Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15

Chapter 15 - Gusto kita

Copyright © justcholleme.

----

FUTAINES!

Bakit ba nagwalk-out 'tong si Zent nang makita niya kaming—uhm, nag.. mwah mwah chup chup? Asar, dapat kay Zent 'yon, eh! Siguro galit siya ng bigla niya kaming nakita sa ganoong posisyon kaya agad siyang nagwalk-out.

“Zent!” Pa-sigaw na tawag ko sa pangalan niya habang hinahabol siya. Bwisit naman! “Zent, woi! Bakit ba ang bilis mo maglakad! Tumigil ka na, ang sakit na ng paa ko—hoy!”

Bigla akong napasubsob sa likod niya ng bigla siyang tumigil sa paglalakad. Napabusangot naman ako at napasipa sa hita niya. “Nababaliw ka na ba? Bakit ka ba kasi lumayas? Nakakaasar—,”

“Bakit mo ba kasi ako sinundan?” Pagpuputol niya sa sinasabi ko habang nakatalikod pa rin sa'kin.

Magsasalita na sana ako pero bigla kong naisip kung bakit ko nga ba naman siya sinundan? Eh, hindi ba gano'n 'yung ginagawa sa mga novels? Susundan mo 'yung lalaking nagselos?

Ay, nagselos ba si Zent-Zent? Yieee, pota.

Sige, gan'to na lang. “Bakit ka ba kasi nagwalk-out?”

“Why not?” Tanong niya. “Am i just gonna stay there and watch you two, kiss?!”

Nabigla naman ako sa tono ng pananalita niya. Bakit ba siya galit? O baka naman—oh my gulay! Baka nagseselos nga si prince charming!

Nakangisi akong pumunta sa harapan niya. Pinagmasdan ko siyang nakapoker face na nakatingin sa'kin. Hinampas ko siya sa dibdib at tumili tili na parang tanga. “Ikaw, ha. Ayiee, baka naman nagseselos ka? Selos ka ba kasi hinalikan ako ni Travis? Selos ka ba kasi nakuha niya 'yung first kiss ko—?”

“What?!” Halos mag-tumbling naman ako sa gulat ng bigla siyang sumigaw. “Travis was your first kiss?!”

Nabigla ako sa naging reaksyon niya. Hindi ko naman napigilan ang pagngiti. Jusko, Jiang Chen! Nagseselos nga si bae, hehe. “Ano ka ba, Zent-Zent. 'Wag ka ng magselos. Hindi pa naman 'yun ang legit na first kiss ko, para sa'kin. Gusto ko pa rin na makuha ng pinakamamahal ko ang legit at real na real na first kiss ko.”

Umiwas siya ng tingin at umismid. “Me? Jealous? Heck, no. Stop daydreaming.” Sabi niya sabay walk out na naman.

Hindi ko na siya sinundan kasi nakakapagod na! Sakit na nga ng paa ko, eh! Masisipa ko na talaga siya papuntang Pacific ocean! Kaso 'wag na lang. Kailangan ko pa siya sa bahay, hehe.

I mean, hindi naman sa kailangan, parang ano, basta!

Basta, crush ko si Zent. 'Yun na 'yon.

----

Pigilan niyo ko. Shet, pigilan niyo talaga ako. Hindi ako makakain ng maayos dahil sa eksenang nasasaksihan ko ngayon. Nakaupo si Zent pati ang mga kaibigan niya ng hindi kalayuan kung saan ako nakaupo, at alam niyo ba?!

Do you know?! You know that you know?! Okay, stap.

Si Dianne, 'yong Dianne na 'yon, dikit na dikit na parang glue kay Zent. Aba, aba?! Ano bang karapatan niya kay Zent?! At ano rin bang karapatan ko sakanya? Hehe. Oo nga pala, nakikitira lang pala si Zent sa bahay namin, at 'yon na 'yon.

Wer jas prends. Huhu.

Pero kapag nakikita ko talagang kapit ng kapit ang malantod na si Dianne kay Zent, nada-darang ako! Nag-aalab sa galit! Parang gusto kong sumugod at sabunutan ang malantod!

Nakakaasar!

Nakabusangot akong sumubo sa breadroll ko sabay sipsip sa softdrinks. Muli ko silang sinulyapan pero mas lalo lang akong nainis nang makitang hinalikan bigla ng malantod ang pisngi ni Zent.

Nakita ko pang kumunot ang noo ni Zent na mas lalong nagpa-gwapo sakanya. Ay, nyeta. 'Yun pa talaga ang napansin ko.

Pero bwisit lang! Bwisit lang talaga. Bakit ba sobrang feeling close ng gagang 'yun sa boyfriend ko?!

“Merlliah,”

“Wag mo kong ma-Merli-Merlliah, naiinis ako ngayon, 'wag ka ng sumabay.” Iritang sabi ko. Pero ng marealize ko kung kanino pala ang boses na 'yun ay agad akong nataranta at lumingon sakanya. Tengene! Si Travis! “B-bakit?”

Mapait niya akong nginitian bago tumabi sa'kin. Awtomatiko naman akong napausog ng makaupo siya.

Naalala ko na naman 'yung nangyari kanina. 'Yung mwah mwah chup chup! 'Yung paghalik niya sa'kin kanina, beshie! 'Yung pagkuha niya ng first kiss ko na dapat ay kay Zent!

Wala na. Wala na talaga. T^T

“Are you still mad?”

Huminga muna ako ng malalim bago ako lumingon sakanya ng nakangiti. Ayoko naman kasing deadma-hin siya, 'no! Hindi naman ako gano'ng ka-cute para mag-feeling. “Hindi naman. Ano, nainis lang ako kasi wala.. na 'yung.. first kiss ko. Hindi ko sasabihin na okay lang kasi hindi naman talaga okay, hehe. Dapat kasi talaga kay—,”

“Look,” Natigilan ako ng bigla siyang magsalita. Napatingin ako sa kulay dark chocolate niyang mga mata. Ayiee, inggit ako. Chos. “I'm sorry, okay? Hindi ko sinasadya 'yung nangyari. I was mad, at nagkataong gusto pa kita kaya bigla akong na-tempt na halikan ka. I'm sorry, i'm very sorry. Please, patawarin mo ko.”

Awtomatikong nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. I can't even! Like, ugh. Ay, bad. HAHA.

Hindi ko naintindihan 'yung iba niyang sinabi pero klarong klaro ang pagkakarinig ko ng sabihin niyang 'gusto kita'. Like, emegerd. Like, wat?! Like, heart, comment, share?!

Kailangan ko si lollipop! EHHHhHhHHhh.

Bigla akong natawa. Nakita ko naman ang pagkunot niya ng noo. Ay, gwapo. Pero mas gwapo si Zent! “Seryoso ka ba diyan? Hindi ka naman ata nagpapatawa, ano? Joke 'yon, 'di ba?” Sinamaan ko siya ng tingin. “Sabihin mo!”

Umiling siya ng ikinalunok ko. “I'm not joking about my feelings for you, Merlliah. Totoo 'yun. Gusto kita.” Napakamot siya sa ulo. “I know, hindi 'to magandang way para umamin, pero napagdesisyunan ko na. Sasabihin ko na ang totoong nararamdaman ko sa'yo, Merlliah. Gusto kita, at gusto rin kitang ligawan.”

Hinawakan niya ang kamay ko at marahang hinalikan ito. Hindi naman ako makagalaw dahil sa ginawa niya.

Hinalikan niya ang kamay ko! Hinalikan niya ako?! Aba, tsansing na talaga!

Nataranta ako. Kailangan kong makaalis. Parang sasabog na ko! “Ahh,” Napahawak ako sa tiyan ko. Kunwaring may kung anong pananakit na nararamdaman. “Travis, may kung ano ata akong nakain. Ang sakit ng tiyan ko. Aray,”

Nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya kaya mas lalo kong pinag-igihan ang ginagawa ko. Shet, guys. Mukha talagang may care sa'kin ang mokong na 'to!

“What?!” Pabulong na sigaw niya. “I'll take you to the clinic—,”

Umiling ako, kina-career pa rin ang pag-aarte. “Hindi na. Natatae ako, e. LBM, siguro. Sige, CR lang ako, ha?” Sabi ko at tumayo na. Akma na sana siyang tatayo rin nang bigla akong sumigaw. “Dito ka lang! 'Wag na 'wag mo kong susundan! Kita na lang tayo mamaya. Bye!”

Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at agad na kumaripas ng takbo papunta sa CR. Naglock ako sa isa sa mga cubicles rito at nagpigil ng tili.

Si Travis?! May gusto sa'kin?! Seryoso?!

I mean, alam ko namang cute ako't lahat lahat, pero bakit ako pa? Well, hindi naman maiiwasan 'yun lalo na kung sobrang cute ka, pero bakit?! Bakit?!

Ayoko namang saktan siya, e. Aywao, 'kala mo kung sinong maganda eh, 'no. Lol.

Pero seryoso na, ayoko talagang paasahin siya. Lalo na at kay Zent nakatuon ang lahat ng atensyon ko. Alam niyo namang si Zent lang ang tanging nakikita ko, 'di ba? Hindi naman ako bulag, mga qaque, pero para sa mga love experts, ito kasi 'yung parang sakanya lang umiikot ang mundo mo.

Siya 'yung sun. At ikaw 'yung earth. Parang ganern?!

Pero bes, si Travis! Anong gagawin ko sa poging 'yun?!

Ilang saglit lang ay nakarinig ako ng mga maiingay na kababaihan na pumasok.

“Oh my God,” Sabi ng isa. “Narinig mo ba 'yung usapan ng dalawa kanina? My gosh, nasa cafeteria, tapos naglalandian? I cannot! Ugrh.”

Bigla tuloy akong nagkaroon ng thought kung sino 'yung sinasabi nilang dalawang naglalandian sa cafeteria. Sino kaya 'yun? O baka bobo lang ako at ang bobo ko para malaman kung sino 'yun?

O baka naman si Dianne saka si Zent! Naglalandian din 'yung dalawang 'yun, e.

Nakarinig ako ng pagbuntong hininga. “I know right! Ang sarap nilang ipag-swimming sa kanal. Lalo na 'yung babae, gosh. You know what, i-save na lang natin si baby Travis. I mean, perfect ideal guy siya, to be in fact. Pero 'yung babae lang talagang 'yun, argh!”

Napahawak ako sa bibig ko. Travis?! Ang bobo ko talaga, shet.

Pero teka, naglalandian ba kami? Hindi naman, ah? Palibhasa kasi ang ka-kapal ng mga mukha! Mukhang mga enclyclopedia na naging coloring book!

Nanggigigil ako. Duraan ko sila, sige.

“Ya! Who the even heck is that girl?”

“I heard her name lang sa mga kaklase niya. They said her name was Merlliah. Gosh! I mean, maganda naman 'yung pangalan niya, pero hindi ko tanggap! Mas maganda pa rin 'yung pangalan ko 'no! Ugh!”

“Teka, wait. Ano nga bang pangalan mo, girl? I forgot kase, eh.”

Halatang plastik, nyeta. Sige, magplastikan kayo hanggang sa mapunta kayo sa basurahan, mga biatch. Mga encyclopediang coloring book. -,-

“Ano ba 'yan, Yanny! Gosh. Ka-unique unique ng pangalan ko, tapos you forgot lang?”

Bakit ba ang conyo mong hayop ka? -,-

Gosh! Ka-stress.

“Eh ano nga?” Sigaw nung Yanny. “Dami mong sinasabi, girl. Bakit hindi mo na lang sagutin ang tanong ko ng diretsuhan?”

Oh, nanggigil na. HAHA. Magsa-sapakan na 'yan mamaya. Support ako.

“Ugh! The name's Winnie, 'you idiot!”

Then there was silence. Okay, pwedeng matawa? Ang hirap na magpigil ng tawa rito, oh.

Seryoso, siya ba 'yung nagpauso ng crop top? Buti naman bumalik na siya, HAHA.

Nakarinig ako ng halakhak na siguro ay nanggaling kay Yanny. “Oh my God, i didn't think that you're name would be that unique. Winnie the pooh? Is that you?”

“Stop being so maldita. Gosh. Ang unique kaya ng name ko! Bwisit 'to. I-report na lang kaya natin kay Dianne 'yung kalandian ng dalawang 'yon kaysa magtalk tayo about sa name kong unique?!”

Pfft. Nakakatawa talaga. Its like, i'm listening to a gag show. Aywao, sa'n ko ba nabasa 'yan?

Pero, report? Dianne?!

So, alagad pala sila ng malantod na 'yon?!

“Okay, fine! Sige na nga, tara na. Tapos na rin akong magretouch.”

“Buti naman. Gosh!”

Nang marinig ko ang mga yabag nila na papalabas ng CR, pati na rin ang pagbukas at pagsara ng pinto ay nakahinga na ako ng maluwag. Buti na lang hindi nila napansin na nandito ako.

Lumabas na ako ng cubicle at tinignan ang repleksyon ko sa salamin.

Muntik ko na ngang sugudin 'yung dalawang 'yun ng malaman kong alagad siya ni ate girl na malantod at inaagaw sa'kin si Zent.

Pero bigla na lang sumulpot sa isip ko ang mga sinabi ni Travis kanina sa cafeteria.

Gusto niya ako at gusto niya akong ligawan.

Okay, pwedeng sumigaw ngayon?

Nabigyan ba naman ako ng napakagwapong manliligaw?! Ang kaso nga lang, wala akong nararamdaman pabalik. Paano 'yun?

Bakit feeling ko may masasaktan ako? Masasaktan ko siya?

----

End of Chapter 15.

----

Nicholle: Ganda mo kase, 'te. Ganda, ganda, yiee. HAHAHA.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro