Chapter 4
"WELL, we have to make sure that we set our boundaries right." Inihanda muna ni Mary ang laptop, hinintay na mag-load ang word document habang nilalabas ni Joseph ang mga binili nitong mga pagkain sa Jollibee sa dining table kung na saan nakalapag ang laptop niya at nakapuwesto. "And we know our goals."
They sat across each other.
"I only have one request for that, Mer–" Hindi nito naituloy ang sasabihin dahil ngumunguya ito ng french fries. He gulped it down first before continuing, "I can agree with all of your demands, just as long as I can take you whenever my circumstances need your presence." At muli na naman nitong binawasan ang hawak na large french fries.
"Same as mine," sagot niya.
She started drafting the introduction of their agreement. It would be easy for her, it was not her first time to make one. Also, expose na rin siya sa mga kontrata dahil sa trabaho niya na minsan ay may involve na collaboration sa ibang brands. Their agreement will be simple and concise.
"But it should have its limitations." Itinigil niya ang pagtitipa at iniangat muna ang mukha kay Joseph. "Magpapanggap tayong mag-asawa, so we are expected to act as one in front of our specific audiences."
"Right. So, how do we settle that?" Inalok nito ang hawak na french fries sa kanya. Hindi sana siya kukuha, but she was hungry. She needed a short fill. He smiled when she didn't decline.
"No kiss on the lips," aniya. "Unless it is needed. Kiss on the cheeks lang."
He nodded. "Kiss on the back of the hand," he started adding. "Kiss on the forehead. Kiss on the temple. Kiss on the head."
"That would be fine."
He smiled again–gentler this time, with no hint of mischief. "Don't worry, Mer. I may not look like one, but my upbringing taught me respect. I will never do or create something to dishonor you. You have my word." Halatang hindi nito napansin ang pag-abot nito ng isang fries sa kanya. But when he noticed it, he chuckled, chunking it all in his mouth.
Pigil niya ang tawa ngunit ang ngiti ay hindi niya naitago. "Anyway." Sinubukan niyang ibalik ang serious composure, pero natatawa pa rin siya. Mary, seryoso na. "Okay, hugs are fine," she added. "Holding hands, I think we need to do this often—"
"No need if you're not comfortable—"
"I don't mind."
Naglapat ang mga labi nito pero halata ang ngiti pa rin nito. "Look, Mer, touch is my love language. I am sometimes not aware of those, lalo na kung komportable ako sa isang tao." She looked at him with one raised eyebrow. "But don't get me wrong, I don't do that with strangers or clients. That would be...weird."
"So?"
"So, sipain mo na lang ako o sikuhin kapag hindi ka na komportable sa presensiya ko. No worries. I wouldn't mind. Huwag mo lang lakasan, mababa lang ang pain tolerance ko." Hindi niya napigilan ang bigyan ito ng kunot noo. Mababa ang pain tolerance? Tumawa si Joseph. "I'm not kidding you."
"Ang laki mong tao, takot ka sa sakit?"
He laughed even more. "Men should not constrain themselves by the world's definition of masculinity. You gotta live by your own choices, strengths, and weaknesses. "
Smart-ass.
But she admired that kind of mindset. "Fine, kurot na parang kagat lang ng langgam," sabi niya, nagpipigil ng tawa.
"Anong size ng langgam, Mer?"
Doon na siya natawa. "Siyempre iyong maliit."
"Hindi mo ako maloloko."
"Gusto mo ng sample?" Aabutan niya sana ang isa niyang braso nang mabilis nitong ilayo ito sa kanya.
"Huwag na. Masakit."
Natawa ulit siya. "Okay, tampal na lang. Okay na tayo roo—" He flinched and grimace as he was trying to imagine it. Muli siyang natawa. "Hosep, 'di na iyon masakit."
"Mahinang tampal," he corrected.
"Fine. 'Mahinang' tampal." She even emphasized it. "Okay na?" He nodded. Tumango na rin siya. "We will act as a married couple to my family, and yours." She started typing the terms. "No kiss on the lips as much as possible, only when needed. Basta iyong life and death situation na kailangan lang talaga. We can hold hands, hugs, and as you have mentioned earlier kiss on forehead, temple, head, and cheeks."
"Got that."
"Second, your stay here in my house." Itinigil niya ulit ang pagtitipa para matingnan si Joseph sa mukha. " I have one vacant room upstairs. Storage room ko na ang ibaba ng mga gamit ko at hindi ko na puwedeng ilipat pa. You can use the room next to mine. Pero dahil nagre-rent lang din naman ako rito, hindi for free ang pag-stay mo rito."
"I don't mind sharing half of the rent with you."
"Okay, tapos kasama na rin diyan na hati rin tayo sa mga electric bills, water bills, at kung ano pang bills. But since, mukhang hindi ka naman na laging nandito sa bahay, sisiguraduhin ko na lang na fair ang pag-balance ko ng mga monthly bills natin. Dahil mas malaki ang consumption ko, asahan mong mas mababa ang parte ng babayaran mo."
"How about the groceries? I'm not fond of eating outside. I usually cooked." Namilog ang mga mata ni Mer. A man who can cook. "Ngayon lang na nag-take-out ako dahil hindi pa ako nakakapag-grocery ulit. I don't mind buying the groceries. Sanay ako roon." He chuckled. "Bigyan mo lang akong listahan, and I'll take charge."
"Sanay?" She was curious about that.
"I've been independent most my life, Mer. I can even survive in the wilderness." He smiled smugly. "Huwag lang talaga ako masugatan."
"You fix things, hindi ka ba nasasaktan or nasusugatan sa trabahong iyon?"
"I usually endure it. Not a happy moment in my life. It sucks."
Natawa siya. "But you're still doing it–"
"Because I love creating and fixing broken things, Mer." He smiled tenderly. "It's what makes me happy and I found fulfillment in those."
Doon nakita ni Mary kung gaano ka-passionate si Joseph sa trabaho at business nito. He hated pain, but he's enduring it for his love of art. She couldn't help her smile.
"Okay, third na tayo," pag-iiba na niya at para matapos na sila. "Let's be respectful of each other's privacy. I wouldn't mind if you hide things from me, just as long as it doesn't one way or another related to me. Your business is yours. My business is mine."
"But let's not be too strict with that, Mer. If you want to share something with me, I would encourage you to do it. Dahil ganoon din ako. I foresee myself to be sharing a lot of things with you in the future. Lalo na't para sa isang lalaki, aminado akong madaldal ako." He smiled. "Let's at least, grow friendship with our situation right now. Huwag muna natin pangunahan masyado ang mga sarili natin."
"The best way to do this is by not crossing each other's boundaries."
"The best way to do this is by teamwork."
Mary sighed. "Let's just remind ourselves to respect each other while we're still in this agreement. That's all."
"You have my word."
She typed it all, before speaking again, "Timeline ng agreement natin—"
"Let's leave it open-ended. Hindi rin naman natin alam kung kailangan ang 'right timing' ng isa't isa."
"Okay lang iyon sa'yo? Paano kung umabot ng nine months or year? Hindi mo pa rin ako pipigilan?"
He sighed and made himself comfortable in his seat. "I don't know. I'd be honest, aside from growing my business I don't have specific plans for myself. That includes marriage or dating someone."
"Mali iyon."
Kumunot ang noo ni Joseph. "Mali ba iyon?"
"Mali iyon para sa akin. I can't prolong my lies further. Dapat nasabi ko na sa kanila ang totoo bago ko pa maisilang ang anak ko. So, I think you should do the same. Isipin mo kung hanggang kailan mo ako kailangan. I suggest na, hanggat hindi pa nahahalata ang tiyan ko. Ayaw kong isipin nila na may pananagutan ka sa akin dahil mas lalo lamang gugulo ang lahat."
Ilang segundo itong natahimik at nahulog sa malalim na pag-iisip. This was the right thing to do. She shouldn't expect more from him and she should never cross their boundaries. Kapag naging komportable siya rito ay baka masanay na siya at hanap-hanapin na niya ito. She already made that mistake before. Hindi na niya hahayaan ang sarili na mahulog ulit sa kabaitan ng tao. Tapos sa huli ay hindi rin siya kayang panindigan.
"I'll get back to you with that," sa wakas ay sagot nito, nakatingin nang diretso sa mga mata niya. Sumilay ang malumanay na ngiti sa mukha ni Joseph. "Don't worry, I got you."
"THEY are still insisting on the marriage, Sef. I will be away from home. If they look for me, just tell them I leave for work and I will be back soon. Hindi ko na alam ang gagagawin ko. If they continue to persist, magpapakasal kami na wala ang blessings ng pamilya ko. So, please, help me, Sef. Help us."
Tatlong beses nang pinapakinggan ni Joseph ang iniwang voice message ni Meg. His childhood best friend who has been betrothed to him since they were little. He knew about the arranged marriage. He doesn't mind about it—never against it. But Meg had other plans that did not include him in her life. She was madly in love with someone else.
Joseph's phone rang, Markus number showed on the screen. This damn guy always knew what time to call. Markus was also his childhood best friend—the three of them. Dinampot niya ang cell phone sa mesa at dumungaw sa bukas na bintana. Hindi pa siya tapos sa pag-aayos ng mga gamit at paglilinis ng kuwarto na pinagamit sa kanya ni Mer. He couldn't turn on the AC yet because of the dusts.
"Sup?"
Umiling si Joseph at natawa. "Gago."
"What kind of mess did you put yourself this time?" Tumawa ang kaibigan sa kabilang linya. "Akala ko ba ay iiwas ka muna sa gulo? Bakit lalo tayong napapalayo sa napag-usapan? I've heard from Tita Rachel that you've found the one?"
Naisuklay ni Joseph ang isang kamay sa buhok. "This one was not part of my plans."
"Sorry, man. I should have asked my Aunt if the house was vacant. I could have spared you from this misunderstanding. Pero bakit hindi mo itinama sa pamilya mo ang totoo? Is it about Meg?"
"I have to find a way to break off the engagement."
"By using that woman as an escape."
"It's not what you think—"
"I did my research. She's not just an ordinary woman, Sef. She's pregnant—"
Kumunot ang noo niya. Joseph doesn't like the tone Markus is implying. He made it sound like there was something wrong with Mer. "I don't think there's a problem with that."
"I'm just saying, you could have asked a woman with no responsibility." Joseph's jaw clenched. "Paano kung gamitin niya ang sitwasyon niyo para pilitin kang akuin mo na lang ang responsibilidad ng tunay na ama ng bata. Hindi mo kilala ang babaeng iyan. I'm sure, hindi naman iyan iiwan ng lalaking nakabuntis sa kanya kung walang mali sa kanya—"
"Enough." Sobrang pagtitimpi na ang ginawa ni Joseph para hindi mamura ang kaibigan. Ramdam niya ang paghigpit ng hawak niya sa cell phone. "You don't know her, man, so please don't assume things about her."
"Sef–"
"I have to go. But please, keep this secret from my family."
Markus sighed on the other line. "Fine."
"And I know what I'm doing. Keep your word, because if the truth reaches my family. I'll haunt you down, and I'm damn serious, Markus."
End call.
HANDA nang umalis si Mary nang maabutan siya ni Joseph sa kusina. Tinatakpan niya ang itinabi niyang nilutong ulam para rito. Nagmamadali na siya dahil may appointment siya sa kanyang OB mamayang ten at mag-a-alas nuebe na. Sana nga lang ay hindi siya maipit sa trapik. Half-day lang kasi si Doktora ngayon dahil may conference daw itong dadaluhan sa hapon.
"May iniwan akong ulam," aniya, na hindi inaangat ang tingin kay Joseph. "Saka may kanin pa sa rice cooker. Ikaw na lang ang bahala at aalis na ako." Sinukbit na niya ang makapal na tote bag sa isang balikat, nag-angat siya ng mukha rito. "I-lock mo na lang ang bahay, may susi naman ako. Dadaan na rin ako sa mall para magpa-duplicate." Napansin niyang bihis na bihis na rin ito at halatang paalis na.
"Where are you going? Sumabay ka na sa'kin. Ihahatid na kita."
"Naku, huwag na–"
"I insist. Ibabaon ko na lang sa opisina ang niluto mo."
Namilog ang mga mata ni Mary. "Hmm?"
He smiled. "Sayang din. Nagtitipid din ako kaya mas okay na magbaon na lang ako." He chuckled. "Give me three minutes. Mabilis lang ito." Umalis ito sa harap niya at mabilis na nahanap ang baunan nito. Naglagay ito ng kanin at inubos nito ang ulam sa mesa saka selyadong ipinasok sa dark green knapsack nito ang baunan. Nilagyan din nito ng tubig ang dark green din nitong insulated water tumbler. "I'm all set." He smiled. "Let's go."
Isinuot na nito ang motorcyle helmet nito sa ulo kahit nasa loob pa sila ng bahay. Alam niyang iniwan nito iyon sa sala kagabi. He's still hiding his face from the people outside. "I always have a spare helmet, in case." Kahit hindi niya nakikita ang pagngiti ni Joseph ay halata ito sa boses at mga mata nito. "Don't worry, maingat akong mag-drive."
Lumabas sila ng bahay at inabot nito sa kanya ang spare helmet na kamukha ng helmet nito. Aware siya na high risk para sa kanya ang sumakay ng motorsiklo, pero hindi naman long drive ang distansiya ng ospital sa subdvision. Hindi naman din siguro siya idadaan ni Joseph sa baku-bakong daan.
But still.
"Hosep—"
"Just trust me." Hindi na niya itinuloy ang pagbigay sa kanya ng helmet, sa halip, ito na ang nagsuot nito sa kanyang ulo. "I told you, I got you." Sa pagkakataon na iyon ay nagtama na ang kanilang mga mata. Somehow, despite her doubts, she was assured. "Now, where should I safely drop my Mary?" He made sure the helmet was secured in her head.
"May appointment ako sa OB ko ngayon. Malapit lang naman dito. Kahit sa entrance mo na lang ako i-drop."
"Ayaw mong samahan kita hanggang sa loob?"
Kumunot ang noo niya rito. "Anong gagawin mo roon?"
"Moral support."
Natawa siya. "Gage. Hindi na. Wait." Iniwan niya muna ito para i-lock ang pinto ng bahay. Pagbalik niya ay nakasampa na sa motor nito si Joseph, pinaandar na nito, at pinipihit palabas ng gate ng bahay. "Sa labas na ako sasakay."
"Sure."
As soon as he was out from the small gate, iyon naman ang sinara niya at nilagyan ng padlock. Humawak siya sa isang balikat muna ni Joseph, inayos niya rin ang medyo mahabang saya ng suot niyang dress, naka garterized shorts naman siya sa ilalim nun kaya okay lang.
"Careful," anito, hinawakan ang kamay niya habang binabalanse ang motor.
"Okay lang, sana ako rito. Noong bata ako, lagi akong hinahatid ni Papa sa school ng motor niya," nakangiti kong kuwento. And she did, nagawa niyang makasampa at makaupo sa likuran ni Joseph. Komportable naman siya sa kanyang pagkakaupo dahil mamahalin naman itong motor ni Joseph. Hindi ito iyong manipis at makipot upuan. Saka, elevated din sa may bandang upuan niya. "Okay na ako." Nakahawak lang siya sa mga balikat nito, inilipat niya rin sa pagitan ang katawan ng tote bag.
"Yumakap ka na sa'kin." Nabigla siya nang hawakan ni Joseph ang mga kamay niya at maingat na ipinulupot sa katawan nito. Hindi niya alam kung bakit pinanlamigan siya roon, parang may kaunting kabog siyang narinig sa kanyang punso. "Maingat akong mag-drive pero mas mabuting nararamdaman kita sa likuran ko."
Napalunok si Mary. "Ahm. Sige."
Mer, this is normal. Huwag ka masyadong mag-overthink. It's for your safety.
"Higpitan mo pa."
"Huh?"
"Higpitan mo pa ang yakap, masyadong maluwag." Nakita pa niya ang pagngiti ng mga mata nito mula sa side mirror. "Hindi tayo aalis hanggat hindi mo hinihigpitan ang yakap mo."
Grabe naman ito. "Fine!" Pikit-matang hinigpitan niya ang yakap kay Joseph mula sa likod. Dahil sa ginawa niya ay mas lalong nanunot ang halimuyak ng pabango nito sa kanyang ilong. He really smelled good—manly scent, and it reminded her of a forest smell—sandalwood—Mer, focus!
"Good, we're set to go."
Umugong ang tunog ng motor nito bago pinaandar nang tuluyan ni Joseph ang motorsiklo nito. Nabigla siya noong una dahil akala niya ay haharurot ito ng takbo, pero hindi. Normal lang ang speed nito at sakalaunan ay nasanay na rin siya.
Naramdaman yata ni Joseph ang takot niya kaya nagsalita ito, "I told you I got you!" pasigaw nitong sabi.
"Ewan ko sa'yo!"
Tinawanan lang din siya nito.
Hay naku!
LITERAL na nagulat si Mary nang maabutan niya si Joseph na nakasandal ng tayo sa pader sa labas ng clinic. Hindi niya napigilan ang pagsinghap nang malakas kaya mabilis niyang tinakpan ng kamay ang bibig. Joseph found her reaction funny, kaya hindi nito napigilan ang pagtawa.
Ano naman ito, Hosep?!
Akupado halos ang mga benches sa labas ng mga clinic ngayon sa 7th floor kaya nakatayo na lang ito, nakahalukipkip pa. Pansin niyang nakuha na nilang dalawa ang atensyon ng mga pasyente roon kaya ibinaba na niya ang mga kamay at may pagmamadaling lumapit kay Joseph na nasa tapat lang naman ng clinic ng OB niya.
"Anong ginagawa mo rito?" pabulong niyang tanong. Nakangiti pa ring ibinaba nito ang mga kamay at lumayo nang bahagya sa pader para tumayo nang maayos. "Akala ko ba umalis ka na?"
"Sa hapon pa ang meeting ko."
"So?"
"So I followed you here," nakangiti pa rin nitong sagot. "How are you and the baby?" Natigilan siya sa tanong nito. Lalo na ang tono ni Joseph sa pagtatanong. Masyadong malambing.
Mer, he was just being polite. "Okay naman, malusog kami pareho."
He smiled. "Ilang months na ba?"
"Three months na." Naibaba niya ang tingin at napahawak siya sa kanyang tiyan. May umbok na pero dahil sa lagi niyang itinatago ay hindi halata ang laki ng tiyan niya. May kasabihan pa naman na kapag itinago ng ina ay parang magtatampo ang bata at hindi rin lalaki. She felt guilty because of that. Ibinalik na niya ang tingin kay Joseph. "Mabuti na lang at bukod sa pagsusuka ay hindi naman ako masilan."
"Nagsusuka ka pa rin ba hanggang ngayon?"
"Hindi na gaano pero may minsan, kapag may hindi ako nagustuhang amoy."
"How about cravings?"
Mary can't help but chuckled. "Meron din, kaso hindi lahat nakukuha ko lalo na kapag hating-gabi. Natatakot na akong lumabas ng bahay."
"Well, you have me now." Joseph smiled. Natigilan siya roon. Bumalik na naman iyong biglang kabog sa dibdib niya. "Tapos ka na ba?" She nodded. "Walang vitamins na ipinabibili si Dok?"
Umiling siya. "Wala naman, meron pa naman ako sa bahay. Maggo-grocery lang ako, magpapa-duplicate ng susi, at uuwi na rin."
Inilislis nito ang sleeve ng brown jacket nitong suot upang tingnan ang oras sa wristwatch. Siya naman ay hindi mapigilan na sundan ng tingin ang bawat kilos ni Joseph. Kahit saang anggulo at kahit sa mga simpleng kilos ay lumilitaw talaga ang kagwapuhan nito. Halata naman kasi, napapansin niya rin mula sa harapan niya ang ilang mga babae na napapatingin dito.
"We still have time," baling nito, may ngiti pa rin sa labi. "Samahan na kita at sabay na rin tayo mag-lunch."
"Akala ko ba nagtitipad ka?"
He chuckled. "Tipid? Gawa-gawa lang iyan ng mga illuminati."
"Hoy." Lalo lang itong natawa, at mas lalo pa itong nakaagaw ng atensyon. Mahinang tinampal niya ito sa braso. Mahina lang at baka umiyak si Hosep. "Tama na iyan."
"Let's go." Akala niya ay mauuna ito pero biglang inabot nito ang kaliwa niyang kamay—even laced his fingers with hers bago siya marahang hinila upang makaagapay siya sa paglalakad nito.
Hindi nakatakas sa kanya ang tingin ng mga tao sa kanila. Malamang, iniisip ng mga babae roon na asawa niya si Joseph. Some even looked at her with envy. She was not sure if it was okay to feel proud—kasi iyon talaga ang nararamdaman niya nang mga oras na iyon. Kahit na in reality ay hindi naman kanya si Joseph.
But still.
I may have not known him for years or months, but his words have affirmed me of his genuine self. Hiling ko lang ay sana hindi siya magbago.
"Mag-grocery na muna tayo," he suggested.
"Ayaw mong kumain muna? Wala ka pang-breakfast. Masarap ang pagkain nila sa canteen."
Ibinaling ni Joseph ang tingin sa kanya, grimaced a little. "I don't like the hospital's food."
Natawa siya. "May ibang putahe naman."
"Let's eat outside. My treat."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro