Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

10;


Wonu dialing...
Call connected-

"WONU!"

"Aray ah, sakit sa tenga wag kang sumigaw."

"BES SI HANSOL MAY NILILIGAWAN, BES BABAE SIYA! BABAE! BAKIT NAGING STRAIGHT SI HANSOL!?"

"Aba ewan ko, baka talagang ayaw na niya sayo kaya nanliligaw na ng iba."

"BES NAMAN."

"Ano? Opinyon ko lang naman."

"Bes chinat ko yung babae. Sinabi ko di sila bagay, nakakainis kasi eh! Ang arte!!"

" Ang warfreak mo po. Mag ex na kayo Kwan, ikaw nakipagbreak. Sino may kasalanan? Ikaw diba? Ang tanga mo kasi, ngayon ikaw babalik? Ano naglolokohan lang kayo?"

"Nakipagbreak naman talaga ako dahil nararamdaman ko na hindi na niya ako mahal.."

"Nag-usap ba kayo non? Oh hinayaan mo lang na tumagal at sumuko ka agad ng walang usapan na nagaganap?"

"Hinayaan ko..."

"Kaibigan kita Kwan pero gag* ka din pala eh. May mga bagay na hindi madaling sabihin sa relasyon kaya kung may nararamdaman ka ng mali dapat nag initiate ka ng kausapin siya. Malay mo may pinagdadaanan siya noon. Ikaw kasi padalos-dalos na lang."

"..."

"Nasabi mo na ba na mahal mo parin siya?"

"Hin-hindi pa."

"Then say it. Kahit na break na kayo hindi naman ibig sabihin non hindi niyo na pwede pag-usapan ang naging problema niyo noon."

"Pero..."

"Walang 'pero' Kwan, kung gusto mo talagang maayos yang problema mo. MAG-USAP KAYO UTANG NA LABAS dahil nakakaloka ka na. Araw-araw mo sinisira ang tenga ko kakatawag sa kabaklaan mo."

"Sige.. sasabihin ko. Salamat Wonu ah, ganyan ba kayo ni Mingoy?"

"Oo ganun kami, pinag-uusapan muna namin bago kami mag-isip ng kung ano. Kasi malay mo hindi naman pala ganun, may dahilan pala siya kaya niya nagawa yun."

"Si-sige! Kakausapin ko siya! Salamat Wonu!"

"Sigesige bababa ko na to. Goodluck Kwan."

Call disconnected-

"Kaya ko ba talaga? Paano kung hindi naman pala niya talaga ako mahal?? AISH!- BAHALA NA!!"

-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro