Chapter 16
Chapter 16 - Crush
Copyright © justcholleme.
----
Tahimik lang akong naglalakad sa hallway ng school habang sumisipsip ng lollipop. 10 minutes pa bago magstart ang klase ko kaya bored na bored ako ngayon. Sana nagdala ako ng libro-pero teka lang, kailan pa ako nahilig sa books?
Minsan lang ata? Hindi naman ako nagdadala ng libro sa school dahil busy akong titigan si crush.
Which is, si Zent-Zent. Hehe.
"Oh my God!" Bigla akong napasinghap ng may nakabangga ako. Shunga shungang, Merlliah! Bakit ba hindi ka tumitingin sa dinadaaanan mo?!
Well.
Dumapo ang tingin ko sa damit niya kaya naman napa-'gudnes' ako ng makitang natapon ang iniinom niyang iced tea sa damit niyang kulay white. Akma na sana akong kukuha ng tisyu sa bag ng maalala kong hindi nga rin pala ako nagdadala nun.
Hala ka, Merlliah Kate! What to do?!
"Sorry! Sorry po! Hindi ko po sinasadya-,"
"Hindi mo sinasadya?!" Nabigla ako ng bigla siyang sumigaw pero agad rin naman akong napangiwi ng marealize kung kanino galing ang boses na iyon. Inangat ko ang tingin ko sa kanya at tama nga ako! "Aba, kingina mo palang gaga ka, eh! Bulag ka ba?! Bakit ba hindi ka tumitingin sa dinadaaanan mo?! Gosh! My dress! Ugh!"
Arte arte nito, sigurado naman akong madami siyang dalang damit diyan.
Yayamanin ka, remember?!
Baka gusto mong isampal ko sa'yo 'yung iPhone 4s ng ate ko?! Hmpf!
"Sorry na nga eh, 'di ba. Bingi ka ba? Hindi ba't sinabi ko na ang magic word? O baka namang gusto mong makarinig ng 'abracadabra'?" Sagot ko sakanya. Aba, aba. Hindi ako magpapatalo, 'no!
Sa ganda kong 'to?! SA GANDA KONG 'TO?!?!
Psh, char.
"Aba't sumasagot ka na ah?!" Sigaw niya.
Tinanggal ko ang lollipop ko sa bibig. Pumamewang ako ta's nag chin up. Parang magmo-model lang. 'Yung parang may photoshoot, HAHA. Okay, Merlliah! Focus! May eksena kayong ginagawa ng gaga! "Talagang sasagot ako! Anong gusto mo, tumahimik lang ako diyan pagkatapos mo akong sigawan?!"
"Ano bang ginagawa nila?"
"May fight na naman ba?"
"Narinig kong siya daw 'yung sinabunutan ni Dianne nung may eksena sila ni Zent. My gosh! Ang ganda pala niya, 'no?"
Pinilit kong hindi maghair flip dahil sa narinig ko mula sa mga schoolmates ko. Awiee, may kakampi na ako! Yehey! Bigyan ko sila ng lollipop mamaya. Hihe.
"Because you ruined my dress, dammit!"
Masyado namang confusion ang sinasabi ng gagang 'to. I can't undersit her talaga! Like, emegerd!
"Ano ba naman 'yan!" Sabi ko at umirap. "Alam mo minsan, hindi talaga kita maintindihan. May dress na nga, may dammit pa? Pero teka, parehas lang ba 'yun? Basta! Ang gulo gulo mo talagang babae ka!"
"Tangena, bobo nga lang."
"Iyan ang sinasabi nilang 'beauty without brains' hihe."
"Gaga, brain lang 'yon! Isa lang naman utak natin, eh!"
"Pwes sa'yo, hindi! 'Yung isa mong utak, mga pogi ang category! 'Yung isa naman, pornhub!"
"Aba't ikaw talagang-,"
"What the hell are you talking about?!" Sigaw niya pa sa'kin bago siya humalakhak na akala mo wala ng bukas. Kapag ikaw na-ubo, patay ka na. Tapos nagkatotoo nga 'yung hula ko. Napaubo siya ng tatlong beses. "Gosh! Kasalanan mo 'to, eh! Akala mo ang ganda ganda mong gagita ka!"
"Aba, aba! Kumpara sa'yo? Talagang, oo!" Hirit ko.
Nakita kong mas lalong naging dark ang aura niya kaya napangisi ako. Sige, mainis ka! Ipapamukha ko sa'yong hindi mo pag-aari si Zent! Kapal ng fes!
"Bwisit ka talaga! Kanina pa ako nagtitimpi sa'yo! Gustong gusto na kitang sampalin ngayon! But for the sake of myself, hindi ko muna gagawin 'yon! Ganda ganda pa naman ng make-up ko ngayon, tapos sisirain mo lang? Alam mo bang mamahalin 'tong mga make-up ko? Galing pa 'to sa-,"
"Stap!" Pagtitigil ko sakanya. "Una sa lahat, bakit ba ang dami dami mong sinasabi? Pangalawa, wala akong pakielam kung maganda 'yang pagkaka-color mo sa mukha mong coloring book! At pangatlo! Wala akong pakielam kung saan pa galing 'yang mga colors mo!"
"Tangi-,"
"Kate!" Hindi na natapos ni Dianne ang pagmumura niya ng bigla kong marinig ang boses ni Zent. Agad akong lumingon kung saan ko banda narinig ang boses niya at bumungad naman sa'kin ang naiiritang mukha nito.
"Zent my loves! Buti nandito ka!" Malambing pang sabi ni Dianne at akma na sanang yayakapin si Zent ng tinabig niya ito at pinalayo sakanya.
Nakatitig lang siya sa'kin na para bang ako lang ang pinakamagandang nilalang na nakikita niya ngayon-ay sige, mangarap ka pa, Merlliah! Mangarap ka pang hinayupak ka. Baka sakaling matupad. Hihe.
"Zent my loves! Why are you like that to me? Ugh, by the way. Alam mo ba ang ginawa ng hitad na 'yan sa'kin? Sinigaw-sigawan niya ako! Nakakainis siya, Zent my loves! Nakakainis siya-,"
"Shut up!" Sigaw ni Zent dahilan para mabigla si Dianne at matigilan.
Naglakad siya papalapit sa'kin habang nakatitig pa rin sa maganda kong mukha. Gano'n ba talaga ako ka-ganda, ha? Kinikilig ako, eh. Pigilan niyo ko! "Come with me," Saad niya at hinila ako sa pulsohan ko patungo sa.. saan nga ba?
"Bakit mo ako dinala rito?" Tanong ko sakanya.
"Ano na naman bang ginawa niya sa'yo?" Tanong naman niya at tila ba'y hindi pinansin ang tanong ko. Nakasandal kami rito sa pader habang siya ay nakatitig pa rin sa'kin. Nailang naman ako at umiwas ng tingin. "Sagutin mo ko, Kate! Anong ginawa niya sa'yo?"
Pinigilan kong hindi mapangiti. Tang-na juice! Concerned siya sa'kin!
"Ano, uhm. Nabangga ko siya, tapos natapon 'yung iniinom niya sa damit niya, tapos duon! Duon na niya ako sinigaw-sigawan. Syempre hindi ako nagpatalo. Sinigawan ko rin siya pabalik. O 'di ba? Para kaming tanga? Nakakainis talaga 'yung babaeng 'yun! Wala ng magawa sa buhay!"
"Tapos, anong sinabi niya sa'yo?" Tanong pa niya.
"Wala naman, nagalit lang siya sa'kin pero 'yung sinabi niya sa'kin kanina sa garden habang kasama ko si Travis ang sasabihin ko sa'yo." Sagot ko naman sakanya.
Tapos ayon, naalala ko na naman 'yung paghalik niya sa'kin kanina.
Jusko po, pwede bang magka-amnesia? 'Yung makakalimutan ko lang 'yung part na hinalikan ako ni Travis, please.
"That time when you kissed Travis?"
Tinignan ko siya at nakita ko ang pag-igting ng panga niya. Awiee, gumagaya sa mga jonaxx boys. Charot! "Ano ka ba, hindi ako ang humalik sakanya! Siya ang nauna! Saka, bakit parang galit ka?" Sinundot ko siya sa tagiliran. "Yiee, selos ka 'no?"
Sinamaan niya ako ng tingin. "Stop. Its not funny. And i'm not jealous. Why would i be jealous?" Tapos inismiran pa niya ako.
Epic fail na naman ang panlalandi mo, Merlliah Kate! Pero hoy! Hindi ako malandi! Slight lang! Ay charot. HAHAHA.
"Eh bakit ba english ka ng english?"
"Eh bakit ba ang dami mo pang sinasabi? Just tell me already!"
Pasimple naman akong napairap dahil do'n sa sinabi niya. Bakit ba masyado siyang atat? I mean, pwede naman siyang maging atat kung atat na talaga siyang maging boyfriend ko, pero kapag atat siya sa mga ganitong bagay, meh, hindi ko masyadong bet. Bakit ba kasi atat na atat siya?!
"Kate!"
Natauhan ako. "Kalma lang! Kalma lang. Hindi kita ni-aaway. Ako yata 'yung ni-aaway mo, eh! Susumbong kita kay mama! Ni-aaway mo ko! Sinisigawan mo pa ko!" Ipinagkrus ko pa ang mga kamay ko at bumusangot na parang bata.
Bakit ba? Eh sa gusto kong magpacute eh?!
Wala ka ng problema doon! Kung may reklmao ka, itawag mo sa LTFRB 'yan! Kapal ng fes nito. Sapakin kita, tamo?!
"Damn," Saad niya tapos pumikit na parang tanga. Bakit ba siya pumipikit? "Don't be like this, Kate. Just tell me what she said then we're done. Please?"
English na naman. Kainis! Hindi ba niya alam na dumdugo ang ilong ko sa mga ganito?! Hindi ba niya alam 'yon?!
Umiling ako habang nakabusangot pa rin. "Ayoko! Ni-aaway mo ako, eh! Bad ka! May pa-'my loves-my loves' pa sa'yo 'yung babaeng 'yun! Ang landi talaga! Sorry ah? Pero hindi ko na mapigilan ang sarili ko, eh! Naiinis ako kapag malapit sa'yo si Dianne! Pwede bang layuan mo siya-Zent! Anong ginagawa mo?!"
Nalaglag ang panga ko ng bigla niya akong hilain papalapit sakanya. Nakapulupot ang mga braso niya sa baywang ko habang magkadikit ang noo naming dalawa.
Nagtaka pa ko ng makita ko siyang nakangiti. Oh my gosh!
Pwede ng mamatay? Ngiti pa lang niya, tunaw na agad ako. Parang ice cream, kumbaga.
“Gagu ka talaga, ang lakas mong—,” magpabilis ng tibok ng puso.
“Ang lakas kong ano?” Tanong niya habang nakadikit pa rin ang mga noo naming dalawa. Tinitigan ko lang siyang nakapikit habang kinakagat kagat ang ibabang labi na mas lalong ikinabilis ng tibok ng puso ko. Shet!
“Wala!” Pasigaw kong tanong. Sinubukan ko pang kumalas sa pagkakayakap niya sa'kin pero hindi naman niya ako hinahayaan.
Nevermind! Hindi na lang pala ako lalayo. Ganda ganda ng puwesto namin rito, ta's sisirain ko lang? Aba, pandagdag kilig na rin 'to sa kwento kasi baka namimiss niyo ng kiligin.
Kung kinikilig nga kayo.
“Bitawan mo nga ako!” Joke lang, 'wag mo kong bitawan, please.
Umiling siya na mas lalong ikina-init ng magkabilang pisngi ko. “Ayaw ko,”
Ihh, 'weg ke ngeng genyen, Zent! Dinaigan mo pa si Elijah Montefalco sa pagpapakilig, ah.
Gusto na talaga kitang maging boyfriend. Huhu.
Inangat ko ang kanang kamay ko at pinisil ko ang pisngi niya. “Umamin ka nga, Zent-Zent. 'Wag mo kong cha-char char-in sa tatanungin ko sa'yo, ah. Kung ayaw mong kantahan kita ng 'Lie' ng boypren kong si eunwoo-ah.”
Tinanggal na niya ang pagkakadikit ng noo namin sa isa't isa at kinunotan ako ng noo. “You have a boyfriend? Sino?”
Patuloy ko pa ring pinipisil ang pisngi niya. “Si eunwoo-ah,”
“Who's that?”
“Boypren ko nga! Pa-ulit ulit ka, ah. Magto-two years na kami sa October. Staying strong kami, 'di ba? Alam mo, ang gwapo gwapo ng boypren kong 'yon! Para siyang anghel na binaba mula sa langit—,”
“Stop,” Natigilan ako sa pagsasalita ng bigla niya akong pigilan. “I don't want to hear anything about your boyfriend. Wala akong pakielam kung may boyfriend ka na. But, Merlliah..”
Napakapit ako sa leeg niya. “Bakit?”
“What will you do if i told you i have a crush on you?”
----
End of Chapter 16.
----
Nicholle: Sorry kung bumabagal na ang pag-update ko, HAHA. Aside from hindi araw-araw may internet sa bahay, pasukan na rin, bes! Hindi ko na keri. So, ayan.
Pinaamin ko na si Zentimos kase why not, 'di ba? Crush lang naman.
Speaking of crush! Masama bang magkaroon ng over 5 crushes sa unang araw pa lang ng klase? Ta's transferree ka pa? Masama ba 'yon? Kung oo, paki-dala naman ako sa kulungan, please.
Thank you. HAHAHA, chos!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro