Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, some places, and incidents are just products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, persons, living or dead, is entirely coincidental.

All rights reserved. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form and in any means without the permission of the author.

This is an old story written way back when I was just starting my writing journey. Please excuse my errors in this story. I will edit them next time. Thank you!

Before reading please note that these are preview chapters only. You can read the complete chapters of this story on Dreame just search for Jenn Martin. That's my other pen name that I use in Dreame app. Thank you so much for your love and support for me and my stories!

Prologue

Pakiramdam ko ako si Rapunzel na kinulong sa mataas na tower. Just minus the long hair. Mahaba din naman ang buhok ko but not as long as hers, of course. I was homeschooled ever since. At itong kuwarto ko sa huling palapag ng malaki naming bahay ang tinuturin kong tore.

The door opened and I saw my mother entering the room. She looked more sophisticated wearing her evening gown. Agad niya akong binati ng isang ngiti. Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa harap ng tukador. Lumapit siya sa'kin and gave me a hug. Pagkatapos ay tiningnan niya akong mabuti habang hawak sa magkabilang braso. She smilingly sighed.

"You're so beautiful, darling." her eyes twinkled with unshed tears as she looked at me.

I playfully rolled my eyes. She chuckled at muli akong niyakap. Napangiti ako. I hugged her back.

"No crying Mommy, or you'll ruin your makeup." pabiro kong banta sa kaniya.

"I just can't help it, anak. Parang kailan lang..." she reminisced.

It's my eighteenth birthday. At sa malawak na garden ng mansion ito gaganapin. Hindi parin ako makakalabas ng bahay, but at least I'll be able to see other people aside from our housemaids. Sila Manang Lourdes nga lang ang nakakasama ko sa bahay. My parents were both always busy running the family business. Palagi pa silang nasa abroad for business trips.

We were escorted by bodyguards habang pababa ng grand staircase. Hawak ni Mommy ang kamay ko. Sometimes I find my parents, especially my father Gilbert Torres, isang kilalang businessman and is one of the richest men in Asia, overprotective and paranoid.

"Intindihin mo nalang ang Daddy mo, anak. He's just worried that something bad might happen to you kapag hindi kami naging mahigpit. Pinoprotektahan ka lang niya at ang pamilya natin. Isa pa, you're his only child and heiress." Mommy smiled.

I would always ask why can't I be just like other girls. 'Yong nag-aaral sa isang escuelahan at may mga kaklase. May mga kaibigan at pwedeng mag-shopping together. Gumala at magkaroon ng night outs. Gaya sa mga napapanood at nababasa ko.

I just want a normal life. Hindi 'yong ganito na kinukulong na nila ako dito sa bahay. I also want to experience things. To know more about the world outside. And to fall in love...

Sinalubong kami ni Daddy bago tuluyang makalabas sa hardin. He opened his arms for a hug. Lumapit ako sa kanya at yumakap. Sa kabila ng lahat, I'm still grateful for my parents. They aren't perfect ngunit napaparamdam naman nila sa akin ang kanilang pagmamahal. Madalas iniintindi ko nalang ang kanilang kagustuhan. They just want to protect me. They just want what's best for me.

Still surrounded by guards ay lumabas kami at humarap sa mga dumalo. We were greeted by their applause. Napangiti ako. Mom and Dad were beside me. I was formally introduced sa mga associates ni Dad sa business. Naging abala ako sa pagbati at pakikipagkamay sa mga ito.

Masyadong pormal ang party. So instead of wearing a usual ball gown ay isang eleganteng long evening gown ang suot ko. Ang mga Tito ko, ilang pinsan, at mga anak ng business partners ni Dad ang isa isa kong nakasayaw for the eighteen roses. Siyempre si Daddy ang panghuli kong sayaw. Nagpakilala sa akin 'yong mga nakasayaw kong lalake. Ngunit sa huli ay hindi ko din natandaan ang mga pangalan nila.

"You have a lovely daughter, Gilbert." ngiti sa akin ng isang Ginang.

Binalik ko ang ngiti nito. Marami pa akong natanggap na ganoong papuri sa gabing 'yon. Some of the businessmen were even introducing their sons to me and my family. At ilang beses ko lang narinig kay Dad na wala pa sa isip niya ang ganoong bagay and that I am still young for it.

"Ma'am Kate!"

My forehead creased nang bumaling ako sa tumawag na katulong. Palapit na ito sa kinatatayuan ko at hinintay ko nalang.

"Saan ka po pupunta?"

"I'll just get a glass of water, nauuhaw ako." I said.

Umalis muna ako sa tabi nila Mom and Dad na naging abala na sa mga bisita. Mag-isa akong pumasok ng bahay at patungong kitchen nang mabilis din pala akong sinundan ng isa sa mga maids.

"Sana ay pinag-utos n'yo nalang." aniya.

Umiling ako. "It's alright. Gusto ko rin kasing pumasok na muna dito sa loob." medyo napagod narin kasi ako sa pakikihalubilo sa labas. "I'm fine, bumalik ka na sa trabaho mo."

May pagdadalawang isip pa itong umalis sa harapan ko. I sighed. Pati ang mga tao rito sa bahay ay nagiging kasing paranoid narin ni Daddy. It's not as if bigla nalang akong mawawala sa paningin nila. And we're just inside the mansion's premise. Isa pa we're surrounded by securities. Napailing nalang ako.

Tumuloy na ako sa kusina at sandaling nanatili doon habang umiinom ng tubig. Tahimik ang loob ng bahay dahil nasa labas at abala ang mga katulong. Pabalik na ako sa pinangyayarihan ng party nang harangin ng nagpakilalang isa sa mga bodyguards. There are a lot of them kaya hindi ko memoryado kahit ang hitsura ng bawat isa sa kanila.

"Inutusan ako ni Mr. Torres na ihatid kayo sa naghihintay na sasakyan sa labas." he said.

Kumunot ang noo ko. Bakit naman iyon ipag-uutos ni Daddy. At saan naman kami pupunta? Or maybe may surprise sila ni Mommy for me? Since it's my birthday.

"Tingin ko ay may surpresa para sa inyo si Sir." he smiled.

He looked harmless. And he's one of the guards my Dad hired to protect our family. Unti unti akong tumango at sumama na sa kanya. Tuluyan kaming nakalabas ng bahay patungo doon sa sasakyang sinasabi nito. Ngunit habang palapit doon ay nag-iba ang kutob ko. I don't know. Maybe it's my instinct telling me that something was not right.

May isa pang lalaking mukha rin bodyguard ang sumalubong sa amin doon at pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan. Nasa harap na ako n'on nang binalingan ko 'yong naunang lalaking sumundo sa akin kanina sa loob.

"Where's Dad? Hindi ba kami magsasabay nila Mommy sa sasakyang 'to?" I asked.

My heart started hammering inside my chest. Unti unti narin akong binabalot ng kaba. May mali talaga sa nangyayari.

Hindi ito agad nakapagsalita. Lumakas lalo ang kutob ko. But still I tried to act as normal as possible.

"Babalik na muna ako sa party. I'll ask my father first about this," hahakbang na sana ako para lampasan sila nang hawakan ako n'ung lalaking kaharap ko sa braso. Sobrang lakas na ng pintig sa dibdib ko.

Tumango siya sa kasamang nasa likuran ko at sunod kong naramdaman ang pagtakip nito sa bibig ko at sapilitan na nila akong pinasok sa sasakyan. Sinubukan ko pang manlaban at manghingi ng tulong ngunit matagumpay na nila akong naipasok doon.

Agad nilang binusalan ang bibig ko at nakita kong bukod sa dalawa ay may isa pa pala dito sa loob ng sasakyan na nasa driver's seat. Unti unting umandar ang sasakyan at halos mawalan na ako ng pag-asa. May securities pa sa gate bago tuluyang makalabas. Sinimulan kong hampasin ang bintana ng sasakyan sa tabi ko, hoping that the guards outside would notice it. Ngunit mabilis lang akong pinagitnaan ng dalawang lalake at pati kamay ko ay ginapos na nila. Nangilid ang luha sa aking mga mata.

The CCTVs! Sana naman ay agad may makakita na dinukot na ako ng mga lalaking 'to. Sana napansin na ngayon nila Mommy na kanina pa ako nawawala sa kanilang tabi. Sana...

Tuluyang bumuhos ang mga luha ko nang nakalayo na kami. Bakit nila ito ginagawa? Sino ang nag-utos sa kanila. May nag-utos ba sa kanila? Saan nila ako dadalhin? Ano'ng gagawin nila sa akin! My mind was shouting for help dahil hindi ko iyon mailabas sa aking bibig na may busal. I was already silently sobbing. Takot na maingayan sila sa akin at kung ano pa ang gawin nila.

"Sinusundan tayo!" one of them said in alarmed tone.

Naramdaman ko ang pagbilis pa ng takbo ng sasakyan. Hope rose in me. May dumating para sagipin ako. Siguro ay nalaman na nila Dad na nawawala ako and they already checked the CCTV that is installed in every corner of our mansion.

Kumalabog ang dibdib ko nang binabangga na no'ng kotseng sumusunod sa amin kanina ang sasakyang sakay ako. Hanggang sa napadpad kami sa isang tahimik na kalsada. Biglang napapreno 'yong driver ng sinasakyan ko nang harangin kami n'ung kotse.

I heard them curse repeatedly at halos magkakasabay na lumabas ng sasakyan sabay bumunot ng baril. My eyes widened at pagsinghap lang ang nagawa ko. Halos manginig na ako sa naramdamang takot. Mariin ko nalang pinikit ang mga mata at nagdasal.

Napamulat lang ako noong muling bumukas ang pinto ng sasakyan sa tabi ko at bumungad sa akin ang isang lalake. He's not one of those who kidnapped me. Natulala ako sa kanyang mukha...

Did I just met my knight in shining armor?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro