Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10

DINAMPOT niya ang tumutunog na cell phone sa mesa niya. Napangiti siya nang makitang ang mama lang pala ang tumatawag. Inalis niya ang salamin sa mata at in-accept ang tawag nito sa Facetime.

"Ma!" nakangiting bati niya.

"Son, I miss you."

Natawa siya. "I miss you, too. Si Papa?" Pansin niyang dim ang background nito. "Nasa Paris pa rin ba kayo?" If nasa Paris pa rin ang mga magulang niya and it's still 10 in the morning here. We're 7 hours ahead, so madaling araw pa roon. Probably around 3 am. Bakit gising pa ang mama niya?

"Yup. We'll be in Greece the next day."

Muli siyang napangiti.

His parents were never fond of social media. Nag-a-update lang ang mga ito sa kanya through messenger. Actually, that's the reason why his parents are not currently here. Isang buwan na yatang naglilibot ang mga ito sa Europe. They're staying with his Aunt Leslie in Verona, kapatid ng mama niya. His parents will be back, probably after 3 months. A long overdue 30th wedding anniversary celebration ng mga magulang niya.

Matagal na siyang nakahiwalay sa mga magulang niya. His house, sarili niyang pera ang ginastos niya roon. Wala rin naman lagi ang mga magulang niya dahil simula nang tumanda siya at natututong tumayo sa sarili niyang mga paa ay hinayaan na siya ng mga ito. His parents trust him. Pati mga desisyon niya ay hindi na masyadong pinapakialaman ng mga magulang niya as long as he informed them of his plans and whereabouts.

He liked that.

At para naman ma-enjoy ng mga magulang niya ang buhay ng mga ito na hindi na masyadong nag-aalala sa kanya.

But his mother would often call him just to check upon him.

"Your father is asleep... snoring pa nga," his mother chuckled. "Nagising lang ako, anak. Hindi ako makatulog ulit, so I decided to call you up. How are you? Everything is good? Wala ka naman bang problema riyan?"

"I'm fine, Ma. The usual stuff. Something that I can handle. You know me. Ako ang pinakamatalino n'yong anak."

Natawa ito, "Ikaw lang naman talaga."

"Ahm, Ma. Just a curious question."

"Ano 'yon?"

"Anong magiging reaksyon n'yo kapag sinabi kong magpapakasal na ako at magkakaapo na kayo?"

Namilog ang mga mata nito. "William Ordeal Santillan!"

Malakas siyang natawa. "Just a question. Kalma ka lang. 'Di ko naman sinabi na totoo."

But he has plans. Saka na kapag nakumbinse na niya si Vel. Hindi man halata pero 'di naman niya pini-pressure si Vel. Makulit lang talaga siya. Naasar tuloy lalo. Pero kung 'di naman niya 'yon gagawin ay 'di naman siya napapansin. The way to Maria Novela's attention is through triggering her blood pressure. Pero tino-tonedown niya 'yon ngayon at kawawa naman ang anak nila. Lalabas sa mundong 'to na malaki ang sama ng loob.

Natawa siya isip.

Walangya, hirap na hirap talaga siyang suyuin si Vel. Pero 'di naman nakakasawa. Na-e-enjoy pa nga niya, so the suffering is bearable.

"Kinakabahan ako sa'yo, Word. Malaki ang tiwala namin ng papa mo sa'yo pero wala akong tiwala sa mga babae mo. Ni isa, wala ka ngang pinakilala sa amin. Kay Nicholas lang namin nalalaman na nagpalit ka na naman ng girlfriend. Dios ko, anak. Tigilan mo na 'yan. 'Di ka makakahanap nang matinong babae kung lagi ka na lang ganyan."

He leaned on his seat and chuckled. 'Yon na nga e. Hindi lang isang babae si Vel. Ang nanay ng anak niya ay babaeng may lakas ng sampung braso ng maton. Ngingiwi talaga mga alagad ni Satanas kapag si Vel na haharap. That woman is really something. Mura pa lang ni Vel tagos na sa kaluluwa. Paano pa kaya ang suntok?

"Don't worry, Ma. Kung maisipan ko mang lumagay sa tahimik. You will definitely like the woman I'm going to marry."

Hindi pa niya nakukwento si Vel sa mga magulang niya. Not even properly introduced yet dahil kinamumuhian nga siya ni Vel. Alangan namang ipakilala niya sa mga magulang niya ang taong araw-araw siyang sinusumpa at minumura ng masidhing pagmamahal nito sa kanya.

But as far as his memories could remember, Vel and his parents have met before. Isang beses sa TADHANA noong nagtatrabaho pa sa kanya si Vel. At sa bahay, noong nagpahatid siya ng special maja blanca na gawa ni Tita Mati. It was Vel who delivered it in his house. He's just not sure if they could still remember her.

"Siguraduhin mo lang talaga 'yan, Word, at kapag 'di ko 'yan nagustuhan, uuwi agad kami ng papa mo riyan sa Cebu."

Natawa siya. "Wala pa naman, so enjoy muna kayo riyan."



HUMIKAB ulit siya.

"Hoy Vel, pang sampung hikab mo na 'yan wala pang tatlong minuto," puna sa kanya ni Spel. Hindi niya pa rin ito tinatapunan ng tingin. Busy siya kaka scroll sa mga pictures ni Santillan sa IG nito. Yawa 'yan! Bakit ba siya nandito? "Matulog ka na nga."

"Kakagising ko lang. Puro kain at tulog na lang ginagawa ko. Pati sa trabaho, pagkain at kama lang nasa utak ko." Naiimbyerna na rin siya minsan. Tamad na tamad na talaga ang pakiramdam niya. Kaya ginawa niyang desktop wallpaper ang pera para naman ma motivate siyang magtrabaho. Shuta 'yan!

"Ano ba 'yang tinitignan mo?!"

"Ang tangos pala ng ilong ni Santillan." Huminto siya roon sa picture nito na naka sideview ito, background nito ang papalubog na araw at dagat.

"Omg! Ini-stalk mo si Babydaddy mo? Patingin." Dumikit itong si Gospel sa kanya. Pareho na silang nakasandal sa headboard ng kama. "Ang gwapo niya riyan."

She made a face. "Gwapo nga pero babaero naman."

Natawa si Spel. "Girl, kaya nga naging babaero 'yan kasi gwapo."

"May babaero rin namang parang nililok ang mukha sa craters ng Mars," kontra pa niya. "E ano tawag sa mga 'yon?"

"Ang tawag doon, makakapal ang mukha."

Natawa siya. "Walangya! Sabagay, may point ka rin." Ini-scroll down pa niya ang mga pictures. "Pansin ko lang na wala siyang picture na may kasamang mga babae. I mean, meron, pero laging group photos."

"E lahat ng mga ka flings ni Word ilang araw lang sa kanya. Milagro na ang one week. Once in a blue moon pa. Aba'y mas mabilis pa si Word magpalit ng girlfriend kaysa sa anim na araw na paggawa ng Dios sa mundo."

"Mabilis magsawa kamo."

"Typical playboy kasi 'yang si Word. At saka, nasa sa kanya lang if babaguhin niya sarili niya sa'yo. Pero naniniwala akong truelalo siya sa pag-a-apply sa buhay mo. Girl, effort na effort na 'yong tao sa'yo."

"Magkano sinuhol niya sa'yo para i-PR mo siya sa'kin?"

Tawang-tawa ito. "Five hundred per day, depende sa proof of labor ko." Iniangat nito ang cell phone. "In-record ko sinabi ko kanina para wala na siyang masabi. Shuta ka, Vel! Makisama ka naman. Kahit maging sweet ka na lang nang slight kay Word para naman ibigay na niya full commission ko –" Hinampas niya itong unan sa mukha. "Ouchieeee!" maarteng reklamo pa nito.

"Mukha ka talagang pera!"

"Kaya nga tayo naging magkaibigan dahil pareho tayong mukhang pera."

"Ikaw lang ang tumatraydor sa kaibigan ng harapan –"

"Luh, at least, aware ka." Malakas itong tumawa pagkatapos. "Anyway, girl, isipin mo naman ang effort niya sa matabang mong cake na request. Hindi mo na kailangan ng Engkantong chef para gawan ka nun. Isang Chef Word lang at mayroon ka na agad."

"Wala pa 'yong spaghetti at salad ko."

Inihanda ulit nito ang cell phone. "I-follow-up ko na ba? Ilang araw na ba? Ay wait!" Pinanlakihan siyang mata ni Spel. "Maria Novela huwag mong iniiba usapan. Ikaw nga e, ini-stalk si Word sa IG. Para saan 'yan? Jowa lang gumagawa niyan. Well, pati na rin 'yong mga umaasa sa crush nila tapos nasasaktan lang din pagkatapos kasi may iba palang mahal."

"Gaga!"

"Sad life, 'no?" Ngumisi ito sabay hablot ng cell phone niyang hawak. "Isa lang talaga solusyon niyan, Vel." Nanlaki ang mga mata niya nang i-heart nito lahat ng mga pictures ni Santillan. "Pusuan mo lahat."

"Tangina!" singhap niya, hayan nagmura na naman siya.

Tawang-tawa naman si Spel. "Heart! Heart! Heart! Wait, comment ka rin ng mine." Nag-agawan sila ng cell phone. "Huwag ka ngang KJ."

"Shuta ka! Account ko 'yan!"

"E ano naman?"

"Ikaw naman ang legal wife –" Hinila niya ang buhok ni Spel. Napangiwi at napasigaw ito sa sakit. "Araaaaaay!" Hindi niya binitiwan ang buhok nito. "Pasalamat ka talaga at buntis ka dahil sinipa na kita... aray... huhu... my precious scalps."

"I-unheart mo 'yan!"

"Useless! Nag-notif na 'yan malamang kay Word."

"Gaga ka talaga!"

Mayamaya pa ay bigla na lang tumunog ang cell phone niya na hawak pa rin ni Spel. Tumatawag si Santillan mula sa messenger niya. Gusto niyang magmura. Nagkatinginan sila ni Spel.

"Ikaw kasi!" asik niya rito.

"Ayaw mo sagutin? Baka importante?" ngisi pa nito.

Binitiwan niya na ang buhok nito at inagaw ang cell phone. Nakatingin siya kay Spel na pinindot niya ang end call. Pero imbes na tumahimik ang cell phone ay may naririnig siyang ingay ng paggalaw ng mga gamit. Ininguso ni Spel ang cell phone niya.

"Hi, Babe!"

Boses at tawa ni Santillan ang marahas na nagpalingon sa kanya sa screen ng cell phone. Shuta! Hindi end call ang napindot niya.

Tawang-tawa si Spel sa tabi niya at dahan-dahang umalis sa kama. Pinanlakihan niya ito ng mga mata pero binigyan lang siya nito ng dalawang finger hearts bago siya iniwan. Napamaang siya sa katraydoran ni Gospel Grace! Ubos na ubos na ang belib niya.

"So, pinusuan mo pala lahat ng mga pictures ko sa IG?"

"Hindi ako 'yon!"

Natawa ito. "Sino naman? Ang mga duwende sa kwarto mo?"

"Malamang."

Natawa lang ulit ito. "New found friends? Tanungin mo nga raw saan itinago ang Yamashita's treasure. Baka kasi nandoon ang pagmamahal ni Maria Novela Martinez para kay Word Santillan."

"Yuck!"

"Yuck ka nang yuck diyan, tayo lang din pala end game."

Kinapa niya ang kilabot pero bakit wala siyang maramdaman?

Hoy, Vel, hanapin mo!

Inayos nito ang pagkakasandal ng cell phone nito sa mesa nito. Pamilyar siya sa silid na 'yon. Tiyak siyang sa opisina nito 'yon sa TADHANA. Medyo naka sideview na ito dahil busy ito sa kung anong ginagawa nito sa laptop nito.

"Alas tres pa lang ah. Bakit gising ka na?"

Sumakit na ang likod niya kakasandal kaya nahiga na siya sa kama, patagilid. "Akala ko ba gusto mo akong mag-resign?" Inayos niya ang unan sa ulo at humagilap siyang isa para may kayakap siya at 'di mangalay ang kamay niyang nakahawak sa cell phone.

He chuckled, "Joke lang 'yon. Hindi naman kita pipigilan sa mga gusto mo as long as it will not put your health and our baby's health at stake. I will clarify it myself sa susunod na checkup mo. Sa ngayon, just don't overwork yourself."

"Hindi naman ako tanga. Hindi ako nagpapabaya sa sarili ko. Rest assured na mas healthy pa kami ng baby kaysa sa'yo."

"Hindi mo sure."

"Bahala ka sa buhay mo."

Natawa ulit ito. "I did my research. You're still in your trimester kaya malaki ang health risk sa pagbubuntis mo. I've prepared a list of meals that will be healthy for you. Huwag mo nang tanggihan kapag hinatid ko riyan sa bahay."

"Magtataka si Mama kapag hatid ka nang hatid ng pagkain sa bahay namin. Aksaya lang 'yan ng oras at pera. Okay lang ako."

"Hindi aksaya sa'kin dahil initiative 'yon."

"Sinabi ko na sa'yong huwag kang magpa-sweet. 'Di 'yan oobra sa'kin."

He chuckled, "Bakit ba lagi mo na lang pinagdududahan ang mga ginagawa ko para sa'yo?" He glanced at her this time. "Natatakot ka bang mahulog nang tuluyan sa'kin kapag tinanggap mo mga ibinibigay ko sa'yo?"

"Hindi!" asar na sagot niya, brows creased. "Asa ka pa."

Sumandal ito sa swivel chair nito at ngumiti pang lalo. "Malapit ko nang isipin na kaya lagi mo akong pinagtatabuyan palayo dahil natatakot kang ma fall sa'kin. This conversation proved my assumptions. Fight fair, Vel. Be a man." Tumawa ito pagkatapos.

"Kung makapagsalita ka parang hindi problema sa'yo ang pag-ibig? E hindi ka nga nagseseryoso sa mga babae mo."

"I remember I said something like that before. Pero naisip mo ba Vel kung ano ang sitwasyon nating dalawa ngayon? You're not just my woman. You're going to be the mother of our unborn child. Like I said before, I will not allow my child to be illegitimate. Lucky for me dahil ikaw ang magiging ina ng bata at hindi kung sinu-sino lang."

"Kasalanan mo naman 'yon dahil wala kang taste."

Tawang-tawa ito. "Meron na kaya ngayon."

"Ay, talaga ba?"

"Ano siya, 50% babae at 50% lalaki."

"Ay walangya!"

Syempre, alam niyang siya ang tinutukoy nito.

Ang lakas ng tawa nito. "Nahulaan mo na kung sino?"

"Pasalamat ka't wala ako riyan kung 'di nasipa na kita. Huwag mo akong dinadamay sa mga ganyan mo, Santillan. Wala ka pa ring taste."

"Meron na nga. Ang kulit nito. Alin ba roon ang 'di mo naiintindihan? Explain ko sa'yo nang dahan-dahan para naman madama mo."

"Bakit iba ang dating sa'kin?"

"Ikaw lang nag-iisip niyan. Hoy, Vel! Inosente ako."

"Mukha mo!"

"Huwag mo naman masyadong iparamdam sa'kin na miss na miss mo na ako. Huwag kang mag-alala. Mamaya pag-uwi ko. Sisiguraduhin kong makikita mo ang gwapo kong mukha bago ang shift mo. Para naman ma motivate ka sa pagtatrabaho."

"Mas lalo lang sasama ang pakiramdam ko."

Bigla namang sumeryoso ang mukha nito. "Masama ba ang pakiramdam mo ngayon?"

"Hindi!"

He chuckled, "Ayusin mo kasi. Napaparanoid na ako sa'yo."

"Mabuti 'yon para mabaliw ka nang tuluyan –"

"Sa'yo?"

May pilyong ngiting naglalaro sa mukha nito.

"Hindi!"

Natawa ulit ito. "Kasalanan mo kung bakit napaparanoid ako kakaisip kung okay ka lang ba kapag wala ako riyan. Mas takot pa akong nakikita kang nanghihina at nasusuka kaysa sa nag-aabang sa'kin na bugbog mula sa'yo."

Bakit napapangiti siya sa mga sinasabi nitong si Santillan? Dios ko, Vel! Kanina ko pa nararamdaman 'yang karupukan mo ngayon. Utang na loob, tumigil ka na. It's not you.

"End ko na 'to. Nakakaantok mukha mo."

"Huwag mo kasi masyadong titigan."

Napamaang siya. "Wow!"

"Halatang-halata na kita, Vel. Hindi ka lang talaga umaamin pero nagagwapuhan ka talaga sa'kin. In-heart mo nga lahat ng pictures ko," he smirked.

"Hindi nga kasi ako 'yon!"

"Sige, kunwari 'di ikaw 'yon."

"Bwesit ka talaga!"

Tawang-tawa ito. "Sige na, i-end-call muna. Magpahinga ka na riyan. Mamaya, dadalaw ako. Huwag mo ako masyadong mamiss."

"Asa ka pa!"

"Kung pwede naman umasa, bakit hindi?"

Tangina talaga 'to e!



"OH, Spel, nasa kusina ka? Saan si Novela?"

Naabutan ni Matilda na kumakain mag-isa si Gospel sa kusina. Galing siya sa likod. Naglalaba. Kanina pa niya sinabihan 'tong si Novela na ibaba ang mga labahin nito pero hanggang ngayon hindi pa rin ginagawa. Ang batang 'yon talaga! Tumanda na't lahat, tamad pa rin. Tama lang din na huwag itong mag-asawa. Naku, kawawa ang magiging asawa. Dios ko!

"Nasa kwarto po," sagot nito habang ngumunguya ng cheese bread.

"Ah, siya, sige, maiwan na muna kita rito at aakyatin ko muna 'tong si Vel. Hay naku! Ang tamad-tamad talaga."

"Sige po, Tita. Enjoy po kayo."

Pagkarating niya sa kwarto ni Novela ay tahimik ang buong paligid. Maaliwalas at malamig ang hangin na tumatagos sa bukas na mga bintana. Sisinghalan niya sana ang anak pero nakita niyang himbing na himbig sa pagtulog. May yakap pang dalawang unan. Isa sa may dibdib at isa nakaipit sa pagitan ng mga hita nito.

"Ang batang 'to talaga." Nilapitan niya para maayos na maingat ang kumot sa katawan nito. "Pati cell phone hawak pa rin." Inalis niya ang cell phone at inilapag 'yon sa mesita sa gilid ng kama nito. Lumingon siya sa paligid pagkatapos. "Naku, na saan na ba ang mga pinaggamitan nitong si Novela?"

Nakita niya naman agad ang laundry basket nito sa gilid ng malaking closet. Binuksan na rin niya ang closet nito at minsan pa naman ay nakakalimutan nitong may mga maduduming damit na ito sa closet. At hindi nga siya nagkamali. Makalat at wala sa ayos ang mga nakasalansan na damit pero nang may mahugot siyang damit ay may sumamang maliit na bag. Nahulog 'yon sa sahig at sumabog ang laman ng bag.

Marahas siyang napabuga ng hangin. "Anak ka talaga ng ama mo, Novela. Napakakalat." Tumingkayad siya ng upo para ligpitin ang kalat nang mapansin niya ang booklet sa loob ng bag. Nakaagaw sa atensyon niya ang larawan ng isang sanggol na nasa tiyan pa ng ina. "Kanino naman 'to?" Napakunot-noo siya.

Tuluyan na niyang inilabas ang booklet at ganoon na lang ang gulat niya nang makita kung anong klaseng booklet 'yon.

Dios ko! Prenatal booklet 'to. At bakit may pangalan 'to ni Novela? Napatingin siya sa direksyon ng anak. Buntis ba si Vel?

Binuksan niya ang booklet. May nakita siyang ultrasound picture roon. Sa detalye. Halos magda-dalawang buwan nang buntis ang anak niya. Nanlamig siya. Sinong nakabuntis sa Novela niya?

"Spel," usal niya. "Si Spel. Tiyak na alam ni Spel."

Dala ang booklet ay bumaba siya. Napakurap si Gospel nang makita ang seryosong mukha niya. Nasa bibig pa nito ang kutsara dahil kumakain na ito ng ice cream.

"Gospel Grace, tapatin mo nga ako."

Napalunok ito nang ipakita niya rito ang booklet ni Vel. Sa hitsura palang ni Spel ay alam niyang may alam ito.

"Sino ang ama ng batang dinadala ni Novela?"

"Tita –"

"Magsasalita ka o sisingilin kita riyan sa mga kinain mo?"

"Tita Mati, wait! I can explain."

"Sino?!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro