Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15

"DID I make your heart skip a beat?"

Tangina!

"Adik!" Marahas na pinalo ni Vel ang kamay ni Santillan.

Tinawanan lang ulit siya nito. "Ito talaga, masyadong pikon." He leaned back on his seat, ikiniling ang ulo habang nakangiting nakatitig sa kanya. Naiinis talaga siya sa ngiting ganyan ni Santillan. Bakit ba kasi pinanganak itong guwapo?! "Tatlong buwan na tayong nagsusuyuan, mainit pa rin ang ulo mo sa'kin."

"Ayusin mo kasi buhay mo!" she spite.

"Inaayos ko na nga para sa'yo."

Pinaningkitan lang niya ito ng mga mata. "Edi, wow!"

Santillan chuckled saka umayos ng upo. He resumed what he was eating earlier habang pinapakialaman niya ang cell phone nito.

"Hindi ka natatakot na may makita ako rito sa cell phone mo?" basag niya mayamaya.

"Don't worry, nalinis ko na 'yan." He chuckled while munching. "Prepared ako. Alam ko na... pakikialaman mo... cell phone ko... kapag napag-trip-an mo."

"Sanay na sanay ah."

He smirked. "Hindi naman masyado."

Sige nga, tignan natin kung anong mayroon sa album ng mga videos mo. Pansin niya na pasimple siyang sinusundan ng tingin ni Santillan kahit na umiinom ito ng tubig sa baso.

Kung nanghahaba ang leeg ng tao. Kay Santillan, nanghahaba ang tingin. Oh? In-scroll pa niya ang mga naka saved na videos doon. Nakapaglinis nga ang walangya. Walang porn videos. Knowing Santillan at ang nagwawalang libido niya. Baliw na lang maniniwalang hindi siya nanood ng porn. O hindi kaya mga alien.

"Linis ah," aniya.

Natawa ito. "Sabi ko sa'yo eh." Inilapag nito ang nabawasang baso ng tubig. "Good boy na ako ngayon."

"Talaga lang, ha?"

But something caught her attention. It was the thumbnail of the video. Parang lumang video na 'yon. Klarong-klaro ang pigura ng isang chubby na batang lalaki.

Shuta si Santillan ba 'to?

"Do you still keep your old videos?" tanong niya.

"Ahm. Yeah. I think mayroon nga akong isa riyan. Sinend sa'kin 'yan ng Mama ko noong nakaraan." Natawa ito bigla.

Napangisi siya. "Ah, okay."

Matigngan nga.

"Oh shit!" biglang mura ni Santillan.

Pero na i-play na niya ang video. Pumailanlang agad ang kantang sobrang pamilyar siya. Intro pa lang tawang-tawa siya. Push the button. Push the button. Lalo na noong makita ang batang Santillan na gumigiling.

"Tang'inis!" react niya, tawang-tawa.

Push the button. Push the button.

"Vel!" Halos hindi maipinta ang mukha ni Santilllan nang maiangat niya ang tingin saglit dito. Sinusubukan ni Santillan na kunin sa kanya ang cell phone pero inilalayo niya. "F*ck!" mahinang mura nito. "Give me that."

I know my hidden looks can be deceiving. But how obvious should a girl be? I was taken by the early conversation piece. And I really like the way that he respects me.

Sumakit ang panga niya kakatawa. "Walangya ka, Santillan!" Ang galing-galing nitong gumiling kahit chubby. Ang lambot-lambot ng katawan. Nakakagigil. "Bakit ka may ganito?" mangha at may malaking ngiting tanong niya kay Santillan.

"Vel." May pagtitimpi at pagbabanta na sa mga tingin ni Santillan. "Ibigay mo na sa'kin 'yan."

Hindi lang naman si Santillan ang sumasayaw. May tatlo pa itong kasama, puro mga babae. Pero si Santillan ang nasa gitna. Geek ang pormahan ni Santillan at may salamin pa sa mata. Pero humahataw talaga. Natatabunan na ang kanta sa hiyawan ng mga kaklase nito.

If you're ready for me boy. You'd better push the button and let me know. Before I get the wrong idea and go. You're gonna miss the freak that I control.

Umabot pa sa sahig ang paggiling ni Santillan.

Sexbomb dancer 'yern?

"Piste ka, Santillan," napahawak na si Vel sa tiyan niya.

Lumubog sa kinauupuan si Santillan sa sobrang kahihiyan. Tinakpan na nito ang mukha ng lalagyan ng tissue. "Itakwil mo na ako," bulong nito.

Tawa pa rin siya nang tawa.

Gusto ko ng present version ng Push the Button ni Santillan!




IT WAS really a bad decision that Word chose to keep that video. Sana inilapat na lang talaga niya 'yon sa hardrive niya and let it rest in peace for good. No, I should have just deleted it a long time ago. Ngayon ay ayaw na siya tigilan ni Vel sa video na 'yon. F*cking great!

"Push." Vel tapped one finger on his car's dashboard screen. Nakangisi itong nakatingin sa kanya. Naka-red-signal pa sa labas kaya nagawa niya itong tignan nang masama. "Isa pang push, Maria Novela Martinez," babala niya rito.

God knows, kung ilang beses na niyang narinig ang push na salita kay Vel. Habang-buhay na yata nitong babaunin ang salitang 'yon. Walangya talaga!

Vel chuckled. "Anong nag-udyok sa'yo na sayawin 'yon, Santillan?"

"Grado po, Martinez. Grado po sa PE."

Nag-green na ulit kaya pinaandar na ulit niya ang sasakyan. F*ck that video! Noong una, tinatawanan lang niya 'yon. Ngayon gusto na niyang isumpa.

"Hmm, dancer ka pala, 'noh?" may himig ng pang-aasar na sabi ni Vel. "Sinasayawan mo ba lahat ng mga babae mo?"

Natawa siya. "Walangyang tanong 'yan, Vel. Anong tingin mo sa'kin, strip dancer?"

"Aba'y malay ko?"

"Huwag kang mag-alala. Wala pa naman akong sinasayawan. Pero may suggestion ako," nakangisi niyang sabi.

"Ano?"

He glanced at Vel for a split second bago ibinalik ang tingin sa harapan. "Baka gusto mong ikaw ang mauna - sh*t!" Ngiwi niya na naging tawa pagkatapos. Ang cute, nangungurot na ngayon. Dati suntok inaabot ko. Ngayon kurot na lang.

But Vel didn't look mad when he glanced at her again. In fact ay nakangiti ito. Bigla siyang kinabahan. Hindi niya gusto ang ngiting 'yon. Ngiting may delubyong hatid. Yawa, mapapasubo yata ako rito.

"Sige," baling nito sa kanya. "Basta ba, Push the Button ang kanta."

Natawa siya.

Sabi na eh.

"Dapat pala hindi ko na in-suggest sa'yo," sagot niya.

"Wala kang choice. Gagawin mo o gagawin mo pa rin?"

Humalakhak na talaga siya. "Yawa!"

"Huwag mo kasi murahin sarili mo," tumatawang sabi ni Vel.

Saktong nag-red-signal ulit. Inihinto niya ang kotse at ibinaling ang tingin kay Vel. "Call. Pero ano muna kapalit sa sayaw ko?" nakangisi niyang tanong.

Nagsalubong ang mga kilay nito. "May kapalit pa?"

"Aba'y opo naman po, Ma'am Vel. Wala ng libre ngayon. Kahit ako, taken na." Vel's forehead creased even more. Bakit ba aliw na aliw ako kapag asar na asar 'tong si Vel? Kaya ka hindi sinasagot, Word, dahil lagi mong ginagalit. "Taken," ulit niya, lumapad lang lalo ang ngiti. "Taken by you."

"Gago!"

Tawang-tawa siya.

Normal pa bang isipin ko na gustong-gusto ko na 'tong iuwi sa bahay si Novela? Nami-miss ko na lagi. Tang'na 'yan! Ang boring ng buhay na hindi nakikipagbardagulan sa isang Maria Novela.

"Dali, ano muna makukuha ko?"

"Ikaw bahala."

Tempting. He chuckled. "Sure ka na riyan?"

"Oo, nga!" asar na sagot nito. "Isang beses lang ah. Sa susunod na mga request ko, wala na 'yong kapalit."

Lumapad lalo ang ngiti niya. "So, call?"

"Ano muna kapalit mo?"

"Mag-call ka muna."

Naningkit lang ang mga mata ni Vel sa kanya. "Wala akong tiwala sa'yo."

"Call o mag-call ka pa rin?"

"Tsk! Oo na, call!"

Ibinalik niya ang tingin sa harap nang mag-green signal na. "Okay, I want a torrid kiss from you," may pilyong ngiti na anunsyo niya.

"Yawa!"

He smirked. "Yes, babe. I'm such a devil myself."





NGAYON niya gustong pagsisihan ang request niya. Sabi na talaga! Lugi pa rin siya kapag si Santillan na ang nag-demand. 'Yong saya niya kania sa video ni Santillan ay bumulusok hanggang sa pinakailalim na parte ng planetang earth.

Naniningkit ang mga mata ni Vel habang kumakain ng ponkan sa harapan ng laptop niya. Ka-video-call niya si Gospel. Ipinatong niya sa cell phone stand ang phone para hindi siya mahirapan. Multitasking: kain, trabaho, at chismis.

"Kakatapos lang ng Semana Santa, Vel, mukha ka pa ring nagdadalamhati riyan," pukaw sa kanya ni Spel.

"Naiinis ako kay Santillan."

"Mas magtataka ako kung sumasaya ka na kay Word." Tumawa ito sa kabilang linya. "Girl, tatlong buwan ka nang nililigawan ng Daddy ni Baby Book. Ganda ka?"

"Wala akong paki."

"Mukha mo, Vel! Kurutin ko 'yang mga boobees mo. Talaga ba? Sure ka na talaga wala kang paki kay Word? Eh, balita ko ay ikaw na raw nagkukusang puntahan sa TADHANA si Baby Daddy. Ayieeee!"

Pinukol niya nang masamang tingin si Gospel. "Fake news 'yan."

"Legit ang mga nasasagap kong news, girl. Don't me. At hinatid ka pa pauwi kanina ni Word. Sige, ngayon mo sabihin na fake news 'yon. Kalat na sa subdivision na nililigawan ka raw ni Word."

Kumunot ang noo niya. "Sino nagpapakalat niyan?"

Malakas na tumawa si Gospel. "Kami ni Tito Pear!"

"Shuta!" Ibinato niya sa screen ang balat ng ponkan. "Kayo pala nang-i-issue kaya ako nililibak ng mga tao rito."

"Huwag kang mag-alala, sister. Hindi pa naman ikinakalat na may coming soon na Baby Book na kayong dalawa. Pinapakiramdaman lang namin ang pulso ng madlang people. Hindi pa naman halata ang tiyan mo dahil diyan sa mga maluluwag mong T-shirt. Try mo mag-duster ng isang beses baka mahalata namin." Ang lakas ng tawa ni Gospel pagkatapos.

Nanggigil si Vel. "Huwag ka magpakita sa'kin bukas dahil kakalbohin ko talaga 'yang buhok mo."

Humagikhik si Gospel. "Wala rin akong balak."

"Bakit ba gustong-gusto n'yong magkatuluyan kami ni Santillan?"

"Hoy, Vel! Ang kamanhidan mo, umabot na sa purgaturyo. Malapit ka nang dalawin ng mga ninuno mo para lang personal na ipaalam sa'yo na may gusto talaga 'yang si Santillan sa'yo. Hindi niya kami maloloko. Wala nang naniniwala sa kanya."

"Kayo lang nag-iisip no'n," ingos niya.

"Oo, kami lang talaga kasi pareho kayong in-denial sa mga feelings n'yo! Nakaka-stress! Shuta. Lalabas na lang si Baby Book pero ang mga magulang niya tanga pa rin."

Napamaang siya. "Wow naman!"

Tumawa si Gospel. "Mag-aminan na kasi kayo para matapos na. Gusto ko na maging maid of honor. Dapat si Nicholas ang best man, ah. Para partner kami. Hindi puwedeng ibang lalaki. Pasasabugin ko ang simbahan."

Natawa siya. "Gaga!"

"Seryoso ako."

"Bahala ka sa buhay mo. Bye!"

Pinindot niya ang end video call. Sanay naman ang 'sang 'yon sa kanya. Pareho talaga silang bastos sa isa't isa.

Napatitig siya sa screen ng laptop niya. Ubos na rin ang kinakain niyang ponkan. Naisip niya, ano bang proof ng mga tao para sabihing may gusto si Santillan sa kanya? Sina Tina at Bella, 'yon din ang tingin. Ang pamilya niya at si Gospel Grace 'yon din ang iniisip.

Shuta! Napapaisip na rin tuloy ako. Type ba ako ni Santillan?

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at tinungo ang full length mirror niya sa kuwarto. Humarap siya roon at tinignan ang sarili. Tinignan niya ang bawat anggulo ng sarili niya. Napaka-plain niya kung ikukumpara sa mga babae ni Santillan. Those women are more sophisticated and feminine than her.

Eh, si Maria Novela?

Maluwang na T-shirt lagi ang suot niya. Madalas pa niyang pinapatungan ng polo para magmukhang astig. Laging naka cargo shorts o maong na pantalon. Imbes na heels at sandals ay lagi siyang naka tsinelas at sapatos.

Dati, nagsusuot siya ng mga pambabaeng damit pero dahil required 'yon sa dating pinagtatrabahuan niya. Pero simula nang mag-resign siya ay ipinabenta na niya lahat kay Gospel Grace. Nangangati talaga ang balat niya kapag nagsusuot siya ng mga pambabaeng damit.

Humahaba na ang buhok niya pero mukha pa rin siyang lalaki sa ikli no'n. There is nothing feminine in how she carries herself. Pati ang pagtayo niya ay lalaking-lalaki. Kahit na maupo siya ay madalas pang naka dekwatro at nakapatong ang mga binti sa mesa. Ni walang bahid na kolorete ang mukha niya.

Tumagilid siya ng tayo, nakatingin pa rin sa repleksyon niya sa salamin. Sinubukan niyang ipahalata ang umbok niyang tiyan mula sa maluwang niyang T-shirt. Itinali niya sa isang kamay ang likurang tela ng T-shirt niya at inilapat ang isang kamay sa umbok ng tiyan niya. She's already four months pregnant. Malapit na talagang mahalata ang tiyan niya. Nanaba pa siya kakakain.

But a smile slipped on her face.

Bigla siyang na excite na makita na si Baby Book. She felt weird thinking na buntis siya. 'Langya! Aminado naman ako na gusto ko rin ng anak pero hindi ko siya naging priority dahil wala akong tiwala sa mga lalaki. Akala niya ay nag-sink-in na sa kanya na magkakaroon na siya ng baby but there are times na napapaisip siya na sobrang surreal nang lahat.

Iniisip niya, magigising siya, tapos may magsasabi na prank lang ang lahat. Pero ilang buwan na ang lumipas ay wala namang nasasabi sa kanya na prank 'to. Lumalaki pa nga ang tiyan niya.

Natawa siya.

"Sige na nga, magpapakaastig na Mommy na lang ako."

Inayos na niya ang damit at hinagilap ang cell phone sa desk. Hinanap niya ang numero ni Santillan at tinawagan ito. Nasilip niya ang oras sa wall clock. It was past 11:30 PM. Nag-ri-ring pa rin ang numero nito nang silipin niya ang bahay ni Santillan mula sa glass window. Patay na ang ilaw ng kuwarto nito pero biglang umilaw.

Sinagot na rin nito ang tawag niya. "Vel?" His voice was hoarse and sleepy when he answered. "Wait? Anong... oras na ba?"

"Nagugutom ako," aniya.

She heard him yawned on the other line. "At ako ang gusto mong kainin?" He chuckled. Gusto niya tuloy batuhin ng bato ang bintana ng kuwarto ni Santillan. "Anyway, ano bang gusto mong kainin, Mommy?" malambing na tanong nito ulit.

Kumunot ang noo niya. "Mommy ka riyan!"

Natawa ito sa kabilang linya. "Mommy ng Baby Book natin. Sige na, bumangon na ako." Naririnig niya ang bawat kilos ni Santillan mula sa cell phone. "Baba na ako para magluto. Kakahiya naman. Ako na mag-a-adjust kahit pagod ako."

"Labag yata sa loob mo, Santillan?"

"Labag?" He scoffed. "Hindi ah. Gustong-gusto ko nga." Natawa si Vel dahil halata namang sarcastic ang pagkakasagot ni Santillan. "Grabe! Gustong-gusto kong naghihirap." Naririnig niya ang tunog ng pagbukas ng pinto at mga yabag ng mga paa ni Santillan.

"Bumalik ka na sa kama mo," biglang bawi niya.

Sa tingin niya ay tumigil din ito sa paglalakad dahil biglang tumahik. "'Yong totoo po, Ms. Maria Novela. Ginising mo lang ba ako para pag-trip-an?"

"Oo! Bakit ba?"

Bumuga ito ng hangin. Na-imagine niya si Santillan na nanggigigil na ginulo ang buhok. Walang ingay na ipinapadyak ang mga paa na parang bata.

"Novel," may warning sa boses nito.

Tumawa siya. "Okay na ako. Gusto ko lang mainis ka."

"Anak nang -"

"Matulog ka na! Bye."

Hindi na niya hinintay na sagutin pa siya ni Santillan. Agad niyang in-end call ang tawag. May satisfied na ngiti na bumalik siya sa working station niya. Napailing-iling siya habang nagtitipa sa keyboard.

Nababaliw ka na Vel.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro