Chapter 5
"IHAHATID na kita—"
"Hindi na," putol ni Mary kay Joseph. Ala una na ng hapon at tapos na rin silang mag-lunch sa isang fastfood sa Ayala. "Hindi ba't may meeting ka pa? Anong oras ba iyon?"
"Two-thirty pa naman."
Napamaang si Mary. "Hoy, male-late ka na." Itinaboy na niya ito mula sa isang balikat. "Sige na, iwan mo na ako rito at magta-taxi na lang ako. Sinamahan mo na ako sa checkup ko at lunch. Abala na ako masyado, hindi mo naman ako responsibilidad." Pati tote bag niya na hindi naman masyadong mabigat ay ito ang nagdadala para sa kanya.
I'd be honest, his being a gentleman makes him surreal. But it seems so natural na hindi ko kayang isipin na pakitangtao lang. Because maybe, service is also Joseph's love language.
"I really don't mind though." Joseph smiled. "Wala rin naman akong masyadong gagawin ngayon sa warehouse."
"Ano bang usual routine mo?"
He chuckled. "It depends." Nagpatuloy pa rin sila sa paglalakad, papunta na sa Terreces dahil may pila ng taxi naman doon. "I mostly check the progress of each project we have. Timeline. Designs. Marketing strategies. Client meetings... feedback. Those sort of things."
"Marami kayo sa office?"
"Not that many, just enough to keep things in my shop running. I still can't afford to hire a lot. There are so many things to consider."
Tumango-tango lang si Mary. "Matagal na ba ang the House of Jose?"
"A year and a half."
"Bago lang pala."
"Yup. Still a lot of things to work on."
"Okay lang iyan, wala namang nag-utos sa'yo na mag-negosyo ka." Natawa siya pero mas malakas pa ang tawa ni Joseph kaysa sa kanya.
"How do you do that?" manghang tanong nito.
"Do what?"
"Ang barahin ako na walang kahirap-hirap."
Mary smiled smugly. "Skills."
"Tsk. Anyway, do you bake? Silly. Of course, you bake. Madami akong nakitang cake at cupcakes sa chiller mo sa bahay. Home-based?"
Tumango si Mary. "Oo, online orders lang at sa bahay ko lang ginagawa." She would like to skip the TikTok account she has to promote her business. Wala rin naman siyang mukha roon at boses at cake lang puhunan niya para kumita sa TikTok.
Lumapad ang ngiti ni Joseph. "Cool. I'd like to see you bake one of these days. Mukha pa namang masarap ang mga gawa mo."
Mary couldn't help but smile proudly. "Bumili ka tapos tikman mo." Nakarating na rin sila sa paradahan ng taxi. "Sige na, uwi na ako. Salamat sa libreng lunch at pagsama sa akin kanina."
Pipila na sana siya nang hawakan ni Joseph ang kaliwang pupulsuhan niya. "Wait." Naibalik ni Mary ang atensyon dito. "I just need to do something." Binitawan siya nito at may kung anong hinugot sa harapang bulsa ng pantalon nito–a red string.
Kumunot ang noo niya. "Aanhin mo iyan?"
He smiled. "Magic." Inabot ni Joseph ang kaliwa niyang kamay at itinali ang string sa ring finger niya. Medyo kakaiba lang ang pagkakatali nito roon. Mabilis lang naman, halos hindi pa niya masundan ang ginawa nito dahil nakaharang ang kamay nito. "Done." Ibinulsa rin nito agad ang red string.
"Para saan iyong ginawa mo?"
"Tying your life with mine," he smirked.
Namilog ang mga mata niya. "Hosep—"
"C'mon, go home now Mary." Wala nang pila pero may naghihintay na agad na taxi para sa kanya. Inabot ng bantay roon ang papel kay Joseph na may nakasulat na plate number. "Call or text me when you get home." Pinagbuksan siya nito ng pinto ng taxi at inalalayan na makapasok at makaupo sa loob. Hinubad nito ang tote bag niya sa isang braso at inabot sa kanya na tinanggap naman niya. "Sir, ingatan niyo ho itong misis ko at pinagbubuntis niya ho ang panganay namin," kausap pa nito sa driver.
"Hosep," she hissed at him, halos hilahin na niya ang ibabang sleeves ng jacket nito.
"Walang problema, sir. Iuuwi ko pong ligtas."
"Ayon." Ibinalik ni Joseph ang tingin sa kanya. "Call me as soon as you get home or else I'll rush home to check up on you."
"OA mo."
He chuckled. "Gwapo naman."
"BUSY si Mayor Jonas kaya i-edit ko na lang ang picture niya sa inyo. Don't worry, nag-training ako sa Pizap at Imikimi noong grade six."
Tumawa si Gospel pagkatapos, kumunot naman ang noo nila ni Joseph nang magpalitan sila ng tingin. Parang hindi na sila siguradong dalawa kung pagkakatiwalaan pa ba nila ang isang Gospel Grace Trinidad.
Kasi ako, nagdadalawang-isip na.
"Kidding!" bawi nito. "Of course, marunong ako mag-photoshop. Natuto akong pag-aralan lahat para sa pera."
Gospel already instructed them both yesterday to dress formally, iyong karaniwang ayos kapag may civil wedding. Mabuti na lang talaga at marami siyang white dressess kaya may masusuot siya ngayon, and thank god, some of her white dresses still fits. Lalo na itong napili niyang white dress na lagpas lang ng tatlo o apat na pulgada mula sa tuhod niya. Its appearance reminds her of a vintage white dress because of its square neckline and puff sleeves. Hindi niya ito binili, regalo ito ng pinsan niyang si Beth noong pasko.
Gospel did her makeup, pero light lang naman to enhance her natural look. She also curled her arm's length dark brown wavy hair and pinned two floral with green vines hair clip on the right side of her hair to match the olive green color in Joseph's suit and pants. Underneath his suit is a plain white polo. She was not really fond of heels, kaya wala siyang masuot na puwedeng i-pares sa kanyang white dress. Mas mahilig siya sa flat sandals and shoes dahil simple lang naman siya mag-ayos. Lagi nga siyang napagsasabihan ng pinsan niyang si Julie na ang tanda raw niya manamit. Not that she cared, talagang simple lang siya at ayaw rin niya gumastos para sa mga OOTD. Mabuti na lang at meron si Gospel ng white two-inch block heels at magkasing-size pa sila.
She was saved.
Nasa self-photo studio na sila at may isang oras sila roon para i-shoot ang fake prenup photos nila ni Josepg. A staff explained how everything works in the studio room para alam na nila paano mag-photoshoot doon na walang assistance. Wala siyang na gets at hindi niya sigurado if Joseph was also paying attention, but she trust Gospel. This was her field of expertise.
"Dali na, magsimula na tayo at mabilis lang ang isang oras mga mamser." Hinawakan sila ni Gospel sa magkabilang braso para papuntahin sa harapan kung saan may kulay green na backdrop. Iyon na raw muna kasi mas madali raw iyon i-edit kapag green ang background. May idea rin naman siya tungkol doon kahit papaano since isa siyang content creator. "Unahin ko muna iyong pose niyo na pang-edit ko kay Mayor." Pinaglayo muna sila ni Gospel at siniguro na may enough space para sa isang tao sa pagitan nila. Agad din itong umalis para kunin ang dala nitong small bouquet of flowers na kaya lang niyang hawakan sa isa o dalawang kamay. May matching olive green ribbon din iyon.
"Alam niyo sa bagal natin, mag-extend na lang tayo dahil ayokong ma-stress," natatarantang sabi ni Gospel. "Um-oo lang talaga ako sa tanong na, if I can work under pressure kasi, girl, siyempre kailangan natin ng pera."
Joseph chuckled. "Don't worry. I got you, Spel."
"Yes!" Gospel punched her fist into the air.
Napakunot naman ang noo ni Mary. "Kaya naman yata ng one hour. Aksaya lang ng pera—"
"Mali ka riyan, Mommy. Na-set na ang utak ko ng two hours, kaya bahala na kayo mag-adjust." Ngumiti si Gospel sa kanilang dalawa. "Now, as your creative director, you must listen and do as I say. Gets? If hindi, mama niyo."
Napailing na lamang si Mary. Mabuti na lang talaga at tanggap na niya kung paano gumalaw ang utak ni Gospel. At saka wala na. Nandito na rin sila, pangangatawan na niya. Wala namang nag-utos sa'yo Mary Evangelista na magpanggap kang may asawa.
She sighed.
May malaking portrait screen sa harapan nila at sa gilid n'on ay nakapuwesto ng tayo si Gospel. Hawak nito ang maliit na click remote na siyang magiging capture button ng camera. May dalawang lighting na nakatutok sa kanila sa magkabilaan kaya ang vibrant nila tingnan ni Joseph sa screen. Ang camera naman ay nasa gitna at may sign sa itaas na "look here."
"I'll take as many shots as I can, okay?"
Sa screen ay pareho silang tumango ni Joseph and the latter seems enjoying this because he couldn't help his smile. Hindi naman nakaka-offend ang ngiti at bahagyang tawa nito, halata kasing mas natatawa pa ito kay Gospel. Actually, simula pa kanina nang dumating ito sa bahay na naka full get-up in white and pink glittery outfit, blonde wig, pink sunglasses, and pink cowboy boots. Nalito na siya kung si Gospel pa ba ito o si Hannah Montana na.
"Ahm. Wait." Nagtaka si Mary nang lapitan siya ni Joseph. Inabot nito bigla ang kaliwang kamay niya at ang isang kamay naman nito ay hinugot ang isang green velvet ring box. Namilog ang mga mata niya. "We forgot the rings."
"Shuta!" react ni Gospel. Sunod-sunod din ang flash at click sa paligid. "Ang singsing. Sige i-thrust niyo iyan sa mga daliri niyo. Push. Harder, please. I support."
Natawa lang si Joseph sa mga pinagsasabi ni Gospel. Siya naman, ewan, dalang-dala na siya rito. Kinuha ni Joseph ang mas maliit na gold ring mula sa kaheta at maingat na isinuot sa palasingsingan niya—and it fits perfectly!
"H-how?"
"I measured the size of your ring finger with the red string," he lifted his face, a smirk slipping on his face. "Thank god, I got it right."
So kaya pala.
"Magkano 'to?"
"Huwag mo nang itanong—"
"Joseph, if mahal 'to, hindi ko 'to matatanggap—"
"It's not expensive. Calm down." Tinitigan siya nito nang maigi. "Well, a little, but it doesn't matter. What matters to me is... if you like it."
Bumaba ang tingin ni Mary sa singsing. It was a simple gold band ring, but a rare one. A vines of leaves were intricately wrapped at the lining of the ring. Ganoon din ang design sa singsing ni Joseph, mas malaki nga lang dahil mas malaki ang daliri at kamay nito sa kanya. But it was really beautiful and classy, kaya siya napatanong if magkano.
"I'd be honest, it's really beautiful." And it was the first time someone had given her a ring. She waited for it from the other Joseph but it did not happen. "Thank you... kahit na hindi naman na kailangang pag-effort-an." But still, she appreciates it.
Joseph smiled. "Si Jollibee ako."
Her forehead creased. "Huh?"
"Pabida lagi."
Natawa siya. "Gage."
At natawa na rin si Joseph sa sarili nitong joke.
"Hays, sana all," narinig pa nilang sabi ni Gospel. "Ganito sana kami ni Nicholas kung hindi lang siya pangit ka bonding."
Hindi napigilan ni Mary ang matawa sa sinabi ni Gospel. Of course, she knew who is Nicholas in her friend's life. Na-meet na rin naman niya si Nico at talagang hindi rin niya masisisi si Gospel kung bakit crush na crush nito ang binata.
"Anyway." Kinuha niya ang natitirang singsing sa kahita na hawak ni Joseph at inabot ang kaliwang kamay nito. "This is yours."
"Perfectly fits?"
"Malamang, ikaw bumili."
He chuckled. "Sabi ko nga."
Nagsimula nang mag-click and shot si Gospel at hindi niya alam kung anong gagawin niya. She just stood there holding the flowers.
"Mer, smile! Kasal mo ito, ba't mukha kang pinagsakluban ng heaven? Gwapo-gwapo ni Daddy Jose oh. Mine na kita for Mama Mer." Kumunot ang noo ni Mary. Tinawanan lang siya nito. "Huwag kang mag-alala, desisyon talaga ako, pero so far hindi pa naman ako nagsisisi sa mga desisyon kong ginagawa para sa ibang tao. Sa mga life decisions ko ay oo."
Tawang-tawa na naman si Joseph. Siya naman ay lalo lang napakunot ang noo.
"Mer, ngiti nga kasi."
She smiled a little. "Okay na?"
Nakapameywang si Gospel. "Kapag hindi ka ngumiti nang maayos, pahahalikan kita kay Joseph sige ka," seryosong banta nito. "At halik sa lips, hindi sa cheeks." Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Para challenging."
Nakita niyang naglapat ang mga labi ni Joseph sa screen, halatang nagpipigil ng ngiti. Pero nang magtama ang mga mata nila sa screen ay agad na sumeryoso ang ekspresyon ng mukha nito at nag-thumbs-up na lang bigla.
"Alam mo, Mer, ang hirap mong ka-bonding," reklamo na ni Gospel. "Hindi ba ang goal ay magmukhang in-love kayo sa mga pictures na ipapa-frame natin at ise-send sa mga mudrakels, pudrakels, lolakels, lolokels, and your pamilyakels? Paano iyon magiging effective kung sa pictures niyong dalawa ay mukha kayong ilalaban as tribute sa Hunger Games? Landian niyo naman. Pakiligin niyo ko. Pasabugin niyo ang sparks na nakikita ko sa inyong dalawa."
Mer, tama na kaartehan. Cooperate this time. Bumuntonghininga siya at ngumiti—mas natural sa pagkakataon na iyon. Nagulat lang siya nang biglang nag-capture ang camera.
"Daddy, sa camera ang tingin hindi sa Mommy," nandedemonyong asar pa ni Gospel.
Hay nako, gusto na lang niyang matapos sila sa photo session na ito at nade-drain siya sa ka-hyperan ni Gospel. Sa totoo lang, nagugutom na ulit siya kahit kaka-breakfast lang nila one hour ago.
They did many poses, sa sobrang dami ay hindi na mabilang ni Mary kung ilan iyon at wala na rin siyang maalala sa mga pinapagawa ni Gospel sa kanila. Ang usapan lang naman nila ni Gospel ay civil wedding at prenup photos pero pakiramdam niya ay para sa isang teleserye o movie ng Star Cinema ang photoshoot na ginagawa nila. Vel was right when she warned her about this photoshoot. Sabi pa nga ni Vel sa kanya ay pag-isipan niyang mabuti dahil kapag daw nasimulan ni Gospel ang isang bagay ay ang second coming lang ni Lord ang magpapatigil dito.
Ayaw ko pa sana ng second coming pero parang gusto ko nang ipagdasal na ngayon iyon.
"We still have thirty minutes, lubusin na natin." Pagkasabi pa lang n'on ni Gospel ay gusto na niyang sumalampak sa sahig at magwala. Sa dami ng mga shots nila ni Joseph since kanina ay kulang pa rin dito? O baka dahil nag-break sila ng twenty minutes kanina? "Let's be casual this time. Masyadong formal iyong earlier shots natin. Pang family calendar ng pangulo ng Pilipinas."
"Spel, pagod na ako," reklamo niya. Ramdam na niya ang pamamanhid ng mga binti niya sa suot na heels. "At saka, ang sakit na ng paa ko. Okay na iyon."
"Is it fine if Mer takes off her shoes, Spel?" Joseph gently asked. "So, she'll be more comfortable."
Gospel smiled. "Sure, at pati na rin ang blazer natin Daddy Jose. Like I said, casual lang tayo ngayon."
Kinuha ni Joseph sa gilid ang high wooden bar stool na isa rin sa mga props na puwedeng gamitin para paupuin siya. "Maupo ka muna." She did. Sinunod namang hubarin ni Joseph ang suot na suit, pero natigilan siya nang bigla itong lumuhod sa harapan para kalasin ang strap ng block sandals niya.
"Hosep—"
Hindi niya naituloy dahil biglang nag-flash ang camera, nag-stolen shot na naman si Gospel nang hindi nagsasabi.
"Acck!" react nito. "Kinikilig na lang talaga ako sa iba."
Marahas na ibinaling ni Mary ang tingin kay Gospel. "Spel!"
Binigyan lang sila nito ng peace sign. "Sige lang ituloy niyo lang iyan. Don't mind me, isa lang naman akong marangal na babae na walang jowa."
Napailing na lamang siya bago ibinalik ang tingin kay Joseph na tuluyan nang natanggal ang suot niyang block sandals. He looked up at her and a smile slipped on his handsome face. Hindi nga ito masyadong nag-ayos pero lutaw na lutaw pa rin ang angking kagwapuhan nito. Napakurap siya at pakiramdam ni Mary ay nag-iinit ang mga pisngi niya. Pinipigilan niyang humarap sa camera at baka mahalata pa.
She swallowed hard this time, discreetly fighting the purge of emotions racing through her heart. She hates how Joseph has this effect on her. Ilang araw pa lang naman silang magkakilala pero lagi niyang nararamdaman na matagal na talaga niya itong kilala at okay lang na makaramdam siya nang ganoon. The way she reacts on him is different from her ex. She didn't feel that intense familiarity on him the first time she had met him. Makulit lang talaga ito kaya nahulog ang loob niya.
Or maybe, she's like this because of her hormones.
Tumayo si Joseph, hindi niya mapigilan ang sarili na sundan ito ng tingin. His smile didn't leave his face. "Stand up," malumanay nitong sabi.
"Huh?"
"I have an idea in my mind that I want to try." Her forehead creased, and he chuckled after. "Just trust me, Mer. Promise, I won't do anything you wouldn't like."
"Hindi ka sure diyan."
"Then, allow me to give you that assurance."
Inalalayan siya nitong makatayo mula sa upuan at si Joseph naman ang pumalit sa kanya roon, but he was sitting sideways. Magre-react sana siya pero hinawakan nito ang isa niyang kamay at iginiya siyang tumayo sa pagitan ng mga hita nito na magkaharap sila. Mas nagulat pa siya sa tili ni Gospel kaysa sa ginawa ni Joseph. Hindi na siya makapag-react sa sariling sitwasyon dahil sa mga tili ni Gospel.
"Omg! Omg! Omg!"
At sunod-sunod na naman ang pagkuha nito ng mga pictures.
Napakurap siya nang ipatong ni Joseph ang baba sa kanyang ulo at malambing na iniyakap ang mga braso sa kanya. "Face the camera and smile." Halatang may ngiti sa mukha nito sa tono ng boses nito. And Mary saw their sweet position on the screen, his eyes were closed but he was indeed smiling. Para siya nitong hinila payakap at naglalambing sa kanya sa itsura nila sa screen at marahil sa photo rin na iyon.
"Sanay na sanay, ah?" mahinang tanong niya rito.
Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at may pilyong ngiting hinuli ang mga mata niya. Alam niyang nakunan na naman iyon ni Gospel ng larawan, pati na ang pag-angat ng dalawang kamay nito sa kanyang mukha.
"I did some model stints back in New York. Just for fun. Never considered it as a career path feasible for me." Sa gulat niya ay biglang pinisil ni Joseph ang magkabila niyang pisngi. Kasabay ng singhap niya ay ang pag-flash ng camera at kilig na tili ni Gospel. Tawang-tawa si Joseph sa reaksyon niya habang ang sama na ng tingin niya rito.
Pinalis niya ang kamay nito at gumanti ng pisil sa mga pisngi nito. "Oh, shit!" he cursed out loud. It was her time for her winning smile. And yes, that's one hundred pesos. Namilipit ito sa sakit habang nakahawak sa magkabila niyang kamay. She didn't budge. "Mer, damn." Two hundred for cursing again.
Binitawan na niya ang magkabilang pisngi ni Joseph at hindi niya mapigilan ang tawa dahil para itong batang aping-api, pulang-pula pa ang mga pisngi habang hawak nito.
"Masakit?" pang-aasar pa niya.
"Hindi. Parang pisil lang ng—" Ngumisi ito saka binuong pisil ng isang kamay ang makabilang pisngi niya at pinaharap pa siya sa camera. Mukha siyang isda na namaga ang mga labi.
"Hosep!" nahirapan niyang salita.
Tinawanan lang siya nito kaya sa inis niya ay gumanti siya at ginaya ang ginawa nito kaya pareho silang nagmukhang flowerhorn fish sa screen. Ramdam niya ang pag-alalay ng isang kamay ni Joseph sa baywang niya habang ang isang kamay naman niya ay nasa likod ng ulo nito para hindi nito magalaw ang ulo.
Sa huli ay nauwi sa malakas na tawanan ang pang-aasar nilang dalawa sa isa't isa. Naubos ang oras nila sa na puro hindi matitino ang mga pictures, but it doesn't matter, the photos looks funny to look at.
I guess this was not as draining as I first thought.
HINDI maiwasang maikiling ni Joseph ang ulo sa kanyang kanan habang pinipigilan ang malakas na pagtawa. Tinitingnan niya lahat ng larawan nila ni Mer, lalo na ang mga wacky photos nilang dalawa. Damn these photos are funny. Gospel had asked them to pick their personal favorites. It was just a simple task, but he couldn't seem to accomplish it with flying colors. Nauubos lang ang oras niya kakatawa at kakaalala sa mga eksenang iyon.
He swiped left and the next photo was Mer's solo portrait staring murderously at the camera in front of her, muli na naman siyang natawa nang makita ang tumatawang mukha nito sa sunod na larawan dahilan para maihilig niya nang husto ang likod sa back rest ng inuupuan niyang swivel chair. Paulit-ulit niyang tinitingnan ang dalawang larawan—the transition of her facial expression was just so damn adorable. It reminded Joseph of how fast her mood changes from being nonchalant to being violent.
She always got him with the irony of her words and actions. Nagmamaldita ito madalas sa kanya pero hindi nito nakakalimutan na ipagluto siya at itanong sa kanya kung anong oras siya uuwi sa gabi. He find the gesture genuine because he couldn't find any malice and ulterior motives behind Mer's caring personality. Mukha ngang hindi pa ito aware na ganoon ito sa ibang tao. It was a rare attribute he had grown to like about her.
Napangiti si Joseph sa isipang iyon.
Knock. Knock.
Natigilan at napatuwid ng upo si Joseph nang marinig ang katok mula sa labas ng pinto ng kanyang opisina. Ibinaba niya ang cellphone sa mesa, cleared his throat after.
"Come in."
Bumukas ang pinto at sumilip ang nakangiting mukha ni Lolo Gabriel. "Busy?" Tuluyan na itong pumasok at dahan-dahang naglakad sa direksyon ng kanyang mesa na nakaalalay rito ang tungkod nito.
"Lo."
Lolo Gabriel is not related to him biologically but they've been friends since he bought the old man's furniture shop and warehouse just at the back of the House of Jose's showroom. Lolo Gabriel was a brilliant craftsman in his time, but time has aged his ability to continue his legacy. His only son took another path in life, and so the old man decided to sell everything he had worked on for the past years because no one in his family was interested in his legacy.
Joseph greatly admired the old man's passion and resiliency towards his craft. But even with his strong will to keep his furniture shop, he's the kind of father who will not obstruct the chosen path of his child towards his dreams in life. Now, Lolo Gabriel's son is one of the best surgeons in Cebu. His two grandchildren are pursuing the same career path, that's also one of the main reasons why he decided to sell everything.
And he was lucky that among all that had taken interest in his property, Lolo Gabriel had chosen him. Binigyan pa siya nito ng malaking discount. Damn, malaki rin ang natipid niya dahil sa kabaitan ng matanda.
Naupo ito sa isa sa mga upuan sa harapan ng kanyang mesa, sa kanan.
"Napadalaw ho kayo?"
"Well," the old man smiled, "I have heard that you're already seeing someone." Natawa si Joseph. "Don't laugh. I'm dead serious, Hosep." Sumeryoso ang mukha ng matanda, siya rin. Like his grandmother, Lolo Gabriel was fond of calling him by that name.
He didn't grow up with a grandfather by his side, his Lolo David died a month after he was born, leaving his only son the responsibility of keeping the Buenavidez's shoe legacy at his father's hands. His father was always busy with their shoe business in Carcar and rarely had time with him growing up. He could say that he didn't have that father figure to look up to. Despite the lack of support from the men of his family, he still considered himself lucky to have this old man behind his back.
"Well, it's not what you think of, Lo."
"Is it still because of this childhood crush of yours?"
"Sort of, but it's kind of complicated."
"Good, because I have every time in the world to listen to how this 'it's complicated' works in your life right now, Hosep."
Joseph chuckled. "Damn, Lo."
"Gago ka rin."
Pareho silang natawa sa pagkakataon na iyon. Tsk, he couldn't really hide things from this old man.
"Sasabihin mo ba sa akin ang totoo, Hosep o babawiin ko itong ibinenta ko sa iyo?"
"You can't do that—"
"Believe me, I can, and I will."
Napakamot na lamang si Joseph sa noo. "Where do you even get these information anyway?"
"Well." Dumiin ang pagkakahawak nito sa hawakan ng tungkod nito habang pangiti-ngiti. "I still have eyes and ears here." The old man smirked playfully. And yes, he mostly kept Lolo Gabriel's trusted workers to work for him in the warehouse.
"Fine."
Lumapad lalo ang ngiti ng matanda. "So, does this woman takes care of my dearest Joseph?"
Natawa si Joseph. "Don't get your hopes high too easily, old man." He smiled after. "But yeah, she's kind of... sweet."
"Now I am more curious." Nasundan niya ang pagtingin ng matanda sa kaliwa niyang kamay. "Especially that this is the first time... that I have seen you with a ring in your finger, young man."
NAG-INAT ng dahan-dahan ng mga braso sa ere si Mary, sa wakas ay natapos na rin siya sa paggawa ng mga voiceover sa mga pending cake videos na hindi pa niya napo-post online. She needed to keep up with the days that she haven't posted yet. Thankfully, kahit minsan wala siyang post ay may trabaho pa rin naman siyang ginagawa. There was an increase in her cake and cupcake orders this month, and because of that, may happy problem siyang iniisip. Sooner, she would need someone to assist her. Kapag lumaki na ang tiyan niya ay mahihirapan na siyang i-reach ang quota niya per order, and she can't afford to cut orders or else she will lose loyal clients.
Mahirap magtiwala sa panahon ngayon at isang tao lang din naman ang naiisip niya na willing magtrabaho sa kanya as assistant cake baker niya—si Gospel. She didn't need to do the baking, all she needs to learn from her are the basic and part of the logistics para lang gumaan ang workload niya.
It's not a problem, it's a happy problem. At kakayanin ko iyon para sa cake business ko at para sa future namin ng anak ko.
May ngiting ibinaba ni Mary ang tingin sa kanyang tiyan at may pagmamahal na inilapat ang isang kamay roon. Things may be complicated right now, but she'll get through with all of these things. She will survive.
Maya-maya ay naagaw ng kinang ng singsing sa palasingsingan niya ang atensyon niya. Hindi niya hinuhubad iyon dahil natatakot siyang mawala. Frankly speaking, she tends to lose items she treasured the most. And she didn't want to lose this ring dahil ibabalik pa niya ito kay Joseph.
Broom. Broom.
Napaangat ng mukha si Mary at agad na napatingin sa direksyon ng bukas na pinto. May naaninag siyang ilaw sa labas. Sumasabay ang malakas na tunog ng makina ng motor ang pagbukas ng gate. Pagtingin niya sa oras sa wall clock sa sala ay alas syete pa lang ng gabi, ang sabi ni Joseph ay baka gabihin ito nang sobra ngayon.
Ba't napaaga siya?
Tumungo siya sa pinto at binuksan ang screen door. Nakapasok na nang tuluyan si Joseph at pinatay na nito ang makina ng motor bago hinubad ang suot na helmet.
"Ang aga mo," basag niya.
He chuckled. "Tinamad na ako magtrabaho."
Napamaang siya. "Wow, sana lahat kapag tinamad magtrabaho ay uuwi na lang agad." Tinawanan lang siya nito. "Kumain ka na?"
"Hindi pa. Pero nagdala ako ng buchi." May itinaas itong plastic na may laman na brown paper bag na may logo ng isang sikat na restaurant. Kumunot ang noo niya. "Pumunta ka lang ng Majestic para bumili ng buchi?" Hindi siya makapaniwala roon. Isang fine dinning restaurant ginawa nitong fast food. Puwede namang bumili sa Chowking.
"Their buchi tastes better than others."
"Sabagay, pera mo naman iyan."
"And also, I brought 12 pieces."
"Your presence must been a blessing to them," sarcastic niyang sagot na tinawanan lang ulit nito. "Great Joseph brought 12 pieces of buchi today."
"Ayaw mo?"
"I don't like—"
"Hindi mo sure." Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat, maingat na pinihit sa direksyon ng kusina, at itinulak papunta roon. Huminto sila sa gilid ng mesa at inilapag nito ang dala. Isa-isa nitong inilabas ang paper food shells kung saan nakalagay ang mga buchi by three. "Wait until you get a taste of this."
"Ang kulit mo."
"Kailan ba hindi? Wait." Iniwan siya nito para maghugas ng kamay at pinatuyo muna ito gamit ng hand tissue bago siya binalikan. He picked up the shell and took one buchi with his index and thumb. "Say ah."
"Say ah," literal na sabi ni Mary.
Natawa ito. "Alam mo, makulit ka rin."
Pigil niya ang pagngiti. Masama pa rin ang tingin niya rito, pero sa halip na kagatan ang hawak nitong buchi ay kumuha siya ng sarili niya at diretsong kinagatan ang kalahati ng bilog. Yes, she was not fond of this dessert, but this was far different and tasty from the typical buchi she had tried. Habang ngumunguya ay namimilog sa pagkamangha ang mga mata niya. She could tell just by his smile that he had proven her wrong again this time.
"I told you."
Nilunon niya muna ang natitira bago nagsalita, "This tastes more authentic." Isinubo na rin niya ang natitirang kalahati. And she'd swear, she wanted more. "Dose ang binili mo, 'di ba?"
Inisang isinubo nito ang hawak na buchi at tumango.
"Minus two," aniya. "Akin ang walo, sa'yo ang dalawa." Inihit ito ng ubo sa sinabi niya. Natatawang lumapit siya rito, ang isang kamay ay malakas na tinapik sa likod nito, at ang isa ay nakahagod sa dibdib nito. "Kalma, may dalawa ka pa." Mas lalo lang itong naubo.
"Tu-tubig..."
May nakahanda na lagi si Mary na isang pitsel na tubig sa mesa at mga baso kaya mabilis na niyang nasalinan ng tubig ang hawak na baso mula sa pitsel. Inabot niya ito kay Joseph na mabilis na sinaid ang laman n'on. Hindi pa nga ito masyadong nahimasmasan ay tumunog na ang cellphone nito.
Inabot nito ang wala nang lamang baso sa kanya para hugutin ang cellphone sa bulsa ng pantalon nito. Agad na sinagot nito ang tawag sa harap niya. Nanatili lang itong tahimik, halatang nakikinig lang sa tumatawag dito sa cellphone. He would try to attempt to converse, but failed miserably. Mukhang may ideya na siya kung sino ang tumatawag kay Joseph.
"Wa-wait! La. Hang on—" Kumunot ang noo ni Joseph. "La? Nandiyan ka pa ba?" Inilayo nito ang cellphone para tingnan ang screen. "Binabaan ako."
"Lola mo?"
Tumango ito nang hindi siya tinitingnan. "Oo, lola ko," medyo lutang ang pagkakasagot nito sa kanya. Gusto niya sanang matawa kaso mukhang hindi naman nagbibiro si Joseph. Nag-angat ito ng mukha sa kanya. "She said she wants to meet us this Saturday."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro