Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

ANG mata ng buong pamilya ni Mary ay nakatuon sa kanilang dalawa ni Joseph. The man was sitting beside her, fully clothed this time. Ramdam ni Mary ang lakas ng pintig ng puso at panlalamig ng mga kamay. Pakiramdam niya ay bumagal ang takbo ng oras kaya lalong dumadami ang mga pangamba sa utak niya.

Bumalik si Gospel para iabot sa Tiya Ame niya ang pangalawang tasang kape nito.

"Salamat, hija, kahit ang pait ng kape mo."

Matamis na ngumiti si Gospel. "Try niyo pong inumin ang kape niyo na masaya baka ho tumamis."

Sakabila ng kaba niya ay bahagya siyang natawa lalo nang pagtaasan ng tiya niya ng isang kilay si Gospel. Gospel on the other hand just smiled widely before returning to the kitchen. Bilib din talaga siya rito dahil nakakaya nitong sabayan ang tiya niya sakabila ng mga hindi magagandang side comments nito.

Bumalik ang isip niya ang inaalala niya kanina. She and Joseph wasn't able to come up with a final agreement with their situation. Nagahol sila sa oras dahil tinawag na sila ng kanyang ama upang kausapin tungkol sa kanyang pagbubuntis. Hindi niya alam kung paano umabot ang impormasyon na iyon sa kanyang pamilya pero may ideya na siya kung sino ang nagpakalat nun.

Mula sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya ang pasimpleng pag-ayos ni Joseph sa magulo nitong buhok. He may look calm, but she doubt if he was inside. Siguro ay magaling lang talaga itong magtago ng kaba or sanay na.

Honestly, she couldn't fully grasp what was happening in her life at that specific moment. Natulog siyang mag-isa pero nagising siyang may estranghero nang lalaki sa bahay niya. What's worse is she couldn't even force herself to speak out the truth. There is this strong unfamiliar power urges her to trust and depend on this man. Pero naisip niya kung bakit ganoon ang nararamdaman niya when in fact, he was a stranger.

"Anak, totoo ba?" basag ng kanyang ama. "Totoo bang buntis ka nga?"

Pinigilan ni Mary na iangat ang isang kamay sa kanyang impis pa niyang tiyan. Pinanatili niya ang mga itong makahugpong sa itaas ng kanyang mga hita. Hindi pa iyon halata lalo na't maluwag sa kanya ang suot na puting bestida. Kahit hindi niya balingan ng tingin si Joseph ay ramdam niyang nakatingin ito sa kanya.

Her world stopped rotating when she found out about her pregnancy. She had been denying the truth and the child growing inside her womb. The last two months were tough and she wasn't that kind to herself either. She felt so lost, alone, scared, and abandoned. All she did was to watch her life fall apart.

At twenty-four, all she had accomplished was making her life a disappointment. Every night that idea would always pierce through her soul and take all the hope she had for herself. She felt sorry for the child for having a mother like her.

Nagsimulang mag-init ang sulok ng kanyang mga mata. 'Mer, don't cry!' Pero kahit anong pagpapalakas niya sa kanyang loob ay natatalo ng mga negatibong emosyon ang damdamin niya. Lalong nanikip ang dibdib niya sa pagpipigil ng mga luha. Dumiin ang pagkakahugpong ng mga kamay niya sa taas ng mga hita niya, bumabaon ang mga kuko sa kanyang balat sa kamay.

Pero sino ba ang niloloko niya? Alam niyang hindi pa siya handa. She could never be ready. She couldn't bare to see the disappointment in her parent's eyes.

She was a failure.

"Mary—"

Nagitla siya sa boses ng ama at ramdam niya ang bahagyang panginginig ng mga kamay nang makita ang lalong pagseryoso ng mukha nito. Halatang hindi na ito natutuwa sa pananahimik niya. Gusto na lamang niyang humagulgol at lumuhod sa harapan nito upang humingi ng tawad.

"I'm Joseph." Marahas na naibaling ni Mary ang tingin sa lalaki. Bumaba lamang iyon nang maramdaman niya ang isang kamay nitong pumatong sa nanginginig niyang mga kamay. He gave it a little squeeze without looking at her. "And I'm taking responsibility for everything."

"Joseph," mahinang saway niya rito.

Pagbaling niya ng tingin sa papa niya ay buong atensyon nito ay na kay Joseph. She should feel relieve, but none of these are real. Sa ginagawa nito ay pinapalala lang nito ang pagsisinungaling niya sa pamilya niya.

Inalis niya ang kamay ni Joseph, napatingin ito sa kanya pero iling lang ang sinagot niya sa pagtataka sa mukha nito. Ibinalik niya ang tingin sa ama pero hindi na niya naituloy ang sasabihin pa nang makita niya na parang may iniinda itong kirot sa hinihilot nitong parte ng dibdib nito.

"Papa!" nag-aalala niyang tawag dito saka tumayo at lumapit. "Mama?" may luhang kumawala sa kanyang mga mata nang tingnan niya ang ina na sa mga oras na iyon ay inalalayan ang kanyang ama.

"Okay lang ako," sagot ng kanyang ama. "Huwag niyo akong alalahanin. Bumalik ka na roon sa tabi ng nobyo mo," pagtataboy nito.

"Naku naman, hindi mo na naman ba ininom ang gamot mo Joaquin?"

"Sinabing okay lang nga ako, Ame," may inis sa boses ng ama.

"Ayaw mo kasing makinig sa akin, Joaquin," reklamo ng kanyang ina. "Sinabi ko naman sa'yo na tawagan na lamang natin ang anak natin kaysa lumuwas tayo ng syudad."

"Tawagan? Ni hindi nga tayo sinasagot at kino-contact ng anak natin."

Natigilan siya roon. Guilt washed over her. Totoo na hindi siya tumatawag at umuuwi dahil sa kahihiyan at takot niya. At saka, malayo ang Oslob. It's a three to four hours bus ride. Malamang madaling araw pa umalis mula Oslob ang mga magulang niya para makarating dito nang maaga.

"Tubig." Bumalik si Gospel na may dalang basong tubig at inabot ito sa kanyang ama bago siya hinarap. "Everything will be fine," she mouthed. Binigyan naman siya nito ng tipid na ngiti saka inalalayan na makaupo ulit siya sa tabi ni Joseph. "Kalma ka lang." Marahan nitong tinapik ang kanyang kaliwang braso. Hindi na ito lumayo, tumayo na lang ito sa likuran nila.

Pero hindi na naalis ang takot at kaba sa puso niya habang tinitingnan ang ama niya. Patuloy lang sa paglandas ang mga luha niya. 'I can't lose my Papa. I can't let that happen just because of me.'

Marahas na bumuga ng hangin ang kanyang ama at tiningnan silang dalawa ni Joseph.

"Hindi ako papayag na maisilang ang apo ko na hindi kayo nagpapakasal," seryoso nitong sabi.

"Joaquin," may diing tawag ng ina niya sa kanyang ama.

"Buo na ang pasya ko at hindi niyo na iyon mababago pa. Magpapakasal kayo sa simbahan sa lalong madaling panahon."







"I CAN'T do this," naiiyak na pahayag ni Mary. Nakaalis na ang buong pamilya niya at silang tatlo na lamang nila Joseph at Gospel ang nasa bahay. "I can't hide the truth from them forever. Sooner or later, malalaman din nila ang kasinungalingan ko."

"Mer, kalma." Hinawakan ni Gospel ang magkabila niyang mga balikat para pakalmahin siya. She had been pacing back and forth in the living room. Seryoso naman ang mukha ni Joseph habang nakaupo sa sofa, halatang nag-iisip. "At huwag kang ma-stress, please. Makakasama iyan sa baby. May kilala akong buntis noon na laging galit, naging kalbo tuloy ang anak nila."

"Spel!" naiiyak at natatawa niyang saway. "Ano ba? Seryoso ako."

"Seryoso rin naman ako. Hindi iyon joke, talagang sa kansumisyon ng nanay niya eh ay ni isang buhok ay walang nagkusang tumubo."

"Just for the time being," basag ni Joseph na siyang nagpalipad ng tingin nila Mary at Gospel dito. Nag-angat ito ng tingin sa kanila. "Maybe not now, but it's not too late either." Tumayo ito at lumapit sa kanila. "We just have to find the right timing."

"Oh, tama si Dadee Jose," sang-ayon ni Gospel. "Saka wala pa namang binanggit na petsa ng kasal ang pudrakels mo. Keree pa iyan, Mamsh."

"Kilala ko si Papa. Sisiguraduhin niyang maikakasal ako bago mahalata ang tiyan ko."

Sabay na bumaba ang tingin ng dalawa sa kanyang tiyan. "Ilang months na ba si Holy Baby?"

Inihit ng ubo si Joseph. Siya naman ay napakunot ang noo. "Holy Baby?" sabay na sabi nilang dalawa ni Joseph.

"Of course. Mama Mary," turo ni Gospel sa kanya. "At ang ating willing Papa Joseph," turo naman nito kay Joseph. Pinagdikit nito ang dalawang hintuturo pagkatapos. "Equals our Holy Baby. Cute, 'no? Chika ko lang kahit hindi niyo naitatanong pero Korean culture binibigyan nila ng cute nickname ang fetus to build connection, ganern. At dahil paladesisyon naman akong babae ay pangalanan na nating Holy Baby ang baby niyo. Everyone agree? Okay. No objection, I won't accept it. Forda go."

Sa sobrang bilis ng pagsasalita ni Gospel ay nakatunganga na lang silang dalawa ni Joseph dito.

"Anyway, ganito, I'm a writer, so siyempre marami akong plot na puwede nating gamitin sa sitwasyon niyo. Hindi na ako maniningil ng copyright, isusulat ko rin naman kayo kapag nagka-happy-ending kayo." Bumungisngis si Gospel. She'd be honest, she couldn't understand any word from her. Joseph's expression couldn't seem to distinguish the sense in Gospel's words either.

"Let's huddle, holy couple." Lalo lang kumunot ang noo nila ni Joseph. Hindi sila tumalima kaya sapilitan na hinawakan nito ang mga braso nila palapit dito. "Alam niyo, bagay talaga kayo. Pareho kayong mabagal ang pick up sa mga impormasyon. Naka 1GB pa yata ang signal ng koneksyon niyo. Okay, according to Gospel, yes, that's me—"

"If you could just speak slowly, maybe we'll understand—"

"Shsh, Papa Joseph. I know what to do. I've been there."

"Saan?" Mary curiously asked.

"Sa bahay ng best friend kong panitikan. And may I remind you, Papa Joseph, kung hindi ka umakyat-bahay rito ay hindi ka sana magiging instant daddy."

"Ang kulit! Hindi nga ako umakyat."

"Oo na, dumaan ka sa pinto dahil may susi ka. Sana all, 'di ba?"

"Fine!" Joseph held a sighed in defeat. "What your greatest idea, Gospel?" Binigyan pa nito ng diin ang pagkakabigkas ng pangalan ni Gospel.

"Ito na nga. So, ang gagawin lang natin, prolong natin ang petsa ng church wedding niyo."

"Paano?" he asked.

"Isagad na natin ang kasinungalingan. Tutal kailangan niyo rin naman ang isa't isa. Sabihin niyo nang kinasal na kayo sa huwes. Madali naman iyang pekein ang mga pictures ngayon para may proof. I can help you, but with service fee na 'to ah. Ta's mag-usap kayo kung anong plan B niyo kapag hindi niyo na meet ang both goals niyo. Problema niyo na iyon. Pero my suggestion ako."

"Ano?" she and Joseph asked in unison.

"Pakasal na lang kayo for real para kay Holy Baby. Kasi what if kayo ang pinili ni Lord para sa second coming to save us from our walang character development sins?"

"Gospel!" Pinandilatan niya ito ng mata.

Pigil pa ni Joseph ang tawa noong una pero hindi rin nito napigilan at humalakhak na ito. Yumugyog nang husto ang mga balikat ni Joseph sa sobrang tawa. Bungisngis na nag-peace-sign lang sa kanya si Gospel. 'Talaga naman!' Sa isang buwan niya rito ay hindi pa rin siya nasasanay sa tabas ng bibig ni Gospel. Talagang napapailing na lamang siya. Lagi ngang sinasabi ni Vel na kung balak niyang sa langit pumunta ay huwag na raw siyang umasa na madadala siya ni Gospel doon. Dahil sa tabas ng bibig nito paniguradong limas lahat ng ligtas points niya.

'Ang tanong e, meron pa kaya siya nun?'





HABANG pababa sa hagdan ay napansin agad ni Mary si Joseph na nag-aayos ng mga gamit nito sa sala. His large dark green luggage was spread open on the floor, nakaluhod ito sa gilid habang may hinahanap sa loob. Nakasandal sa sofa ang isang guitar case na halata namang kay Joseph dahil hindi naman siya marunong maggitara. May napansin din siyang laptop bag sa itaas ng cushion ng sofa kasama ng cell phone nito.

Naligo muna siya dahil naiinitan siya sa sobrang stress niya sa mga pangyayari. Hindi siya makapag-isip nang maayos. She needed a cold shower to rinse all her worries. 'And I'm hungry!'

Tuluyan na siyang bumaba at naglakad palapit kay Joseph. He was so focused with what he was doing that he didn't even notice her. 'Alam mo, Mer, ang weird mo. Dapat pinaalis mo na itong lalaking 'to pero si Gospel ang pinaalis mo.' She sighed in her mind. Kumpara naman sa lalaking ito, mas mababaliw yata siya kay Gospel. Her ideas were just too good to be true. 'But admit it, Mer. Gospel makes sense.'

Yes, she agreed, but she contemplated it while she was in the shower. Before she makes drastic decisions, she must get to know this man first. No more emotions over logical reasons. The last time she let her heart take over, she fell apart.

Mary cleared her throat to get Joseph's attention. "Ahem."

Marahas na nag-angat ng mukha si Joseph at ibinaling sa kanya. "Mary!" gulat nitong tawag sa kanya.

"Let's talk." Napatitig ito sa kanya. "When you're done," dagdag niya.

"No. It's fine." Tumayo ito, scratched the tip of his right brow. "Hindi naman importante ang hinahanap ko. Gutom ka na ba?" Bahagyang kumunot ang noo niya sa naging tanong nito. "I realized that we hadn't eaten yet, so I asked Spel to get us something. And by the way, she offered it first. I'm not sure what you'd prefer. I should have asked you, but—"

"Joseph."

"I know. My mistake, I should have—"

"Thank you." Tipid siyang ngumiti rito. Tila natigilan ito sa reaksyon niya. Sabagay, ang maldita rin naman niya kanina rito.

He sighed in relief and eventually smiled. "Welcome."

Naglakad siya palapit dito at naupo sa long sofa kung saan nakasandal ang guitar case nito. Tiningnan niya iyon at napatanong, "Musician ka ba?"

He chuckled. "Hindi." Naramdaman niya ang pag-upo nito sa tabi niya, dumukwang para abutin ang guitar case nito. "But this dude has been with me for quite some time now." Nakangiti lang ito habang nagsasalita habang nakatingin siya rito. Tinapik nito ang katawan ng guitar case. He looked so proud, and she wondered why.

He turned his gaze at her this time.

"I should apologized," pag-iiba nito.

Muling kumunot ang noo niya. "Apologized? Para saan?"

"For intruding in your house and for holding your hand earlier."

Napatitig siya sa lalaki. Hindi niya alam kung bakit sa tuwing nagtatama ang mga mata nila ay lagi siyang nakakaramdam ng kapanatagan. It would always feel like she had known him before but couldn't remember when and where. At kahit sa paraan ng pagtitig nito sa kanya ay hindi siya nakakaramdam ng pagka-offend kahit na nakikita niya ang awa ni Joseph sa kalagayan niya.

Sa sitwasyon niya ngayon, ayaw niya ang kinakaawaan. She didn't want to be constantly reminded by all her failed decisions.

"Okay na iyon, kailangan ko rin naman iyon," sagot niya. "Kung hindi mo hinawakan ang kamay ko ay baka mapansin na nila ang panginginig ko."

Binalot sila ng ilang segundong katahimikan bago ulit nagsalita si Joseph, "Ahm. We probably should consider your friend's suggestion."

"It's not that easy. Gusto ko, pero hindi ako sigurado sa'yo," pag-amin niya.

Natawa ito. "Hindi ka sigurado sa'kin? How come?" Manghang-mangha ang ekspresyon nito. "Ah. Kasi pareho tayong estranghero sa isa't isa?"

"Isa na iyan. At saka, ilang oras pa lamang kita nakikilala. Paano naman ako nakakasiguro na ligtas ako sa'yo? Paano kung masamang tao ka pala?"

May kilala nga siyang tao na ilang taon niyang nakilala at nakasama pero niloko at inabandona pa rin siya. Looks can be deceiving, lalo na't oras lang naman ang kailangan para lumabas ang totoong ugali ng isang tao.

"To straight things right. I'm in no way a saint, but I assure you I'm not a bad person. Here." May inabot itong white long clearbook na nakapatong na kanina sa kaliwang parte ng bukas na maleta nito. "You can check all my documents. I have there my PSA, latest NBI clearance, business permits, passport..." Inabot nito sa kanya ang clearbook. "Nandiyan din ang TOR ko noong college at ibang certificates ko."

Hindi niya mapigilan ang matawa. Ewan, pero natatawa siya sa ginawa nito. Para kasi itong nag-a-apply ng trabaho sa kanya.

"Oh, bakit?" nakangiti nitong tanong.

"May resume ka rin ba rito?"

Natawa si Joseph sa kanya. "Wala, pero kung gusto mo ay gagawa ako. Madali lang naman iyong gawin."

May ngiti pa rin sa mukha niya kahit na ibinaling na niya sa clearbook sa kamay niya ang tingin. Binuklat niya ang unang page at bumungad sa kanya ang Baptismal nito at PSA na magkatapat lang.

"Joseph," basa niya sa pangalan nito. 'Another Joseph.'

"Yup, that's me."

"Joseph Benavidez."

"The just Joseph," he chuckled. "By just, it means, I don't have a second name—just Joseph. Thirty-one. Single. A small business owner." Natawa ito bigla kaya naibalik niya ang tingin dito. "But seriously, I'm a businessman."

"What kind of business?"

"House of José," he answered with a smug smile on his face. Halatang proud na proud ito sa business nito. "I started my business last year."

"House of José? Mga home decors? furniture?"

He nodded. "Limited design of furniture, fixtures, and home decor."

"Na ikaw ang nag-design?"

Tumango ito. "And my team."

Namilog ang mga mata niya sa pagkamangha. "Wow. So, anong ginagawa mo rito bukod sa tinatakasan mo ang arranged marriage na ipinipilit sa'yo ng pamilya mo?"

"It's a long story—"

"Marami akong oras."

He chuckled. "Hmm."

"Alam mo, kung gusto mong mapapayag ako sa suggestion sa atin ni Gospel kailangan mo muna akong makumbinse sa storya ng buhay mo."

"Wow!" Hindi nito napigilan ang paghalakhak. "Ma'am Charo ikaw ba 'yan?"

"Kilala mo siya?"

"Oo naman, anong tingin mo sa akin taga ibang mundo?"

It was her turn to laugh. "Inglesero ka kasi."

"Is that a bad thing?"

"Hindi naman. Akala ko lang lumaki ka sa ibang bansa. So, ano na nga ang kwento ng buhay mo Hosep?"

"Damn that name."

She chuckled. "I'm waiting, Joseph."

"Are you willing to wait?"

"Hindi."

Ang lakas ng tawa nito sa kanya. "Damn."

"No profanity in my house, Joseph."

"Damn—" Mabilis na tinikom nito ang bibig, namimilog ang mga mata.

She gave him a side eye look. "Isang daan kada mura mo."

"Fuck! Oh shit—damn—" Tuluyan na nitong tinakpan ng dalawang kamay ang bibig. Hindi niya tuloy napigilan ang tawa niya.

"That's four hundred in total."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro