Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

Chapter 5

Carmen

"Nag-aaway naman ba kayong dalawa?" Tanong ko sa kanilang dalawa. Mukhang nag-aaway na naman ang dalawang to. Kahit kilan talaga yung dalawang to wala talaga silang paawat sa pagbabangayan.

"Carmen!" Gulat na sambit nilang dalawa. "Okay lang ba kayo?" Kunot noo tanong ko sa kanilang dalawa.

Agad naman nakabawi si Best at lumapit sakin sabay niyakap niya ako. Lumapit narin si Cardo sakin. "Bakit ba nag-aaway na naman kayong dalawa." Sita ko sa kanila.

"Itanong mo nalang dyan sa babaeng yan. Iwan ko nga sa kanya ako nalang palagi yung sinisisi niya sa nangyari sayo." Inis na turo ni Cardo kay Besty. "Siya nga pala oky na ba yung pakiramdam mo?" Tanong niya sakin. Tumango naman ako sa kanya.

Nagtatanong naman akong tumingin kay Besty. "Best?" Nagtatanong na tawag ko sa kanya. "Nako besty mamaya kita sasagutin sa napakarami mong tanong sakin. Tatawagin ko muna yung doctor." Paalam naman ni Besty sakin.

Ano kayang sinabi niya kay Cardo. "Cardo pwede bang bawas bawasan n'yong dalawa yung pag-aaway niyo. Baka mamaya kung sino pa yung makarinig sa bangayan n'yong dalawa. Saka wag rin kayong mag-aaway sa harapan ko kasi nakakastress kayong tingnan." Pakiusap ko naman sa kanya.

"Kaya ko naman gawin yon e! Pero yung bestfriend mo ba kaya niyang gawin yon?"

Sabagay si besty talaga yung parating nagsisimula ng gulo nilang dawala. Pero alam ko rin naman kung bakit yon ginagawa ni Besty ginagawa lang naman niya yon para sakin. Para ipagtanggol ako at protektahan ako.

"Basta wag na kayong mag-aaway sa harapan ko. Sumasakit yung ulo ko sa inyong dalawa." Ayoko talagang nag-aaway silang dalawa ng dahil sakin. Dahil hindi naman sila ganyan dati.

"May masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong niya sakin. Umiling naman ako. "Oky lang ako ayoko lang na nag-aaway kayo palagi lalo na sa harap ko." Sagot ko sa kanya.

"Ganyan rin yung sinagot mo sakin nong huli tayong pag-uusap pagkatapos non ano? Diba bigla nalang may nangyari sayong masama." Nag-aalala parin tanong niya sakin.

Hindi naman ako makasagot sa sinabi niya. Diko alam kung anong isasagot ko. Alangan namang sabihin ko sa kanya na dahil sa kanya kaya naman ako nagkaganito.

"Tingnan mo hindi kana makasagot sakin." Sabi niya. Tiningnan ko naman siya ng masama. "Ano naman yung gusto mong isagot ko sayo aber." Pagsusungit ko sa kanya. Sasagot pa sana siya kaso bumukas na yung pinto saka pumasok si Besty kasama yung doctor at hindi ko inaasahang kasama rin nila si kuya Billy.

"Kuya." Masayang sambit ko. "Buti naman gising kana." Seryosong sambit nito. "Wag mo ng uulitin iyon Carmen subra akong nag alala sayo." Hinawakan niya yung mga kamay ko.

"Sorry kuya billy napagod lang siguro ako sa school kaya nangyari to." Pagsisinungaling ko naman sa kanya. Sorry ulit kuya balang araw masasabi ko rin sayo ang totoo pero ngayon wag na muna ayoko ng gulo. Alam ko naman kung gaano kayo kaclose ni Cardo at wala akong balak na sirain yon. Kaya hanggat kaya kung itago 'to mananatili lang tong lihim.

"Kaya nga ayoko kitang pagaralin sa ganon kalaking paaralan dahil alam ko ngang mastress ka don." Reklamo naman niya sakin. Ngumiti naman ako sa kanya. "Kuya naman oky na po ako." Kumbinsi ko naman sa kanya.

"Seguraduhin mo lang talaga Carmen na di kana magpapagod sa kakapagaral mo. Oky lang sakin na hindi tumaas yung grado mo dahil yung mahalaga sakin ikaw, yung kaligtasan mo. Ayoko ng mangyari to kaya sana naman mag-iingat ka parati." Madamdaming pakiusap niya sakin.

Gusto ko namang maiyak ng dahil sa sinabi ng kuya billy sakin. Alam kung mahal na mahal talaga niya ako at ganon rin naman ako sa kanya. Mahal na mahal ko rin niya ng subra, subra pa nga.

"Oy! Tama na nga yan. Doc e check n'yo na nga po si Carmen para malaman namin kung kilan po siya pwedeng lumabas dito." Sabat naman ni Cardo sa usapan naming magkapatid.

Lumapit naman sakin yung doctor saka ako sinimulang echeck. "Ano doc pwede na bang lumabas si Carmen?" Usisa naman ni Cardo.

"Pwede ba Cardo manahimik ka muna dyan hindi pa nga tapos yung doctor tanong kana ng tanong dyan." Saway naman ni Berna sa kanya.

"Bakit ba? Nagtatanong lang naman ako ah." Inis sagot ni Cardo rito. Ito na naman sila hay nako.

"Manahimik na nga lang kayong dalawa mastress si Carmen sa inyo e." Saway naman ni kuya Billy sa kanilang dalawa. Akmang sasabat pa sana si Cardo ng humarap ang doctor ko kay kuya Billy.

"Ano doc kumusta naman po yung kalagayan ng kapatid ko?" Tanong niya sa doctor.

"As of now okay naman siya pero sana iwasan nyong bigyan siya ng mga ikakastress niya. Wag nyo sana siyang bigyan ng mga ikakastress niya o kaya naman ikakapagod niya. Nakakasama kasi 'yon sa pakiramdam niya at dahil don naapektohan yung tibok ng kanyang puso." Paalala naman ng doctor sa kanila.

"Gagawin po namin ang lahat para malayo po siya sa mga nagpapastress sa kanya. Makakaasa rin po kayo na aalagaan po namin niyang mabuti." Humarap naman sa akin si kuya Billy. "Ikaw naman Carmen pwede bang sundin mo yung mga bilin sayo ng mga doctor mo. Siguro naman makikinig kana ngayon." Paalala sakin ng kuya billy.

Naka ngiting umango naman ako sa kanya. "Pangako." Promise ko sa kanya. Ngumiti narin siya sakin. Nagpapasalamat talaga ako sa panginoon na binigyan niya ako ng isang kapatid na kagaya ng kuya Billy dahil ramdam na ramdam ko talaga yung pagmamahal niya sa akin. Inaalagaan at binibigay niya sa akin ang lahat. Napakabless ko talaga dahil siya yung naging kapatid ko.

"Magiingat ka parati." Pakiusap niya uli sakin. "Promise para sayo kuya." Taas kamay na pangako ko sa kanya. Tumngo naman siya.

"Ibig sabihin pwede po siyang lumabas doc?" Tanong ni Cardo. "Sa ngayon hindi pa siya pwedeng lumabas meron pa kaming mga test na gagawin sa kanya. Seguro sa mga susunod na linggo pwede na siya umuwi. Basta iwasan n'yong mastress siya." Paalala naman ni Doctora.

"Ganon po ba. Wag po kayong mag alala doctora aalagaan po namin siyang mabuti at hinding-hindi po naman siya hahayaang mastress." Pangako naman ni Cardo kay Doctora.

"Mabuti naman kung ganon, oh siya mauna nako marami pa akong gagawi." Paalam naman ni Doctora samin. Nagpasalamat naman kaming lahat sa kanya. Sinamahan narin siya ng kuya Billy palabas ng kwarto ko dahil meron rin daw itong papakitang mga resulta ng iba ko pang mga test.

Sana naman maganda yung kina labasan ng mga test ko. Pero alam ko naman impossible yon ng dahil sa nangyari sakin ngayon. Hanggat maaari ayoko munang lumala yung sakit ko pero dahil narin sakin kaya mas lalo akong nalalagay sa piligro.

Kasalanan ko parin ang lahat nangyari sakin.

___

Next...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro