"So, hanggang kailan ang mamaya n'yong 'yan?" Boses 'yon ni Spel.
Pagbaling ni Vel sa nagsalita ay ganoon na lang talaga ang gulat niya. "Tang'na!" napamura siya.
Paano ba namang hindi? Hindi lang pala ito nag-iisa. Kasama pala nito ang iba nilang kapitbahay na may hawak pang mga walis, mug, at may kumakain pa ng pandesal.
"Bye!"
Hindi na niya tinignan si Santillan. Mabilis siyang pumasok ng bahay. Napangiwi siya. Walangya, talaga! Simula nang magkashota siya ay puro na lang kahihiyan natatanggap niya.
PAGBUKAS ni Vel sa malaking closet sa kuwarto ni Santillan ay halos wala nang laman. Exag naman ang walang laman. Pero half of his closet were emptied. Naibaling ni Vel ang tingin kay Santillan na nakaupo na sa sahig, nilalabas ang mga damit niya sa maleta niya.
"Saan na mga gamit mo?" may pagtatakang tanong niya rito.
"Inilipat ko sa kabilang kuwarto."
"Sa dami no'n."
He chuckled. "Hayaan mo na. Ganyan naman talaga kapag nagsasama. Nagsi-share sa gamit. Ako na nag-adjust. Kakahiya naman sa'yo."
"Gago!"
Lalo itong natawa. "Baka sabihin mo pa kinakawawa kita rito."
Sinamahan niya si Santillan sa pag-upo sa sahig. Maayos naman ang pagkakasalansan ng mga damit niya at sobrang OC pa nitong si Santillan humawak. Ayaw nitong nagugulo.
"Aware ka namang adik ka sa kalinisan at kaayusan, 'no?"
"Ayaw ko lang ng kalat."
"Makalat ako. Hindi ka maiinis sa'kin?"
"Maiinis, malamang."
Natawa siya sa kawalan ng emosyon ng mukha ni Santillan. He don't seem mad, normal lang na ekspresyon ng mukha - 'yong klase na walang ganap sa buhay.
"Ini-expect ko na sasabihin mo na hindi kasi willing kang mag-adjust sa'kin."
Natawa na ito this time. "Willing akong makipag-compromise. Pero hindi ako magbibitaw ng mga mabulaklak na pangako na hindi ko rin matutupad. Basta maiinis ako kapag nagkalat ka sa bahay."
"Hindi mo ako papalayasin?"
"Paglilinisin kita."
Doon siya natawa. "Eh, buntis ako."
"Oh, 'di ako maglilinis tapos kapag malakas ka na ulit. Ikaw na maglinis."
"Grabe!"
"Puwede naman tayong mag-hire ng maid para hindi ka na mahirapan. Kausapin ko na lang si Ate Telma, siya ang tagalinis ko rito sa bahay. Matagal na rin siya pamilya namin. Wala namang problema kina Mama kung kukunin ko siya para may katulong tayo sa bahay. Tutal wala naman ako lagi sa bahay at busy ka rin naman."
"Hati na lang tayo sa pagpapasahod sa kanya – "
"Hindi na. You keep your salary for yourself or if you want to keep a portion of it for Book. Walang problema sa'kin."
"Madami akong pera. Gusto mo itambak ko lang?"
Natawa na naman ito. "Oo kasi madami rin akong pera."
"I'll give my share. Hindi puwedeng ikaw lang ang aako ng lahat. Kahit kaunti lang magbibigay ako. Hindi rin naman malaki ang maibibigay ko kasi nagbibigay rin naman ako kay Mama at Tito Pear kahit ini-insist nila na huwag."
"Malaki kita ng Matilda's?"
"Noong una matumal pero ngayon dahil nga sa social media ay dumami na mga customers namin. Sa totoo nga niyan ay balak kong dagdagan ang in-invest ko sa negosyo naming tatlo at mag-focus na lang doon."
"Mag-focus? Meaning mag-re-resign ka?"
"Balak ko nang mag-resign bago pa dumating si Book. Malaki na rin naman naipon ko sa VA kasi nga under agency naman ako. I'm required to work for eight hours a day at may mga bonuses pa kami. Pero hindi pa 'yon sure noon dahil nga sayang ang trabaho ko. Pero ngayon, desidido na akong mag-resign. I don't think kakayanin kong magtrabaho ng eight hours a day kung balak kong maging hands on kay Book. Ano, gising ako 24 hours a day?"
Natawa si Vel pagkatapos.
Pero pinag-iisipin din niyang mag-part time kapag nagkaroon na siya ng oras. Malaki pa rin naman ang kita.
"Alam mo, hindi naman kita pagbabawalan na magtrabaho if that will give you the satisfaction in life. Malay ko bang pangarap mo talagang palitan si Bill Gates."
"Adik!"
Pareho silang natawa sa isa't isa.
"Totoo," pagpapatuloy ni Santillan. "Saya kaya na may asawang bilyonaryo. Magbabakasyon na lang kami lagi ng anak natin."
"Tapos iiwan n'yo ako magtrabaho mag-isa."
Ngumisi ito. "Oo kasi ginusto mo naman 'yan." Binato niya ito ng damit. Tawa ito nang tawa. "Oh, bakit?"
"Simple lang naman pangarap ko sa buhay. Actually, hindi ako naghahangad na yumaman ako. Gusto ko lang na may bahay ako, nabibili ko ang gusto ko, at may makakain kami. In short, peace of mind ang gusto ko."
"Let me guess. Hindi kasali roon ang mag-asawa."
"Hindi." Natawa siya. "Wala nga akong balak manlalaki. Pero gusto ko ng anak. Kahit isa lang."
Santillan chuckled. "Kaso anak at asawa nakuha mo."
"Unfortunately may kasamang ama ang bata."
Napamaang si Santillan. "Ito, napaka-ungrateful talaga."
"Eh, sa hindi ko naisip na ikaw ang magiging ama ng anak ko."
"Kahit kailan hindi ka nagka-crush sa'kin?"
"Hindi."
"Sure?"
"Hindi nga. Gago! Naiinis ako sa'yo kasi napakababaero mong walangya ka. Pero aminado ako na guwapo ka nga."
Lumapad ang ngiti ni Santillan. "So, nagaguwapohan ka nga sa'kin matagal na?"
Napasimangot siya. "Unfortunately."
"Langya, alam mo ba, hindi ko naisip na mapapansin mong guwapo ako."
"May mata pa rin naman ako. Luh."
Tawang-tawa ito. "Pero hindi mo inaamin sa iba na guwapo ako?"
"Oo, bakit ba? Sa'kin na lang 'yon."
"Sige dahil umamin ka." Umayos muna ito ng upo. "Nagagandahan talaga ako sa'yo dati pa." Literal na namilog ang mga mata ni Vel sa sinabi ni Santillan. "Medyo mahaba pa ang buhok mo noong una kitang makita. Naalala ko, binati kita. Sabi ko, hi. Kaso nilagpasan mo lang ako at lumapit ka kay Spel."
Kumunot ang noo niya. "Hala, kailan 'yon? Wala akong naalala."
"Sure? Hindi mo sinasadya?"
"Gagi! Hindi. Saka, wala talaga akong pakialam sa paligid ko."
"Pangit talaga nito maging kapitbahay."
Natawa siya sa pagkakataon na 'yon. "Kailan 'yon? Bagong lipat ka pa?" Tumango si Santillan. "Hindi ko tanda. Saka alam ko lang tapos na ang bahay sa katapat pero hindi ko alam ikaw 'yon. Nakilala lang kita nang magsimula ang chismis tungkol sa'yo."
He raised an eyebrow. "Chismis?"
"Oo, na may guwapo nga raw na bagong lipat. Sa totoo lang, hindi naman ako naiinis sa'yo noong una. Siguro nang tumagal kakapaniwala ko sa fake news in-judge agad kita." Natawa siya. "Ma pride rin ako eh. Malaki rin ego ko. Kapag na verify ko na mali ako ay parang ayaw ko na lang talaga alamin ang totoo. Kaso nga, dami mong kalokohan noong nagtatrabaho na ako sa TADHANA. Doon ko nasabi na totoo naman palang fuckboy ka."
"Grabe!"
"Kaya huwag ako Santillan. Alam ko mga kalokohan mo."
Natawa ulit si Santillan. "Hindi ko naman sila pinagsasabay."
"May expiration date lang."
"I'm not gonna deny that. Guilty as charged. Hindi naman din ako naghahanap ng seryosong relasyon. Hindi rin ako nag-effort na magustuhan ang tao. As long as we're compatible in bed and she's not demanding more from me, magkakasundo kami."
"I wonder kung bakit ganyan ka? Ayaw mo bang mag-asawa? Paano kung hindi kami dumating ni Book sa buhay mo?"
He chuckled. "I don't know. Sa totoo lang, now that you've asked. Hindi ko na rin alam anong klaseng buhay ang mayroon ako kung wala kayo."
"Parang nasiyahan ka pang nabuntis mo ako ah."
Tawang-tawa ito. "My blessing in disguise in fact."
"May feelings ka na ba sa'kin?"
"Hindi ko alam."
"Anong hindi mo alam?"
"Ikaw ba may feelings ka na sa'kin?" Natahimik siya. Actually, hindi rin niya alam. Langya 'yan. "Alam ko na," he continued. "Hindi mo rin alam."
She drew a deep breath and exhale. Nahimas niya ang baba. Alam niya kung gaano ka seryoso ang mukha niya nang mga oras na 'yon. Malamang, mukha siyang naghahanap ng RRL sa thesis pero wala siyang mahanap.
"Para kang papatay riyan ah," puna sa kanya ni Santillan.
"Ina-assess ko ang feelings ko," seryosong sagot niya na hindi inaangat ang mukha kay Santillan – nag-iisip.
"Mag-o-overthink ka na naman diyan." He chuckled. "Don't worry, feeling comfortable with each other is already a good start at mukhang nagkakasundo rin naman tayo sa kama... so..." Marahas na naiangat niya ang mukha rito, matalim ang mga tingin. Nawala ang pilyong ngiti sa mukha ni Santillan. "Ang importante ay mahalaga."
"Basta ang alam ko, kaya ko nang mabuhay na kasama ka. Noon kasi, kulang na lang patirahin ko ang mambabarang sa bahay n'yo."
Ang lakas ng tawa ni Santillan. "Ang liit ng galit mo talaga sa'kin, 'no?"
"Oo, kasing liit ng pasensiya ko sa'yo."
"Buti na lang talaga nagkaroon ka ng character development, mahal."
Hindi pa rin siya sanay na mahal ang tawag sa kanya ni Santillan. Kinikilabutan pa rin siya. Anyway, alam niya namang masasanay siya. Cringe now, kilig later.
"Kailangan para umunlad ang Pilipinas," sakay na biro pa niya.
"Nga pala, bukas pupunta tayo kina Mama."
"Sa bahay n'yo?"
"Hindi sa bahay nila Nicholas –" Ibinato ni Vel ang medyas sa mukha ni Santillan. Tawa lang ito nang tawa.
"Saya mo ah."
"Naman, nandiyan ka eh."
"Yuck!"
"Yuck ka pa riyan, kaya mo na ngang mabuhay na kasama ako. Sa susunod niyan, hindi mo na kayang mabuhay na wala ako."
"Strong ako."
"Sana all."
"Uwi na ako."
Tumayo siya at tinalikuran na si Santillan. Dalawang hakbang pa nga lang nagagawa niya ay mabilis na siyang nakarga nito. Napasinghap tuloy siya sa gulat at naiyakap ang mga braso sa leeg nito.
"Santillan!"
There was a hint of naughtiness in his smile. "Hindi ka uuwi."
"Uuwi ako. Pangit mo kaus –" Nabigla siya paghalik nito. Napakurap siya nang maglayo ang mga mukha nila pagkatapos. Lalo lang naging pilyo ang ngiti ni Santillan. Malakas ang tibok ng puso niya pero hindi niya pinakita sa ekpresyon ng mukha niya – madilim na madilim ang tingin niya sa gago.
"May alam akong ibang magandang gawin bukod sa pag-aayos ng gamit na hindi ka maiinis sa'kin."
"Wala akong tiwala sa'yo."
He chuckled. "I'll give a short demo pero depende pa rin sa'yo kung gusto mong ituloy natin."
"Paanong demo ba 'yan?" Pigil niya ang ngiti.
Sasabunutan kita mamaya, Novela. Hindi na kita kilala.
Santillan smirked. "Take it or leave it?"
Vel paused.
"I'll take it," but decided to give it a go.
Bahala ka na sa buhay mo, Novela. Matanda ka na.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro