Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19

Chapter 19 - BINUNTIS NIYA AKO

Copyright © justcholleme

----

Nang magising ako ay agad akong nakaramdam ng aftershock dahil sa ininom ko kagabi. Pagmulat ko pa lang ng mga mata ko, nagdilim bigla ang paningin ko at parang anytime ay masusuka ako.

Pinilit kong bumangon para makapunta sa inidoro ng banyo. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sumuka na ako.

Letse, ilang alak ba ang nainom ko?

“Hoy Meme ba't ba ang ingay mo diyan—OH MY GOD! JUSKO MARIMAR! LORD, PATAWARIN NIYO PO ANG BABAENG ITO DAHIL SA KANYANG NAGAWANG KASALANAN! HALLELUJAH!”

Pinunasan ko ang bibig ko ng tissue bago ako tumingin sa pinto ng banyo kung saan nakita ko ang pagmumukha ng ate ko na gulat na gulat.

Napakunot naman ang noo ko. Ano na naman bang problema ng elyeng 'to?

“Bakit ba ang ingay mo ate?” Medyo wala pa sa sarili kong tanong sakanya sabay tayo.

Binuhusan ko na ang suka ko sa inidoro dahil hindi na naman gumagana ang flush nito.

“Meme!” Tawag sa'kin ni ate Tisay. “B-bakit ka sumuka ha? WAG MONG SABIHING BUNTIS KA?!”

Agad na nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Tang-na juice! Ako, buntis?! Bakit ko naman isusuko ang bataan ng gano'n gano'n lang?

Hindi pwede 'noh! Naka-reserve na 'to!

“Ewan ko sa'yo ate Tisay! Kapag ba nasuka, buntis na agad? Hindi ba pwedeng masakit lang ang ulo? Grabe ka naman sa'kin!” Pagtatanggi ko sa sinasabi niya.

Hindi ako makapaniwalang naisip 'yan ni ate Tisay sa'kin.

Jusko mamc! Mamamatai talaga ako kapag nabuntis ako ng ganito kaaga! Lalo na kung mukhang nabubulok na basura 'yung tatay!

Nako, kawawa naman 'yung bata. :<

“Eh bakit ka nga kasi sumuka?”

Nauna akong lumabas ng banyo dahil hindi ko rin alam kung anong isasagot ko sakanya. Pumunta muna ako sa basurahan sa may kusina para magtapon pero bigla akong napatalon sa gulat nang makita ko ang pagmumukha ni Zent.

“AY, IPIS KA!”

Napapikit pa ako at napahawak sa dibdib ko dahil sa sobrang pagkagulat ko. Letseng 'yan!

“Jusko naman, Andrada! Bakit ba masyadong nakakagulat 'yang mukha mo?” Irita kong sabi sakanya.

Kumibit balikat siya. “Is it because i'm handsome and hot?”

Biglang nawala ang pagkunot ng noo ko nang marealize kong nakasando lang pala siya at nakaboxers. Nanlaki naman ang mga mata ko at agad na napatalikod nang bumaba ang tingin ko sa may baba niya kung saan nakita ko ang tatak ng brief niya.

“Shit, Calvin Klein!” Bulong ko sa sarili.

“HOY ANONG CALVIN KLEIN?!”

Agad kong tinakpan ang bunganga ni ate Tisay nang bigla na lang itong sumulpot. Binigyan ko siya ng isang nagbabantang tingin na nagsasabing 'Sige, isang sabi pa ng Calvin Klein, buking na ako. Sapak ka sa'kin mamaya'.

“Kate..” Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa batok nang marinig ko ang boses ni Zent sa may tenga ko. “Hindi ko alam na naninilip ka rin pala—ARAY!”

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at agad ko siyang sinapak dahilan para mapabaling siya sa ibang direksyon.

“BASTOS KA! MANYAK! HAYOP KA, MAY PA-BULONG BULONG KA PANG NALALAMAN! MATAPOS MO KONG BUNTISIN?! ANO, UULIT KA NA NAMAN? BWISIT KA, ANG LAKAS MONG MAKAPANG-AKIT NG TAO! BAKIT BA KASI ANG GWAPO GWAPO MO, HA?!” Habol hininga kong sigaw.

Pero bigla na lang nanlaki ang mga mata ko pati na rin ang mga butas ng ilong ko nang marealize ko kung ano na namang katarantaduhan ang ginawa ko.

Napatitig ako sakanya hanggang sa makatingin rin siya sa'kin.

“S-sorry—JUSKOPO!”

Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay napatili ako nang makita ko si papa na.. sinuntok si Zent dahilan para mapaupo siya sa sahig.

“PAPA!”

Lagot.

----

Nagka-problema na nga ako, hindi pa kumportable ang posisyon ko ngayon. Paano ba naman kasi, umagang umaga, nabugbog si Zent dahil sa katarantaduhan ko.

Bwisit! Kung anu-ano kasi ang mga nasasabi ko!

“Sorry, Zent. Sorry. Pasensya na.” Bulong ko sakanya na kasalukuyang nakasandal sa balikat ko na halos nakayakap na din sa'kin.

“Ngayon, pwede bang paki-explain sa'min kung bakit niyo nagawa 'yon at kung paano nabuntis 'tong anak ko?!” Labas sa ilong na sabi ni papa.

“Pa, joke lang 'yon! Maniwala ka sa'kin, joke lang 'yon!” Saad ko.

“JOKE?!” Sigaw na naman ni papa kaya nabigla ako. “Joke ba 'yong paggawa niyo ng bata ha?! Joke ba 'yon?!”

“Pa! Wala naman po kaming ginawa! Joke nga lang po 'yung sinabi ko! Wala po akong dinadalang bata. Wala po kaming ginawang masama, pa.” Pagkukumbinsi ko pa kay papa.

Bwisit. Kasalanan ko 'to eh. Gaga ka talaga, Merlliah Kate!

“Eh bakit sabi ng ate mo kanina, sumuka ka daw? Bakit ha, anak?” Malumanay na tanong naman sa'kin ni mama.

Natigilan ako. Hala, vulshet.

“A-ano k-kasi ma..” Panimula ko. “N-nakainom po kasi ako ng very very light kagabi. Sorry po!”

“ANO, MERLLIAH KATE?! PAKI-ULIT NGA 'YUNG SINABI MO?!” Papa.

Lintek, natatakot na ako kay papa. Ngayon lang siya nagalit ng ganyan kalala. Panigurado ilo-lock na naman nila ako sa kwarto ko ng isang buong araw.

HAYS! Tanggap ko na, oo na!

“Nakainom po ako ng very very light—,”

“Wag mo ng ulitin! Ayoko ng marinig 'yang mga pinaggagagawa mo sa buhay mo, ha?! Ikaw na bata ka! Ang bata bata mo pa tapos—,”

“Sir, pasensya na po, pero kasama niya po ako sa pag-inom kagabi.”

Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman kong pinisil ni Zent ang kamay ko senyales siguro na bitawan ko na siya. Sinunod ko naman ang utos niya kaya umayos na siya ng upo at yumuko.

“Aba tarantado ka pala eh! Bakit mo naman—,”

“Pa, tama na. 'Wag mo ng pagalitan ang mga bata.” Pagtitigil naman ni mama sakanya.

“Hindi na 'to mga bata, ma! Mga dalaga at binata na sila! Dapat alam na nila ang ginagawa nila!” Sabi naman ni papa. Lumingon sa'kin si papa kaya naman bigla akong napayuko. “Ikaw, Meme. Pumunta ka na sa kwarto mo.”

Sumulyap muna ako kay Zent bago ako pumunta sa kwarto ko. Sobrang seryoso ng mukha niya na feeling ko, hindi na niya ako papansinin dahil sa ginawa ko sakanya.

JUSKO! ANO BA 'TONG GINAWA MO, HA, MERLLIAH KAAAAAATE?!?!

----

Ilang minuto na ang lumipas at nandito pa rin ako sa kwarto ko. AS USUAL. Hindi talaga nila ako pinapalabas at minsan pa nga ay nilo-lock nila ako rito. Ang tanging nagagawa ko lang ay matulog o kaya naman magbasa ng novels dahil pati gadgets ko kinukuha rin nila.

Buti na lang talaga at sumakto pa ang pagbuhos ng ulan ngayon dahil sa bagyo kaya walang pasok.

Dahil kung may pasok ngayon, hindi talaga ako papapasukin ni papa.

Palipat lipat ako ng posisyon sa paghiga ko rito sa kama ko. Hindi ako makatulog! Kahit anong gawin kong pagpikit ng mga mata ko, gising na gising pa rin ang diwa ko.

Lintek naman kasi si Zent!

#CalvinKlein

“Hays!” Bumangon na ako mula sa pagkakahiga at napahilamos ako ng mukha.

Bored na bored na ako, hindi ko na alam ang gagawin ko. Tinatamad akong magbasa, hindi rin ako makatulog. Wala naman ang phone ko na dating sinira ko kaya hindi rin ako maka-soundtrip.

Buti na nga lang at pinahiram ako ni ate Tisay ng cellphone niyang nokia.

Halos mapasigaw naman ako sa gulat nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Zent.

Nagtago ako sa kumot ko at napasandal sa pader dahil sa sobrang kaba at taka kung BAKIT SIYA NANDITO SA KWARTO KO?!

Pinanood ko siyang umupo sa kama ko. Hinintay ko siyang magsalita pero itinigil ko na rin naman dahil ano pa bang aasahan ko sa taong 'yan?

Bakit naman niya ako kakausapin 'di ba?

“B-bakit ka nandito sa kwarto ko, ha?”

“I don't know either.” Sagot niya.

Ang gandang sagot ah. Ang sarap mo, hihe. Ang sarap mong bugbogin, hayop ka. :>

“S-sorry pala kanina.” Panimula ko na ng conversation na hindi ko alam kung magtatagal. “Pasensya ka na sa'kin, Zent. Hindi ako naging maingat sa mga sinasabi ko. Puro biro lang kasi ang nasa utak ko, eh. H-hindi ko alam na aabot sa ganito—,”

“Its okay.” Pagpuputol niya sa sinasabi ko. “But you know its your fault, right?”

Tumango ako habang pinagmamasdan ang napakahot niyang likod na exposed dahil sa suot niyang sando. “Oo, kasalanan ko. Sorry talaga, Zent. Patawarin mo ako. Gagawin ko lahat ng iuutos mo, mapatawad mo lang ako, please!”

Bakit ko ba naman kasi sinabing binuntis niya ako?

JUSKO, KALOKOHAN MO TALAGA MERLLIAH!

Bigla akong napahawak ng mahigpit sa kumot ko nang umatras si Zent at napasandal rin sa pader. Lumakas ang tibok ng puso ko.

Gusto ko siyang itaboy, gusto ko siyang paalisin sa kwarto ko pero hindi sumasang-ayon ang katawan ko!

Help me!

“Would you really do anything i told you to?”

Kumunot ang noo ko. “Ha?”

Ngumisi siya at napailing. “Nevermind. A sorry is enough for me. Hindi mo rin naman gagawin ang iuutos ko sa'yo. Kaya 'wag na lang.”

“Sino nagsabing hindi ko gagawin? Gagawin ko nga! Kahit ano pa 'yan!” Saad ko. “Ano? Gusto mo ng masahe? Gusto mo ng pagkain? Ano? Sabihin mo sa'kin!”

“What if i told you to stay away from Travis? Would you do that for me?”

“Oo naman—!” Natigilan ako. “A-ano? Bakit naman? Kaibigan ko si Travis. B-bakit ko naman siya lalayuan?”

Tinitigan niya ako. Mas lalo tuloy naging awkward para sa'ming dalawa. Hindi ko na alam kung saan ibabaling ang mga mata ko at napapadiin na ang pagkagat ko sa labi ko.

Enebe nemen kese, Zent!

Not today! Nandiyan sila mama, hihe.

Ay jusko! Tumigil ka nga, Merlliah! Umayos ka!
“Ayokong.. ayokong nakikita kitang tumatawa kasama siya, Kate. Ayokong nakikita kitang kumakain kasama siya. Ayokong nakikita kitang kausap siya. Ayokong nakikita kitang kasama siya!

“Kasi sa tuwing titignan ko kayong dalawa, i admit, may kung anong tumutusok sa puso ko. So please, stay away from him. Stay away from Travis. Aish! This is so gay! What the fvck am i doing?!”

Hindi ko na napigilan ang pagngiti ko. Kilig na kilig na ako!

“Gano'n mo ba talaga ako ka-crush, Zent? Ayieee ha!” Pang-aasar ko pa sakanya.

“No.” Sagot niya na ikinabagsak naman ng mga balikat ko. Saya saya ko na, eh. Kilig na kilig na ako, oh! Ba't biglang pinutol?! “I think its not just a crush, Kate.

“I think.. i think i'm liking you.”

Nalaglag ang panga ko. Hindi ako makagalaw. Parang anytime ay mahihimatay na naman ako.

Totoo ba 'to? IS DIS PRIKING RIL?!

“S-seryoso ka ba diyan?” Paninigurado ko pa sakanya.

“Yes, Kate. I'm damn freaking serious about you.”

----

End of Chapter 19.

----

Nicholle: CHARAAAAAAN! HAHAHAHAHA.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro