Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21

LAKAD dito, lakad doon lang ang ginawa ni Vel habang naghihintay kay Santillan sa kuwarto nito na bumalik. Lumabas ito kasama ng mga magulang at mga bisita nito. She planted her hands on her hips. Hindi siya mapakali. Napatingin siya sa saradong pinto. Naka lock naman 'yon pero nag-o-overthink siyang baka may pumasok at komprontahin siya kahit wala naman siyang dapat i-explain.

Tang'inis 'yan! Kung bakit kasi sa ganoon pa kami naabutan ng mga magulang ni Santillan. Ang pangit talaga ng meet the parents naming dalawa. Shuta 'yan! Ah hindi.

Mabilis na tinungo niya ang pinto at marahas na binuksan 'yon. Hindi siya maghihintay. Uuwi siya at bahala na si Santillan mag-explain.

Akala niya ay makakalabas siya nang tahimik dahil wala naman siyang naabutang tao sa hallway sa second floor at maingat din siyang bumaba ng hagdan kaso napatingin sa kanya ang matangkad at magandang babae sa kanya nang dumaan siya sa sala. Napatayo ito, namimilog ang mga mata at napatingin sa kabuoang ayos niya.

Suot niya ang itim na T-shirt ni Santillan na hiniram niya kagabi. Hindi niya mahanap ang T-shirt niya. Ewan at saan pinatuyo ni Santillan. Buti nahagilap pa niya ang mga panloob at jogging pants niya.

Huminto lang siya saglit para tumango sa babae.

Hindi niya kilala ang babae at ngayon lang din niya ito nakita. Kung ano mang koneksyon nito kay Santillan ay ewan kung ano. Mas importante sa kanya ang makalayas. Akmang aalis na siya nang lumabas sa kung saan si Nicholas.

"Vel!" tawag nito.

Napangiwi siya, hindi naman siya nakaharap dito kaya hindi nito nakita ang naging reaksyon niya. Tipid ang ngiti na ibinaling niya ang tingin sa direksyon ni Nicholas. Hindi magkatabi ang dalawa pero nasa likod ng mahabang sofa si Nicholas kung saan nakatayo pa rin ang babae.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Nicholas.

"Uuwi. Pakisabi na lang kay Santillan bahala na siya sa buhay niya. Bye."

Walang lingon-lingon na dumiretso na siya sa main door, hinanap ang sapatos niya kagabi sa shoe rack at lumabas na nang tuluyan ng bahay pagkatapos maisuot ang sapatos. Ang sakit sa balat ng sikat ng araw. Parang walang ulan na dumaan kagabi.

Pagpasok niya ng bahay ay agad na sumalubong sa kanya ang Mama niya. May hawak pa itong mangkok na may pansit bam-i. Mukhang kumakain ito sa kusina at sinadyang sumilip dala ang kinakain nang may marinig sa may sala.

"Oh, Vel, ikaw lang mag-isa?" Lumapit ito sa kanya at ito na mismo ang naglapat ng likod ng kamay nito sa noo niya. "Saan si Word?" Napatingin ito sa may pinto pagkatapos. "Hindi mo kasama? Maaga pa naman akong nagluto ng bam-i dahil birthday niya ngayon."

Vel's forehead creased. "Ma, alam mong birthday ni Santillan ngayon?"

Ibinalik nito ang tingin sa kanya. Wala siyang nakitang gulat na reaksyon sa mukha ng Mama niya. Halatang hindi na ito nagtaka na hindi niya alam.

"Magtataka ako kung alam mo," sarcastic pa nitong sagot sa kanya. "Kaya nga pinayagan kitang mag-overnight kina Word. Pam-birthday ko na sa kanya." Ngumisi pa ang Mama niya sa kanya at sumubo ulit ng bam-i gamit ng tinidor. "Masaya ba ang birthday salubong n'yo kagabi?"

Lalo lang kumunot ang noo niya. "Maaa!" inis na niyang tawag dito. She tried her best to conceal her blush. Walangya, talaga! Naalala na naman niya ang mga ginawang desisyon niya sa buhay. "Bahala ka na nga riyan." Tinalikuran na niya ito at nagsimulang umakyat sa itaas. "Kapag hinanap ako ni Santillan sabihin mo na-i-flush ko na ang sarili ko sa inidoro."

Ang lakas ng tawa ng Mama niya. Naririnig niya kahit nasa itaas na siya. Pagkapasok na pagkapasok niya sa kuwarto ay mabilis na isinarado niya ang pinto at naisandal ang likod sa matigas na katawan ng pinto. Napahawak siya sa kanyang mukha at parang batang ipinadyak-padyak ang mga paa sa sahig.

"Yawa!" mahina pero may gigil niyang mura sa sarili. "Bahala ka na talaga, Novela. Harapin mo talaga 'yan. Lalo ka talagang malalagot kapag umabot ang eksenang 'yon kay Matilda at Pear."

Ayaw ko na mag-isip!

"WE didn't expect you will bring a woman in your house, hijo." Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang Mama niya. Although, his mother knew about his long list of flings. He may have seriously dated before but he couldn't last a month, mabilis siyang ma bore sa babae lalo na kapag nagiging demanding at clingy ito. At totoo, never siyang nagdala ng babae sa bahay niya. "I even thought she was a boy kasi maikli ang buhok."

Word chuckled. "Vel is just unique, Ma. But you will love her."

"Teka nga, anak," singit ng Papa niya. "Vel, you mean the Novela you onced told us na dati mong empleyado sa TADHANA pero mortal mo nang kaaway?" Bumakas ang pagtataka sa mukha nito. "Iisa lang ba sila? Kasi sa pagkakatanda ko. Isang Vel lang naman ang nabanggit mo sa'min noon."

Matalas talaga ang memorya ng Papa niya lalo na pagdating sa buhay niya. Hindi nga niya siguro napapansin noon or baka unconsciously madami na pala siyang naikukwento tungkol kay Vel.

"Yes, Pa. Iisa lang sila."

"Mukhang magkasundong-magkasundo na kayo ah," dagdag ng Mama niya. Halatang sinusubukan pa rin nitong unawain ang nangyayari sa mga oras na 'yon. "Tapos nag-ano –" Napahawak sa magkabilang pisngi ang Mama niya, namumula. "William Ordeal!" Pinalo siya nito sa braso. Hindi niya naman mapigilan ang tawa. "Dios kong bata ka. Ako ang nahihiya para sa inyo. Ikaw kasi eh." Ibinalik nito ang tingin sa Papa niya. "Dapat kumatok na muna tayo bago natin buksan."

Natawa lang ang Papa niya. "I suggested it earlier, mahal, pero ikaw ang mapilit."

"Edi sana pinigilan mo ako!"

"Pigilan? Eh, laging ikaw naman ang nasusunod."

Napapangiti na lamang siya habang nakatingin sa mga magulang niya. Edad at pisikal na anyo lang talaga ang tumanda sa mga ito pero hindi ang pagmamahal ng mga magulang niya sa isa't isa. Sana all, 'di ba? Lihim na lang siyang natawa sa isipin niya, but he knew those thoughts made him smile even more.

"You're smiling," puna ng Mama niya.

Napakurap siya at napatingin sa mukha ng mga magulang niya. "Hmm?" They had this innocent look on their faces. Madalas naman siyang nakangiti, but maybe there was something different in his smile this time.

Ngumiti ang Papa niya. "Are you in love, hijo?"

Ngumiti rin ang Mama niya. "I know that smile, anak. You're serious this time, aren't you?" Lumapit ito at niyakap ang isang braso niya. "Sabihin mo nga sa amin ng Papa mo. Girlfriend mo na ba si Vel?"

"I have no objection, ngayon pa lang, anak," dagdag ng Papa niya. "You know that I have been supportive of you. Maliban na lamang sa paibaiba mo ng mga girlfriend mo, but from what I'm seeing. You seem like... you really like this woman."

"And please don't misunderstood if itanong ko 'to sa'yo. I'm just curious. Kasi sabi mo nga iba si Vel and from what I remember. Hindi ba siya lesbian or tomboy?"

Natawa siya. "Alam mo, Ma, 'yan din ang iniisip ko noon... that we both like girls. Inaya ko pa nga 'yon mambabae. Kaso lalo lang nagalit sa'kin. Sinumpa pa ako. She may not admit it, but I know that she's still a woman... only disguised in men's clothing."

Nagpalitan ng tingin at ngiti ang mga magulang niya.

"And I have a confession to make."

Isa-isa niyang tinignan sa mukha ang mga magulang niya. Pigil niya ang ngiti dahil alam niyang magugulat talaga ang dalawa sa sasabihin niya. May kaparehong pagtataka sa mukha ng dalawa sa pagkakataon na 'yon.

"Ano 'yon, anak?" his mother asked.

He allowed a few seconds to dwell before he answered his mother.

"I'm going to be a father soon." Literal na nanlaki ang mga mata ng mga magulang niya sa kanya, halata ang pagkagulat. Word chuckled. Naaliw siya sa reaksyon ng dalawa. "Yes, Vel is pregnant with your first grandchild."

Doon na siya nabitiwan ng Mama niya at napasinghap. "Oh my god!" Naitakip nito ang mga kamay sa bibig. "William Ordeal Santillan, huwag na huwag mo kaming binibiro nang ganyan ng Papa mo!"

"Anak, totoo ba talaga 'yan?" kompirma ng Papa niya.

He nodded. "Yes, Ma, Pa. Vel is carrying our child."

WALANG naabutan na Vel si Word nang bumalik siya sa sariling kuwarto. Hinanap pa niya ito sa banyo pero wala rin ito. Nagpasya na rin siyang bumaba at baka nasa sala. Nakangiti pa rin siya kahit na noong makita siya nila Nicholas at Charlotte. He didn't expect Cha will be here. Akala niya ay nasa Paris pa rin ito ngayon... for good... kaya nagulat siya. He couldn't remember the last time they've talked with each other. At halatang medyo ilang din ito sa kanya. Tipid lang siyang ngumiti kay Cha bilang pagbati.

Kay Nicholas niya itinuon ang atensyon. "Saan si Vel?"

"Umuwi –"

Tumango lang siya. "Sige." Iniwan niya ang dalawa. Narinig pa niya ang pahabol na sigaw ni Nicholas sa kanya.

"Gago, kakausapin kita pagbalik mo!"

Tumawa ito pagkatapos.

Natawa lang siya pero hindi na niya nilingon ang kaibigan. "Mamaya! Gago ka rin."

"Mas ka!"

Pagkarating niya sa bahay ay sumalubong sa kanya si Tita Mati. Napangiti siya sa Mama ni Vel.

"Happy birthday, Word!" magiliw na bati pa nito sa kanya. "Kumain ka na ba? Kung hindi pa ay dito ka na kumain. Naghanda ako nang kaunti para sa'yo."

Lalo siyang napangiti. "Naks! Sweet naman ng future mother-in-law ko." Natawa lang ito sa kanya. "Mamaya po. Dumating kasi bigla ang mga magulang ko. Madami po ba kayong handa talaga? Kasya pa ba ang apat na additional?"

"Tigdadalawang subo na lang tayo para magkasya o kaya budburan ko ng asin para hindi maubos."

It was his turn to laugh. "Tita Mat, pinagbabawal 'yan na tiknik."

Alam niya ang pamahiin na ganyan. Hindi niya alam kung sakop ang buong Pilipinas sa paniniwalang kapag may fiesta o handaan budburan daw ng asin ang mga naka display na pagkain para hindi maubos.

Humagikhik ito. "Wala namang makakaalam. Tayo-tayo lang din."

"Sige, sabihan ko sina Mama. Ah nga po pala, ang anak n'yo?"

"In-flush na ang sarili sa inidoro."

Kumunot ang noo niya. "In-flush?" Natawa rin siya pagkatapos. "'Langya, kasya ba siya roon?"

"Utak niya siguro, oo." Lalo siyang natawa sa naging sagot nito. "Masama na naman timpla ng batang 'yon. Inaway mo na naman ba?"

"Kailan po ba gumanda mood ng anak n'yo sa'kin, Tita Mat?" biro pa niya.

"Sabagay. Sige, akyatin mo na."

"Sige po."



ISA-ISANG itinapon ni Vel ang mga damit na napili niya mula sa closet sa kama, may rahas pa dahil naiinis pa rin siya. Puting tuwalya lang ang nakatapis sa katawan niya pero may suot na rin naman siyang underwear maliban sa bra. Lumang damit niya naman ang pinang-wrap niya ng basang buhok na para namang may kakapitang buhok.

Ako lang ba talaga ng hindi nakaalala sa birthday ni Santillan? Simulang monologue niya sa isip. Si Spel alam niya. Si Mama. Si Tito Pear. Pati na rin daw buong subdivision alam na birthday ngayon ni Santillan. Shutaaaa! Bakit hindi ko alam? Bakit hindi ko matandaan man lang? Well, alam ko na August siya nagpapakain sa subdivision... mga middle or end of the month. Pero paki ba niya?

"Tama, Vel, okay lang 'yon," console pa niya sa sarili. "Hindi mo kasalanan. May puot ka pa noon kay Santillan. Saka wala pa siyang space sa buhay mo –"

"At ngayon may space na ako?"

"Yawa!" mura niya sa gulat.

Natawa si Santillan sa reaksyon niya at tuluyan nang pumasok sa kuwarto niya. Kanina ay ulo lang ang nakasilip sa pinto. Walangya, bakit hindi ko napansin na bumukas ang pinto? He closed the door behind him and walked closer at her direction, wearing that boyish naughty smile.

"Sana all nakaligo na," anito. Namilog ang mga mata niya at mabilis na naiyakap ang mga braso sa katawan. He let out a heartily laugh na sa gulat niya ay nagustuhan ng mga tainga niya. "Vel, honey, we've seen ourselves naked a lot of times. Kahit nakapikit ay sauludo ko na ang buong parte ng katawan mo –" Ibinato niya sa mukha ni Santillan ang nahatak niyang T-shirt mula sa closet. Tinawanan lang siya nito saka inalis ang T-shirt sa ulo.

"Huwag mo ko kausapin. Nabubwesit ako sa'yo."

He chuckled. "Na naman?"

"Lumabas ka muna at magbibihis ako," inis niyang utos dito.

"Tatalikod na lang ako." Tumalikod nga ito sa kanya. "Nakakatamad na lumabas. Saka, huwag ka nang mahiya. Tayo-tayo lang naman." He chuckled after. "Sige na, magbihis ka na."

"Hoy, Santillan, kilala kita. Huwag na huwag kang lilingon."

"Hindi nga. Kulit naman nitong si Mommy."

"Mommy ka riyan."

Natawa ulit ito. "Sugar mommy ko."

"Gago!" Inuna niyang isuot ang dark gray niyang sweat pants. "Hindi porke't girlfriend mo na ako ay aasta ka nang asawa ko."

"Ang ganda naman pakinggan na sabihin mong girlfriend na kita," nariringgin niya rito ang ngiti sa boses. "Pero tayo lang yata ang mag-boyfriend-girlfriend na nagkakasundo lang sa kama pero kapag sa normal na sitwasyon ay may civil war. Kalmahan mo naman na, mahal ko."

"Loko!"

Pero hindi niya mapigilan ang ngiti niya. Yawa, talaga! Hindi niya marendahan ang emosyon niya. Dati ay inis at puot hatid ni Santillan sa kanya. Ngayon ay iba na. Nakakakilabot na gustong-gusto niya.

"Kung ako lang din ay mas gusto ko nang huwag ka nang magbihis at i-lock na lang muna natin ang pinto para makapag-usap tayo nang maayos."

"Wala akong tiwala sa pag-uusap na 'yan, Santillan."

Inabot niya ang bra sa itaas ng kama. Wala sana siyang balak alisin ang tuwalya kaso kumalas sa pagkakaipit niya nang isusuot na niya ang bra. Medyo hirap din talaga siyang magsuot ng bra ngayon. Kailangan na niyang bumili nang bago.

Napasinghap siya nang maramdaman ang kamay ni Santillan sa likod niya. Naitigil niya ang pagho-hook ng bra nang tumulong ito sa kanya. Lumakas ang tibok ng puso niya at hindi na naman siya mapakali sa presensiya ni Santillan sa likod niya.

"Higpitan ko ba?" he whispered.

Napalunok siya nang maramdaman ang mainit na hininga nito sa kanyang leeg. "S-Sa... ano... hindi 'yong pinakauna." She even stuttered. Damn!

"Hindi na ba 'to masikip?"

Vel, kumalma ka. Si Santillan lang 'yan. Saway niya sa isip. Pero ibang bagay na ang tumatakbo sa isip niya nang mga oras na 'yon. Gusto niyang kutusan ang sarili. Naiisip niya ang nangyari kagabi. Maria Novela Martinez!

Nagising siya sa mga naiisip niya.

"Huh?" tanging reaksyon niya dahil hindi na niya maalala ang tanong nito sa kanya.

"Sabi ko, hindi ba 'to masikip?"

"Ah." Tumango-tango siya. "Medyo. Pero ngayon lang 'yan. Bibili pa ako nang bago."

"Ako na bibili. Alam ko naman na ang measurement mo." Natapos na ito sa pag-ho-hook ng bra niya nang harapin niya ito. Santillan was grinning from ear to ear. "Ilang beses ko ba naman 'yang –"

"Sige ituloy mo," banta pa niya.

He chuckled. "Basta, ako na bibili. Hayaan mong i-spoiled naman kita minsan. Alam kong mas mayaman ka pa sa'kin at hindi mo kailangan ng lalaki sa buhay mo pero bilang boyfriend mo at soon to be asawa mo na rin. Hayaan mo na ako. May pride din naman ako."

"Wala akong paki sa pride mo. Maglaba ka kung gusto mo."

Tumatawang hinagilap nito ang T-shirt niya at isinuot 'yon sa kanya. She was about to protest dahil kaya naman niya but he gave her the look. Hindi na siya nagmatigas pa dahil may kasalanan naman siya. Kinalimutan niya ang birthday nito.

"How did you even hide those beautiful breast from that piece of binder? Hindi ba 'yon uncomfortable sa'yo?"

Sa totoo lang ay hirap nga siyang itago ang dibdib niya. She won't deny the fact that she was gifted in that part. She had to hide it dahil ayaw niyang doon mapunta ang atensyon ng mga lalaki sa dibdib niya.

She hate the malice and lust she sees from those bastards. Kahit naman kasi wala siyang balak maging sex object ng mga lalaking malalandi ay siya na lang mag-a-adjust para sa mga ito. Gago rin kasi ang sistema ng mundo. Kapag nababastos ang isang babae. Laging babae ang nasisi at hindi ang mga hinayupak na mga lalaking puro kamanyakan lang ganap sa buhay.

"Mas comfortable ako roon." Inalis ni Santillan ang ipinambalot niya sa ulo at in-check ang hindi na gaanong basang buhok. "Huwag mo nang pakialaman ang buhok ko." Pinalis niya ang kamay nito. Natawa lang ito sa kanya.

"Nga pala, ipapakilala na kita sa mga magulang ko," pag-iiba nito.

Nakangiting hinawakan nito ang isa niyang kamay at hinila siya palapit sa gilid ng kama niya. Naupo ito sa kama at hinila rin siya paupo sa kandungan nito.

"Santillan!" na-e-eskandalong reklamo niya. Hindi siya nagpahila dahil ayaw niyang maupo sa kandungan nito. Shuta, ang awkward no'n para sa kanya. Pero may isang parte ng isip niya na pro-Santillan. Ah, talaga Vel? Tapos ilang beses kayong nagsiping ni Santillan kagabi?

He chuckled. "Huwag ka na mahiya. Hindi ba sinabi kong sasanayin kita sa relasyon natin? Vel, ganito ako maglambing. My love language is touch and skinship." Nagawa pa rin siya nitong maiupo sa kandungan nito. Siya naman sobrang stiff niya. Nakayakap na si Santillan sa baywang niya para lang hindi siya makawala. "I'm good with words, but I'm more into action." Pilyo pa itong ngumiti sa kanya.

"Ganito ba talaga kapag in relationship?" kunot-noong tanong niya. "Dikit nang dikit? Ano tayo glue?"

"Hindi naman, pero gusto ko lang nandiyan ka lagi sa tabi ko. So, relax. I'm not gonna do anything you wouldn't like."

"Wala talaga akong tiwala sa mga salita mo Santillan."

Natawa ulit ito. "Oh, c'mon, importante ang trust sa pagsasama, Vel. Ngayon pa lang, matuto ka nang pagkatiwalaan ako. We will argue more, that's for sure, but we will have to learn to compromise." Nakayakap pa rin ang isang braso nito sa baywang niya pero inaayos ng libreng kamay nito ang likod at mga balikat niya. "Relax."

"Hindi kasi ako sanay."

"Masasanay ka rin."

"Pagpasensiyahan mo muna ako. Mag-a-adjust din ako," malumanay na ang boses niya sa pagkakataon na 'yon. "Saka... ganito talaga ako... hindi ako sanay na nilalambing ng ibang tao bukod sa Mama at Tito Pear ko," parang batang amin niya.

Ewan kung bakit naging ganoon siya ka open at vocal kay Santillan sa nararamdaman niya. Ayaw na rin niyang bigyan ng problema 'yon. Tinatamad na siyang kalabanin ang sarili pagdating kay Santillan.

"Hindi lang sila ang mayroon ka ngayon. May space na nga ako riyan sa buhay mo. Dati wala, 'di ba?" He chuckled after.

"Edi wow."

"Big improvement na 'yan tutal nagsisimula pa naman tayo." Humaplos ang isang kamay nito sa umbok ng kanyang tiyan. "Sana maganda gising ng Baby Book natin. Hindi naman siguro natin siya nadisturbo kagabi, 'no?" Umangat ang mukha nito sa kanya, tawang-tawa.

Ramdam niya ang biglang pag-iinit ng mga pisngi. "Alam mo, ewan ko sa'yo."

"Nga pala, mahal."

Kumunot ang noo niya. "Mahal ka riyan."

"Hoy, kailangan natin ng tawagan." Tawa pa rin ito nang tawa. Siya ang nanakit ang panga sa tawa at ngiti ni Santillan.

"Oh, edi, Hoy na lang. Mahal ka riyan."

"Pangit mo naman karelasyon."

Napamaang siya. "Wow!"

"Ah, basta, mahal ang tawag ko sa'yo. Wala akong pakialam kung Santillan pa rin tawag mo sa'kin basta ikaw ang mahal ko."

"Ewan ko sa'yo!"

Pero deep inside kinikilig siya. Para namang alam nitong si Santillan ano talaga ang kahulugan ng mahal. But she will not demand love from him for now. As long as nagkakasundo sila. Hahayaan na lang niyang ang panahon ang sumuntok sa kanilang dalawa na mahal na nila ang isa't isa.

"Mabalik tayo, tungkol sa mga magulang ko."

"Sana okay pa ang impresyon nila sa'kin pagkatapos nilang makitang kumot lang ang nakatakip sa katawan ko kanina," sarcastic niyang sabi.

He chuckled. "Naka move on na sila. Alam na rin nila ang tungkol sa baby natin."

"Teka sandali. Hindi nila ako aalukin ng sampung milyon para layuan ang anak nila?" Tawang-tawa si Santillan kasi sobrang seryoso ng mukha niya. "Hoy, seryoso ako. Huwag mo akong tawanan."

"Grabe ka naman!"

"Hinihintay ko ang part na 'yon." Hindi na rin niya napigilan ang tawa. Pabiro niyang hinampas ito sa isang braso. "Pangit mo naman karelasyon, Santillan."

"Mahal, naman. Talagang ipagpapalit mo ako sa sampung million?"

"Bakit ba? Malay mo, increasan nila."

Humigpit ang yakap nito sa baywang niya habang nakatingin ito sa kanya. "Kaya kong higitan ang sampung milyon. Ano game ka?" He smirked.

"Anong kapalit?"

"You give up your last name and have mine for the rest of your life."

"Alam mo, matagal ko na talagang gustong palitan ang apelyido ko. Pero, kumbinsihin mo pa ako. Kulang pa ang pamba-bribe mo sa'kin. Ilabas mo na pandedemonyo mo."

"Sige, mag-iisip pa ako."

"So, anong reaksyon ng Mama at Papa mo?"

"They want us to get married for the sake of the baby. Pero sabi ko, hindi naman 'yon desisyon ko lang. Kung ako, okay lang sa'kin. Alam mo naman 'yan, 'di ba?" She nodded. "Pero hindi lang naman oo ko ang kailangan para sa ganyan. It should be a yes from the both of us. Baby Book's future is also important to me... to you... to us. Pero naisip ko na tama ka. We have to think about us before anything else. Otherwise, we wouldn't be able to provide a home for our children in where they can rest in our love and care. Paano natin mamahalin ang mga anak natin nang buo kung mismo tayo ay hindi handa at walang pagmamahal sa isa't isa?"

Hindi siya madalas nakikinig kay Santillan pero sa pagkakataon na 'yon he earned her respect and attention. She love what he said.

"Character development na ba 'yan?" biro pa niya.

"Seryoso ako." Pinisil nito ang ilong niya. "Kulit mo."

Natawa lang siya. "Ang seryoso mo kasi."

"Siyempre. Saka, huwag kang mag-alala sa kanila. May tiwala naman ang mga 'yon sa'kin at desidido pa rin naman akong maikasal ka sa'kin bago matapos ang taon."

"Libre lang naman mangarap."

"Gawin kong birthday wish."

Umasim mukha niya. "Guilt tripping!"

"Kahit na binigay mo na sa'kin ang birthday gift ko kagabi. Hihingi pa rin ako."

"Abusado ka talaga." Natawa siya. "Pero, pasensiya na kung nakalimutan ko. Hindi sadya pero wala talaga akong paki."

"Okay lang, mas magtataka ako kung naalala mo –"

She didn't let him finish his sentence. Iniyakap niya ang mga braso sa leeg nito at hinalikan si Santillan sa mga labi. Ewan kung bakit naisip niyang bumawi sa paghalik kay Santillan. Wala na rin namang point kung aatras siya. Balak niya sana na mabilis lang pero tinugon nito ang halik niya kaya lumalim ang halik nila sa isa't isa.

Their lips only parted for a few seconds, nakahinga lang silang dalawa nang kaunti bago ulit naglapat ang mga labi nila. His arms securely wrapped around her waist but he made sure hindi maiipit ang baby nila. 

But her mind was elsewhere – she was too consumed by their kiss. They seriously need to stop at baka saan na naman sila mapunta.

Nagitla silang dalawa nang biglang bumukas ang pinto. Agad silang naghiwalay at napatingin sa may pintuan.

Pakiramdam niya ay gusto na lang ulit niyang maglaho nang makita kung sino-sino ang nakasilip sa bukas na pinto. Ang Mama at Tito Pear niya at ang mga magulang ni Santillan.

Yawa!

Naisubsob niya ang mukha sa dibdib ni Santillan.

Lamunin nawa ako ng kalupaan.

"Ay, langya, sorry," boses 'yon ng Mama niya. "Hindi kasi naka lock. Akala ko nag-uusap lang kayo. Sige, ituloy n'yo lang 'yan. Huwag n'yo kami isipin. Lamok lang kami." Humagikhik pa ito. "Happy Birthday ulit, Word. Alagaan mo anak ko, ha? Kung hindi ikaw ipiprito ko."

Tawang-tawa si Santillan. "Salamat, Tita Mati. Labas na po muna kayo."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro