Chapter 1
"VEL!" tawag sa kanya ng ina sa kalagitnaan ng paghihikab niya. Kakababa lang niya sa hagdan at inaantok pa talaga siya. "Mabuti at gising ka na. Ihatid mo nga 'to sa bahay ni Word," dagdag nito mula sa kusina.
Umasim agad ang mukha niya. Hayan na naman, Word na naman. Wala nang bukambibig 'tong si Matilda kundi Word, Word, Word. Magpalit na lang kaya sila ni Santillan. Ito na ang maging anak ni Matilda at siya na tatao sa malaking bahay nito.
"Bakit ako na naman?" reklamo niya habang naglalakad sa direksyon ng kusina. Maliit lang naman ang bahay nila 'di naman kasing lawak ng SM Seaside. "Wala bang mga paa 'yong si Santillan? Saka order siya nang order wala namang service fee."
Ewan niya talaga sa 'sang 'yon. Chef nga pero panay order sa nanay niya.
May lunchbox business sila ng nanay niya. Three years na rin simula noong launching nila. Apat na taon din siyang nagtrabaho sa corporate world bilang Business Development Staff, na promote na maging officer, hanggang sa nag-resign na talaga siya at sinubukan maging virtual assistant. Homebased at nightshift ang trabaho niya. Isang taon na rin siya sa team niya. Sa umaga ay tumutulong siya sa pag-de-deliver ng mga lunchbox orders nila. They only cater breakfast and lunch dahil ayaw niya ring mapagod ang mama niya sa kakaluto.
Madalas mga HR managers ang tumatawag sa kanila para um-order. May barkada package rin naman sila at minimum of five lunchbox orders. By pax ang orders, hindi puwedeng isahan kasi malulugi sila. Pero feeling privileged 'tong si Santillan. Favoritism din talaga 'tong si Matilda. Palibhasa ang galing mambola ng loko-loko. Pakboy e. Ano pa bang aasahan niya? 'Di magaling mambilog ng utak.
Dati may catering sila kaso nalugi at napabayaan nang magloko ang ama niyang nilalang ng dilim. Sumakabilang bahay at binaon lang sila sa sama ng loob. Nag-iinit talaga ang ulo niya sa tuwing naalala ang hinayupak na ama. Mapapatawad lang siguro niya ang gago kapag bumaba na ulit si Jesus Christ sa lupa. At mukhang matagal-tagal pa 'yong mangyayari. Kaya bahala ito sa buhay nito.
May katulong naman ang mama niya. Si Tito Shakespeare. No joke, talagang pinangalan 'yang tito niya sa sikat na classic author. Sumunod na kapatid ng mama na hindi na rin nakapag-asawa. Tatlo lang naman ang mga ito. Si Mama ang eldest, si Tito Pear, at si Tita Juliet. Kay Tito Pear na sila nakatira simula nang kunin ng mga kapre ang ama niya. Binabae ang Tito Pear niya at isang manunulat ng kuwento sa dyaryo at radio noong kapanahonan nito. Ngayon ay assistant cook na ni Matilda. Promoted ganern. Si Tita Juliet ang nakapag-asawa ng foreigner pero nakatira ngayon sa Santa Fe. Kaso 'di niya 'to masyadong kasundo. Napakamahadera sa buhay. Lahat na lang pinupuna. O, 'di siya na perpek.
Naabutan din niya ang Tito Pear niya na tumitikim ng ginawa nitong sushi baked. Ang laki ng ngiti sa kanya parang nang-aasar pa. May malakas talaga siyang pakiramdam na ibinubugaw na naman siya ng dalawa na pagnasaan si Santillan. Iniisip pa lang niya ay kinikilabutan na siya.
"Tito Pear, saan ka na naman manghuhula ngayon?" nakangisi niyang biro rito.
"Gaga!"
Ang lakas ng tawa niya sabay abot ng lumpia shanghai na itinabi sa mesa. "Mukha kang manghuhula ngayon," dagdag pa niya habang kinakain ang shanghai.
Hindi na tinubuan ng buhok ang tito niya. Kaya laging may suot itong hair turban na pangbabae. Mas makinis pa ang ulo nito sa sahig ng bahay nila. Matangkad at mistisong-mistiso. Madalas itong naka long sleeved maxi dress na iba-iba ang kulay at print. Madami ring suot na accessories at lucky charms. Natatawa pa rin siya kapag nakikita niya ang litrato nito sa sala na nakasuot ng military uniform. Hindi niya ma imagine. Strong yern?
"Ikaw na bata ka, ako na naman nakita mo."
"Joke lang," aniya, tawa pa rin nang tawa.
Pero mahal na mahal niya 'yang Tito Pear niya. Hindi mabubuo ang lunchbox business nila kung hindi ito nag-invest. At marahil wala silang tirahan ng mama niya kung 'di nito inalok ang bahay sa kanilang mag-ina. Niloloko lang niya ito minsan.
"Hoy, Vel," tawag sa kanya ng ina, umalis ito kanina para yata ilagay sa paper bag ang order ni Santillan. "Ibigay mo muna 'to. Mamaya kana kumain."
"Ma, lumipat ka na lang kaya sa bahay ni Santillan."
Tawang-tawa ito. "Gaga ka!" Pinalo pa siya sa braso. Muntik nang bumara ang kinakain sa lalamunan niya. Aray naman! "Huwag na huwag mo akong binibiro dahil tutuhanin ko na 'yan."
"Marupok din," aniya, natatawa pa rin.
Kumuha pa siya ng shanghai.
"Bakit ba ang init-init ng ulo mo kay Word, ha?" puna ng ina. "Matagal ko na talaga napapansin na para kang nireregla sa tuwing nakikita mo 'yong tao. Aba'y kabait ng batang 'yon. Pinapadalhan pa tayo ng pagkain."
Naitirik niya ang mga mata. "Mabait? Luh. Maniniwala lang ako kapag pumuti na uwak."
"Kaso imposible na pumuti ang uwak," segunda ni Tito Pear.
"O, 'di 'yon mangyayari." Kumibot-kibot ang mga labi niya. Simula nang makatrabaho niya ang lalaking 'yon ay nalunod na lahat ng mga good perception niya rito. Naku! Napakababaero. Kung sinu-sino lang kinakalantari ng walangya. "Alis na ako," sabi niya sabay abot ng paper bag. Tinalikuran na niya ang dalawa.
"Hindi ka man lang ba magbibihis?" tanong ng mama niya.
Tumigil siya para harapin ulit ang mga ito.
Tinignan niya ang ayos ng sarili. Maluwag na black T-shirt na may statement na FUCK YOU. Hindi 'yon sadya, nagkataon lang. Bigay lang din 'yon sa kanya ng katrabaho noon. At red and white jersey na shorts na may favorite number niya na 9. Last year naman 'yon noong sumali siya sa liga ng barangay nila. At hindi mawawala ang pangmalakasan niyang tsinelas na mas malaki pa sa orihinal na size ng paa niya. Namali siya ng order ng size sa Shopee. Ayaw na niya mag-effort na papalitan 'yon kaya hihintayin na lang niyang masira. I deserve what I tolerate sabi nga ni Ellen Adarna. Kaya well deserved si Novela. Maiksi na masyado ang buhok niya, hanggang batok na. Ilang beses na siyang nagpa-cut dahil naiinitan siya. Ewan ba, mabilis talaga siyang pagpawisan.
"Bakit ako magbibihis? May fiesta ba sa bahay ni Santillan?"
Tito Pear burst into laughter. 'Yong mukha ng nanay niya parang isusubsob na siya sa kumukulong kaha. Pigil niya ang tawa.
"Aba'y ewan ko sa'yo! Lumayas ka na."
Natawa na siya roon. "Ayon naman pala e. Mabuti na 'yong nagkakaintindihan tayo rito Matilda."
"Ikaw talaga -"
Sanay naman itong nanay niya sa kanya. Makalat talaga siya magsalita. Kumbaga, she speaks her mind always. Kapag nagagalit siya ay nagagalit talaga siya. Hindi niya 'yon tinitimpi maliban na lamang kung kailangan talaga.
"Alis na ako," she chuckled. "Balik agad ako."
Iniwan na niya ang dalawa at lumabas na siya ng bahay. Tirik na tirik na ang araw kahit alas otso pa lamang ng umaga. Tanghali na siya dapat gigising kaso pangit ka bonding nitong pantug niya. Hindi na siya nakatulog dahil nagutom naman siya.
O, siya, para matapos na. Iabot ko na 'to kay Santillan. Ganoon talaga ang buhay. Bawal mamili ng customer kahit pa anak ni Lucifer.
Katapat lang naman ng bahay nila ang malaking bahay nito. Nag-door-bell na agad siya. Isang beses na naging dalawang beses hanggang sa pinanggigilan na niya ang door bell. Ding dong! Ding dong! Ding dong! "Delivery para kay Mr. William Ordeal Santillan!" sigaw niya habang sinisilip ang second floor ng bahay. "Hoy! Mr. Sunshine boy! Pagkain mo!"
Sa totoo lang hindi naman innate ang galit niya rito. Nagtrabaho rin naman kasi siya ng ilang buwan sa TADHANA. It's a dessert and beverage café sa Cebu City. Medyo tago sa main road pero sobrang ganda ng architectural design no'n. Parang isang glass house. Noong mag-resign kasi siya ay nahirapan siyang maghanap ng VA jobs kaya pinag-apply siya ng nanay niya muna sa TADHANA kasi nga raw kulang ng tao.
Hayon, doon niya nasaksihan ang pagiging pakboi nito. Paiba-iba lang ang girlfriends. Hindi nga yata umaabot ng buwan. Hindi naman siya galit. Mas masidhi galit niya sa ama niyang mukhang tikbalang. Siguro inis at dismaya lang. Level 2 pa lang. Sa ama niya level 4 na e. Saka masyado itong presko. Nahahambogan siya. Kaya nag-resign din siya agad bago pa niya masunog ang buong building.
"Santillan -"
Bumukas bigla ang maliit na pinto ng gate nito at bumungad sa kanya ang basang-basa at naka-bathrobe lang na William Ordeal Santillan. Napaatras siya.
Umangat ang gilid ng labi nito sa isang ngiti nang mapansin ang FUCK YOU statement ng T-shirt niya. "Is that an invitation?" malanding tanong nito.
"Tangina -" mura niya.
Natawa ito. "Aga-aga naman niyan, Vel. Mura agad?"
Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "I-normalize nga natin Santillan na lumabas ng bahay na nakadamit. Masyado kang hubadero."
Lumakas lang ang tawa nito. "Nakahubad ba ako sa paningin mo? Ito naman masyadong malinaw ang mga mata."
She can't help but roll her eyes. "Oo, nagpa-lasik ako para makita ko nang malinaw ang buong pagkatao mo."
"Ohh," he seem amuse, "at what else did you see in me?" Isinandal nito ang katawan sa frame ng pinto at humalukipkip. He smugly smiled at him, tila ba sinusubok siya ng asar.
Napamaang siya. "Manyak!" akusa niya.
"Manyak? Wow!" Umayos ulit ito ng tayo. "Wala pa nga akong sinasabi." Natawa ulit ito. Ni minsan talaga hindi niya itong nakitang mainis sa kanya. Lalo lang siyang niloloko. "Ang babaw naman ng tingin mo sa'kin, Novela. Parang wala tayong pinagsamahan ah."
"Sino may sabing meron?" she asked dryly. "Order mo." Marahas na inabot niya rito ang paper bag. Marahas as in halos isampal na niya sa dibdib nito. Mas matangkad si Santillan sa kanya. Hanggang balikat lang siya nito. At oo, saksakan ito ng gwapo! Sad to say. Hindi puwedeng i-deny. Pakshet, 'di ba?
"Ang sweet naman."
"Langgamin ka sana. 'Yong maliliit na langgam para damang-dama."
Natawa na naman ito. "May malaking langgam ba?"
"Oo, ikaw. 'Yong mahirap tirisin."
"Bakit ba ang init ng ulo mo sa'kin, Vel?" inosenteng tanong nito. "I-explain mo nga nang maayos sa'kin para maintindihan kita." Pero halatang nagpipigil lang ng tawa.
"Trip ko lang. Bakit ba?"
"Wow! I-normalize din natin na huwag magalit sa isang tao na walang dahilan," he chuckled.
"May dahilan ako."
"Ano?"
"Akin na lang 'yon. Bayad mo." Inalad niya ang kamay. Inabot naman nito sa kanya ang isang buong five hundred pesos. Kumunot ang noo niya rito. "Wala ka bang barya riyan? Three hundred fifty lang lahat. Bakit kasi 'di ka nagsabi na susuklian ang pera mo -"
"O, kalma. Ito naman. Ikaw lang kilala kong seller na mainit ulo sa customer." Hindi ba namamanhid mukha nito sa kakangiti? "Keep the change. Ang layo pa naman ng nilakad mo." Tumawa ulit ito.
"Ha. Ha. Ha," sarkastiko niyang tawa.
"Vel, kailan mo kaya ako matutunang mahalin?"
"Siguro kapag napatunayan mong itlog ang nauna kaysa sa manok."
"Patay tayo riyan."
"Same thoughts. Anyway, salamat sa kabutihan mo ngayong araw. Um-order ka pa nang madami para madami akong maiipon na tip mula sa'yo."
"Bakit pakiramdam ko labas sa ilong 'yang sinasabi mo?"
"Pakiramdam ko rin. Bye!"
Tinalikuran na niya ito at naglakad na pabalik ng bahay. Mukha siyang pera pero gago pa rin si Santillan. Period.
"HIMALA nasa TADHANA ka lang ngayon?" Umangat ang tingin niya sa nagsalita. It was Nicholas. Tuluyan na itong pumasok sa opisina niya. "I thought hindi kita maabutan dito," he chuckled saka naupo sa upuan sa harap ng desk niya.
Natawa lang siya.
"Anong oras na ba?" He did a quick glance on his wrist watch. Alas nuebe pa lang naman. Matagal magsara ang TADHANA kapag Sabado at Linggo. And today is Saturday. "Maaga pa naman."
"Wala kang kalandiaan ngayon?"
"Gago!" Tawang-tawa siya. He leaned on his seat and craned his neck. Papunta na yatang stiff neck. Minasahe lang niya muna. "Wala. Kaka-break lang namin ni Karen kahapon." Ngumisi siya sa kaibigan. "Walangya, pare, sobrang clingy. Isang linggo pa lang kami pero kung makapag-demand sa'kin ng oras. Shit. Wrong move talaga na nilagawan ko pa 'yon."
"Kailan ka ba sinwerte sa mga babae mo? You only measure your compatibility on how good they can satisfy you in bed. Outside that line, you tend to discredit their personalities."
Tumiim ang bibig niya.
Nicholas has a point. Hindi nga siya magaling pumili ng babae. Sadya o hindi, pareho lang din yata. Basta no strings attached at may sexual attraction silang dalawa ay 'yon na 'yon. He has no plans in settling down. Commitment is not something he can give to any woman. He never go with women with principles. Lalo na 'yong mga hopeless romantic. They tend to idealized relationships too much. Ending, mag-de-demand na ng commitment and marriage. Damn, he doesn't do that.
He can fuck women until they cried in pure ecstasy of pleasure. Hindi naman siya selfish kind of lover. Nagkataon lang talaga na magagaling din ang mga kinakama niya kaya hindi na rin masama. Reward na niya sa mga ito ang matinding orgasm. He always makes sure his women are satisfied, so they crave for him even more.
Unfortunately, emotions are never part of pleasure. Beg me to fuck you, but never beg me to love you. I don't do lovemaking. I only do fucking.
"It's the safest ground to break the relationship," he chuckled. "Hindi naman ako kagaya mo na matino. Huwag mong kalimutang gago ang best friend mo."
"Bakit pa ba ako nagtataka? Alam ko namang wala kang balak magkaroon ng character development," nakatawa nitong sagot.
"Exactly!"
Nawala ang ngiti nito. "Gago!"
Malakas siyang natawa. "Ano bang pinunta mo rito?"
He and Nicholas have been friends since they were seven. Halos sabay na rin silang lumaki. Kung may tao mang lubos na nakakakilala sa kanya ay ang best friend lang niyang for canonization na sa Roma sa sobrang kabaitan. Yeah. Yeah. Alam niya naman na sa kanilang dalawa siya ang demonyo at si Nicholas ang anghel. Not new. At kung hihingin ang opinion ni Vel diyan ay malamang mangunguna pa itong sasang-ayon.
That brat!
Hindi niya talaga alam kung bakit galit na galit ang 'sang 'yon sa kanya? Imbes na mainis ay naaliw lang siya. Inaalaska niya nang husto. Titigil lang yata siya sa pang-aasar niya rito kapag sinaksak na siya ni Vel ng kutsilyo. Shit! Ang gore. He doesn't think Vel will resort to that. High blood lang ito madalas pero 'di naman siguro 'yon serial killer.
Walangya!
Naalala niya ang matalim na mga tingin nito sa kanya kanina. Shit. Baka nga pinaplano na ng 'sang 'yon ang kamatayan niya. Haha! Gago, Word! Kung anu-ano na iniisip mo riyan. Pero seryoso bigla siyang pinanlamigan ng kamay. Makausap nga si Tita Mati bukas. Mabuti na 'yong nakakasigurado siyang hindi pa tinataningan ni Vel ang buhay niya. Makapaghanda man lang siya ng eulogy para sa sarili niya.
"Hoy!"
Nicholas snapped his fingers in front of him. He was taken aback at natuon tuloy ang atensyon niya rito. Did he just drift off?
"Naririnig mo ba ako?"
"May sinabi ka?"
"Sino ba iniisip mo kanina?"
Natawa siya. "Walangya. Si Vel."
Namilog ang mga mata nito. "Vel? As in Novela Martinez? 'Yong tomboy mong kapitbahay?" Na meet lang yata ni Nicholas si Vel noong nagtrabaho 'yon sa Tadhana. "Hindi ba nag-part-time din 'yon dito?"
He nodded. "Oo. 'Yong malaki ang galit sa'kin." Natawa ulit siya.
It piques Nicholas' interest. "It makes me wonder, why?"
"Woah! Kalma. Wala pa akong sinasabi. Don't make assumptions yet."
"Defensive."
"Vel is a dude, man."
"I know."
Naningkit lang lalo ang tingin niya sa kaibigan. The irony in his answers. Halatang may ibang kahulugan pa.
"Sa tingin ko nga galit na galit 'yon sa'kin dahil tipo niya rin 'yong mga naging girlfriend ko. Okay naman kami noon. Bigla lang umasim."
"Paano?"
"Madalas kasi pinapasabay ko para 'di na siya masyadong gumastos sa pamasahe. Hinahatid ko muna sa pinakamalapit na sakayan bago kami tumuloy ng ka date ko. Napapansin ko na iba ang tingin niya sa mga girlfriend ko."
"At?"
"At sa tingin ko nga tipo niya."
"Doon nagsimula ang galit niya?"
"Yata."
"Bakit 'di ka sure?"
Tawang-tawa siya. "Gago! Bakit ba natin pinag-uusapan si Vel?"
"You brought her up."
Napakamot siya sa noo. "Naaliw lang kasi ako sa bugnutin na 'yon. Ang bait-bait ni Tita Mati pero 'yong unica hija - este unico hijo niya hinulma sa sama ng loob."
"I only met her twice if hindi ako nagkakamali. We never had a proper conversation pero sa tingin ko ay mabait naman si Novela."
"Mabait naman 'yon. Bugnutin lang." Natawa si Nicholas. Mas matanda rin siya ng apat na taon dito. Vel is 25 and he's 29. Bata talaga ang tingin niya rito. Bugnuting bata. Considering the height difference and maturity. "Mas siga pa yata sa'tin 'yon. Narinig ko ngang napa-barangay 'yang si Vel. May binugbog sa labas ng village. Isang pedicab driver." Namilog ang mga mata nito sa pagkagulat. Tawang-tawa siya. "Walangya talaga, Pare."
"Binugbog niya nang walang dahilan?"
"Mayroon naman. Hinipuan siya. Nag-di-dress 'yon minsan daw noon sabi ni Tita Mati. Kapag may client meeting lang."
"Ay gago rin pala. Deserve niya rin."
"Kaya nga. Ang laki ng black eye." Tawang-tawa sila ni Nicholas. "Kaya masama 'yang kinakanti si Novela. Malaki ang chance na makausap mo si San Pedro nang maaga."
"Good luck sa'yo."
Napailing siya. "Kabado bente na ako, pare."
"Hahaha!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro