Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

Chapter 7 - Little Did She Know

Copyright © justcholleme

----

“Jusko kang bata ka! Bakit ang laki ng eyebags mo?! Pinakain mo ba sila kaya ganyan sila kalusog?” Singhal ni mama nang makababa ako para sa agahan. Napabusangot naman ako habang kinakain ang omelette ko.

“Mama naman. I have reasons, you know.”

“Sus! Ang sabihin mo kasi, napuyat ka kaka-isip diyan sa crush mo. Naku, ma! Tinulungan pa nga daw nung nabugbog siya. Ta's ayan, nabaliw na ata.” Singit naman ni ate Tisay pero hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ang kinakain ko.

Pero tama rin naman siya, eh. Dahil din naman sakanya kaya ako napuyat.

Akalain mo nga namang i-chat ako ng crush ko ng alas-dose ng hating-gabi. Tapos tinanong ka pa niya kung ayos ka na ba. Litse! Sinong hindi kikiligin do'n?

“Anak, ikaw nga ba'y may nobyo na?” Natigilan naman ako nang biglang pumasok si papa sa eksena at agad-agad na tinanong sa'kin ang tanong na iyon. Jusko! Kakasimula pa lang ng chapter 7, 'yun agad?

Hindi ba pwedeng may crush muna?

“Hala, si papa oh. Syempre wala! Masyadong strikto ang studies ko. Tapos hindi pa pwede sainyo kasi baby niyo pa ko, diba? Saka, wala muna ako sa ganyan-ganyan dahil—,”

“Dahil si Zent ang gusto niyang maging boyfriend! HAHAHA!” Singit na naman ni ate Tisay kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. Nang-aagaw ba naman ng line?

Hindi ako pinapatapos, eh. -,-

“Ikaw anak, ha. Hindi naman sa bawal kang mag-nobyo. Pwede naman, basta ipakilala mo sa'min at kailangan mo pa ring pagtuunan ng pansin ang studies mo. Walang problema kung maging boyfriend mo man 'yung Zent na 'yun, basta gwapo, go kami ng ate mo!” Saad naman ni mama.

“Mama naman, eh.”

“Okay lang din naman sa'kin. Nagd-dalaga ka na rin naman, at hindi naman kami 'yung klase ng mga magulang na sobrang strikto. Basta kailangang may honors ka pa rin, ha?” Sabi naman ni papa kaya hindi ko na napigilan ang pagngiti.

Jusko po! Okay na okay ang pamilya ko sa paghahanap ko ng boyfriend! KYA!

Pero sana lang talaga si Zent.

Sana lang talaga.

----

“Goodmorning Merlliah!” Bungad sa'kin ni Travis pagpasok na pagpasok ko sa classroom. Pero imbes kay Travis dumapo ang tingin ko ay kay Zent. Pero bwisit lang, may kausap siyang babae. Dahil nainis ako, agad akong umiwas ng tingin at dumeretso sa upuan ko.

Sumulyap pa ko uli kay Zent pero nakikipag-usap pa rin ito do'n sa babae. Ngiting ngiti pa nga 'yung impaktang 'yun habang nakatitig kay Zent.

Naku! Kumukulo ang dugo ko. Stap me!

“Merlliah. Ba't parang gusto mong pumatay ng tao dahil diyan sa mukha mo? Anong nangyari sa'yo?” Tanong pa sa'kin ni Travis pero hindi ko siya pinansin. Pero tama siya, parang gusto ko ngang pumatay ngayon. “Ah, i see. Hmm, napaghahalataan na rin kita, eh. Gano'n mo ba talaga kagusto si Zent?”

Hindi ako sumagot at binalingan na lang ang mga kamay kong nilalaro ko.

“Uy, ba't 'di mo ko pinapansin? Gusto mo bang dalhin kita ulit sa restaurant na pinuntahan natin kahapon? O baka naman kapag pumunta tayo do'n ay hampasin mo na naman ako.” Sabi pa niya kaya wala na lang akong choice at nilingon na lang siya.

“Wag ka nga. Wala ako sa mood ngayon.” Sabi ko.

“Sus! Parang kanina lang pagpasok mo, nangiti ngiti ka pa. Pero nang tignan mo si ku—si Zent, bigla na lang nagbago ang mood mo. Gusto mo bang kausapin ko siya—,”

Agad ko siyang hinampas sa kamay dahilan para hindi na niya matapos ang sasabihin niya. “Ano ka ba, 'wag na! At bakit mo naman siya kakausapin? Close ba kayo? Saka, okay lang naman ako! Hindi naman ako nagseselos or what, eh.”

Napailing siya sa sinabi ko. “Edi totoo ngang nagseselos ka. Hay nako, Merlliah. Why don't you make a move and tell him what you feel?”

Napatingin uli ako sa mga kamay ko habang inilalaro ito. “Hindi naman gano'ng kadali 'yun. May kapal naman ako ng mukha pero nawawala 'yun pagdating sakanya. Hindi madaling magka-crush 'no! Madami kang kaagaw sakanya tapos hindi ka pa niya pinapansin.”

“Edi magmove-on ka na lang.”

Umismid ako. “Gagu ka ba? Eh mas lalong mahirap 'yun eh.”

Natawa naman siya. “Sorry, sorry! Oo na, hindi na nga kita tatanungin. Baka upakan mo pa ko, eh. And don't cuss! Nakakaturn-on ka!” Saad niya kaya naman nagtataka akong tinignan siya.

Ano raw? Ako, kapag nagmumura, nakakaturn-on?

Edi mas mabuti pa lang magmura kapag kaharap si Zent? Ih gaga ka pala, eh. Hindi pa nga kayo close nun, tapos kung anu-ano na naiisip mo.

Magpa-rehab ka na nga! Mukhang kailangan na kailangan mo 'yun, eh!

“Ha?”

Iniwas niya ang tingin sa'kin. “Hindi ka naman bingi diba, Merlliah?” Umismid siya at tumayo na. “Balik na ko sa upuan ko. Parating na si ma'am.” Sasagot pa sana ako nang kumaripas na siya ng lakad papaupo sa upuan niya.

Nilingon ko pa nga siya pero itinago niya na lang ang mukha niya sa isang libro.

Lintek ka talaga, Travis. Adik!

-----

Ilang beses akong bumuntong hininga habang naglalakad ako papunta sa lamesa kung saan nakaupo sila Zent pati na rin ang mga kaibigan niya. Pero nang makita ko siyang tumawa, agad akong tumalikod.

Jusko! Ngiti pa lang niya, nababaliw na agad ako.

Napasapo ako sa noo ko. “Ano ka ba naman, Merlliah Kate! Lalapit ka lang naman para magpasalamat. Bakit ba sobrang kinakabahan ka?” Bumuntong hininga ako at sinubukang pakalamahin ang sarili, pati na rin ang puso ko.

Maiiyak na ko dito dahil sa sobrang kaba. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko pagkatapos nito.

Juice colored!

Pero napagdesisyunan ko na, gora na lang ako ! Kailangang hindi magpahalatang gustong gusto mo siya! Okay! Aja! Fighting!

Ilang beses akong nagpipigil hininga habang naglalakad papunta sakanya. Pero wala nang atrasan 'to! Nandito ka na sa harapan niya, eh! At chance mo na 'to, Merlliah Kate!

Chance mo nang makausap siya ng personal!

Pansin ko pang natigilan sa pagtawa ang mga kaibigan niya nang makita nila ako. Nang lingunin naman ako ni Zent ay lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Napatingin ako sa mga mata niya. Jusko! Araw-araw na lang ba akong mai-inlove sa taong 'to?

“What is it?” Tumayo si Zent at hinarap ako habang nakapamulsa.

Napatikhim ako. Hindi ko na talaga kaya ang ka-astigan nito. Para akong pinapatay sa kilig araw-araw!

“Woah, dude. Hindi ba siya 'yung—,” Akma na sanang magsasalita 'yung isa sa mga kaibigan niya nang bigla namang tinakpan ang bibig nito.

Hindi ko na lang siya pinansin at tinitigan na lang si Zent. Kung pwede ko lang pakasalan 'to sa mismong oras na 'to ay ginawa ko na. Kaso pa'no kung may girlfriend na pala siya, tapos pinapaasa niya lang ako?

Duh, Kate. Kailan ka ba niya pinaasa? Baka ikaw lang talaga ang umaasa. Don't me!

Stap me!

“Ano, magtititigan na lang ba tayo?” Nakangiting tanong niya kaya natauhan ako at nataranta. Lintek, Kate! Akala ko ba hindi magpapahalata?

“S-sorry. Gusto lang sana kitang makausap. Kung pwede lang sa'yo..”

Nasaan na ang kapal ng mukha mo ngayon, Merlliah Kate? Ano, naglayas?

Pero nabigla na lang ako nang marinig kong naghiyawan ang mga kaibigan niya. Napataas naman ako ng kilay sakanila. “Whoo! Mukhang malakas ang chemistry niyong dalawa, ah? Kayo na lang kaya?”

Nanlaki ang mga mata ko. Ano raw?

Malakas ang chemistry namin? Joke ba 'yon? Sabihin niyong hindi joke 'yon, uupakan ko kayo.

Nilingon siya ni Zent at nginisian. “Ano bang pinagsasasabi mo? Magkaibigan lang kami nito ni Merlliah. Besides, may kasalanan ako sakanya. Hindi ba?” Tapos binalingan naman niya ako.

Magkaibigan.

Wow, ang sakit ah. Dabes ka magpaiyak ng tao, Zent William Andrada! Sa sobrang galing mo, nakakuha ka ng gold medal award. Litse!

Wala sa sarili akong tumango at pilit na ngumiti. “Opo! At saka, hindi ko muna kasi priority ang lovelife lovelife na 'yan, strikto ang studies ko. Saka, magagalit si papa.” Nakangiti kong sabi sakanila.

Gano'n pala, ah. Pasakitan ng feelings pala 'to,
eh.

Pero sisisguraduhin ko! Sisiguraduhin ko na gagawin ko ang lahat para ma-fall din siya sa'kin. Bahala na kung anong mangyari, basta ibibigay ko lahat ng efforts ko dito.

Basta para sakanya, gorang gora ako.

“Awts! Gano'n ba? Edi wala palang pag-asa si—,” Hindi na naman niya natapos ang sasabihin niya nang bigla na lang ulit tinakpan ng kaibigan niya ang bibig niya. Nang maalis naman niya ito ay sinamaan niya ng tingin 'yung lalaking tumatakip ng bibig niya. “Dude, gusto mo bang mabugbog? Hindi ka na nakakatuwa, eh!”

“Ano ba 'yung sasabihin mo sa'kin, Merlliah?” Tanong ni Zent kaya napabaling naman ako sakanya.

“Ikaw naman. Dahil friends tayo, pwede mo naman akong tawagin sa second name ko. Wala namang problema 'yun sa'kin.” Sabi ko at tinapik pa siya sa balikat. Narinig ko pang naghiyawan uli ang mga kaibigan niya pero hindi ko na lang sila pinansin.

Tinaguan naman niya ako. “Okay.”

Agad ko siyang hinila palayo sa mga kaibigan niya. And by 'palayo', i mean pumunta sa hallway na walang masyadong dumadaan dahil lahat sila'y tumatambay sa cafeteria.

Hindi ko nga rin alam kung bakit ko siya dinala rito, pero bahala na, hindi naman siya umaangal, eh.

Nang mapansin kong magkahawak pa rin ang mga kamay namin ay agad na akong bumitaw. Shutang iners, ang lambot talaga ng kamay niya. Pero gaya nga ng sabi ko, 'wag kang masyadong magpahalata, Merlliah Kate!

Baka mabuking ka't layuan ka niya.

Lalo na't kaibigan mo na siya at sa ganitong paraan mo na siya nakakausap at nahahawakan. Pero ewan ko na lang kung hanggang 'friends' lang ba talaga kayo.

Pero sana naman hindi.

“So, what were you gonna tell me?” Tanong na naman niya gamit ang ka-astigan style niya.

Suskopo! Focus, Merlliah! Focus!

“Ah, oo nga.” Nahihiya kong saad. HIYA?! Kapal. “Gusto ko lang sanang magpasalamat sa pagtulong mo sa'kin kay Dianne kahapon. Alam kong naiisip mo kung bakit kita dinala dito kung iyon lang naman ang sasabihin ko pero, HINDI!”

Pansin ko pang nabigla siya sa pagsigaw ko kaya naman hindi ko naiwasan ang mapangiti. Shutang iners, ka-kyutan ng taong 'to, jusko.

Ang sarap pisilin sa pisngi!

“Then what?” May pagkaboring na niyang tanong.

Uhm! Hindi siya pwedeng maboring sa'yo, Merlliah! Tandaan mo, kailangan mong maturn-on ang lalaking 'to sa kagandahan at uniqueness mo.

“Hindi dahil gusto.. pa kitang ayain sa labas! Oo, tama! Napagisip-isip ko na rin ang plano kong 'to lalake, kaya payag ka ba?” Nagbu-byutipul eyes ko pang aya sakanya. Shutang iners, Merlliah.

Siguraduhin mo lang na gagana 'yang pagbu-byutipul eyes mo sakanya.

“What?” Tanong niya. “You want us to go on a date?”

Nabigla ako sa tanong niya at nataranta. Date nga ba 'yun, Merlliah? Agad akong napailing sa isip. Hindi! Hindi pa pwede. Saka na kapag totally and officially close 'friends' na talaga kami.

Napailing naman ako at napangiti na parang nanunukso. “Hoy, hindi ah! Kapal mo. Hindi kita gusto 'no! Saka inaaya lang kitang lumabas dahil na rin sa nagpapasalamat ako. Kung hindi dahil sa'yo, tuluyan na sana akong nabugbog ng Dianne'ng 'yun.

“Pero baka ikaw! Baka crush mo ko?” Nang-aasar ko pang sabi habang tinataas baba ang kilay ko.

Napansin ko pang nabigla siya sa sinabi ko pero agad ding kumunot ang noo. “What? Sino nagsabing crush kita? I don't know what you're talking about, Kate.”

Napabusangot na lang ako pero napangiti rin agad nang may maisip ako. “At dahil lalabas tayo mamaya, kailangan ko na ring kunin ang number mo para matext kita kung anong oras tayo lalabas.” Sabi ko sabay kindat pa sakanya.

Pero mukha namang hindi tumalab sakanya 'yun. Lintek! Maganda naman ako, ah?

Agad naman siyang napailing nang ikinawala ko ng ngiti sa labi. “No. Alam ko na ang diskarteng 'yan at ilang beses ko na 'yang napagdaanan. So my answer is no. I won't go out with you and i won't give you my number.” May pagdiing sabi niya. Agad din siyang tumalikod at naglakad papalayo.

Napakamot naman ako sa ulo. Bakit hindi tumalab ang ginawa mo girl? Bwisit ka talaga!

“Hoy, Zent!” Sigaw ko sa pangalan niya at agad na pinuntahan siya't sinabayan sa paglalakad. Hinihingal naman akong humarap sakanya na nakatitig lang ng diretso. “Hoy! Alam kong hindi ka bingi! Hindi porque crush kita, hindi porque famous ka, tatanggi ka na sa pag-aaya ng isang simpleng magandang babaeng katulad ko sa'yo! Ikaw na nga 'tong—,”

Agad niya ako pinatigil gamit ang pagtakip niya sa bibig ko. Napatikhim naman ako't napatigil nang maamoy ko ang kamay niyang super bango. 'Yung tipong nag-alcohol siya ng pabango.

Ganern! Lintek.

“Fine, fine. Give me your phone.” Sabi niya at bumuntong hininga. Napangiti naman ako at agad-agad na kinuha ang phone ko sa bulsa saka ibinigay sakanya.

Dahil hindi na ako nakapagpapigil sa sarili ko ay lumapit ako sakanya para tignan kung totoo ba 'yung sinasabi niya. And oh em gee, totoo nga.

Pero hindi naman nagtagal nang ilayo niya ang ulo ko. Napaismid na lang ako at palihim na inirapan siya. May pagka-suplado din pala 'tong crush ko.

Kaya pala siya ang binagsagang 'Half Angel and Half Demon' sa buong school.

“Oh,” Napangiti naman ako nang ibalik na niya sa'kin ang phone ko. Agad ko namang tinignan ito at agad na sinet ang name niya ng 'Bebe Zent <3'. 'Wag na kayong umangal.

Akin siya!

Nginitian ko siya at tinanguan. “Thanks! It-text na lang kita, ah? Bye!” Nakangiting saad ko at makilig kilig pang tumakbo papalayo. Nang makalayo layo naman ako ay sinulyapan ko pang muli ang contacts ko.

Jusko! Sampalin niyo nga ako! Sabihin niyo sa'king totoo 'to!

SHUTANG INEEEEEEEEERS!!

THIRD PERSON'S POV.

He admitted, the girl was very cute and funny. But as she walked away, little did she know..

He smiled.

----

End of Chapter 7.

----

Nicholle: UnbelieBUBBLE. Umabot ng 2339k ang chapter na ito. Mahaba-haba na 'yun para sa'kin, ah! This is for you, ate Emerlyn! Sana nagustuhan mo! <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro