Chapter 18
"CAN I sleep here tonight?" pagkasabi ni Vel ay bigla na lamang bumuhos ang ulan sa labas. Parang nakiayon pa ang panahon sa gusto niya.
At bakit ka naman dito matutulog, Novela? May bahay ka naman sa tapat? Kontra pa niya sa isip. Pero ewan ba niya at gusto lang niyang pag-trip-an si Santillan ngayon. Gusto niyang malaman kung makakatitiis ito sa presensiya niya. Kahit na ilang beses na siya nitong ninakawan ng halik.
Kumawala ang isang tawa sa bibig ni Santillan - halatang may kaba. "Sure ka riyan?"
"Oh, ba't mukhang kabado ka?" tudyo pa niya.
"Ako?" He scoffed. "Sino ba naman ako para humindi kung gusto mong matulog dito ngayon? Magiging bahay mo naman 'to kapag kinasal na tayo." Hindi niya ito nilubayan ng ngiti, suppressing her smile. Halatang-halata kasi sa mukha ni Santillan na kabado ito. Nakikita niya ang mga invisible pawis nito. Doon siya natatawa.
"Malalaman natin 'yan mamaya," may asar na ngiting sabi niya.
Nahuli niya itong napalunok. "Mamaya," ulit nito, nakangiti pa. Pero kahit hindi isatinig ni Santillan ay naririnig na niya ang malutong na pagmumura nito. "But informed your mother." Inabot nito sa kanya ang cell phone niya na ipinatong niya sa center table sa harapan nila. "Baka mag-alala si Tita Mati na wala ka sa bahay."
Ngumiti siya rito saka tinanggap ang cell phone. "Okay."
Kumunot ang noo nito. "Vel, wala ka naman sigurong pinaplano, 'no?"
Parang batang umiling siya. "Wala naman. Bakit?"
"Wala, wala naman. Sige, text mo muna."
NGAYON lang siya nakapasok sa kuwarto ni Santillan. Maluwag ang space kahit may mga gamit at ang linis. Kung gaano kalinis ang buong bahay nito ay ganoon din ang kuwarto ni Santillan. It's very neat and manly. Mettalic gray and white ang kabuoang kulay ng silid nito at may mga wodden accents. Minimalist pa rin ang interior design. May king size bed at malalaki rin ang mga closet nito.
"Clean freak ka ba?" basag niya.
He chuckled. "Hindi naman pero ayaw ko lang ng kalat." Santillan glanced at her. "Hindi ako napapakali kapag madumi ang paligid ko. Even when I'm cooking, it's a practice to always clean your station and it's hygiene. Walang gustong kumain ng luto mo kapag ikaw mismo madumi trumabaho."
"Hindi ba natural naman na makalat kapag nagluluto?" tanong niya.
Naupo siya sa gilid ng kama at hindi mapigilan haplusin ang tela ng bed sheet nito. Mukhang mamahalin dahil makapal saka smooth kapag dinadama sa kamay. Ito ang klase ng mga bedsheet na hindi niya bibilhin kahit may pera siya dahil napakaburaot niya at tamad siyang maglaba.
Sumunod naman ito at naupo sa tabi niya - mas malapit sa bed side table kung saan nakapatong ang family picture nito.
"It's a discipline, Vel. Kahit na natural na maging makalat. You have to keep your things and your used ingredient away from what you're currently cooking. Importante ang kalinisan sa pagluluto." Ngumiti naman ito pagkatapos.
"Ako, 'di naman ako makalat talaga," kwento pa niya. "Pero aminado akong mas clean freak ka pa kaysa sa'kin." Pareho silang natawa sa pagkakataon na 'yon. "Kaya, may panahon ka pa para pag-isipin kung gusto mo talaga akong ibahay rito." Iginala niya ang tingin sa paligid. "Baka ma stress ka lang."
"Sa tingin ko naman okay ka lang sa'kin ang magulong buhay at bahay kung ikaw lang din naman." Ibinalik niya ang tingin kay Santillan. He was smiling. "I think, finding a partner is not all about perfection. Kasi kung gagawin mo akong subject." Natawa ito. "Bagsak na ako riyan, Vel."
It piques her interest. "Not all about perfection," ulit niya. "What do you mean by that?"
"Hindi naman masama na taasan ang standards natin sa pagpili ng tao. We all deserved to be treated well and loved fairly. But it's not all about looking for someone who completes the list of your ideals. Saka madalas ay hindi natin nakakatuluyan ang mga taong gusto natin. It made me wonder why."
"Bakit nga ba?"
Ngumiti ito sa kanya. "Hindi ko rin alam."
Natawa siya. "Labo mong kausap."
He chuckled. "Oh, c'mon, do you expect me to blurb words of wisdom like any ideal hero in the novels? If I have those kinds of thoughts, Vel. I would have found the right woman by now."
"Hindi mo talaga mahahanap kasi hindi ka naman naghahanap," kalmadong kontra niya rito. Napatitig ito sa kanya. "Kaya huwag mo akong dramahan nang ganyan, Santillan. You don't like long term commitment, siyempre, walang babaeng lalapit sa'yo na ganoon ang goal. Mostly, those women who are into men like you, into flings, and into one night stands. Sila lang lalapit sa'yo."
"You have a point."
"I always have a point," may diin na pagkakasabi niya. Santillan chuckled. "Pero gusto kong malaman talaga kung bakit naisip mo 'yon. I don't think, wala lang 'yon para sa'yo."
Bumuga ito ng hangin, ngumiti sa kanya, bago nagsalita. "Well, Vel, ganito kasi 'yan. I don't think, love is all about perfections. Kasi ako, ikaw, mga kapitbahay natin dito, we're not perfect. We all have our cracks. Ngayon, kung maghahanap ka ng isang taong mag-aayos ng cracks na 'yon - it implies something else for me." Kinamot nito ang dulo ng kilay nito muna bago nagpatuloy. "Kailangan mo ba talaga ng taong magmamahal sa'yo o kailangan mo lang ng taong bubuo sa'yo? Gets mo 'yon? In order to achieve that perfection. You look for someone who can fix you and not someone who can make you realize that your cracks doesn't need to be fix - it only needed to be felt and healed."
Natigilan siya roon.
Pakiramdam niya ay may malalim na pinaghuhugutan si Santillan doon. Hindi niya magawang magbiro sa sinabi nito.
"Does it sound selfish to you?" mayamaya ay tanong nito.
Umiling siya. "Hindi naman para sa'kin. May point ka rin naman. Ako, personally, ayoko maging health center ng mga taong ayaw magbago. But that doesn't mean, hahayaan ko lang sila. If they want to change then I will give my full support. Change is always within ourselves. If ayaw natin. Oh, edi wala talagang magbabago. Maybe in your case... if okay lang sa'yo mag-assume ako."
Natawa ito. "Wow!" Punong-puno ng amusement ang mga mata nito.
Kumunot ang noo niya rito. "Walangya, bakit na naman?"
"Humihingi ka na sa'kin ng permiso bago mo ako i-judge. The last time ay wala akong say sa ganyan. Halos husgahan mo na ang pagkatao ko."
"Ayaw mo?" inis na tanong niya.
"Hindi sa ayaw ko. Na-amaze lang ako sa character development mo, Vel. Akalain mong, mayroon ka pala no'n -" Sinuntok niya ito sa isang braso. "Shit!" ngiwing mura pa nito pero tawa pa rin nang tawa.
"Seryoso ako! Huwag mo akong i-distract."
"Oh, sige, ituloy mo na po."
"Wala na ako sa mood."
"Grabe!"
"Buwesit ka kasi!" Ang sama pa rin ng tingin niya kay Santillan. "Naiinis talaga ako sa mukha mo." Itinaas niya ang kamay at akmang hahawakan ang mukha nito pero nanggigil lang siya pero hindi niya ginawa. "Yawa ka talaga!"
"Mas guwapo pa ako kay Lucifer."
"Nakita mo na ba?!"
"Hindi pa, pero hindi na kailangan." He chuckled. "Lahat naman tayo hinulma sa mukha ng Dios kaya mas guwapo ako roon." Confident na ngumiti pa ito.
"Luh, kailangan ka pa naging religious person?"
"Hindi man ako nagsisimba lagi pero kilala ko pa naman Siya. Makasalanan lang talaga ako."
Naituro niya ang picture frame na nakapatong sa itaas ng bedside table. "Dahil sa kanila?"
Family picture 'yon ni Santillan kasama ang mga magulang nito. Kuha noong college graduation nito dahil naka itim na toga. Nasa gitna ito ng mga magulang nito na parehong nakayakap kay Santillan. Parehong may malaking ngiti ang tatlo sa larawan.
Kinuha nito ang picture frame at napangiti. "My parents are all I have." Inabot nito sa kanya ang picture frame. Mas cute pala tignan sa malapitan. "They've been my miracle."
Nang iangat niya ang tingin kay Santillan ay nakatingin pa rin ito sa larawan ng mga magulang nito. Naisip niya na sobra talaga niyang hinusgahan nang husto ang pagkatao ni Santillan. Confident siya na wala siyang konsensiya pagdating kay Santillan pero mukhang tutubuan na siya nang kaunti para rito. Pero 'di niya 'yon ipagkakait kung alam niyang deserve naman nito - unfortunately.
"I think for them, you are their miracle, too," aniya mayamaya.
And it was too late for her to take it back nang ibaling nito ang tingin sa kanya. His gaze were too intense for her. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang reaksyon niya. Para siyang natutunaw sa mga tingin na 'yon.
The next seconds was such a torment on her side. Lalo nang bigla na lamang nitong ilapit ang mukha nito sa kanya para maglapat ang kanilang mga labi. Naipikit niya ang mga mata nang umangat ang isang kamay ni Santillan sa kanyang panga. She felt him nibbled her lower lip slowly pero hindi niya alam kung pagganti ba ang pag-awang ng labi niya rito. Hindi niya napigilan.
He started nibbling her upper lip as well at bumabalik 'yon sa kanyang ibabang labi at umaakyat ulit. Parang sasabog ang puso niya. Nanlalamig ang mga kamay at mga paa niya sa paraan ng paghalik nito sa kanya.
Mahina siya napasinghap nang maramdamang pumaikot na sa baywang niya ang isang braso nito at kahit may bigla ay marahan pa rin naman siya nitong pinaglapit ang mga katawan nila.
"God, Vel," anas nito, "kiss me back, please," he pleaded na tila ba pinapahirapan niya ito nang sobra sa hindi niya pagtugon sa mga halik nito.
She felt his tongue traced the lines of her lips - teasing her to pull down her defenses, but he didn't give up. Ikiniling nito ang ulo niya sa kanyang kaliwa at nabigyan ito ng pagkakataon na pasukin at makumbinse ang mga labi niyang tugunin na ang mga halik nito. And when she did, she could no longer stop kissing him back. Kumawala ang isang ungol na hindi niya inasahang kaya niyang marinig sa sarili niya.
Lumapat at dumiin nang husto ang mga palad niya sa dibdib ni Santillan. Mas lalo nitong pinailaliman ang halik - halos kapusin na siya ng hininga. His tongue always find its way to pick a fight with her. It felt weird, but good at the same time. Pakiramdam niya ay may isang dosenang nagwawalang paruparo sa loob ng tiyan niya. She clutched on his shirt as they kissed more... until she was breathless...
Kumalas ito sa kanya - pareho nilang habol ang hininga. His gaze remained on her face - intense and burning with passion. Nag-iinit naman ang mga pisngi niya but she didn't look away.
"Sure kang... hindi mo pa ako... sasagutin?" he smirked, still catching her breath.
"Halik lang 'yon, Santillan."
"Well, not for me."
PUNONG-PUNO na ng mura ang utak ni Vel. Hindi lang mura ang gusto niyang gawin sa sarili. Deserve niya ring masipa at maitulak. Pero saka na niya 'yon gagawin kapag nailuwal na ang anak niya. Sa ngayon, magdusa siyang mag-overthink.
"Gaga ka talaga, Novela," mahinang sermon niya sa sarili. Nagsalin ulit siya ng tubig sa baso at inisang lagok 'yon ng inom. Nanggigil pa rin siyang sabunutan ang sarili pagkatapos ng mainit na paghahalikan ni Santillan sa kuwarto nito. "Gaga! Gaga!"
Nagsalin ulit siya ng tubig at sa pagkakataon na 'yon idinahandahan ang pag-inom.
Lumabas siya ng kuwarto nang magpaalam si Santillan na maliligo. Gusto na niya pagsisihan ang sinabing dito siya matutulog. Pinagkanulo lang niya ang sarili. Willing din naman siyang tumawid ng kabilang bahay kahit malakas pa rin ang ulan sa labas.
Yawa talaga! Kapag umatras ako. Meaning no'n apektado ako sa halik na 'yon. Hindi dapat gano'n. Iisipin ni Santillan na lumalambot na ako sa kanya. Shuta! Hindi talaga puwede. Tang na yawa naman talaga. Kung bakit kasi tumugon ka pa, Maria Novela Martinez!
But she couldn't simply shrugged off the idea and the fact that she really enjoyed their kiss. Pakiramdam niya kanina ay pamilyar na pamilyar siya sa halik na 'yon. Alam niya ang bawat sulok ng mga labi nito. Tangina 'yan, Vel! Gusto niyang kilabutan pero wala siyang makapang kilabot o pandidiri.
Malamang pamilyar siya roon dahil kahit na lasing na lasing siya noon ay ginawa pa rin naman nila ang 'act' and of course did the rituals before the 'act'. Kaso wala siya gaanong naalala so parang déjà vu lang.
Nakagat niya ang ibabang labi at napangiwi - para siyang natatae na ewan o batang naapakan ang hinlalaking daliri sa paa ng higanteng tiyanak pero hindi makasigaw. Yawa ka talaga, Vel! Kasalanan mo naman pala lahat ng 'to.
"Oh, shit!" mura niya nang maramdaman may natapon na malamig na tubig sa may dibdib niya. Literal na nanlaki ang mga mata niya nang tabingi na ang pagkakahawak niya sa baso at ubos na halos ang natirang laman ng baso. Natapon lahat sa dibdib niya. "Anak nang - " Mabilis na inilapag niya ang baso sa counter at tinignan ang basang suot na T-shirt. "Kapag talaga nag-o-overthink ka, Novela, puro kamalasan nangyayari sa'yo."
Tumutulo pa ang tubig mula sa suot niya sa tiled na sahig.
Patay, nagkalat na naman siya.
Hinanap niya muna ang pamunas at nilinis ang kalat niya sa kitchen counter. Sinunod niyang hanapin ang mop. Kaso hindi niya alam kung saan 'yon nakatago. Sinilip niya sa mga cupboards kahit alam niyang wala roon. Naisip niya na baka folded ang mop ni Santillan or na-a-adjust kaya puwede roon.
Nababaliw ka na talaga Novella!
"What are you doing?"
May singhap na naingat niya ang tingin kay Santillan. Kumunot ang noo nito nang makita ang ayos niya. Agad niyang naitakip ang mga braso sa may dibdib. Bumakat na kasi ang bra niya sa off white niya na T-shirt. Hindi na siya naglalagay ng breast binder simula nang mabuntis siya. Naiinitan na siya at pansin niya ring lumalaki ang dibdib niya at mas naging sensitibo.
Bago pa siya makasagot ay napansin na nito ang kumalat na tubig sa sahig.
"Hindi ko sinasadya," mabilis na agap niya. "Hinahanap ko ang mop. Lilinisin ko. Saan mo ba nilagay?"
"Leave it. Ako na ang maglilinis." Lumapit ito sa kanya at tinignan ang ayos niya. "Ano bang ginawa mo? Nag-shower sa kusina ko?"
"Aksidente nga lang!" inis na sagot niya.
Natawa lang ito sa kanya. "Oh, galit na naman 'to. Kalma lang. Go upstairs. Change something dry. I have spare shirts in my closet. Pumili ka na lang doon." Ngumiti ito pagkatapos.
Naiinis siya sa tumatakbo sa isipin niya nang mga oras na 'yon. Santillan looked so handsome in her eyes at ang bango-bango pa nito. Nag-backfire na yata sa kanya ang plano niyang i-torture si Santillan. Siya yata ang hindi makakatulog ngayong gabi. Shuta!
"Dali na," dahan-dahan siya nitong pinihit sa direksyon ng hagdanan, "go up before you catch a cold. Sa banyo ka magpalit at huwag sa kuwarto at malamig or just turn off the AC... or do you want me to assist yo -"
Mabilis na hinarap niya ito - yakap pa rin ng mga braso niya ang sarili. "Huwag na. Dito ka lang. Kapag sumilip ka gugulpuhin talaga kita." Natawa lang si Santillan sa kanya. "Seryoso ako," banta pa niya.
"Oo na! Oo na." Hindi na ito tumatawa but the traces of his laughter remained in his smile. "Akyat na, Novela," anito sabay turo ng isang daliri sa taas.
Her lips twitched in annoyance bago naniningkit ang mga matang tinalikuran si Santillan. Habang paakyat ay gustong-gusto niyang sakalin ang sarili.
Shuta ka Vel! Quotang-quota ka ngayon, dae!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro