Chapter 22
"HINDI type. Hindi rin daw sila talo. Kapatid lang daw ang turing niya." Nicholas was suppressing his laugh when Word diverted his attention to his friend. Nakangising kinagatan niya ang binaon niyang shanghai. "Ano, na busog ba tayo, Santillan?"
Imbes na mainis ay natawa lang si Word kay Nicholas. "Gago!"
Sinamahan siya nito sa bahay niya para kunin ang dalawang wine na request ng Mama niya. Dadalhin niya sa bahay nila Vel. Nakuha na nila ang dalawang bote ng wine mula sa liquor cabinet niya but they didn't go back immediately.
Binuksan niya ang ref para ilabas doon ang ilang bote ng canned beers niya roon. Nicholas took those from his hand para maipasok sa malaking eco bag na hawak nito.
"You obviously like Vel," dagdag pa ni Nicholas.
Word chuckled. "May natatandaan ka bang hindi?"
"Now you're aware of your feelings."
"I liked her ever since. Kahit na inaaway niya ako. I find it challenging and amusing at the same time." He bent more para makuha ang isang muffin mula sa lalagyan niya sa loob ng ref. "I just didn't realize that it could grow into something more." Kinagatan niya ang hawak na muffin, tumayo nang maayos saka isinarado ang ref.
"Love?"
Isinandal niya ang kalahati ng katawan sa ref habang nakatingin kay Nicholas. "It's too early to say that, but trust me man." Napangiti siya. "Vel is very special to me. I wouldn't mind falling in love with her. But for now, we're just learning to understand each other more. Ayaw ko rin namang madaliin siya."
"I agree. Kaya ba wala pa ring date ang kasal n'yo?" Nicholas smirked, halata namang nang-aasar ang walangya sa kanya.
"Kapag may date na kasal namin. Hindi kita gagawing best man," asar na sagot niya sa kaibigan. Marahas na kinagatan na lang ulit niya ang hawak na muffin.
Nicholas chuckled. "Paano nga ba kayo ikakasal kung hindi ka naman nagpo-propose? May singsing ka na ba?"
Natigilan si Word. "Oh, shit!"
"Kita mo? Puro ka kasal. Wala ka naman sa gawa."
Natawa siya. "Baka isanla lang ni Vel."
"Gago!" Ang lakas din ng tawa ni Nicholas sa kanya. "Alam mo, kaya ka nabubugbog ni Vel dahil ang lakas mong mang-asar."
"Magpapabugbog na lang ako."
But deep inside, Word meant the other argument activity he and Vel did last night. Napangiti siya nang 'di sadya nang maalala ang kagabi. Man, that was intense.
"Ibang bugbog naman iniisip mo."
Natawa siya.
"Nga pala, nagpaalam sa'kin si Cha na uuwi na raw siya. Nagkausap na ba kayo? Masyado kang busy kanina kay Vel."
Nawala ang ngiti niya. "Binati niya ako kanina," kaswal na sagot niya.
"I was shocked to see her with Tito and Tita kanina. I was about to call you, but you're not picking up your phone. I'm a foot closer to ruining your parent's surprise for you."
"I forgot to charge my phone last night, but that's fine. Nahuli n'yo na kami ni Vel. There is no point."
Pareho silang natawa ni Nicholas.
"Anyway," anito pagkatapos, "how was it? Cha, I mean."
There was a look of concern in Nicholas face. Alam niya na mag-aalala ito sa kanya dahil hindi naman naging maganda ang huling pag-uusap nilang dalawa ni Cha noon.
"I'll talk to her one of these days, but not today," he answered reassuringly.
"Samahan kita kung gusto mo."
Natawa siya. "Sige Tay, sabihan kita."
Ang lakas ng tawa ni Nicholas sa kanya. "Alam mo 'yan."
Napailing na lamang siya. "Halika na, bumalik na tayo."
"Miss mo lang Novela mo eh."
Ngumisi siya at inakbayan si Nicholas. "Nakwento ko na ba sa'yong kami na?"
"Naks, sana all."
Word playfully tapped Nicholas' shoulder. "Buti na lang libre ang mainggit."
"Gago!"
"ANG daming ganap today pero wala man lang akong naabutan ni isa." Napabuga ng hangin si Spel. Silang dalawa na lamang ang nasa kusina. Nasa sala ang mga matatanda, nagkakaraoke. "Na-e-stress ako."
Halos lahat ng putahe ay inilagay ni Spel sa plato nito. Kakarating lang nito dahil may nilakad daw ito kaninang umaga. Alas dos na nga ng hapon. Mabuti at may natira pa sa mga pagkain. Sinadya rin talaga ng Mama niya na magtira para kay Spel.
"Saan ka ba kasi galing?"
"Inasikaso ko 'yong sa PAG-IBIG housing loan ni Mama Tee," sagot ni Spel, referring to her nanay-tito na si Theodoro. Ang pangalawa sa tatlong dyosa na nagpalaki kay Spel. "Alam mo naman ang 'sang 'yon masyadong malihim. Hindi nagsasabi na tatlong buwan na palang hindi nakakabayad sa loan."
"Sa bahay n'yo rito?"
Spel nodded. "Oo, ginawan ko ng paraan para makahabol ako saka para hindi na tumaas ang interes. Buti na lang malaki sahod ko ngayon sa pagsusulat pero mukhang kailangan ko na rin munang mag-part-time VA." Absentmindedly, kinagatan ni Spel ang hawak na shanghai. "Hindi pa ako kumakain simula kanina."
"Kumain ka na lang muna riyan. Saka, mamaya pag-usapan natin 'yang kulang mo. May pera naman akong maipapahiram sa'yo. Bayaran mo na lang kapag nakaluwag-luwag ka."
Naluluhang ibinaling ni Spel ang mukha sa kanya habang sumusubo ng carbonara. "Mamiii, totoo ba?" anito habang may laman pa ang bibig. "Kasi hindi ako tatanggi talaga."
Natawa siya. "Gagi!"
Itinigil muna nito ang paglamon.
"Alam mo ba kanina, kaunti na lang talaga, maghahanap na akong sugar daddy." Lalong natawa si Vel. Loka-loka talaga 'tong 'sang 'to. "Gusto ko sanang magpakasal dahil sa love pero dahil sa hirap ng buhay ay baka magkapakasal na lang ako sa lalaking madaming pera o sa lalaking may nanay na matapobre at magpapasampal ng sampung milyon."
"Magkaibigan talaga kayo." Sabay silang napatingin sa nagsalita. It was Santillan. He chuckled. "Lalaking madaming pera ba? Ito oh." Nakangising itinuro nito si Nicholas na katabi nito. Nicholas smacked his friend's back. "Aray!" daing pa ni Santillan.
"Huwag kayong magpapaniwala sa 'sang 'yan."
"Maniwala kayo," insist pa rin ni Santillan, tumatawa. "Pinsan niyan si Iesus Cloudio de Dios. The only heir of the de Dios real estate company. You guys know him right?"
Kilala nilang dalawa ni Spel si Iesus. Matunog ang pangalan ng anak ni Josef de Dios sa corporate industry kung saan dati silang nagtatrabaho ni Spel. Madami nga siyang naririnig tungkol kay Iesus. They said he was mysterious, strict, and intimidating. Mahirap din daw i-please ang isang Iesus Cloudio de Dios.
Pero tangina, pinsan ni Nicholas ang isang Iesus Cloudio de Dios?
Napatingin silang dalawa ni Spel sa isa't isa. Sa mukha pa lang ni Spel ay mukhang napamura na rin itong katulad niya.
"Seryoso?!" sabay nila Spel at Vel.
"Cousin sa mother's side. We don't talk a lot, but he's closer to Kuya Vier - Dr. Philip Xavier Gutierrez, magkapatid ang tatay namin."
Ibinaba ni Spel ang hawak na plato sa mesa at lumapit kay Nicholas. Hinawakan nito ang dalawang kamay ni Nicholas na may hawak pang green eco bag.
"Will you marry me?" biglang tanong ni Spel.
Literal na nanlaki ang mga mata nilang tatlo. Walangya ka Gospel Grace! Mukhang hindi ito nagbibiro dahil seryosong-seryoso ang mukha nito.
"Magaling akong magluto. Chismosa nga lang ako pero matipid naman ako kapag walang sahod. Maalaga rin ako. Ilan ba ang anak mo? Okay ako for expansion ng bloodline."
Doon na sila natawa ni Santillan. Pasimple namang itong lumapit sa kanya para iyakap ang isang braso sa baywang niya. She didn't react because she find the gesture comforting. Pero nagawa pa rin nitong abutin ang shanghai.
Naibaling ni Nicholas ang tingin sa kanila ni Santillan. "Seryoso ba 'to?" But before the two of them can react ay hinawakan na ni Spel ang isang pisngi ni Nicholas para ibalik ang tingin nito sa kanya.
"Sa'kin ka lang tumingin."
Lalo silang natawa ni Santillan. Gaga talaga ang 'sang 'to. Sobrang kapal ng mukha.
"Nicholas, yes or yes."
Biglang natawa si Nicholas. Gamit ng isang libreng kamay ay hinugot nito ang wallet sa likod na bulsa ng pantalon nito.
"Magkano ba kailangan mo para layuan ako?"
Ang lakas ng tawa ni Spel pagkatapos. Paano pa kaya silang dalawa ni Santillan? She didn't expect Nicholas to say and react like that. He didn't seem serious pero benta talaga sa kanya. Hawak na niya ang tiyan niya kakatawa.
Yawa! Ang laking plot twist ng ugali nitong si Nicholas.
"Yawa ka Nicholas, huwag mong palabasin ang anak namin nang maaga," tumatawang reklamo ni Santillan.
"Shuta ka!" Napalo ni Spel sa dibdib si Nicholas. "Ohh," namilog ang mga mata at malisyosang ngumiti, "tigas. Pero, walangya ka pa rin. Penge na lang sengkwenta. Pambili ng softdrinks." Naglabas ng isang libo si Nicholas. "Hoy! Ang laki naman, Dadeee!"
Lalong natawa si Nicholas. "Bili ka na lang nang madami pero siguraduhin mong hindi ka magkaka-diabetes."
"Keep ko na lang ang change." Nakangising ibinulsa ni Spel ang isang libo. "Salamat sa ayuda, Dadeee." Sa kanila naman ibinaling ni Spel ang tingin. Nakatingin ito sa braso ni Santillan na nakayakap pa rin sa baywang niya. "Sana all may jowa, 'no?"
"I remember someone said to me earlier," salita ni Nicholas. "Libre naman daw mainggit." Naniningkit na ang mga mata nito kakangiti.
"Alam n'yo bagay kayo," ni Santillan.
Lumapad ang ngiti ni Spel. "Gusto ko 'yan bff-in-law." She linked her arm to Nicholas'. "Nga pala, Nicholas. May sinasabi sa'kin si Tito Pear kanina," bulong nito pero naririnig pa rin nila. "May nakita ka raw kanina."
Napamaang silang dalawa ni Santillan.
Shit!
Demonyo namang ngumiti na ibinaling ni Spel ang mukha sa kanila.
"Hoy, Nicholas!" sigaw ni Santillan.
"Yawa ka!" she mouthed to Spel.
Ngumisi lang ito lalo. "Pangalawa sa'yo," Spel mouthed.
Ibinaling ni Nicholas ang tingin kay Spel. "Anong kapalit ng hindi pananahimik ko?"
"Nicholas Adam Gutierrez!"
"IT WAS nice meeting you, hija." Gumanti si Vel ng yakap sa ina ni Santillan, kay Tita Sarah. "No pressure, okay? The both of you can take your time."
"Thank you po, Tita."
Kumalas na ito ng pagkakayakap sa kanya but she held her hand, allowing a warm smile stretched on her face.
"Masaya ako na ikaw ang magiging mommy ng apo namin. I really like you, Vel... for my son. I know, he's annoying -"
"Ma," react ni Santillan.
Natawa lang silang dalawa sa mukha ni Santillan, parang batang naniningkit ang mga mata at nanghahaba ang nguso.
"Totoo naman! Saka ituloy mo ang pagpapakabait dahil magiging ama ka na. Bilisan mong mapa-oo si Vel para masimulan na namin ni Matilda ang pagplano ng kasal ninyo." Niyakap muli siya ng ginang. "Excited na kaming mag-bonding ni Vel." Napangiti si Vel.
Santillan chuckled. "Gusto mo lang ng anak na babae."
"Anak na babae at mga apo." Inihit ng ubo si Vel sa salitang mga apo. "Hija, are you okay?" Hinagod ng ginang ang likod niya. "Word, bigyan mo ng tubig si Vel."
"I'm fine." Itinaas niya ang kamay. "Nasamid lang po ako."
Pero hindi nakalagpas sa tingin niya ang pilyong ngiti sa mukha ni Santillan. She discreetly glared at him. She knew he was enjoying this.
"Anyway, we have to go," singit ni Tito Oscar, ama ni Santillan. "It's already late. Malayo pa ang b'yahe namin." Nakangiti ito sa kanilang lahat. "We enjoyed this day. Happy birthday ulit, anak."
"Salamat, Pa."
"Bumisita kayo sa bahay minsan," dagdag ni Tito Oscar, nakatingin sa kanya. "Let us know para makapaghanda rin kami."
"Sige po, Tito."
"Kung ayaw nila, ako na lang," singit pa ng Mama niya. 'Langya, gusto niyang busalan ang bibig ng Mama niya.
"Kami na lang," dagdag pa ng Tito Pear niya.
Isa rin 'tong Tito Pear niya. Magkapatid talaga.
Sa huli ay nagtawanan ang lahat maliban sa kanyang pilit ang tawa dahil mas stress siya. But at least, Santillan's parents were nice.
Okay, pakawalan na niya ang pangarap niyang masampal ng isang milyon. At mukhang unlimited milyones naman iaalok ng mga ito sa kanya.
"NAK NI -"
"Santillan," dugtong ni Santillan, tumatawa, amuse na amuse sa gulat sa mukha niya. Walangya, napahawak siya sa dibdib niya sa gulat talaga.
Mabuti na lang at nagbihis na siya sa loob ng banyo pagkatapos maligo. Hand towel na lang ang hawak niya na ginamit niyang pantuyo sa basang buhok. Feeling lang niya talaga ay dapat siya magbihis sa loob kung hindi ay sasakupin ng mga aliens ang planet earth.
"Bakit nandito ka na naman?!"
Halatang bagong ligo pa ang loko dahil medyo basa pa ang buhok at nakapantulog na. Plain offwhite shirt and dark pajama bottom.
"Dito ako matutulog."
Napakurap siya. "At bakit dito ka matutulog?"
"I got your mother's permission. She doesn't mind."
His lips pressed, fighting the urge to smile nautighly. Pero kahit hindi pa nabubuo ang ngiting 'yon ay wala na siyang tiwala sa kapilyon na mayroon ang mukha ni Santillan.
"Tutal sa kanya ka naman nagpaalam. Doon ka kay Mama tumabi." Lumapit siya rito at hinatak ito patayo sa braso. "Labas! I need space."
"You forgot my birthday."
Napabuga siya ng hangin. "Guilt tripping ka na naman."
"Oh, c'mon, Vel, promise wala akong gagawin. Matutulog lang talaga ako katabi ka." Nagtaas ito ng kamay bilang panunumpa. "Mananahimik lang ako. Para lang akong hangin. May trabaho ka ba ngayon?"
"Wala."
Kumunot ang noo nito. "Lunes ngayon ah."
Binitawan niya ang braso ni Santillan. "Nag-file ako ng emergency leave," pag-amin niya. Shuta, nagsinungaling pa siya. Pinagkanulo niya ang sarili makapag-leave lang ngayon. "Birthday mo eh," mahinang dagdag niya.
Paalam niya na masama ang pakiramdam niya. Partly, she was still a little sore from last night. Shuta 'yan! Ngayon lang siya binabalikan ng katawan niya kaya matutulog siya ngayon. No monkey business from Word Santillan.
Lumapad ang ngiti nito. "Talaga? Ginawa mo 'yon para sa'kin?"
Vel glared at Santillan. "Oh, baka tumaba na naman atay mo riyan. Ginawa ko 'yon dahil tinatamad ako pumasok at birthday mo naman."
"Okay, isipin ko na lang na tinatamad ka kahit hindi naman kasi ayaw mong umamin na gusto mo lang makasama ang boyfriend mo."
Masusuka yata siya sa mga pinagsasabi ni Santillan. "Kilabutan ka nga." Inabot niya rito ang hand towel. "Dry your hair."
Nakangiting tinanggap nito ang towel at sinimulang patuyuin ang buhok gamit no'n. Naupo siya sa gilid ng kama, mas malapit sa uluhan para madali lang niyang mabuksan ang unang drawer ng bedside cabinet niya. Kinuha niya roon ang nag-iisang ritual na pampaganda sa mukha niya. Ang mahiwagang aloe vera soothing gel.
Binuksan niya ang takip at inilapag 'yon sa itaas ng mesita saka nag-indian-sit sa kama. "Matutulog na ako after nito," basag niya habang nag-a-apply ng soothing gel sa mukha.
"Basa pa buhok mo."
"Oh, 'di hihiga muna. Mag-se-cellphone."
He chuckled. "Anyway, ano ba 'yan?" tanong ni Santillan.
"Sekreto kung bakit maganda ako."
Lalo itong natawa, but he looked amused. "Wow!"
Vel smiled smugly at him. "Okay lang maging stress basta clear skin."
Tawang-tawa ito. "Lagi ka pa namang stress sa'kin."
"Dami ko na ngang naubos." Hinarap niya si Santillan at hinatak ang arm sleeve nito para maharap siya nito nang maayos. "Lagyan kita."
"Puwede ba 'yan sa'kin."
"Kapag namatay ka ipapalibing kita."
Ang lakas ng tawa nito. "Ataya! Grabe ka talaga sa'kin, Vel." She brushed a finger of the soothing gel on his right cheek, smiling. "Malamig ah."
"It's refreshing and soothing. Ilang days lang na gamit, makikita mong may glow ang mukha mo." Naglagay pa siya nang madami sa mukha nito.
"Parang face mask lang din pala."
She nodded. "Oo, kaso sobrang magastos ng face mask."
He chuckled. "May itinatago ka rin pa lang pagkabanidosa, Maria Novela."
"Kaysa naman sa'yo," ingos niya. "Ang dami mong gamit sa kuwarto mo. Mas maarte ka pa kaysa sa babae."
"Puhunan ko ang mukha ko."
"Oo, dami mong nabubudol sa mukha mong 'yan."
"Pero kay Novela lang nagpaloko," he smirked, tilting his head lower to see her reaction. Medyo nakayuko kasi siya dahil isinali na rin niya ang leeg ni Santillan.
Inangat niya ang mukha rito, nagtama ang mga mata nila. "Magtigil ka."
Tawang-tawa ito. "Hindi talaga umuobra sa'yo ang mga ganito, 'no? Hirap mong pakiligin." He cupped her face, may gigil pa. "Buti na lang talaga ikaw si Novela."
She raised an eyebrow. "At kung hindi?"
"Hanapin ko pa rin ang Novela ko."
"Gagi."
Inabot niya ang takip ng soothing gel at isinarado na 'yon. Vel didn't bother tucking it back to the drawer. Ipinatong lang niya. Ibinalik niya ang atensyon kay Santillan.
"Patayin mo na ang ilaw. Inaantok na ako." She yawned. "Please."
Natawa ito. "Akala ko hindi ka na magpi-please."
Ngumisi siya rito. "Bastos lang ako minsan pero magalang pa rin naman ako."
Tumayo si Santillan para patayin ang switch ng ilaw sa gilid lang ng pintuan. Maliwanag pa rin naman dahil bukas pa ang piggy lamp shade niya sa bedside table. 'Yan lang iniiwan niyang ilaw minsan kapag medyo natatakot siya mag-isa. May mga gabi talagang kung saan-saan lang gumagala isip niya at napupunta sa mga aswang, white lady at kung anu-anong katatakutan.
He joined her in the bed and slipped under the covers with her. Akmang tatalikuran niya si Santillan pero nagawa nitong yakapin siya bago pa niya matalikuran ito. He held her tenderly in his arms, rested her head on his chest. Naramdaman niya ang paghalik nito sa kanyang noo.
Honestly, hindi niya alam niya ang mararamdaman nang mga oras na 'yon. He felt so warm and he smelled so nice. Bumuga na lamang siya ng hangin saka hinayaan ang sarili na i-enjoy ang init ng yakap ni Santillan.
She promised herself to give this relationship a chance at kahit ang weird nang lahat sa kanya kasi bago sa kanya. She will learn to get used to this.
"I hope I'm not making you uncomfortable," basag nito.
"Kaunti," pag-amin niya. "Hindi lang ako sanay na may lalaking yumayakap sa'kin sa kama." Mahina siyang natawa. "At isipin na may boyfriend na ako... at ikaw pa."
"This feels right but too surreal at the same time."
"Bakit?"
"Imagine a few months back, ni hindi tayo magkasundo at hindi mapagsama sa iisang lugar." He chuckled. "And now, we're having a baby and we're starting a real relationship with each other." He started caressing her hair. "If I'd be honest, I'm a bit scared."
"Hmm?"
"I'm scared to disappoint you."
"Kailan ba hindi ako na disappoint sa'yo?"
Natawa ito. "Mahal, naman!"
Pigil niya ang ngiti. "Totoo naman kasi, loko ka. Makapagsalita 'to akala mo naman sobrang anghel mo sa'kin." This time, she let her arms embraced him back.
"Seryoso ako."
Ipinikit niya ang mga mata. Inihilig niya nang husto ang pisngi sa dibdib nito at pinakinggan ang normal na tibok ng puso nito. Pero parang medyo bumibilis na 'yon.
"I don't need a perfect Santillan in my life. I just need your pure intentions and honesty. The rest, i-overthink mo na."
He kissed her temple. "Boring talaga ang buhay ko kapag hindi mo ako sinasabon, mahal."
Napangiti siya. "Ang weird talaga pakinggan na tinatawag mo akong mahal."
Santillan chuckled. "Nahuhulog ka ba lalo sa'kin?"
"Baka ikaw ang nahuhulog sa'kin, Santillan."
"I wouldn't mind. Sasaluhin ba ako ng aking Novela?"
"Mahuhulog ka na ba?"
"I think I'm almost there..."
"Hanapin ko lang ang push cart. Doon ka mahulog."
"Hindi sa'yo?"
"Ako naman nakahawak sa push cart. Okay na 'yon."
Natawa ito nang mahina. "Ang likot talaga ng isip mo."
"I'm unique."
"I know."
Naimulat niya ang mga mata nang maramdaman ang isang daliri nito sa kanyang baba. He gently lifted her face to meet his gaze. There is warmth in those eyes that reassured her. It made her smile.
"Oh, bakit?" tanong niya.
"Do you want to move in with me?"
Namilog ang mga mata niya. "Huh?"
"Sa bahay ko... tayong dalawa..."
Natawa siya. "Hoy, Santillan, magkapitbahay lang tayo."
"Oh, 'di kapag naglayas ka, malalakad mo lang."
"Loko ka -"
She wasn't able to finish her words, Santillan cupped her face and claimed her lips in a searing kiss. Ipinikit niya ang mga mata at gumanti ng halik. But when he parted their lips, she wanted more. But he only gave her a peck on her lips bago nito pinagdikit ang mga noo nila. He was enjoying this. She knew from the curved of mischief in his smile.
"I'm actually serious with us living together. Tignan natin kung hindi sasabog bahay ko."
Natawa siya. "Alam mo, abusado ka talaga. Kakasagot ko lang sa'yo kagabi. Naka-score ka pa sa'kin. Tapos ngayon, gusto mo akong ibahay. Wow, naman, Santillan."
He chuckled. "Nakalimutan mong i-mention na may Baby Book na rin tayo soon."
"Sinagad mo na eh."
"Alam mong willing na willing akong pakasalan ka sa lahat ng simbahan. Mag-oo ka lang."
"Nakakapagod ikasal sa lahat simbahan," biro pa niya.
"Ikaw talaga." Nanggigil na hinalikan nito ang tungki ng ilong niya.
Vel didn't realize she was already giggling in his arms. "Para kang tanga." Pinalo niya ito ng isang kamay sa likod. Tawa naman nang tawa si Santillan.
"Kailan ba ako naging matalino sa paningin mo?"
"Sabagay."
Pakiramdam niya ay hindi na siya makahinga kakatawa at kakangiti niya. Kay Spel, sa Mama niya, at kay Tito Pear lang siya ganito. She didn't know that she could enjoy a simple conversation with a Word Santillan. Akala niya puot, init ng ulo, at inis lang mararamdaman niya sa kanya, but the tables had turned and gave her another view to appreciate.
"Ano, mahal? You want to take this relationship to another level? Hmm."
He playfully kissed the shell of her right ear, medyo nakaliti siya roon kaya nailapat niya ang mga kamay sa dibdib nito to pushed him away, but he didn't allow her to move away. He held her securely in his arms.
"Huwag ka ngang halik nang halik," nakatawang saway niya rito.
"Bango mo kasi. Amoy baby."
"Johnson's baby cologne lang gamit ko."
Nangingislap ang mga matang ngumiti ito. "I love how you smelled. It's addicting, actually. Kahit na alam kong binuburaot na naman ang sarili mo." Natawa ito pagkatapos.
"At least mabango. Pero pag-iisipin ko muna," sagot na niya. "Kakausapin ko muna sina Mama at Tito Pear. I couldn't just decide on my own."
"That's fine with me."
"Maghintay ka."
He chuckled. "Kailan ka ba nag-adjust sa'kin?"
"Kaya nga."
"See?" He smiled smugly. "Let me know kung kailangan mo ng Power Point Presentation para makumbinse mo sila kung bakit kailangan nating magsamang dalawa. Ako na gagawa."
Natawa lang siya.
Nako, hindi na kailangan. Botongboto na sa'yo ang dalawang 'yon. Sila pa maghahatid sa'kin.
"Matulog ka na nga ang daldal mo."
Tinawanan lang siya ng loko. "Madaldal ka rin naman."
"Oh, edi, it's atay."
"Cute talaga nitong mahal ko."
"Yuck!"
"Hahaha!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro