Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

Chapter 6 - Kilig to the bones

Copyright © justcholleme

----

“Whaaaaaaat?! Oh my gosh! Did he really bring you to a famous restaurant? I can't believe it! Li'l sister, it looks like you'll gonna have a boyfriend!” Maarteng sabi ni ate Tisay nang ikwento ko sakanya kung anong nangyari. Napailing na lang ako't napatawa sa reaksyon niya.

“Bruha! English english ka pa diyan! Feeling amerikana ka talaga, ano? Saka, ewan ko ba do'n sa lalaking 'yon. Nakasinghot ata kaya bigla-bigla na lang nag-aayang kumain sa labas. Tapos sa mamahaling restaurant pa. Hays!”

Pabirong hinampas naman ako ni ate Tisay sa braso. “Ano ka ba, Meme? Masamang tumanggi sa grasya! Bakit ba nagpakipot ka pa? Buti nga may nag-aya sa'yo ng gano'n, eh! Ako, waley! Pero ano bang experience ang kumain do'n? Masarap ba?”

Nilakihan ko ng mga mata si ate Tisay habang binabasa basa ang labi ko. Shutang iners, natatakam talaga ako kapag naiisip ko 'yung mga pagkaing kinain namin ni Travis kanina.

Hindi kinaya ng tummy ko, besh! Full na full! Simot na simot!

“Naku, ate Tisay! Sobrang sarap! 'Yung tipong mahihimatay ka talaga! Iba iba 'yung kinain namin, mga pagkaing hindi natin madalas nakikita dito sa Pilipinas! Mukha pa ngang galing ibang bansa 'yung restaurant eh!” Bungisngis na sabi ko sakanya.

“Eh, sino ba namang boylet iyan? Si Zent ba?” Tanong niya.

Agad akong umiling at bumusangot. “Sa kasamaang palad, ate, hindi eh. Pero tinulungan naman niya ako kanina.” Nagpipigil ngiti ko namang kwento habang inaalala ang nangyari kaninang paghaplos niya sa pisngi ko.

Shutang iners! Kinikilig na naman ang lola niyo.

“Hmm. May kinalaman ba ang pagtulong niya diyan sa mga pasa mo sa mukha?” Tanong niya sabay tusok pa sa isa sa mga pasa ko na nasa tabi ng mata dahilan para mapadaing ako.

Tumango naman ako. “Oo, ate Tisay! Litsi, ramdam na ramdam ko pa 'yung kamay niyang hinaplos ang pisngi ko. Lumakas 'yung tibok ng puso ko. Normal ba 'yun? Kasi feeling ko, mas mabilis 'yung pagtibok ng puso ko kanina kaysa dati, eh.”

Napahawak naman ako sa dibdib ko at pinakiramdaman ang pagtibok ng puso ko. Iba talaga 'yung nangyari sa'kin kanina, eh. Alam kong ibang iba talaga.

Natawa naman si ate Tisay at tinusok tusok pa ako sa tagiliran na mukhang inaasar ako. “Isa lang naman ang ibig sabihin niyan, bunso!”

Nagtaka naman ako. “Ano?”

Nginitian niya ako. “Mas lumalalim pa ang pagkakaroon ng crush mo sakanya! O baka naman, hindi na crush, at love na?” Napatulala naman ako sa sinabi niya. Love? Love na ang nararamdaman ko kay Zent? Suskopo, ano ba 'tong pinasok ko. “Alam mo kasi ako, bunso. Naranasan ko na din 'yang pinagdadaanan mo ngayon, eh. As the usual, nagkaroon din ako ng crush sa isang lalaking ang hirap abutin. At naging isa siya sa mga dahilan sa pagpasok ko sa school maliban sa baon. Araw-araw ko siyang hinihintay sa pinto ng clasroom namin para batiin siya, pero tango lang ang naisusukli niya sa'kin.

“Tapos isang araw, nalaman ko na lang na may girlfriend na pala siya, at ang ganda pa. So, narealize kong balewala pala ang mga efforts na ginawa ko kasi ang bobo kong hindi agad malaman na may kasintahan na pala ang gagong 'yun. Pero buti na lang at nakapagmove on pa ko sakanya. Kasi nagkaroon na din ako ng pagkakataon na lapitan siya. At proud akong isa siya sa mga pinaka close kong friend ngayon. At dapat gano'n ka rin!”

Napaisip naman ako. Move on? Hindi ko ata kaya 'yun. Siya na nga lang ang crush ko, magmo-move on pa ko?

Alam kong marami pang lalaki sa mundo, pero kahit naman ata subukan kong magkacrush sa iba, siya pa rin ang maiisip ko. Para kasi siyang isang file sa utak ko na kapag subukan mo pa siyang idelete, may backup pa rin.

Lintek diba?

----

May insomnia na ata ako. Kahit ano pang gawin kong pagpikit, o kaya naman kahit ano pang gawin kong posisyon sa pagtulog, gising na gising pa rin ang diwa ko.

Wala atang balak patulugin ang simpleng magandang babae na katulad ko!

Alas-dos na ng hating-gabi at STILL! Gising pa rin ako. How wonderful. Kasalanan 'tong lahat ni Zent William Andrada, eh! Bakit ba kasi lagi na lang siyang nasa isip ko? Hindi ba siya napapagod diyan kakatakbo?

Lintek, baliw na ata ako. Hindi lang, ata! Kundi, baliw na talaga!

At dahil bored ang isang simpleng magandang babaeng katulad ko, kinuha ko muna ang cellphone ko at nag facebook facebook muna. Wala na ngang masyadong online na friends ko ngayon, dahil malamang tulog na sila.

Pero ang nakakagulat lang, besh.

May bigla na lang nagpop sa itaas ng screen ko na sobrang makakapagpabago ng buhay ko.

Zent Andrada just accepted your friend request. You can now write on his timeline.

Sinubukan ko pang tumili na hindi masyadong malakas para hindi marinig ng pamilya ko. Pero shit lang talaga, hindi ako makapaniwala. Worth it talaga ang paghintay kong i-accept niya ako ng 9 months.

Pakipot din pala kasi ang isang 'to! Ia-accept din naman pala ako.

At dahil makapal ang mukha ko, agad kong pinindot ang 'message' sa facebook profile niya. Hindi ko naman maiwasan ang hindi mapangiti nang makitang may isang green na circle sa tabi ng profile niya.

Shit! Online siya. KYAAAAA—

Suskopo! Kailangan mong kumalma, Merlliah Kate. Nagmumukha ka na talagang adik sa ginagawa mo. Ikaw na ang binagsagang 'Zent Addict' sa Halleia University.

Lintek!

| Merlliah: Hi!— | Delete.

| Merlliah: Hello, Zent! Hindi ba ikaw 'yung— | Hindi! Delete.

| Merlliah: Zent! Suskopo. Buti na lang in-accept mo! Alam mo ba kasi crush kita— |

Hindi ko na natapos ang pagt-type ko ng ime-message ko sakanya nang siya na mismo ang magmessage. Hindi naman agad ako nakagalaw sa posisyon ko.

Jusko! Mababaliw na talaga ako!

| Zent: Hindi ba ikaw 'yung babae kanina? |

Hindi agad ako nakapagreply. Lintek! Anong ir-reply ko? Dapat hindi masyadong halata!

Bumuntong hininga ako. Okay, just be yourself, Merlliah Kate. IH! Ito ako, eh! Ako 'tong babaeng kinikilig ngayon! Shete! Be your other self na lang!

Suskopo.

| Merlliah: Ah, oo. Ako nga. Bakit? |

Nagdalawang isip pa ako kung is-send ko 'yon o hindi. Pero bahala na nga! Hindi ko kayang palampasin ang pagkakataong ito!

Lalo na't siya pa ang kausap ko. HIHIHI!

Seen. √ 2:12 am.

Zent is typing...

SUSKO! Puso ko. Nagt-type siya! Nagt-type siya tengene! Sampalin niyo nga ako!

| Zent: Buti naman nagreply ka na. Akala ko aabutin pa ng bukas bago ka magreply, haha. Pero chinat lang talaga kita para kamustahin ka. Okay ka na ba? |

Pwedeng mamatay?

Paghandaan niyo na 'yung lamay ko ngayon, dali! Cause of death: Too much kilig. So totoo nga pala 'yung sinasabi nilang 'too much kilig will kill you' dahil mukhang 'yun ang mangyayari sa'kin ngayon.

Siguraduhin niyong may tinapay at kape do'n.

| Merlliah: Sorry, hehe. Pero okay naman ako! Kering keri naman. Hindi naman na gano'ng masakit. |

Okay ba 'yung reply ko? Hindi ba masyadong obvious? ANO, OKAY BA? Lintek! Mababaliw na talaga ako!

Kill me na nga now, plez!

Seen. √ 2:14 am.

Zent is typing...

| Zent: Good to hear that. Pasensya na nga rin pala kung nasama ka pa sa gulo naming dalawa ni Dianne. She's crazy. Kaya lumayu-layo ka na rin sakanya dahil mukhang galit na rin siya sa'yo. |

Lintek! Sabi ko nga bang mangyayari 'to, eh. Sinasabi ko na nga bang magkakaroon na ako ng kaaway. Wala na nga akong kaibigan, pero may kaaway naman.

Ang ganda ng araw ko! ANG GANDA GANDA.

Kasing-ganda ko.

| Merlliah: Ah. Okay, sige. Salamat sa concern. Mabait ka rin pala, ano. *laughing emoji* |

| Merlliah: Suskopo. Sorry. Feeling close ako. Sige, mago-out na ko. Hehe. |

Shutang iners ka talaga, Kate! Hindi ka lang baliw, kundi feeling close ka pa! Hindi porque crush mo 'yung tao, kakausapin mo na ng normal.

Bad 'yun, Kate! Baka sabihin pa niyang ang kapal ng fes ko tapos matu-turn off siya sa'kin.
Abugh, 'wag na!

Seen. √ 2:16 am.

Zent is typing...

| Zent: No, its okay, haha. Pero kung inaantok ka na, sige, matutulog na rin ako. |

Pinilit kong hindi sumigaw at tumili dahil sa nangyayari sa'kin ngayon. Feeling ko nananaginip lang ako! Feeling ko imagination ko lang ang lahat ng ito.

Pero kahit kurutin ko pa ang pisngi ko, o kaya naman ang ibaba ko, hindi!

Totoo talaga 'to. At naiiyak ako. T^T

| Merlliah: Ah, hehe. Sige, po. Goodnight! |

| Zent: Goodnight too. |

Pagkatapos ng conversation namin ay napayakap na lang ako sa cellphone ko nang wala sa sarili. My gosh! Mukhang hindi talaga ako makakatulog ngayong gabi.

Mukhang hindi talaga!

AAAAAAHHHHHHHH—

SOMEONE'S POV.

Wala sa sarili kong ginulo ang buhok ko. Hanggang kailan mo ba siya iisipin gabi-gabi? Hanggang kailan ka ba mababaliw kakaisip sakanya? This is not you, man!

This is not you.

----

End of Chapter 6.

----

Nicholle: Ang iksi ng update, HAHA. Usually kasi aabot ng 1.9k pataas o kaya naman 2k kapag sinusulat ko ang chapters nito. Eh ito, sabaw na nga, ang ikli pa. Sarreh, ate Emerlyn! Heheh.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro