Chapter Three
I woke up the next morning and realized I was not in my queen-size bed. Wala ako sa malaki kong kuwarto. And I was not in our mansion. Agad kong inalala ang mga nangyari last night. I was being kidnapped by those men na nagpakilalang mga bodyguards. And then someone rescued me... I then remembered Alec. Nasaan na kaya siya... nasa tabi ko lang siya kagabi.
Bumangon ako sa kawayang kama at lumabas ng silid. Bumungad sa akin si Lola Lydia na naghahanda ng breakfast sa maliit nilang dining table na gawa din sa kahoy. Agad ako nitong sinalubong ng ngiti.
"Magandang umaga." she smiled.
I smiled too and greeted her back. Umupo ako sa isa sa mga silyang naroon. Hindi pa naman ako tinanghali ng gising. Napatingin ako sa tanawin sa labas ng bintana. It was a sunny morning. I saw a cow 'di kalayuan. Halos puro berde din ang nakikita ko sa labas. Puro mga puno, mga pananim at rice field. Hindi ko ito napansin kagabi dahil madilim pa. Pero ngayong nakikita ko na dala ng magandang sikat ng araw, I feel relaxed. Ang ganda ng lugar nila dito. Mas maganda sa tanawin ng malawak na garden sa mansion.
"Uminom ka nitong mainit na tsokolate." nilahad ni Lola ang isang cup sa harap ko. I smiled and thanked her. Sumimsim ako doon. And it taste good.
"Si Alec po pala?" I asked.
Bumaling sa akin si Lola. "Maagang umalis para puntahan 'yong talyer. Pero mamayang tanghalian ay narito narin sila." nakangiting aniya. "Ayaw mawalay sa mahal mo, ano?"
Saglit akong natigilan. Is she teasing me? Awkward nalang akong ngumiti. They still think na magkasintahan nga kami ni Alec.
"Sa'n po kayo pupunta, Lola?" tanong ko after naming mag-breakfast.
She's already carrying a basin with her na tingin ko ay naglalaman ng mga damit na kailangang labhan.
Bumaling siya sa akin. "Sa may ilog lang ako, hija, para maglaba. Malapit lang 'yon dito."
My eyes widened a bit in excitement. A river! "Pwede po ba akong sumama?"
Bahagya itong natawa sa marahil ay parang bata kong reaction. She nodded. "Oo naman. Halika na." at nagpatiuna na siya palabas ng bahay.
Sinuot ko 'yong tsinelas na pinahiram sa 'kin ni Lola tapos ay sumunod na ako sa kanya. Wala parin naman si Alec kaya sasama at baka makatulong muna ako kay Lola.
Bumungad sa akin ang iilang taong abala sa kanilang mga gawain the moment we stepped out of the house. Older and younger men were busy na magsibak ng kahoy at mag-igib ng tubig. May mga babae at Ginang rin akong nakita na abala naman sa pagsasampay ng kanilang labahin at pagwawalis sa mga bakuran nila. Children were happily playing outside. Iyon nga lang ay natitigilan sila kakatingin sa akin. I even saw one of the younger men na bahagyang natapon 'yong inigib na tubig when he saw me. My forehead creased.
"'Nay Lydia, siya na ba 'yong nabanggit sa amin ni Edwin na bisita n'yo raw?" a middle aged woman asked and smiled at me.
"Oo. Siya nga at 'yong kasintahan niya. Taga Maynila at napadpad lang dito dahil nasiraan sila ng sasakyan sa daan." Lola Lydia explained.
Unti unti narin akong ngumiti do'n sa Ale. "Good morning po."
Lumawak pa ang ngiti nito. "Ay! Magandang umaga din sa 'yo, hija."
Nagpakilala at binati din ako ng mga tao pa doon. Isa isa ko silang nginingitian. Nakakatuwa. Mababait at mabubuti ang mga tao rito.
"Kasintahan niya 'yong lalaking kasamang umalis kanina ni Tatang Manuel, 'Nay?" isang may edad na lalake ang nagtanong.
Sinagot siya ni Lola Lydia ng oo at sandali pa silang nag-usap ng mga taong naroon. Bago kami nagpatuloy sa pagpunta sa may ilog. Bukod sa amin ni Lola ay may ilang kababaihan na kaming naabutan doon na naglalaba. Pumuwesto si Lola at nagsimula na sa gagawin. Habang pinagmasdan ko naman muna ang ganda at linis ng paligid. I inhaled the relaxing and fresh air. Ang ganda nga talaga ng lugar nila dito.
"Tulungan ko na po kayo, Lola." I offered even though I didn't know a thing about washing clothes.
Ngumiti lang siya at inilingan na ako. "Ayos lang hija. Kaya ko na ito, at kokonti lang naman."
Tumango nalang din ako. Umupo ako sa isang malaking bato katabi lang ni Lola. Tapos ay binaba ko at hinayaang lumubog ang mga binti sa malamig at malinaw na tubig. Napangiti ako sa pakiramdam nito sa aking mga paa.
"Pwede din po bang maligo dito, Lola?" I asked Lola Lydia na agad din naman akong tinugunan.
The old lady smiled. "Oo naman. Marunong ka bang lumangoy?"
Bahagya akong napangiwi at napakagat sa pang-ibabang labi. I shook my head. "Hindi po."
"Nako, edi mas mabuti kung makakasama mo si Alec kapag maliligo ka dito. Medyo may kalaliman na banda roon," tinuro niya ang gitnang parte ng ilog. "'Tsaka malakas din ang agos ng tubig at baka pa matangay ka."
Unti unti nalang akong tumango sa sinabi nito. Kaya naman nakuntento nalang muna ako sa pagmamasid sa paligid at pagdama ng masarap na tubig sa aking mga paa.
Before lunch ay nakabalik narin kami sa bahay. I helped Lola Lydia na maisampay sa likod bahay 'yong mga nilabhan niya. I actually enjoyed it and was amazed na madali lang naman pala iyon. Siguro 'pag nakauwi na ako sa mansion ay tutulong ako sa mga maids para maibsan narin ang boredom ko.
I also helped her preparing and cooking for our lunch. Madali naman akong matuto kaya nakuha ko agad kung paano hiwain 'yong mga gulay. The whole time din ay nakatingin ako kung paano siya magluto. I think marami na akong natutunan pagbalik ko sa mansion.
Naghahain na kami sa mesa ni Lola when I heard Lolo Manuel and Alec's arrival. Mabilis ko munang iniwan ang hapag para salubungin sila. Parang napanatag ang puso ko when I saw Alec entering the house. I feel like I wanted to hug him but I stopped myself. Para saan naman 'yon, Kate? Nangunot ang noo ko para sa aking sarili.
"Handa na po ang lunch," I told them.
Tumango sa akin si Lolo Manuel at ngumiti. Lumapit sa akin si Alec and my heart just unreasonably doubled its rhythm. Halos manigas ako sa kinatatayuan when his hand reached for the top of my head. My hair. May pinakita siya sa aking mula doon pagkatapos. Isang maliit na dahon. Sumabit siguro ito galing sa mga malalaking puno doon kanina malapit sa may ilog. O 'di kaya'y sa puno dyan sa likod bahay habang nagsasampay kami kanina ni Lola.
"Kamusta ang lakad n'yo?" I heard Lola Lydia asked her husband.
"Nasa dalawa hanggang tatlong araw pa raw bago tuluyang maayos at makuha nila ang kanilang sasakyan." Lolo Manuel answered.
I looked at Alec na may pagtatanong. He sighed and nodded. "Medyo matatagalan bago tayo makabalik sa city. Ayos lang ba sa 'yo?" he asked. A bit worried.
Naisip ko ang nag-aalalang sila Mommy at Daddy. I hope bawasan na nila ang kanilang pag-aalala dahil maayos lang naman ako dito. Unti unti akong tumango kay Alec. I let out a small smile para 'di narin niya ako alalahanin pa. "Ayos lang. Mabilis lang din naman ang tatlong araw."
He nodded at tinawag na kami nila Lola para sa pananghalian.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro