Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

"SINO?!"

Syet 'yern! Wrong decision talaga na mas pinili niyang lumafang muna kaysa umuwi na lang kanina. May gut feeling na siya e kaso nga oh, well, isa siyang buraot ding kagaya ng best friend niyang si Nobela. At saka mas masarap talaga pagkain nila Tita Mati kaysa sa kanila.

Napalunok siya.

"Tita, Mati, kalma," aniya. Nilunon niya muna ang bumarang parte ng cheese bread sa kanyang lalamunan. Shuta 'yan! Ininuman niyang Coke para mag-slide sa esophagus niya. "Ang altapresyon natin baka mag-soar-high."

"Gospel Grace, hindi ako nakikipagbiruan sa'yo. Sabihin mo na kung sino ang ama ng pinagbubuntis ni Novela."

Magkasalubong na ang mga kilay at nanlalaki na butas ng ilong ni Tita Mati. Naiimagine na niya ang umuusok na bumbunan nito. Spel, kalma. You can handle this. Char. 'Di naman siya masyadong nag-alala dahil betsong naman kasi talaga ni Tita Mati si Word.

Biglang dumating si Tito Pear mula sa back door ng kusina. "Sinong buntis?" may pagtatakang tanong nito habang may hawak ng statula.

Marahas na bumuga ng hangin si Tita Mati.

Pasimple naman niyang inubos ang Coke sa baso niyang hawak.

"Si Novela," eksaheradong sagot ni Tita Mati, sapo ang noo. Napahawak ito sa back rest ng silya sa harapan nito.

Napasinghap naman sa gulat si Tito Pear. "Huwag mong sabihing –"

Itinaas niya ang kamay para pigilan si Tito Pear sa kung ano mang nasa isip nito nang mga oras na 'yon. "Tito Pear, rest assured hindi immaculate conception ang favorite n'yong pamangkin."

Napakurap ito. "Oh?" At nalito. "Ay teka nga, sigurado ba kayong si Novela natin ang buntis?" Marahas na inabot ni Tita Mati ang pregnancy booklet ni Vel. Sinipat. Binuklat. At in-inspection nito ang lahat ng mga detalye roon. "Matilda, baka naman kapangalan ng anak mo. Imposible namang mabuntis si Novela natin –"

"Tito Pear, may matris po at lagusan ang pamingkin n'yo –"

"Gospel Grace!" sita ni Tita Mati.

Naglapat ang mga labi niya. Pigil niya ang matawa. "Sorry po."

"Huwag mo na pinapahaba ang usapan, Spel. Sabihin mo na sa amin kung sino ang ama ng batang dinadala ni Vel," Tita Mati demanded.

"So ito na nga, sasabihin ko sa inyo, pero 'di ako mag-e-explain kung paano nabuo ang baby. Let's keep it simple and wholesome."

Tumango ang dalawa.

"At ipangako n'yo muna na 'di n'yo ako ikakanta," pahabol pa niya.

"O, sige na, sige na. Sabihin mo lang."

"Okay, una, kapitbahay n'yo lang."

"Gwapo ba 'yan? Matangkad?" game na game pang hula ni Tito Pear.

"Magaling magluto?" hula na rin ni Tita Mati pero kunot na kunot ang noo.

Natawa siya.

"Pareho ba tayo ng iniisip?" baling ni Tito Pear kay Tita Mati.

"Kinamumuhian ni Vel?" hula ulit ni Tita.

"Babaero?" dagdag ulit na hula ni Tito Pear.

Nagkatinginan ang dalawa ng ilang segundo at sabay na napasinghap. Marahas na hinarap siya ng dalawang matanda.

"Imposible!" sabay pang iling ng dalawa.

Ay ano ba 'yan?! Suspense na e. Nasa dulo na ng dila 'di pa tinuloy. Bumuntonghininga siya.

"Imposible 'yon," ni Tita Mati. "Guguho muna ang mundo bago pa magkasundo ang dalawang 'yon. How much more ang mag-ano."

"Anong, ano 'yan, Tita?" hirit pa niyang tanong, nakangisi.

Nawala ang ngiti niya nang bigyan siya nang masamang tingin ni Tita Mati. "Tapatin mo na nga lang kami, Gospel. Hindi 'tong kami pa pinapahula mo."

"Oo na. Oo na. Sasabihin ko na."

"Sino nga?" Nauubos na rin pasensiya ni Tito Pear sa kanya.

"Si Word."

"Si Word lang pala e," kalmadong react ni Tito Pear. Kumalma rin si Tita Mati. But it was just only a split seconds dahil parehong nanlaki ang mga mata ng dalawa habang nakatingin sa isa't isa. "Si Word?" ulit nito.

"Si Word Santillan?!" halos nakasigaw nang tanong ni Tita Mati.

Tumango siya. "Opo, si Santillan."

Akmang mahihimatay si Tito Pear sa nakakagulat na rebelasyon pero itinulak ito patayo ni Tita Mati kaya naudlot ang pagdadrama. Sakabila ng ngiti at awkward niyang tawa ang pagngiwi niya sa isip. Hindi lang si Novela ang papatay sa kanya kung 'di kasama na si Word. Siya yata ang may kailangan ng 7 years na paglalayas. Shuta 'yan!

"Batse na ako!"

Mabilis pa sa alas kwatrong tumayo siya at tumakbo palabas.

"Hoy, Spel! 'Langya!" narinig pa niyang tawag sa kanya ni Tita Mati pero 'di na siya lumingon pa. Mahal pa niya ang life niya. Que horror! Ayaw pa niyang mamatay na virgin at 'di nakakatikim ng sarap. "Gospel Grace bumalik ka rito!"

Nang makalayo ay mabilis niyang tinawagan si Word. Hingal na hingal siya. Nanghahaba ang leeg para i-check kung 'di siya hinabol ni Tita Mati ng bakya. Dios ko! Mahabagin. Masakit mapalo ng bakya. Ilang beses na silang binato ng bakya ni Matilda Martinez.

"Hello? Spel?" sagot ni Word sa kabilang linya.

"Word –" Natigilan naman siya nang pagbaba niya ng tingin ay hindi magkapareha ang suot niyang tsinelas. Walangya 'yan! Lalo siyang mababakya nito e.

"Spel? Hoy, nandiyan ka pa ba?"

"Tangina!"

Natawa sa kabilang linya si Word. "O, akala ko ba, 'di ka na nagmumura? Change of heart?"

"Shuta! Tumakas lang ako. Pero walangya, Word! Patay ka talaga. Nalaman na nila Tita Mati na buntis si Vel."

"Oh, shit! Alam nilang ako?"

"Oo, sinabi ko e."

"Tangina, Spel!"

"Shuta ka! Huwag mo akong minumura. Ramdam ko nang pagkalagas ng buhok ko sa inyong dalawa ni Vel. Kulang pa ang komisyon ko sa'yo. Huwag mo ako ginugulangan at ipapa-blotter kita kapag ako nagalit. Pero kaya mo naman akong suhulan para 'di ko 'yon gawin."

"Wala akong naintindihan sa mga sinasabi mo."

"Ako rin."

"Anyway, where's Vel? Nagalit ba si Tita Mati kay Vel? Pupunta na ako riyan. Balikan mo 'yong kaibigan mo at siguraduhin mong 'di 'yon mapapalo ng bakya." Narinig niya ang pagmamadali sa bawat kilos ni Word sa kabilang linya.

"Tulog si Vel sa taas. At huwag kang praning, 'di 'yon babakyain ni Tita Mati. Malaki pa chance na oo kung 'di buntis anak niya. Pero, binusog mo 'yon e. Pinunlaan mong watermelon seeds kaya tutubo 'yong watermelon sa tiyan niya at lalaki pang lalo hanggang sa siyam na buwan. " Biglang nawala sa kabilang linya si Word. "Ay shuta 'yan! Binabaan ako. Hoy Word Santillan ang utang mo sa'kin bayaran mo mamaya!"

Napangiwi siya at marahas na nilingon ang bahay ni Vel. Walangya 'yan! Hindi siya puwedeng maglayas dahil mas lalong malulugmok sa pagkalimot ang pera niya kay Word.

"Anak nang –" Nagmartsa siya pabalik. "Kapag talaga naiipit ako sa pagitan ng pera at pagkakaibigan ang hirap magdesisyon. Syempre, gawin niya na lang both dahil sino ba naman ako, 'di ba? Ako lang naman si Gospel Grace na isang magandang dukha pero isa pa ring true friend."

"WORD, saan ka pupunta?"

Nakasalubong niya si Nicholas sa parking lot ng TADHANA. Naalala niyang may usapan pala silang magkikita ngayon. Shit! But it's not the right time for that. Kailangan niya munang puntahan si Vel.

"Aalis ako. Let's cancel our meeting for today." Binuksan niya ang pinto ng driver's seat ng kotse niya. "Kailangan kong puntahan si Vel."

"What happened to Vel?" May pag-aalala sa boses ni Nicholas.

Pinaandar niya ang makina ng kotse. "Nalaman na ni Tita Mati na buntis si Vel at ako ang ama. Kailangan ko mag-explain."

"I'll go with you."

Mabilis itong nakaikot sa harap ng kotse niya at pumasok sa loob.

NAKATULALA pa rin siya habang nakatingin sa kisame. Hindi niya pa alam anong oras pero mukhang mag-a-alas-singko na dahil 'di na mainit sa labas. Tinatamad pa siyang bumangon. Napagod siya sa panaginip niya. Hinahabol siya ng nanay niya, may hawak pang bakya. Galit na galit. Nalaman daw nitong buntis siya.

Langya, ayaw na niyang isipin at baka magkatotoo pa.

Bangon na, Novela!

Bumangon na siya at kinusot pa ang mga mata habang hinahagilap ng mga paa niya ang pambahay niyang tsinelas. Pagka-end-call niya kanina sa tawag ay nakatulog agad siya. Pero inaantok naman na talaga siya noon. Mas inaantok lang siyang kausap si Santillan.

Mukhang mahaba rin ang tulog niya. Alam niya kapag malalim tulog niya. Parang namamaga mata niya. Lumabas na siya ng kwarto niya. Nauuhaw siya bigla. Nagugutom na naman ulit siya. Walangyang buhay 'to! May balak yata siyang gawing bola ng anak niya.

Pababa na siya nang hagdan nang mapansin niyang mukhang may mga bisita sa sala. Naikiling niya ang ulo sa kaliwa. Sino na naman mga bisita ng nanay niya? Tumuloy pa rin siya hanggang sa makita niya kung sinu-sino ang mga nasa sala.

Kamuntik na siyang madulas sa gulat buti nakahawak niya sa hawakan ng hagdanan.

"Vel!" sabay pang sigaw nang lahat.

"Kalma!"

"Maria Novela!" buntonghininga ng mama niya.

"Ano ba kayo? Bababa lang ako." At saka ang weird ng mga 'to. "Sino may birthday ba at kompleto kayo rito?"

Expected niyang dadating si Santillan dahil 'di naman 'yon nagpagsasabihan sa mga bagay na gusto nitong gawin. Pero kasama nito si Nicholas na best friend nito. Of course, kilala niya ito. Madalas ito si TADHANA pero pakiramdam niya 'di naman ito nakaalala ng tao. Namamansin at ngumingiti pero 'di talaga kasing daldal ni Santillan na kahit posteng nakasaya kakausapin. Nakatayo ito sa isang tabi, malapit sa pinto at malaking jar na may halaman ni Tito Pear.

Si Spel nandito rin, nakaupo sa arm rest ng pang-isahang sofa kung saan naman nakaupo ang Tito Pear niyang nagpapaypay ng abaniko. Si Santillan lang umakupa sa mahabang sofa dahil nasa may paanan ng hagdanan nakatayo ang mama niya. Seryoso ang tingin sa kanya.

"Novela, maupo ka nga muna," basag ng ina, parang papunta nang sermon.

Kumunot ang noo niya. "Okay."

Wala siyang ibang upuan kundi ang mahabang sofa kung saan si Santillan. Sinenyasan kasi ni Mama na maupo rin si Nicholas doon sa bakanteng pang-isahang sofa. Nagtama ang mga mata nilang dalawa ni Santillan habang papalapit siya rito.

"Anong ginawa mo?" she mouthed.

"Tsk." Bahagya itong tumayo para paupuhin siya sa tabi nito. "Saka ka na magtanong." Akmang itutulak niya ito pero ayaw siyang bitiwan ng walangya. Shuta!

Her mother cleared her throat at tumayo sa harapan nila. "Vel, Word, hindi ko nagustuhan ang paglilihim n'yong dalawa sa'kin."

Marahas niyang ibinaling ang tingin kay Gospel. Mabilis itong nagtago sa likod ni Tito Pear. Ang walangya! Natulog lang siya may ginawa na namang kabalbalan ang 'sang 'to.

"Anong sinabi ni Gospel Grace kay Mama?" bulong niya kay Santillan.

"Alam na ni Tita Mati na buntis ka," pabulong ding sagot nito.

Tutang ina 'yan! "Huwag mong sabihing sinabi ni Spel?"

Umiling ito. "Hindi."

"Novela, Word," sabay silang nagitla sa pagtawag ng mama niya. Nabalik ang tingin nila rito. Walang ka ngiti-ngiti ang ina niya. "Huwag na kayong magbulungan diyan. Ako mismo nakadiskubre sa prenatal booklet mo sa kwarto mo."

Napangiwi siya sa isip.

Sabi na e! Sana talaga itinago na lang niya 'yon sa ilalim ng kutson muna. Kaso tinamad na siya bago pa siya nagkusa.

"Ma –"

"Huwag ka munang magsalita at 'di pa ako tapos." Pinagkrus nito ang mga braso sa dibdib. "Kailan pa? Kailan pa may nangyayari sa inyo?"

Namilog ang mga mata niya. "Shit! Isang beses lang 'yon Ma."

"Bibig mo, Novela," sita sa kanya ng Tito Pear niya.

"Isang beses? One night stand?" Tumango silang dalawa ni Santillan. "At kailan naman nangyari 'yon? E 'di ka nga lumalabas ng kwarto mo, Novela. Isang beses ka lang namang 'di nauwi rito sa bahay –" Natigilan ang mama niya. "Huwag mong sabihing noong bagyo –"

Napasinghap ang Tito Pear niya. "Maria Novela Martinez!"

Nag-iinit ang pisngi niya shuta 'yan. Nakakahiyang pag-usapan ang mga bagay na 'yan may audience. Lamunin na lang siya ng lupa.

"Tita Mati, it's not her fault. Pareho kaming lasing noon and I got out of control –"

"Hindi lang pala ang Cebu sinalanta nang mga panahon na 'yon. Sinalanta ka rin pala Novela," singit ng Tito Pear niya.

"Tito, ano ba?! Talagang pag-uusapan natin 'yan dito? Basta 'yon na 'yon. Nalasing kami ni Santillan at may nangyari sa'min. 'Yon na 'yon. Tang inis naman kayo e. O, 'di alam n'yo na. Hindi na namin itatago."

"At bakit n'yo nga itinago sa'min?" tanong ni Mama. "Ayaw ka bang panagutan nitong si Word?"

"Mas tamang sabihing ayaw ko."

"Nag-alok na ba 'tong si Santillan mo?" pangungulit pa ni Mama.

At anong Santillan mo? Hindi naman sa kanya 'yang si Santillan.

"Ayaw ko nga," she insisted. "Kahit lumuhod pa siya. Umiyak ng dugo. Hinding-hindi ako magpapakasal sa babaerong 'yan. Para lang akong kukuha ng batong ipupokpok sa ulo ko."

"Pormal naman pong manliligaw si Word, Tita," singit ni Nicholas. Ay iba, may spokesperson na ngayon si Santillan. "Bigyan lang siguro natin ng chance. Vel," bumaling pa ito sa kanya. "Alam ko na madami pang dapat baguhin si Word pero willing naman siyang makipag-cooperate."

Pagbaling niya ng tingin kay Santillan para itong 'di makabasag pinggan sa bait. Tangina! Sarap lakumusin ng mukha. Gwapo nga pero nakakasura.

"Vel, agreelalo ako kay freenylou ni Word," segunda pa ni Spel. "Bigyan mo nang chance. Willing na willing naman si Daddy Word magpakatino para sa inyo."

"Isa ka pa!"

Ngumuso si Spel. "Saka ang gwapo ng best friend, girl," dagdag na bulong pa ni Spel habang 'di pa nakatingin si Nicholas. "Go na. Push mo na. I-mine ko na rin 'yang si bff." Humagikhik pa ito at binigyan pa siya ng finger heart.

Tawang-tawa naman ang Tito Pear niya.

Bwesit 'yan! Sumasakit ang ulo niya. Hindi lang ulo. Pati batok at kasukasuan niya. Gusto niya bigla ng isang bilyon. 'Yong cash! Pera lang magpapagaling sa kanya ngayon.

"Sinasabi ko sa'yo, Word, hindi porke't gusto kita para sa anak ko ay magiging madali na para sa'yo na ibigay ko sa'yo ang Novela ko. Kaya umayos ka." Nagulat siya sa sinabi ng mama niya. Akala niya basta-basta na lang siyang ipapamigay nito.

"Tita, kilala n'yo ako. At ayaw ko rin pong mangako dahil 'di naman ako naniniwala sa mga pangako. Pero makakaasa po kayong totoo ang hangarin ko kay Vel."

"Kasal ang inaalok mo sa anak ko, Word. Tandaan mong ang pagpapakasal ay hindi basta-basta pagkain na gusto mo ngayon pero kapag 'di mo nagustuhan ang lasa ay iluluwa mo na lang."

"Kaya nga po ako manliligaw muna para makita n'yo kung gaano po ako kaseryoso sa anak ninyo."

"Kahit 'di siya marunong manligaw," singit ni Nicholas.

"Seryoso po talaga ako kay Vel."

"Makakaasa po kayong 'di 'yan nagdalawang-isip kay Vel," singit na naman ni Nicholas.

Kumunot ang noo ni Tito Pear. "Sure kang wala kang gusto rito sa Novela namin, Word?"

Nicholas chuckled, "Hindi po siya sigurado riyan."

"Nicholas!" Santillan hissed.

"Chill." Nicholas raised both his hands in defense. "We'll see po in the coming days."

"Yes na raw po sabi ni Vel," itinaas ni Spel ang kamay, ngumisi pa.

"Hoy gaga!"

"On behalf of my best friend, ako na ang magdedesisyon sa kanya. Okay na, Word, isagad mo na ang paglandi kay Vel –" Binato niya itong throw pillow. "Aray naman! Tang na juice 'yan! Nicholas yakapin mo nga ako."

Tawang-tawa ang Tito Pear niya. Pinalo pa ng pamaypay ang braso ni Spel. Ang mama niyang kanina pa 'di maipinta ang mukha ay 'di napigilan ang tawa. Si Nicholas na ang inosente ng ngiti. Parang tanga na 'di na gets ang joke.

"Oh, bueno," pumalakpak ang mama niya ng tatlong beses para kunin ang atensyon nilang lahat, "iwan na muna natin 'yang dalawa na makapag-usap. Sumama na muna kayo sa'kin sa kusina. Tulungan n'yo akong magluto."

"Tita Mati, by pair ba? I-pair n'yo ako kay Nicholas. Kaya ko pong mag-slice ng yelo."

Hinila na ito ng nanay niya. "Ipapa-slice ko sa'yo ang ref."

Tawang-tawa si Spel. "Oy, Tita Mati, you like it hard pala. I like hard too."

"Busalan ko na 'yang bibig mo Gospel Grace. Pear, ikaw na umasikaso kay Nicholas. Igigisa ko lang muna 'tong si Spel sa kaha."

Tumayo na rin si Tito Pear. "Halika Nicholas, marunong ka bang magdilig ng halaman?"

Nicholas chuckled, "Madami po bang didiligan?"

"Lahat ng halaman sa subdivision."

Tawang-tawa si Nicholas. "Dami naman po."

"Ganoon talaga rito, anak. Mahilig kaming magdiligan ng halaman para 'di matigang." Isinama na rin ng Tito niya si Nicholas sa labas.

Nasapo niya ang noo. "Maghiwalay na tayo kahit 'di pa tayo," basag niya.

"Isa-suggest ko sanang maging tayo muna." Matalim ang tingin na ibinigay niya rito. Ngumisi ito. "Pero walang hiwalayan."

Gusto niyang sipain si Santillan. "Nanggigil na naman ako sa'yo." Sinuntok niya sa braso si Santillan.

"Shit! Ang sakit mo naman manuntok." Sinalo nito ang kamao niya nang uulit siya. "Pwede bang mag-suggest ng ibang away na pareho nating ma-e-enjoy?" Pilyong ngumiti pa ito. Lalo lang tumalim ang tingin niya rito. "Oh! Magagalit na naman 'to. Huwag ka na kasi magalit sa'kin. Magiging kamukha ko na 'yang baby natin."

Ibinaba nito ang kamay niya para pisilpisilin ang mga pisngi niya.

"Ilang kilo nadagdag sa pisngi mo ngayon?" asar pa nito.

"Yawa ka!"

He chuckled, "Bukas demonyo na naman ako. Sa susunod na araw Satanas. Tapos magiging anak ni Lucifer."

Marahas niyang inalis ang mga kamay nito. "Diablo!"

"Mas mataas ba ranggo ni Satanas kaysa sa Diablo?"

"Gago!"

Tawang-tawa ito. "Hay naku, Vel, nanggigil na rin ako sa'yo."

"Hindi pa rin ako magpapakasal sa'yo."

"A piece of advice, huwag kang magsalita nang tapos. At baka ako pala ang una at huli mo."

Napamaang siya. Lumapad lang ang ngiti nito. "Saan mo ba hinuhugot kakapalan ng mukha mo, Santillan? Ay wait. Bakit ko ba itinatanong? Obvious namang sa impyerno."

"Ako lang ang nag-iisang demonyo na kaya kang dalhin sa langit," he smirked.

"Tang –"

"O, sige, magmura ka pa," tumatawang pang-aasar pa nito.

Nanggigil siya. "Gago ka!"

Lumakas ang tawa nito. "Gagalit ka kasi totoo?" Tumayo siya at biniglang sipa ang binti nito. He cursed under his breath. "Shit! Maria Novela!"

"Gustong-gusto mo pahirapan sarili mo, ha? Okay, sige, subukan natin hanggang saan ang kaya mo. Dalhan mo ako ng marshmallow na matigas."

"Walangya! Mayroon bang ganyan?"

"Aba'y ewan ko sa'yo? Dapat 'yong kasing tigas ng mukha mo. Kapag 'di mo 'yon nabigay sa'kin. Isang linggo kitang kamumuhian."

"Araw-araw mo naman na yata 'yang ginagawa."

"Mas matinding pagkamuhi."

"Favorite mo talaga ako, 'no?" he chuckled. "In all fairness naman sa'yo, Vel, damang-dama ko lagi ang pagmamahal mo. Dagdagan mo pa at mukhang kulang pa e."

"Bahala ka sa buhay mo!"

Tinalikuran na niya ang walangya. Pero tinatawanan pa rin siya. Abnormal talaga 'tong si Santillan. Kainis! 

Napahawak siya sa kanyang tiyan. 

Naku, huwag na huwag kang magmana sa ama mong kinulang sa breastfeeding noong bata, baby. Paglabas mo. Gulpihin mong matindi ang ama mo. 

Paakyat na sana siya nang kamuntik na naman siyang madulas. Pakshet! Bakit ba ang dulas ng sahig nila ngayon?

Napasinghap siya bigla nang may kumarga sa kanya. Literal na nanlaki ang mga mata niya kay Santillan.

"Hoy ibaba mo nga ako!!" Kapit na kapit siya rito habang hinahampas ang likod at mga balikat nito.

"Kanina mo pa ako ginigil, Vel. Kanina muntik ka na ring mahulog. Ngayon nadulas ka pa."

Hinuli nito ang mga mata niya.

"Kasalanan ko bang kasing kinis ng ulo ni Tito Pear ang sahig namin?!"

He chuckled at 'di niya alam kung bakit may liwanag siyang nakikita sa magkahalong asar at aliw sa mukha ni Santillan. Shuta! Alam na niyang gwapo si Santillan pero bakit gusto na lang niyang titigan?

Tangina!

"Ibaba mo ko!" singhal niya.

"A.y.a.w.k.o.n.g.a." He smirked. "Ngayon 'di ka nag-iingat. Ako na mag-a-adjust. You're welcome."

Walang sabi-sabi na inakyat siya nito sa hagdan.

"Hoy Santillan!"

"Tutal papunta na rin tayo ng kwarto mo. Mag early honeymoon na lang muna tayo."

"Yawa ka talaga!"

"Pangalawa sa'yo." Pinanggigilan niya ng kurot ang isang braso nito. "Shit! Vel!"

"Galit ako sa'yo!"

Tinawanan lang siya nito. "Cute mo talaga, Mommy."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro