Chapter 1
"PAPA!"
Napabalikwas ng bangon si Mary, habol-habol ang kanyang hininga na kumurap siya. Nailapat niya ang isang kamay sa kanyang dibdib at mariing ipinikit muli ang mga mata. Pinakalma niya ang malakas pa ring pinting ng kanyang puso. 'Panaginip, panaginip lang iyon,' paulit-ulit niyang sabi sa sarili.
Nanaginip siyang sinugod siya ng buong pamilya niya sa inuupahan niyang bahay dahil nalaman ng mga ito ang sekretong pilit na itinatago niya sa mga ito. She's going to tell her family soon, but not know. Not when her father's health is not in good condition. She knew her father will be disappointed in her. She will bring shame to her family if they find out the truth.
Bang!
Mary's eyes flickered open as she heard a slamming sound of the door coming from downstairs. Nasa second floor ang kwarto niya at siya lang naman ang mag-isa sa bahay. 'So sino ang may gawa nun?'
Marahas niyang inalis ang puting kumot sa katawan, bumangon mula sa kama, at hinagilap ang tsinelas sa sahig bago tinungo ang saradong pinto. Pagpihit niya pabukas ng pinto ay agad niyang narinig ang kumusyong nagaganap sa ibaba. Kumunot ang kanyang noo at tuluyan na siyang lumabas ng silid at naglakad sa direksyon ng hagdanan. Lalo pang lumakas ang mga nagtatalong boses sa ibaba habang papalapit siya.
"Sumagot ka, hijo, ikaw ba ang nakabuntis sa anak ko?"
Nakahakbang na siya ng dalawang baitang nang matigilan siya. Napasinghap si Mary nang marinig ang seryoso at galit na boses ng ama. Humigpit ang hawak niya sa handrail ng hagdan. 'Si Papa? Anong ginagawa niya rito at paano?'
"Joaquin, kumalma ka," sunod na narinig ni Mary ang boses ng kanyang ina. Napalunok siya. "Hindi pa naman natin sigurado kung totoo ngang buntis ang anak natin."
"Hindi nga ba totoo?" Boses naman iyon ng kanyang Auntie Amelda. Ang panganay sa limang magkakapatid sa side ng kanyang ina. "Aba'y, Analisa. Hindi naman makakarating sa atin ang ganoong balita kung hindi totoo. At bakit nagtatago sa atin iyang unica niyo?"
"Ate Ame–"
"At kita mo naman, may lalaking halos hubad na rito sa kanyang bahay. Dios mio! Hindi pa nga kasal ngunit may kinakasama na. Talaga naman, ang mga kabataan ngayon ay masyado nang napariwara. Palibhasa ay nalalayo na sa Dios."
'Lalaki? Halos hubad?' Wala siyang natatandaan na may kasama siyang lalaki sa bahay.
Mary heard someone clear his throat. "Just to make things clear, it's not how you think it is."
'Sino ka?!'
"Surely, this is just a mere misunderstanding," the man continued. "Let me just put on some clothes and we'll talk things out—"
Tuluyan nang bumaba si Mary para makita kung sino ang tinutukoy ng kanyang tiyahin. Namilog nang husto ang mga mata niya nang makita ang hubad, malapad, at matipunong likod ng isang matangkad na lalaki. Napahawak siya sa kanyang bibig para pigilan ang malakas na pagsinghap nang makitang dark green na boxer shorts lang ang tanging suot nito. Nagkukumahog itong isuot ang pantalon nito malapit sa sofa sa sala.
'What is happening? And this doesn't make sense at all. How did they find out about my address? And who is this man?'
Pakiramdam ni Mary ay bumabaliktad ang sikmura niya, gusto niyang masuka sa sa stress. Marami na nga siyang problema, may dumagdag na naman sa mga alalahanin niya. Ang daming tanong na nabubuo sa isip niya na hindi niya mahanapan ng sagot. In fact, those running thoughts made her feel more anxious.
'Mer, relax. It's gonna be fine. You'll be fine.'
"MANO po, Tito! Mano po, Tita!" pakantang singit ni Gospel na kasama rin ng mga ito. Mula sa likuran ay lumipat sa unahan si Gospel, ang pinagkakatiwalaan ng landlord ng inuupahan niyang duplex house. Nagmano ito sa papa niya, sa mama niya, at sa kanyang tiya. "Kumalma lang ho tayo, ano? Nakapag-breakfast na ba ang lahat? Sino gusto ng kape para kumalma tayong lahat—"
"Hindi pampakalma ang kape, hija," kontra ni Auntie Ame. Hawak pa rin nito ang cell phone kung saan ka-videocall nito ang sumunod dito na kapatid na si Auntie Alma na nasa Hawaii.
Bumungingis si Gospel. "Ay hindi po ba, Tita?"
"Nakita ko sa TV, hindi iyon pampakalma."
Kapansin-pansin ang disgusto sa ekspresyon ni Auntie Ame kay Gospel. Hindi na nakapagtataka dahil napaka-tradisyunal at konserbatibo ng tiyahin niya. Hindi malabo na hindi nito nagugustuhan ang ayos ni Gospel. Lalo na't napakaikli ng denim shorts nito at naka-croptop pa ng neon yellow.
'Mer, focus!'
Bumuga siya ng hagin. 'Bahala na!' Kuyom ang mga kamay na diretso siyang naglakad patungo sa estrangherong lalaki. Tumayo siya sa tabi nito na tapos na sa pagsusuot ng pantalon nito. She did not lift her face at the man, rather it remained on her family. She had been avoiding them because she was afraid she won't be able to hide the truth from them. Lalong lalo na sa mga magulang niya.
"Ma, Pa, excuse me lang po."
Hindi pa rin nakatingin na hinawakan niya sa pupulsuhan ang lalaki at hinila sa direksyon ng guest room sa ibaba na ginawa niya munang storage room pansamantala. She heard him complain and felt his hesitation but he didn't stop her. Kaya nang masarado niya ang pinto ay hinarap niya ang lalaki pero imbes na ito ang matigilan ay siya ang hindi nakapagsalita.
She was caught by how beautiful his light brown eyes were. Tila manika ang haba ng mga pilik mata nito at lalaking-lalaki ang mukha kahit na may pagkamaamo at pilyo iyon. Matangos din ang ilong nito at hindi rin masyadong makapal ang labi na pakiramdam niya ay laging nakangiti. He had a darker shade of brown hair, at bahagyang makapal at magulo ang buhok sa mga oras na iyon. He was also fair skinned but toned down. Siguro dahil sa klase ng trabaho ang meron ito. He also look like he had a foreign blood in him. Probably Spanish or a country from Middle East.
At hanggang baba lang ng lalaki ang tinangkad niya.
Mary blinked.
And the man awkwardly smiled at her. "I know you don't know me—"
Mary gulped away the spell his looks had brought upon her. "Who are you?!" she demanded in a low voice, afraid that someone would hear them from outside.
Napakamot ito sa noo. "There's just one misunderstanding I have to correct here, Mary," sagot nito sa mababa ring boses pero sa seryosong mukha.
Namilog ang mga mata ni Mary nang banggitin at bigyang diin ng lalaki ang pangalan niya. Alam niyang nakilala na siya nito dahil sa paulit-ulit na pagbanggit ng pamilya niya sa pangalan niya kanina.
"First, I didn't know this house was already occupied." Nagsimula itong magbilang gamit ng mga daliri. "Second, I may look like I'm some kind of unwelcome intruder but trust me, I welcomed myself here with keys. Unless you want to hear my side of the story? No, let's save that for later. Third, I came here in peace. And fourth, is it true that you're with child?"
Sinamaan niya ito ng tingin sa huling sinabi nito. "Una sa lahat, yes, may nakatira rito. Pangalawa, kahit na may susi ka pa, you're still an intruder. Pangatlo, you coming here did not bring me peace. Pang-apat, it's none of your business."
"It is now."
Kumunot ang noo niya rito. "What do you mean?"
"Not when your whole family thinks that I'm the father of your child." Hinawakan nito ang noo at magpalakad-lakad, halatang nag-iisip. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa huminto ito sa may bandang bintana. Nakaharang na ang lalaki sa liwanag. "This is crazy. I-I dont know what to do—"
"I'll tell them the truth," matapang niyang sabi sa mababa pa ring boses. Nakuha niya ang atensyon nito at bumalik ang tingin sa kanya ng lalaki.
Umayos siya ng tayo sa harapan ng lalaki.
"That you're with child?"
Sakabila ng unti-unting paggising ng kaba sa puso niya ay tumango siya. She had been avoiding this problem for a month now. She prayed for a sign last night, and maybe this was the sign God was giving her. To stop running away and just choose to face the consequences of her past.
Napansin ni Mary ang paglamlam ng ekspresyon sa mukha ng lalaki pero saglit lamang dahil sumeryoso muli ang mukha nito.
"Where's the father?"
Parang may bumarang maliit na bato sa lalamunan niya sa naging tanong ng lalaki. It had been a month since that coward abandoned her. She hated even uttering his name.
"You don't need to answer me if my question is making you uncomfortable. I'll just assume he got himself killed by penguins because he's an idiot." Tipid itong ngumiti, probably consoling her from her tragic fate.
Pinaglapat ni Mary ang magkabilang labi para pigilan ang tawa. She couldn't help it. God knows how much she wanted him killed. But she was better than him. Pinanatili niya pa rin ang seryosong mukha. 'And yes he's an idiot.'
"But are you sure you're going to tell them the truth? Because you seem troubled and hesitant." Titig na titig ito sa kanya.
"Gustuhin ko man o hindi, wala na rin naman akong magagawa. Ang iniisip ko lang ay ang Papa ko." She sighed. "Natatakot akong kapag nalaman niyang walang ama ang dinadala ko ay atakehin siya sa puso."
Nabanggit ng kanyang ina na pinagbawalan na ang papa niya ng doktor na huwag ma-istress dahil makakasama iyon sa puso nito.
Marahan siyang nagpakawala muli ng buntong-hininga.
Bumasag sa katahimikan ang default sound ng Messenger. "Shit." Nagkumahog ang lalaki sa paghugot ng cell phone sa kaliwang bulsa ng pantalon nito. "A moment." Sinagot nito ang tawag sa cell phone nito. The man sighed. "Ma, La, good morning?"
"Gago ka talagang bata ka!" Narinig ni Mary na ang isang boses ng matandang babae. Kumunot nang husto ang noo ng lalaki. "Sino ka para suwayin ako? Umuwi ka rito upang matuloy na ang kasal niyo ng anak ni Mikaelo. Walang magagawa itong paglalayas mo para hindi matuloy ang kasal niyo ni Margaret. Huwag mo akong sinusubukan Hosep."
'Hosep? Iyan ba ang pangalan niya?'
Bumuntong-hininga ang lalaki. "La, sinabi ko na sa'yo na hindi ako magpapakasal. May ibang babae akong mahal. Ikaw na nga ho ang nagsabi na dapat magpakasal lang ako sa babaeng mahal ko. And here I am now, following the right path."
"Hindi mo ako malolokong bata ka. Kilala kita. May ibang dahilan ka pa kung ayaw mong magpakasal."
"La, iyan lang ang dahilan." Pipigilan sana ni Mary ang lalaki sa pagtalikod sa kanya pero huli na. Nakita tuloy siya sa front camera ng cell phone nito. "May iba akong mahal." Sumakto ang anggulo ng camera sa mukha niya sa sinabi ng lalaki lalo na't nakababa ang tingin nito. 'Shucks!' Umalis siya mula sa puwesto niya na nakangiwi. Alam niyang kitang-kita ng lola at mama ng lalaki ang mukha niya.
"Rachel, na SS mo ba iyon kanina?"
Namilog ang mga mata ni Mary nang marinig ang slang term na iyon sa bibig ng lola ng lalaki.
"Yes po, Mama."
"Magaling."
Marahas na naibaling ng lalaki ang tingin sa kanya. "What the hell just happened?" he mouthed at her.
Mary pointed a finger to his phone. "Nakita nila," she mouthed back. "Ako." Itinuro niya naman ang sarili. "Baliw ka ba? Bakit ka tumalikod?" dagdag pa niya.
Marahas na tinampal nito ang noo. "Oh, shit!"
"Bibig mo, Hosep."
He held a sigh. "Lola, let me explain—"
"Save your explanations. I want to meet that woman."
"Mama!"
"Makinig ka sa lola mo, anak."
"Bring her here, or else I will do it for you. Kilala mo ako, Hosep. Hindi ako tumatanggap ng pagtanggi. Kung mahal mo ang babaeng iyan. Ipaglaban mo siya sa akin dahil hindi kita pinalaking duwag."
Marahas na napabuga ng hangin ang lalaki at ibabato pa sana ang hawak na cell phone sa bintana pagkatapos maputol ang videocall pero hindi nito itinuloy. Instead, may gigil na isinuklay nito ang libreng kamay sa buhok bago ibinalik ang tingin sa akin.
"Do you need a husband?" bigla ay tanong nito, naglakad ito patungo sa kanya.
"Huh?"
"Because I need a wife."
Napaatras siya nang sobrang lapit na nito sa kanya—isang hakbang na lang. He seemed serious and, quite frankly, demanding
"Adik ka ba?"
"I'll help you with your problem." Humakbang ulit siya paatras nang humakbang ulit ito palapit. "You help me with mine."
"I don't even know your name."
"Shit, where are my manners?" He smiled and reached out a hand at her. "I'm Joseph by the way." Natigilan siya at sobrang napatitig dito. "Joseph Benavidez." Lalong lumapad ang ngiti nito sa kanya. "And I've heard you're Mary."
Napalunok si Mary. "Ahm—" Umatras siya nang walang dahilan at napasinghap nang may kung ano siyang natamaan sa kanyang likuran para mawalan siya ng balanse. Naitakip niya ng kamay sa bibig para pigilan ang singhap nang mabilis na maiyakap ni Joseph ang mga braso sa baywang niya para hindi siya tuluyang mabuwal. She blinked many times and she couldn't seem to stop her heart from fluttering when it shouldn't have. Not when he's staring at her like a fragile glass in his arms.
'He's a stranger Mary for heaven's sake and one man is enough!'
"So, will you marry me?"
Itinulak niya ito palayo sa kanya. "No," mahina ngunit may diin niyang sagot.
Sabay silang napatingin sa pinto nang may kumatok. Walang sumagot sa kanila pero dahil hindi ito naka-lock ay nabuksan ito at sumilip ang mukha ni Gospel.
"I hate to ruin your moment mga love birds pero kung hindi naman truelalo ang lahat ay may magbibida-bida na ako kahit hindi ako si Jollibee." Lumipat ang tingin ni Gospel sa kanya. "Nasilip ko ang status ng Ante mo bakla. Dios ko! Pinamalita na niyang ikakasal ka na."
Umawang ang labi niya. "What?"
"Yes, girl, desisyon ang ante mong isang linya lang ang kilay. Char." Lumipat naman ang tingin ni Gospel kay Joseph. "Ang gwapo mo para maging akyat-bahay."
Joseph chuckled. "Kaibigan ko ang pamangkin ng may-ari."
"Ah. Taray. Desisyon din ang kaibigan mo, 'no?"
Stress! Problema niya talaga lagi ang dalawa niyang tiyahin. Nahilamos niya ang dalawang kamay sa mukha.
"Anong gagawin ko?" naiiyak niyang tanong.
"May kilala akong father at mayor," sagot ni Gospel sa kanya. Sumilip muna ito sa likod bago ibinalik ang mukha sa kanila. "Yes, Mamsh and Dadee, narinig ko lahat. Pero at least ako ang nakarinig, 'di ba? Ano, two-gives, siyempre wala nang libre ngayon."
Hindi sadya na sabay silang napatingin sa isa't isa. Bahagyang naikiling ni Joseph ang ulo habang naniningkit ang mga mata saka ibinalik ang tingin kay Gospel.
"Alin diyan ang hindi legal?" he asked.
"Siyempre iyong walang pirma ni Papa Jesus," bungisngis na sagot ni Gospel na lalong nagpakunot lang ng noo niya. "Char!" Nag-sign of the cross ito. "Wala kayong narinig, ah. Mabait ako. Pero two-gives pa rin. Ano game?"
Bigla ay pakiramdam niya ay nawalan siya ng lakas at matutumba. Mabilis naman siyang inalalayan ni Joseph na sobrang ikinagulat niya. Halos nakayakap na ito sa kanya at hindi niya naman napigilan na humawak sa itaas ng pupulsuhan ng kamay nito.
"Alam niyo may spark kayo," singit ni Gospel na siyang nagpabaling ng tingin nila rito. "Ayaw niyong papirmahan na lang ang marriage certificate niyo kay Papa Jesus?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro