Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17

Chapter 17 - Sushi

Copyright © justcholleme.

----

Hindi ako mapakali. Hindi makagalaw. Pinagpapawisan na ako at ang bilis na ng tibok ng puso ko. Ewan ko ba, nagkaroon na ata ng party sa loob nito kaya grabe na lang kung tumibok.

Ako na ba ang susunod na Rapunzel?

Haba ng hair ko, eh!

Magsasalita na sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Napabitaw naman sa'kin si Zent ng ikinabuntong hininga ko. Akala ko naman buong araw na kaming ganoon, eh. Buti na nga lang at nahiram ko pa ang lumang selpon ni ate na medyo sira na rin.

Pero keri lang naman, hehe!

Kinuha ko na ang cellphone ko sa bulsa at agad na sinagot ito.

“Yoboseo?”

(“Wag mo kong ma-yobo-yobose—basta 'yon! Ikaw na bata ka, kung anu-ano na lang pinaggagagawa mo sa buhay mo! Sixteen ka pa lang! Tapos ngayon, makikita ko na lang na ka-yakap mo na 'yang si Zent?! Pero infernes ha, kayo na ba? Aish! Susumbong kita kay mama at papa!”)

Napakamot ako sa ulo ko dahil sa malakas na boses ni ate Tisay na bumungad sa'kin. Napasulyap ako kay Zent na nandito pa rin sa tabi ko na sigurado akong narinig ang sinabi ni ate Tisay.

Punyetaaaaaa!

Sige lang, ate! Isumbong mo lang ako kay mama at papa! HEHEHEH.

“Ano ba ate, ano bang pinagsasasabi mo? At paano mo naman nalamang—,”

(“Tern arawnd, Merlliah Kate!”)

Agad akong lumingon sa likod ko at gano'n na lang ang pagkagulat at paglaki ng mga mata ko ng makita ko si ate Tisay na may hawak na isang plastik ng.. sushi?

“Ate, ano na naman bang entrance 'yan?” Nagpipigil tawa kong tanong.

Pumamewang siya. (“Aba, pasalamat ka nga at nag-effort pa akong bumili ng sushi para sa'ting dalawa! Tapos ito madadatnan ko? Hindi kita bibigyan!”)

Pinatay ko na ang tawag at agad na tumakbo papalapit kay ate Tisay. Pinasadahan ko ang tingin sa plastik ng sushi na dala niya. Dinilaan ko ang labi ko at bumusangot.

“Kahit one lang?” Nakabusangot kong tanong.

Umiling siya. “Kahit one, hindi pwede. Pero kung i-eexplain mo kung ano 'yung nangyaring eksena niyo kanina, baka bigyan kita.”

Napahawak ako sa dulo ng buhok ko at nilaro-laro ito.

Ni hindi ko nga alam kung ano rin ang nangyari kanina. Siguro kasi ang ganda ko lang talaga!

Dalawang nagwa-gwapuhang lalaki ang may gusto sa'kin!

Kaya may karapatan akong mag-feeling!

Mag-assume, kay Zent.

'Yung kay Travis, naiintindihan ko na 'yon. Hinalikan na niya ako, eh. Sapat na sa'kin 'yon para maging ebidensya na may gusto nga talaga siya sa'kin.

Pero itong si Zent William Andrada!

Iyon ang hindi pa ako sure.

Malay mo naman 'di ba?

“Kate,” Natauhan ako ng may biglang umakbay sa'kin. Tinignan ko 'yung kamay na nasa balikat ko at sinundan ko naman ito hanggang sa matignan ko ang mukha ng taong umaakbay sa'kin ngayon.

SHET! AYAW KO NA TALAGA. T^T

Agad na akong umiwas at tumingin kay ate Tisay na papalit palit ang tingin sa'ming dalawa habang nakataas ang isang kilay. “Mamaya ko na lang sa'yo i-eexplain, ate Tisay. Kain muna tayo sushi, hehe. Gutom na ako, eh!”

Echosera. Dami mo ngang kinain kanina.

Patay gutom!

----

Habang kumakain kami ni ate Tisay ng sushi ay ilang na ilang ako dahil nakikita ko sa peripheral vision ko na kanina pa ako tinititigan ni Zent. Nakaakbay pa siya sa'kin tapos sinusundot sundot pa niya 'yung pisngi ko.

NAKAKA-kilig 'di ba? FUTAINEEEES!

Amina 'yung lubid! Magpapakamatay na ako!

“Hoy, Zent!” Tawag ni ate Tisay sa letseng nasa tabi ko kaya napatingin kaming dalawa sakanya. Tumigil na rin siya sa pagsundot ng pisngi ko ng ikinainis ko naman. Enebenemenyeneh! “Pangalawang beses ko na 'tong tatanungin sa'yo, ah? May gusto ka ba sa kapatid ko?”

Napasubo ako ng isang buong sushi na halos mabilaukan naman ako ng bigla 'yong tanungin ni ate Tisay.

May balak ata siyang patayin ako, ah! Ano, sapakan na lang? Fite me, fite me?!

Nakita ko ang pagsulyap sa'kin ni Zent na muntik ko nang ikinasigaw. Ang sarap tusukin ng mata, shet! Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o iinisin dahil sa ginagawa niya, eh!

Mukhang hindi na naman ako makakatulog mamayang gabi! PUNYETA!

“I smell something malansa sainyong dalawa, eh.” Dagdag pa ni ate Tisay.

“Kapal mo ate, ah!” Sabi ko at muling sumubo ng isang buong sushi sa bunganga ko. “Malansa ka diyan?! Naligo ako kanina! Nag-toothbrush din ako! Kaya wala kang karapatang sabihin na may naamoy kang malansa! Tanungin mo kaya 'yung nasa tabi ko! Baka siya 'yung hindi naligo diyan.”

“Pfft,” Mas lalo naman akong na-triggered nang marinig ko ang pagpipigil tawa ni ate Tisay. Ay, ang kapal! Talagang tumatawa pa siya, oh! “ADIK KA BA, MERLLIAH KATE?! O sadyang bobo ka lang?”

“Ang sakit mo naman magsalita!”

Nanggigigil na ako, ah. STAP ME NGA! Baka hindi ko mapigilang kalbuhin ang sarili kong kapatid.

“Ang ibig kong sabihin kasi,” Sumimangot ako at nag'nye nye'. “Punyeta, makinig ka hoy! Tinagalog ko lang kasi 'yung fishy! Kaya imbes na fishy, malansa 'yung sinabi ko! Ano ba naman 'yan, Meme?! Taga-bundok ka ba?! O baka naman nagtime travel ka?! Umamin ka, hala!”

“Eh ikaw, 'te?” Panimula ko. “Ikaw ata 'yung taga-bundok dahil diyan sa buhok mo, eh. Naligaw ka ba? Yak! May pa-dahon dahon design ka pa diyan, ah! Teka lang picturan ko, hehe.”

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at pinicturan si ate Tisay. Napahagalpak naman ako sa tawa nang makita ko ang picture. “Ang chaka mo dito, ate Tisay! Aylabyu! HAHAHAHA!”

Mas lalo naman akong natawa nang makita kong inayos ayos na niya ang buhok niya habang nakangiwi. “Gaga! First time ko lang kasi dito kaya medyo naligaw ako! Hindi mo ko masisisi! Pero teka nga! Hindi ba't kayo dapat ang pinag-uusapan dito? Paki-explain kung bakit kayo magkalapit kanina! Paki-explain! I deserve an explanation!”

“Wag kang magmala-Piolo Pascual diyan, ate Tisay! Hindi bagay sa'yo.”

“Tse! Kailangan ko nga ng explanation! Ngayon na!” Pagpupumilit pa niya.

Paano ko nga ba naman i-eexplain, eh kapag iniisip ko pa lang, parang mahihimatay na ako. Bwisit! Its unbelieBUBBLE talaga!

Pero mukhang walang may balak na umimik sa'ming dalawa. Sinulyapan ko si Zent para alamin kung ano ba ang reaksyon niya sa sinabi ni ate Tisay. Bahagya siyang nakayuko at mukhang may malalim na iniisip.

Ano naman kaya 'yon?

Ako ba? HEHE. Kingina naman, Merlliah! Umayos ka ngang malandi ka. Slight lang pala.

Ibinalik ko ang tingin ko kay ate Tisay na sakto namang nakatingin rin siya sa'kin. Tinaasan niya ako ng kilay at nginusuan pa si Zent na mukhang sinasabi sa'kin kung anong nangyayari sakanya.

Napakibit balikat lang ako.

Malay ko ba kung anong problema niyan? Hindi naman ako siya.

“Alam mo ate Tisay,” Pananalita ko para matigil na ang katahimikan na bumabalot sa'ming tatlo. Tumayo na ako at hinawakan ang kamay ni Zent. Napa-angat naman siya ng tingin sa'kin dahil do'n. Shet, kinikilig ako. SHEET. “M-malapit na ring magsimula 'yung susunod naming klase. Salamat sa siomai ah? Balik na kami. Sa susunod ulit!”

Hinila ko na papalayo kay ate Tisay si Zent pero hindi pa kami nakakalayo ay narinig ko siyang sumigaw.

“Gaga! Sushi 'to! Bobo ever!”

Tss. Bobo niya mukha niya. Pero emegerd lang, hawak ko pa pala ang kamay ni Zent habang naglalakad kami papunta sa classroom. Pero pinilit kong maging kalmado na para bang hindi big deal sa'kin ang HHWW namin ngayon.

Enekebe, susulitin ko na 'to, 'no!

Ngayon na nalaman kong crush rin pala ako pabalik ng crush ko.

Punyeta, nakakakilig lang! Parang gusto kong magpa-cremate kapag namatay ako. Kase kapag namatay talaga ako dahil sa kilig, baka bumangon pa ako!

Echos! HAHAHA.

Buong tapang kong nilingon si Zent na sakto namang nakatingin din siya sa'kin kaya ikinabilis ito ng tibok ng puso ko. Enebe, Zent William! 'Weg ke ngeng genyen.

“Okay ka lang?” Okey ke lang be, bebe ke? HEHEHEHE.

Tumango siya at umiwas ng tingin pero napakagat naman ako ng labi nang maramdaman kong mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa kamay ko. Agad naman akong umiwas at napangiti.

Sorry naman! Hindi ko na mapigilan, eh!

----

End of Chapter 17.

----

Nicholle: WAH, ngayon lang ako uli nakapag-update pero ang ikli naman. Mianhaeyo! Mag-iisip muna ako ng mga love scenarios para sa mga next chapters.

Sorry talaga! Wuvyu.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro