43;
seungkwan's
Nakarating na kami sa Japan. Infairness kasing ganda ko siya. Kasing cute ko siya at kasing linis ko siya. Hehe.
"Tupangina naman baboy! Sige ako lang pagbuhatin mo ng lugagge kaya ka tumataba eh!" Letse talaga tong Chershel na to laging panira sa solo scene ko -,-.
"Akin na nga! Sexy ako langya ka hindi ako mataba! Pisngi lang pero sexy ako may curves ako kaya nga tuwang tuwa si Han-"
"Tama na please! Wag mo na ituloy baka wala sa oras umuwi agad ako sa Pilipinas at iwan ka mag-isa dito." Edi shing.
"Tara na! Ayan na taxi pumunta muna tayong hotel bago mag gala!" Bakit ang init ng ulo nito? Kanina lang nakita ko magkachat sila ni Dino. Lq??
Sumunod na lang ako at sumakay sa taxi. Teka paano ko sasabihin eh di ako marunong mag Japanese.
"Baboy sabihin mo sa North Osaka Hotel tayo. Matutulog muna ako malayo layo pa naman yon. Ikaw na bahala jan." Atsaka humilata ang bruha, pinatong pa ulo niya sakin like a boss talaga toh oh.
Teka hindi talaga ako marunong mag Japanese paano na to.
"Ahmm kawazaki suzuki yamashita North Osaka Hotel please." Yun lang alam ko sana gumana.
"Okay po sir." Teka nag tagalog ba si kuya?
"Marunong ka mag tagalog?"
"Ah opo sir. Pilipino po ako hehe."
"Eh kung sinabi mo nung umpisa pa lang edi hindi na sana ako nahirapan mag japanese?"
"Sarreh naman sir tao lang ako nagkakamali normal lang magkamali pero nung nagkamali ako hindi niya ako inintindi at iniwan agad. Kaya sorry po ah, hindi ko na uulitin."
Ay humugot? May pinagdadaanan lang??
"Sige basta ingatan mo mag maneho ah."
"Opo sir."
'~'
Mayamaya nakadating na kami sa North Osaka Hotel at ginising ko na si Che.
Kadiri nga eh tulo laway tas humihikab pa.
Binaba nanamin ang gamit namin at nagbayad. Si Che nagbayad Philippine money dejoke nagpapalit kami sa airport kanina.
Pumasok na kami sa hotel at dumeretso sa check-in desk ba yon hindi ko alam tawag don eh.
Kinuha na ni Che ang key card sa kwarto namin atsaka umakyat na kami. Sa second floor lang kami room 12.
Maganda yung hotel, balita ko five star siya. Yaman talaga ni Chershel (●'∀`●).
Pagkadating namin sa room agad akong humiga sa kama. Hayayay sarap ng buhay.
Inggit kayo noh? Blehhh (ી(΄◞ิ౪◟ิ‵)ʃ)♥
"Hoy baka nakakalimutan mo? Ngayon agad ooperahan ang pinsan kong si Leonardo pagdating niya dito sa Japan at ang pagkakaalam ko din mula kay Papa pagkatapos na pagkatapos idishcharge mula sa ospital siya na ding kasal nila ni Rene. Sige magsaya ka pa jan parang hindi siya ang pinunta natin dito ah."
Bigla naman ako napabangon sa pagkakahiga.
Atat talaga si Rene na pandak ipakasal kay Hansol noh? Kating kati lang?
"Teka saang ospital ba siya ooperahan?"
"Sa Western Osaka Hospital."
Sige lahat ng lugar na pupuntahan namin may direction -,-.
Pero kailangan ko pumunta sa ospital at magpakita kay Hansol. Kailangan ko siya bigyan ng lakas para makayanan niya ang operasyon.
-
gawa gawa ko lang po yung mga names ng lugar, pero nasa osaka po silaaaa :-)) yung pic talagang galing siya sa hotel sa japan :-)) tanong lang kayo kung naguguluhan :-)))
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro