Chapter 10
Chapter 10
"Cardo saan ka naman ng galing? Bakit ngayon kalang umuwi?" Usisa sakin ni Carmen ng makauwi ako sa penthouse.
"A-ano kasi may pinuntahan lang akong kaibigan dito sa baguio. Sorry kong di agad ako nakabalik napasarap kasi ang pag-uusap naming dalawa diko na pansin yung oras." Paliwanag ko naman sa kanya.
"Ganon ba. Basta bumawi kanalang sa mga bata bukas. Hinahanap ka nga ng mga yon kanina. Kaya naman kami nalang ang nagpasyal sa kanila kasi wala ka naman. Saka hanggang Burnham Park lang kami dahil ayaw naman ng mga bata dahil wala ka." Mahinang kwento naman niya sakin. "Sorry.
Tumango naman siya sakin. "Kumain kana ba?" Tanong naman niya sakin. Gusto ko sanang sabihin sa kanya ng "Oo" ang kaso ayokong ma disappoint pa siya lalo mukha kasing hindi pa siya kumakain. Siguro hinihintay talaga niya akong dumating. "Ikaw ba kumain kana." Tanong ko naman sa kanya. Umiling naman siya.
Tama nga ko hinihintay nga talaga niya akong dumating. Buti nalang talaga kahit pa paano maaga akong nakauwi dahil kung hindi malalate talaga siya sa pag-inum ng gamot ng dahil sakin. Parang gusto ko tuloy batukan ang sarili ko dahil sa kagustuhan kung magibg masaya nakakalimutan kona yung taong dahilan kung bakit kami nandito. Si Carmen ang pinaka dahilan kung bakit kami nandito dahil gusto kung maging masaya siya pero napapabayaan ko naman siya. Mapapagalitan talaga kami ng doctor niya pag nagkataon at kasalanan ko yon.
"Tara kain na tayo." Yakag ko sa kanya. "Gutom na nga rin ako." Sabi ko pa sa kanya. Mapait na ngumiti naman siya sakin.
"Wag kang masyadong obvious na paghahalatang nagpapanggap kalang." Kurot niya sa tagiliran ko. "Ha?" Takang tanong ko naman sa kanya. Tiningnan naman niya ako ng masama.
"Bakit?" Tanong ko ulit sa kanya. "Wag ka ngang magsinungaling sakin. Buti sana kung hindi kita kilala baka siguro maniniwala pa ako sayo pero ang malas mo kasi kilalang-kilala po kita lalo na kapag nagsisinungaling ka sakin." Reklamo niya sakin sabay pingot ng tinga ko.
Pilit ko namang inaalis yung kamay niya sa tinga ko habang hila-hila niya ako pa puntang kusina. Ang maldita rin talaga ng babaeng to kong minsan. Porket talaga close kaming dalawa kaya na niya akong ibully at saktan. Namimihasa rin yo e. "Ang sama mo sakin. Ikaw na nga tong sasamahang kumain binubully mo pa ko." Nakasimangot na reklamo ko sa kanya.
"So kasalanan ko na ngayon?" Naka pamiwang na tanong niya sakin. "Sino bang nagsabi sayo na samahan mo ko? Diba wala naman? Saka kaya ko naman kumaing mag-isa." Pagsusungit niya sakin.
Natatawa ko naman siyang niyakap. Tampurorot rin agad ang isang to hindi talaga mabiro. Siya na nga tong parating ng bubully sakin tapos ako nalang palagi ang kailangan manuyo. Hay nako buhay nga naman oh. "Si tampurorot ka talaga. Joke lang yon." Natatawang sambit ko sa kanya.
"Alam mo hindi muna nga kami sinamahang mamasyal. Saka kanina gusto ko pa sanang pumunta doon sa Grotto. Gusto ko kasing maging maganda ang first day natin dito ang kaso wala ka naman kaya hindi natuloy. Tapos ngayon naman magpapasama lang naman ako sayong kumain ganyan kana agad. Sige ganyan kana siguro babae yung kasama mo kanina kaya nakalimutan muna agad kami. Ganyan ka naman e kay oky lang. Gets ko naman na saka sino ba ako para magdemand sayo. Ako na nga tong nalibre sa pagpunta rito ako pa ba yung magrereklamo!?
"Carmen." Nag-aalalang sambit ko. "Oky lang ako kailangan ko lang ng tubig." Nakangiting sambit niya sakin ng hahawakan ko sana ang mga kamay niya para pakalmahin siya.
"Carmen." Tawag ko ulit sa kanya. Tumingin naman siya sakin ng saglit saka yumuko. "Sorry, nadala lang ako ng emosyon ko." Paumanhin niya.
"Ano kaba hindi mo kailangang magsorry ako yung may kasalanan at may pagkukulang. Tama lang naman na magalit ka sakin. Pinaasa ko kayo, ikaw at yung mga bata. Ako yung may kasalanan hindi ikaw." Mahinang sambit ko sa kanya. Pero hindi parin siya tumitingin sakin. Kahit nga gumalaw hindi niya ginawa kaya naman hinawakan kona siya sa dalawa niyang mga kamay saka siya hinila palapit sakin.
Niyakap ko talaga siya ng mahigpit saka hinila pasok sa kusina. "Kain na tayo." Nakangiting aya ko sa kanya. "Wag kanang malungkot bukas babawi ako pupunta tayo sa grotto." Nakangiting sambit ko sa kanya. Tumango naman siya sakin saka kumuha na ng plato at ako naman ang kumuha ng kanin at ulam naming dalawa.
-
"Cardo bat ang bagal mong maglakad. Para ka namang may sakit e. Ako kaya yung may sakit sa puso sating dalawa pero kung titingnan mas active pa nga ako kesa sayo ang bagal mo talagang maglakad." Kanina pang reklamo sakin ni Carmen.
Pa akyat na kami ngayon sa Grotto kanina pa nga niya ako niyaya na pumunta rito. Kanina pa niya ako dinadramahan kasi daw nangako ako sa kanya kagabi na sasamahan ko nga siya rito.
Balak ko naman talaga siyang samahan rito ang kaso ng marealise ko na may sakit pala tong isang to sa puso. Para tuloy ayoko ng umakyat rito. Ang taas kasi ng aakyatin kaya nag-aalala ako para sa kanya baka hindi niya kayanin ang pagod lalona't kanina pa kami gala ng gala.
Sigurado akong pagod na siya ngayon kaya nga mas binabagalan ko pa ang paglalakad para kahit papano hindi siya agad mapagod sa pag-akyat ang kaso naman tong isang to parang hindi ma ihi kanina pa reklamo ng reklamo sakin kung bakit daw ang bagal kung maglakad.
"Tingnan mo nga sina Lola Flora kanina pa nasa taas tapos tayong dalawa ni wala pa nga sa gitna." Naka simangot na reklamo na naman niya sakin.
"Magrelax ka nalang kasi wag kang mag-alala makakarating karin don sa taas." Naka ngiti lang na sagot ko sa kanya. "Kilan pa kaya yon. Nakakainis ka naman. Bakit ba ang bagal mong maglakad." Nagpapadyak ng reklamo niya sakin. Natawa naman ako sa kanya kitang-kita ko talaga kung gaano siya ka frustrate ng dahil sakin.
"Natatawa ka pa talaga dyan. Iwan kaya kita rito." Sambit niya saka binilisan ang pag akyat. "Hep!" Pigil ko naman sa kanya. Tiningnan naman niya ako ng masama.
"Matitiis mo talaga akong iwanan?" Kunwari nagtatampong sumbat ko sa kanya. "Ang bagal mo kasing maglakad." Sagot naman niya sakin.
"Alam mo mas gusto ko nga yung mabagal lang kasi mas ma eenjoy mo yung moment at mas memorable yon para sakin kasi natitigan ko ng maayos ang paligid. Mas na aappreciate ko yung mga nakikita ko." Naka ngiting akbay ko sa kanya.
Natahimik naman siya sa sinabi ko. Para bang iniisip niyang mabuti ang mga sinabi ko. "Sabagay tama ka nga. Saka napapagod na nga ako." Alanganing reklamo niya sakin.
Natawa naman ako sa sinabi niya. Paano ba naman siya hindi mapapagod e parang kiti-kiti siya kanina ang kulit-kulit rin niya. Kung titingnan nga siya kanina para narin siyang bata. Pero masaya naman akong makita siyang ganon masaya at masigla. "Pahinga muna tayo." Tanong ko sa kanya.
"Wag nalang malapit na tayo. Mamaya nalang ako magpapahinga. Gusto ko narin kasing makarating sa taas para makapagdasal at makapagpasalamat narin sa lahat ng biyayang natatanggap natin." Naka ngiting sambit niya sakin. Naka ngiting tumango naman ako sa kanya.
Masaya ako dahil napasaya ko si Carmen sa araw na to. Kung pwede nga lang sana araw-araw dadalhin ko siya rito sa baguio para lang makita kong parati siyang masaya at masigla. Gagawin ko talaga yon ang kaso ang layo nitong baguio sa maynila kaya ang hirap ng gusto kong gawin.
Sana lang talaga pag-uwi namin walang magbabago. Sana manatili lang sa mga labi niya ang mga ngiting yan. Ngiti ng taong masaya at payapa. Yung ngiti ng taong walang iniindang sakit at karamdaman.
Nasa makatulong talaga sa kanya ang pagpunta namin rito sa baguio.
Sana...
-
Next ...
Note: Ang lahat ng mga nawawalang chapters sa storyang ito ay inedit ko po, thank u.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro