Chapter 14
"VEL!" nakangiting bati agad ni Tina nang makita si Vel na pumasok sa TADHANA.
Napansin niyang hindi kasama ni Tina si Bella ngayon.
"Day off ni Bella?" tanong niya nang makalapit.
"Vacation leave, three days," sagot ni Tina. Natawa siya sa reaksyon nito. Halatang inggit na inggit, nanlalaki pa butas ng ilong. "Sana all," dagdag pa nito sabay tawa.
"Mag-vacation leave ka rin para wala ka nang sahurin," biro pa niya. "Happy today, suffer later dapat ang motto nating mga alipin ng salapi."
Tawang-tawa si Tina sa kanya. "Oy, may bayad naman ni Boss Word ang VL. Basta hindi lang lalagpas sa limit. Ah, nga pala, ang tagal mong dumalaw ulit, ah. Akala ko naghiwalay na kayo ni Boss."
"Naghiwalay ka riyan. May kami ba?"
Lalong natawa si Tina. "The more you hate. The more you love nga kasi," tudyo pa nito at binigyan pa siya ng dalawang finger hearts. Loka-loka talaga 'tong babaeng 'to!
Matagal nga siyang hindi nakadalaw. Hindi niya maalala kung kailan ang huli dahil minsan nga naipagkakamali pa niyang hanggang 31 ang November. Walangya! Buti hindi niya nakakalimutang apat na buwan na ang tiyan niya. Hindi naman niya itinatago ang umbok ng tiyan niya pero mas komportable pa rin siya sa maluluwag na T-shirt at pantalon.
De-garter na cargo pants ang suot niya ngayon. Hindi na pumayag ang mahal niyang si Matilda sa mga de-butones niyang mga pantalon. Bawal daw 'yon. Hindi naman yata. Basta komportable lang. Madami lang pamahiin ang nanay niya. Pinagbigyan na niya at tamad na tamad talaga siyang makipagtalo kapag hindi si Santillan ang kaaway niya.
At hanggang ngayon ay wala pa ring idea ang mga employedo sa TADHANA na dinadala na niya ang anak ng amo nila.
Surprise-surprise na lang.
"Nandiyan ba demonyo mong amo?" tanong niya, bahagyang nakangisi.
Tina chuckled. "Loko ka talaga! Buti hindi naiinis sa'yo si Boss na tinatawag mong demonyo."
"Aminado siya roon."
"Kaya walang naniniwala sa'min dito na walang HD si Boss sa'yo. Away kayo nang away pero lapit naman kayo nang lapit sa isa't isa. Umamin na kasi kayo."
"Wala kaming aaminin –"
"Vel?!"
Sabay silang napalingon sa nagsalita. Bumakas ang gulat sa mukha ni Santillan nang makita siya. Malamang, dahil hindi naman siya nagsabi na dadalaw siya ng TADHANA. Bigla lang niyang naisip na puntahan ito at pag-trip-an.
Itinaas niya ang isang kamay. "Santillan!" kaswal na tawag niya rito.
Mabilis itong nakalapit sa kanya. "Bakit hindi ka tumawag sa'kin na pupunta ka?" puno ng pag-aalalang tanong nito. Nagulat siya nang hawakan siya ni Santillan sa mga balikat. "Huwag mong sabihing nag-motor ka?" Ibinaling nito ang tingin sa labas. May motor man na naka park sa labas pero hindi kanya iyon.
Inalis niya ang mga kamay ni Santillan na nakahawak sa mga balikat niya. "Hindi ako nag-motor." Bumalik ang tingin nito sa kanya. "Nag-taxi ako at babayaran mo ako sa pamasahe ko kanina."
Relief washed over his face. "Akala ko ay hindi ka na naman makikinig sa'kin."
"Hindi ako nakikinig sa'yo. Nakikinig ako sa sarili ko."
Natawa si Santillan. "It will never make a sense hanggat hindi kita pinagsasabihan." Umangat ang isang kamay nito para haplusin ang kanang parte ng buhok niya. "Alam ko kung gaano katigas ang bungo mo, Martinez." Pinaningkitan niya lang ito ng mga mata.
Lumapad lang lalo ang ngiti ni Santillan at marahang tinapik ang ulo niya.
Medyo humahaba na rin ang buhok niya. Boy cut 'yon noong una pero mahaba na – malapit nang pumatong sa mga balikat niya ngayon. Ayaw naman siyang payagan na pagupitan ulit 'yon ng Mama niya kahit naiinitan siya. Bawal daw magpagupit ang buntis.
Ewan ko roon kay Matilda.
Napansin niya naman ang tingin ni Tina sa kanilang dalawa ni Santillan. Mukhang nalilito na napapaiisip na ang babae kung ano ba talaga ang nangyayari sa harapan nito. Tinampal niya ang kamay ni Santillan na nakalapat pa rin sa kanyang ulo. Napangiwi at naibaba nito ang kamay.
"Nagugutom ako," demand niya.
Natawa lang si Santillan. "Alam mong puwede mo akong tawagan at uuwi agad ako para ipagluto ka. Pinagod mo lang ang sarili mo."
"Wala kang paki! Gusto kong kumain ng spaghetti sa TADHANA at dapat nakita kong ikaw ang nagluto."
"Mainit sa kusina –"
"Sisilip lang naman ako. Hindi ako kakain kapag hindi ko nasisigurong hindi ka roon nagluto."
"Habang tumatagal ay lumalala 'yang mga cravings mo." He squared his shoulders and crossed his arms over his chest. Bahagyang nakakiling ang ulo sa kanya – naniningkit pero halatang amuse. "Hindi ko tuloy alam kung totoo ang mga 'yan o gustong-gusto mo lang akong makitang naghihirap."
"Both."
Natawa ulit si Santillan. "Pero dahil hindi naman kita matitiis ay siyempre gagawin ko pa rin. Baka magtampo pa kayo sa'kin."
Tina cleared her throat. "Ahm, Boss, Vel, respeto naman po sa mga walang love life," singit pa nito, suppressing her smile.
Santillan chuckled. "Tin, masanay ka na. Baka sa mga susunod na buwan ay hindi lang ako ang Boss n'yo rito."
Hindi lang si Tina ang naguluhan sa sinabi ni Santillan. Kasama na rin siya. "May bago kang business partner?" Hindi niya maiwasang tanong.
"Oo, dalawa pa nga," sagot pa nito sabay kindat sa kanya.
"Boss, sino?" curious na ring tanong ni Tina. "Isa po ba si Sir Nicholas?"
Umiling si Santillan. "Hindi. Basta kilala n'yo rin. You will know." Kumunot lang ang noo niya. Pati siya ay pinag-iisip ni Santillan. "Anyway, may special order mula kay Miss Novela. Guguluhin ko muna ang kusina." Ibinaling ni Santillan ang tingin sa kanya. "Manonood ka sa'kin, 'di ba?"
Tumango siya.
"Warning lang, Vel. Nakaka-in-love akong panoorin magluto."
Naningkit lalo ang mga mata niya. "Ilang beses na kitang nakitang nagluluto. Hindi naman ako na in love sa'yo."
Tawang-tawa si Santillan. "Hindi pa."
"Hindi lang. Huwag mo nang dadagan ng pa."
Ibinaling ni Santillan ang tingin kay Tina. "Ayaw talaga umamin 'noh?"
"Boss, ene be!" Pigil ni Tina ang tili habang yakap ang sarali. Para itong kiti-kiting naiihi. "Kinikilig talaga ako sa inyo. Huwag n'yo na kami paasahin."
"Huwag kang mag-alala, Tin. Oo na lang kulang. Idederetso ko na agad 'tong si Vel sa altar."
Lalo lamang kinilig si Tina. "Enebeee Boss!"
Binatukan niya naman si Santillan. "Magluto ka na nga!" Tawa lang ito nang tawa. "Ang dami mo pang sinasabi."
"ARE you sure na ayaw mong sa opisina ko kumain?" tanong na naman ni Santillan sa kanya nakangiti pa. Inaayos nito ang mga pagkaing inilapag nito sa mesa nila. Spaghetti lang ang order niya tapos biglang buffet. Aba'y hindi na siya tatanggi sa grasya. "Alam mo na, makikita tayo ng mga tao ko –"
Tinaasan niya ito ng kilay. "Kinakahiya mo ako?"
"Ikaw?" He chuckled. "Proud na proud nga ako sa'yo eh."
"Bakit ka mapa-proud sa'kin? Sinagip ko ba ang Pilipinas?"
"Sinagip mo ang isang sperm ko –" Binato niya ito ng tissue. "Joke lang." Natawa na naman si Santillan. "Ito talaga napaka-seryoso."
Umingos siya at pinaningkitan ng mga mata si Santillan. "Umayos ka, Santillan."
"Ang tagal na kitang nililigawan –"
"Tatlong buwan pa lang," putol niya kay Santillan.
"At mukhang counting pa." Natatawang napakamot ito sa noo. "'Langya, anyway, gusto mo bang paghaluin ko ang pasta sa sauce?"
Umiling siya. "Ayoko. Gusto ko 'yong pasta na nakahiwalay sa sauce."
"Nag-spaghetti ka pa."
"Eh, pakialam mo ba."
Natawa na naman ito. "Buti naisipan mong isama sa pagkakataon na 'to ang mango sa shake mo. Akala ko shake lang pero wala na namang mango."
"Gago."
"Palala nang palala mga cravings mo, Vel. Kinakabahan tuloy ako sa anak natin paglabas niyan. Baka hirap tayong pakainin 'yang batang 'yan."
"Problema mo na 'yon. Chef ka naman at ikaw ang ama."
Nilagyan ni Santillan ng pasta ang plato niya. Nauna pa niyang lantakan ang garlic bread na sobrang paborito niya. "Itatabi ko na lang ang sauce," anito. Tumango siya. "Wala ka bang pasok mamaya?"
Mag-a-alas-tres pa naman ng hapon noong huling tingin niya sa relo niya.
"Mayroon, 7 PM. Pero gusto ko kumain ng spaghetti na gawa mo kaya pumunta ako," sagot niya. Nagsimula na siyang kumain. "Hindi na kita tinawagan," dagdag pa niya habang ngumunguya. "Gusto kong i-surprise ka."
"To my astonishment, yes, Vel, na surprise nga ako."
"Para namang hindi eh."
Santillan chuckled. "Miss mo lang yata ako eh. Ayaw mo lang umamin."
She made a face. "Asa ka." Lalo lang natawa si Santillan sa reaksyon niya. "Mga luto mo lang nami-miss ko. Hindi ang nagluto."
"Huwag kang mag-alala, bago ipanganak si Baby Book ay mahal mo na ako," confident na sabi pa nito.
"Sige lang. Libre naman mangarap."
Inabot ni Santillan ang baso ng tubig at uminom muna bago ulit nag-salita. "May iba ka pa bang gustong kainin?" tanong nito.
"Wala na. Okay na ako rito. Nakakahiya naman sa'yo."
"Makapal naman mukha mo, Vel." Pag-angat niya ng tingin kay Santillan ay nakangisi ang huli. Humigpit ang hawak niya sa bread knife at tinidor. "Sige lang, mag-demand ka pa."
"Sigurado kang gusto mo pang makita ang anak mo?" banta pa niya rito, handa na siyang dukutin ang mga matang iyon ano mang oras.
"Sabi ko nga."
"Simula ba noong bata ka ay mahilig ka na magluto?" pag-iiba na niya.
"Mas tamang sabihing, simula noong bata ako ay mahilig na ako kumain." Napangiti ito. "Halata naman sa katawan ko noon."
Namilog ang mga mata niya. "Bakit? Ano ba ang katawan mo noon? Ref?"
Natawa ito. "Hindi. Pero sobrang taba ko." Pinalubo pa nito ang mga pisngi. Namumula na nga 'yon. Ewan, but she find him cute with those puffy cheeks. Hindi niya tuloy mapigilan ang tawa. "Seryoso nga."
"Mukha mo, Santillan."
"I'm not kidding you, Vel. Seryoso. Noong elementary, natutuwa pa ang mga tao sa'kin dahil ang cute-cute ko raw. Mukha akong cotton balls na naglalakad." Pigil na pigil ni Santillan ang tawa, halata kasi naniningkit ang mga mata. "Pero noong high school ... medyo ... hindi na ako natutuwa. Well, natutuwa pa naman ako noong una pero noong tumagal... naisip ko na ang pangit ko. Here. I'll show you."
Inilabas ni Santillan ang cell phone mula sa bulsa ng pantalon nito.
"I still have my old photos in my phone," dagdag ni Santillan.
"Bakit kini-keep mo pa? Hindi ka takot makita ng mga girlfriends mo?"
"I don't let them touch my phone." Iniharap ni Santillan ang screen ng cell phone nito sa kanya. Namilog ang mga mata niya nang sobra. "That's me... I think... nasa third grade ako niyan... ang taba, 'noh?" Nakangiti pa rin nitong kuwento.
"Walangya!" Tawang-tawa siya.
Hinawakan niya ang cell phone at in-zoom ang mukha ni Santillan. Mukha talaga itong cotton balls na naglalakad. Ang puti-puti at halos kainin na ng mga pisngi ni Santillan ang mga mata niya. Ang pula-pula pa ng mga pisngi. Nakakagigil kurutin. Hindi niya maalis ang ngiti sa mukha.
Santillan chuckled. "Is that a compliment?"
"Mukha kang siopao."
Natawa ito. "Swipe left at mayroon pa 'yan." Mayroon pa nga. 'Yong sumunod ay naka boy's scout uniform si Santillan. Naalala niya ang batang bida sa UP na movie. Ganoon na ganoon. "My Mama is a good cook and she like to spoil. Para siyang witch sa Hansel and Gretel na papatabain ka talaga nang husto – but she's a good witch."
"So, siya naging inspiration mo kaya gusto mo maging Chef?"
Wala siya gaanong alam sa mga magulang ni Santillan. Naalala niyang may nahagip siyang kuwento noon pero hindi niya masyadong pinagtuonan ng pansin.
He nodded. "She owned a pastry shop before – noong dalaga pa siya. Actually, doon nga sila nagkakilala ni Papa. Technically and romantically, doon nagsimula ang love story nila." Nakangiti lang si Santillan habang nagkukwento. She even found herself attentively listening which hindi naman niya ginagawa noon pagdating kay Santillan. "Fast forward, nandito na ako at matabang-mataba."
"Gago."
Ang ganda na ng simula eh. Tapos biglang kabig? Yawa!
"Growing up," he continued. "'Yong admiration ko sa cooking skills ni Mama at sa pagkain ay naging passion para sa'kin. My Mom allowed me to work in her kitchen pero ginagabayan niya naman ako. Noong una, siyempre pangit lasa – charred pa nga madalas." Bahagya itong natawa. "But my mother would always say, that failure is one of the primary ingredients of success, so even if it doesn't taste good, it is still a must to add it to balance the bitterness and sweetness of life."
Napangiti siya. "Mukhang close na close kayo ng Mama mo."
"I'm also close with my father pero busy 'yon sa ospital lagi. He's a heart surgeon. Most of the time si Mama lang ang kasama ko sa bahay at bonding namin ang pagluluto."
"Hanggang ngayon ay nagtatrabaho pa rin ang tatay mo?"
"Retired na, matanda na 'yon eh." Natawa si Santillan. "Fifteen years ang tanda ng Papa ko sa Mama ko. My mother is 50. Dad is 65."
"Aga niya nag-retiro ah. Bata pa naman ang 65."
"May nag-offer sa kanya maging prof pero pinag-iisipan pa niya. Ngayon kasi, gusto na lang niyang mag-enjoy sa buhay. Kaya nga wala sa Pinas ang mga magulang ko ngayon. Nasa Europe, sine-celebrate ang 30th anniversary nila. Sana all, 'di ba?"
"Gusto mo ring mag-Europe? Kaya mo naman yata. Madami ka namang pera."
"Mas gusto kong mag-Europe kasama ka."
"Mukha mo."
Natawa lang ulit ito. "Sawa na ako roon. Pero kung gusto mo, puwede naman tayong pumasyal. Hindi problema sa kung saan tayo tutuloy. Madami kaming relatives na nag-migrate na ro'n."
"Doon ka rin nag-aral ng culinary, 'di ba?"
"Nag-aral ulit. Graduate ako ng Hospitality Management sa San Carlos. Then, natanggap ang application ko sa isang culinary school sa Paris. I'm not sure if you're familiar with it – Le Cordon Bleu Paris. Isa 'yon sa mga best culinary and hospitality management school sa Paris. Expensive, yes, but my father insisted na mag-aral ako roon nang matanggap ako. Hindi na rin ako humindi kasi sayang din ang opportunity. I stayed there, mga limang taon din. Two years din ako mahigit nag-aral. Kung ano-ano na lang inaral ko roon. Kung ano-ano ring trabaho para hindi masyadong mabigat sa bulsa ni Papa. So, it's just work and school for me that time."
"Trabaho, Culinary school, at pambabae," she corrected.
"Tsk!" He snapped his fingers. "Akala ko makakalusot na ako."
"Hindi mo ako maloloko, Santillan."
"Well, it's part of my past." He smiled. "Good boy na ako ngayon dahil nandiyan ka na at paparating na rin ang baby natin."
Lihim siyang napangiti roon pero hindi pa rin niya ipapahalata at hindi siya aamin. Walang Maria Novela Martinez na aamin! Walaaaaa!
"Full-time work mo roon?"
"Part time lang noong nag-aaral pa ako para 'di ako masyadong ma stress." Ngumisi pa ito. "In my school, madami silang opportunities na ini-offer sa mga students nila kaya may enough exposure kami sa mga big hotels and restaurants sa Paris. Nakapag-internship pa nga ako. Hindi ko masasabing masarap ang buhay ko roon. Kunwari lang oo, pero mahirap mabuhay sa ibang bansa. Puwede ka lang magkunwari na oo. But those hardships are my milestones in life. Kaya nga ako nagkaroon ng TADHANA Café. This place is my trophy."
"Your success," dagdag pa niya.
"Well, madami pa naman akong dapat i-improve sa TADHANA. But one step at a time. Ang importante ay nakakakain pa ako ng tatlong beses sa isang araw at mabubuhay ko pa kayo."
"Hindi mo ako kailangang buhayin. Save that to Baby Book."
"Package deal kayong dalawa."
"Bahala ka sa buhay mo." Ibinalik na lamang niya ang atensyon sa cell phone ni Santillan kaso na lock na 'yon. "Pahiram ng thumb mark mo." Hinawakan niya ang kanang kamay ni Santillan at inilapat ang thumb nito sa finger print area sa screen ng cell phone nito. Agad naman 'yong na unlock.
"I thought you'll gonna ask me about my phone's password?" tanong nito. Napansin niya ang amuse sa mukha ni Santillan.
"Hindi ko ugali ang mangialam sa buhay ng ibang tao. Kaya nga may password kasi ayaw ng tao na pakialaman mo ang gamit nila. Saka ang pictures mo lang ang sadya ko rito."
Hindi na niya hinintay na magsalita si Santillan. Ibinalik niya ang atensyon sa screen ng cell phone nito at nag-swipe-left ulit.
Bigla siyang napangiti nang makita ang binatang Santillan. Matangkad version ng cotton balls kanina.
"Ang tangkad mo na pala kahit noon," basag niya. "Anong height mo noong high school ka?"
"Hindi ko sigurado. I'm 6'0'' now. Siguro nasa 5'7'' or 5'8'' ako niyan. Patingin nga." She shared the phone with him. "Ah, tama, 5'8'' yata."
"Ang tangkad mo."
"Ano bang height mo?"
"Five-three lang ako."
"Matangkad na rin 'yon."
"Oo, kapag hindi ikaw ang katabi."
"Grabe!" He chuckled. "Pero buti na lang at matangkad ako kung hindi ay magmumukha akong gasul."
"Loko!"
"Siguro nasa 100 kg ako niyan o baka nga sobra pa."
"Kailan ka pumayat?"
"College. Nagbawas na ako ng timbang at in-enroll ang sarili ko sa gym. Advantage lang sa'kin na naging Chef ako dahil hindi ko nagugutom ang sarili ko ngayon. Pero noong una. Shit! Parang gusto ko na lang mamatay." Natawa ito. "But no pain, no glory, ika nga nila. Ini-maintain ko na rin for healthy living. Tini-take-note ko lang ang total calories na magi-gain ko sa mga kinakain ko ina-adjust ko na lang."
Inilapit niya ang cell phone sa mukha ni Santillan. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa screen at sa mukha ni Santillan.
"Santillan pa rin naman."
Ngumiti ito. "Sino mas guwapo?"
"Feeling ko mas sasagutin ko siya." Iniharap niya kay Santillan ang screen at itinuro ang high school version nito.
Namilog ang mga mata nito. "Ang matabang ako?"
Tumango siya. "Oo. Mas mukha siyang matino kaysa sa'yo."
Natawa si Santillan. "Alam mo bang lahat ng mga niligawan ako noong mga panahon na 'yan ay ni reject lang ako."
Kumunot ang noo niya. "Arte naman nila! In-reject ka nila?" Naiinis siya sa isipang 'yon. Gusto niyang suntukin ang mga babaeng 'yon. "Ang guwapo mo riyan. Cute pa."
"Ikaw lang yata ang nag-iisip na guwapo ako riyan." Lumapad ang ngiti ni Santillan. "Oo, natutuwa sila sa'kin dahil cute nga pero nahihiya sila na maging boyfriend ako. Sino ba naman kasing babae ang gugustuhing makipag-holding-hands sa isang baboy?"
"Hoy! Hindi ka baboy. Demonyo ka."
"Walangya naman, Vel."
Siya ang natawa. Kunot na kunot naman ang noo ni Santillan. "Huwag mo sila pansinin. Kung classmate tayo noon. Pinagbabato ko na silang bola sa mukha."
Napangiti naman ito. "Talaga?"
"Oo naman. Upakan ko pa eh. Kahit ma guidance ako, okay lang. Sabihin ko na lang binayaran mo akong gulpuhin sila."
Tawang-tawa si Santillan. "Yawa!"
"Huwag mo murahin sarili mo," nakatawa pa niyang asar.
Nangingislap ang mga mata ni Santillan sa pagka-amuse sa kanya kahit na hindi na ito tumatawa.
"Seryoso, Vel. Na touch ako nang kaunti. Mga kaunti lang naman."
"Nahiya ka pa eh. Gawin mo nang 100% kang na touch sa'kin."
"'Yan ang gusto ko sa'yo eh. Hindi mo tinatanggihan mga bigay ko sa'yo kahit sagad na sagad na ang pagkamuhi mo sa'kin. Kinakain mo pa rin mga luto ko."
"Hindi ako tumatanggi sa grasya kahit na mortal enemy ko pa ang nagbigay. Ang tawag doon, appreciation with hard feelings."
Tawang-tawa pa rin si Santillan – namumula na ang mga pisngi. "Paano kung may lason?"
"Hindi ko siya patatahimikin hanggang sa kabilang buhay. Hihintayin ko siyang mamatay at ihahatid ko pa siya mismo sa impyerno. Itutulak ko pa."
Lalo silang natawa na dalawa sa naging takbo ng usapan nila. Ngayon lang yata siya nag-enjoy nang sobra na kausap si Santillan. Nadaan yata ang anghel para pagkasunduin sila ngayon.
"Good old days," bumuga ng hangin si Santillan, his smiled remained on his face habang nakatingin sa kanya. "Pero okay na pala ako ngayon. Willing naman pala akong sagutin ni Maria Novela Martinez kahit mataba ako."
"Huwag mo sabihing hindi ka pa nakaka-move-on sa mga 'yon?"
"Matagal na. Limot ko na nga. Pero mas magaan na siyang alalahanin ngayon dahil narinig ko na sa'yo na guwapo ako noon at ngayon –"
"Noon lang," pagtatama pa niya.
"Ihahabol ko ang ngayon." Ngumisi pa si Santillan.
"Bahala ka sa buhay mo." Inabot niya ang baso ng tubig at uminom muna. Nauhaw siya sa kakadaldal at kakatawa. "Kung saan ka masaya," dagdag pa niya at nagpatuloy sa pag-inom ng tubig.
"At least iniisip mo na ngayon kung saan ako sasaya." Nangulambaba ito sa harapan niya. "Hindi mo itatanong sa'kin kung saan ako masaya ngayon?"
"Oh, saan?" tanong niya, inilapag niya ang walang laman ng baso sa harapan niya.
"Sa tabi mo," nakangiti nitong sagot.
Nasamid siya sa sarili niyang laway at inihit ng ubo. "Shuta!"
Umayos ng upo si Santillan, tawang-tawa pa. "Better than your favorite word, Vel."
Alam niya ang favorite word na sinasabi ni Santillan. Unti-unti na niya 'yong inaalis sa sistema niya para hindi marinig ng anak niya ang mga pagmumura niya.
Kumuha ng tissue si Santillan mula sa lalagyan at inabot ang mukha niya para punasan ang gilid ng labi niya. Bigla tuloy siyang na conscious. Hutek, pati puso niya ay nag-re-react na rin.
Ano 'to?
"May kaunting sauce," anito, nasa labi pa rin niya ang mga mata nito. Napalunok siya. Mukhang napansin 'yon ni Santillan dahil bigla itong ngumiti – isang pilyong ngiti. "Did I make your heart skip a beat?"
Tangina!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro