Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17

"MA?"

Nakatalikod ang Mama niya nang maabutan niya sa sala. Pansin ni Vel na may hawak itong papel pero hindi niya makita masyado kung ano 'yon. Mabilis na isinilid nito sa brown envelope ang kung ano mang binabasa nito bago siya hinarap.

"Vel, anak," nakangiti nitong sagot sa kanya pero halatang pilit ang ngiting iyon. "Bakit? May kailangan ka ba?"

"Ano po 'yang hawak ninyo?"

"Ah. Ito ba? Pinadala ito ni Atty. Loren. Hindi ko pa lang nababanggit pero noong isang buwan lang pinaalam sa'kin na legally annulled na kami ng tatay mo." Nakangiti man ang Mama niya pero nakikita niya pa rin ang sakit sa mga mata nito. She knew how her mother loved her father kaya lang talagang ang tatay na niyang ungo ang bumitaw. "Pinadala na niya sa'kin ang copy."

Ngumiti siya. "Oh, 'di masaya! Hindi ka na Martinez. Dalaga ka na ulit." Lumapit siya at niyakap ito. "Sign na 'yan, Ma, na puwede ka na ulit lumandi." Dinagdagan pa niya ng tawa para mabuhayan naman ang Mama niya.

"Batang 'to!" Nakatawang pinalo siya nito sa braso. "Lalandi pa ba ako? Nako, magdadagdag na naman ako ng sakit sa ulo. Hindi na. Magpapakayaman na lamang ako at mag-aalaga ng apo ko."

Niyakap niya nang mas mahigpit pa ang Mama niya. "Tama 'yan, Ma. Halos apat na taon nating hinintay 'yan. Deserve na deserve mo 'yan! Dapat natin i-celebrate ang pagbabalik ni Matilda Benedicta Salazar." Hinalikan niya ito sa pisngi. "Congratulations, Ma."

"Salamat, anak."

"At dahil diyan, bibili ako ng cake." Kumalas siya sa pagkakayakap sa Mama niya. "Tamang-tama magkikita kami ni Santillan sa TADHANA ngayon."

Pinasadahan siya ng tingin ng ina. "Kaya pala bihis na bihis ka. Aba'y napapadalas punta mo roon ah. Akala ko ba si Santillan ang nanliligaw? Bakit ikaw na ang panay ang bisita?" panunukso pa nito na may kasamang pilyang ngiti. "Umamin ka na nga, Novela. Kayo na ba?"

Umasim ang mukha ni Vel. "Huh? Hindi pa –"

"Hindi pa, pero malapit na?"

"Imagination mo, Ma, kung saan-saan napupunta. Wala. Tropa-tropa lang kami ngayon. Huwag mo bigyang malisya. At least may world peace."

Natawa ang ina sa kanya. "Tropa ka riyan? Eh, noong isang gabi binigyan ka ngang mga bulaklak. Arte nito. Nakaayos ka pa."

Kumunot ang noo niya. "Anong nakaayos? Normal ko lang na mga damit 'to."

Maluwag na itim na T-shirt ang suot niya na may malaking mukha ng orange na malaki ang sama ng loob sa mundo. Itim para hindi halata ang umbok niyang tiyan. She folded the arm sleeves dahil masyadong maluwag sa braso. Mettalic gray jagger pants naman ang ibaba dahil nga ayaw siyang pagsuotin ng denim na may zipper at butones na pantalon ng Mama niya. Suot niya rin ang itim din niyang Converse sneakers. Hindi mawawala ang body bag niya.

"Maayos siya sa paningin ko dahil hindi ka naka jersey."

Natawa siya. "Kailan ba ako pumunta ng TADHANA na naka basketball jersey? Sa bahay lang ako nagso-shorts. Anyway, alis na ako."

"Huwag kang mag-motor."

"Hindi. Mag-ta-taxi ako. Magagalit na naman 'yong si Santillan kapag sinaway ko siya."

"Alam ba niyang pupunta ka?"

Tumango siya. "Oo, nag-text ako." Nagmano siya sa Mama niya. "Huwag ka na magluto. Paladesisyon ako kaya si Santillan na ang may sagot sa celebration natin mamaya." Ngumisi pa siya sa ina.

Natawa lamang ito sa kanya. "Pakasalan mo talaga 'yang si Santillan, Novela."

"Bahala siya sa buhay niya. Alis na ako."

"Ingat ka."

NAKANGITI pa si Vel nang pumasok ng TADHANA pero nang makita kung sino ang isa sa mga customer doon ay biglang nawala ang ngiti niya. Sa isang panig ng café, masayang kumakain ang ama niya kasama ng kinakasama nito at ng tatlo pang batang lalaki.

Kilala niya ang mga batang 'yon. Ang matanda na sa tingin niya ay nasa 13 years old ay anak sa unang kinakasama ng babae at anak naman ng tatay niya ang dalawang mas bata. Siguro nasa sampung taon ang isa at limang taon ang bunso.

Naikuyom niya ang mga kamay sa magkabila. Gusto niyang lapitan ito at haklitin ang kwelyo para masuntok sa mukha.

Napalunok siya sa pagtitimpi ng emosyon niya. Ganda rin tumayming ng tadhana sa kanya. Maliit nga talaga ang mundo.

Pakiramdam niya ay bumalik siya sa nakaraan. Wala siyang nakikita sa mga oras na 'yon kundi ang araw na iniwan sila nito dahil sa babaeng 'yon.

Vel, he's not worth it.

Pero kahit paulit-ulit niya iyong sabihin sa sarili ay pamilyar pa rin ang puso niya sa sakit na ibinigay nito sa kanya. Tila nakakulong pa rin siya sa araw na 'yon kahit gustong-gusto na niyang kalimutan ang lahat at lumaya.

Ramdam niya ang pag-iinit ng sulok ng kanyang mga mata. Dumidiin nang husto ang kuko niya sa mga palad.

"Vel?"

Napakurap siya nang marinig ang boses ni Santillan. Hindi niya namalayan na nakalapit na pala ito sa kanya. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at pinihit paharap dito.

"Vel, are you okay?" may pag-aalalang tanong nito. Hindi siya sumagot kaya napatingin ito sa tinitignan niyang masayang pamilya kanina. Naglapat ang mga labi niya at pilit na pinatatag ang sarili na huwag maiyak. "Kilala mo ba sila?"

Her lips and hands trembled at mukhang napansin 'yon ni Santillan. He cupped her face at wala siyang ibang magawa kundi ang salubungin ang mga tingin nito. Punong-puno ng pag-aalala ang mukha nito sakabila ng mga pagtataka.

"You're not okay. Halika sa taas." Ibinaba nito ang mga kamay mula sa kanyang mukha para mahawakan ang isang kamay niya. Umakyat sila sa opisina nito. Hanggang sa loob ay nakaalalay pa rin ito sa kanya. Pinaupo siya nito sa maliit nitong sofa roon. "Tell me what's wrong?" Hindi nito binitiwan ang mga kamay niya habang nakasilip sa mukha niya.

Naglapat ang mga labi niya pero ang mga luha niya ay kusa na lang nalaglag kahit ayaw naman niya. Naiinis siya sa sarili niya. She's not supposed to cry. Pero pakiramdam niya nang mga oras na 'yon ay punong-puno na naman ang puso niya ng galit para sa tatay niyang walang kwenta.

"Walangyang tatay ko 'yon," amin niya, marahas niyang pinunasan ang mga luha sa mukha. "Tangina, hindi ko na dapat iniiyakan 'yon eh. Buwesit 'yan." Pero hindi niya mapigilan ang mga luha niya. "Sana kasi dinala na lang siya ng mga engkanto sa mundo nila. Mas matatanggap ko pa 'yon."

Inabutan siya nito ng tissue mula sa center table.

"Anak niya ba 'yong tatlo?" malumanay nitong tanong.

"'Yong dalawa lang. 'Yong mas bata."

"Come here." Dahan-dahan siya nitong niyakap. "Ipa-blacklist ko na ba?"

"Gago!" umiiyak na natawa siya. "Bakit mo naman 'yon gagawin? Mareklamo ka pa nang walang dahilan. Hindi puwedeng i-bash ang TADHANA. Ipapamana mo pa 'to sa anak natin."

"Walang basagan ng trip. Pinapaiyak nila ang Vel ko. Kaya bawal sila rito."

Bigla siyang kinilabutan sa sinabi ni Santillan. "Kakilabot, Santillan." Akmang itutulak niya ito nang higpitan nito lalo ang pagyakap sa kanya. "Bitawan mo na ako."

"Okay ka na ba?"

"Mabilis akong mag-move-on."

"Ako hindi," walang kangiti-ngiting sagot nito.

Lalo siyang natawa. "Santillan, parang tanga!"

Naglapat ang mga labi nito na parang bata - hindi pa rin ngumingiti. "Gusto mo i-bill ko sa kanila lahat ng mga kumakain ngayon?"

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Hoy!"

"Seryoso ako. Go signal mo lang hinihintay ko."

Nawala ang inis niya sa tatay niya dahil kay Santillan. Loko-loko talaga ang isang 'to kahit kailan.

"Mag-usap nga tayo ng seryoso," aniya.

"Nakakatakot ka naman bigla, Vel. Gaano ba ka seryoso? Basta walang cancellation of ligaw. Pinapaalala ko lang sa'yo na apat na buwan na rin akong nanliligaw sa'yo. Hindi sa binibilangan kita. Kaya ko pa namang i-extend."

"Hindi 'yon."

Punong-puno ng pagtataka at pagkalito ang mukha ni Santillan. "Eh, ano?"

"Seryoso ka ba talaga sa'kin?" seryosong tanong niya, nakatingin nang diretso sa mga mata ni Santillan.

Napakurap ito. "Hanggang ngayon ba ay iniisip mo pa ring hindi ako seryoso?"

"Hindi mo ako masisisi. Babaero ka –"

"Noon," pagtatama nito. "Pero, Vel, hindi ako nagbibiro nang alukin kita ng kasal. I don't do promises, I don't believe in such. But for you and our baby's sake, kaya kong unahin kayo kaysa sa sarili ko. It may sound like a promise, but it's an oath I'm willing to do for the rest of my life. But I can't just do it by myself. Kailangan ko rin ang cooperation mo. We have to do it together, Vel. I'm willing to spend the rest of my life with you pero gusto ko ganoon ka rin sa'kin."

"Gusto mo ba ako?"

"Eh, ikaw? Gusto mo rin ba ako?" He chuckled after.

Kumunot ang noo niya rito. "Oh, bakit bumalik sa'kin ang tanong ko?"

"Hindi ko pa masabi pero masaya ako na kasama ka. Masaya ako kapag inaway mo ko. I find it weird sometimes, but I often found myself missing you kapag nanahimik ka." Napakamot ito sa noo. "'Langya, Vel. Siguro crush na kita."

Natawa siya. "Gago! Ano ka elementary? Crush ka riyan."

"Well, it's a good start. Crush kita. Crush mo rin ako –"

Napamaang siya. "Wow! May sinabi ba akong crush kita?"

Ngumisi ito. "Hindi pero future oriented akong tao. Alam ko na doon ka rin papunta. Mindset lang 'yan, Vel. Isipin mo pa ring marunong kang lumangoy kahit hindi." Tumawa ito. "Pero ending, namatay ka."

Natawa siya. "Ano ba 'yan?!" Naiinis siya na naaliw kay Santillan. Buwesit 'yan! "Pag-iisipan ko," aniya.

"Pag-iisipan ang ano?"

"Mamayang gabi ko sasabihin. Pag-iisipan ko muna." Tumayo na siya. "Uuwi muna ako. Ikaw na magdala ng pagkain at cake mamayang gabi."

Kumunot ang noo ni Santillan. "Vel, I don't think we're on the same page. I'm confused. Anong pag-iisipan mo at para saan ang mga pagkain?"

Tipid siyang ngumiti rito. "Basta magdala ka lang ng madaming pagkain at huwag mong kalimutan ang cake. Lagyan mo ng Happy Independence Day Matilda." Lalo lang kumunot ang noo ni Santillan sa kanya. "Huwag mong kalimutan at kapag talaga wala kang dala mamaya kalimutan mo na lang kami ng anak mo."

Iniwan na niya ito at tuluyan nang lumabas sa opisina. Pagkababa niya ay saktong umangat ang tingin ng tatay niya sa direksyon niya kaya nagtama ang mga mata nila. Halatang gulat itong makita siya pero blanko lang ang ibinigay niyang tingin nito.

Narinig pa niyang tinawag nito ang pangalan niya pero hindi na niya ito pinansin. Dirediretso siyang lumabas ng TADHANA at pumara ng taxi.

PAGKATAPOS ng celebration nila para sa Mama niya ay sumunod siya sa bahay ni Santillan. Sanay naman na ang Tiyo at Mama niya na lagi siya sa bahay ni Santillan. Umuuwi rin naman siya.

Naka-indian sit siya sa mahabang sofa nito sa sala habang nakatingin sa malaking TV. She was just staring at the screen absentmindedly. Kahit may palabas ay wala naman siyang nakikita at naririnig. She was too consumed with her thoughts.

In-request din niya kay Santillan na i-dim ang ilaw. Sumasakit ang mata niya sa liwanag.

Napabuntonghininga siya.

Sa tingin niya ay epekto rin ng pagbubuntis niya ang emosyon niyang hindi niya maisaayos nang mga oras na 'yon.

Akala niya ay hindi na siya maapektuhan.

But seeing her father happy with his new family felt like a punch in her gut. He was living his life while her mother and herself felt left out.

"Why didn't you tell me about the annulment?" basag ni Santillan nang makaupo ito sa tabi niya.

Dumaan muna ang ilang segundo bago siya sumagot.

"Matagal na 'yon... almost 4 years ago..." simulang kwento niya na hindi ibinabaling ang tingin dito. Hindi pa rin niya masundan ang takbo ng palabas sa TV. "Halos nakalimutan ko na nga 'yon eh. Pero masaya naman ako para kay Mama. She should really free herself from that horrible past."

"Pero kamusta ka naman?"

Dahan-dahan niyang ibinaling dito ang tingin. "Actually, hindi ko alam," malungkot na pag-amin niya. "Kung tutuosin ay sobrang tagal na talaga no'n." Sinubukan niya pang dagdagan ng tawa pero sino ba ang niloko niya? She continued, "Almost four years ago lang noong simulan naming i-file ang annulment papers sa tulong na rin ng kaibigang attorney ni Tito Pear. Sobrang tagal lang talaga ng desisyon dito sa Pilipinas. Pero 12 years old ako nang iwan niya kami."

Ramdam naman niyang nakikinig lang si Santillan kaya nagpatuloy siya.

"Pero prior to that, madalas na talaga silang nag-aaway ni Mama. Pero para sa'kin kasi nang mga panahon na 'yon... bakit bigla? Bakit biglang ayaw na? Naisip ko. May mali ba akong nagawa? Mahal naman ako ng Papa ko. Masaya naman kaming naglalaro ng basketball kapag hindi siya nakasampa ng barko. Pero bakit ganoon?"

Mapait siyang napangiti at natawa. Ramdam niya ang pag-iinit ng sulok ng mga mata niya pero hindi niya hinayaan ang sarili na maiyak. Si Spel lang ang tanging may alam ng damdamin niyang iyon. Hindi niya kayang sabihin sa Mama niya dahil ayaw niyang malungkot ito. Alam niyang isisi nito ang lahat sa sarili.

"Akala ko kasi okay na ako, eh." Naikiling niya ang ulo sa kaliwa at napakamot sa noo. "Pero nang makita ko siya kanina. Tang ama niya, bumalik sa'kin lahat." Bumuga siya ng hangin. "Alam mo 'yong nakakagago sa lahat?" baling niyang tingin ulit kay Santillan. "Ang katotohanang hindi naman siya naging walangyang ama sa'kin. 'Yon ang pinakamasakit. Alam ko na minahal niya ako. Mas matatanggap ko pa siguro kung naging walangya siya sa'kin. Binubugbog niya ako o 'di kaya pinapahiya. Kaso wala namang nangyaring ganoon. Kahit na kilos at ayos lalaki ako ay hindi naman ako pinilit ng ama kong magbago."

"Sinabi niya ba ang rason kung bakit siya umalis?"

Umiling siya. "Sabi niya lang... sorry... tangina, aanhin ko ang sorry niya kung 'di ko alam saan kami nagkamali, 'di ba? Ano huhulaan ko pa?" Tuluyan nang umalpas ang mga luha sa kanyang mga mata. Natawa siya habang pinupunasan ang mga luha gamit ng mga kamay habang nakatingala. "Walangya, sabi ko hindi ako iiyak eh. Bawal pa naman sa'kin ang beer."

Vel heard Santillan chuckled. Isinandal nito ang likod sa back rest ng sofa katulad niya. Pareho na ring nakatingin sa kisame. Siya para hindi pigilan ang mga luha at si Santillan na ewan kung bakit nakatingala rin sa kisame.

"Now I know why you hate me," bigla ay basag nito.

"Hindi lang naman sa'yo. Inis ako sa mga lalaking walang ibang ginawa kundi ang mambabae nang mambabae. Kahit na committed na ay may kapal pa rin ng mukha na manlandi ng iba. Hindi ko maintindihan ang konsepto na ganoon. Oo, lalaki kayo. Natural 'yon. Shuta, ano ba kaming mga babae? Natural ba sa'min ang gawing tanga at lokohin?"

"I always have a rebut on things but your wonders made me speechless. Pakiramdam ko ang sama kong tao."

"Wow, ngayon mo lang na realized?"

He chuckled. "Well, not a hundred percent. If I'd be honest, I'm not such an ideal man. I date for fun and I don't do commitments. But believe me, Vel. Mamatay man ako bukas. Wala akong pinagsabay na babae. They all have their time in my life. Talagang mabilis lang ako magsawa at siguro... hindi ko pa rin talaga nahahanap ang perfect match ko."

Halos sabay nilang ibinaling ang tingin sa isa't isa habang nakasandal pa rin ang likod ng ulo sa back rest ng sofa.

"Honestly, comparing me to your father is such an insult."

Natawa siya. "Mas matatanggap mo kung in-compare kita kay Satanas?"

"'Langya!" Natawa ito.

"Mahal na mahal ni Mama si Papa," pagpapatuloy niya. "At sa tingin ko rin naging masaya naman siya kahit sa ikli ng panahon na pinagsamahan nila. Nagpakasal sila dahil na buntis si Mama. It was the right thing to do. But then, it didn't work out for them. Siguro na realized ni Papa na hindi niya pala ganoon kamahal si Mama... na hindi na rin ako sapat para manatili siya sa pamilya namin."

"I'm assuming na hindi mo pa nakakausap ulit ang Papa mo?"

Umiling siya. "Dapat pa ba? Masaya naman na siya. Oh, tatlo pa ang anak niyang mga lalaki. Gustong-gusto niya 'yon. Magtitiis pa ba siya sa akin?"

Walang katuwa-tuwa ang mukha ni Santillan. "I don't like it when you look down on yourself. Walang mali sa'yo. Ikaw pa rin ang Maria Novela namin ni Baby Book kahit maging manananggal ka pa."

Binato niya ito ng throw pillow. "Gagi!" Tawa naman nang tawa si Santillan.

"Ayaw mo no'n? Hahayaan kitang lumipad basta akin ang nasa ibaba," bungisngis pa nito.

"May balak ka pa yata sa kalahati ng katawan ko."

"Ikaw lang nag-iisip no'n. Siyempre, kailangan kong ingatan 'yon para mabalikan ka pang mga paa." He chuckled.

Natawa na siyang tuluyan. "Seryoso akong nagkukwento rito tapos kakabig ka nang ganyan."

"Tumawa ka naman eh. Saka, ayaw kong nalulungkot ka. Kung gusto mong umiyak, sige, umiyak ka. Pero bigyan natin ng time limit para may challenge."

Pareho silang natawa.

"Gago!"

"Hoy, effective 'yan. Subukan mo minsan. Maging malungkot ka pero orasan mo lang sarili mo." Tawa pa rin ito nang tawa. "I-alarm mo na lang. Tapos sabihin mo, okay, time's up. Masaya na ulit ako. Ganoon 'yon."

"Ganyan ka siguro, 'no?"

Nangingislap ang mga mata nito, the traces of his smiles remained visible on his face. "Alam mo, Vel. Sa mundong 'to. Kapag hinayaan mong kainin ka ng kalungkutan mo. Talo ka. Hindi ko sinasabing takasan mo. Harapin mo. Pero huwag kang manatili roon nang matagal dahil hindi ka na makakausad."

Napangiti siya rito. "May sense ka rin namang kausap."

"Minsan." He chuckled. "At huwag mo ibawas ang pogi points ko sa'yo dahil lang sa may nakita kang pagkakapareho namin ng tatay mo. Sinasabi ko sa'yo ngayon pa lang. Crush na kita."

Natawa siya. "Ewan ko sa'yo."

Tumagilid ito ng upo, paharap na sa kanya. "Hindi ka naman kasi mahirap gustuhin, Vel. Hindi mo lang napapansin pero napaka-ideal mong babae para sa'kin."

"Naks!"

"Seryoso ako, loko 'to."

Natawa siya. "Para lang tayong mag-tropa kapag nag-uusap. Beer na lang kulang."

"The last time we got drunk may Baby Book na tayo."

"Gagi!"

Natawa rin si Santillan. "Pero 'di ba maganda 'yon? 'Yong ganito tayo sa isa't isa. Hindi typical na relasyon pero masaya. Masaya ka naman 'di ba?"

Tumango siya. "Unfortunately."

"Ang ungrateful talaga nito."

Lumakas ang tawa niya. "Eh, bakit ba?"

"Masakit ba talaga sabihin ang oo para sa'yo?"

"Ikaw na mag-adjust."

"Okay." Umisod ito para maiyakap ang isang braso sa kabilang balikat niya. He gently pulled her closer to his body. Isinandal nito ang ulo niya sa balikat nito. Naisip niyang asarin ito lalo kaya ipinatong niya ang mga binti sa mga hita nito. "Wow!" sarcastic nitong puna sa ginawa niya.

She just giggled like a child. Weird, she don't often do that but she felt comfortable doing it with him. Kapag kasi si Santillan ang kasama niya. Hindi niya iniisip na kailangan niyang magpa-impress dito. Tanggap na kasi nito na ganoon siya ka walangya.

"Ano nga pala ang pinag-isipan mo kanina?" pag-iiba nito mayamaya.

"Tungkol sa atin."

"Tungkol sa atin? Anong tungkol doon?"

"Hmm. Kung kailan kita sasagutin."

Napangiti ito. "Ngayon na ba?"

"Asa ka pa."

Nawala ang ngiti nito at napalitan ng paniningkit ng mga mata. "Sa haba ng oras na pinag-isipan mo 'yon kanina. Wala ka pa ring sagot."

"Wala pa. Pero noong mag-usap tayo tungkol sa Papa ko... medyo... na convince ako."

"Na convince sa ano?"

Ngumiti siya. "Na crush mo nga ako."

"Walangya, Novela!" Halatang nagpipigil si Santillan na huwag mapigtas ang pasensiya nito sa mga pahaging niya. Meanwhile, she's enjoying his torment. "May balak ka bang patulugin ako mamayang gabi?"

"Ayoko pa naman umuwi."

He looked at her disbelievingly – na para bang tinubuan siya bigla ng tatlong ulo. "What games are you playing this time?"

"Wala," kaila pa niya. "Dito lang muna ako."

"Maria Novela –"

"Can I sleep here tonight?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro