Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Perfect Fairy Tale

Sometimes that happens.

Sometimes love just has to end.

Crystal dreams shatter.

Wish we could make amends.

I'm not the prince.

I know you're not my princess.

Sometimes that happens.

Can we just stay as friends?

 

"Bakit kayo naghiwalay?" iyan ang madalas itanong sa amin ng mga kaibigan at kakilala namin. Bakit nga naman kami naghiwalay? Perpekto na ang relasyon naming dalawa. Bagay na bagay. Like two pieces of the puzzle, perfectly fitted for each other.

Walang maipipintas sa aming dalawa. Kami iyong perfect fairy tale na hinahanap ng karamihan.

Ang kwento namin ay nagsimula rin sa isang once upon a time...

Isang araw, we just magically realized that the other exists. Nagkasalubong kami sa hallway. Masaya syang nakikipagkwentuhan sa mga kabarkada nya habang naka-akbay sya sa kanyang nobya. Ako naman, masayang ninanamnam ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ng boyfriend ko—happy that I am comfortable with him, even if no words are spoken aloud.

Hindi sinasadyang medyo masikip ang daan para sa aming apat. Hindi sinasadyang nagkabungguan kaming dalawa. Hindi sinasadyang sa pagdidikit ng mga balikat namin ay may naramdaman akong kakaiba. At hindi rin sinasadyang naramdaman din pala niya ang naramdaman ko sa mga oras na iyon.

Hindi sinasadyang pareho naming hinabol ng tingin ang isa't isa.

Doon na pala magsisimula ang lahat...

Hindi tuluyang nawala ang insidenteng iyon sa utak ko. Hindi ko iyon makalimutan pero hindi ko rin madalas maalala. Ang tanging nagpapaalala lamang sa akin na totoo iyong nangyari ay ang mga mata niyang madalas kong mahuling nakatingin sa akin... kapag napapatingin din ako sa kanya.

Kakaiba sa pakiramdam. Na para bang kinukuryente ako. Hanggang sa naging gawain ko na ang madalas pakikipagtitigan sa kanya mula sa malayo.

Hawak ko ang kamay ng kasintahan ko pero hindi ko ramdam ang presensya nito. Isa lamang ang umuukupa ng buo kong atensyon—siya. At parang ikinatutuwa ko pa na parang pareho kami ng nararamdaman.

Hindi ko siya kakilala. Magka-iba kami ng departamentong pinag-aaralan. Ang nakakatawa, sa isang social networking site kami unang naging magkaibigan. Mutual friend pala namin ang girlfriend niya. He added me. I accepted. And from there, love just blossomed naturally.

Imbes na boyfriend ko, sya na ang madalas kong ka-chat. Umaga, tanghali, madaling-araw... wala kaming pinipiling oras. At kahit pa nasa kalagitnaan ako ng pagti-thesis ay hindi ako nawawalan ng panahon sa kanya.

Hanggang sa dumating ang araw na hindi na kami nakuntento sa Facebook. Hiningi nya ang number ko na agad ko namang ibinigay. Doon, nagsimula kaming magpalitan ng text messages. Madalas din kaming magkatawagan. Imbes na boyfriend ko, sya na ang madalas kong kausap. Siya na ang madalas kong hingan ng payo at pagsabihan ng mga problema.

Pangalan nya na ang una kong hinahanap among the messages on my inbox.

At doon ko naramdaman na... unti-unti na akong nahuhulog sa kanya.

Hindi nagtagal ay nalaman ng mga kasintahan namin ang namumuo naming pagtitinginan. Kinumpronta sya ng boyfriend ko at nag-amok ito ng away. Hindi naman sya nagpaawat. We both knew that we wanted to be together kaya ipinaglaban namin iyon.

Nakipaghiwalay kami sa mga kasintahan namin at nagsimula kaming bumuo ng sarili naming relasyon. Sa mata ng karamihan ay maling-mali ang ginawa namin. Nakasakit kami ng mga tao. Masyado kaming selfish. Pero hindi nga ba't ganoon naman tayo kapag nagmamahal? Nagiging makasarili tayo kahit hindi pa man natin aminin.

Gusto nating sa atin lamang ang mga taong mahal natin. Masisisi ba nila tayo? Nagmamahal lamang naman tayo. Ano nga ba ang mali roon?

Inabot ng graduation bago matanggap ng mga tao sa paligid namin na kami na talaga. Ang iba pa nga ay nagsimula nang magbigay ng suporta sa amin. Masaya kami. Hindi na namin kailangang magtago.

Nagsimula na kaming magplano at mangarap. Ganitong trabaho ang kukunin namin at sa ganitong lugar para malapit lamang kami sa isa't isa at para hindi kami mawalan ng oras. Sa ganitong simbahan namin gustong makasal at ganito karami ang anak na gusto namin.

Ipinakilala nya ako sa mga magulang niya and I did the same. Noong mga panahong iyon, doon ako naging tunay na masaya. Na para bang may kabuluhan ang buhay ko. Tuwing mangangarap ako, palagi siyang kasama.

Hindi ko maisip ang buhay ko kung wala sya. Ganoon ko sya kamahal. At alam kong ganoon din ang nararamdaman niya.

Forever... isa iyan sa mga salitang naging sobrang paborito ko. Kung noon ay nagdududa ako sa kapasidad kong tumagal sa isang relasyon, ngayon naman ay hindi ko maisip ang buhay ko kapag nawala sya. Sabi ko pa nga sa iba, siguradong ikamamatay ko kapag naghiwalay kami... na alam ko sa sarili kong hindi mangyayari.

May mga panahong nasubok ang tatag ng relasyon namin. Minsan ay nawawalan kami ng panahon sa isa't isa. Demanding ang trabaho at hindi lamang kami ang may kailangan sa isa't isa. Nandiyan ang pamilya at mga kaibigan. Doon ko na-realize na hindi lamang sa aming dalawa umiikot ang mundo. Minsan ay nagiging absorbed kami pareho na hindi namin napapansin na may iba nang nagtatampo dahil hindi namin sila napag-uukulan ng panahon.

Pero natuto naman kami. Nagawan namin ng solusyon ang problemang iyon at naging masaya uli kami.

At matapos lamang ang dalawang taon ay nag-propose sya sa akin.

It was the most magical night... like in fairy tales. Stars are aligned. Everything was perfect. It was the most romantic proposal. Tamang musika. Tamang timing. Tamang size ng engagement ring. What could go wrong, right? Nothing. Nothing went wrong.

I was the happiest girl in the world. My prince was about to marry me. I couldn't wait to get tied to him. Finally, magsisimula na rin ang forever naming dalawa. Ang katuparan ng mga pangarap namin.

Pero...

Somewhere along the way, love just... died. Nagising na lamang ako isang araw na parang wala na. Hindi ko na maramdaman yung kilig. Hindi ko na maramdaman yung saya. Naging routine na ang pagkikita at pag-uusap namin. Passion just stopped burning.

Hindi ko na ipinagtaka na pareho kami ng pinagdadaanan.

We tried to still make it work pero... talagang wala na.

At kapag wala na, dapat ay tinatapos na. Hindi sa hindi kami nanghihinayang pero ano'ng silbi ng isang relasyong nawalan na ng pagmamahal? The night we broke up was more magical than the night he propose. Umulan ng bulalakaw noon. Maaliwalas ang langit. Malamig pero hindi masyadong mahangin. Maganda ang musikang pinapatugtog ng banda sa restaurant na pinuntahan namin.

Maraming constellation sa langit. Kung siguro nasa pelikula kami, nakakakilig. Nakakaiyak. Nakakatuwa. Pero, sa unang pagkakataon naramdaman ko ang realidad. Kaya ko palang mabuhay ng wala sya. Kaya ko palang pangarapin ang hinaharap ng hindi sya kasama.

Posible palang mawala ang pagmamahal mo para sa isang tao.

May buhay pala pagkatapos ng habambuhay.

Hindi ko pala ikamamatay ang pakikipaghiwalay.

That night, we both agreed to go our separate ways... live our separate lives. Pareho kaming nakangiti ng gabing iyon. We chose to stay as friends. Love died... we didn't.

We continued living... just away from each other.

Bumalik kami sa sari-sarili naming mundo.

Ngumiti ako sa nagtanong sa akin. "Sometimes that happens," sagot ko sa kanya.

Ang relasyon naming dalawa ay parang perfect fairy tale. Nagsimula kami sa isang once upon a time. Isang pagkakataon sa panahon na tumigil ang mundo naming dalawa para mapansin ang presensya ng isa't isa. We both faced struggles along the way. Ang ilan ay hinarap naming mag-isa. Ang karamihan ay hinarap namin ng magkasama.

Nakarating din kami sa climax. And after that, we lurched to our downfall. Our breaking point.

At kagaya ng lahat ng kwento, nakarating din kami sa ending. Parang sa fairy tales, happy ending ang nakuha naming dalawa.

Pero hindi lang siguro nakatadhanang marating namin iyon ng magkasama.

Natapos na ang kwento naming dalawa at panibagong aklat na naman ang isinusulat para sa mga buhay namin. Maaaring makasama akong muli sa kwento niya o siya sa akin pero sa ngayon... nandito na kami sa katapusan ng aming kwento.

Sometimes, it just has to end. It does not mean that it's not a beautiful thing. Only, it was never meant to last forever.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #non-fiction