Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

Chapter 4 - Touch pa more.

Copyright © justcholleme.

----

Nagising ako. Hindi dahil sa alarm clock, kundi dahil sa malakas na pagtugtog ng 'Always' ni Unit G na ringtone ko. Wala rin naman akong alarm clock, eh. Si loveydoves cellphone lang naman ang tanging gumigising sa'kin maliban kay ate Tisay.

Kahit antok na antok pa ako ay agad akong umupo at agad na sinagot ang tawag. Hindi ko na nga rin tinignan kung sino 'yung tumawag dahil sa sobrang pagka-antok ko.

"Hello? Sino 'to?" Tanong ko pero wala man lang nagsasalita. Dahil sa pagtataka ay tinignan ko na rin kung sino 'yung tumawag sa'kin pero number lang naman ang nakalagay.

Nagtaka naman ako't kumunot ang noo. "Hello? Hellooo?"

Akma ko na sanang papatayin ang tawag nang bigla siyang magsalita. "Sorry. Wrong number." Tapos siya na mismo ang tumapos ng tawag. Napataas naman ako ng kilay. Nako! Kung sino man 'yung tumawag na 'yun, ang bobo niya.

No offense! Nagsasabi lang ng totoo.

Pero parang pamilyar 'yung boses niya. Parang narinig ko na sa kung saan..

Natigilan ako sa pag-iisip kung sino man 'yung bobong tumawag sa'kin na wrong number daw nang may biglang kumatok ng tatlong beses sa pinto ng kwarto ko. "Meme! Gising na! Male-late ka na naman! Jusko!"

Sabi ko sainyo, eh. Manggigising rin 'yang si ate Tisay.

Nanggigigil na nga rin ako diyan, eh. Pinipigilan ko lang ang sarili kong ilagay ang mukha niya sa inidoro. Hehe. I'm a barbie girl~...

"HOY MEME!"

Nabigla naman ako kaya agad na akong sumagot. Baka kung ano pang gawin sa'kin ni ate Tisay, eh. "Gising na! Gising na po! 'Wag masyadong highblood! Papanget ka niyan! Wala nang nagkakagusto sa'yo, sige ka!"

"Tse! Maligo ka na! Sige ka, babaho ka niyan. Tapos hindi ka na magugustuhan nung crush mo! BWAHAHAHAHA!"

Napabusangot naman ako at hindi na muling sumagot. Pero ang hindi niyo lang alam, na ngayon ay sasabihin ko ngayon sa kwentong ito, kapag naririnig ko talaga ba binabanggit ang crush ko, a.k.a Zent William, ginaganahan talaga ako.

Tignan niyo naman ngayon, oh! Kung kanina lang inaantok pa ako, ngayon, may energy na!

Leshe. Iba talaga sa'kin ang lalaking 'yun. Argh!

----

Pagkadating ko sa school ay agad na bumungad sa'kin ang mga nagkukumpulang mga tao sa hallway. At dahil naging active na naman ang curiosity ko at imbes na dumeretso na ako sa classroom ay nakipagsiksikan pa ako do'n para lang makita ko ano ba 'yung pinagkukumpulan nila.

"Excuse me, exuse me!" *insert Jimin saying excuse me again*

Nang makapunta naman ako sa harap ay agad akong napabuntong hininga. Grabe, ganyan ba sila katanga para titigan at makipagsiksikan sa isang-wait, WAT?!

Gano'n na lang ang pagkagulat at paglaki ng mga mata ko nang madatnan ko si Zent na nakaharap kay Dianne. I can't believe this. Why is my man, talking with another girl?! Oh, pak. Ingles 'yan, ah. Maging proud kayo sa'kin kasi nag-iimprove na ako.

Pero goodness! Hindi kinakaya ng mga mata ko ang nakikita ko ngayon. Hindi talaga!

"Ano bang ginagawa mo dito?" Malamig na sabi sakanya ni Zent. Dahil sa sinabi niya, kahit papaano naman ay lumuwag ang dibdib ko. Nice, mukhang hindi interesado si bebe Zent kay impaktang Dianne!

Siguro mas interesado siya sa'kin! Well, kung may pag-asa. Meh.

Nginitian naman siya ni Dianne. Pero pakshit lang talaga, mas maganda pa rin siya, tol! Walang wala pa rin ang outside beauty ko! "I'm here to take what's mine. I'm here to take you, my love."

Narinig kong naghiyawan at nagtawanan ang mga taong nakikinig sa usapan nila ngayon, maliban sa'kin. Sumasang-ayon din naman ako sakanila, eh! Kung naiisip nilang masyadong cheesy si Dianne, well gano'n din ang naiisip ko!

Mukhang mayro'n din akong magandang personality na wala si Dianne, ah.

Kapag ako kasi ang magpick-up line, sisiguraduhin kong kikiligin ka talaga, hindi 'yung ganito! Straight to the point agad siya, eh! Ano, atat? Gusto nang ma-kama gano'n? Hindi ko nga rin maintindihan minsan ang pag-iisip nitong si Dianne, eh.

Hindi ko alam kung baliw din siya o baka naman nasobrahan lang talaga sa pagpunta sa exoplanet kaya ganyan.

"Get away from me. You don't own me." Mariing saad ni Zent at akma na sanang aalis nang bigla siyang higitin ni Dianne sa kamay. "Pwede ba, Dianne? Stop being so stubborn. Hindi hindi mo ako makukuha. Besides, i love someone else!"

Napansin ko namang bumagsak ang balikat ni Dianne dahil sa sinabi ni Zent. Saktong sakto rin naman sa pagbagsak ng puso ko dahilan para mawasak ito pira-piraso.

May.. gustong iba si Zent. MAY GUSTONG IBA SI ZENT WILLIAM ANDRADA!

Wow! Just wow. How wonderful, isn't it?

Punyeta, napapa-english na din ako sa sobrang kalungkutan. Hindi ikaw 'to, Merlliah Kate! Tandaan mo, alien ka, alien! At hindi ka pwedeng umiyak dito sa harap ng maraming tao!

Hindi pwede!

"Y-You love someone else?" Hindi makapaniwalang tanong ni Dianne. Sa mukha niya, mukhang maiiyak na rin siya. That's right girl, ramdam mo na rin ang nararamdaman ko ngayon. Wooow. "Who is she? Tell me!"

Agad na tinabig ni Zent ang akmang kamay na hahawak sana sakanya. "You don't have to know, Dianne!"

Pero gano'n na lang ang pagkagulat ko nang bigla akong lingunin ni Dianne at agad na pinagsa-sampal. WAT DA HEK? Bakit ako nasama sa gulong 'to?! "Sasabihin mo kung sino siya, o bubugbogin ko 'tong babaeng 'to! What, Zent?! Answer!"

Inangat ko ang tingin ko nang mapansin kong hindi na ako sinusugod ni Dianne. Pero nang inangat ko ang tingin ko ay gano'n na lang ang pagkataka ko nang bumungad sa'kin ang mukha ni Zent na nanlalaki ang mga matang nakatingin sa'kin.

Pero agad din namang naputol ang pagtititigan namin nang bigla na naman akong sampalin ng psychopath na 'to. Bwisit! "You're not answering, Zent William! I know you don't like girls being treated like this, right?! So answer my question kung ayaw mong tuluyan ko 'tong babaeng 'to!"

Narinig ko pang napatikhim lahat ng nanonood sa'min. Hutaness! May balak ba silang tulungan ako?!

Lord, kung katapusan ko man po ngayon, please, bigyan niyo pa po ako ng time. Hindi ko pa po kasi nagiging boyfriend si Zent na long-time crush ko, eh. Sayang naman po kung hindi diba? At least naging boyfriend ko siya sa mga natitirang oras ko sa mundo.

Please, Lord. Huhu. 'Yun na lang ang huling hihilingin ko sainyo.

"Stop it, Dianne!" Sigaw ni Zent pero hindi naman tumigil ang impakta at sunod sunod lang akong pinagsasampal at pinagsusuntok dahilan para mapahiga na rin ako sa sahig habang nanghihina ang katawan.

Iba din 'tong si Dianne, ah. Over-all na siya, eh.

Magaling manuntok, magaling mamalo, tapos sigaw pa ng sigaw. Ano bang klase diba?

"Dianne!" Muling tawag ni Zent sa pangalan niya. "Stop it or else ipapatalsik kita dito sa school na 'to! Stop hurting her!" Dagdag pa nito.

Nang maramdaman kong hindi na ako sinasaktan ni Dianne ay iminulat ko na ang mga mata ko at naubo ubo. Takte, hindi ko na maramdaman ang mukha ko dahil sa sobrang pagkamanhid. Litsi! Ang sakit talaga manampal ng babaeng 'yun!

Psycopath talaga!

"Okay ka lang ba, miss?"

Napabuntong hininga ako. "Malamang hindi ako okay! Tignan mo naman 'tong... shit." Pagkatingin ko pa lang sa mukha ng taong lumapit sa'kin ay agad na nalaglag ang panga ko. Agad akong napaatras dahil sa kahihiyan.

Jas waw lang talaga. Sa ganitong pagkakataon pa talaga ako mapapansin ni Zent.

Aym gana gow to exoplanet na. Huhu. SHUTANG INERS!

Nginisian niya ako dahil siguro sa pag-atras ko. Ayoko sanang umatras eh, amoy na amoy ko pa nga 'yung mabangong amoy ng hininga niya, pero napagdesisyunan ko na ring umatras muna dahil sobrang chaka na ng fes ko and everything.

Pa'no na lang ako magugustuhan ni Zent?

"What's happening here?!" Agad kong iniwas ang tingin ko sakanya nang marinig ko ang boses ng principal namin. Leshe, bakit ba laging late ang pagdating ng magpapatahimik ng gulo?

May sayad din ata 'to eh.

Nang makarating ito ay agad namang nagsi-alisan ang mga taong kanina lang ay pinapanood kami. Useless sila, author. Ano ba! Hindi man lang ako tinulungan, eh. Anong klase 'yun, ha? T^T

"Anong nangyari dito, ha?! Sinong nagsimula ng gulo?!" Napabaling naman sa'kin ang principal. "At bakit namumula ang mukha ni Ms. de Capili?! Sinong gumawa sa'yo niyan?!"

Gustuhin ko mang sumagot ay hindi ko na lang ginawa. Baka dagdagan pa ni Dianne ang pagsampal sa'kin.

NO THANKS!

"The three of you! Go to my office! Now!" Galit na sigaw ng principal at agad din namang umalis. Nang hindi ko na maaninag pa ito ay agad akong napabuntong hininga at napangiwi.

Akma na sana akong tatayo nang bigla kong maramdaman ang malambot at mainit na kamay niyang dumaplis sa pisngi ko.

Nanlaki ang mga mata kong tinignan siya. "A-anong ginagawa mo?" Pagkatapos kong sabihin 'yon ay naramdaman kong biglang uminit ang pisngi ko. Shutang iners, Zent William! Ano bang ginagawa mo?!

Ngumisi siya. "Masakit pa ba?"

Hindi ako nakasagot dahil mukhang distracted na talaga ako sa kagandahan ng mukha niya. Mas mukha pa siyang anghel kapag kaharap mo na. Jusko talaga, help me naman, oh. Baka mahimatay ako dito!

"Miss?" Nakangisi niyang tanong.

Natauhan naman ako at agad na tinabig ang kamay niya dahil sa pagkagulat at pagkakaba ko. Nakita ko pang kumunot ang noo niya do'n sa ginawa ko pero hinayaan ko na lang.

"Urgh! Why are you even helping her?!" Napalingon kami kay Dianne nang bigla naman itong magsalita.

'Yung mukha niya, pulang pula dahil sa galit. Kung pwede ko lang sanang sigaw-sigawan 'yang impaktang babaeng 'yan, eh. Kaso 'wag na lang muna sa harapan ni Zent. Baka siya pa ang masapak ko, eh.

"Merlliah!"

Gano'n na lang ang pagkagulat ko nang biglang dumating si Travis na halata ang pag-aalala sa mukha. Nakita ko pa siyang sumulyap kay Zent pero agad din namang lumapit sa'kin at tinulugan akong makatayo.

MOVE NA 'YON NI ZENT EH! Litsi.

"Hindi ko na tatanungin kung ayos ka lang ba kasi mukha namang hindi. Ano ba kasing nangyari sa'yo?" Tanong niya. Hindi naman ako nakapagsalita nang bigla niyang ibaba ang kamay niya at humawak sa baywang ko.

Oh my pakshit.

BA'T NIYA AKO HINAWAKAN DIYAN?! May kiliti ako diyan. Hehehe. Tengene.

Nabugbog ka na nga, ang happy happy mo pa. Gags lang?

Napatingin siya kay Dianne na hanggang ngayon ay nandito pa rin sa harapan namin habang nakapamewang. "Ikaw ba ang gumawa nito sakanya?"

"Ako agad?" Sagot naman nito.

"Malamang ikaw! Ikaw lang naman kasi ang may lakas ng loob na mangbugbog ng inosente, eh! Ano bang pumapasok diyan sa utak mo, Dianne, ha? Nababaliw ka na ba?" Naiiritang sabi sakanya ni Travis nang ikinatahimik ko na lang.

Saka, bakit kung mag-usap sila, parang matagal na nilang kilala ang isa't isa?

May past, ganern?

Bago pa man makasagot si Dianne ay nagsalita na si Zent. "Stop it. Kailangan na nating pumunta sa dean's office. Hinihintay na niya tayo. We need to go." Malamig na saad nito.

At dahil napatingin na naman ako sa mukha niya, naalala ko na naman 'yung eksenang naganap sa'min ni Zent.

Pasimple akong napahawak sa pisngi ko kung saan dumaplis ang kamay ni Zent. Napangiti naman ako. Pwedeng 'wag nang maligo? Sa isang hawak niya lang, nababaliw na agad ako!

Leshe! Ang lakas talaga ng epek sa'kin nito!

Juice colored!

"Pwede akong sumama? Para maalalayan ko lang 'tong si Merlliah na puno ng pasa sa mukha dahil sa kagagawan ni Dianne. Pwede ba?" Sabi naman ni Travis at diniinan pa talaga ang pagsabi ng 'kagagawan ni Dianne'.

Nagparinig ba siya? Woooo.

"Okay lang naman ako, Travis. Kaya ko namang maglakad. Mukha ko 'yung naapektuhan at hindi paa. 'Wag kang OA."

Nagkibit balikat lang si Zent sa sinabi ni Travis at nauna nang naglakad papunta sa dean's office. Sumunod naman sakanya si Dianne na inirapan pa ako't sinamaan ng tingin.

Napasapo naman ako sa noo ko.

JUSKO! Nagkaroon na nga ako ng mga pasa sa mukha, nagkaroon pa ako ng kaaway! Shutang iners! Ke-ganda nga naman talaga ng araw ko ngayon, ano.

Zeeeeeent! Pasiyahin mo naman araw ko, plez.

Touch me pa more. HEHEHEHE.

----

End of Chapter 4.

----

Nicholle: *touch, touch, touch* YOU'RE TOUCHED NA! Huehuehue.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro