Chapter 18
Chapter 18 - Knockout
Copyright © justcholleme.
----
"Bakit ang saya saya mo ngayon, Merlliah? Anong nakain mo at halos buong magdamag ka na lang na nakangiti?" Tanong ni Travis habang naglalakad kami sa hallway. "Paki-explain?"
Tungkol do'n! Hindi ko nga rin alam kung bakit parang ayaw na atang matanggal ng lintek na ngiting 'to sa fes ko.
Eh kase 'yung lintek na lalaking 'yun, kung anu-ano na lang pinagsasabi at pinaggagawa sa buhay ko kaya nagmumukha na akong tanga.
Lintek! Lintek talaga.
"Ayaw na nga matanggal, Travis! Help! Dalhin mo'ko sa clinic, dali! Baka ma-diagnose ako, huhu."
Pero batok lang naman ang naisagot niya sa'kin. Aba, lintek?! Gusto ba niyang sipain ko 'yang jun-jun niya?! Hindi, joke lang pala.
"Minsan hindi ko rin malaman laman kung anong na-sisinghot mo kada-araw, eh. Ano nga ba, Merlliah?"
Bigla namang nawala ang ngiti ko sa nakaka-lintek na sinabi ni Travis. Tinignan ko siya at bumusangot ako. "Ang harsh mo naman sa simpleng magandang babaeng katulad ko! Oo, mukha akong adik, oo hindi na ako maganda, pero kingina! I have a heart naman! Ano ako, multo lang? Walang intestines and everything, gano'n? Hinding hindi ko magagawa ang mga bagay na magsisira sa buhay ko, and i, thank you!"
Agad naman akong nakarinig ng palakpak mula kay Travis pagkatapos kong sabihin ang speech ko. Homaigahd, i feel so proud op mayselp that i'm so improbe to ingles, you know. *naiyak, tears of joy*
Teka, may sinabi ba akong ingles? Wala naman 'di ba? *mas lalong naiyak*
"Ikaw talaga, Merlliah!" Natatawang sabi ni Travis sabay akbay sa'kin na parang close na close na kaming dalawa. Feeling close lang? "Pasalamat ka, mahal kita! Kun'di, baka naitapon na kita sa grand canal ngayon. HAHAHA."
Tengene, medyo na-offend ako do'n ah. Eh kung siya kaya itapon ko sa kanal na nasa tapat lang ng bahay namin?!
"HAHAHAHA," Napatawa na lang rin ako.
"HAHAHAHAHA," Tawa ulit ni Travis na para bang wala ng bukas.
Ang kapal talaga ng mukha. -,-
"HAHAHAHAHAHA!!" Sarkastikong tawa ko.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA-,"
Pinitik ko siya sa noo dahilan para mapatigil siya sa pagtawa. Sinamaan ko siya ng tingin. "Adik ka ba? Halatang mukhang ikaw 'yung nakasinghot ng shabu sa'ting dalawa, eh! Ipa-rehab na kaya kita para naman ma-save pa natin 'yang kinabukasan mo?"
Bumusangot naman siya na parang bibe sa sinabi ko. Bakit parang mas kina-pangit pa niya ang pag-pout?
Meh, mukhang hindi niya asset 'yon.
Ke-panget panget ng taong 'yan, eh. Kaya nga wala pang girlfriend.
"Ang bad mo sa'kin, Merlliah!"
"Tigil tigilan mo'ko, Travis. Kung ayaw mong i-baBAD kita sa kanal mamaya." Pagbabanta ko sakanya.
Natawa na lang siya sabay gulo sa buhok ko na para bang tinatrato niya ako na parang tuta. Aba't naman! Siya pa nga ang mas mukhang aso sa'ming dalawa!
'Yung fes niya talaga parang encyclopedia! Ang kapal, eh!
Pwede nang ipang-patay ng ipis, hehe. YUCK!
"Ehem, ehem."
"Ay, anak ka ng nanay mong baboy!" Gulat na sabi ko. Natigilan kami sa paglalakad ni Travis at tila ba'y nagulat din siya nang may marinig siyang boses mula sa harapan namin. Inangat ko ang tingin ko at mas lalo pa akong nagulat nang makita ko ang mukha ni Zent.
Sa sobrang gulat ko, bigla akong napasandal kay Travis ng wala sa oras. Dahil naman do'n ay napahawak siya sa baywang ko bilang suporta.
Ayiee, naka-tsansing si master.
Sapak nga sa'kin siya mamaya. Hehe.
Nakita kong bumaba ang tingin ni Zent sa baywang ko kung nasaan ang kamay ni Travis at kitang kita ko rin ang pagkunot ng noo nito. Ano na naman bang problema niya?
At bakit kung saan saan na lang siya sumusulpot?
Ayiee, more exposure sa kwento-AYIEEE!
"Sinong kasabay mo uuwi mamaya?" Tanong ni Zent habang nakatingin pa rin sa baywang ko.
Ang obvious naman ng sagot sa tanong na 'yan. Wala bang ibang tanong? Katulad ng...
WILL YOU BE MY GIRLFRIEND? O kaya naman..
WILL YOU MARRY ME?
Wala bang gano'n? Wala? Ah, okay. Kingina, taas ng pangarap.
"Ikaw, malamang."
Agad akong napahawak sa bibig ko matapos kong sabihin 'yon. Ay shunga! Ba't mo sinabi 'yon sa harapan ni Travis?! Sigurado akong magtataka na 'yan tapos kukulitin niya ako hanggang sa mainis ako sakanya!
Eeeeeehhh. T^T
Bobo ever lang, Merlliah Kate?
Sumulyap ako kay Travis na kasalukuyang nakatitig sa'kin na may pagbabanta pang itsura sa mukha na para bang sinasabi niya na 'anong ibig sabihin niyan, Merlliah?' o kaya naman 'selos ako'-Hindi, joke lang.
Bumalik ang tingin ko kay Zent na ngayon naman ay nakangisi sa hindi ko malaman laman na dahilan.
Isa rin 'tong nakasinghot! Marijuana ata! Tulungan niyo! Baka malala na. T^T
Awtomatiko akong napahakbang pa paatras nang makita kong naglakad palapit sa'kin si Zent. Kinuha niya ang kamay ko at hinila niya ako papalayo kay Travis.
Bumaba ang tingin ko sa magkahawak naming kamay at sinubukan ko talagang pigilan ang pagngiti ko.
Lintek ka talaga, Zent William! Hindi tayo bati!
"Uwi na tayo, Kate?" Tanong pa ni Zent sa'kin.
Hindi ako nakasagot at nanatili lang akong nakatingin sakanya. Teka lang, madlang pipol! Gusto ko munang i-appreciate ang kagandahan ng mukha niya ngayon.
Parang gusto ko tuloy siyang ipasok sa kwarto ko mamaya.
JOKE! (Seryoso ako ro'n.)
Natauhan rin naman ako nang bigla akong hilain ni Travis sa braso. Pero dahil dito ay hinila naman ako ni Zent pabalik. And then vice versa.
"Merlliah, you have to explain-,"
"Umuwi na tayo, Kate!"
"No, she's not going anywhere! She's not yours!"
"She's not yours either!"
JUSMIYO MARIMAR! Ano na naman bang katarantaduhan 'to, author?
Pabigla kong binawi ang magkabila kong braso sa pagkakahawak nilang dalawa. "Ano ba naman kayo! Mag-aaway na nga lang kayong dalawa, english pa! Tapos may pa-hawak hawak effect pa kayong nalalaman! Aba't gusto niyo bang pag-untog-in ko 'yang mga ulo niyo since matigas din naman 'yang mga 'yan?! Hindi 'yung ibabang ulo ang tinutukoy ko!"
Hindi nakapagsalita ang dalawa. Aus lang 'yan, pAr! PaR@ sIlAnG Mg@ tAnGa eh. JEjE AMPS.
Lumingon ako kay Zent. Aba, sinadya ko pa talagang i-flip ang buhok kong walang ligo nang makalingon ako sakanya. Sayang naman kung sayangin ko pa ang panahon 'di ba. Baka mapunta pa sa iba 'yan.
Mahirap na. Baka mAgpAk@mAtaY ako, bes.
"At ikaw namang lalaki ka!" Sigaw ko sabay turo pa sakanya. Pero poker-face lang si k0yA mo, taena. Kina-career masyado ang pagiging lalaking bida rito sa istoryang ito, eh. "Bakit ba kung saan saan ka na lang sumusulpot, ha?! May gusto ka ba sa'kin?! Aba, kung oo, sabihin mo na para madaliin na natin 'to!"
Lumandi pa ang gaga. HAHA.
Kinunotan niya ako ng noo na ikinalaglag panga ko. Gagu ba siya? 'Di 'to aus, fren. Help me.
Pero 'di ba, sabi nila "silence means yes"?
Aba, ewan.
Inirapan ko siya at iniwas ng tingin. Hala, kinareer naman masyado ang pagiging pabebe, oh. Padala nga ako sa cebuana lhuillier, plez. "Hayaan mo na nga lang ako, Zent." Ay, p0tA. May pag-gano'n! "Saka, may pupuntahan kami nitong si Travis." Pinasadahan ko naman ng tingin ang lalaki at siniko. "Di ba, boi?"
Mukhang wala na naman siyang magagawa kaya tumango na lang siya. Ayiee, good boi!
"Oo," Malamig niyang saad. "May pupuntahan kami, at pag-uusapan."
Pero mukhang pinagsisihan ko naman ang pagyaya ko sakanya ng makita siyang seryoso sa sinasabi niya. Jusko naman dai, nakakatakot naman pala 'tong hayop na 'to kapag seryoso.
"Okay, fine." Rinig ko naman sabi ni Zent kaya napalingon ako sakanya. "I don't care about you anyways."
Napanganga ako sa sinabi niya. Watda? Ganyan ba talaga siya ka-manhid? Ipinaglihi ba 'yan sa anesthesia kaya gan'yan 'yan? Napasinghot ako at napaiwas ng tingin nang makita ko siyang maglakad papalayo sa'min.
Sumulyap pa akong muli sakanya at buong lakas na sumigaw. "LINTEK KA! ANG MANHID MO!"
Napansin ko pa ang pagtigil ni Zent sa paglalakad pero hindi ko na 'yon pinansin at agad ko na lang hinila si Travis papalabas ng school.
"Travis," Tawag ko sakanya ng hindi man lang siya nililingon. "Walwal tayo! Gusto kong magpakalasing!"
Napabitaw siya sa pagkakahawak ko sa kamay niya kaya naman napalingon ako sakanya ng nakakunot ang noo. "No, Merlliah. Hindi ako papayag. Hindi ka pa pwedeng maglasing, aba!"
"Eh sa gusto ko, eh!" Pagpupumilit ko.
"Hindi pwede nga!"
"Sige na! Ngayon lang naman! Pagbigyan mo na ako, please?" Pagpupumilit ko pa habang nakabusangot. Kung hindi ko lang sana trip magwalwal ngayon, hindi ko gagawin 'tong pagpapakyut ko sakanya.
Alam ko namang effective talaga kapag ako na ang nage-aegyo, eh!
Sa cute ko ba namang 'to? SA CUTE KONG 'TO?
Napabuntong hininga siya at napasuklay sa buhok niya. "Okay, sige. Pero i-promise mo sa'kin na konti lang ang iinumin mo kundi bugbog ang abot ko sa tatay mo!"
Nginitian ko siya ng pagkalapad lapad. "Hindi 'yan, ser."
Pero sa totoo lang, mahina talaga ako sa alak. HAHA.
----
"Hindi niya ako mahal, Travis! Hindi niya ako mahal! Hindi niya ako mahaaaaaal! HUHUHU!" Mangiyak ngiyak kong sabi sabay inom ng diretsuhan sa bote ng alak na hawak ko.
Shet, mukhang na-sobrahan na ata ako sa alak.
"Stop it na, Merlliah." Pagpipigil na sa'kin ni Travis sabay kuha sa bote ng alak na hawak ko. Napabusangot naman ako dahil do'n. "Hindi mo pala nasabi na mahina ka sa alak. Eh halos dalawang tungga pa lang ang naiinom mo pero lasing na lasing ka na!"
Sinapak ko siya sa mukha pero dahil nanghihina na rin ako ay hindi na napalakas ito. "Wala akong pakielam! HUHU! Ano bang pwede kong gawin para mahalin niya lang ako pabalik? Sabihin mo, Travis! Sabihin mooooo!"
Pero natigilan naman ako bigla sa paghahagulgol ng hinawakan niya ang magkabila kong kamay.
Napa-angat ako ng tingin sakanya. Para siyang tangang nakatitig sa'kin sa hindi ko malaman laman ang dahilan. Kinunotan ko siya ng noo at pilit pang binabawi ang mga kamay ko sa pagkakahawak niya pero hindi naman niya ako hinahayaan.
Ano bang problema niya?
"Gano'n mo ba talaga ka-gusto ang pinsan ko?"
Napatulala ako sa tinanong niya. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko din alam kung ano ang isasagot sakanya. Nababaliw na ba ako? Ah, kung anu-ano na lang yata ang naririnig ko!
Mag-pinsan silang dalawa? Heck, no!
"Merlliah," Tawag sa'kin ni Travis. "Answer me, please. Gano'n mo ba talaga ka-gusto si Zent? Gano'n mo ba talaga ka-gusto ang pinsan ko?"
Wala sa sarili akong tumango bilang sagot. "Oo, Travis. Gustong gusto ko siya. Hindi ko nga rin alam kung pa'no nangyari 'yun, eh. Basta ang alam ko lang, gusto ko na siya. I like him. I like your cousin."
"Bakit hindi na lang ako?" Nabigla ako ng bigla niyang halikan ang likod ng mga kamay ko.
Hindi na ako makapagsalita. Hindi rin makapagsink-in ang mga sinasabi niya sa utak ko. Una, magpinsan sila, tapos ngayon.. ngayon naman itong ginagawa niya?!
Kumikirot kirot na rin ang ulo ko kaya hindi ako makasagot.
Bakit pa ba kasi ako nagyayang magpakalasing in the first place! Aish! Yari ako kay mama nito!
Binitawan niya ang kamay ko na para bang pinagsisisihan niya ang paghawak dito. Ang wierd na niya, ha! “Sorry, Merlliah. I know, bakit pa ba ako nagtatanong kung alam ko na naman ang sagot? Alam kong hinding hindi mo ako makakayang mahalin. At alam ko ring hinding hindi ako magiging siya.. siya na mahal na mahal mo.
“Pero hindi ko na sasayangin ang pagkakataon na 'to habang lasing ka pa.” Tinignan niya ako at malungkot na nginitian. “Mahal na mahal kita, Merlliah Kate de Capili. Kahit na masakit, basta makita lang kitang masaya, okay na ako. Thank you for coming into my life.”
Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko ngayon. Gusto ko siyang yakaping mahigpit at humingi ng tawad pero masyado akong wala sa sarili. Ni hindi ko na nga alam kung ano ang iisipin.
Umiwas ako ng tingin at napakagat ng labi. “Iuwi mo na ako, Travis.”
“Sure, mi'lady.”
“Ako na ang mag-uuwi sakanya.” Napahinto ako ng may marinig akong isang pamilyar na boses ng isang lalaki sa harapan namin. Pero hindi naman na ako nag balak na tignan ang mukha niya dahil feeling ko kahit anong oras ay ma-na-knock out na ako.
“No, ako na.” Rinig ko namang pagpupumilit ni Travis.
“Stop,” Pagtitigil naman nung lalaki sakanya. “How would you take her home if you don't even know where her house is? Kaya ako na.”
Naramdaman kong hinila ako nung lalaki pero nang tumigil siya ay bigla akong napasandal sa dibdib niya. Hala, shet. Pamilyar rin 'tong amoy niya!
Parehas sila ng amoy ng crush ko.
“So ikaw alam mo?” Sarkastikong tanong ni Travis sakanya.
“None of your business.” Sagot naman nung lalaking nakayakap na sa'kin ngayon.
Ipipikit ko na sana ang mga mata ko at handa na sanang bumigay ng may biglang bumuhat sa'kin na parang bagong kasal. Napatili naman ako dahil do'n.
Lintek! Hindi kami newly weds! Highschool pa lang ako!
“Where are you taking her?!” Travis.
“I'm taking her home! Kaya pwede ba? 'Wag ka ng makielam!”
After that, knock out na ako. Hindi na talaga kinaya ng mga mata ko.
----
End of Chapter 18.
----
Nicholle: SA WAKAS! HAHAHA. May update rin. Buti na lang sinipag na ako. Hihe. :>
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro