Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

Chapter 12

Cardo

Kanina pa ako rito sa labas ng bahay ni Carmen ngunit hindi ko parin magawang kumatok mqn lang. Hindi ko alam kung itutuloy ko ba yung plano ko o hindi. Natatakot kasi ako sa pwedeng mangyari sa kanya. Ayokong mangyari yung sinabi samin ng doctor niya. Natatakot akong may mangyari sa kanyang masama ng dahil sa gagawin ko. Pero kung hindi ko naman yon gagawin paano ko naman mapapatunay kung totoo nga ba ang lahat ng mga sinabi sakin ni Lola Flora.

Kahit naman ayokong maniwala sa mga sina sabi nila pero sa mga nakikita at naaalala ko sa lahat ng mga ginawa ni Carmen para sakin parang gusto ko narin maniwala pero kailangan ko parin ng kompermasyon sa lahat ng mga yon. Nahihirqpqn at nalilito narin ako sa nararamdaman parang ano mang oras gusto ng sumabog ng utak ko sa kakaisip sa mga nangyayari.

Ayokong mawala yung dating samahan namin ni Carmen. Pero kung ako nga yung dahilan ng mga paghihirap niya hindi ko alam kong kaya ko pa bang ibalik sa dati yung samahan naming dalawa. Hindi ko alam kong kaya ko pa ba siyang lapitan muli. Ayokong malayo siya sakin. Pero mas ayokong mawala siya ng dahil sakin.

Kaya kung totoo nga yon hindi ko alam kong anong gagawin ko. Para na akong mababaliw sa kakaisip kong bakit ba to nangyari. Ito ba yung parusa sakin ng dahil sa pagihing maluko ko. Si Carmen ba yung kapalit ng lahat ng yon.

"Cardo." Bilag lang sulpot ng nakangiting si Carmen sa harap ko. "Oky ka lang ba?" Nag-aalalang tanong niya sakin. Ano bang matinding nagawa ko para si Carmen yung maging kapalit ng lahat ng to.

Hindi ko yata kayang malayo sa kanya pero mas hindi ko kayang mawala siya ng tuloyan sakin. Hinawakan ko naman yung kamay niya saka hinila siya pa upo sa tabi ko.

"Oy! Oky kalang ba?" Tanong niya ulit sakin. Tipid naman akong ngumiti sa kanya. "Oo naman." Alanganing sagot ko sa kanya.

"Bakit parang malungkot ka?" Usisa pa niya sakin. "May problema kaba? Pwede mo namang sabihin sakin kong meron kang problema diba. Nandito lang naman ako kaya kong ano man yang nasa isip mo sabihin muna sakin."

Napabuntong hininga naman ako, bakit ba hindi ko man lang napansin yon? Bakit hindi ko man lang nakita, ako na pala ang dahilan ng bawat paghihirap niya pero hindi ko man lang napansin. Ganon ba talaga ako kabulag para hayaan siyang maghirap ng dahil sakin. Ganon ba talaga ako ka manhid!

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Natatakot ako na baka sa isang maling galaw ko pwede siyang malagay sa alanganin. Pero wala narin naman akong maisip na ibang paraan ito nalang talaga ang nasa isip ko na tamang gawin para narin sa ikakatahimik ko at ng buong pagkatao ko.

Sana lang talaga walang makaking damage sa kanya ang gagawin ko. "Meron nga pala akong good news." Kina kabahang sambit ko sa kanya.

"Good news! Sigurado ka?" Natatawang tanong niya sakin. Tumango naman ako sa kanya. "E parang di naman good news yang sasabihin mo sakin. Tingnan mo nga muna yang sarili mo sa salamin. Para kasing ikaw na yung pinaka problemadong tao sa buong mundo." Komento niya sakin.

Pinilit ko namang matawa sa sinabi niya sakin saka ko ginulo ang maayos niyang buhok. "Cardo!" Saway naman niya sakin. "Sinuklay ko kaya to ng napaka tagal tapos gugulohin mo lang." Inis na reklamo niya sakin.

"Ano ba kasi yang mo sasabihin ml sakin?" Tanong niya sakin habang tinititigan ko siya ng mabuti. Mukha namang maayos na siya. Siguro naman kapag sinabi ko sa kanya to walang mangyayari. Sana nga.

"Kami na." Mahinang sambit ko sa kanya. "Ha? Ano?" Naguguluhang tanong niya sakin. Nag aalangan naman akong sagutin ang tanong niya sakin. Sa sabihin ko na ba talaga o wag nalang kaya. Baka kasi mapano siya.

"Oy!" Tapik niya sa pisngi ko. "Oky kalang ba talaga Cardo?" Nag aalala ng tanong niya sakin. "Pansensya na hindi lang talaga kasi ako maka paniwala sa mga nangyari. Hindi ko inakalang sasagutin ako ni Alyana. Alam mo bang ako na yung pinaka maswerteng lalaki ngayong araw. Sayang nga lang wala katon para isupport ako." Titig na titig na sambit ko sa kanya.

"Tot-oo?" Mahinang tanong niya sakin. Tumango naman ako. "Wow! Talaga congrats, masaya ako para sayo, masaya ako para sa inyo." Nakayukong sambit niya sakin.

"Oky lang sayo?" Tanong ko naman sa kanya. "Ha? Oo naman masaya ako para sayo. Kita mo nga oh. Naiiyak na ako ng dahil sa tuwa." Sambit niya habang pilit na pinupunsan ang mga luha niya sa pisngi.

"Carmen." Tawag pansin ko sa kanya. Hindi naman niya ako pinansin patuloy lang siya sa pagpunas sa mga luha niya. "Carmen patawarin mo ako kung nasaktan man kita ng diko namamalayan. Alam kung napaka selfish kong tao pero sana maoatawad mo ako sa mga nagawa ko sayo.

"Hindi ko sina sadyang saktan ka. Sana mapatawad mo parin ko." Naluluha ring hingi ko ng tawad sa kanya.

"Hindi ako m-aka h-i-nga." Mahinang daing ni Carmen. Agad ko naman siyang dinaluhan. "Carmen." Natatakot ba sambit ko.

"Hi-ndi ko ksyang huminga.." Naiiyak na sambi niya sakin. "Carmen dadalhin kita sa ospital. Magrelax kalang nandito lang ako hindi kita iiwan." Kausap ko sa kanya habang buhat-buhat siya palabas ng gate.

Carmen please lang wag kang bibitaw hindi ko kakayanin kapag may mangyari sayo ngayon. Hindi ko sinasadyang sakitan ka. Sana balang araw mapatawad ko rin ako sa mga sakit na binigay ko sayo.

-

Agad ko namang na dala sa ospital si Carmen sa tulong narin si Onyok at ng iba ko pang mga kaibigan. "Sir hanggang dito nalang po kayo. Wag na po kayong mag-aalala kami na po ang bahala sa pasente." Pigil naman sakin ng isang nurse ng gusto kong pumasok sa loob ng ICU na pinagdahal nila kay Carmen.

"Pakiusap po gawin nyo ang lahat." Nagmamakaawang pakiusap ko sa nurse niya. Tumango naman ito sakin. "Gagawin po namin ang lahat.

Nakatulalang napatitig naman ako sa pintong pinasukan ng nurse. Para akong namamanhid ng dahil sa nangyari. Kasalan ko ang lahat kung hindi ko sana sinabi sa kanya ang kasinungalingan yon. Hindi mangyayari to kay Carmen. Kasalanan ko talaga ang lahat-lahat hindi naman talaga totoong naging kami ni Alyana dahil ang totoo kinausap kona si Alyana natitigil na ako sa pangliligaw ko sa kanya dahil ayoko siyang masaktan at mas lalong ayokong masaktan si Carmen.

Pero mas lalo ko pa ngang nasaktan si Carmen.

__

Next...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro