Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

Chapter 11 - Kiligness sa park.

Copyright © justcholleme.

----

Nicholle: Merlliah's look for this chapter. Ang cute diba? Ganda talaga ng bebe ko.

----

S A T U R D A Y.

My saturday means boring day, and also, laba day. Bwiset!

“Oh 'nak. Ito pa ang lalabahan mo.” Napatigil ako sa pagkukusot ng mga nilalabhan ko nang may nilagay na naman si mama sa malaking planggana dahilan para tumalsik ang bula sa mukha ko. Napa-face palm tuloy ako. “Pag-igihan mo ang paglalaba, ha? I'm so proud of you, anak!”

Nang makaalis si mama ay pinigilan ko ang sarili kong kutusan ang sarili kong nanay. Piste, hindi na pala boring day ang tawag sa saturday ko.

Bwiset day na. BWISET!

Sa bawat pagkusot ko ng labahin ay mas lalo lang akong naiinis kaya padabog kong hinampas ito at bumuntong hininga. Sino naman ba ako para umangal sa mga ganitong gawaing bahay?

Kailangan ko rin naman ito para sa future life ko. Para kapag may sarili na akong pamilya kasama si Zent, edi may alam ako sa mga gawaing bahay diba?

Ay teka. May sinabi ba akong mali?

“Oh, what's up?” Inangat ko ang tingin ko at gano'n na lang ang pagkainis ko nang makita ko ang pagmumukha ng ate kong pangit na may ngisi sa labi. “Mukhang masaya ka sa ginagawa mo ngayon, ah? HAHAHA.”

Gustuhin ko mang bigwasan ang pamilya ko ay hindi ko na lang gagawin. Sayang naman 'yung lahi naming magaganda at gwapo. Baka walang abuting lola ganda, lolo pogi at tita panget ang magiging anak namin ni Zent.

Ehem. May sinabi na naman ba akong masama?

“Oo! Ang saya saya nga, eh. Try mo kaya?” Sarkastikong sabi ko sakanya tapos tinuloy na rin ang paglalaba.

“No thanks na lang, sis. Sige, bye bye.” Natatawa pa niyang sabi bago siya pumasok sa bahay. Bakit ba sobrang nakakainis ang araw na 'to?

Na-feng shui ba ako? AHH!

ZENT'S POV. (Uy, huwaw. May POV na din sa wakas. HAHA.)

I let out a sigh while laying down on my bed. Its saturday, at ito ang araw kung kailan bibisita si dad. And i had to admit, i never fucking wanted for him to visit us. Malaki ang problema ko sakanya at ayoko na siyang makita pa.

But for the sake of my little brother, titiisin ko muna lahat para naman maintindihan niya ding napakasamang tao ng kanyang ama.

Bigla akong napalingon sa pinto ng kwarto ko nang may biglang kumatok rito. “Kuya? Nandiyan ka ba? Pwede bang makipaglaro ka sa'kin ng basketball sa labas? Please?” I gulped when i heard Zian's voice.

“Not now, Zi.”

“But why, kuya? I want to play with you, again!” Pagmamatigas pa niya. Bumuntong hininga na lang ako at umupo sa pagkakahiga sa kama ko. Paano ko nga ba naman matatanggihan ang kapatid ko?

“Fine, fine. Hintayin mo na lang ako duon.” Sagot ko.

“Okay, kuya!” Sagot naman pabalik ni Zi. Nang marinig ko ang mga yabag niya papalayo sa kwarto ko ay sinuklay ko ang kamay ko sa buhok ko. As much as i want to decline his request, and just stay at my room all day long, hindi ko magawa.

Dahil alam kong once na lumabas ako ng kwartong 'to, makikita at makikita ko ang pagmumukha niya.

Napatiim bagang na lang ako habang nagbibihis. I just wore my sweatshirt at agad ring lumabas para puntahan si Zi sa court namin. On my way there, bigla akong nakita at tinawag ni mom kaya naman bumuntong hininga ako at napamulsa.

“What?” Iritadong tanong ko.

Nilapitan niya ako at nginitian. “Hindi ka pa nagb-breakfast. Take this sandwhich i made for you and eat it. Ayokong nalilipasan ka ng gutom, anak.” Inabot pa niya sa'kin ang isang sandwich na nakabalot sa isang plastik pero hindi ko man lang tinanggap ito at tinitigan lang.

Umiling ako. “No thanks. Mamaya na lang ako kakain.”

Akma na sana ako maglalakad papalabas nang bigla na naman siyang magsalita. “But, Zent. You have to eat—,”

“I said later.” Pagmamatigas ko.

Nang hindi na siya sumagot pa ay dumeretso na ako papunta sa court. Pagkarating ko naman duon ay nadatnan ko si Zi na naglalaro ng basketball mag-isa. I just watched him play hanggang sa mapansin niya ako.

“Kuya!” Masaya niyang bati sa'kin at nilapitan para ibigay ang bola. “Let's play.”

Ginulo ko na lang ang buhok niya saka kinuha ang bola sa kamay niya at sinimulang makipaglaro. Ilang saglit na rin ang nakakalipas nang marealize kong ako lang pala ang nakakashoot ng bola. Natawa ako habang sinusubukan pa ni Zi na magshoot sa ring.

Nang hindi naman niya nagawa ay mas lalo akong humalkhak.

“You're really bad at this.” I commented then smiled at him.

Sinimangutan niya ako. “Its just that you're tall and you can reach the ring. I'm just 13 years of age at hindi pa ako ganoong matangkad katulad mo. Kuya, help me to improve.”

Natawa ako at ginulong muli ang buhok niya. “Of course.”

“Can i join you guys?” Biglang nawala ang ngiti ko nang marinig ang boses na pinaka-ayokong marinig. Shit. I knew it. I knew this would happen. I shouldn't have left my room. I shouldn't have.

“Dad!” Masiglang tawag ni Zi sa kanyang ama at kumaripas ng takbo papunta rito.

Nilingon ko sila, at ganoon na lang ang pagkainis ko nang makita silang nagtatawanan na para bang wala silang ginagawang masama. Tangina. “Of course, dad. You can join us. Hindi ba, kuya Zent?”

Nang bumaling sa'kin ng tingin ang dalawa ay ikinuyom ko ang kamao ko. Sinulyapan ko pa siya ng masamang tingin bago ako umiling. “Hindi na ako sasali. Kayo na lang maglaro. Nawalan na ako ng gana.”

Akma na sana akong papasok sa loob ng bahay nang bigla niya akong tawagin. “Zent.. anak.”

Hindi ko na lang siya pinansin at dumeretso na lang sa loob at papunta sa kwarto ko. Narinig ko pang tinawag ako ni mom pero hindi ko na rin siya pinansin hanggang sa makapasok ako sa kwarto ko at makasandal sa pinto.

Hindi na dapat siya nandito. Hindi na naman namin siya kailangan.

I hate him. I really hate him. And i can't stand to stay here kapag nandiyan siya. So agad kong kinuha ang car keys ko, ang phone ko pati na rin ang wallet ko bago ako lumabas at dire-diretsong pumunta sa garahe para kunin ang kotse ko.

“Anak, saan ka pupunta?!” Rinig ko pang tanong ng lalaking 'yan.

Pero bago pa man ako makasakay sa kotse ko ay bigla ko na lang naramdaman ang isang kamay na humawak sa braso ko para pigilan ako sa pag-alis. Agad ko naman itong tinabig at nilingon. “Will you just stop?! Bakit ba galit na galit kang nandito ako?!”

Napasinghap ako at natawa. “Wow! So now you're asking me that question. Dad, hindi ba halata? I hate you. I fucking hate you to the point na naisip ko na lang na sana hindi na lang kita naging tatay!”

Hindi na ako nabigla nang bigla niya akong suntukin sa mukha dahilan para mapasandal ako sa kotse. “How dare you say that to your own father?! I am your dad!”

“Wala na akong pakielam pa kung tatay kita. You had your decision. You left us. So just leave me alone.” Seryoso kong sabi sakanya bago ako sumakay na sa kotse ko at nagdrive na lang papunta sa kung saan.

Habang nagd-drive ay itinigil ko muna ang sasakyan sa isang tabi para hayaang tumulo lahat ng luha ko. Tangina. Bakit pa ba ako umiiyak ngayon?! I'm done crying for that guy! Pero bakit ngayon, parang mas lalong masakit?

Nang nahimasmasan naman ako ay nagdrive ako papunta sa isang lugar na lagi kong pinupuntahan kapag may problema ako.

MERLLIAH'S POV.

“Ma, tapos ko na po 'yung labahin!” Masigla kong balita kay mama nang maisampay ko na ang huling bra at panty sa sampayan. Hindi akin 'yan. Kumaripas ako ng takbo papunta kay mama na nagka-kape ngayon at niyakap siya mula sa likod. “Ma, tapos ko na. Hihi.”

“Ah, tapos mo na ba?” Tanong sa'kin ni mama.
“Opo. Hihi.” Sagot ko naman.

Nilingon niya ako kaya naman mas lalong lumawak ang ngiti ko. “Oh, edi, maghugas ka naman ng plato.” Tapos bumaling uli sa iniinom niyang kape. Dahil sa sinabi niya ay biglang nawala ang ngiti ko at bumagsak ang balikat ko.

Tinanggal ko ang mga kamay kong nakayakap sakanya at umupo sa tabi niya. “Ma naman, eh. Bad ka.” Nakabusangot kong sabi.

Tinignan niya ako at tinawanan. “Bakit? Seryoso ako sa sinabi ko, anak. Maghugas ka ng plato.”

Binalingan ko ng tingin si ate Tisay na nakaupo ng pabaliktad sa sala habang nagc-cellphone. “Ma! Bakit hindi na lang si ate Tisay? Bakit siya, walang ginagawa? Ag daya naman nun!”

Tinignan ako ni ate Tisay at sinamaan ng tingin. “Wag mo kong idamay diyan, Meme.”

Nilakihan ko siya ng mga mata. “Hoy! Anong 'wag kitang idamay? Member ka rin ng gang na 'to, este pamilyang 'to kaya kailangan may gawin ka rin! Ang unfair!”

“Masakit tiyan ko, Meme. Nasusuka nga ako, eh.” Palusot niya nang ikinaismid ko. Binelatan niya ako at pagkatapos ay binalingan niya uli ang cellphone niya.

“Hoy, hindi kaya..” I gasped. “BUNTIS KA?!”

“SINONG BUNTIS?!” Napalingon kami sa pinto nang biglang pumasok rito si papa na nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa'min.

Dahil rin sa sinabi ko ay nahulog ng napabaliktad si ate Tisay kaya napadaing siya. “AHH! Ano bang pinagsasasabi mo, Meme?! Balak mo ba akong patayin sa gulat?! At anong sinabi mo?! Ako, buntis?! Pu—,”

“Buntis ka, anak?!” Hindi naman makapaniwalang tanong ni mama.

“Pati ba naman ikaw, ma?!” Sabi ni ate Tisay. Actually, hindi naman talaga ako naniniwalang buntis 'yang ate ko. Boyfriend nga, wala siya. Ano 'yun, one night stand? Nakikigaya sa possessive series? “Hindi nga ako buntis! Lintek ka talaga, Meme!”

“Ikaw na bata ka, ah. Hindi ka nakakatuwa. Hala sige, ikaw ang maghugas ng plato!” Utos sakanya ni papa. Pinigilan ko namang hindi matawa dahil sa nangyayari ngayon sa pamilya ko.

“Pero—!”

“Aangal ka o papalayasin kita dito sa bahay?” Pagbabanta pa sakanya ni papa kaya napalabi na lamang ito at napilitang pumunta sa lababo para maghugas ng plato.

Binalingan ko naman si mama at papa. “Ma, pa. Tutal nagawa ko na naman po ang pinautos niyo sa'kin, pwede po ba akong pumasyal sa labas?” Pagpapaalam ko sakanila with matching beautiful eyes pa.

“Sige.”

“Sige.”

Hindi ko na napigilan ang kasiyahan ko to the point na ginawa ko pa ang worm dance sa sahig. At dahil nagtaka si mama at papa sa kabaliwang ginawa ko ay tumayo na lang ako at hinalikan sila pisngi. “Thank you po! I love you so much talaga.”

“Ang daya!” Rinig ko pang sabi ni ate Tisay pero natawa na lang ako.

----

Pagkarating ko rito sa parke ay in-appreciate ko muna ang kaingayan niya. Kaingayan katulad ng mga tawa ng mga batang naghahabulan, at ang tunog ng bell na nagsasabing may nagbebenta ng icecream. Paminsan minsan rin ay pinupuntahan ko ito, kapag bored ako o kaya naman may problema ako.

Hindi pa rin pala nakakasawa.

Dahil sa pagkatakam ay agad akong pumunta sa nagtitinda ng icecream at bumili ng isa. Kahit ang pinakapaborito kong icecream na may halong cheese at ube flavor ay gustong gusto ko pa rin.

“Ma'am! Ikaw po pala 'yan. Buti pumunta uli kayo.” Bati sa'kin ni manong Boy. Oo, sa tagal ko nang nagpupunta rito ay pati nagtitinda ng icecream ay naging close ko na rin.

“Syempre naman manong. Favorite place ko kaya 'to.” Sagot ko naman sakanya.

“Nga pala ma'am, may ichi-chika ako sa'yo.” Sabi niya sa'kin. “Nakikita niyo 'yung lalaking nakaupo sa upuan duon? Kanina ko pa po siya nakikita diyan at mukhang umiiyak. Lapitan niyo po kaya?” Sinundan ko siya ng tingin at ganoon na lang ang pagkagulat ko nang makilala ko agad kung sino ang lalaking 'yun.

“Ay, jalibing walang panty!” Gulat na saad ko. “Si Zent?!”

“Kilala niyo ho siya, ma'am?” Rinig ko pang tanong ni manong. Awtomatiko naman akong napangiti habang kinakain pa rin ang icecream ko.

“Boyfriend ko ho siya, manong.” Sagot ko. “Lapitan ko lang ho.”

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni manong at agad agad akong lumapit sakanya at tinabihan siya sa pag-upo. Napangiti naman ako nang hindi pa niya nari-realize na nandito ako sa tabi niya. Itinuloy ko na lang ang pagkain ng icecream ko.

Pero bakit siya umiiyak? Anong problema?

Nang magkaroon ako ng lakas ng loob ay agad ko siyang kinalabit dahilan para matauhan siya at pinunasan ang mga luha niya bago siya lumingon sa'kin. Hindi na rin ako nagulat nang manlaki ang mga mata niyang namumulang makita ako.

“Y-you.”

Umismid ako. “Hindi mo na agad alam ang pangalan ko?” Tanong ko kasabay ng pagsubo ko ng huling cone ng icecream na binili ko. Grabe naman siya, nakalimutan agad ang name ko?

How cruel? T^T

“M-merlliah.”

“Buti naman at natandaan mo na ang pangalan k—ay jusmiyo!” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong hinila papalapit at agad na niyakap. Hindi na rin ako makagalaw nang isubsob niya ang mukha niya sa leeg ko dahilan para maramdaman ko ang hininga niya.

Napakagat labi ako para pigilan ang pagtili ko ng dahil sa kilig.

EEEEEEEEHHHHHHHH—

----

End of Chapter 11.

----

Nicholle: Jeskelerd.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro