Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

Chapter 13 - Mission Accomplised.

Copyright © justcholleme

----

Nicholle: My precious Cha Eunwoo as Zent William on the multimedia. Baby kooo~! Sa'yo si Zent William, Em-Em. Akin si Eunwoo maylabs. HAHA. Wabyu.

----

Tahimik lang akong nakaupo sa gilid ng kama ni ate Tisay. Sa kwarto niya ako natulog ngayon dahil si Zent ang gumamit ng kwarto ko. Pero wala lang rin naman sa'kin 'yun, 'no. Okay na okay sa'kin kahit pa pakielaman niya mga gamit ko!

Hindi, joke lang.

Nabigla ako nang may kumalabit sa'kin mula sa likod. Nilingon ko si ate Tisay at tinaasan ng kilay. “Bakit ba?”

“Matulog ka na! Pangit ka. Tigilan mo na ang pag-isip diyan sa crush mo. Nasa kabilang kwarto lang siya, oh. O baka naman gusto mong pumunta doon at tabihan siya—,”

“Ate naman, eh!” Pagpuputol ko sa sinasabi niya sabay busangot.

Narinig ko siyang natawa. “Matulog ka na kasi! Para kang timang diyan. Sa sahig kaya kita patulugin?!”

Inirapan ko siya at akma na sanang hihiga sa tabi niya nang makaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Pinigilan kong hindi mapangiti. Chance mo na 'to para sulyapan ang crush mo sa sarili mong kwarto!

Lintek! Kinikilig ako.

“Ahh, ate.” Nagpipigil kong tawag sakanya. Nilingon naman niya ako ng magkasalubong ang kilay. “Cr muna ako. Babalik rin ako agad.”

Tumango lang siya kaya naman agad na akong tumayo at lumabas ng kwarto. Pero bago pa man ako makalabas ay narinig ko pang may sinabi sa'kin si ate Tisay na nagpangiti sa'kin.

“Siguraduhin mo lang na hindi mo susulyapan 'yang crush mo sa pagtulog. Baka mabuking ka.”

At dahil syempre totoo 'yung sinabi ko kaninang naji-jingle ako, dumeretso muna ako sa banyo. Inayos ko na rin ang buhok ko dahil sa hindi ko malaman laman ang dahilan. Hindi mo rin naman alam kung gising pa siya o hindi, bakit ka pa nagpapaganda, Merlliah Kate?

Na-adik ka na naman ba?

Napailing na lang ako at lumabas na ng banyo. Nag-ipon rin ako ng lakas ng loob para makalapit at makasilip sa pintuang medyo nakaawang.

Pero shit.

Agad akong napahawak sa bibig ko para mapigilan ang pagsigaw.

Hindi ako makapaniwalang nakikita ko 'to ngayon. Hindi ako makapaniwalang nakikita ko si Zent ngayon na walang damit pang-itaas habang yakap yakap pa ang hello kitty stuff toy ko. Nakaupo pa siya sa gilid ng kama na para bang ayaw pa niyang matulog.

Pero bakit niya yakap yakap 'yan?!

Shit lang, ang hot niya. Ang init, jusko! Help me naman, oh!

“Damn,” Wala sa sariling sambit ko.

Pero agad ko rin itong pinagsisihan nang umangat ang tingin niya at nagtama ang mga paningin namin. Mga 4 seconds rin kaming nagtitigan pero agad ko ring pinutol ito at isinara ang pinto.

Napahawak ako sa dibdib ko nang makatalikod ako.

Balak niya ba akong patayin, ha?!

O balak niya akong lagnatin?! Ayoko na.

Pumasok na ako sa loob at agad na humilata sa kama. Isinubsob ko ang mukha ko sa unan at napakagat labi para pigilan ang pagtili sa nakita. Baka magising ko pa si ate Tisay, batukan pa ko niyan.

Pero seriously, bakit gano'n?

BAKIT ANG INIT?!

----

Kinabukasan..

Third Person's POV.

Habang abala si Tisha (Tisay) sa pagluluto ng agahan ay nilingon niya si Zent na nakaupo lang sa sala habang nanunuod ng telebisyon. “Woi, ikaw. Ikaw si Zent 'di ba? 'Yung crush ng kapatid ko?”

Agad na napalingon rito si Zent at kumunot ang noo. “Crush?”

Tumango si Tisha. “Oo. Crush. Crush ka ni Merlliah. Hindi mo ba alam?” Natigilan ito nang marealize kung anong sinabi. Ngumiti ito sakanya. “Joke lang! Joke lang 'yung sinabi ko. 'Wag na 'wag mong sasabihin sakanya, bubugbogin ako nun. Pero binubugbog ko rin naman siya pabalik.”

Napailing na lang si Zent sa sinabi ng ate ni Merlliah.

Siya? Crush siya ni Kate? Imposible.

“Oo nga pala,” Pagsasalita na naman ni Tisha habang inilalagay niya ang pritong isda sa isang plato. “Paki-gising mo naman 'yung bruhang 'yun. Sabihin mo sakanya kapag hindi pa siya gumising, hindi ko siya papakainin. Salamat!”

Agad na nataranta si Zent dahil sa paki-usap sakanya ng ate nito. Pero agad rin naman siyang nagtaka kung bakit siya natataranta. Bakit nga ba siya natataranta?

Napailing na lang ito at pumunta na sa kwarto kung saan natutulog ang dalaga.

Pagkabukas ni Zent ng pinto ay agad na bumungad sakanya si Kate na mahimbing pang natutulog. Dumapo ang tingin nito sa mga hita nitong kitang kita ang pagkaputi dahil sa suot nitong short shorts. Nakataas rin ang damit nito dahilan para makita ang puson niya.

Nakatagilid pa ang ulo ng dalaga kaya naman nakita rin ang maputi niyang leeg.

Napalunok ang binata at napailing-iling, umaasang sana hindi na niya lang 'yon naisip tungkol sakanya. Bakit ba niya dine-describe ito? Oo, alam niyang maganda ang dalaga pero hindi niya ito type.

Hindi.

Lumapit siya rito at umupo sa tabi niya. Wala na naman siya sa sariling tinitigan ang mukha ng babaeng natutulog sa tabi niya na may hilik hilik pa. Agad niyang inayos ang damit nito para hindi na makita pa ang puson niya tapos bumalik uli sa pagtitig ng mukha niya.

Maganda talaga ang dalaga, at para siyang isang baby na natutulog ngayon sa kama.

He had to admit. She's so pretty.

Meron siyang nunal sa kaliwang ilalim ng labi niya na mas lalong magpaganda sa dalaga. Matangos rin ang ilong nito at mahahaba ang pilik mata.

Pero bago pa man mawala ang kaluluwa niya sa sarili niyang katawan ay umiwas siya ng tingin at napamura. “Damn,”

This is not good.

Bumalik ang tingin niya sa dalaga pero ngayon ay hindi na siya nagpapaapekto pa sa kagandahang taglay nito. Tinapik tapik niya ito sa pisngi hanggang sa magising. Nang makamulat na si Kate ay pinagmasdan niya muna ang lalaking nasa harapan niya ngayon.

She blinked twice. “Zent?”

Ilang segundo rin ang nakalipas nang marealize niyang hindi pala siya nananaginip kaya agad siyang umupo sa pagkakahiga sa kama at nanlalaking tinignan ang taong kinahahangaan niya ngayon na nasa harapan niya.

“Z-zent! Anong g-ginagawa mo dito? May balak ka bang rape-in ako?! Aba, hindi ako makakapayag!”

Napangiti siya sa sense of humor ng dalaga.

Masama bang isiping ibang iba siya sa mga ex ko?

Nginisian niya ito at umiwas ng tingin. “Re-rape-in ka na nga, ayaw pa.” Binalik niya ang tingin sa dalaga na nanlalaki pa rin ang mga mata ngayon. “Bakit? Ayaw mo bang magpa-rape sa isang napakagwapong katulad ko?”

Isa lang ang masasabi ng dalaga sa isip niya.

Kinikilig ako. Dalawa pala 'yon.

“Bastos ka na nga, ang hangin mo pa!” Sabi niya sa lalaki. She really didn't mean it, though. Gwapo naman talaga ang binata. At hindi na siya magdadalawang isip pang magpa-rape rito!

Handang handa daw siyang mabuntis. Kaso 'wag na lang. 'Wag ngayon. Highschool pa lang siya, eh.

“Ikaw talaga,” Nakangising sambit ng binata at ginulo ang buhok niya bago tumayo. “Nakapagluto na 'yung ate mo ng agahan. Kakain na tayo.”

Nang makalabas ng kwarto ang crush niya ay wala sa sarili itong napahawak sa buhok niyang ginulo ni Zent. Hindi na nito napigilan ang pagngiti kaya agad niyang kinuha ang unan at isinubsob rito ang mukha niya saka nagtititili.

Enebenemenyen!

MERLLIAH KATE'S POV.

Pangiti ngiti ako habang inililigpit ang pinagtulungan namin ni ate Tisay, also known as, kama niyang ginulo gulo ko. Pero mas lalo pang lumawak ang ngiti ko nang maalala ko na naman 'yung nangyari kanina.

Biglang nawala ang ngiti ko at napahawak sa magkabila kong pisngi.

Hindi naman siguro ako mukhang aswang nang makita niya akong natutulog, 'no? Maayos ayos naman ba ang itsura ko? Always naman akong maganda, 'di ba?

Napailing na lang ako at itinapos ang pagliligpit ng kama.

Pagkatapos ko namang iligpit ito ay agad akong nagtungo sa salamin at dinescribe ang sarili.

Ginulo gulo ko 'yung buhok ko para kunwari messy or morning hair look daw. Palagi ko kasing nababasa 'yan sa mga novels. Ang sexy pa nga daw, eh. Ma-try nga!

“Shet,” Pabulong kong sigaw. “Ang siksi mo, Merlliah. Hihe, idol na talaga kita.”

Agad kong dinukot ang lip balm ni ate sa make-up pouch niya na nakalagay sa ibabaw ng drawer at naglagay rin ako sa labi ko para hindi naman mukhang tuyot ito.

At para na rin pagkakita sa'kin ni crush, ma-tempt siyang halikan ako.

Hehe, 'di ba? Taas ng pangarap ko 'no?

Pagkatapos ng pagpapaganda ko ng halos five minutes ay confident na confident pa akong rumampa palabas ng kwarto ni ate Tisay.

Nagkunwari pa akong humikab nang makalabas ako.

Pampa-sexy daw 'yon, hehe. Ewan ko ba.

“Tangina, Meme?!” Sigaw ni ate Tisay nang makita niya ako. “Anong nangyari sa'yong hayop ka?! Naka-inom ka ba?! O baka naman suminghot ka ng coccaine?!”

Gusto ko sanang sigawan siya pabalik dahil sa masasakit na sinabi niya kaso lang nakatingin rin sa'kin si Zent kaya lumunok ako at pinigilang mapangiti.

“Bakit?” Pa-inosente ko pang tanong.

“Aba, jusko!” Sigaw pa ulit ni ate Tisay. “Maganda ka naman pala kapag nakalugay, ano? Palagi ka kasing nakatali kaya nag-over react ako. Ano sa tingin mo, Zent? Ang ganda ng kapatid ko 'no?”

Naramdaman kong biglang nag-init ang pisngi ko.

Futaines, ate ko ba talaga 'to?! First time niya akong i-reto sa nagugustuhan kong lalaki.

Nilingon ko si Zent. I was shookt nang makita ko siyang nakatitig sa'kin. Pinigilan ko talagang hindi mapangiti dahil sa reaksyon niya.

May crush rin kaya sa'kin si Zent tapos hindi niya lang inaamin?

Gano'n din kaya 'yung lovestory namin? Katulad ng ibang stories?

Umiwas siya ng tingin at tumango. “Yeah, she's cute.”

Mission accomplished, Merlliah Kate!

Nagandahan nga sa'yo si Zent. Dapat sa susunod halik na. Para happy!

“Magpakasal na nga kayo, tutal do'n din naman ang abot niyo, tangina!” Rinig ko pang sigaw ni ate Tisay.

----

End of Chapter 13.

----

Nicholle: Oh, update. HAHA. Ang lame, shet. Pasensya na, sisihin niyo 'yung abs ni Jungkook sa bago nilang MV. AHHHHH—

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro