Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

Chapter 14 - First Kiss

Copyright © justcholleme.

----

Sabay kami ni Zent na pumasok ng school. Aba, aarte pa ba ako? Kasabay ko na siyang pumasok, oh! Hala, besh! Hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa! Gora na kung gora!

“Nakakapanibago,” Sabi ko pero ni hindi man lang niya ako pinansin. Umasa pa naman akong kapag nagsalita ako ay baka magsalita rin siya para kausapin ako. Pero deadma na naman ang inabot ko.

Sumimangot ako at bumuntong hininga. “Hindi ka talaga pala-salitang tao, ano? Pero kahapon sinabihan mo kong cute!”

Proud na proud ako doon! Sabihan ka ba naman ng cute ng crush mo kahit hindi mo alam kung totoo 'yun. Basta, proud ako! Kahit pa ipagsigawan ko 'yun sa buong mundo, hindi ako magsisisi!

Matutuwa pa ako! HIHIHI!

Nakarating na kami sa loob ng classroom pero hindi pa rin talaga siya nagsasalita. Bumusangot na lang ako. Pigilan niyo kong sipain ang taong 'to papuntang pluto kasi nanggigigil talaga ako.

Buti pa si Travis, pala-ngiti, pala-salita! Leshe, magsama kayo ng mga yelo, dun kayo sa freezer!

“Merlliah!” Speking about Travis. (Ha, ano pAr?)

“Uy, Travis!” Tawag ko rin sa pangalan niya.

Pero sa hindi ko talaga inaasahan, as in hindi, as in no no, as in never, bigla siyang lumapit sa'kin at agad na hinapit ako sa baywang para bigyan ng isang yakap.

And i'm like shook. Like, jungshook.

Nalaglag ang panga ko to the point na tumulo na 'yung laway ko—AY CHAROT! Like, eww.

Five seconds na ang lumipas pero hindi pa rin niya ako pinapakawalan. Kaya buong lakas ko siyang tinulak papuntang sun—ay joke. Joker pala ate niyo, hihe.

“Bakit mo naman ako tinulak, Merlliah? Sakit nun, ah!” Reklamo pa ni puge.

'Wag niya akong marekla-reklamo diyan, sumbong ko siya kay dumbo. Uutusan ko siyang bigyan 'to ng isang mahigpit na yakap for about like 1 hour hanggang sa ma-tegi siya.

Ano, fite me?!

“Wooooi! Ano 'yan, ha?”

“Yiee, may loveteam na pala rito sa classroom! Kakakeleg!”

“Enjoy niyo life niyo, kase wala na rin kayong life mamaya. Hihe, bitter lang.”

Pinigilan kong hindi matawa sa mga panunukso nila. Layk, wat? Labtem? No, no! Hindi pwede! Loyal ako kay Zent! Aba, aba!

Speking of Zent, sinulyapan ko siya at ganoon na lang ako na-shook na makita siyang masamang tumitingin sa'ming dalawa. Or ako lang 'yun? Assuming lang talaga ako?

Mga three seconds rin kaming nagkatitigan bago siya umiwas ng tingin at inilagay ang headset niya.

Deym, ang inet.

Nyeta, may aircon naman dito pero bakit pinagpapawisan ako? Kasalanan 'to ng abs ni jungkook!

“Walang loveteam!” Wala sa sariling sigaw ko habang nakatitig pa rin kay Zent. 'Yung para bang naka-glue ang tingin ko sakanya. Kase naman eh! I deserve an explanation! I deserve an acceptable reason! Aywao. Okay, corni. “May boyfriend na ako.”

Boyfriend ko si Zent. Hehe.

Agad na napa-'aww' ang mga classmates ko na parang aso nang marinig ang sinagot ko.

Hindi ko na babawiin ang sinabi kong 'yun dahil alam ko rin namang liligawan rin ako ni Zent balang araw. Tapos sasagutin ko siya agad, tapos mag-on na kami, tapos magpapakasal kami, tapos gagawin namin 'yung ano, tapos masasarap—este, magkakaroon kami ng baby, tapos happily ever after!

To be continued..

“May boyfriend ka na, Merlliah?” Natauhan ako nang biglang magsalita si Travis na nasa harapan ko kaya napalingon ako sakanya.

I cleared my throat. “Ahh, uhm. O.. oo?”

“Sino?”

“Secret.”

“Ilang taon na siya?”

“Secret—,”

“Saan address niya?” Napabusangot ako. Bakit ba sobrang curious niya?

“Hindi ko alam—,” Aba, hindi na naman ako pinatapos.

“Gwapo ba 'yun?” Galeng.

“Oo—teka nga! Bakit ka ba tanong ng tanong? Ikaw ba'y bakla kaya ka nagtatanong ng ganyan? Ano, gagawan mo ng slambook?” Magsasalita na sana siya pero agad ko siyang inakbayan at pasimpleng hinila papalabas ng classroom. “Alam mo, pAr. Dapat kapag mga ganyang sitwasyon, agad na inaamin! Para hindi mabigat sa kalooban—,”

Tinabig niya ang pagkaka-akbay ko sakanya at tinignan ako ng nagtataka. “What the heck are you talking about?”

“Naisip ko kasing baka bakla ka dahil—,”

“Fuck!” Nabigla ako at agad na nanlaki ang mga mata dahil sa biglaan niyang pagmumura. Ano bang problema nito?! Hindi na siya pinapalaki ng mga magulang niya ng maayos?! “I'm not gay, okay? Shit, i'm not. Sa tingin mo ba, bakla pa rin ako kapag sinabi kong may nagugustuhan akong babae?”

Hindi agad ako nakapagsalita.

Okay, tanga-tangang Merlliah Kate de Capili is on! Magpapakamatay na ko. Ay wil mis u ol!

Pero syempre charot lang. Because i believe, that 'if you love your life as much as you love park jimin, you are fantastic!'. Thank you!

“Kayong dalawa,” Halos masipa ko si Travis sa gulat nang bigla kong marinig ang boses ni ma'am sa likod namin. Lumingon ako at ngumiti sakanya. “Bakit kayo nasa labas ng classroom? Hala sige, pasok!”

Agad na sinunod ni Travis ang inutos ni ma'am pero naiwan ako dahil may naisip akong nakaka-pink ng utak.

Napakamot ako ng ulo. “Ah ma'am, sa butas ba ipapasok?”

“Aba, aba! Ikaw talagang bata ka, Ms. de Capili! Kung ayaw mong mapunta sa detention, pumasok ka na sa loob!”

Agad akong tumango at pumasok sa loob.

Malay ko ba kung saang butas ipapasok? Malay ko bang 'yun ang pumasok sa isip ko?! Sorry naman! Inosente pa rin ako, 'no!

----

“Kamusta ang weekend mo?” Tanong ni Travis habang naglalakad lakad kami rito sa garden habang kumakain ng burger na binaon niya. Sinadya niya daw talagang magpagawa sa nanay niya ng dalawang burgers para maibigay niya sa'kin 'yung isa.

Ang sweat sweat naman niya, ines.

Tumango ako at kumagat sa burger. “Okay naman. Except sa may napakagwapong ipis na nanirahan sa bahay namin.”

I was speking about Zent, y'know. Sino ba namang napakagwapong ipis ang naninirahan sa bahay namin?

You get the point? The exclamation point? Okay, waley.

“What?” Gulat na tanong niya. Nagulat ata sa sinabi ko. “Ipis? Did you spray baygon? Hindi ba 'yon nakakadiri? Hindi ba, lumilipad 'yon?”

Mukhang mas takot pa 'to sa ipis kaysa sa'kin, ah. Baka naman, bading siya?! Leshe! Ke-gwapo gwapong taong ibinaba mula sa langit, magiging half girl and half boy?

Maygash! Ka-stress.

Tinapik ko ang balikat niya. “Hindi na kailangan, pAr. Lab na lab ko 'yung ipis na 'yun, eh. Parang ayoko na ngang pakawalan.” Sabi ko sabay ngisi.

Hindi na talaga kita pakakawalan, Zent! De, charot lang. Magpapaalam muna ako sa parents niya.

“What the?” Rinig ko pang sabi niya. “Lab na lab? You? You love a freaking cockroach? Are you kidding me?!”

Hinampas ko siya sa braso. “Loko ka, tumahimik ka na nga! Kumakain tayo ta's pinapalaki mo pa 'yung topic. Eww, ha! Kaderder ka.”

Natawa na lang siya sabay kagat sa burger. Pinagmasdan ko naman siya habang kumakain. Ines, ang gwapo nga naman talaga ng lalaking 'to. Pero, parang.. may kahawig siya?

Pamilyar 'yung angle niya kapag nakaside. Parang nakita ko na kung kanino..

Ay, ewan! Basta gwapo.

Gwapo-magnet ang lola niyo. HAHA!

May Zent na nga na super duper sobrang gwapo, meron pang Travis! Aba, bongga na talaga ang life ko! Sana 'wag na lang matapos ang kwentong 'to, hihe. Sobra akong nag-eenjoy.

Sana rin makatagpo pa ako ng mga pogi in the future!

“Ooh, andito ka pala, Merlliah.” Naalis ang tingin ko kay Travis nang may biglang magsalita sa harapan namin. Halos kumaripas na ako ng takbo papuntang bahay nang makita ko ang mukha ni Dianne.

Ilang chapters na din pala siyang hindi nagpakita, ano? Sabagay, kontrabida, eh.

“Dianne..” Rinig kong sambit ni Travis habang nakatitig sakanya.

Bakit kung titigan niya si Dianne ay parang kilalang kilala na niya ito? Wat da hek is goweng on?

Bumaling si Dianne kay Travis ng walang ka-emosyon emosyon ang mukha. “And you. So, magkasama kayong dalawa?”

Oo, hindi ba halata? -,-

Boboness! (Nahawa kay Mintlyn, jusko. I suggest you read Chewy_YodaPrincess' stories, too. It'll be great. Sabay gano'n. HAHAHA.)

“Dianne..” Tawag na naman ni Travis kay Dianne.

“What?!” Iritang tanong ni Dianne sakanya. Napansin ko namang nanghinayang si Travis kaya yumuko na lang ito at ipinikit ang mga mata. Bumuntong hininga siya. “Forget it. I don't care if you're together or not. But you,” Bumaling siya sa'kin. “Why do you always block my way? Pati sa lovestory namin ni Zent, humaharang ka. Nakakaasar ka, alam mo ba 'yon?!”

Natameme ako. Tengene, bakit ba linagyan mo pa ng kontrabida sa kwentong ito, ha, Nicholle?!

Nakakaasar ka, alam mo ba 'yon?! Ay, joke.

“Hi.. hindi naman ako humahara—,”

“Oh, shut up!” Pagpuputol niya sa sinasabi ko kaya halos mapatalon ako sa gulat. “Wala akong pakielam sa sasabihin mo! Humaharang ka pa rin sa'ming dalawa! Why can't you just leave us alone?!”

“Bakit naman?” Tanong ko. Shet, 'yun pa talaga ang naitanong ko.

Baka lalong mag-alab sa galit 'tong gag—

“Because we're destined for each other! I only want the two of us until the last chapter of this freaking story! So, 'wag ka ng haharang harang!” Tinuro turo pa ako ni evil witch. “Binabalaan kita!” Saad pa niya sabay alis.

Bakit ba nakaka-stress ang mga pangyayari ngayon?

Magre-retire na talaga ako bilang bida sa kwentong 'to! Daming problema, eh. Ayoko na talaga! Hmpf.

Nilingon ko si Travis na nakatameme lang sa tabi ko. Ni hindi pa nga niya nauubos 'yung burger na kinakain niya. Magsasalita na sana ako para tanungin siya kung bakit siya natameme ng gano'n nung kaharap niya si Dianne pero hindi ko na natuloy ito nang bigla siyang naglakad papunta sa basurahan at agad na itinapon ang burger rito.

Halos malaglag naman ang panga ko sa ginawa niya. “Hoy, nababaliw ka na ba?! Bakit mo naman tinapon 'yung pagkain sa basurahan?! Hindi ka ba marunong pahalagahan ang ginawa ng Diyos—,”

“Just, shut up!” Halos masuntok ko naman siya dahil sa gulat. Bakit ba siya naninigaw? Bakit ba siya galit na galit? “Shut up, okay? Shut.. up.”

Shut up mo mukha mo, puro ka na lang 'shut up'! Bakit ba hindi 'shut down'? Hehe.

“A.. ano bang problema?” Tanong ko.

Inangat niya ang tingin sa'kin at para bang magic na bigla na lang nawala ang inis niya sa mukha. Nagtaka tuloy ako. Ganoon ba talaga ako kaganda para kapag matignan lang ay mawawala agad ang galit?

Awiee, ganda ko talaga.

“Its..” Wat? WAT?! “..not for you to know, i'm sorry.”

WAT?! Waaaaaat?!

Umasa akong sasabihin niya kung bakit siya naiinis ng ganyan tapos ang ending umasa lang pala ako? Ang ending nga-nga?! Aba, nyeta. Ganyan na nga ang nangyayari sa'kin pagdating sa love, pati ba naman kay Travis mararanasan ko 'yun?

Aba, potaaa? Fite me?

Tinalikuran na niya ako at naglakad na siya palayo pero agad ko siyang hinabol at sinubukang sabayan sa paglalakad. “Hoy, galit ka ba sa'kin? Ihh, sorry na. Joke lang 'yon. Pero totoo rin naman 'yung sinabi ko, eh. Bawal naman talagang magtapon ng pagkain sa basura tapos itatapon mo? Bad 'yun! Magagalit si Lord—oh, goodness!”

Bago ko pa man matapos ang speech ko ay bigla na lang niya akong itinulak sa pader at ikinulong sa magkabila niyang braso. Bigla tuloy akong kinabahan.

Ehh, wait! Nabasa ko na 'to sa mga novels, eh!

Nakakakilig kaya kapag ginagan'to ni boy si girl tapos mas lalong nakakakilig nung bigla na lang siyang kiniss ni boy—wait, WTF?!

WAT?! Waaaaat?!

Hindi ako makatingin sa mga mata niya dahil sa bigla kong naisip. Seryoso ba talaga 'yun? Hahalikan ba talaga niya ako? No, no, no! Hindi pwede! Kailangang si Zent ang maging first kiss ko!

Hindi pwede 'to! Kailangan kong makaalis!

Sinubukan kong umalis sa pagkakaharang ni Travis sa'kin pero bigla na lang akong napatili nang bigla niyang i-bend 'yung braso niya dahilan para mas mapalapit pa 'yung mukha niya sa mukha ko.

Napapikit ako at sunod sunod na naiiling.

Bubugbogin talaga kitang hayop ka kapag ninakaw mo ang first kiss ko! Hindi ka talaga makakalagpas! Nakakaasar!

“Alam mo, ang cute mo.” Rinig kong bulong niya sa mukha ko. Shiyet, naramdaman ko pa 'yung hininga niya. Ang bango, bes! Pero hula ko mas mabango 'yung kay Zent, hehe. “Nung una kitang nakita, nagandahan na talaga ako sa'yo. Tapos inalam ko agad 'yung pangalan mo sa classmates natin. I was so happy that i knew your name. Your name was wonderful, Merlliah Kate de Capili. Pero siguro mas maganda pa 'yang pangalan mo kapag nilagyan natin ng surname ko.”

Nabigla ako sa sinabi niya kaya agad akong dumilat, pero sa pagdilat ko ay may malambot na dumikit sa labi ko na nakapagpahina sa tuhod ko.

Hindi ako makagalaw at hindi ko rin maipikit ang mga mata ko. Pero dahil sa nanghihina ako ay hindi ko na siya maitulak pa.

Kingina! Bakit ba niya ako hinahalikan?!

“Kate..”

Pero nang marinig ko ang boses niya ay nagkaroon uli ako ng lakas para itulak si Travis. Nanghihingal kami pareho ng maipaghiwalay ang mga labi namin. Nakatitig lang ako sa sahig at hindi ako makatingin ni kanino sa kanilang dalawa.

That kiss was supposed to be Zent's!

Nyeta, sa sobrang inis ko, napapa-english na rin ako.

Pero pinilit ko pa ring tignan siya kahit na naluluha na ko't lahat lahat. Hindi ko alam, OA ako, eh.

Bago ko pa man siya malapitan ay bigla na niya lang kaming tinalikuran at kumaripas ng takbo papalayo. Sinamaan ko ng tingin si Travis bago ko sinundan siya sinundan habang nagpipigil ng luha.

Zent..

----

End of Chapter 14.

----



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro