Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

Chapter 2 - A Date With Travis.

Copyright © justcholleme

----

Natapos na ang second period at parang buntot na sunod ng sunod 'tong si Travis sa'kin na parang stalker ko. Ih, owemji lang. Ganito ka-gwapong nilalang magiging stalker ko? Sino ba namang tatanggi diyan diba?

Ulol na lang ang tatanggi sa taong 'yan. Tengene, so ibig sabihin ulol ako?

Leshe! Sino bang nakaisip niyan, ha?!

“Uhm, Merlliah.” Tawag sa'kin ni Travis kaya nilingon ko naman siya. Kawawa naman kung i-snob-in ko siya diba? Baka sabihin pa niyang maldita ako tapos maturn-off siya sa'kin. Siya na nga lang 'tong nagkakagusto sa'kin, tapos mawawala pa? “Pwede mo ba akong samahang kumain mamaya sa isang restaurant?”

Oh shit. Gano'n na lang ang pagkagulat ko nang bigla niyang tanongin sa'kin 'yun. 'Yung tipong napatigil na lang ako sa paglalakad tapos nanlalaking mga matang tinignan siya. “A-ano?”

Yumuko pa siya't nagkamot ng ulo. Oh that's bad. “G-gusto mo ba?”

Aba't baliw ka ba? Ano bang choice ko? Kung tanggihan pa kita baka magka-world war III tayo dito. Tapos baka magbigti ka pa. Edi, oo na lang ako! Baka kung ano pa mangyari sa'yo. Nginitian ko siya at tumango. “Sige, mukha namang wala akong choice eh.”

Bigla ko namang naalala 'yung mala-anghel na may pagka-demonyong pagmumukha ni Zent. Hu nu, mukhang mangangaliwa ako ngayon, ah.

Inangat naman ni Travis ang tingin niya at tinignan ako na para bang nagmamaka-awa. Ano na naman ba ito? Trip niya bang magpa-cute? GASPED. 'WAG MONG SABIHING NAKYU-KYUTAN KA SA NILALANG NA ITO?! Magpakamatay ka na, Merlliah Kate de Capili. May your soul rest in peace.

“Ayaw mo bang sumama sa'kin? Mukha kasing napipilitan ka lang, eh.” Malungkot na saad nito.

Patago naman akong napapikit at napakagat labi bago ako muling tumingin sakanya ng nakangiti na para bang wala talagang prino-problema. Ih, wala naman talaga, eh. Pero 'yung isip ko lang kasi, hindi tumutugma sa puso ko.

Si isip, sinasabing sumama ako sakanya dahil kawawa naman daw kung hindi ko siya samahan.

Tapos sabi naman nitong si puso, 'wag daw akong sumama dahil mahal ko daw si Zent at bawal akong sumama sa iba!

Akalain mo nga naman 'yun, ano. Nagsasalita pala ang puso at isip. AHAHAHA. Nakakabaliw talaga ang mga iniisip ko ngayon. Takte.

“Merlliah?” Bigla naman akong natauhan nang tawagin niya ang pangalan ko. Hutaness, kung anu-anong iniisip ko, nakalimutan ko nang may nilalang pa pala dito sa tabi ko na hinihintay ang sasagutin ko dahil niyaya niya akong magdate! How wonderful.

“Ah! Oo, i mean, hindi naman ako napipilitan. Pwedeng pwede akong sumama sa'yo, unless kung kidnapper ka at k-kidnapin mo ang isang magandang nilalang na katulad ko. Hinding hindi ako magd-dalawang isip na upakan ka.”

Natawa naman siya duon. Tinaasan ko siya ng kilay. Really? Ano namang nakakatawa do'n? May nakakatawa ba sa sinabi ko? Ano ba 'yun? Answer me! Answer—i sighed. 'Wag na nga. Wala naman kayong kwentang kausap. Bigyan niyo na lang ako singkwenta. Wala kayo ka-singkwenta.

OH! BOOM PANOT! BUMANAT ANG HAROT. Gago 'yoko na.

“Ikaw talaga, Merlliah. Hindi naman gano'n 'yun, eh. Sasamahan mo lang naman ako na kumain. 'Yun lang. Simple as that.” Nakangiti niyang saad. Ke-puge puge naman pala nitong hayop na 'to, shet. Siguro may girlpren na 'to. Ta's nangangaliwa siya dahil narealize niyang mas maganda pala ako sa girlpren niya. HEHEHEHE.

*nagflip hair sa isip*

Tumango ako at ngumiti na rin. “Sige! Tara!” Sagot ko at akma na sanang maglalakad pa ulit nang tumigil na naman ako at hinarap siya. “Wait, sabihin mo munang hindi 'to, date.”

Nginisian niya ako. “It is, maybe.” Saad niya at kinindatan pa ako.

ABA, ABA. HAROT DIN PALA NITO, AH. Gusto ba niyang itapon ko siya sa planeta ng mga nagkakagusto sa'kin? Well, aha, wala naman talagang gano'ng planeta kaya 'wag na kayong umasa. 'Wag na kayong umasang merong gano'ng planeta pero totoo 'yung maganda ako, ah.

No offense. Maganda talaga ako. Aminin niyo na. I would highly appreciate it. Thank you, thank you. *maiiyak na tapos bigla na lang sumubo ng lollipop*

----

3 minutes na lang bago magtapos ang klase. Ibig sabihin, mangyayari na ang date naming dalawa ni Travis. Aba ewan ko ba, kanina ko lang siya nakilala tapos ilang oras pagkatapos no'n ay may instant date na ako agad kasama siya.

Magic diba? Tumalab na siguro ang kagandahan ko.

Pero bakit naman kung kailan pa nagsimula itong kwentong ito at saka gumana? Lang'ya, biyaya ka talaga sa'kin, ate author, o kung ano mang pangalan mo. Ang ganda ganda mo talaga pramis!

Pero mas maganda pa rin naman ako.

Ilang saglit pa ay tumunog na rin ang bell, hudyat na uwian na. Sinabi na ni ma'am Phinuthukan ang kanyang famous line—or should i say, famous line ng lahat ng teachers, na sobrang gusto naming lahat na estudyante, ang—“Class dissmissed.”

Lahat ay naghiyawan at nagsi-sisigaw ng masakit na daw ang katawan nila tapos sa wakas daw ay uwian na dahil bagot na bagot na sila tapos ang panget pa daw ng nagtuturo. Pero ako? Hindi pa rin ako makaalis sa kinauupuan ko at nanatili pa ring nakatitig kay Zent na nakangiting nakikipagkwentuhan lang sa mga kaibigan niya.

Grabe, wala talagang makakatalo sa kagwapuhan niya. Para siyang isang anghel na pinababa sa lupa. Tapos may pagka-demonyo rin ang ugali.

Ewan ko ba, kahit minsan snobber 'yan si Zent, o kaya naman ay suplado, hindi pa rin talaga maalis ang pagkagusto ko sakanya. Hindi pa rin tumitigil ang puso ko sa pagtibok para sakanya. Para siyang drugs na kinaa-adikan ko.

Kung sinabi man ni Pangulong Rodrigo Duterte na 'I hate drugs', iba naman ang akin.

'I love my drug. And my drug is Zent William.'

“Merlliah,”

“Ay pututuy mo!” Gulat kong sigaw nang may biglang tumawag sa pangalan ko mula sa likod ko. Nanlalaking mga mata kong nilingon kung sino 'yun at laking gulat ko naman nang makita ko si Travis na nagpipigil tawa. Agad ko namang tinakpan ang bibig ko dahil sa nasabi.

TENGENE TALAGA, MERLLIAH KATE. Lagot ka talaga sa nanay mo.

Dahil sa kalakasan ng boses ko nang sabihin ko 'yun ay pati na si Zent ay nagulat nang marinig ito. Napakagat labi ako at hindi na muling tumingin pa kay Zent. Gagstu naman kasi, kung anu-ano na lang lumalabas sa bibig ko. Ilang beses ko pang tinampal-tampal ang bibig ko bago ko hinila si Travis papalabas ng classroom.

Nang makalayo layo na rin kami ay binitawan ko na ang kamay niyang malapit na palang maging holding hands. Tumatagal na rin, eh. At saka, kingina, ang lambot rin ng kamay!

Pero punyeta naman, Kate. 'Yang bibig mo! Jusko.

“Iba rin pala ang kakulitan ng bibig mo, Merlliah. Kakaiba ka talaga sa lahat ng mga babaeng nakilala ko.” Agad akong napalingon kay Travis nang magsalita naman ito. “And i want to know you more.”

Napatikhim naman ako sa sinabi niya. At ano daw? Gusto pa niya akong makilala? Oh, pak! Naintindihan ko 'yun ah, baka sabihin niyong bobo ako sa english kahit hindi naman, kahit maganda lang talaga ako.

Bakit ba naman kasi may half inglisero 'tong nilalang na 'to? Hindi ba siya na-inform na sa Pilipinas siya nakatira?

Natawa ako ng ewan ko, pilit? “Ikaw talaga, Travis. Iba ka rin sa mga banat mo, eh. Enebeyen keshi.” Paga-arte ko tapos hinila siya sa braso dahil ayoko na siyang hawakan sa kamay. Duh. “Halika na nga. Date na nga tayo. Baka mag-collapse pa ako diyan dahil sa sobrang—,”

“Kilig?”

Agad naman akong napalingon sakanya nang siya ang tumuloy ng sasabihin ko, kahit hindi naman talaga gano'n ang gusto kong sabihin, kasi hindi naman talaga. Tengene naman, Travis. “Lul!” Inis kong saad at padabog na binitawan ang braso niya. “Ang lakas mo mag-assume ah! Saka, may iba akong gusto. 'Wag ka.”

Nauna na akong naglakad para makalayo sakanya pero sumabay naman siya. Hindi ako pwedeng mangaliwa sa bebe loves ko! Magagalit 'yun, tapos mags-selos. Ayoko nga 'no!

Baka kung ano pang gawin niya sa'kin. HEHE—OKAY! TAMA NA 'YAN MERLLIAH KATE, SOBRA NA 'YAN.

Hindi matutuwa ang mga magulang mo diyan! Pati na ang ate mong may pagka-demonyo din ang pag-uugali! Baka palayasin ka pa nun sa bahay dahil sa ka-harutan mo! Litsi ka.

“Bakit? Sino ba 'yung nagugustuhan mong iba?” Tanong pa niya.

“Secret.” Sagot ko sabay belat pa. 'Wag niya akong matanong-tanong ng ganyan at baka masapak ko talaga siya papunta sa exoplanet, kung nasaan ng mga asawa kong sobrang gwapo. Hindi naman ibig sabihin nun na gwapo na rin siya, ano!

Tseh, mas gwapo pa rin sila.

“Sino nga, Merlliah? Sabihin mo na, sige na.” Pagpipilit niya pa.

“Tseeeeeeh! Stahb et! Wala naman ding mangyayari kung sasabihin ko sa'yo kung sino 'yung nagugustuhan ko. Kaya 'wag na lang.” Nakangiti kong sabi at muli na siyang hinila papunta sa kung saan. “Tara na, nagugutom na ako. Libre mo ba?”

Tuwang tuwa na sana ako nang mga ilang minuto ay hindi na siya sumasagot pero pagkatapos naman ng mga ilang minuto na 'yun ay bigla na lang niyang hinigit ang braso niya dahilan para magulat ako't mapalingon muli sakanya.

“Ano na naman bang—,”

"We're not going unless you tell me who he is.” Mariing sabi niya nang ikinagulat ko. Oh no, galit na ba 'to? So anong gagawin ko? Tengene, ang cute pa rin niyang magalit, AHAHAHA. Sorry, Zent. Mas cute ka pa rin 'wag kang mag-alala.

“Okay, fine. Si Zent William ang crush ko. Hapy ka na?”

Napansin kong natigilan siya nang sabihin ko kung sino ang taong nagugustuhan ko. No'ng una pa nga ay nagtaka ako at tatanungin ko pa sana siya kung bakit gano'n na lang ang naging itsura niya pero nang bigla na lang nagwala ang tiyan ko ay nakalimutan ko na lang kung anong gagawin ko.

“Nagugutom na ako, Travis. Kain na tayo! Nagw-wala na 'tong alaga ko sa tiyan, eh.”

Tinanguan na lang niya ako.

Napakagat labi naman ako nang bigla na namang tumunog ang tiyan ko. LESHE NAMAN, OH. ETO NA NGA, EH. KAKAIN NA NGA, EH. ITO NA, OH, NAGLALAKAD NA.

Punyeta, hindi makapaghintay? Upakan kita diyan, tamo.

----

End of Chapter 2.

----

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro