Chapter 19
PAGBUKAS ni Vel sa malaking closet ni Santillan ay bumungad sa kanya ang maayos na nakahanger nitong mga damit. Nakasalansan naman ang mga nakatuping damit nito at mukhang organized lahat sa loob ng closet pati na rin ang mga drawer sa ibaba ay walang umuusling mga gamit o medyas. Aba'y binuksan na rin niya ang isa pang closet na katabi lang no'n at bumungad sa kanya ang iba't ibang brand ng sapatos at sandals ni Santillan.
Naikiling niya ang ulo sa kanan. In-compare niya sa isip ang closet niya sa bahay sa closet ni Santillan. Mas dinaanan pa ng bagyo ang kanya. Pansin niya talagang may pagka-OC 'tong si Santillan. Masyado itong particular sa detalye ng kulay at klase. Pansin naman sa ayos ng bahay nito at pananamit.
"Sana all," bulong niya sa kawalan.
Isinarado na niya ang shoe closet nito at binalikan ang mga damit nito. Naghanap siya ng T-shirt doon. Natatagalan lang siya dahil pati brand ng mga damit nito ay tinitignan niya. Walangya! May mga tag pa 'yong iba. Ang mamahal ng mga damit kahit pambahay lang. Branded talaga lahat. Pamilyar siya sa mga pangalan na 'yon. Shuta, sana all.
Kinuha niya ang itim na T-shirt na napili niya dahil maluwag 'yon at malamig ang tela. Simula nang mabuntis siya ay masyado na siyang maarte sa katawan. Dati eh wala naman siyang pakialam.
Ngayon, umaastang anak ni Henry Sy ang Novela. At saka makapal naman ang mukha ko. Sabi naman niya eh pumili ako. Oh, edi itong pinakamahal na T-shirt suotin ko.
Itim madalas ang suot niya sa gabi. Madaming pamahiin ang Mama niya na hindi niya mahindian. Tulad na nga na dapat itim ang suot niya kapag natutulog o 'di kaya may under shirt or leggings siya na itim na kayang takpan ang umbok ng tiyan niya. Ang paniniwala ng mga nakakatanda, panlaban daw 'yon sa mga Aswang o mga Tiktik na madalas nagiging dahilan ng miscarriage.
Naisip niya na napakaimposible namang magkaroon ng Aswang sa village nila. Nasa syudad din naman sila. Pero noong may marinig na siyang mga lagutok sa bubong nila na parang may kung sinong hayop doon na naglalakad ay nagsimula na rin siyang maging paranoid para sa baby niya. Pati buntot ng pagi ay nasa may bintana na niya sa gabi. Nilalagyan pa niya ng mga asin at calamansi ang bawat hamba.
Hindi naman siya superstitious na tao pero pagdating kay Baby Book ay nagiging paranoid talaga siya. 'Langya, kahit ano na lang para sa kaligtasan ng anak ko. Suntukin ko talaga 'yang aswang na 'yan kapag nakita ko.
Hindi na siya pumunta ng banyo. Pinahinaan naman na niya ang aircon kanina. Hinubad na niya ang basang T-shirt at nagpunas muna ng katawan gamit no'n bago isinuot ang T-shirt. Walangya ang lamig pa rin. Reklamo niya pagkatapos makapagbihis. Hindi naman basa ang jogging pants niyang suot kaya okay na 'yon. Hanggang sa hita niya ang T-shirt at maluwag din ang manggas sa may braso pero malamig ang tela.
Inamoy niya ang may bandang kwelyo. Napangiti siya. Nababangohan talaga siya sa mga gamit ni Santillan. Pati pawis ni Santillan ay naamoy niya pero para pa ring perfume sa ilong niya.
Natigilan siya.
"Tang na luya!" mura niya. "Nababaliw na talaga ako. Puro na ako Santillan." Binitawan niya ang kwelyo at isinarado na ang closet bago naglakad sa direksyon ng kama. Sumampa siya roon at naupo sa gitna. Napapaisip pa rin siya. "Hindi na talaga 'to maganda," kausap niya sa sarili. "Delikado ka na, Vel."
Nagulat siya nang marinig ang pagbukas ng pinto. Agad na naiangat niya ang mukha sa direksyon ng pinto.
"Ang lakas pa rin ng ulan sa labas," basag ni Santillan. Isinarado nito ang pinto sa likod.
Napaisip ulit siya.
Masama talaga ang dala ng ulan sa kanilang dalawa ni Santillan. Lagi sila nahahantong sa sa sitwasyon na ganito - sila lang dalawa sa iisang lugar. At laging siya ang nauunang puntahan ito.
Napangiwi siya sa isip.
Walangya, Vel! Kaya ka nabuntis eh.
He joined her in the bed pero sa may baba ito ng kama humiga. Nakangiting ibinaling nito ang tingin. Naka-Indian sit na siya.
He chuckled. "Pamilyar?"
She knew what he meant. 'Yon din ang iniisip niya kanina. "Buti hindi tayo lasing," matabang niyang sagot.
Lalo itong natawa. "At matino tayong dalawa."
"Parang gusto ko na lang umuwi at pagsisihan mga desisyon ko sa buhay."
"Sa tingin mo pauuwiin pa kita? Nasanay na ako na nandito ka. Ipagpabukas mo na." Iniba nito ang posisyon - nahiga ito sideways paharap sa kanya habang nakapatong ang ulo sa kamay mula sa itinukod nitong siko sa kama. "My shirt looks good on you. Sexy mo tignan diyan, Vel." Ngumisi pa ito pagkatapos.
"Sexy? Naka T-shirt at jogging pants, sexy?" ingos niya. "In-expect mo siguro 'yong mga babaeng walang salawal sa baba at naka T-shirt lang o 'di kaya naka long sleeved polo."
Natawa si Santillan. "Ako mag-e-expect na maggaganyan ka? Walangya, Vel, hindi lang pagguho ang mundo ang kailangan para makita kitang nakaganyan. Second coming ni Jesus Christ ang kailangan ko."
Hindi niya napigilan ang tawa. "Gago!"
"Totoo naman ah!"
"Buhay pa ba tayo sa second coming?"
He chuckled. "Malay mo, 'di ba?"
"Sabagay, demonyo ka nga pala. Maabutan mo talaga."
Lumakas ang tawa ni Santillan. "Dami mo talagang bala pagdating sa'kin."
Sumakit na rin ang panga sa pagpipigil ng ngiti. "Manahimik ka na nga. Daldal mo."
"Ah, nga pala, Vel," bumangon ito bigla, "may naalala akong kanta na lagi kong naririnig sa TADHANA nitong nakaraang araw."
"Iniisip mo ako?" inosente niyang tanong.
He nodded saka inabot ang cell phone sa bedside table. "Araw-araw kitang iniisip." Hindi niya napansin na iniwan lang pala nito 'yon doon. "Dapat ba alternate lang?" nakangisi nitong tanong sa kanya.
"Ewan ko sa'yo!"
Pigil niya ang ngiti sakabila ng pag-iinit ng mga pisngi. Bakit siya kinikilig sa idea na iniisip siya lagi ni Santillan?
He chuckled. "Tinanong ko si Tina kung anong title no'n. Narinig ko naman na 'yon noon pero wala lang akong pakialam." Nakangiting ipinakita nito sa kanya ang screen ng phone nito. "Tignan mo ang screen wallpaper ko." Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang mukha niya roon. Kumakain siya ng spaghetti pero ang laki ng subo niya. Halatang stolen picture dahil hindi siya nakatingin sa harap. Mukha pa siyang lutang habang kumakain.
"Santillan!" she hissed.
"Ganda mo riyan. Damang-dama kong masayang-masaya ka."
"Gago ka talaga!"
"Hayaan mo na ako. Ikaw na lang nagpapasaya sa'kin nitong mga nakaraang buwan. Kapag dumadami problema ko sa TADHANA. Tinitignan ko 'tong mukha mo at naiisip ko na kapag nagpadala ako sa stress ay mas madami kang ibibigay sa'kin na problema." Tawa pa rin ito nang tawa kahit busy na ito sa pagkutingting sa cell phone nito. "Kaya I choose the first."
"Sayang-saya ka talagang inaasar ako, 'no?"
Nakangiting tumango ito nang hindi siya tinitignan. "Hindi kompleto ang araw ko na hindi mo ako namumura. Iba kasi tayo magmahalan, nagmumurahan."
Mayamaya pa ay pumailanlang na sa paligid ang isang kanta. Actually, pamilyar siya pero hindi niya matandaan kung ano ang title ng kanta. Nakatitig lang siya kay Santillan at nang mag-angat ito ng tingin ay agad nitong nabasa ang naglalarong tanong sa isip niya.
"Nobela," basag nito. "Nobela ang title ng kantang 'yan."
Ah, tama, naalala na niya.
Sinabayan ni Santillan ang lyrics ng kanta by lip-synching the lines. "Ngumiti kahit na napipilitan. Kahit pa sinasadya... mo akong masaktan paminsan-minsan. Bawat sandali na lang..." He chuckled after.
Natawa siya dahil parang nakaka-relate din siya sa lyrics.
"Songerist ka pala," asar pa niya rito.
"Ganda ng boses ko, 'no?"
Tumango siya. "Magandang itago mo na lang."
Malakas na tumawa ito. "'Langya ka talaga, Vel." Tumayo ito mula sa kama at inabot ang kamay niya. "Halika, samahan mo akong sumayaw."
"May audition ba ng Star Hunt dito? Starstruck?" Wala siyang nagawa kundi ang tumayo at magpahatak dito.
"Wala naman." Nakangiting inikot siya nito. Natawa siya dahil walang direksyon at tamang choreography ang pagsasayaw nila. Panay ikot lang siya at hawak lang ng kamay. "At aalis," sabay ulit nito sa kanta. "Magbabalik at uuliting sabihin. Na mahalin ka't sasambitin. Kahit muling masaktan." Payakap siya nitong isinayaw pagkatapos siyang iikot. Naisandal niya ang pisngi sa dibdib nito habang nakangiti. "Sa pag-alis ako'y magbabalik... at sana naman..."
"So, pang-ilang beses mo 'yang napakinggan ngayong linggo?"
He chuckled. "Every day, tuwing hapon pa."
"Halata nga dahil sauludo mo na."
"Damang-dama pa."
Pareho silang natawa sa isa't isa.
"Baliw ka talaga, Santillan," aniya.
"Sanay ka naman na. Hindi ko na kailangang magkunwaring normal."
"Naging normal ka pala?"
Lumakas ulit ang tawa nito. "Grabe naman 'to. Oo din naman."
"Shuta ka talaga!"
He sighed contently saka niyakap pa siya nang husto.
Hindi naman uncomfortable ang yakap nito dahil iniingatan nitong huwag madikit nang masyado ang tiyan niya rito. She find the gesture sincere and cute. Iniisip pa rin ni Santillan si Baby Book. Hindi na rin niya pinagkait ang yakap niya rito.
"You know what I realized for the past months of courting you?"
"Ano?"
"Posible pala na maging masaya ang isang tao kahit sa mga simpleng bagay." Kumalas ito nang bahagya sa kanya para matignan siya sa mga mata. A warm smile slipped on his face. "When I'm with you... pakiramdam ko ay okay lang na maging ako."
"Bakit sa ibang tao ba hindi ikaw?"
Natawa ito. "Ano ba naman, Vel. Ang ayos ng usapan natin tapos kakabig ka nang ganyan."
She chuckled. "Aba'y ayusin mo."
Hinawakan nito ang mga kamay niya at marahan 'yong pinisil. Ngumiti ulit ito sa kanya. "Ako pa rin naman. Pero ang tanong ko lagi. Bakit pagdating sa'yo ganito ako? Alam ko na malabo kasi kahit ako nalalaboan din. Ayaw ko na lang hanapan nang matinong sagot basta crush na kita."
Natawa siya sa pagkakataon na 'yon. Pero deep inside, kinikilig siya kapag sinasabi ni Santillan na crush siya nito. Bahala ka na sa buhay mo Novela. Malaki ka na.
"Alam mo bang fleeting feelings lang ang crush?" hamon na tanong pa niya rito.
Parang batang tumango ito. "Kaya i-upgrade natin nang kaunti." Ngumiti ito. "Gusto na yata kita." Natawa ito pagkatapos.
"Oh, bakit ka tumatawa?!"
"Ang korni ko, 'langya 'yan." Naniningkit na ang mga mata kakatawa. Hindi pa rin nito nilulubayan ng tingin ang mukha niya. "Basta 'yon na 'yon."
"Well, may good news ako sa'yo."
His eyes lit up - looking hopeful. "Ano?"
"Buwesit pa rin ako sa'yo, but bearable na siya. I can tolerate your existence in my life now. Dati halos isumpa kita. Ngayon, kere na rin."
Natawa ito. "Wow naman. 'Yon lang? Walang gusto mo rin ako?"
"Gago, kung iisipin mo, parang sinabi ko na rin na nagugustuhan na rin kita -"
Lumapad ang ngiti nito. "So, you like me too?"
"Hmm... siguro?" Natawa siya. "Ewan ko. Basta yawa ka pa rin."
Natawa na rin si Santillan. "We'll it's a good start." Bumaba ang tingin nito sa kanyang tiyan. Natigilan siya nang haplosin nito ang umbok niyang tiyan. "Hindi ba Baby Book? Mommy and Daddy are getting along well now."
Naglapat ang mga labi niya at mas lalo lang nag-iinit ang mga pisngi niya. She find his actions sweet. Hindi siya marupok pero ramdam na ramdam niya ang karupukan niya nang mga oras na 'yon.
Sa huli ay napangiti siya.
Siguro dapat hindi na niya masyadong ini-overthink ang sitwasyon nila ni Santillan. She should just let things unfold on its own at hayaan na lang din niya ang sarili na magustuhan ito nang tuluyan.
Naabutan pa siya nitong nakangiti nang mag-angat ulit ng tingin si Santillan. Hindi naman niya puwedeng bawiin ang ngiting 'yon agad kaya pinapangit na lang niya ang mukha. Tawang-tawa tuloy ito sa kanya.
"Kinilabutan ka ba?" nakatawa pa ring tanong ni Santillan sa kanya.
She shrugged her shoulders at kaswal na lamang ang ekspresyon ng mukha niya ngayon dito.
"Kere na rin," sagot niya.
"Lights on or lights off?"
"Lights off."
Sumilay bigla ang isang pilyong ngiti sa mukha ni Santillan.
Then it hit her, may balak ang loko.
"Hoy, Santillan -" Napasinghap siya nang biglaan siya nitong kargahin sa mga bisig. Napakapit siya rito nang husto. "William Ordeal Santillan!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro